Sinasabi mo na kailangang tanggapin ng yaong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at saka lamang madadalisay ang kanilang tiwaling disposisyon at maliligtas sila mismo ng Diyos. Pero, ayon sa mga hinihingi ng Panginoon, tayo ay nagpapakumbaba at nagpapasensya, nagmamahal tayo sa ating mga kaaway, nagpapasan ng ating krus, tumatalikod sa mga makamundong bagay, gumagawa at nagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Panginoon, at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba ang lahat ng ito ay mga pagbabago natin? Palagi tayong naghahangad sa ganitong paraan, kaya hindi rin ba natin maaaring matamo ang pagdadalisay at pagdadala sa kaharian ng langit?

Abril 18, 2018

Sagot: Maaaring mahalin natin ang ating kaaway, magpasan tayo ng krus, labanan natin ang ating katawan, at ipalaganap natin ang ebanghelyo ng Panginoon. Mga positibong pag-uugali ito na nagmumula sa ating pananalig sa Panginoon. Ang ating pagpapakita ng magagandang pag-uugaling iyon ay nagpapahiwatig na tunay ang pananampalataya natin sa Panginoon. Ang magagandang pag-uugaling ito ay maaaring mukhang tama sa mga tao, na para bang alinsunod ito sa salita ng Diyos, pero hindi nito ibig sabihin na isinasagawa natin ang salita ng Diyos at sinusunod ang kalooban ng Ama sa langit, na hindi na tayo likas na makasalanan at napabanal na tayo. May dahilan kaya hindi natin puwedeng tingnan lang ang magagandang pag-uugali ng mga tao. Kailangan din nating tingnan ang kanilang mga intensyon at tunay na layunin. Kung ang intensyon natin ay sundin, mahalin, at bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang ganitong klaseng pag-uugali ay pagsasagawa sa katotohanan at pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sa kabilang dako, kung ang ating magandang pag-uugali ay para lamang mapagpala, para maputungan ng korona at magantimpalaan, pero hindi dahil sa pagmamahal sa Diyos, ang ganitong klase ng “magandang pag-uugali” ay gaya ng kaipokritohan ng mga Fariseo sa halip na pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Kung ang pagpapakita natin ng magandang pag-uugali ay nagpapahiwatig na sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit at na nalilinis tayo, bakit madalas pa tayong magkasala at lumaban sa Diyos? Bakit nagkakasala pa rin tayo sa maghapon at nagkukumpisal sa gabi? Sapat na iyan para ipakita na ang pagpapakita lang ng magagandang pag-uugali ay hindi nangangahulugan na isinasagawa natin ang katotohanan at isinasabuhay ang realidad ng salita ng Diyos, ni hindi nito ibig sabihin na kilala natin ang Diyos o may paggalang para sa Kanya, at kaya natin Siyang mahalin at sundin. Gaya ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malao’t madali kung gayon lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagka’t ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o magpakita ng kabaitan sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng hindi sumasampalataya, ‘Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.’ Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi magtatagal. … Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na Mga Pagbabago at Mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Malinaw na ipinaliliwanag sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at pinagmumulan ng magandang pag-uugali. Ang magandang pag-uugali ng tao ay nagmumula sa kasigasigan at pagsasagawa ito base sa doktrina at mga panuntuan, hindi mula sa pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pagsasagawa matapos maunawaan ang maraming katotohanan, o mula sa hangaring mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos dahil sa pag-unawa sa Kanyang kalooban. Ang magandang pag-uugali ay nagmumula sa mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao. Ang mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao ay nagmumula sa kanyang sariling opinyon at likas na katiwalian. Kung gayon anuman ang gawin natin, anumang pasakit ang nararanasan o pinagbabayaran natin, hindi iyon pagsasagawa sa katotohanan. Hindi ito nagpapahiwatig ng pagpapasakop sa Diyos o resulta ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit magpakita tayo ng magandang pag-uugali at kakayahang sundin ang ilang panuntunan habang mukha tayong napaka-madasalin at espirituwal, puwede pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos dahil sa ating pusakal na tiwaling disposisyong maka-satanas, sa hindi nawawala nating pagiging likas na makasalanan, at kawalan ng tunay na pagkaunawa sa Diyos. Tulad ng nakikita natin, marami pa ring tao na may magandang pag-uugali ang madalas magkasala at magkumpisal ng kanilang mga kasalanan matapos manalig sa Diyos. Hindi ito maikakaila. Kapag nagpapakita sila ng magandang pag-uugali habang nagkakasala at lumalaban sa Diyos, sapat na patunay iyan na hindi sila sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sadyang hindi sila nararapat sa papuri ng Diyos. Ang mga Fariseong Judio ay sumusunod sa batas at sa tingin ay mukhang perpekto ang pag-uugali. Pero nang dumating ang Panginoon para gumawa, bakit nila hibang na nilabanan, tinuligsa, pinagplanuhan, at ipinako ang Panginoong Jesus? Sapat na ito para ipaliwanag na ang paglaban nila sa Diyos ay likas sa kanila. Gaano man kaganda sa tingin ang kanilang pag-uugali, hindi niyan ibig sabihin na naunawaan, sinunod at kaayon nila ang Diyos, ni sinunod ang kalooban ng Diyos at naging malinis sila. Kung gusto nating mawala ang ating pagiging likas na makasalanan at maging malinis, kailangan nating maranasan ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, maunawaan ang maraming katotohanang naroon at magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, sa gayon ay tunay tayong susunod at matatakot sa Diyos. Kung hindi ay hindi malilinis o mababago kailanman ang tiwaling disposisyon ni Satanas na malalim na nakatanim sa atin, at hindi tayo magiging kaayon ng puso ng Diyos o makakapasok sa Kanyang kaharian kailanman.

Buhay Kristiyano

Tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus. Kung gayon, noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi puwedeng makalaya ang tao sa kanyang mga kasalanan at makatamo ng pagdadalisay, gaano man sila nagsikap o nagbasa ng Biblia. Sa mga huling araw, sisimulan ng Diyos ang Kanyang paghatol mula sa Kanyang tahanan ayon sa mga hakbang ng Kanyang plano ng pamamahala para iligtas ang sangkatauhan; sa pamamagitan ng gawaing ito, dadalisayin at babaguhin Niya ang mga tao, para mapawalang-sala sila at makatamo ng pagdadalisay. Tulad lang ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na itinakda ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang pundasyon ng gawain ng Diyos na magligtas sa mga huling araw at ang paghatol sa mga huling araw ang pinakamahalaga, ang sentro, ng gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Iyan ang susi, ang pinakamahalagang bahagi ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa pagdanas sa gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatatawad ang ating mga sala, pero hindi tayo makakalaya mula sa kasalanan, ni hindi tayo makakatamo ng pagdadalisay. Ang gawain ng paghatol lang ng Diyos sa mga huling araw ang makapagpapaunawa ng katotohanan sa atin, magtutulot sa atin na tunay na makilala ang Diyos, baguhin ang ating mga disposisyon sa buhay, sumunod at sumamba sa Diyos, at makaayon sa puso ng Diyos. Ganyan kukumpletuhin ng Diyos ang Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Pag ang tinatanggap lang natin ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi natin tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi tayo makakalaya mula sa kasalanan, hindi natin magagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Walang duda iyan! Ito ay dahil noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Dahil sa tayog ng mga tao noon, binigyan lang sila ng Panginoong Jesus ng paraan para makapagsisi, at inutusan ang mga tao na unawain ang ilang panimulang katotohanan at mga paraan para maisagawa ang mga iyon. Halimbawa: inutusan Niya ang mga tao na aminin ang kanilang mga kasalanan at magsisi at magpasan ng krus. Itinuro Niya sa kanila ang tungkol sa pagpapakumbaba, pagtitiis, pagmamahal, pag-aayuno, pagpapabautismo, atbp. Ito ang ilang napakalimitadong katotohanan na mauunawaan at matatamo ng mga tao noon. Hindi kailanman nagpahayag ang Panginoong Jesus ng mas malalalim na katotohanan na may kinalaman sa pagbabago ng disposisyon sa buhay, pagiging ligtas, pagiging nalinis, pagiging nagawang perpekto, atbp., dahil noon, kulang sa kinakailangang tayog ang mga tao para kayanin ang mga katotohanang iyon. Kailangan nilang hintaying magbalik ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya sa tiwaling sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila at maging perpekto ayon sa plano ng pamamahala ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi ibinigay ng Panginoong Jesus sa tiwaling mga tao ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila. Marami pang mas malalalim at matataas na katotohanan, ibig sabihin, maraming katotohanang hindi sinabi ang Panginoong Jesus sa sangkatauhan na hahayaan ang tao na mapalaya mula sa kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon at magtamo ng pagdadalisay, pati ng mga katotohanang kailangan ng tao para masunod at makilala ang Diyos. Samakatuwid, sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang kailangan para iligtas ang sangkatauhan. Ginagamit Niya ang mga katotohanang ito para hatulan, kastiguhin, linisin, at gawing perpekto ang lahat ng tumatanggap sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, gagawing ganap ang mga taong ito at dadalhin sa kaharian ng Diyos. Ganyan makukumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Kung tatanggapin lang natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, pero hindi tatanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinding-hindi natin matatamo ang mga katotohanan at mababago ang ating disposisyon. Hinding-hindi natin gagawin ang kalooban ng Diyos at talagang hindi tayo magiging marapat na makapasok sa Kanyang kaharian.

Nagawang tiwali na ni Satanas ang mga tao ng mga huling araw; puno tayo ng lason ni Satanas. Ang ating mga opinyon, prinsipyo ng kaligtasan, pananaw sa buhay, mga pagpapahalaga, atbp., ay laban sa katotohanan at sa Diyos. Lahat tayo ay sumasamba sa demonyo at naging kaaway ng Diyos. Kung hindi nararanasan ng sangkatauhang puno ng tiwaling satanikong disposisyon, ang paghatol at pagkastigo at pagsunog at paglilinis ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, paano sila maghihimagsik laban kay Satanas at palalayain ang kanilang sarili sa impluwensya nito? Paano sila magpipitagan sa Diyos, lalayo sa kasamaan, at susunod sa kalooban ng Diyos? Makikita natin na maraming tao ang matagal nang nananalig sa Panginoong Jesus, pero sa kabila ng masigasig nilang pagpapatotoo na si Jesus ang Tagapagligtas at gumawa sa loob maraming taon, ang kabiguan nilang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at magpitagan sa Kanya ay dahilan pa rin para hatulan at tuligsain nila ang gawain ng Diyos at tanggihan at ayawan ang pagbalik Niya pag isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Muli pa nilang ipapako sa krus si Cristo pagbalik Niya sa mga huling araw. Sapat na ito para ipakita na pag hindi natin tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinding-hindi malulutas ang pinagmumulan ng ating kasalanan at likas na kasamaan. Ipapahamak tayo ng pagkalaban natin sa Diyos. Hindi iyan maikakaila ninuman! Sa ating mga nananalig, ang mga tapat na tumatanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw lamang ang magtatamo ng katotohanan bilang buhay, ang gaganap sa kalooban ng Ama sa langit, at ang kikilala sa Diyos at magiging kaayon Niya. Sila ang magiging karapat-dapat na makabahagi sa pangako ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Ito bang pagdadalisay na sinasabi ng mga tao ng relihiyon, at ang pagdadalisay na hinihingi ng Diyos ay parehong bagay? Sila ay hindi magkapareho, samakatuwid ang pagdadalisay na sinasabi ng tao ay hindi tunay na pagdadalisay. Kung sa paniniwala kay Jesus ikaw ay tunay na nadalisay, kailangan pa rin bang gawin ng Diyos ang gawain sa mga huling araw? Naniwala ka kay Jesus ng ilang taon, nguni’t sinasabi mo na ikaw ay nagbago na at na ikaw ay maaaring madalisay kung magpapatuloy ka sa ganitong landas. Kung gayon tingnan mo ang lahat ng pastor na naniniwala sa Panginoong Jesus, at ang mga naniniwala sa Diyos sa buong buhay nila: Nadalisay ba sila? Sino sa kanila ang nadalisay? Sino sa kanila ang mangangahas magsabi na, bilang naniniwala sa Diyos sa buong buhay niya, siya ay nadalisay, at lubos na naligtas na? Hindi ka makakahanap ni isang tao na tulad nito. Naniwala sila sa Diyos nang buong buhay nila subali’t hindi sila nangangahas na magsabing sila ay nadalisay. May katuturan bang sabihin na ikaw ay darating sa pagdadalisay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pananampalataya sa ganitong paraan? Kung ang isang anak ay magsasabi “Ako ay nasa lipunan na nang ilang taon at nauunawaan ko na ang lipunan,” hindi ba ito kawalan ng muwang? Maaari mong tanungin ang iyong ama at ina at iyong mga mas matanda sa iyo, nauunawaan na ba nila ang lipunan? Kung wala sa kanila ang nakauunawa na sa lipunan, kaya mo bang maunawaan ito? Samakatuwid, hindi naiintindihan ng tao ang katotohanan, at hindi alam ang tunay na pagdadalisay. Naniniwala siya na kung siya ay umaasal nang mabuti sa ilang maliliit na kaparaanan, mayroon siyang pananalig sa Diyos at hindi nasasangkot sa mga away, hindi siya nagnanakaw ng mga bagay, hindi niya minumura ang mga tao, hindi siya umiinom at kaya siya ay nadalisay. Hindi ito sumasagisag ng pagdadalisay. Ano ang tinutukoy ng totoong pagdadalisay? Kasama rin dito ang katotohanan. Ang tunay na pagdadalisay ay tumutukoy sa pagiging malaya sa mga lason ni Satanas. Ang malasatanas na lohika sa mga puso ng tao, pilosopiya ni Satanas, ang lahat ng uri ng kamalian ni Satanas, ang mga batas ni Satanas sa buhay ng tao, ang pananaw sa buhay at mga pagpapahalaga sa buhay na nabibilang kay Satanas, hindi ba ito mga lason ni Satanas? Ano ang namamahala sa pagkakasala at pagkalaban ng tao sa Diyos? Ang mga lason ni Satanas sa loob ng tao ang nag-uudyok sa tao na magkasala, ang nagbibigay daan sa tao para humatol, magkamali ng intindi at sumuway sa Diyos. Ang pinagmulan ng pagkakasala ng tao ay ang kalikasan ni Satanas sa loob ng tao. Ang lahat ng bagay na nabibilang kay Satanas sa mata ng Diyos ay marumi at masama, at samakatuwid ang taong nagtataglay ng lahat ng uri ng lason ni Satanas sa loob niya ay naging marumi na at masama. Ang mga lasong ito na nabibilang kay Satanas ay nag-ugat na sa loob ng tao, namulaklak, at nagbunga, at ang mga tao ay naging tiwaling sangkatauhan na, maruming sangkatauhan, masamang sangkatauhan. Ito ay katotohanan, samakatuwid, na ang sangkatauhan na kumakalaban sa Diyos at siyang kaaway ng Diyos. Ayon sa katotohanang ito, anong problema ang ating nakikita na kailangang lutasin ng tao para makarating sa tunay na pagdadalisay? Kailangan niyang resolbahin ang lason ni Satanas, resolbahin ang pananaw ni Satanas sa buhay at mga pinapahalagahan sa buhay, lohika ni Satanas, mga batas ni Satanas, at lahat ng uri ng mga kamalian ni Satanas. Kung ang mga bagay na ito ay ganap na natanggal sa puso ng mga tao, ito ay tunay nang pagdadalisay. Kung ang mga bagay na ito ay hindi naalis mula sa puso ng mga tao, kaya pa ring labanan ng tao ang Diyos, hatulan ang Diyos, maging isang kaaway ng Diyos, at ipagkanulo ang Diyos. Samakatuwid, ang sangkatauhan ay maituturing lang na tunay na nadalisay na sangkatauhan kapag ang mga bagay ni Satanas ay naalis na, at naresolba. Sa paniniwala kay Jesus, posible bang resolbahin ang mga lason ni Satanas? Kaya bang baguhin ng pananalig kay Jesus ang pananaw sa buhay at mga pinahahalagahan sa buhay ng tao? Kaya ba nitong magbigay daan sa tunay na pagsunod sa Diyos at para hindi labanan ang Diyos? Kaya ba nitong magbigay daan para tunay na makilala ng tao ang Diyos, para sambahin ang Diyos? Sa paniniwala kay Jesus napatawad pa lang ang iyong mga kasalanan; para makarating sa tunay na kalutasan ng katiwalian ng tao at para maging nadalisay, kailangan ng tao ang Diyos na gampanan ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Kung wala ang gawain sa mga huling araw, ang natiwaling sangkatauhan ay hindi makakamit ang pagdadalisay. Ang pagdadalisay ay hindi lamang nakakamit sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan, nguni’t ang tunay na pagdadalisay ay makakamit sa pamamagitan ng pag-aalis sa tao ng kanyang tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo. Kapag ang tiwaling disposisyon ng tao ay naresolba, hindi na siya lumalaban sa Diyos, kaya na niyang sumunod sa Diyos, kaya niyang mahalin ang Diyos sa kanyang puso, at kaya na niyang mahalin ang katotohanan. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nadalisay na sangkatauhan. Bigong maintindihan ng ilan kung ano ang tinatawag na pagdadalisay, naniniwalang ang pagiging nadalisay ay ang hindi magnakaw o hindi mangurakot, hindi magbasag ng mga bagay, na ang pagdadalisay ay hindi pambubugbog ng iba at hindi pagmumura sa iba. Tama ba ito? Napakalayo nito sa pamantayan at sila ay nakatingin lang sa problema mula sa panlabas nitong kaanyuan. Dahil ang mga tao ng relihiyon ay walang katotohanan, ganito sila lahat mag-isip. Mayroon silang napakasimpleng pananaw sa mga bagay. Hindi nila nakikita ang pinagmulan, hindi nila nakikita ang diwa; samakatuwid, hindi nakakagulat na nakakapag-isip ang mga tao sa ganitong paraan.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.