Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap para sa Panginoon sa pangangaral ng ebanghelyo, pagsaksi sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya” (2 Timoteo 4:7). Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay dapat nangangahulugan na karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Abril 18, 2018

Sagot: Ang tanong ay napakahalaga. Tungkol ito sa kung madadala tayo sa kaharian ng langit. Inaakala ng maraming nananalig sa Panginoon na ang pagtulad kay Pablo sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng lahat at pagsisikap para sa Panginoon ay kapareho ng pagsunod sa daan ng Panginoon at pagkamarapat na madala sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ang opinyong ito ang pagkaunawa ng karamihang nananalig sa Panginoon. Pero batay ba ang opinyong ito sa mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ang ginagawa nating ito sa intensyon ng Panginoon? Sa pagtulad sa pagsusumikap ni Pablo, talaga bang sinusunod natin ang daan ng Panginoon? Karapat-dapat ba talaga tayong makapasok sa kaharian ng langit? Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus na yaon lamang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang papasok sa kaharian ng langit. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na yaon lamang mga nagsasakripisyo ng lahat at nagsisikap para sa Panginoon ang makakapasok sa kaharian ng langit. Sa kabilang dako, maraming masigasig na manggagawa, na nagpropesiya, nagpalayas ng mga diyablo sa ngalan ng Panginoon, at gumawa ng maraming himala, ay hindi lamang sa hindi pinuri ng Panginoon, itinuring pa silang masama ng Panginoon. Makikita natin na ang mga salita ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8), ay salungat sa mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi ito naaayon sa intensyon ng Panginoon. Pagdating sa pagdadala sa kaharian ng langit, iisang paraan lang ang tiyak. Iyon ay kung ano ang malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). Ang sinabi tungkol sa pagsalo sa Panginoon sa hapunan ay tungkol sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, mauunawaan ng tao ang lahat ng katotohanan, tatanggap ng paglilinis at gagawing perpekto. Ito ang mga resulta ng pagdalo sa piging. Kaya makatitiyak tayo na yaon lamang mga tumatanggap sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ng paglilinis ang tunay na makakapasok sa kaharian ng langit.

Tayong mga nananalig sa Panginoon ay may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang Panginoong Jesucristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya ang pagpasok sa kaharian ng langit ay dapat ganap na ibatay sa mga salita ng Panginoong Jesus. Si Pablo ay isang apostol lamang na nangangaral ng ebanghelyo. Hindi siya makakapagsalita para sa Panginoon, at ang kanyang daan ay hindi kailangang ang daan papasok sa kaharian ng langit. Dahil hindi pinatotohanan ng Panginoong Jesus na tama ang daan ni Pablo, at hindi Niya sinabi sa atin na sundan ang halimbawa ni Pablo, kung pipiliin natin ang ating daan patungo sa kaharian ng langit batay lamang sa mga salita ni Pablo, madali tayong maliligaw ng landas. Ang talata ng salita ng Panginoong Jesus na kababasa lang natin ay napakahalaga: “kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Sinasabi sa atin ng pahayag na ito na kailangan nating maniwala sa salita ng Panginoon. Ang tanging daan papasok sa kaharian ng langit ay sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa mga huling araw, nagbalik ang Panginoong Jesus at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Kung didinggin natin ang tinig ng Diyos, tatanggapin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, at malilinis tayo mula sa Kanyang paghatol at pagkastigo para magawang perpekto, walang duda, sa ganitong paraan nagiging karapat-dapat ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos na makapasok sa kaharian ng langit. Yaong mga nakatuon lang sa pangangaral, pagpapalayas ng mga diyablo at paggawa ng mga himala sa ngalan ng Panginoon, nakikilala ba nila ang Panginoon kapag hindi sila nakatuon sa pagsunod sa salita ng Panginoon? Sila ba ang sumusunod sa kalooban ng Diyos? Bakit sinabi ng Panginoong Jesus na, “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:23)? Napakahalaga ng talatang ito sa kasulatan; Pinag-iisip tayo nito! Alam nating lahat na noon ay nilakbay ng mga Fariseo ng Judaismo ang buong lupain at karagatan. Marami silang tiniis at isinakripisyo. Sa tingin, mukhang tapat sila sa Diyos. Sa katunayan, nagtuon lang sila sa mga relihiyosong ritwal at panuntunan. Hindi nila pinansin ang pagsunod sa mga salita ng Diyos. Hindi nila sinunod, at tinalikuran pa ang mga utos ng Diyos. Ang ginawa nila at ang kilos nila ay lubos na salungat sa intensyon ng Diyos at lihis sa Kanyang daan. Kaya pinarusahan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili(Mateo 23:15). Malinaw, ang ideya na “Basta’t nagsusumikap ang isang tao para sa Panginoon, madadala siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon” ay puro haka-haka at imahinasyon ng tao, na lubos na salungat sa mga salita ng Panginoon. Tama ang ating paghahangad na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit, pero kailangan itong ganap na ibatay sa mga salita ng Panginoong Jesus. Kung babalewalain natin ang mga salita ng Panginoon pero ibabatay ito sa mga salita ni Pablo at gagayahin nating mithiin ang ginawa ni Pablo, paano natin maaasahang matamo ang papuri ng Panginoon? Kung nauunawaan nating mga nananalig sa Panginoon ang dalawang bersikulong ito, malalaman natin kung ano mismo ang daan patungo sa kaharian ng langit.

Sa katunayan, bago tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tayong lahat ay may haka-haka at imahinasyon sa ating pananalig sa Panginoon. Inakala natin na basta’t nanghawakan tayo sa pangalan ng Panginoon, isinakripisyo natin ang lahat, nagsumikap at nangaral tayo sa ngalan Niya, sinusunod natin ang salita ng Panginoon at ang Kanyang daan, natiyak natin na madadala tayo sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Kalaunan, matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nabasa ko ang Kanyang mga salita: “Kapag binabanggit ang gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay ang tumakbo paroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng lugar, at gumugol para sa Diyos. Bagaman ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong nakakiling sa isang panig lamang; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang maglakbay paroo’t parito para sa Diyos; ito ay higit na ang ministeryo at pagtutustos sa loob ng espiritu. … Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagtakbo paroo’t parito para sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawain sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila tungkol sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at magministeryo sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, ang inyong pagpasok ay ang inyong gawain; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita nararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, makaya ninyo dapat na magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at magministeryo at magtustos sa tao. Ito ang gawain, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat tuparin ng bawat tao. Marami ang nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito para sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, nguni’t hindi binibigyang-pansin ang kanilang personal na karanasan at pinababayaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2). Matapos mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natanto ko na ang ipinagagawa ng Diyos sa atin ay higit pa sa pagdurusa, pagparoo’t parito, at paggugol para sa Kanya. Ang pinakamahalaga ay masunod at maranasan natin ang salita ng Diyos, maibahagi ang ating mga tunay na karanasan sa Kanyang salita sa ating gawain at pangangaral para maakay ang ating mga kapatid sa realidad ng salita ng Diyos. Ang ganitong klaseng gawain lamang ang nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Sa paggunita, sa maraming taon ng aking pananalig sa Panginoon, bagama’t nakapaglakbay ako sa iba’t ibang lugar para gumawa at mangaral sa kabila ng unos at ulan sa ngalan ng Panginoon, kung saan nagtiis ako ng kaunting hirap at nagsakripisyo, hindi ko binigyang-pansin ang pagsunod at pagdanas sa Kanyang mga salita. Hindi ko naibahagi ang aking mga patotoo tungkol sa karanasan ko sa pagsunod sa salita ng Panginoon. Naibahagi ko lang ang ilang titik at doktrinang walang kabuluhan mula sa Biblia, at naturuan ang mga kapatid na sundin ang ilang relihiyosong ritwal at panuntunan. Paano nito maaakay ang mga kapatid sa realidad ng salita ng Diyos? Bukod diyan, noong gumagawa at nangangaral ako, ipinagmalaki ko palagi ang sarili ko para tingalain ako ng mga tao. Lagi kong sinuway ang mga ipinagagawa ng Panginoon at sinunod ko ang sarili kong kalooban sa gawain. Dahil lang sa gumugol at nagdusa ako nang kaunti para sa Panginoon, inakala ko na ako yaong labis na nagmahal at naging matapat sa Kanya. Napakawalanghiya ko para humingi ng pagpapala ng kaharian ng langit mula sa Diyos. Masyado akong nagmalaki at inaaba ko pa ang mga kapatid na mahihina at negatibo. Nagtuon lang ako sa pag-asa sa kasigasigang magsikap para sa Panginoon pero binalewala ko ang pagsunod at pagdanas sa salita ng Panginoon. Dahil dito, kahit nasunod ko ang Panginoon nang maraming taon, wala akong alam tungkol sa Panginoon at wala akong anumang pagpipitagan sa Diyos, maliban pa sa pagbabago ng disposisyon ko sa buhay. At dahil nanalig ako sa Panginoon nang maraming taon, at marami akong nagugol at napagdusahan para sa Kanya, lalo akong naging mayabang at suwail sa lahat. Palagi pa akong nagsisinungaling at nanlilinlang noon, na naghayag ng disposisyon ni Satanas sa lahat ng pagkakataon. Mahirap man ang ginawa ko, lubos kong hindi sinunod ang salita ng Panginoon at ang Panginoon. Paano makakamtan nito ang anumang pag-unawa sa Diyos? Para sa isang taong katulad ko na walang realidad ng katotohanan at pag-unawa sa Diyos, hindi ba nakakahiya at paglaban sa Panginoon ang lahat ng ginawa ko? Paano ko Siya mapupuri at mapapatotohanan? Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:22–23). Hindi ba hayagang gumugol para sa Panginoon ang lahat ng taong gumagawa ng masama na tumuligsa sa Panginoong Jesus? Hindi nila nilabag ang anumang kautusan ni hindi sila nakagawa ng anumang pagkakasala. Bakit sila tinawag ng Panginoong Jesus na mga taong gumagawa ng masama? Iyon ay dahil ang layon ng lahat ng kanilang pagsusumikap ay para makatanggap ng pagpapala. Hindi sila talaga masunurin sa Diyos. Matapos kong maranasan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, saka ko lang naunawaan ang tunay na kahulugan ng salita ng Panginoong Jesus at natanto na ilang taon man tayo nananalig sa Panginoon, gaano man tayo nagsumikap, hindi natin tunay na masusunod o masasamba ang Diyos kailanman o magiging isang taong masunurin sa kalooban ng Diyos nang hindi nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Totoo talaga iyan.

Tingnan natin ang mga relihiyosong pastor at elder. Bagama’t maaari nilang talikuran ang lahat at magsumikap para sa Panginoon, anong klaseng gawain ang kanilang ginagawa? Ano ang katangian ng kanilang gawain? Nananalig na sila sa Panginoon sa loob ng maraming taon, hindi nila hinanap ang katotohanan kailanman, at hindi nila matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu o malutas ang mga praktikal na problema sa ating pananampalataya at pag-unawa sa buhay. Madalas nilang talakayin ang ilang doktrinang walang kabuluhan sa Biblia, para lokohin at linlangin ang mga nananalig, at patotohanan kung gaano kalayo na ang kanilang nalakbay, gaano karami na ang kanilang nagawa, gaano sila nagdusa, at ilang iglesia ang kanilang naitayo para sa Panginoon at iba pa, para itaas ang sarili nila at sambahin at sundin sila ng mga tao. Dahil dito, matapos makinig sa kanilang pangangaral nang napakaraming taon, hindi lamang bigong unawain ng mga kapatid ang katotohanan at makikilala ang Diyos, kundi bagkus ay sinasamba at sinusunod pa nila ang mga relihiyosong pastor at elder na ito, at wala silang kamalay-malay na nagsisimula na silang sambahin ang tao at pagtaksilan ang Diyos. Masasabi mo ba na sinusunod ng mga pastor at elder ang daan ng Panginoon sa gayong paggugol at gawain? Hindi ba sila gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Panginoon? Lalo na para sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, alam ng karamihan sa mga pastor at elder na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, lahat ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Banal na Espiritu, pero hindi nila hinahanap ni sinusuri ang Kanyang mga salita at gawain. Sa halip, galit na galit silang nag-imbento ng mga tsismis at nagkalat ng lahat ng klaseng kamalian para isumpa at tuligsain ang Makapangyarihang Diyos, at sinarhan nang husto ang mga relihiyon para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan. Pinagbabawalan nila ang sinuman na hanapin at pag-aralan ang tunay na daan, at pinipigilan ang mga taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian na patotohanan ang gawain ng Diyos sa iglesia, at nakikipagsabwatan pa sila sa masamang Chinese Communist Party para hulihin at pahirapan ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ba maliwanag na kinakalaban nila ang Diyos? Ang masasamang gawa nila sa Diyos ay mas masahol pa sa mga Fariseo na lumaban sa Panginoong Jesus noong araw! Batay sa mga pangyayaring ito, masasabi pa ba natin na ang paggugol at pagsusumikap sa ngalan ng Panginoon ay katumbas ng pagsunod sa kalooban ng Diyos? Masasabi pa ba natin na karapat-dapat na madala ang isang tao sa kaharian ng langit basta’t naninindigan siya sa pangalan ng Panginoon, sumusunod sa daan ng Panginoon, at naglalakbay at gumugugol para sa Panginoon? Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maunawaan natin ito.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mga pagkakataong mabubuti at ang masasama, ngunit hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na magparoo’t parito para sa Diyos at gugulin ang sarili para sa Diyos bawat araw, at kailanman ay hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo rin, ‘Sa ano mang katayuan, naniniwala ako na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ako para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang aking sarili sa Kanya, at masigasig akong nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin Niya ako.’ Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamakatuwiran na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na kalooban ng tao, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol).

Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit maaaring marami ka nang nagawa, at nakagawa na sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makakasuway rito! Kailangan mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Napakalinaw ng salita ng Makapangyarihang Diyos: Ang Diyos ay banal, matuwid, at lubos na pinagbabawalan ng Diyos ang marurumi at masasamang tao na pumasok sa Kanyang kaharian.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Maraming tao ang nagtatanong, “Nagpapagal kami para sa Panginoon at naninindigan sa pangalan at daan ng Panginoon. Bakit hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit?” Hindi lamang ito kung nasusunod man natin ang kalooban ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay ay yaong hindi pa nalulutas ang ating makasalanang kalikasan. Kaya nga, ang pagdanas ng gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kinakailangan upang matanggap ang paglilinis para matupad ang pagbabago ng disposisyon sa buhay at maging isang tao na sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Tanging sa paraang ito siya magiging karapat-dapat madala sa kaharian ng langit. Ngayon maaari nating maunawaan kung bakit madalas tayong nagkakasala sa araw at nangungumpisal sa gabi, at hinding-hindi kailanman naiwawaksi ang kasalanan? Ang pinakaugat ay ang ating kalikasan ni Satanas na madalas nangingibabaw sa atin upang lumaban at maghimagsik laban sa Diyos. Kahit madalas tayong nangungumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, hindi tayo makawala mula sa pagkagapos ng kasalanan. Ganyan ang kalituhan at kasalukuyang kalagayan ng lahat ng mananampalataya sa Panginoon. Dahil sa Kapanahunan ng Biyaya, ginanap lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos upang mapatawad ang tao sa kanyang kasalanan at maging marapat na manalangin sa Diyos, makipagniig sa Diyos at matamasa ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Nguni’t ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagpatawad lamang sa ating mga kasalanan nang hindi pinatatawad ang ating mala-satanas na kalikasan. Kahit nakaya nating magpagal sa pangalan ng Panginoon, naging abala at gumugol, hindi pa rin tayo makawala mula sa kontrol at paggapos ng kasalanan. Kaya sabi ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw magbabalik Siya, upang lunasan ang ating makasalanang kalikasan at mala-satanas na disposisyon. Sa mga huling araw, nakarating na ang Makapangyarihang Diyos upang isakatuparan ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao batay sa saligan ng gawaing pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa paghahayag ng katotohanan, ibinubunyag at hinahatulan ng Diyos ang mala-satanas na kalikasan ng tao, at nililinis ang mala-satanas na disposisyon ng tao, upang tayo’y ganap na mahango mula sa impluwensiya ng Satanas at maligtas at makamtan ng Diyos. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napapagtanto natin na tayo’y nagawang tiwali na ni Satanas nang malalim. Ang kalikasan ni Satanas ay matindi sa atin. Bagaman ang ating mga kasalanan ay napatawad sa pamamagitan ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, at makakapamuhay na tayo sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, namumuhay pa rin tayo sa mala-satanas na disposisyon at hindi kayang isagawa ang salita ng Diyos at mamuhay ayon sa salita ng Diyos, dahil ang kalikasan ni Satanas sa atin ay hindi pa nalulunasan. Hindi ito ang uri ng mga tao na sa bandang huli ay makakamtan ng Diyos. Ang mga taong makakamtan ng Diyos ay ang mga nalilinis na sa kanilang tiwaling disposisyon, ang mga malaya na sa katiwalian at masunurin sa kalooban ng Diyos. Kaya kailangan pa rin natin ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos upang malunasan ang mga ugat ng ating mga kasalanan, samakatuwid nga, ang mala-satanas na disposisyong napapaloob sa atin. Kapag ang ating mala-satanas na disposisyon ay nalilinis na, ang ating pagkahiwalay mula sa impluwensiya ni Satanas ay nagaganap na, at talagang nasusunod natin at nasasamba ang Diyos, kung gayon tunay na tayo’y maliligtas at makakamit ng Diyos, at nararapat sa pangako ng Diyos na pumasok sa Kanyang kaharian. Walang duda rito.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.