Nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subali’t naniniwala ako na ang ating pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu ay nangangahulugan na pumasailalim na tayo sa gawain ng paghatol ng Diyos. Narito ang mga salita ng Panginoong Jesus bilang patunay: “Sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Naniniwala kami, bagama’t ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, sa araw ng Pentecostes matapos Siyang umakyat sa langit at bumaba ang Banal na Espiritu at gumawa sa mga tao: “… kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.” Ito ang dapat na gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya ang gusto kong hanapin ay, ano ba talaga ang mga kaibhan sa pagitan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginawa ng Makapangyarihang Diyos at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Abril 18, 2018

Sagot: Dahil kinikilala ninyo na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, at itinuro Niya sa atin ang daan tungo sa pagsisisi, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17), kung gayon ano ang batayan ninyo sa pagpapasiya na ginawa ng Banal na Espiritu ang gawain ng paghatol sa mga huling araw nang dumating Siya noong Pentecostes? Bumatay lang kayo sa sinabi ng Panginoong Jesus na, “Sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol(Juan 16:7–8), at nangahas kayong sabihin na pumarito ang Banal na Espiritu para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. May batayan ba iyan sa salita ng Diyos? Sinabi na ba ng Panginoong Jesus na, “Pumarito ang Banal na Espiritu para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw”? Hindi iyan sinabi ng Panginoong Jesus kailanman. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na, “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Napakalinaw ng mensahe ng Panginoong Jesus na ang paghatol ay hindi Niya gawain. Kung ang Panginoong Jesus ay bumabalik sa mga huling araw, kung gayon ay ipapahayag Niya ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol. Para sigurado, maling tukuyin natin ang gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya bilang gawain ng paghatol ng Diyos. Natural, kailangan dito ang pagkilos, kaliwanagan, at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu para tunay tayong makapangumpisal at makapagsisi sa mga kasalanan. Gayunman, ang pangungumpisal at pagsisisi sa harap ng Panginoon nang may mapapait na luha, resulta iyon ng gawain ng Banal na Espiritu, na lubos na naiiba sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Basahin natin ang dalawang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mauunawaan natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng paghatol.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang gawain ng paghatol ng Diyos ay isang hiwaga, at walang makakaunawa rito kung wala Siyang pahayag—at ito ay katotohanan. Malinaw nang naipaliwanag ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang paghatol at ang mga epektong makakamit sa gawain ng paghatol. Matapos mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas nauunawaan natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga huling araw, ang gawain ng paghatol ng Diyos ay para lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Hindi lang basta magsasabi ang Diyos ng ilang pangaral o pagsumpa sa tao. Ni hindi rin sasapat ang ilang talata ng mga salita para mapalaya tayo mula sa gapos ng kasalanan at tulutan tayong makatanggap ng paglilinis at pagliligtas ng Diyos. Sapat ang mga salitang sinasabi ng Diyos para ipahayag ang lahat ng aspeto ng katotohanan na dapat maunawaan ng sangkatauhan para mapadalisay at maligtas, at ipaalam sa sangkatauhan ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala. Ang bilang ng mga salita ay daan-daang beses, libu-libo pa nga, ang dami kaysa mga ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nakatuon sa pagpapahayag ng katotohanan at ng mga salita ng paghatol sa tao. Sa paghatol at paghahayag ng ating malademonyong kalikasan na kalabanin at pagtaksilan ang Diyos, gayundin ang diwa at katotohanan na tiniwali tayo ni Satanas, nahayag ang banal, matuwid at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Lahat ng aspeto ng katotohanan tungkol sa intensyon at mga ipinagagawa ng Diyos sa sangkatauhan, kung sino ang maliligtas o mapaparusahan, at iba pa, ay ipinaalam sa atin. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, mauunawaan natin ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos. Matutukoy natin ang mga positibong bagay mula sa mga negatibong bagay. Makikita natin ang malademonyong mukha ng galit na pagkalaban ni Satanas sa Diyos, mahihiwatigan ang diwa at katotohanan na lubos tayong tiniwali ni Satanas, at makikilala natin ang ating malademonyong kalikasan na kumakalaban at nagtataksil sa Diyos. Kapag nagtamo tayo ng tunay na pag-unawa tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, magkakaroon tayo ng pagpipitigan sa Diyos. Dadapa tayo sa lupa dahil sa hiya at madarama natin na hindi tayo karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Kamumuhian natin ang ating sarili sa ating puso, maghihimagsik laban sa ating sarili, at unti-unti tayong aalpas mula sa gapos ng kasalanan at mamumuhay na katulad ng tunay na tao, nagiging tao na tunay na nagpipitagan at sumusunod sa Diyos. Ito ang resulta ng pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ganitong klaseng gawain lang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Tingnan natin ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang ipinangaral Niya ay ang paraan ng pagsisisi. Ipinakita lamang Niya ang panig ng pagkamaawain at pagkamahabagin ng disposisyon ng Diyos sa atin. Bagama’t nagsabi na rin ang Panginoong Jesus ng ilang salita ng paghatol, parusa, at sumpa sa mga Fariseo, ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos na nakasentro sa pagpapatawad ng mga kasalanan, pagtuturo ng pagsisisi, awa sa tao, at pagkakaloob ng biyaya. Hindi iyon ang klase ng gawain na nakasentro sa paghatol at paglilinis sa mga kasalanan ng tao. Kaya ang gawain ng Panginoong Jesus ay umikot lamang sa gawain ng pagtubos at limitado ang ipinahayag Niyang mga salita sa pagtuturo sa atin kung paano magsisi at umamin sa ating kasalanan, paano magpakumbaba at magtiyaga, paano mabinyagan, magpasan ng krus at magdusa, atbp. Kinailangan lang nating sundin ang salita ng Panginoon na aminin ang ating mga kasalanan at magsisi kapag nanalig tayo sa Panginoon. Sa gayon ay mapapatawad ang ating mga kasalanan, at hindi tayo hahatulan at sesentensyahan ng kamatayan ayon sa batas. Magiging karapat-dapat tayong manalangin sa Diyos at magtamasa ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Ito ang resulta ng gawain ng pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, na lubos na naiiba kaysa sa resulta ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Gayunman, naniniwala ang ilang tao na sa pagdanas ng gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya, pagtanggap ng Kanyang kaliwanagan, pangaral at disiplina, pagdarasal at pag-amin sa kasalanan nang may mapapait na luha, at paggawa ng ilang mabubuting gawa, iyon ay pagdanas ng paghatol ng Diyos at pagtatamo ng pagdadalisay. Kung gayon, alam ba ninyo ang mga ugat ng inyong mga kasalanan? Alam ba ninyo ang diwa ng inyong satanikong kalikasan na kumakalaban sa Diyos, ang katotohanan tungkol sa pagiging lubos na tiwali ng sangkatauhan, at ang masamang diwa ni Satanas? Alam ba ninyo ang tungkol sa matuwid, maringal at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos? Talaga bang nakaalpas na kayo mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng kasalanan? Nalinis na ba ninyo sa inyong sarili ang makademonyong disposisyon at naging mapitagan at masunurin sa Diyos? Kung hindi pa ninyo nagagawa ang mga ito, paano ninyo masasabi na naranasan na ninyo ang paghatol ng Diyos at pagtatamo ng pagdadalisay? Ganito ba ang pagkaunawa ng lahat sa paliwanag na ito? Ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi gawain ng paghatol. Ang gawain lang ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.