Pinatototohanan mo na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ngunit kinokondena ng ateistikong gobyerno ng CCP at ng mga pinuno ng relihiyosong mundo ang inyong mga turo bilang erehiya. Kaya paano kami magkakaroon ng pagkilala sa kung ano ang sinasabi ng CCP at ng relihiyosong mundo?

Abril 20, 2018

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang CCP ay isang ateistang partidong pampulitika. Naniniwala ba sila sa Diyos? Hindi. Kanino sila naniniwala? Naniniwala sila kay Marx, ang pinuno ng Satanismo. Ang CCP, kung gayon, ay Satanista. Natural na ang Satanismo ay may sukdulang pagkasuklam sa iglesia ng Diyos, na masugid nitong sinasalungat at kinokondena. Tingnan natin ang kasaysayan ng CCP. Mula sa pagkakatatag nito, sinamba at pinagpitagan ng CCP ang Manipesto ng mga Komunista ni Marx. Ang CCP ay totoong ateista. Hindi nito kinikilala ang Diyos, sinasamba nito si Satanas at si Marx, ang hari ng mga diyablo, dinadambana nito ang mga salita ni Marx bilang katotohanan, kaya natural na sinasalungat nito ang Diyos at kinokondena ang gawain ng Diyos. Noon pa man ay kinokondena na ng CCP ang Kristiyanismo bilang isang kulto at ang Biblia bilang “panitikan ng mga kulto.” Ano ang palagay mo tungkol dito? Ano bang uri ng organisasyon ang CCP sa iyong paningin? Positibo ba ito o negatibo? Kung malinaw sa iyo ang gayong mga bagay, natural mong malalaman kung paano haharapin ang mga erehiya, maling paniniwala at tahasang kasinungalingan ng CCP. Tingnan natin ngayon ang papel na noon pa man ay ginagampanan na ng relihiyosong mundo sa gawain ng Diyos. Lumitaw ang relihiyosong mundo mula sa gawain ng Diyos, ngunit sa tuwing gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, ginagampanan ng relihiyosong mundo ang papel na sumasalungat sa Diyos, at ang mga pinuno nito ay unti-unting naging mga kumakalaban sa Diyos. Halimbawa, sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, nang magpakita ang Panginoong Jesus at gampanan ang Kanyang gawain, ginawa ang lahat ng pagsisikap ng mga pinuno ng Judaismo para salungatin at kondenahin Siya, at sa huli ay ipinako nila Siya sa krus. Habang lumalaganap ang ebanghelyo ng pagtubos ng Panginoong Jesus, tinanggihan ng karamihan sa mga tagasunod ng Judaismo ang Panginoong Jesus; kahit ngayon, patuloy nilang sinasalungat at kinokondena ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito katotohanan? Sa mga huling araw, nagpakita ang Makapangyarihang Diyos at ginagampanan Niya ang Kanyang gawain. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Sinalungat at kinondena ng buong pamayanang pangrelihiyon ang Makapangyarihang Diyos, tulad din ng pagsalungat at pagkondena ng Judaismo sa Panginoong Jesus. Ang dalawang ito ay hindi makapaghintay na ipako sa krus si Cristo na nagpapahayag ng katotohanan. Ipinapahiwatig ng mga totoong pangyayaring ito na sinasalungat ng relihiyosong mundo ang Diyos at nasa ilalim ito ng kontrol ng mga anticristo. Kaya ngayon, kapag nakikita mong kinokondena ng CCP at ng relihiyosong mundo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang isang kultong erehe, nakikita mo ba ito sa kung ano talaga ito?

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Ano ba ang isang “xie jiao”? Walang pag-aalinlangang hindi ito tumutukoy sa isang tunay na paniniwalang pangrelihiyon. Isinisilang mula sa gawain ng Diyos ang tunay na paniniwalang pangrelihiyon, samantalang ang isang xie jiao ay lubos na salungat sa tunay na daan, ito ay produkto ng panlilinlang ni Satanas at ng iba’t ibang masasamang espiritu sa mga tao—walang-pasubali tungkol dito. Walang estado o grupo ang kuwalipikado o may karapatang tukuyin ang isang relihiyon bilang xie jiao o ortodokso, dahil hindi taglay ng tiwaling sangkatauhan ang katotohanan. Si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at maaari lamang matukoy ang isang xie jiao batay sa mga salita ng Diyos. Kung walang mga salita ng Diyos bilang batayan, kahit ang isang mahusay na pagpapasya ay hindi tumpak. Ang CCP, lalo na, ay sa Satanismo, isang xie jiao—mas lalong hindi ito kuwalipikadong kumondena ng tunay na paniniwalang pangrelihiyon. Noon pa man ay palagi nang kinokondena ng CCP ang Kristiyanismo bilang isang xie jiao, at kinondena ang ilang grupong Kristiyano bilang xie jiao, na ganap na hindi makatwiran. Kinamumuhian talaga ng CCP ang katotohanan at ang Diyos, kaya kinokondena nito ang mga positibong bagay at ang mga tunay na paniniwalang pangrelihiyon bilang xie jiao. Ano ba ang relihiyong ortodokso, at ano ang isang xie jiao? Sa tiyak na pagsasalita, ang lahat ng iglesia na naniniwala sa tunay na Diyos ay ortodokso; ang lahat ng naniniwala sa mga huwad na diyos, sa masasamang espiritu, kay Satanas at sa mga demonyo ay xie jiao; at ang lahat ng nangangaral ng mga erehiyang lumalaban sa Diyos at mga maling paniniwala tulad ng ateismo at ebolusyon ay xie jiao. Tulad ng alam sa lahat, ang Partido Komunista ay nilikha ng Aleman na si Marx. Si Marx ay isang umaming Satanista na nagpahayag na siya ang diyablong si Satanas. Paano naging ortodokso ang Partido Komunista, na nilikha ng isang totoong demonyo? Itinataguyod noon pa man ng Partido Komunista ang marahas na rebolusyon. Mga mangangatay sila ng sangkatauhan at mga totoong ateista. Sa Manipesto ng mga Komunista, sinabi ni Marx, “Isang pangitain ang nagmumulto sa Europa—ang pangitain ng Komunismo.” Sa kasalukuyan, ang pangitaing ito ay isinasagisag ng CCP. Ang reaksiyonaryong CCP ay malinaw na may pagiging xie jiao na tagos sa buto. Higit na tuso ang CCP kaysa sa lumikha rito na si Marx, na nangahas na aminin sa publiko na siya ang diyablong si Satanas; hindi nangangahas ang CCP na sabihin ito. Eksperto ang CCP sa pagbabaluktot ng mga katotohanan at pagpapalabas na puti ang itim, isa itong dalubhasa sa pagbabalatkayo, panlilinlang at pagiging diyablo na nagagalit sa kasalanan, kaya nitong gawing mali at masama ang tama, at gawing tama ang masama. Malinaw na ang CCP mismo ay masama at reaksiyonaryo, ngunit nagbabalatkayo ito na positibo at makatarungan, at ginagawa ang lahat ng makakaya nito para itanghal ang sarili bilang dakila, maluwalhati, at tama. Ganoon ang mga pamamaraan na palaging ginagamit ng CCP. Ang CCP ay dalubhasa sa pagiging diyablo na nagagalit sa kasalanan. Walang anuman sa mundo ang mas bihasa sa panlilinlang, panloloko, paglalaro, paggawang tiwali, at pagpatay sa sangkatauhan kaysa sa CCP. Ang CCP lamang ang maaaring magtakda na isang xie jiao ang isang relihiyong ortodokso—ngunit sa katunayan, ang CCP ang tunay na xie jiao, ang totoong Satanista ng mga huling araw, isang matatag na kumpol ng mga demonyo, ang pinakamasama at pinakamapaminsalang reaksiyonaryo at teroristang organisasyon sa mundo. Ang mga ito ay mga kinikilalang katotohanan, at hindi mali ni kaunti!

Bukod pa roon, dapat sukatin ng bawat isang may pananampalataya at ng lahat ng tao sa mundo batay sa pangkalahatang pagpapahalaga kung ang isang relihiyon o isang iglesia ay isang xie jiao—ito lamang ang makatarungan. Ang pagtukoy kung aling mga relihiyon ang xie jiao batay lamang sa konstitusyong ginawa ng CCP ay medyo katawa-tawa. Dahil ang CCP ay likas na ateista, dahil hindi naman talaga nito kinikilala ang pagkakaroon ng Diyos, lalong hindi nito kilala ang Diyos, at dahil sinasalungat nito ang Diyos, at kaaway ito ng Diyos, kung kaya hindi ito kwalipikadong magbigay ng puna sa mga usapin ng pananampalataya sa Diyos, lalong hindi ito kwalipikadong gawing kriminal ang anumang grupo na naniniwala sa Diyos o sa mga iglesia. Sa katunayan, ang ateismo at konstitusyon ng CCP ay naging daan para pangalanan nito na xie jiao ang lahat ng grupo na naniniwala sa Diyos o ang mga iglesia, kabilang na ang Kristiyanismo at ang iba pang partikular na relihiyosong grupo. Hayagan din nitong binansagan ang Biblia na panitikang xie jiao. Kinikilalang mga katotohanan ang mga ito. Mula pa nang makuha nito ang kapangyarihan sa mainland China, gumagamit na ng isang hanay ng malulupit na pamamaraan ang CCP para sugpuin, pigilin, at usigin ang mga naniniwala sa Diyos at alisin sa kanila ang kalayaan nila sa relihiyon. Gumagamit ito ng opinyon ng publiko at pulitikal at legal na paraan para gipitin ang mga iglesia, takutin ang mga naniniwala sa Diyos, at pigilan ang mga tao na sumamba at sumunod sa Diyos, para sambahin at sundin nila ang CCP at patuloy na tanggapin ang pamumuno nito at paglingkuran ito. Iprinoproklama rin nito na ang kaligayahan ng mga tao ay iginagawad ng CCP, yamang ang CCP ang “magulang” na nagbibigay ng pagkain at damit sa mamamayang Tsino. Ito ay tunay na walang kahihiyan at labis na wala sa katwiran! Malinaw na ang CCP ang masamang partido, ang xie jiao. Mas pasista pa ito kaysa sa mga pasista. Sa mundo ngayon, wala nang ibang organisasyon ang mas mapusok o mapaghangad ng masama sa pagsalungat nito sa Diyos kaysa sa masamang CCP; wala nang ibang organisasyon ang mas malupit sa pagsasamantala, panlilinlang, at panunupil sa populasyon nito, at wala nang ibang organisasyon ang nakapatay at nakapinsala ng mas maraming tao. Matagal nang nakuha ng CCP ang poot ng Langit at ang galit ng mga tao. Kaya, ang ilegal na naghaharing partido na ito na gumagamit ng kasinungalingan, panlilinlang at karahasan para samsamin ang kapangyarihan ay hindi kwalipikadong magsabi kung aling relihiyon o iglesia ang ortodokso at kung alin ang xie jiao. Maaaring lumagda ang CCP sa ilang pandaigdigang kapulungan, ngunit isa lamang itong paraan ng panlilinlang nito sa mga mamamayang Tsino at panloloko sa pandaigdigang pamayanan; sa katunayan, hindi nito kailanman kinilala o tinanggap—lalong hindi sinunod—ang mga kapulungang ito. Ang konstitusyon ng China ay hindi talaga isang batas kung ibabatay sa totoong kahulugan nito. Nilikha ito para sa mamamayang Tsino at ito ay isang kasangkapan para higpitan at igapos sila. Ang mismong CCP ay hindi talaga sumusunod sa batas. Sa isang bansa na nasa ilalim ng diktadura ng Partido Komunista, walang batas. Maaaring sabihin na ang kapangyarihan nito ay higit sa batas. Inihayag na sa publiko ng mga opisyales at pulisya ng CCP na sila ang batas, at na ang sinasabi nila ang batas, na nagdulot na lubos na balewalain ng CCP kapwa ang batas at ang Langit. Sa kasalukuyan, pinarurusahan ng Diyos ang CCP sa paglaban sa Kanya. Ginawa ng Diyos ang bawat uri ng sakuna para wasakin ang CCP. Hindi na pinaniniwalaan ng mga mamamayang Tsino ang sinasabi ng CCP, dahil ang mga sinasabi ng CCP ay walang iba kundi maling paniniwala at erehiya, ang pagbabaluktot ng mga katotohanan, ang pagbabaligtad ng katotohanan, ang kawalan ng lahat ng katwiran, walang iba kundi napakasasamang salita na nanlilinlang, nagpaparalisa, at nagmamanipula ng mga tao.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Ang terminong “Kidlat ng Silanganan” ay nagmula sa isa sa mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at tumatanggap sa Kidlat ng Silanganan ay naitaas na sa harap ng Kanyang trono, habang ginagawa ng mga tumatanggi sa Kidlat ng Silanganan ang lahat ng kanilang makakaya para kondenahin ito bilang erehe. Hindi ito nakagugulat; mayroong mahabang kasaysayan ng mga pinuno ng relihiyon na lumalaban at kumokondena sa gawain ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, kinondena ng mga punong pari, eskriba, at Fariseo ng pananampalatayang Judio ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus bilang erehe, at nilabanan at inuusig Siya. Walang umiral na awayan sa pagitan nila at ng Panginoong Jesus, kaya bakit galit na galit nilang nilabanan at kinondena Siya? Alam ng lahat ng pamilyar sa Biblia na sa pamamagitan ng paggawa ng gawain, pangangaral, at pagganap ng maraming palatandaan at kababalaghan, nagdulot ang Panginoong Jesus ng malawakang interes sa buong Judea, at maraming Judio ang nagsimulang sumunod sa Kanya; nagdulot ito ng matinding galit sa matataas na pinunong Judio. Lubos nilang nalalaman na kung pahihintulutan nila ang Panginoong Jesus na magpatuloy sa paggawa at pangangaral, susunod sa Kanya ang lahat ng mga mananampalatayang Judio at babagsak ang Judaismo. Wala nang sasamba o susunod sa mga pinunong iyon; mawawala ang kanilang katayuan at kabuhayan. Sa pagsisikap na panatilihin ang mga bagay na ito, ginamit nila ang lahat ng kanilang makakaya laban sa Panginoong Jesus, at ipinako Siya sa krus. Nang ipinalaganap ng mga apostol ng Panginoong Jesus ang Kanyang ebanghelyo, ipinaresto at inusig sila ng mga pinunong iyon, sinasabing erehe ang gawain ng Panginoong Jesus. Mula rito ay makikita natin na hindi maiiwasan na tanggihan at ikondena ng mga pinuno sa mga relihiyosong pangkat ang tunay na daan.

Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpahayag ng lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at nakagawa rin ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Gayundin, sumailalim Siya sa pagtutol at pagkondena ng mga pinuno ng relihiyon. Tinutupad nito ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Dito ang, “datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” ay tumutukoy sa pagbabalik ng Panginoon kung kailan ay muli Niyang pagdurusahan ang pagkondena at pagtanggi ng mga tao. Tunay na sinasalamin ng mga salitang ito ang mapagmataas na pagkondena sa Makapangyarihang Diyos ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, hindi ba? Ang lahat ng pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at ibinunyag ng mga ito ang lahat ng misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala. Kabilang dito ang lahat ng katotohanan—tulad ng Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala, ang layunin ng Kanyang tatlong yugto ng gawain, ang misteryo at kabuluhan ng Kanyang pagiging tao, kung paano umunlad ang sangkatauhan hanggang ngayon, at ang paroroonan sa hinaharap ng sangkatauhan. Nakita ng maraming tao na nag-asam sa Kanyang pagpapakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan; nakita nila na ang lahat ng ito ay katotohanan, nakilala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik, at sunod-sunod silang bumaling sa Kanya. Kaya, bakit hindi tinatanggap ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, na naglingkod sa Diyos nang maraming taon, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ngunit sa halip ay galit na galit na nilalabanan at kinokondena Siya ng mga ito? Sa katunayan, marami sa kanila ang nakabasa na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakarinig ng mga sermon ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kinilala ng karamihan sa kanila na may awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang mga salita at na ang lahat ay pagpapahayag ng katotohanan, ngunit nilalabanan pa rin nila ang kanilang sariling konsiyensiya para makondena ang Iglesia bilang erehe. Ito ay dahil nakikita nila kung gaano kamakapangyarihan ang Kanyang mga salita—sapat na makapangyarihan para lupigin ang buong relihiyosong mundo—at na kung hindi nila pipigilan sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang mga taong may tunay na pananampalataya, ang buong relihiyosong mundo ay guguho. Pagkatapos noon, wala nang sasamba o susunod sa mga pastor at elder na iyon. Para makakapit sa kanilang katayuan at mga kabuhayan, galit na galit nilang hinahatulan at kinokondena ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at tinutuligsa ang Iglesia bilang erehe; ang layunin nila ay gamitin ito para pagtakpan ang katotohanan na ang ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, nagpakita, at gumawa ng gawain, at para pigilan ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan at pumunta sa harapan ng Diyos. Sa halip ay gusto nilang sambahin at sundin sila ng mga mananampalataya magpakailanman nang sa gayon ay maaaring makamit ng mga elder at pastor na ito ang kanilang kasuklam-suklam na layuning magkaroon ng walang hanggang kontrol sa relihiyosong mundo. Malinaw na ang ugat ng kanilang pagkondena at paglaban sa Makapangyarihang Diyos ay kapareho ng sa mga Fariseong Judio laban sa Panginoong Jesus. Ito ay ganap na pinangingibabawan ng kanilang mga satanikong kalikasan ng pagkamuhi, pagkapoot sa katotohanan, at paglaban sa Diyos. Ang mga katotohanan ay sapat na nagpapatunay na habang ang mga pastor at elder na ito sa mga relihiyosong pangkat ay naniniwala at naglilingkod sa Diyos, hindi nila Siya iginagalang. Sila ay mga tunay na Fariseo; lahat sila ay mga anticristo na inilalantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Kahit na ang gawain ng Panginoong Jesus ay kinondena bilang erehe ng lahat ng pamunuan ng mga Judio noong panahong iyon, ang Kanyang ebanghelyo ay lumaganap pa rin sa bawat sulok ng mundo at tinanggap ng parami nang paraming bilang ng mga tao. Sa kasalukuyan, kinikilala Siya ng buong relihiyosong mundo bilang ang tunay na Diyos at ang Kanyang gawain bilang ang tunay na daan. Sa mga huling araw, kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon bilang erehe ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Mahigit sa dalawang dekada pa lamang mula ng magpakita Siya at magsimulang gumawa ng gawain sa China, at sa ngayon ang ebanghelyo ng kaharian ay lumaganap na sa buong mainland China, dinadala ang milyun-milyong tao sa harapan ng Makapangyarihang Diyos. Lumalawak ito ngayon sa buong mundo sa bilis ng kidlat, at may mga sangay ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na itinatag na ngayon sa maraming bansa. Mula rito, maliwanag na ang tunay na daan ay palaging magiging ang tunay na daan; kahit pa kinokondena ito bilang erehiya ng lahat ng pinuno ng mga relihiyosong pangkat, sa huli ay kikilalanin at tatanggapin ito ng buong sangkatauhan. Hindi mapapabulaanan ng sinuman ang mga katotohanan ng pagpapakita at gawain ng Diyos, ni hindi nila maaaring hadlangan ang Kanyang gawain. Ito ang natatanging awtoridad ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...