Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pa’no Niya hinahatulan ang tao, dinadalisay ang tao, at pineperpekto ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? Isang bagay ’to na kailangang-kailangan nating malaman. Kung nauunawaan natin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos, kung gano’n, talagang naririnig natin ang tinig ng Diyos at iaakyat tayo sa harap ng trono ng Diyos. Pakipaliwanag mo pa sa ’min nang mas detalyado!
Sagot: Ang pag-aaral kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating kakayahan na magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan. Gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao. Ginagawa Niya ’yong mag-isa para iakyat ang Kanyang mga santo sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, maraming mga mananampalataya sa komunidad ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. Iniisip nilang babalik ang Panginoon at agad na iaakyat ang lahat ng mga santo sa kaharian ng langit. Hindi sila naniniwalang pangungunahan Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo dahil, kung hinatulan at kinastigo Niya ang mga tao, hindi ba’t isusumpa at parurusahan Niya na rin sila? Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; hinihintay lang nila ang Panginoon na bumaba sa alapaap at iakyat sila sa kaharian ng langit. Ang totoo, isa ’tong lubos na hindi pagkakaunawa sa kagustuhan ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos para ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang huling layunin ng Diyos ay linisin at iligtas ang sangkatauhan, na magpapahintulot sa kanilang mamahinga sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, planado ang gawain ng pagtubos ng Diyos at pagliligtas sa tao; itinutuloy ’yon nang may mga hakbang. Hindi ’yon nangyayari sa isang iglap lang. Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos at nangakong babalik para tanggapin ang mga santo. Gano’n pa man, wala talagang nakakaalam kung pa’no kinukuha ng Diyos ang mga santo sa mga huling araw. Sa totoo lang, pagdating ng Diyos para tanggapin ang Kanyang mga santo sa mga huling araw, dinadala Niya muna sila sa Kanyang trono para hatulan sila, linisin sila at perpektuhin sila sa pagiging mga mananagumpay. Hindi ba sa gano’ng paraan inaakyat sa kaharian ng langit ang mga santo? Gano’n pa man, hindi ’yon isang bagay na madaling maunawaan para sa mga tao. Bago sila makapunta sa harap ng trono ng Diyos, dapat muna nilang maranasan ang paghatol, pagkastigo at paglilinis. Kaya binuo ng mga tao ang mga sarili nilang pagkaintindi tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung gano’n, sabihin mo sa ’kin, isang biyaya ba talaga ang pagkastigo at paghatol ng Diyos? O isa ’yong pagsumpa at pagpaparusa? Maraming tao ang hindi nakakaunawa nito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol ditto.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita at walang habag, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay makasalanan at kay Satanas, ito ay suwail, at ito ang pakay ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, kailangan niyang sapitin ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kailangang gamitan ito ng bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos).
“Ngayoy hinahatulan kayo ng Diyos, kinakastigo kayo, at kinokondena kayo, ngunit kailangan mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay nagpaparusa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, bukod pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga kinakailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal, nagliligtas, humahatol, at kumakastigo sa tao. … Ang Diyos ay hindi naparito upang pumatay o manira, kundi upang humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao).
“Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nakikita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo ang tunay na malalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang suriin ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa; hindi ba ito mas maituturing na pagliligtas? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoong pagmamahal. Dahil lamang sa suwail ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay at ni wala kayong malay kung paano mabuhay, at dahil kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lupaing ito at kayo mismo ay mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya matiis na hayaan kayong maging mas masama, hindi Niya matiis na makita kayong nabubuhay sa maruming lupaing ito tulad ngayon, na tinatapak-tapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, at hindi Niya matiis na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lamang Niyang maangkin ang grupong ito ng mga tao at lubusan kayong iligtas. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawain ng panlulupig sa inyo—para lamang ito sa pagliligtas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napakalinaw na Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi naghahangad na isumpa mga tao; Hindi gusto ng Diyos na pumatay ng mga tao. Gusto Niyang aminin ng mga tao na lubos silang pinarumi ni Satanas. Gusto Niyang malaman nila ang kanilang katangian at katuturan: Nilalabanan nila ang Diyos at ipinagkakanulo ang Diyos. Gusto Niyang malaman nila ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon na hindi maaaring magkamali. Hinahangad ng Kanyang gawain na gisingin ang puso at kaluluwa ng mga tao. Gusto Niyang iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga tiwaling disposisyon para magawa nilang mabuhay nang may pagkakahawig sa tunay na tao na ililigtas. Kung hindi natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi natin maaamin ang ating mga sariling satanikong pag-uugali, at hindi rin natin matitiyak ang tunay na pinagmumulan ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos. Bukod do’n, kung wala ang Kanyang paghatol at pagkastigo, tiyak na hindi natin mauunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos; hindi mababago ang tiwali nating disposisyon. Hindi tayo magkakaro’n ng paraan para tunay na sundin at igalang ang Diyos. Sa gano’ng kaso, pa’no tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos? Gaya ng nakikita niyo, hinahatulan ng Diyos ang tao dahil gusto Niyang linisin at iligtas sila. Yon ang napakalaking pagmamahal ng Diyos para sa tiwaling sangkatauhan! Bueno, pa’no ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol? Maraming bagay ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa katotohanang ito. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:
“Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
“Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang ‘mga hiwaga’ sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto).
“Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang magtamo ang tao ng kaalaman tungkol sa Kanya, at alang-alang sa Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Alang-alang sa Kanyang patotoo, at alang-alang sa Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya ang Kanyang kabuuan sa publiko, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng puso ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong kaayon ng puso ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos).
Napakapapraktikal ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ihinahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan at gawin silang perpekto! Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas naunawaan natin na sa madilim at masamang mundo, ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng saklaw ni Satanas. Ang mga dinumihan ni Satanas ay wala nang ano mang bakas ng pagiging tao. Mayabang sila, tiwali at tuso, makasarili at imoral. Naiinip sila sa katotohanan at iginagalang nila ang masama. Gagawin nila ang lahat alang-alang sa sarili nilang posisyon at katanyagan. Kagaya ’yon ng mga hayop na nag-aaway sa gitna ng kanilang mga sarili, pinapatay ang isa’t isa. Lubusan nang nawala ang kanilang pagiging tao at lohika. Kahit na sumasampalataya sila sa Diyos, tunay na iginagalang nila ang salapi, kasikatan at katayuan. Sinusunod nila ang agos ng kasamaan sa buong mundo, palaging nagkakasala, naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Kahit sinasakripisyo nila ang lahat at nagtitiis ng paghihirap, ginagawa lang nila ’yon para masiyahan ang sarili nilang mga pagnanasa para makakuha ng mga biyaya. Ginagawa nila ’yon para makakuha ng mga gantimpala at makapasok sa kaharian ng langit. Hindi nila ’yon ginagawa para hanapin ang katotohanan o makilala o sumunod sa Diyos. Kahit sumasampalataya sila sa Diyos, puno ang mga puso nila ng sarili nilang mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa Kanya. Wala talagang nakakaalam sa disposisyon ng Diyos at sa lahat ng mayro’n siya at kung ano siya, ano’ng uri ng tao ang gusto talaga ng Diyos, ano’ng uri ng tao ang kinamumuhian Niya, ano’ng mga bagay ang ginagawa ng tao para labanan ang Diyos, galitin ang Kanyang disposisyon at maging sinumpa Niya, ilan sa mga pag-iisip at pagkaintindi ng mga tao ang hindi naaayon sa katotohanan, ano’ng uri ng katwiran ang dapat na magkaro’n ang tao sa mukha ng Diyos, ang mga realidad ng mga katotohanang dapat taglayin ng tao, at iba pa. Ang tiwaling sangkatauhan ay walang nalalaman tungkol sa mga mahalagang katotohanan ng pagkilala, pagsunod at paggalang sa Diyos. Ang sangkatauhang kagaya nito na ginawang masama na hanggang sa pinaka-kaibuturan nito, kung hindi nito mararanasan ang paghatol at paglilinis ng Diyos, pa’nong hindi niyo lalabanan at ipagkakanulo ang Diyos? Sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos at inihahayag ang mga katotohanan para iligtas ang tao ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring libakin ay ibinunyag na sa sangkatauhan. Ang totoong ugali at katiwalian ng mga tao ay malinaw na ibinunyag, na kumukumbinsi sa tao. Naranasan na natin ang paghatol ng Diyos at pagkastigo ng Kanyang mga salita; nakita na natin ang sarili nating kayabangan, pagkamakasarili at nabubuhay tayo ayon sa sarili nating satanikong mga pilosopiya at mga panuntunan. Lahat ng ginagawa natin, ginagawa natin para sa sarili nating kasikatan at kapakinabangan. Kahit gumagawa tayo ng mga gawain at nangangaral ng mga sermon, ginagawa natin ’yon para sa ating sariling reputasyon at estado. Patuloy nating pinupuri ang ating mga sarili, pinararangalan ang mga sarili at hinahayaan ang iba na dakilain tayo. Hindi natin ginagawa ito para dakilain ang Diyos o maging saksi sa Diyos. Kung ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa sarili nating pagkaintindi, bagkus inilalarawan at hinahatulan natin ang Diyos. Mahigpit tayong lumalaban sa Diyos at hindi natin sinusunod ang Diyos. Kung ginagawa natin ang ating tungkulin, maaari pa rin tayong magpakasasa sa mga kalayawan ng laman. Patuloy nating dinadaya at nilalansi ang Diyos; hindi tayo tapat sa Diyos, at iba pa. Sa mga salita ng Diyos sa paghatol at rebelasyon, nakikita natin na labis tayong ginawang tiwali ni Satanas. Wala tayong konsensya, katwiran o dignidad ng tao. Hindi tayo nararapat na tawaging tao. Tayo ang mga ka-uri ni Satanas, ang mga kaaway ng Diyos. Nakakaramdam tayo ng hiya at pagiging hindi karapat-dapat para salubungin ang Diyos. Hindi natin mapigil na lumuhod sa harap ng Diyos at isumpa ang ating mga sarili, puno ng panghihinayang at poot sa sarili. Kapag talagang natikman na natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring mapinsala, hindi natin mapigil na matakot sa Diyos at maunawaan na ang Diyos ay may mabuting intensyon: ang iligtas ang sangkatauhan. Hinahatulan at kinakastigo tayo ng Diyos dahil namumuhi ang Diyos sa ating mga kasalanan at relbelyon at nais Niya tayong iligtas mula sa ating satanikong disposisyon at makuha tayo. Kapag nagmamatigas tayo at sumusugal sa pagsuway at paglaban sa Diyos, kinakastigo at dinidisiplina Niya tayo. Kapag binibigay natin ang mga puso natin sa Diyos, pinakikitaan tayo ng awa ng Diyos. Hindi Niya tayo pinarurusahan sa lahat ng ginagawa natin at kung ano tayo. Pinaliliwanagan niya tayo at ginagabayan tayo at hinahayaan tayong unawain ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, walang malay tayong nagtatamo ng ilang tunay na karunungan tungkol sa disposisyon ng Diyos. Hinahayaan Niyang matutunan natin na ang Kanyang disposisyon ay naglalaman ng Kanyang awa at pagmamahal. Nakita na natin ang kabanalan at kadakilaan ng Diyos. Yon ang lumikha sa ating paggalang at pagmamahal sa Diyos. Mas malinaw na nating nakikita ang sataniko nating pag-uugali at unti-unti nating nauunawaan ang ilang katotohanan. Ang kakayahan natin na kilalanin ang positibo at negatibong mga bagay ay unti-unting nadadagdagan. Ang pananaw natin sa mga bagay ay nagbabago at unti-unti tayong nagsisimulang mauhaw para sa katotohanan. Hindi na natin hinahangad na mabuhay ayon sa mga pilosopiya at batas ni Satanas, o hindi makatwirang sumubok na kumuha ng ano man mula sa Diyos. Napanumbalik ang ating kosensya at katwiran. Nagsisimula tayong maghanap at isabuhay ang katotohanan sa lahat ng bagay na ginagawa natin. Ginagawa natin ang tungkulin bilang mga nilikhang nilalang sa isang mapagkumbabang paraan at sinusunod ang kapangyarihan at disposisyon ng Diyos. Mas lalo pang nagbabago ang ating disposisyon sa buhay; nagsisimula tayong dumanas ng ilang pagkakatulad ng isang tunay na tao. Salamat Makapangyarihang Diyos! Ang kakayahan natin na magbago nang gano’n ay ang epekto ng gawain ng paghatol ng Diyos. Ngayon alam ng lahat ng mga kapatid na tumanggap sa gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na kailangan nating tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para maligtas at maging perpekto.
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.