Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Agosto 31, 2018

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng Partido Komunista ay hindi makatwiran, at isang kabaliwan. Sa huli kung ano ang matuwid, at kung ano ang masama, ay dapat nakabase, sa pag-ayon nito sa katotohanan, at kung ang mga salita ng Diyos ba ay hindi o pwedeng gawing tiyak na basehan. Una sa lahat dapat nating malaman, na ang nag-iisang tunay na Diyos lamang, na lumikha sa lahat ng bagay, ang katotohanan. Ang Diyos ang Kataas-taasan, at ang Nag-iisa na dapat sambahin ng lahat. Ayon sa kasabihang, “May espiritung nagbabantay sa iyo,” “Kumikilos ang mga tao, nanonood ang Langit,” “Hindi kayang labagin ang gusto ng Langit,” “Ang katarungan ay nasa puso ng tao,” “Mamumunga ng kabutihan ang kabutihan, ang kasamaan ay kasamaan,” “Walang dasal ang makapagliligtas sa paghamak ng Langit,” at iba pa. Pinatutunayan ng mga kasabihang ito na ang Diyos ang Pinuno ng lahat at binabantayan Niya ang lahat ng bagay. Ang Diyos ang katotohanan, at ang lahat ng positibong bagay ay nagmula sa Diyos. Ang mga pamantayang ligal at panuntunang moral ng lipunan ay nagmula sa gawain ng Diyos, at sa mga salita ng Diyos. Mula pa nung paglikha, inihahayag na ng Diyos ang katotohanan, ginagabayan ang tao, tinutubos at inililigtas ang sangkatauhan. Kung ganon, ang Diyos ang dakilang Manunubos. Ang paniniwala ng tao, pagpapaubaya sa Diyos, pagsamba sa Kanya, at pagsunod sa gawain ng Diyos, positibong bagay ang lahat ng ito, tamang landas ng buhay ng tao, at tumatanggap ng biyaya ng Diyos. Sa kabilang banda, ang lahat ng negatibong bagay, ang lahat ng kasamaan ay nagmula kay Satanas. Lahat ng nagtatakwil sa Diyos, tumatanggi o kumakalaban sa Diyos, ito lamang ang masasamang bagay. Kaya ano ba talaga ang kulto sa bandang huli? Maaaring sabihing, lahat ng nakapipinsala sa Diyos, lahat ng kumakalaban sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, lahat ng nagtatakwil sa Diyos, tumatanggi o kumakalaban sa gawain ng Diyos, at nagdadala sa tao sa kadiliman, na dahilan para mapalayo ang tao sa Diyos, at itanggi Siya, at maging mas masama, habang nahuhulog sila sa kasamaan, na dahilan para magalit ang Diyos at magdala ng sakuna, ang ganitong organisasyon, ang masamang kapangyarihang ito, ang matatawag na kulto. Mula nang magkaro’n ng kapangyarihan ang Partido Komunista ng Tsina, ikinalat na nito ang ateismo at teorya ng ebolusyon, para linlangin at pasamain ang mga Tsino, at naging dahilan para mapunta sila sa landas na nagtatakwil sa Diyos, tumatanggi at nagkakanulo sa Kanya, sa pakikipaglaban nila sa disposisyon ng Diyos, hinaharap nila ang mga sumpa Niya. Sa pagtatakwil sa Diyos, nagdala ang Partido Komunista ng Tsina ng walang katapusang sakuna. Nalubog sa kumunoy ng paghihirap ang mga tao, dumanas ng matinding sakit, at isa-isang nangibang-bansa. Sa maraming taon ng kapangyarihan, labis na kinamuhian ng Partido Komunista ng Tsina CCP ang Diyos, kinalaban nila ang Diyos, at gumawa ng napakaraming kasamaan, hindi kayang isa-isahin sa sobrang dami. Kung kaya ang CCP lamang ang nag-iisa at tunay na kulto! Sa pagdedeklara sa mga Kristiyanong Iglesia bilang mga kulto, pinapalitan ng CCP ng kasinungalingan ang katotohanan, at binabaluktot ang mga tunay na nangyari.

Alin bang mga prinsipyo ang pagbabasehan sa pagpili ng tamang daan mula sa kulto? Yun ang, nararapat na pag-isipan ng sangkatauhan! Sa ilang libong taon, naghasik ng mga heresiya at kamalian si Satanas para linlangin at pasamain ang sangkatauhan, na dahilan para itanggi ng tao ang Diyos, layuan at ipagkanulo ang Diyos. Nakaapekto ito sa tao, para maging mas masama, makasalanan at magulo. Mula ng magkaro’n ng kapangyarihan ang Partido Komunista, tahasan nitong itinuturo ang ateismo at ang teorya ng ebolusyon, sinasabi nila na “Hindi nagtataglay ng Diyos ang mundo, at kailanman ay hindi nagkaro’n ng Tagapagligtas,” at “Sarili ko ang panginoon sa langit at lupa,” “Matatalo ng tao ang kalikasan at malalabanan ang langit at lupa,” sabi rin sa kasabihan, “Nasa kamay ng tao ang sarili niyang kapalaran,” at “Ang tao ay para sa sarili niya at kukunin ng demonyo ang pinakahuli,” at “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at iba pang heresiya at kasinungalingang nanlilinlang at nagpapasama sa mga Tsino, na naging dahilan para, lalong maging arogante at mayabang ang mga tao, makasarili at mapanlinlang, gahaman at masama. Naglaho na ang konsensya ng mga tao, at nawala na rin ang pagkatao nila. Gaya ng mga demonyo at halimaw, wala na ring sinasanto ang mga tao. Pinapatay na nila ang isa’t isa. Sa Tsina, ang pinakamadilim at pinakamasamang lugar sa mundo kung saan nandu’n ang malaki at pulang dragon, ay nagpakita ang Diyos, kumilos at nagpahayag ng katotohanan para sa layuning padalisayin at tuluyang iligtas ang sangkatauhan, na dahilan para makatakas ang tao sa masamang paghahari ng kapangyarihan ni Satanas, tuluyang makalapit sa Diyos at makapunta sa landas ng liwanag. Tunay na positibo ang lahat ng bagay na ito! Gayunpaman nahulog sila sa matinding pagkundina, brutal na pagpapahirap at pang-aapi ng Partidong Komunista ng Tsina. Sa paggawa nito, hindi ba’t kinakalaban ng CCP ang Kalangitan? Kinikilala ng mga taong may konsensya na ang paniniwala sa Diyos ang tamang daan, na ang pagpapakita at gawain ng Diyos lamang at ang katotohanang ipinahayag Niya ang magliligtas sa sangkatauhan. Kaya nga, ang tunay na daan lamang, ay ang Nag-iisang nagpapahayag ng katotohanan, at kayang iligtas ang tao. Lahat ng nanlilinlang sa tao, nagpapasama sa tao, at nagdadala sa tao patungo sa kadiliman at kasamaan, ang mga yon ang tunay na kulto ng demonyo. Ito lang ang matibay na pamantayan para makita ang tamang daan mula sa kulto. Kung ang iglesiang tumatanggap ng gawain ng Diyos at katotohanan ay tinawag na kulto, hindi ba’t ginugulo ng kasinungalingang ito ang katotohanan at isa itong kabaliwan? Ang Diyos lamang, ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Ang pagpapakita lang at gawain ng Diyos, ang makapagdadala ng katotohanan at liwanag sa mga tao, at makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at impluwensya ni Satanas, at magdadala sa tao patungo sa maluwalhating kinabukasan. Ang pinakamasamang gawain ay kapag, binansagan ang iglesiang tumatanggap sa gawain ng Diyos bilang isang kulto. Ang Partido Komunista lang, ang maaaring gumawa ng ganung klase ng bagay. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos, ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan. Halimbawa na lang sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos sa unang pagkakataon bilang ang Panginoong Jesus. Sa panlabas, nagpakita Siya bilang ordinaryong tao. Ganunman ipinahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan para matubos ang sangkatauhan. Sa pagkakapako sa Kanya, Siya ang naging tagatubos sa kasalanan para sa mga tao, na naging dahilan para lumaya ang tao sa pagbatikos at mga sumpa ng kautusan, at nagpapahintulot sa kanila para mabuhay sa biyaya at pagpapala ng Diyos. Umayon ang Hudaismo sa namamayaning kapangyarihan nung panahong iyon, at ginawa ang lahat para mahatulan ang Panginoong Jesus. Ipinako nila sa krus, ang Panginoong Jesus. Naniwala silang sa paggawa nito, matatapos na nila ang gawain ng Panginoong Jesus, at makakamit na nila ang layunin nila. Pero anong naging resulta? Sa ngayon, kumalat na sa buong mundo ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus na tumutubos sa sangkatauhan. Maraming tao ang tumanggap ng biyaya at pagpapala ng Diyos. Tinanggap na ng, mga relihiyosong grupo, na ang Panginoong Jesus ang Cristo, at ang Tagapagligtas. Ang Kristiyanong iglesiang nilikha ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, ang tunay na daan; yun ang tradisyunal na relihiyon! Ang ateismo lamang ng Partidong Komunista ang nagkokondena sa mga Kristiyanong iglesia bilang mga kulto, pati na rin sa Banal na Biblia bilang aklat ng kulto. Ito ang katotohanan hindi ba? Ang pagkondena ng CCP sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, at pagdedeklara sa Kristiyanismo bilang kulto ay hindi na kagulat-gulat, dahil ang, gobyerno ng CCP ay satanikong rehimen, na kumakalaban sa katotohanan at kumukutya sa Diyos. Sa katunayan nagagalit ito sa tuwing nagpapakita ang Diyos at ginagawa ang gawain. Malinaw itong nakikita sa maka-Satanas nitong kalikasan. Sa mga huling araw, nagbalik ang Panginoong Jesus, bilang Diyos na nagkatawang-tao, ang Makapangyarihang Diyos, na nagpahayag ng katotohanan para gawin ang paghatol ng mga huling araw, ng sa ganun ay lubos na madalisay at mailigtas ang sangkatauhan, at madala ang tao sa kaharian ng Diyos, na lubusang nagwawakas sa lumang panahong ito ng kadiliman at kasamaan. Ang katotohanang nagpakita ang Diyos at gumawa ng gawain ay sapat na para patunayang ang Diyos at ang bawat yugto ng gawain Niya ang namumuno sa buong sangkatauhan para mabuo, at ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos ang gumagabay sa sangkatauhan sa landas patungo sa liwanag. Kung wala ang mga salita at gawain ng Diyos, hindi gagalaw ang mga tao at hindi uunlad, at lulubog sa sukdulan ng kasalanan na magbubunga ng pagkawasak. Kung may mga taong magdedeklara sa bawat yugto ng gawain ng Diyos bilang kulto, anong klaseng problema ito sa bandang huli? Ito ang bagay na karapat-dapat pagnilayan at bigyan ng malalim na pansin! Sa ngayon, ang mga tao ng iba’t ibang sekta at grupo na nagmamahal sa katotohanan at naghahanap ng liwanag ay nabasa na ang mga salita ng Makapangyariahng Diyos, at nagawang ideklara na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Tagapagligtas ng mga huling araw. Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang tunay na daan, at matagal na panahon nang natanggap, nasaksihan, at naikalat ng napakaraming tao. Bakit ang Partidong Komunista, ay nagpipilit sa paggawa ng lahat ng paraan, para kondenahin at kalabanin ang gawain at ang iglesia ng Diyos? Bakit pagdating sa pagpapakita at gawain ng Diyos, pagdating sa katotohanan, at pagdating sa mga positibong bagay, lalo itong kinokondena ng Partidong Komunista, inaatake at ipinagbabawal? Hindi ba’t paglaban ito sa Langit, at sukdulang pagsalungat? Ngayon ay, malinaw na nating makikita na ang kahit na anong partido o samahan na galit sa katotohanan, tumatanggi sa Diyos, lumalayo at kumakalaban sa Kanya ang siyang tunay na kulto. Silang mga gumagawa ng kwento at mga kamalian para linlinagin at pasamain ang sangkatauhan, ang matatawag na kulto. Ang anumang pumipigil at nagkokondena sa Kristiyanong iglesia, at sumusuway kay Cristo ang matatawag na kulto. Ang anumang nagtatatwa sa Diyos, sa katotohanan, sumasalungat dito o kumakalaban kay Cristo ang matatawag na kulto. Ang Partido Komunista ang partidong pulitikal na matinding tumatanggi sa Diyos, lumalayo sa Kanya, umaayaw sa katotohanan at lubhang nagagalit kay Cristo. Ibig sabihin, ang Partido Komunista ay isang tipikal at tunay na masamang kulto.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo

Sinundan: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?
Sumunod: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...