Nagsusumikap akong mabuti upang mabayaran ang pag-aaral ng aking anak, umaasa na magkakaroon siya ng magandang kinabukasan. Subalit hindi siya nagsisikap sa kanyang pag-aaral. Sinubukan ko na ang lahat ng kaya ko para turuan siya, pero hindi pa rin siya naliliwanagan. Lubos akong nababalisa. Paano ko dapat ituring at turuan ang aking anak?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos lamang ang tanging Panginoon ng kapalaran ng tao, kaya imposible para sa tao na diktahan ang sarili niyang kapalaran at imposible para sa kanya na humakbang palayo rito. Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, hindi niya maaaring maimpluwensyahan—lalong hindi niya maisasaayos, maihahanda, makokontrol, o mababago—ang mga kapalaran ng iba. Ang mismong natatanging Diyos lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na may kapangyarihan sa ibabaw ng kapalaran ng tao; kung kaya’t tanging ang Lumikha ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kataas-taasang kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit maging sa mga di-nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapapabulaanang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Maliban sa pagsisilang at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay ang bigyan lang sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, sapagkat walang makaiimpluwensya sa kapalaran ng tao maliban sa itinadhana ng Lumikha. Walang sinuman ang makakakontrol sa uri ng magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay nauna nang naitadhana, at hindi mababago kahit na ng sariling mga magulang ang kapalaran ng isang tao. Kaugnay naman sa kapalaran, ang bawat isa ay nagsasarili, at bawat isa ay may sariling kapalaran. Kung kaya walang magulang ang makakapagpaiwas sa kapalaran sa buhay ng isang tao o makakaimpluwensya sa papel na gagampanan ng isang tao sa buhay. Maaaring sabihin na ang pamilya kung saan naitadhanang maisilang ang isang tao, at ang kapaligiran na kinalalakihan niya, ay mga paunang kondisyon lamang upang matupad niya ang sarili niyang misyon sa buhay. Hindi tinutukoy ng mga ito sa anumang paraan ang kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana kung saan ay matutupad ng isang tao ang kanyang misyon. Kung kaya’t walang magulang ang makakatulong sa kanyang anak na matupad ang misyon niya sa buhay, at gayundin, walang kaanak ninuman ang makakatulong sa kanya na akuin ang sarili niyang papel sa buhay. Kung paano isinasagawa ng isang tao ang sariling misyon at sa anong uri ng pamumuhay sa kapaligiran niya ginagampanan ang sarili niyang papel ay ganap na itinatadhana ng sariling kapalaran sa buhay. Sa madaling salita, walang iba pang patas na mga kondisyon ang makakaimpluwensya sa misyon ng isang tao na itinadhana ng Lumikha. Ang lahat ng tao ay nagkakahustong pag-iisip ayon sa kanilang sariling kinalakhang mga kapaligiran; pagkatapos, unti-unti, sa bawat hakbang, tumutungo sila sa kanilang sariling mga landas sa buhay at tinutupad ang mga tadhana na binalak para sa kanila ng Lumikha. Sa likas na paraan at nang hindi sinasadya ay pumapasok sila sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at inaako ang sarili nilang mga papel sa buhay, kung saan ay sinisimulan nila ang pagtupad sa kanilang mga katungkulan bilang mga nilalang para sa kapakanan ng pagtatadhana ng Lumikha, para sa kapakanan ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Ang lahat ng dumarating sa mundo ay may misyon; hindi dumarating nang basta-basta ang sinuman sa mundo, ni hindi pagkakamali ang pagkakasaayos nito. Ang pagdating ng bawat isa sa mundo ng mga tao, anuman ang kanilang pinag-aralan o ginagawa, ay upang ganapin nila ang kanilang tungkulin sa mundong ito. Anong tungkulin iyon? Ang kanilang tungkulin ay ang tapusin ang isang trabaho at ganapin ang ilang mga gawain sa mundong ito. Halimbawa, may dalawang taong nagpakasal at nagkaroon ng anak at ang tatlong taong ito ay bumubuo ng isang kumpletong pamilya. Ano ang layunin sa buhay ng ina sa pamilyang ito? Nabubuhay siya para makumpleto ang kanyang misyon at ang kanyang tungkulin bilang isang ina, at iyon ay ang alagaan ang kanyang anak at asawa at ang asikasuhin ang tahanan; ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Ano ang layunin sa buhay ng anak sa pamilya? Ano ang tungkuling ginagampanan ng anak? Sila ang mga supling ng pamilya na magpapatuloy sa pangalan nito; ginagampanan nila ang bahagi ng susunod na henerasyon sa pamilyang ito. Ang pagkakaroon ng anak ang nagpapatatag at bumubuo sa pamilya. Upang mabuo ang pamilya—ito ang unang tungkulin ng anak. Lalaki man o babae, mayroon silang misyon sa pamilya. Ang mga bai-baitang bang mga pagsasaayos para sa tadhana ng anak—kung ano ang magiging kapalaran nila, ano ang pag-aaralan nila sa lipunan, saan sila magtatrabaho, ang trabahong kanilang gagawin, ang tungkulin na kanilang gagampanan kapag pumasok sila sa bahay ng Diyos, ang kanilang mga natatanging kakayanan, at ano ang kanilang gagawin—ay hindi planadong lahat ng Diyos? May pagpipilian ba ang mismong anak? Simula sa sandaling ipinanganak sila sa kanilang pamilya, ang katotohanan ay wala silang anumang pagpipilian sa anumang yugto ng kanilang tadhana; lahat ng ito ay isinaayos ng Diyos. May katotohanan sa pahayag na “Ang lahat ay isinaayos ng Diyos,” at ito’y may kaugnayan sa layunin sa buhay ng mga tao. … Ang katotohanan, lahat ng tao ay pare-pareho. Nabubuhay sila alang-alang sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga kaayusan. Ang bawat tao ay parang isang piyesa sa larong chess. Kung saan ka inilalagay ng Diyos, saan ka napupunta, ano ang ginagawa mo at kung gaano ka katagal mananatili sa isang lugar ay pagsasaayos lahat ng Diyos. Kaya’t kung ang pagsasaayos ng Diyos ang pag-uusapan, para kanino nabubuhay ang sangkatauhan? Sa katotohanan, nabubuhay sila para sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at nabubuhay sila para sa Kanyang pamamahala; hindi sila mga panginoon ng kanilang mga sarili.
mula sa “Sa pamamagitan lamang ng Maayos na Pagganap sa Tungkulin ng Isang Nilalang Nagkakaroon ng Halaga ang Buhay ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang kapanganakan, paglaki, at pag-aasawa ay naghahatid na lahat ng iba’t ibang uri at antas ng kabiguan. May mga tao na di-nasisiyahan sa kanilang mga pamilya o sa kanilang pisikal na anyo; may mga tao na hindi gusto ang kanilang mga magulang; ang ilan ay nagdaramdam o may mga reklamo sa kapaligiran na kinalakihan nila. At sa lahat ng kabiguang ito, ang pag-aasawa ang pinakahindi kasiya-siya para sa karamihan ng mga tao. Kahit gaano pa di-kasiya-siya para sa isang tao ang kanyang kapanganakan, pag-abot sa hustong pag-iisip, o pag-aasawa, alam ng bawat isang dumaan na sa mga ito na hindi mapipili ng isang tao kung saan at kailan siya ipapanganak, ano ang hitsura niya, sino ang kanyang mga magulang, at sino ang kanyang kabiyak, ngunit tinatanggap lamang niya ang kalooban ng Langit. Subalit kapag dumating na ang panahon upang mag-aruga ang mga tao ng susunod na henerasyon, kanilang ipinapasa ang lahat ng kanilang di-natupad na mga pagnanais sa unang bahagi ng kanilang buhay sa kanilang mga inanak, umaasa na mababawi ng kanilang mga supling ang lahat ng kabiguan na naranasan nila sa unang bahagi ng kanilang mga buhay. Kung kaya ginagawa ng mga tao ang lahat ng uri ng pagpapantasya tungkol sa kanilang mga anak: na ang kanilang mga anak na babae ay magiging nakamamanghang mga dilag, na ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging makisig at maginoo; na ang kanilang mga anak na babae ay magkakaroon ng pinag-aralan at magkakaroon ng mga talento at ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging mga napakatalinong mag-aaral at nangungunang atleta; na ang kanilang mga anak na babae ay magiging magiliw, mabait, at matino, at ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging matalino, mahusay, at madaling makaramdam. Umaasa sila na mapababae o mapalalaki man ang kanilang anak, igagalang nito ang nakatatanda sa kanila, magiging maalalahanin sa kanilang mga magulang, mamahalin at pupurihin ng lahat…. Sa puntong ito, muling bumubukal ang pag-asa sa buhay, at nag-aalab ang mga bagong simbuyo sa puso ng mga tao. Alam ng mga tao na sila’y walang kapangyarihan at walang-pag-asa sa buhay na ito, na hindi na sila magkakaroon ng ibang pagkakataon o ng ibang pag-asa na mamukod-tangi sa iba, at wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang kanilang mga kapalaran. At kaya ipinapasa nila ang lahat ng kanilang pag-asa, ang kanilang di-natupad na mga ninanais at mithiin, sa susunod na henerasyon, umaasa na makakatulong sa kanila ang kanilang supling na makamit ang kanilang mga pangarap at matupad ang kanilang mga ninanais; na ang kanilang mga anak na babae at mga anak na lalaki ay magdadala ng karangalan sa pangalan ng pamilya, magiging importante, mayaman, o bantog. Sa madaling salita, nais nilang makita na pumapailanlang ang tagumpay ng kanilang mga anak. Ang mga plano at pantasya ng mga tao ay perpekto; hindi ba nila alam na ang bilang ng mga anak na mayroon sila, ang hitsura, mga kakayahan ng kanilang mga anak, at iba pa, ay hindi nila mapagpapasyahan, na ni kapiraso ng mga kapalaran ng kanilang mga anak ay wala sa kanilang mga palad? Ang mga tao ay hindi mga panginoon ng kanilang sariling kapalaran, subalit umaasa sila na mababago nila ang mga kapalaran ng mas nakababatang henerasyon; wala silang kapangyarihan na takasan ang kanilang sariling mga kapalaran, subalit sinusubukan nilang kontrolin ang kapalaran ng kanilang mga anak na babae’t lalaki. Hindi kaya nasosobrahan ang tiwala nila sa kanilang mga sarili? Hindi ba ito kahangalan at kamangmangan ng tao?
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Hinggil sa pagtrato sa mga bata: Inaasahan ng lahat ng magulang na makakatanggap ang kanilang mga anak ng mas mataas na edukasyon, at, balang araw, ay gagawa ng sarili nilang pangalan at magkakaroon ng tungkuling gagampanan sa lipunan, na may regular na suweldo at impluwensya. Ito lamang ay magbibigay karangalan na sa kanilang mga ninuno. Karaniwan sa lahat ang konseptong ito. “Maging dragon nawa ang aking anak na lalaki, at ibong phoenix ang aking anak na babae,” ayon nga sa kasabihan. Tama ba ang konseptong ito? Nais ng lahat na ang kanilang mga anak ay pumasok sa prestihiyosong unibersidad, na susundan ng post-gradweyt na pag-aaral. Naniniwala silang kapag nakakuha na sila ng kanilang digri, gagawa ang kanilang mga anak ng sarili nilang pangalan, dahil lahat ng mga tao, sa kanilang puso, ay sumasamba sa kaalaman. “Ang halaga ng iba pang mga hangarin ay maliit, ang pag-aaral ng mga aklat ay nakahihigit sa lahat,” ang paniniwala sila. Bukod dito, labis na mapagkumpitensya ang lipunan ngayon. Kapag walang degree, hindi makakakain—ganito mag-isip ang lahat ng tao, at ang pananaw na hawak nila—na parang bang digri lamang ang may kakayahang magpasya sa hinaharap at kabuhayan. Ito ang dahilan kung bakit ang mas mataas na edukasyon at pagkatanggap sa isang instituto ng mas mataas na pag-aaral ay ginagawang unang priyoridad ng bawat tao sa kanilang mga hinihingi sa kanilang mga anak. Sa realidad, ang mga edukasyong iyon na hinahangad ng mga tao, ang kaalamang nakukuha nila, at ang mga saloobin nilang iyon ay pawang salungat sa Diyos at sa katotohanan; sila ay kinamumuhian at isinusumpa Niya. Ano ang pananaw ng tao? Ito ay, kung walang kaalaman at edukasyon, walang binti para tumayo sa lipunang ito at sa mundong ito ang isang tao, at mas mababa siyang uri ng tao, walang halaga. Sa iyong mga mata, sinuman ang kulang sa kaalaman, sinuman ang walang kultura, o higit sa lahat ay hindi nakapag-aral, ay siyang taong minamaliit mo, at hinahamak, at itinuturing na walang halaga. Hindi ba ganito? Ang iyong pananaw at batayan ay parehong hindi tama. Pinalalaki ninyo ang inyong mga anak upang mag-aral at makakuha ng mas mataas na edukasyon upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan, subalit napag-isipan mo ba kung ilan sa mga lason ni Satanas ang maaaring naitanim ng edukasyong ito sa kanila sa oras na sila ay matapos? Ilan sa mga saloobin at teorya nito ang maitatanim sa iyong mga anak? Hindi iniisip ng mga tao ang mga bagay na ito; alam lamang nila na kung dumalo ang kanilang mga anak sa isang institusyon ng mas mataas na kaalaman, magtatagumpay sila at bibigyang karangalan ang kanilang mga ninuno. Bilang bunga, darating ang araw na uuwi ang iyong mga anak, at kakausapin mo sila ng paniniwala sa Diyos, at kasusuklaman nila ito. Kapag kinausap mo sila ng tungkol sa katotohanan, tatawagin ka nilang hangal, at pagtatawanan ka, at titingnan ang iyong mga salita na may paghamak. Pag dumating ang araw na iyon, mararamdaman mong pinili mo ang maling landas sa pagpapadala sa iyong mga anak sa gayong paaralan upang makatanggap ng gayong edukasyon, ngunit, sa panahong iyon, huli na ang lahat para sa pagsisisi. Sa sandaling ang mga saloobin at pananaw na iyon ay pumasok sa isang tao, at nag-ugat at nabuo sa loob nila, hindi na sila maaalis o mababago sa loob ng magdamag. Hindi mo mababaliktad ang ganoong kalagayan, o malulunasan ang mga saloobing iyon na mayroon sila ngayon, at hindi mo maaalis ang mga bagay sa kanilang mga saloobin at pananaw. Walang sinumang nagsasabing, “Ipadadala ko ang aking mga anak sa paaralan upang matutuhan lamang ang kanilang mga ABC at kung paano basahin at maunawaan ang mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, hahayaan ko silang pagtuonan ang paniniwala sa Diyos, at pag-aaralan din nila ang ilang kapaki-pakinabang na propesyon. Mas mabuting sila ay maging mga taong may mahusay na kakayahan at katauhan na kayang gampanan ang kanilang tungkulin sa bahay ng Diyos. Gayunpaman, kung hindi nila maisasagawa ang kanilang tungkulin, magkakaroon sila ng paraan upang matustusan ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya sa mundo, at sapat na iyon. Ang mahalaga ay ang makitang tinatanggap nila kung ano ang nagmumula sa Diyos sa Kanyang bahay, at hindi hinahayaang madungisan sila at madumihan ng lipunan.” Pagdating sa kanilang sariling mga anak, walang sinumang nagdadala sa kanila nang kusa sa harapan ng Diyos para sa tanging hangarin ng pagtanggap sa katotohanan ng Kanyang mga salita, ng pagkilos ayon sa katotohanan at mga hinihiling ng Diyos. Hindi nais ng mga taong gawin ito, at hindi sila mangangahas, kung hindi ay walang kabuhayan o hinaharap sa lipunan ang kanilang mga anak. Ano ang pinatutunayan ng pananaw na ito? Pinatutunayan nitong hindi interesado ang mga tao sa katotohanan at paniniwala sa Diyos. Wala silang pananampalataya sa Diyos, lalo na ang tunay na pananampalataya sa Kanya, at, sa kanilang mga puso, ang kanilang tinitingala at sinasamba ay nananatili ang mundong ito. Nararamdaman nilang, kung iiwan nila ang mundo, wala silang paraan upang mabuhay, samantalang, kung iiwan nila ang Diyos, maaari pa silang magkaroon ng pagkain, damit, at tirahan. Nararamdaman nilang, kung iiwanan nila ang kaalaman at edukasyon ng lipunan, tapos na sila kung gayon, isang parisukat na peg sa lipunan ng mga bilog na butas, at ang itapon at tanggalin ng lipunan ay nangangahulugang hindi sila mabubuhay. Kulang ang pananampalataya mo para sabihin na kung iiwan mo ang mundo at aasa sa Diyos, mabubuhay ka, bibigyan ka ng Diyos ng linya ng buhay na magbibigay-daan sa iyong mabuhay. Wala kang pag-unawa o lakas ng loob na sabihin ito. Ang mga salitang ito ay hindi upang hilingin sa iyo na tunay na isagawa ang gayon, ngunit upang sabihin na, bago mo isagawa ang gayon at tugunan ang mga usaping ito, ang gayong mga saloobin at pananaw ay nabuo na sa loob mo, at kinokontrol ang iyong bawat salita at gawa. Kaya nilang magpasya kung paano ka kikilos sa hinaharap, at kung paano mo hahawakan ang mga isyung ito.
mula sa “Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Bagamat iilan ang mga taong naniniwala sa Diyos, maaaring lumitaw na napaka-espirituwal sa panlabas na kaanyuan, ngunit patungkol sa mga pananaw at pag-uugali ng mga magulang sa mga anak at ng mga anak sa mga magulang, wala silang ideya kung papaano nila isabuhay ang aspetong ito ng katotohanan, pati na rin kung aling mga alituntunin ang dapat gamitin sa pagtrato at pagharap sa mga usaping ito. Sa mata ng isang magulang, ang magulang ay palaging isang magulang at ang anak ay palaging isang anak; dahil dito, ang pagsasama ng magulang at anak ay nagiging napakahirap iwasto. Sa totoo lang, sa maraming bagay, tumatanggi ang mga magulang na magpatinag sa kanilang katayuan bilang mga magulang. Palagi nilang nakikita ang sarili nila bilang mga nakatatanda, at iniisip nila na sa lahat ng panahon, ang mga anak ay dapat makinig sa kanilang mga magulang, at na ang katotohanang ito ay hindi magbabago. Ito ay humahantong sa patuloy na pagtutol ng kanilang mga anak. Nang dahil sa ganitong mga pananaw, nauuwi sa pagiging kahabag-habag, kawawa, at pagod ang magkabilaang panig. Hindi ba ito isang pagpapamalas ng hindi pag-unawa sa katotohanan? Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, palagi silang napipigilan ng katayuan. Paano sila hindi magdurusa bilang resulta nito? Kung gayon, sa ganitong mga kaso, paano maisasabuhay ang katotohanan? (Sa pamamagitan ng pagkalas sa iyong sarili.) Ano ang ibig sabihin ng pagkalas? Sa anong uri ng pananaw at pag-uugali mo dapat tratuhin ang usapin na ito upang tunay na kumalas? Talagang simple lamang ito. Dapat kang maging isang karaniwang tao at huwag magpapigil sa katayuan. Tratuhin mo ang iyong mga anak at ang ibang miyembro ng iyong pamilya tulad ng ginagawa mo sa mga ordinaryong kapatid na lalaki o babae. Bagamat mayroon kang responsibilidad at ugnayan ng laman sa kanila, gayunpaman, ang posisyon at pananaw na dapat ay mayroon ka sa kanila ay katulad dapat ng sa iyong mga kaibigan o ordinaryong mga kapatid na lalaki at babae. Talagang hindi ka dapat tumayo sa posisyon ng isang magulang at hindi dapat pigilan ang iyong mga anak, gapusin sila, o subukang kontrolin ang lahat ng tungkol sa kanila. Dapat mo silang tratuhin bilang mga kapantay mo. Dapat ay pahintulutan mo silang magkamali, magsabi ng mga maling bagay, gumawa ng mga pambata at pangmusmos na mga bagay, at gumawa ng mga kahangalan. Anuman ang mangyari, dapat kang umupo at kalmadong makipag-usap sa kanila, at hanapin ang katotohanan. Sa ganitong paraan, makikipag-usap ka sa kanila nang may tamang pag-uugali at malulutas ang problema.
mula sa Pagbabahagi ng Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.