Maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan na napatawad na ang ating mga kasalanan, at na tinamasa nating mabuti ang biyaya ng Panginoon at lahat ay nakaranas ng habag at awa ng Panginoon. Hindi na mga makasalanan ang tingin sa atin ng Panginoon Jesus, kaya dapat maaari tayong madala nang diretso sa kaharian ng langit. Kung gayon bakit hindi tayo dinala ng Panginoon sa kaharian ng langit noong dumating Siya, ngunit kailangan pa ring gawin ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw? Ang paghatol ba ng Diyos sa mga huling araw ay upang linisin at iligtas ang sangkatauhan o upang kondenahin at sirain? Maraming tao ang hindi nakakaunawa dito. Mangyaring i-fellowship ito sa amin nang mas tiyak.
Sagot: Ang tanong niyo ngayon lang ay napaka-praktikal. Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, at mabibilang tayo na nailigtas, sa mga mata ng Diyos, nananatili tayong marumi at tiwali at hindi pa nakakatakas sa kasalanan upang tumanggap ng kalinisan. Ang mapatawad ang ating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hahatulan ng kautusan. Ito ang tumpak na kahulugan ng “naligtas sa pamamagitan ng biyaya” Maaaring pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang maraming biyaya, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahan ng pagkakapatawad ng ating mga kasalanan, at ibinibigay sa atin ang karapatang magdasal sa Diyos at makipag-usap sa Diyos, ngunit ang hindi natin maikakaila ay na madalas pa rin tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos, at hindi pa natin naaabot ang kabanalan. Kailangan pa rin natin ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw upang isagawa ang Kanyang gawain na ganap na paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Sa ibang salita, ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lamang ihanda ang daan para sa gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi nagtatapos doon. Dapat alam natin ito. At sa sandaling iyon binanggit ninyong lahat, bakit matapos mapatawad ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, hindi pa rin natin mapigilan ang ating mga sarili at madalas pa ring nakakagawa ng mga pagkakasala, at hindi mapalaya ang ating mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan? Ito ay dahil ang pagtitiwali sa atin ni Satans ay napakalalim, sa hangganang lahat tayo’y may kalikasang mala-satanas at punung-puno ng mala-satanas na disposisyon. Kaya hindi natin mapigilang makagawa ng mga pagkakasala. Kung ang mala-satanas na kalikasang ito ay hindi maresolba, maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit na napatawad ang ating mga pagkakasala. Sa ganoong paraan, hindi natin kailanman makakamit ang pagkakaayon sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Niyang bumalik. Ito ay upang maisagawa Niya ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw upang ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na paggawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, na ang lahat ng karumihan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. … Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing pagtubos. Ang mga pagkakasala ng sangkatauhan ay napatawad dahil sa paniniwala sa Panginoon, ngunit hindi nalutas ang kanilang makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ng tao ay kalikasan ni Satanas. Nagkaugat na ito sa loob ng tao, na naging buhay ng tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin maiwasan ng tao ang magkasala at lumaban sa Diyos. Ang pagkakaroon ng tao ng mala-satanas na kalikasan ay ang ugat na dahilan ng kanyang paglaban sa Diyos. Ang mga pagkakasala ng tao ay maaaring mapatawad, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kanyang mala-satanas na kalikasan? Ang mala-satanas na kalikasan ay direktang tumututol sa Diyos at sa katotohanan. Hindi ito kailanman patatawarin ng Diyos. Samakatuwid, kailangang ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, at kailangang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan at disposisyon sa loob natin. Maaaring itanong ng ilang tao, malulutas lang ba ang ating mala-satanas na kalikasan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin magagawa, sa pamamagitan ng pagbabayad ng pagdurusa, pagsupil sa ating katawan, at pagpigil sa ating mga sarili nang kusa, na lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan? Siguradong hindi. Tingnan nating muli ang maraming banal sa kabuuan ng kasaysayan na nagbayad ng pagdurusa at sinupil ang kanilang mga katawan, silang lahat nagnais na makatakas sa pagkaalipin at pagkontrol ng pagkakasala, at mangibabaw sa katawang tao. Ngunit sino sa kanila ang nagawang mapagtagumpayan si Satanas upang maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos? Halos wala. Kahit pa mayroon, sila ay mga tao na natatanging ginawa ng Diyos na kumpleto. Ngunit ilang ganoong tao ang naroon? Dahil mismo sa walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya hindi nalinis ang mala-satanas na disposisyon ng tao. Samakatuwid, ang disposisyon ng tao sa buhay ay hindi kinayang magbago. Ang katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang paggamit ng mga paraan ng tao ay hindi kayang lutasin ang mala-satanas na kalikasan ng sangkatauhan. Kailangang dumaan ang tao sa paghatol at pagkastigo, pagpupungus at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, bago nila makamit ang katotohanan at buhay, tanggapin ang daan ng buhay na walang hanggan. Doon lamang ganap na malulutas ang mala-satanas na kalikasan ng tao. Ito ang dahilan kung bakit, batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, upang malinis ang sangkatauhan na tumanggap sa pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Magmula dito makikita natin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang ganap na makakalinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katotohanan.
Bakit ginagawa ng Diyos ng mga huling araw ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa masamang sangkatauhan? Para maunawaan ang paksang ito, kailangan nating malaman na para mailigtas ang sangkatauhan, hindi maaaring isa o dalawang yugto ng gawain lang ang gawin ng Diyos. Sa halip, para lubos na mailigtas ang sangkatauhan, kailangan isagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain. Kasama na rito ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang kailangan para lubos na mailigtas ang sangkatauhan mula sa teritoryo ni Satanas. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang bumubuo sa buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ng Diyos na si Jehova ang mga utos at kautusan para gabayan ang tao sa kanyang buhay sa lupa. Base sa mga utos at kautusang ipinahayag ng Diyos, malalaman ng sangkatauhan kung anong klaseng mga tao ang pinagpapala ng Diyos at kung anong klase ang Kanyang isinusumpa. Kasabay nito, malalaman ng sangkatauhan kung ano ang matuwid at ano ang makasalanan. Gayunman, sa sumunod na mga yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil naging mas lalong pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, namuhay sa pagkakasala ang tao. Hindi niya sinunod ang mga utos at nanganib na mahatulan at maisumpa ayon sa mga utos na ito. Kaya nga dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya para maikumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan, mapagsisihan at mapatawad ang mga ito, sa gayo’y hindi nahahatulan at naisusumpa ang tao ayon sa utos. Sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat ang tao na humarap sa Diyos at magdasal, makipagniig sa Diyos, at magtamasa ng saganang biyaya at katotohanan ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng “maligtas.” Gayunman, pinatawad lang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, hindi Niya pinatawad ang ating pagiging likas na makasalanan at masamang disposisyon. Naroon pa rin ang ating likas na kademonyohan. Paulit-ulit pa rin tayong nagkakasala, nangungumpisal at muling nagkakasala sa buhay. Walang paraan para makalaya tayo mula sa mga paghadlang at pagkontrol ng ating likas na pagiging makasalanan. Naghumiyaw tayo sa Diyos, “Talagang nagdurusa ako! Paano ako makakalaya sa mga paghadlang at pagkontrol ng kasalanan?” Bilang mga nananalig sa Panginoon, ito ang karaniwan nating nararanasan at nalalaman. Gayunman, hindi natin mismo malunasan ang likas nating pagiging makasalanan. Walang makakagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Diyos lamang—ang Lumikha—ang may kakayahang iligtas ang sangkatauhan at palayain tayo mula kay Satanas at sa kasalanan. Siya lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa teritoryo ni Satanas. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya ito nang lubusan, at ganap na kakamtin; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya ito sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangan Niyang akuin ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito ang gawaing ginagawa ng Lumikha” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Tapat ang Diyos. Dahil inililigtas ng Diyos ang tao, lubos Niya itong ililigtas. Siguradong hindi susuko ang Diyos sa kalagitnaan. Kaya nga para lubos na mailigtas ang sangkatauhan, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para ganap na malunasan ang problema ng likas na kademonyohan at masamang disposisyon ng sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, magtamo ng kaligtasan, at mabawi ng Diyos. Ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kung ano mismo ang kailangan ng masamang sangkatauhan. Ito rin ang pangunahing yugto ng gawain na kailangang isagawa ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Ang Espiritu ng katotohanan” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para magtamo tayo ng kaligtasan at mabawi ng Diyos. Isang bagay ito na mapagtitibay ng lahat ng tunay na nakaranas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Dapat maunawaan ng lahat kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw kapag ipinapaliwanag ito nang ganito, hindi ba?
Alam na nating lahat ngayon na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang pinakamalaking pagliligtas sa atin na tiwaling sangkatauhan. Kung hindi natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi malulutas ang ating mala-satanas na kalikasan, at hindi natin makakayang tunay na bumaling sa Diyos at makamit ng Diyos, at hindi tayo magiging karapat-dapat na tamasahin ang pangako ng Diyos at tumanggap ng magandang hantungan. Ito ay katotohanang walang sinuman ang makapagkakaila. Ngunit maraming tao ang hindi nakakaintindi—ano ang kahulugan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tao? Ang paghatol at pagkastigo ba ng Diyos ay pagkokondena sa sangkatauhan o pagliligtas sa kanila? Hinihingi nito sa atin na alamin natin ang gawain ng Diyos at intindihin ang mga layunin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Basahin natin ang ilang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa anong mga kaparaanan isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, pagiging maharlika, paghatol, at sumpa, at ginagawa Niyang perpekto angtao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng Kanyang paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, ‘Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?’ Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita at walang habag, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa harap ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos).
“Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nakikita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo ang tunay na malalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang suriin ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa; hindi ba ito mas maituturing na pagliligtas? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoong pagmamahal. Dahil lamang sa suwail ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4).
“Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan inihahayag Niya ang lahat ng di-matuwid, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid. … Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa kanila sa isang bagong kaharian. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).
Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita nating lahat ang isang katotohanan mula sa salita ng Diyos: Tayong tiwaling sangkatauhan ay hindi makakatanggap ng katotohanan at buhay kung hindi tayo sasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at samakatuwid hindi magagawang tanggalin ang ating makasalanang kalikasan upang makamit ang kaligtasan, at higit pa, hindi natin malalaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at ano ang Diyos. Ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas nang libu-libong taon at lahat ay may mala-satanas na kalikasan. Lahat sila ay mayabang, mapanlinlang, at walang ingat. Kahit pa ilan sa kanila ay naniniwala sa Diyos, ngunit madalas pa ring hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na magkasala at lumaban sa Diyos. Ipinapakita nito na ang tao ay walang tunay na kaalaman at takot sa Diyos. Iyan ay isang katotohanan. Para sa isang taong puno ng mala-satanas na disposisyon na tunay na maging masunurin sa harapan ng Diyos at ganap na makumbinsi ng Diyos, anong paraan ang sa palagay ninyo ay dapat gamitin? Kailangan niyang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, sa pamamagitan nito nakikita niya ang matuwid, marilag, at napopoot na disposisyon ng Diyos, at nakikita ang lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Diyos upang hatulan at linisin ang sangkatauhan. Sa sandaling iyon lamang siya maaaring malupig, lubos na lalagapak sa harapan ng Diyos, at tunay na magsisisi, at magsisimulang maintindihan ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at dahan-dahang makamit ang pagbabago sa disposisyon at pagkaayon sa Diyos. Kung gayon, bakit hindi tunay na makilala ng mga mananampalataya sa Panginoon mula sa Kapanahunan ng Biyaya ang kanilang mga sarili? Bakit hindi sila natakot sa Diyos at madalas na nabuhay sa kasalanan, sinuway ang Diyos at tinutulan ang Diyos, at ni hindi man lang inisip na malaking bagay ito? Ito ay dahil hindi isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw. Kung hindi niya mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi malalaman ng tao ang kanyang sariling mala-satanas na kalikasan, ang kanyang mayabang na disposisyon ay hindi kailanman magbabago, at hindi magiging posible para sa kanya na makamit ang totoong pagkamasunurin at takot sa Diyos. Maaaring sabihin ng ilang tao na, Paano namin madadala ang krus at sundan ang Panginoon kung hindi namin Siya susundin? Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinuko namin ang lahat upang pagtrabahuhan at pagbayaran ang kapalit para sa Panginoon. Ngunit ang layunin ay lahat upang matanggap namin ang korona, magantimpalaan at pumasok sa kaharian ng langit. Tunay ba naming minahal at sinunod ang Panginoon? Kami ba ang yaong ang mga buhay at disposisyon ay tunay na nagbago? Talaga bang nakamit namin ang pagkaayon sa Panginoon? Kung gayon bakit, kapag kami ay gumugugol para sa Panginoon, nagagawa pa rin namin nang sabay ang mga transaksyon sa Kanya, sinasamantala Siya at nililinlang Siya? Inoobserbahan ng Diyos ang mga kaibuturan ng puso ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas, ang Diyos ay tumitingin sa panloob. Kahit gaano pa tayo kabuti sa labas, hindi ito nangangahulugan na hinahangad natin ang puso ng Diyos. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos na paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw, ay ang gawaing nakaasinta sa mala-satanas na kalikasan ng tao para sa ganap na paglilinis at pagliligtas sa tao. Tanging pagkatapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ng mga huling araw lamang natin makikita nang malinaw ang kalikasan at diwa, ang tunay na sitwasyon ng pagtitiwali sa atin ni Satanas, at na ang isinasabuhay natin ay ang lahat ng imahe ng diyablong si Satanas, nang walang gaanong pagkatao. Lahat tayo ay lubos na nahihiya, lumalagapak sa haparan ng Diyos, nagsisisi sa Diyos, at labis na nagsisisi nang taos, kailanman ay hindi na muling mararamdaman na tayo ay mas malakas o mas mabuti kaysa sa sinuman. Magsisimula tayong mamuhi sa ating mga sarili, isumpa ang ating mga sarili, at hindi na gustong mabuhay sa ating tiwaling disposisyon. Tayo ay nagiging mapagpakumbaba nang hindi natin namamalayan, hindi na maging walang-galang. Kasabay nito, nakikita na rin natin na ang disposisyon ng Diyos ay masyadong matuwid, masyadong banal, na hindi nasasaktan, at hindi mapigilan na magkaroon ng pusong may paggalang sa Diyos. Hindi na tayo maglalakas-loob na gawin ang anumang gusto natin at sabihin ang anumang gusto natin, at simulang talikdan ang laman, isagawa ang katotohanan, at baguhin ang paraan ng pagtingin natin sa mga bagay-bagay. Ang disposisyon natin sa buhay ay magsisimulang magbago, at gusto nating sundin ang mga pagpaplano at pagsasaayos ng Diyos, hindi na kinokontrol ng ating hinaharap at tadhana at ng ating mga pagnanais para sa mga biyaya, at isabuhay ang wangis ng tunay na tao. Pagkatapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Panginoon, napapahalagahan nating lahat nang husto na ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga salita upang hatulan at kastiguhin ang mga tao, ay hindi upang parusahan o sirain sila, ngunit ito ay ganap na para sa paglilinis at pagpeperpekto sa kanila. Ito ang malaking awa at pagliligtas ng Diyos sa atin, at ang pinakatotoo at pinakatunay na pagmamahal ng Diyos sa atin. Isa pa, nakita na rin natin na ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos ay nakaasinta sa lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Ang grupong ito ng mga tao ay yaong tatanggap sa pangako ng Diyos at papasok sa kaharian ng langit. Ngunit yaon namang mga masasamang tao na lumalaban sa Diyos, hindi gagawin ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol at pagkastigo sa kanila, at maghihintay lamang hanggang sa dumating ang mga malalaking sakuna upang sirain sila. Kaya, nakikita nating lahat nang malinaw na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa Kanyang napiling mga tao ay upang linisin at iligtas sila, at gawin silang perpekto. Tanging yaong mga anti-cristo at masasamang tao na galit sa katotohanan at lumalaban sa Diyos ang makokondena at masisira. Ito ang lubos na katotohanan.
mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.