Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong Buhay

Abril 30, 2020

Ni Zhui Qiu, Malaysia

Ako’y isang beautician at ang asawa ko ay isang magsasaka; nagkakilala kami sa Malaysia sa isang okasyon ng pagbabatuhan ng orange o kahel, isang tradisyunal na gawain para sa kababaihan na naghahanap ng pag-ibig. Ang aming kasal, na sinaksihan ng isang pastor, ay ginanap sa isang iglesia makalipas ang isang taon. Labis akong naantig ng panalangin ng pastor para sa pagsasama naming mag-asawa at kahit hindi ako relihiyoso, tahimik akong sumamo sa Diyos: “Sana ay mahalin ako nang tapat ng lalaking ito at alagaan ako, at maging kasama ko habang ako’y nabubuhay.”

Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong Buhay

Matapos simulan ang buhay may-asawa, ang mga di-pagkakasundo sa pagitan naming mag-asawa ay isa-isang lumitaw. Aalis siya sa bahay nang alas 4:00 ng umaga para magbenta ng mga gulay at babalik makalipas ang alas 7 ng gabi, nguni’t lampas alas 10 ng gabi na ako nakakalabas sa trabaho. Kakaunti lamang ang oras na magkasama kami. Sa tuwina ay hinihila ko ang pagod kong katawan pauwi, labis akong umaasa na makaranas ng paglingap, pangangalaga, at pag-unawa ng aking asawa; gusto ko sanang kumustahin niya ang naging trabaho ko sa maghapon, kung naging masaya ba ako o hindi. Nguni’t sa pagkadismaya ko, halos sa tuwing uuwi ako mula sa trabaho, kung hindi siya nanonood ng TV ay abala siya sa kanyang telepono, at kung minsan ni hindi man lamang niya ako batiin. Iyon bang parang wala ako roon. Dahil dito ay naging malayo ang loob ko at unti-unti akong nawalan ng gana sa aking asawa.

Minsan ay nagkaroon ako ng pakikipagtalo sa isang kostumer at talagang nainis ako at mali ang ginawa nito. Nang makauwi ako sa bahay sinabi ko sa asawa ko ang sama-ng-loob ko tungkol dito na umaasang aaluin niya ako, pero nagulat ako na habang naglalaro siya sa kanyang telepono ay halos hindi man niya ako tiningnan, halos hindi ako pinansin. Pagkatapos ay tumúngó na siya at binalikan ang kanyang telepono. Ang kanyang lubusang kawalan ng malasakit sa akin ay talagang nakakagalit, kaya’t lumapit ako sa kanya at sumigaw, “Bato ka ba? Ni hindi ka makausap kahit saglit? May malasakit ka ba sa kahit kanino?” Nakikitang galit na galit ako, hindi siya sumagot. Mas lalo siyang tumatahimik, lalong nadaragdagan ang galit ko. Lalo ko pa siyang binungangaan, talagang determinadong papagsalitain siya ng kahit ano. Hindi inaasahan, bigla niya rin akong sinigawan, “Hindi pa ba sapat ang sinabi mo?” Lalo akong nakadama ng galit dahil dito, at lalo pang nasalíng, kaya’t nagpatuloy ako sa pangangatwiran sa kanya. Sa huli, hindi na lamang siya nagsalita ng anuman, kaya’t natapos na ang aming pagtatalo. May isa pang pagkakataon na nagreklamo ako sa asawa ko tungkol sa isang bagay na ikinagalit ko sa trabaho, iniisip na sisikapin niyang umayos ang pakiramdam ko, pero sa halip ay pabáláng siyang sumagot, malamig na parang yelo, “Kailangan ng dalawang tao para makapagsayaw ng tango. Ang nakikita mo lang ay ang mga problema ng ibang tao—bakit hindi mo tingnan ang sarili mo?” Biglang sumiklab ang galit ko at hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ang nasa isip ko. Puno ng galit, naisip ko, “Anong klaseng tao siya? Bakit ako nagpakasal sa isang taong katulad niya? Talagang wala siyang konsiderasyon sa damdamin ko—wala siyang masabi ni isang salita para panatagin ang kalooban ko!” Mula noon halos lubusan na akong tumigil sa pagsasabi sa kanya ng nangyari sa akin sa trabaho. Dumating ang punto na sinubukan niyang tanungin ako tungkol sa aking trabaho, pero hindi ko nadama na dapat ko siyang pansinin. Unti-unti siyang tumigil sa pagtatanong sa akin tungkol sa kahit anong bagay. Umunti nang umunti ang mga karaniwang paksang mapag-uusapan namin at sa tuwing may nangyayaring nakakadismaya naghahanap na lang ako ng isang kaibigan na makikinig sa akin. Kung minsan nagpapagabi ako sa labas na nakikipag-usap kahit kanino at hindi uuwi hanggang makalipas ang hatinggabi. Kahit kapag gabing-gabi na akong nakauwi, parang wala pa rin siyang pakialam at sinasabi lamang na ginagawa kong parang hotel ang aming tahanan. Pakiramdam ko’y talagang balewala ako, at nawalan na ako nang nawalan ng gana sa aking asawa, na nauwi sa madalas naming pagtatalo kahit sa maliliit na bagay. Kapwa kami nagdurusa. Hindi ko na gustong magpatuloy nang gayon ang mga bagay-bagay, kaya nagpasiya akong maghanap ng pagkakataon na makausap siya nang masinsinan.

Isang araw pagkatapos maghapunan, tinanong ko siya, “Talagang hindi mo ako matagalan, ano? Bakit hindi mo ako pinapansin man lang? Kung may problema ka sa akin, diretsahin mo lang ako.” Nang hindi siya sumagot, lalo ko siyang kinulit. Nakakagulat na sinigawan niya ako na inis-na-inis, “Tumigil ka nga sa katatanong sa akin! Lahat na lang problema sa iyo—sawang-sawa na ako!” Ang gayong uri ng tugon mula sa kanya ay lalo kong ikinagalit, at nagsimula na naman kaming magtalo, na tinutuligsa ang isa’t isa. Medyo nagtagal ito hanggang sa tumayo siya at itinulak ako; nawalan ako ng panimbang at bumagsak sa sopa. Ang makitang pagbuhatan ako ng kamay ng asawa ko ay talagang napakasakit. Naisip ko, “Ito ba ang asawang buong-ingat na pinili ko? Ito ba ang pag-aasawa na pinakaasam ko? Paano niya nagawang tratuhin ako sa ganitong paraan?” Mula nang sandaling iyon hindi na ako umasa pa sa kanya.

Noong Abril 2016, sa hindi inaasahang pagkakataon, ibinahagi sa akin ng isang kapatid-na-babae ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Sinabi niya na mahal kami ng Panginoon at ipinako Siya sa krus para iligtas kami. Talagang naantig ako ng Kanyang pagmamahal, at dahil dito ay tinanggap ko ang ebanghelyo ng Panginoon. Nang kausapin ko kalaunan ang aking pastor tungkol sa mga problema naming mag-asawa, sinabi niya sa akin, “Hindi natin mababago ang sinuman maliban na baguhin muna natin ang ating sarili. Dapat nating sundan ang halimbawa ng Panginoong Jesus at magpakita ng pagpaparaya at pasensya sa ibang tao.” Kaya’t sinimulan kong sikaping baguhin ang aking sarili. Agad akong umuuwi pagkalabas ko sa trabaho at naglilinis ng bahay, at kung minsan kapag hindi ako pinansin ng asawa ko at halos magagalit na ako, magdarasal ako sa Panginoon, hinihiling sa Kanya na pagkalooban ako ng pagpaparaya at pasensya. Sa mga panahon na hindi ko makontrol ang sarili ko at nakikipagtalo sa asawa ko, pagkatapos niyon ay sinisikap kong unang magkusa na ayusin ang lahat. Nakikita ang mga pagbabago sa sarili ko, ang asawa ko ay nagsimula ring maniwala sa Panginoon. Nang kapwa na kami mananampalataya, mas madalang na kaming magtalo at mas nag-uusap na. Napuspos ako ng pasasalamat sa Panginoon matapos makita ang Kanyang personal na pagliligtas sa amin.

Nguni’t lumipas pa ang panahon, at nanatiling hindi pa rin namin makontrol ang aming kani-kanyang mood. Kung minsan ay bigla na lang magkakaroon ng mga pagtatalo sa tahanan, at lalo na kapag hindi maganda ang mood ng isa sa amin, wala ni isa sa amin ang nakakapagparaya at nakakapagpasensya, kaya bilang bunga lalong tumindi ang aming mga pag-aaway. Nabibigatan sa pasakit ang puso ko pagkakatapos ng bawa’t argumento, at magdarasal ako sa Panginoon, “Panginoon, tinuturuan Mo kaming maging mapagparaya at mapagpasensya, pero parang hindi ko kayang gawin iyon. Kapag nakikita kong ginagawa ng asawa ko ang isang bagay na hindi ko gusto talagang naiinis ako sa kanya. Panginoon, ano po ang dapat kong gawin?” Kalaunan nagsimula akong dumalo sa bawa’t klase na inorganisa ng iglesia umaasang makakakita ng isang landas ng pagsasagawa, nguni’t hindi ko nakuha ang inaasahan ko mula rito. Humingi ako ng tulong mula sa lider ng aming grupo, na ang sinabi lang ay, “Madalas din kaming magtalo ng asawa ko. Kahit si Pablo ay nagsabing, ‘Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala’ (Roma 7:18). Wala ni isang may solusyon sa problemang kinakaharap natin na paulit-ulit na palagiang pagkakasala at pagkukumpisal. Ang magagawa lang natin ay magdasal sa Panginoon at hingin ang Kanyang awa.” Pagkarinig ko sa kanyang sinasabi ay parang hindi ko alam ang gagawin: Maaari kayang habambuhay na kaming palaging nagtatalo?

Noong Marso 2017, ang asawa ko, na noon pa ma’y hindi na masalita, ay biglang naging mahusay sa pakikipag-usap. Dagdag pa malimit siyang nagbabahagi sa akin tungkol sa kanyang pagkaunawa sa mga banal na kasulatan, at ang lalong ikinamangha ko pa ay talagang puno ng liwanag ang sinasabi niya sa pagbabahagi. Naging palaisipan ito sa akin; para bang bigla siyang naging ibang tao, at ang mga bagay na sinasabi niya ay talagang puno ng pagkakita. Gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyayari. Isang araw hindi-sinasadyang natuklasan ko na miyembro siya ng isang grupo sa isang social media app, at kaagad ko siyang tinanong kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Taglay ang seryosong tingin sa kanyang mukha, sinabi niya sa akin na kinokonsidera niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos. Sinabi niya na milyun-milyon na ang mga salitang nabigkas ng Makapangyarihang Diyos at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng sangkatauhan sa mga huling araw. Sinabi rin niya na iyon ang katuparan ng propesiyang ito sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Sinabi sa akin ng asawa ko na kapag hinahanap natin ang pagpapakita at gawain ng Diyos, kailangan tayong magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos sa halip na parang-bulag na nakakapit sa ating mga paniwala at imahinasyon. Kung hindi natin hinahanap ang katotohanan bagkus ay hinihintay na lamang ang pagbubunyag ng Diyos, hindi natin magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Nagulat ako nang marinig ko ito at tila hindi ito kapani-paniwala. Naisip ko kalaunan na minsan ay narinig kong nagsabi ang isang Indianong pastor na kung may maririnig tayong anuman tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maghanap nang may bukas na puso at siyasatin ito nang buong sigasig; hindi tayo maaring umasa sa ating mga paniwala at imahinasyon at basta na lamang humatol. Kaya’t umusal ako ng panalangin sa Panginoon: “Panginoon, kung tunay po na ang Makapangyarihang Diyos ang Iyong pagbabalik, nawa po’y akayin at gabayan Mo ako nang sa gayon ay mahahanap ko ang katotohanan at masiyasat ito nang may bukas na puso. Kung hindi, nawa’y protektahan Mo ang aking puso upang hindi ako mapalayo sa Iyo. Amen!”

Binuksan ko ang Biblia pagkatapos ng panalanging ito at nakita ko ito sa Pahayag 3:20: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Bigla akong nagkaroon ng saglit na inspirasyon at nadama na iyon ang Panginoon na nangungusap sa akin, nagsasabi sa akin na kapag nagbalik Siya, Siya ay tutuktok sa aking pintuan; nadama ko na Siya iyon na nag-uutos sa akin na pakinggan ang Kanyang tinig at buksan ang pintuan. Iyon ay parang katulad lamang ng matatalinong dalaga sa Biblia na nagmadali para salubungin ang kasintahang lalaki nang narinig nila ang kanyang tinig. At naisip ko ang Juan 16:12–13: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Habang pinagbubulayan ko ang mga talatang ito ng Banal na Kasulatan, isang damdamin ng pananabik ang nag-umapaw sa aking kalooban. Natanto ko na matagal nang nasabi sa atin ng Panginoon na sa Kanyang pagbabalik ay bibigkas Siya ng mas marami pang mga salita at ipagkakaloob sa atin ang katotohanan. At ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagpapahayag ng mga salita upang hatulan at linisin ang sangkatauhan—maaari kaya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik? Kung ang Panginoon ay tunay na nagbalik na at nagpapahayag ng mga katotohanan upang lutasin ang lahat ng mga paghihirap ng sangkatauhan, kung gayon may pag-asa tayong makatakas mula sa mga gapos ng kasalanan. Kung gayon hindi kaya malulutas ang mga problema sa pagitan ko at ng aking asawa? Hindi ako nagsayang ng oras sa paghiling sa asawa ko na ipakilala ako sa mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; ninais ko ring siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Habang nasa isang pagtitipon, ang ilan sa mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pumili ng ilang mga talata sa Biblia para magbahagi sa akin tungkol sa iba’t ibang aspeto ng katotohanan gaya ng paraan ng pagbalik ng Panginoon, ang bagong pangalan ng Panginoon, at anong gawain ang gagawin Niya. Ang kanilang pagbabahagi ay talagang nakakakumbinsi at lubusang bago para sa akin. Gusto ko talagang malaman pa ang tungkol sa gawain ng Panginoon ng mga huling araw, kaya’t paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na liwanagan ako upang maunawaan ko ang mga salita ng Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng mga kapatid unti-unti akong nagkaroon ng pagkaunawa sa pakay ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, ang tatlong yugto ng Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan, at ang kahihinatnan at patutunguhan ng mga tao. Habang tinitingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi ko pa rin maiwasang makipagtalo sa aking asawa tungkol sa ilang maliliit na bagay na hindi naman mahalaga. Pagkatapos ng pangyayari, talagang makokonsensya ako at magagalit, at itinatanong ko sa sarili ko, “Bakit nga ba hindi ko kailanman naisasagawa ang mga salita ng Diyos?” Iniwan ako nitong naguguluhan. Minsan sa isang pagtitipon, tinanong ko ang isang kapatid-na-babae, “Bakit kaya palagi kaming nagtatalo ng asawa ko? Bakit kaya hindi kami nakakapagsama nang payapa?” Nakakita siya ng dalawang talata ng mga salita ng Diyos para sa akin. “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Pagkatapos ay ibinahagi niya ito: “Sa simula, sina Eba at Adan ay namuhay nang maligaya sa harap ng Diyos sa Halamanan ng Eden. Walang mga pagtatalo noon; walang pagdurusa. Nguni’t pagkatapos nilang makinig sa ahas at kumain ng bunga ng punungkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, napalayo sila sa Diyos at nagtaksil sa Kanya, naiwala ang pagkalinga at proteksyon ng Diyos at namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Noon nagsimula ang mga araw ng kalungkutan at pagdurusa. Naging ganito na noon hanggang sa ngayon, at tayo’y lalo pang tiniwali ni Satanas. Puno tayo noon ng tiwali at makasatanas na mga disposisyon; tayong lahat ay talagang mayayabang, makasarili, mapanlinlang, at matigas ang ulo. Sarili lang natin ang iniisip natin noon sa lahat ng bagay, palaging nais na pakinggan tayo ng iba. Iyan ang dahilan ng pag-aaway-away at pagpapatayan ng mga tao. Kahit ang mga magulang at mga anak at mga mag-asawa ay walang pagpaparaya at pasensya sa isa’t isa at hindi nakakapamuhay nang may pagsusunuran sa isa’t isa—wala tayo ng kahit na pinakapangunahing konsensya at katwiran. Kahit natubos na tayo ng Panginoong Jesus, kahit na nagdarasal tayo sa Panginoon, nagkukumpisal, at nagsisisi, at nagsisikap na mabuti upang sumunod sa mga turo ng Panginoon, hindi pa rin natin maiwasang magkasala at kalabanin ang Diyos. Iyon ay dahil sa ang ginawa lamang ng Panginoong Jesus ay gampanan ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan; hindi Niya ginawa ang gawain ng lubusang pagliligtas at paglilinis sa sangkatauhan. Ang pagtanggap sa pagliligtas ng Panginoong Jesus ay nangangahulugan lamang na hindi na tayo nagkakasala at may pagkakataon tayong lumapit sa harap ng Panginoon sa panalangin, tanggapin ang Kanyang awa, at mapatawad ang ating mga kasalanan. Gayunpaman, hindi pa tayo nalilinis sa ating mga tiwaling disposisyon. Ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nag-uugat sa ating kalooban; kailangan pa rin nating bumalik ang Diyos sa mga huling araw at gawin ang yugto ng gawain na linisin at baguhin ang sangkatauhan, at sa gayon ay nalulutas ang problema ng ating makasalanang kalikasan. At ngayon ang Diyos ay muli na namang nagkatawang-tao, ipinapahayag ang mga salita upang gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis upang lubusan tayong iligtas mula sa ating mga tiwaling disposisyon at tulutan tayong makatakas mula sa impluwensya ni Satanas at lubusang maligtas. Hangga’t sumasabay tayo sa bagong gawain ng Diyos, tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, hinahabol ang katotohanan, at isinasagawa ang mga salita ng Diyos, ang ating mga tiwaling disposisyon ay unti-unting mababago. Iyan lamang ang paraan na magagawa nating isabuhay ang wangis ng isang tunay na tao, at saka lamang natin makakamit ang pagkakaayun-ayon sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba.”

Sa wakas ay natanto ko mula sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid na ito na ang dahilan kung bakit palagi tayong namumuhay sa loob ng estadong ito ng pagkakasala at pagkatapos ay pagkukumpisal ay dahil sa kahit na nagawa na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, ang ating mga kasalanan bilang mga mananampalataya ay napatawad lamang; ang ating panloob na makasalanang kalikasan, gayunpaman, ay nakabaon pa rin nang napakalalim at ang ating makasatanas na disposisyon ay hindi pa nalinis. Isang perpektong halimbawa ay kung paano ko binalak na isagawa ang pagpapasensya at pagpaparaya nang naaayon sa turo ng Panginoon, nguni’t sa sandaling may sinabi o ginawa ang asawa ko na hindi ko nagustuhan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kahit ano pa ang gawin ko. Kung wala ang gawain ng Diyos upang iligtas tayo, imposible para sa atin na iwaksi ang ating makasatanas at tiwaling mga disposisyon na umaasa sa ating sariling mga pagsisikap. At ngayon, muling nagkatawang-tao ang Diyos, dumating upang gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos at talagang paghahabol sa katotohanan, mayroon tayong pagkakataong makamit ang pagbabago ng disposisyon. Talagang naantig ako at lubos na nagpapasalamat para sa awa ng Panginoon na nagtulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig. Nguni’t hindi pa rin ako lubusang malinaw—alam ko na dumating ang Diyos sa panahong ito para bigkasin ang mga salita upang dalisayin at baguhin tayo, nguni’t paano nahahatulan at nalilinis ng mga salita ang ating tiwaling disposisyon? Kaya’t ipinaliwanag ko ang aking pagkalito.

Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong BuhaySa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos at talagang paghahabol sa katotohanan, mayroon tayong pagkakataong makamit ang pagbabago ng disposisyon. Talagang naantig ako at lubos na nagpapasalamat para sa awa ng Panginoon na nagtulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig. Nguni’t hindi pa rin ako lubusang malinaw—alam ko na dumating ang Diyos sa panahong ito para bigkasin ang mga salita upang dalisayin at baguhin tayo, nguni’t paano nahahatulan at nalilinis ng mga salita ang ating tiwaling disposisyon? Kaya’t ipinaliwanag ko ang aking pagkalito.

Binasa ng kapatid na babae ang isa pang talata ng mga salita ng Diyos para sa akin. “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Nagpatuloy pa siya sa pagbabahagi sa akin. “Malinaw na ipinapaliwanag sa atin ng mga salita ng Diyos kung paano Niya ginagawa ang gawain ng paghatol. Ginagamit Niya ang mga salita para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan; pangunahin Niyang ginagamit ang mga salita upang direktang ibunyag at himayin ang ating tiwaling kalikasan at diwa at ating makasatanas na disposisyon. Malinaw rin Niyang nasabi sa atin kung paano tayo dapat magpasakop at sumamba sa Diyos, paano isabuhay ang wastong pagkatao, paano habulin ang katotohanan upang makamit ang pagbabago ng disposisyon, paano maging isang matapat na tao, at kung ano ang kalooban ng Diyos para sa tao at mga hinihingi ng Diyos sa tao. Nasasabi Niya sa atin kung anong uri ng mga tao ang nais Niya at anong uri ng mga tao ang inaalis Niya, at marami pa. Isinasaayos din Niya ang mga tao, mga pangyayari, mga bagay, at mga kapaligiran upang tabasan at pakitunguhan tayo, upang subukan at pinuhin tayo. Inilalantad nito ang ating mga tiwaling disposisyon at pinipilit tayong lumapit sa harap ng Diyos at hanapin ang katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at upang pagnilay-nilayan at kilalanin ang ating sarili. Kapag tinatanggap natin ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, dama natin na para bang nakikipag-usap Siya sa atin, nang harapan, nang napakalinaw, lubusang ibinubunyag ang ating pagkamasuwayin at pagkalaban sa Kanya, ang ating mga maling motibo, at ating mga paniwala at mga naguguniguni. Saka lamang natin nakikita na ang ating mga kalikasan at diwa ay puno ng kayabangan, kapalaluan, panlilinlang, kalikuan, pagkamakasarili, at pagiging kasuklam-suklam. Nakikita natin na tayo’y wala talagang puso ng pagpipitagan para sa Diyos at lubusan tayong namumuhay batay sa ating makasatanas at tiwaling mga kalikasan, na lahat ng ating ibinubunyag ay ang ating makasatanas na disposisyon, at talagang wala tayong wangis ng tao. Nagsisimula tayong mapoot sa ating sarili at nasusuklam sa ating sarili sa kaibuturan ng ating puso at nais na sana ay hindi na tayo mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at mapaglaruan at masaktan ni Satanas. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos nakikita natin ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpaparaya sa anumang nagawang mali. Ang mapitagang puso para sa Diyos ay nabubuo sa ating kalooban at tayo ay nagiging handang isagawa ang katotohanan upang masiyahan ang Diyos. Sa sandaling sinimulan nating isagawa ang katotohanan, ang mapagbiyaya at maawaing disposisyon ng Diyos ay nakikita natin. Sa patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdanas ng Kanyang paghatol at pagkastigo, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pagkaunawa sa ating sariling tiwaling kalikasan, nauunawaan natin nang mas mabuti ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos, at nagiging mas handang tanggapin at magpasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at talikuran ang laman, isagawa ang katotohanan, at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Pakaunti nang pakaunti ang ibinubunyag nating katiwalian, ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagiging padalî nang padalî, at dahan-dahan tayong humahakbang tungo sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pagtalikod sa masama. Sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nagagawa nating lahat na pagtibayin sa kaibuturan ng ating puso na ito ang lunas na nagliligtas sa atin at nagpapagaling sa ating tiwaling mga disposisyon. Ito ang pinakatunay na pagmamahal ng Diyos para sa ating mga tiwaling tao, at kung hindi nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, hindi natin kailanman maisasabuhay ang tunay na wangis ng tao.”

Ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid-na-babae ay nagkaroon ng malaking epekto sa akin. Nadama ko na ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay talagang napaka-praktikal, at na kung nais nating magbago ang ating mga tiwaling disposisyon, dapat nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kung hindi, habampanahon tayong mamumuhay sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkatapos ay pagkukumpisal, at hindi natin kailanman matatakasan ang mga gapos ng kasalanan. Kaya’t umusal ako ng panalangin sa Diyos sa kaibuturan ng puso ko, hinihiling sa Kanya na diligan at pakainin ako ng Kanyang mga salita, at magsaayos ng mga kapaligiran upang hatulan at kastiguhin ako upang makilala ko ang sarili ko, mabago ang tiwali kong disposisyon balang-araw, at maisabuhay ko ang tunay na wangis ng tao.

Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong Buhay

Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw nagkaroon din ako ng bagong pagkaunawa sa buhay may-asawa na isinaayos ng Diyos para sa akin. Sa isang punto binasa ng isang kapatid-na-babae ang ilang talata ng mga salita ng Diyos para sa akin. “Maraming ilusyon ang mga tao tungkol sa pag-aasawa bago nila ito maranasan, at lahat ng ilusyong ito ay talagang magaganda. Inaakala ng mga kababaihan na ang kanilang kabiyak ay magiging si Prince Charming, at inaakala ng mga kalalakihan na sila’y magpapakasal kay Snow White. Ipinapakita ng mga pantasyang ito na ang bawat tao ay may partikular na mga kinakailangan para sa pag-aasawa, mga sarili nilang hinihingi at pamantayan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ang pag-aasawa ay isang mahalagang sugpungan sa buhay ng isang tao. Bunga ito ng kapalaran ng isang tao at isang mahalagang kawing sa kapalaran niya; hindi ito itinatatag sa pagkukusa o mga kagustuhan ng sinumang tao, at hindi naiimpluwensiyahan ng anumang panlabas na mga kadahilanan, ngunit ganap na tinutukoy ng mga kapalaran ng dalawang panig, sa pamamagitan ng mga pagsasaayos at pagtatadhana ng Lumikha sa mga kapalaran ng magkapareha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Kapag pumasok ang isang tao sa pag-aasawa, ang paglalakbay niya sa buhay ay makakaimpluwensya at makakaantig sa kanyang kabiyak, at makakaimpluwensiya at makakaantig din ang paglalakbay sa buhay ng kapareha niya sa kanyang kapalaran sa buhay. Sa madaling salita, magkakaugnay ang kapalaran ng mga tao, at walang sinuman ang makakatupad ng misyon ng isang tao sa buhay o makakaganap sa kanyang papel nang walang kaugnayan sa iba. Malaki ang epekto ng kapanganakan ng isang tao sa maraming ugnayan; sangkot din sa paglago ang isang masalimuot na tanikala ng mga ugnayan; at gayon din, ang pag-aasawa ay di-mapipigilang umiral at napapanatili sa isang malawak at masalimuot na mga koneksyon ng tao, sinasangkot ang bawat taong nasa mga ugnayang ito at nakakaimpluwensiya sa kapalaran ng bawat isang bahagi nito. Ang pag-aasawa ay hindi bunga ng mga pamilya ng kapwa miyembro, ng mga kalagayan na kinalakhan nila, ng kanilang mga hitsura, ng kanilang mga edad, ng kanilang mga katangian, ng kanilang mga talento, o ng anumang iba pang mga kadahilanan; sa halip, ito ay nagmumula sa isang pinagsasaluhang misyon at isang magkaugnay na kapalaran. Ito ang pinagmumulan ng pag-aasawa, isang bunga ng kapalaran ng tao na isinaayos at inihanda ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pagkatapos ay nagbahagi siya sa akin. “Bawa’t isa sa ating mga pag-aasawa ay pauna nang naitadhana noon ng Diyos, at matagal nang naalaman ng Diyos kung sino ang makakasama natin sa pagsisimula ng isang pamilya—lahat ng ito ay isinasaayos sa pamamagitan ng sariling karunungan ng Diyos. Ang pag-aasawa na pinipili Niya para sa atin ay hindi nakabatay sa katayuan natin sa lipunan, sa ating panlabas na anyo, o sa ating kakayahan, kundi ito ay naaalaman sa pamamagitan ng misyon sa buhay ng dalawang tao. Gayunpaman, tayo ay kontrolado ng ating mga tiwaling disposisyon, kaya’t palagi tayong maraming hinihingi sa ating kabiyak, palaging gustong gawin nila ang mga bagay-bagay sa ating paraan. Kapag hindi nila ginagawa, tumatanggi tayong tanggapin ito at hindi nasisiyahan; nakikipagtalo tayo sa kanila at nagagalit, o kaya’y nagrereklamo pa, at sinisisi natin at hindi naiintindihan ang Diyos. Dahil dito kapwa sila nasasaktan. Ang gayong uri ng sakit ay hindi idinudulot ng sinuman, ni hindi ito idinudulot ng tuntunin at pagsasaayos ng Diyos, kundi nangyayari ito dahil namumuhay tayo ayon sa ating arogante at palalong mga tiwaling disposisyon. Ginagawa tayo ng gayong uri ng tiwaling disposisyon na kalaban ng tuntunin ng Diyos; hindi natin nagagawang magpasakop sa Kanyang mga orkestrasyon at mga pagsasaayos.”

Pagkarinig sa pagbabahagi nitong kapatid-na-babae, pinag-isipan ko ang naging takbo ng relasyon ko sa asawa ko. Palagi akong nagpapahayag ng kawalan ng kasiyahan sa kanya at palaging iginigiit na gawin niya ang mga bagay-bagay sa aking paraan—kung hindi niya ako inisip, di nagpakita ng konsiderasyon at malasakit sa akin, kung hindi siya nagtanong kung kumusta na ako, mag-uungol ako tungkol sa kanya at iniisip na wala siyang kwenta. Mamaliitin ko siya sa lahat ng mga bagay-bagay at hindi ko na siya kikibuin, hindi siya papansinin. Sa wakas ay nakita kong talagang mayabang ako, palalo, makasarili, at kasuklam-suklam na tao. Ako ang taong ang iniisip lamang ay ang sarili kong kapakanan at hindi iniisip ang damdamin ng ibang tao. Habang pinag-iisipan ko itong mabuti, nakita ko na hindi naman talaga totoo na walang malasakit sa akin ang asawa ko, sadya lang na siya ay mas tahimik at hindi mapagpahayag ng damdamin. Mayroon din siyang sariling mga kaisipan at mga kagustuhan, nguni’t pinipilit ko siyang gawin ang mga bagay na hindi niya gustong gawin. Gusto ko palagi na lahat ng ginagawa niya ay iikot sa akin, at iyon ang naging dahilan ng maraming pagtatalo sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos niyon ay hindi ko mapigilan ang makadama ng panghihinayang sa dati kong asal o ugali. Inisip ko rin ang tungkol sa sinabi ng asawa ko, na noon, ako ang nagbabahagi sa kanya ng ebanghelyo ng Panginoon, nguni’t ngayon siya ang nagbahagi sa akin ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang dakilang biyaya ng Diyos sa amin at ang Kanyang kamangha-manghang pagsasaayos. Kapwa kami labis na pinagpalang mga tao, nguni’t wala akong natutuhan na anumang uri ng pasasalamat. Sa halip, ayaw kong magpasakop sa pag-aasawa na isinaayos ng Diyos para sa akin, palaging sinisisi ang Diyos. Nakita ko na masyado akong mayabang, masyadong hindi makatuwiran! Salamat sa Diyos sa paggabay sa akin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Natuklasan ko ang ugat ng lahat ng pagdurusa sa pagsasama naming mag-asawa—nakadama ako ng kagaanan at kalayaan sa aking puso. Naging handa rin akong umasa sa Diyos at tumingin sa Diyos sa aking buhay mula noon, upang talikuran ang aking mayabang, palalo at tiwaling disposisyon, at makipag-ugnayan nang may-pagsusunuran sa aking asawa.

Mula noon, nababasa na naming mag-asawa ang mga salita ng Diyos at madalas na nagbabahagi ng katotohanan nang magkasama, at ginagampanan namin ang tungkulin ng isang nilalang sa abot ng aming makakaya. Kami rin ay napapakain at nadidiligan ng mga salita ng Diyos araw-araw; kapag may nakakaharap kaming problema hinahanap namin ang Kanyang kalooban ayon sa Kanyang mga salita. Kung nahahayag man sa amin ang katiwalian o nagtatalo kami, kapwa kami lumalapit sa harap ng Diyos, at pinag-ninilay-nilayan at kinikilala ang aming sarili. Kapag isinasagawa namin ito mas nagkakaunawaan kami at nagpapatawad sa isa’t isa. Mas madalang na ang aming mga pagtatalo, nagkaroon kami ng pagsusunuran sa tahanan, at naging paganda nang paganda ang aming buhay. Ang pinaka-nakakaantig sa akin ay na mas mabuti ang pagkaunawa ng aking asawa sa katotohanan kaysa sa akin. Madalas siyang nagbabahagi sa akin tungkol sa kanyang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at kapag nakakakita siya sa akin ng tiwaling disposisyon, nagbabahagi siya tungkol sa katotohanan at kalooban ng Diyos sa akin. Talagang nadama ko ang kanyang malasakit at pagmamahal sa akin—maligaya ako mula sa kaibuturan ng puso ko. Sa paglingon sa aming landas, ako pa rin ang dating ako, at siya pa rin ang dating siya; sadyang dahil lamang sa natanggap namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at naunawaan ang ilang katotohanan, kaya’t talagang nagbago ang lahat. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa amin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply