Magkasama Kaming Muli ng Panginoon

Setyembre 11, 2020

Ni Li Lan, South Korea

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. … Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga banal na kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob rito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Naalala ko’ng pananalig ko dati dahil sa salitang ‘yon ng Makapangyarihang Diyos. Dahil kumapit ako sa mga relihiyosong pagkaunawa at salita sa Biblia, muntik ko nang pagsarhan ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Gumamit Siya ng mga kamangha-manghang paraan para marinig ko ang tinig Niya at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Isang araw, dalawang taon na’ng nakakaraan, maaga akong nagising at binuklat ko’ng Biblia. Nabasa ko yung tungkol sa pagsaway ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo: “At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang Aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan(Mateo 21:12–13). Medyo malungkot ako nung panahong ‘yon. Parang walang kaibahan yung kasalukuyang lagay ng iglesia sa lagay ng templo nung katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Yung mga pastor at elder sa iglesia, laging sinasabing dapat magmahalan ang mga mananampalataya, pero sila mismo, laging nasasangkot sa inggitan at pagtatalo tungkol sa mga handog. Nagpapasuhol pa nga sila kapalit ng panalangin, at kung minsan yung magiging haba ng panalangin nila, binabase sa laki ng nakuha nila. Karamihan sa mga miyembro ng iglesia, mahina, at pakonti nang pakonti ang dumadalo sa mga pulong. Hindi kasi mula sa puso ang sermon ng mga pastor at elder at ‘di nila alam pastulin ang kawan ng Panginoon, pero ‘di sila nagsasawang mangasiwa ng kasal ng mga mananampalataya. Dapat lugar ng pagpupuri ang isang simbahan, pero ngayon, naging lugar na ‘yon na pinagdadausan ng kasal. Naisip ko tuloy, “Naligaw ng landas ang mga pastor. Parang wala nang kaugnayan sa relihiyon ang iglesia. Parang yung dulo ng Kapanahunan ng Kautusan, naging lungga ng magnanakaw ang templo. Magpapakita ba’ng Panginoon sa ganitong uri ng iglesia pagbalik Niya?”

Biglang tumunog yung alarm ng cellphone ko habang iniisip ko ‘to, at nang i-off ko ‘yon, napansin ko yung video recommendation sa YouTube na nagmula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Talagang nalito ‘ko nang dahil do’n. Hindi naman ako kailanman nag-subscribe sa channel ng iglesiang ‘yon, kaya ba’t ako nagka-notification? Tapos naalala kong isang buwan bago ‘yon, isinama ako ng isang kaibigan na makinig ng sermon do’n, at yung narinig ko ro’n talagang bago at talaga namang nakakapaliwanag. Talagang may nakamit ako ro’n. Gusto kong ituloy ang pagsusuri ro’n, pero nagpatotoo sila na ang Panginoong Jesus daw ay nagbalik na at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw at nagpapahayag ng katotohanan, at puno ng salita ng Makapangyarihang Diyos yung librong Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sinabi nila na sa mga pagpupulong, binabasa nila’ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko talaga ‘yon maintindihan. Laging sinasabi sa’min ng mga pastor at elder na nasa Biblia’ng lahat ng salita at gawa ng Diyos, at ang lahat ng ‘yon ay hindi umiiral sa labas no’n. Pa’no sila nakakapagpatotoong bumigkas ng bagong salita ang Panginoon? Binase ng mga mananampalataya ang pananalig nila sa Biblia, kaya ang paniniwala sa Panginoon, paniniwala sa Biblia. Pa’no magiging paniniwala sa Panginoon ang ano pa man? ‘Pag niyayaya ‘ko ng kaibigan kong makinig ng sermon sa iglesia’ng ‘yon, tumatanggi ako. Kaya nung nakita ko sa phone ko yung link mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko na ‘yon tiningnan pa.

Pero nagulat ako, nung mga sumunod na araw, lagi akong nakakakuha ng mga YouTube recommendation para sa mga pelikula’t himno sa channel ng iglesiang ‘yon. Naisip ko, “’Di pa ‘ko nagsu-subscribe sa kanila, pero lagi na ‘kong may notification. Hindi kaya ginagabayan ako ng Panginoon? Kalooban Niya kayang tingnan ko’ng channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Sa naisip kong ‘yon, nagdasal ako sa Panginoon: “O Panginoon! Bakit laging lumilitaw sa cellphone ko ang mga video ng channel na ‘to? Ipinapatotoo nila na nagbalik Ka na. Totoo ba talaga ‘yon? Dapat ko ba ‘tong panoorin? Panginoon, gabayan Mo ako.” Matapos akong magdasal, naisip ko’ng mga salitang ito ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). Talaga ngang mahalaga’ng pagdating ng Panginoon, kaya naisip ko, ‘pag narinig ko ‘yon, dapat maghanap ako nang may kababaang-loob at siyasatin ‘yon, at maingat ‘yong pag-isipan para makita kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kung hindi ko ‘yon hinanap o siniyasat, at talaga ngang nagbalik na ang Panginoon, ‘di ba mapapalagpas ko ang pagkakataong salubungin Siya? Sa pag-iisip no’n, nagdesisyon akong panoorin ang ilan sa video ng iglesia. Nang tingnan ko ang website ng iglesiang ‘yon, nakita ko na sari-sari pala ang mga laman no’n, may mga pelikula, mga video ng himno, choral specials, at mga artikulo ng patotoo. Yung isa sa mga video ng himno na “Mahal Ko, Pakihintay Ako,” meron ‘yong lyrics na talagang nakaantig sa’kin. Naisip ko yung mga panahong nasa malungkot na iglesia ako, no’ng naghahanap ako ng isang iglesiang may gawain ng Banal na Espiritu. Habang mas tinitingnan ko’ng mga laman ng website, mas marami akong nakamit mula ro’n. Gusto kong maintindihan at suriin ang iglesia, kaya naghanap pa ako ng mas maraming mapapanood na pelikula sa website nila.

Isang araw, may pinanood akong isang gospel movie na tungkol sa relasyon sa pagitan ng Diyos at ng Biblia. Meron ako ro’ng ‘di malilimutang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang ang turing dito ay mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay. … Hindi lamang talaga nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos, o kaya ay paano maniwala sa Diyos, at wala silang ginagawa kundi pikit-matang maghanap ng mga pahiwatig upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi kailanman hinanap ng mga tao ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu; simula’t sapul, wala silang ginawa kundi desperadong pag-aralan at siyasatin ang Biblia, at walang sinumang nakahanap ng mas bagong gawain ng Banal na Espiritu na labas sa Biblia. Walang sinumang lumihis kahit minsan mula sa Biblia, ni nangahas na gawin ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Nang mapanood ko’ng parteng ‘to, naisip ko, “Gano’n nga mismo’ng saloobin ko pagdating sa Biblia. Kinakatawan no’n ang Panginoon, na paniniwala sa Kanya’ng paniniwala sa Biblia, at hindi mapaghihiwalay ang dalawang ‘yon. Pero ito’ng hindi ko maintindihan: Ang Biblia’ng patotoo ng Panginoon at pundasyon ng pananalig natin. Bilang mga Kristiyano, matagal na nating ‘binase sa Biblia’ng pananalig natin, kaya hindi ba talaga ‘yon ayon sa kalooban ng Panginoon? Ano ba talaga’ng nangyayari rito?”

Tinuloy ko’ng panonood sa pelikula, gusto kong masagot ang mga tanong ko. Yung tauhang nagbabahagi ng ebanghelyo, nagbasa ng isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala ang Biblia wala Ako, at kung wala Ako wala ang Biblia. Hindi nila binibigyang-pansin ang pag-iral o mga kilos Ko, kundi sa halip ay nag-uukol sila ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Mas marami ang naniniwala pa nga na hindi Ko dapat gawin ang anumang nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Banal na Kasulatan. Binibigyan nila ng sobrang pagpapahalaga ang Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa puntong ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging kaayon Ko o ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan, kundi ang daan ng pagiging kaayon ng mga salita ng Biblia, at naniniwala silang ang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagtatanging, hindi Ko gawain. Hindi ba’t ang ganitong mga tao ay ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ng Jesus ng panahong iyon, kundi masigasig na sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang sa puntong—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi pagiging ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang si Jesus. Ano ang diwa nila? Hindi ba’t na hindi nila hinangad ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi binibigyang pansin ang kalooban Ko o ang mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, kundi mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong nanalig sa Biblia. Sa diwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Matapos niyang basahin ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos, tinuloy nila’ng pagbabahagi. Sa iba raw, ang paniniwala sa Panginoon, paniniwala sa Biblia, kung hindi, hindi ‘yon pananalig sa Panginoon, pero isa ‘yong maling pananaw. Sabi rin nila, “No’ng gumagawa’t nangangaral ang Panginoong Jesus, humiwalay raw sa Kasulatan ang Kanyang mga tagasunod para tanggapin ang Kanyang gawai’t mga salita, kaya hindi ba sila talagang nananalig sa Panginoon? Ang mga Fariseo ng Hudaismo, kumapit sa mga Kasulatan, pero pinako nila’ng Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng pagtubos. Ano ang problema ro’n? Ang pagkapit ba sa Kasulatan nangangahulugang kilala Siya ng tao? Nangangahulugan ba ‘yong sumusunod sila sa landas ng Panginoon, na ‘ginagalang at nagpapasakop sila sa Kanya? Siya’ng Panginoon ng paglikha, ang pinagmumulan ng buhay ng lahat, samantalang ang Biblia isa lang talaan ng nakaraang gawain at mga salita ng Diyos. Papa’no ‘yon magiging kapantay ng Diyos? Bulag na naniniwala’ng mananampalataya sa Biblia’t tinuturing ‘yong kapantay ng Diyos, sa katunayan, pinapalitan nga nila’ng Panginoon at ang gawain Niya ng Biblia. Hindi ba paglapastangan ‘yon sa Panginoon? Ang kumakapit ba sa Biblia nang ‘di hinahanap ang pagpapakita ng Panginoon talagang mananampalataya o tagasunod Niya? Ito ang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo: ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Sinabi Niya rin na: ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ‘di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6). Napakalinaw ng Panginoong Jesus tungkol sa relasyon ng Diyos at ng Kasulatan. Nagpapatotoo lang sa Diyos ang mga Kasulatan—hindi ‘yon kumakatawan sa Panginoon, ni makakapalit sa gawain Niya ng pagliligtas. ‘Di magdadala sa’tin ng buhay na walang hanggan ang Biblia. Si Cristo lang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Kailangan nating hanapin ang Panginoon para magkamit ng buhay!”

Nang matapos ko yung pelikula, naantig ako. Tama ang lahat ng sinabi no’n at ayon sa salita ng Panginoong Jesus. Natanto kong ‘di talaga kinakatawan ng Biblia’ng Panginoon. Siya’ng nagtutustos sa’tin ng buhay, hindi ang Biblia. ‘Di pareho ang paniniwala ro’n at ang pagsunod sa Panginoon! Pero lagi kong inakala na kinatawan Siya ng Biblia. ‘Di ba naituring ko’ng Bibliang mas mataas sa Kanya? Nang mas inisip ko ‘yon, lalo kong naramdamang may katotohanan ang salita Niya, na malulutas no’n ang kalituhan ko. Kailangan kong mas seryosong magsiyasat para ‘di ko mapalagpas ang pagsalubong sa Kanya. Nagpasya akong bumalik sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kasama’ng kaibigan ko. Pagdating namin sa iglesia, mainit kaming tinanggap ng lahat ng mga kapatid at talagang matiyaga na nagbahagi sa’min. ‘Pinaliwanag ko sa kanila’ng pagkalito ko: “Laging sinasabi ng mga pastor at elder sa mga pagtitipon na nasa Biblia’ng lahat ng salita at gawain ng Diyos, kaya anumang nasa labas no’n, ‘di pwedeng maglaman ng gawa’t salita Niya. Pero sumasaksi kayong nagbalik na’ng Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos at gumagawa Siya ng bagong gawain at nagpapahayag ng mga bagong salita. Ano ba talaga ang nangyayari?”

Bilang sagot, nagbasa si Sister Zhou ng sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magbigay-kahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa tunay na daan—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4). “Ang mga naitala sa Biblia ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1). “Sa panahong iyon, nagbigay lamang ng sunud-sunod na sermon si Jesus sa Kanyang mga disipulo sa Kapanahunan ng Biyaya tungkol sa mga paksa kung paano magsagawa, paano magtipun-tipon, paano magmakaawa sa panalangin, paano tratuhin ang iba, at iba pa. Ang gawaing Kanyang isinagawa ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at ipinaliwanag lamang Niya kung paano nararapat magsagawa ang mga disipulo at yaong mga sumunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at wala Siyang ginawa sa gawain ng mga huling araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawat isang kapanahunan ay may malilinaw na hangganan; ginagawa lamang Niya ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan, at hindi Niya isinasakatuparan nang maaga ang sumunod na yugto ng gawain kailanman. Sa ganitong paraan lamang maisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawat kapanahunan. Nagsalita lamang si Jesus tungkol sa mga tanda ng huling mga araw, paano maging mapagpasensya at paano maligtas, paano magsisi at mangumpisal, at kung paano magpasan ng krus at magtiis ng hirap; hindi Niya kailanman binanggit kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw, ni kung paano niya dapat hangaring palugurin ang kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba katawa-tawang saliksikin ang Biblia para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang makikita mo sa paghawak lamang nang mahigpit sa Biblia? Isa mang tagapaglahad ng Biblia o isang mangangaral, sino ang makakakita nang maaga sa gawain ngayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). “Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sinundan ng mga Israelita ang landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. … Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. … Sino ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon bago ito maganap, nang walang makakaligtaan? Sino ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan at mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro na iyon? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Sa ganitong paraan ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa ganitong paraan ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Nagpatuloy si Sister Zhou matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi niya, “Alam ng lahat na pamilyar sa Biblia na ang Luma at Bagong Tipan ay talaan lang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya. Patotoo ‘yon sa gawain ng Diyos. Tuwing nakakakumpleto Siya ng yugto ng gawain, yung mga taong nakaranas no’n, itinala ang mga gawa at mga salita Niya, at kalaunan, tinipon ang mga talaang ito sa Biblia. Pero ang gawain at mga salita ng Diyos sa parehong kapanahunang ‘yon ay hindi lubos na itinala sa Biblia. Napakaliit na bahagi lang ang mga salita Niya sa Biblia. Gaya ng sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan: ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin(Juan 21:25). May mga propesiya sa Kapanahunan ng Kautusan na ‘di lubos na itinala sa mga Kasulatan. Karaniwang kaalaman na ‘to. Kaya ‘pag sinasabi ng mga pastor na nasa Biblia’ng lahat ng salita ng Diyos, at walang gawain at salita Niya ang umiiral sa labas no’n, ‘di ba sinasalungat no’n ang katotohanan? ‘Di ba nagsisinungaling sila’t nanlilinlang? Diyos ang Panginoon ng paglikha. Napakadakila Niya’t sagana, pa’nong ang isang aklat, ang Biblia’y lubos na mailalaman ang gawa’t salita Niya?” Nagbasa siya mula sa Aklat ng Pahayag: “At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak(Pahayag 5:1). “At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito(Pahayag 5:5). Ibinahagi niyang “May nasusulat sa loob at labas ng aklat, kaso meron ‘yong pitong tatak, at ang nagbalik lang na Panginoon ng mga huling araw ang makakapagbukas ng aklat. ‘Yon lang ang paraan para makita natin ang laman ng aklat. Prinopesiya rin sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag mga Kapitulo 2–3). Pinatutunayan ng mga propesiyang ito na bibigkas ang Panginoon ng mas maraming salita sa pagbabalik Niya. Kaya talaga bang maitatala nang maaga sa Biblia’ng gawa’t salita ng nagbalik na Panginoon? Ang salita ba ng Diyos sa Biblia pwedeng pumalit sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia? Mapapalitan ba no’n ang aklat na binuksan ng Cordero? Mapapalitan ba no’n ang gawain Niya ng paghatol sa mga huling araw?” Nang marinig ko ‘to, naisip ko sa sarili ko, “Nabasa ko na ang mga bersikulong ‘to. Bakit hindi man lang sumagi sa’kin ang mga tanong na ‘to?” ‘Tinuloy ni sister ang pagbabahagi: “Ang Biblia’y isang talaan ng nakalipas na gawain ng Diyos. Maraming taon matapos magawa ang Lumang Tipan, dumating ang Panginoong Jesus at nagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya kusa bang ‘siningit ng mga gawa’t salita Niya’ng sarili nila sa Kasulatan? Kinailangang tipunin ang mga gawa’t salita ng Diyos at gawin ‘yon bilang ang Biblia. Dumating na’ng Makapangyarihang Diyos at nagpahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Pwede bang kusang sumingit ang katotohanan sa Biblia? Kaya yung pagsasabing nakatala sa Biblia ang lahat ng gawa’t mga salita ng Diyos, at wala sa mga ‘yon ang nasa labas no’n, ay isang mali, at katawa-tawang pananaw, at resulta ‘yon ng pagkaunawa’t haka-haka ng tao.”

Talagang naliwanagan ako sa pagbabahagi ni Sister Zhou. Ramdam kong naaayon sa katotohanan ang ‘binahagi niya. Talaan lang ang Biblia ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos: Ang Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya. Patotoo ‘yon sa gawain Niya, pero ‘di ‘yon pwedeng kumatawan sa Panginoon o sa gawa’t salita Niya sa mga huling araw. Ang gawa’t salita ng Panginoong Jesus, hindi ganap na itinala sa Biblia, kaya pa’no maitatala sa Biblia nang mas maaga ang mga gawa at salita ng Diyos sa mga huling araw? Sinunod ko’ng sinabi ng mga pastor, nilimitahan ko’ng gawa’t salita ng Diyos sa kung ano’ng nasa Biblia, at naniwalang walang anuman sa labas no’n ang nagmula sa Diyos. Hindi ba kalokohan lang ang pinagsasabi ko? Hindi ba nilimitahan at nilapastangan ko’ng Panginoon? Napuno ako no’n ng pagsisisi. Ba’t ‘di ko agad nabasa’ng salita ng Makapangyarihang Diyos? ‘Di talaga ‘ko dapat sumunod sa mga pastor, nilimitahan ang gawa ng Diyos base sa haka-haka. Mapaminsala’ng ganitong pananaw.

May isa pang puntong sinabi si Sister Zhou: Ba’t ang paninindigan lang sa Biblia nang ‘di tinatanggap ang gawa’t salita ng Diyos ay nangangahulugang ‘di magkakamit ang tao ng buhay na walang hanggan? Sabi niya, “Talaan lang ang Biblia ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Hindi ‘yon makakapalit sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa Kapanahunan ng Kautusan, pangunahing gawain ng Diyos ang ihayag ang batas at kautusan para gabayan ang tao sa lupa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, gawain ng pagtubos lang ang ginawa ng Panginoong Jesus. ‘Pinako Siya sa krus para tubusin ang sangkatauhan mula sa saklaw ni Satanas, tubusin tayo sa kasalanan natin, at gawin tayong angkop na magdasal sa Diyos para matamasa natin ang lahat ng biyaya Niya. Pero ‘di nalutas ang makasalanan nating kalikasan at ugat ng kasalanan natin. Kaya patuloy pa rin tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos, at ‘di tayo dapat pumasok sa kaharian Niya. Kaya ‘hinula ng Panginoong Jesus na babalik Siya at magpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw para hatulan at iligtas ang tao. Sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Sinasabi rin do’n, ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Ang pagdating ng Makapangyarihang Diyos para maghayag ng katotohana’t gawin ang gawain ng paghatol ang tumutupad sa hula ng Panginoong Jesus. Maraming salita ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at tinatalakay ng mga ‘yon ang lahat. Hinayag ang mga hiwaga ng Biblia, may hula sa hinaharap ng kaharian, yung iba tungkol sa destinasyon ng sangkatauhan, at yung iba sumuri sa pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos. Malinaw ding ibinunyag ng Diyos ang mga katotohanang kailangan ng mga tao upang magkamit ng ganap na kaligtasan. Kasama ro’n ang kwento ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang tao, hiwaga ng gawain Niya ng paghatol, at hiwaga ng pagkakatawang-tao Niya. ‘Nilalantad Niya kung pa’no tinitiwali ni Satanas ang tao, pa’no gumagawa ang Diyos para iligtas ang tao, ang diwa’t katotohanan ng pagtitiwali ni Satanas sa tao, ano ang tunay na pananalig, at pagmamahal sa Diyos, pa’no isabuhay ang makabuluhang buhay, at iba pa. Ang mga katotohanang ‘pinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay landas ng buhay na walang hanggang binibigay Niya. Kung kakapit lang tayo sa Biblia na ‘di tinatanggap ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ‘di natin makakamit ang katotohanan, maliligtas, at makakapasok sa kaharian ng langit.”

Ang pagbabahagi ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpakita sa’king ang gawain ng paghatol Niya ang tumutupad sa mga propesiya sa Biblia. Ang mga salita Niya’ng katotohanan, ‘yon ang tinig ng Diyos, at ‘yon ang daan ng buhay na walang hanggang binibigay Niya sa mga huling araw! Akala ko limitado sa Biblia’ng mga gawa’t salita Niya dahil nakinig ako sa mga pastor at kumapit sa relihiyosong pagkaunawa. ‘Di ko hinanap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. ‘Di ko nakamit ang pagtustos ng salita Niya’t nahulog ako sa kadiliman. Kung wala ang awa ng Diyos at ang pagrerekomenda ng YouTube sa video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagtulot sa’king marinig ang tinig Niya, sinusunod ko pa rin ang mga pastor at elder, at ‘di ko masisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung gano’n, isandaang taon ko mang basahin ang Biblia, ‘di ko Siya masasalubong sa pagbabalik Niya. Nakita kong dahil sa patnubay ng Diyos kaya nakamit ko ang kaligtasan Niya sa mga huling araw. Ito ang kamangha-manghang kaligtasan Niya!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...