Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao sa paghusga ng ibang mga tao; iyong may mabubuting pag-uugali ay matutuwid, samantalang iyong mga may karumal-dumal na pag-uugali ay masasama. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba sa Kanya o hindi ang kanilang diwa; ang nagpapasakop sa Diyos ay matuwid na tao, samantalang ang hindi nagpapasakop ay isang kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at tama man o mali ang kanyang pananalita. Nais ng ilang tao na gumamit ng mabubuting gawa para magtamo ng magandang hantungan sa hinaharap, at nais ng ilang tao na gumamit ng magagandang salita upang makakuha ng magandang hantungan. Maling naniniwala ang lahat na itinatakda ng Diyos ang kalalabasan ng mga tao batay sa kanilang pag-uugali o sa kanilang pananalita; kaya maraming tao ang nagnanais na samantalahin ito upang makakuha ng panandaliang biyaya sa pamamagitan ng panlilinlang para sa kanilang sarili. Ang mga taong mananatiling buhay sa darating na panahon ng kapahingahan ay lahat nakapagtiis na sa araw ng pagdurusa at nakapagpatotoo na sa Diyos; lahat sila ay magiging mga tao na tumupad nang maayos sa kanilang mga tungkulin at na sadyang nagpasakop sa Diyos. Iyong mga nais lamang gamitin ang pagkakataon na makapagserbisyo para maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi mananatili. May mga naaangkop na pamantayan ang Diyos para sa pagsasaayos ng kalalabasan ng bawat indibidwal; hindi Siya basta lang gumagawa ng mga kapasyahang ito ayon sa mga salita at asal ng isang tao, at hindi rin Niya ginagawa ang mga ito batay sa kung paano kumikilos ang isang tao sa isang yugto ng panahon. Hinding-hindi Siya magiging maluwag pagdating sa lahat ng masamang gawa ng isang tao dahil sa nakaraang pagseserbisyo nito sa Kanya, at hindi rin Niya ililigtas ang isang tao mula sa kamatayan dahil iginugol nito ang sarili nito para sa Kanya sa ilang panahon. Walang sinuman ang makaiiwas sa retribusyon para sa kanyang kasamaan, at walang sinuman ang makakapagkubli ng kanyang masasamang gawa at sa gayon ay makaiiwas sa pagdurusa ng pagkasawi. Kung tunay na kayang tuparin nang maayos ng mga tao ang sarili nilang mga tungkulin, nangangahulugan ito na walang hanggan silang tapat sa Diyos at hindi sila naghahanap ng mga pabuya, tumatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Kung tapat sa Diyos ang mga tao kapag nakakakita sila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila nakakakita ng anumang pagpapala, at kung ang mga taong ito—na minsang nagtrabaho nang tapat para sa Diyos—ay hindi pa rin makapagpatotoo sa Diyos o makatupad nang maayos ng mga tungkuling nakaatang sa kanila sa huli, kung gayon, masasawi pa rin ang gayong mga tao. Sa madaling salita, hindi makakapanatiling buhay magpakailanman ang masasamang tao, at hindi rin sila makapapasok sa kapahingahan; tanging ang matutuwid ang magiging mga panginoon sa kapahingahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Pamamahinga
Itinatakda Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, o dami ng pagdurusa, lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong maunawaan na parurusahan ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos nang walang eksepsiyon. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao. Samakatwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan dahil sa katuwiran ng Diyos at bilang ganting-parusa sa kanilang maraming masasamang gawa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan
Ang mga pagbabago lang sa pag-uugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa buhay disposisyon ng mga tao, sa malao’t madali, ipapakita nila ang mga tunay nilang kulay. Ito ay dahil ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa pag-uugali ay ang kasigasigan, at bukod pa rito, gumagawa ang Banal na Espiritu ng ilang gawain sa panahong ito, kaya nagiging napakadali para sa mga tao na maging masigasig o magpakita ng kaunting kabaitan sa loob ng maikling panahon. Katulad ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, “Madali ang paggawa ng isang mabuting bagay; ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting bagay.” Bakit walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting bagay sa buong buhay nila? Sapagkat sa kalikasan, ang mga tao ay buktot, makasarili, at tiwali. Ang pag-uugali ng isang tao ay dinidikta ng kanyang kalikasan; anuman ang kalikasan ng taong iyon, gayundin ang mga likas na pagbubunyag niya, at iyon lamang likas na ibinubunyag niya ang kumakatawan sa kanyang kalikasan. Hindi magtatagal ang mga pagkukunwari. Kapag gumagawa ang Diyos upang iligtas ang tao, hindi ito upang palamutian ang tao ng mabuting pag-uugali—ang layon ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang disposisyon ng mga tao, baguhin sila hanggang sa kaibuturan at gawin silang mga bagong tao. Ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa tao ay pawang nagsisilbi upang baguhin ang kanyang disposisyon upang makamit niya ang pagpapasakop at katapatan sa Diyos, at tunay siyang sumamba sa Diyos. Ito ang resulta na nais makamit ng Diyos sa Kanyang gawain, at ito rin ang pakay ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na pagkakilala sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang mga tao ay medyo nabibigyang-liwanag o nagagabayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagbubunyag ng buhay nila. Hindi pa sila nakapasok sa mga katotohanang realidad, at ang kanilang buhay disposisyon ay hindi talaga nagbago. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ito nagpapatunay na nagpapasakop siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay hindi kumakatawan sa mga pagbabago sa buhay disposisyon at hindi maaaring ituring ang mga ito bilang mga pagbubunyag ng buhay.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Ano ang kabuluhan ng iyong mabuting pag-uugali? Mapapalitan ba nito ang isang pusong sumasamba sa Diyos? Hindi ka makakatanggap ng mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan lamang ng paggawa ng ilang mabuting bagay, at hindi bibigyang-katarungan ng Diyos ang iyong mga hinaing at hindi Niya ipaghihiganti ang mga kamaliang nagawa laban sa iyo dahil lamang sa ikaw ay nabiktima at naapi. Iyong mga nananampalataya sa Diyos subalit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng kabutihan—hindi ba’t kinakastigo rin sila? Nananampalataya ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang na itama at ipaghiganti ng Diyos ang mga kamalian laban sa iyo, at nais mo na ipagkaloob sa iyo ng Diyos ang araw mo, ang araw kung kailan maitataas mo na sa wakas ang iyong noo. Ngunit hindi mo pinapansin ang katotohanan, at hindi ka nauuhaw na maisabuhay ang katotohanan. Lalo nang hindi mo kayang takasan ang mahirap at hungkag na buhay na ito. Sa halip, habang ipinamumuhay mo ang iyong buhay sa laman at sa gitna ng kasalanan, umaasa ka sa Diyos na bigyang-katarungan ang iyong mga hinaing at alisin ang kalabuan ng iyong pag-iral. Ngunit posible ba ito? Kung taglay mo ang katotohanan, makakasunod ka sa Diyos. Kung mayroon kang pagsasabuhay, maaari kang maging isang pagpapamalas ng salita ng Diyos. Kung mayroon kang buhay, maaari kang magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Iyong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagbibigay-katarungan para sa mga taong nagmamahal sa Kanya nang taos-puso at nagtitiis ng mga paghihirap at mga pagdurusa, ngunit hindi para sa mga taong nagmamahal lamang sa kanilang mga sarili at nabihag ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng katuwiran sa mga umiibig lamang sa laman? Hindi ba’t ang katuwiran at kabutihan ay parehong binabanggit lamang kaugnay ng katotohanan? Hindi ba’t nakalaan ang mga iyon para sa mga buong-pusong nagmamahal sa Diyos? Iyong mga hindi umiibig sa katotohanan at mga nabubulok na bangkay lamang—hindi ba’t ang lahat ng taong ito ay nagkikimkim ng kasamaan? Iyong mga walang kakayahang isabuhay ang katotohanan—hindi ba’t lahat sila ay kaaway ng katotohanan? At ano naman kayo?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay
Ganoon ba kadaling magawang perpekto sa harap ng Diyos bilang isang banal na tao o isang taong matuwid? Isang totoong pahayag na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa mundo.” Kapag haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat salita, pagkilos, at galaw, ang bawat kaisipan at ideya, maging ang mga panaginip na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng mga iyon ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan ng mga bagay-bagay? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos sa iba, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi ito nangangahulugan ng pag-iwas sa pag-aaway at pagtatalo o pagnanakaw at pag-uumit. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos bilang iyong tungkulin na mula sa langit, kailanman o saanman, tulad lamang ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Maaaring tawaging matuwid si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana kung ano ang natamo niya o nawala sa kanya; masasabi lamang na ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel, ngunit hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumatawan sa pagkamatuwid. Kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa.” Sa mga nasa daloy ng pagpapanumbalik, walang sinuman ang matatawag na matuwid na tao. Gaano man kahusay ang iyong mga pagkilos, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, o nagnanakaw o nangangamkam sa iba, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang gayong mga bagay ay kayang taglayin ng sinumang normal na tao. Ang susing isyu ngayon ay na hindi mo kilala ang Diyos. Masasabi lamang na sa ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subalit ikaw ay walang mga elemento ng pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang makapagpapatunay na kilala mo ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan
Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang maging kaayon ni Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang may pagkakasundo, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa ring tao, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang. Huwag mong isiping kaayon ka ni Cristo dahil lamang sa kasundo mo ang iba o gumagawa ka ng ilang mabuting bagay. Akala mo ba makukuha mo nang may pandaraya ang mga pagpapala ng Langit dahil sa iyong mapagkawanggawang hangarin? Akala mo ba ang paggawa ng ilang mabuting bagay ay kapalit ng iyong pagpapasakop? Walang isa man sa inyo ang nagagawang tumanggap ng pagpupungos, nahihirapan kayong lahat na tanggapin ang normal na pagkatao ni Cristo, at higit pa rito, patuloy ninyong ibinabandera ang inyong pagpapasakop sa Diyos. Ang pananalig na tulad ng sa inyo ay magdudulot ng isang angkop na ganti.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon kay Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos
Sa kasalukuyan, iyong mga naghahangad at iyong mga hindi naghahangad ay dalawang uri ng mga tao, na may magkaibang hantungan. Iyong mga naghahangad na malaman ang katotohanan at maisagawa ang katotohanan ang mga ililigtas ng Diyos. Iyong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at masasawi sila. Kahit iyong mga debotong mananampalataya ng isang malabong diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting konsensiya ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. Iyong mga hindi tinatanggap ang tunay na daan ay iyong mga lumalaban sa Diyos, at kahit pa magtiis ng labis na pagdurusa ang gayong mga tao, masasawi pa rin sila. Iyong lahat ng ayaw tumalikod sa mundo, na hindi matiis na mawalay sa kanilang mga magulang, at hindi matiis na alisin sa kanilang mga sarili ang mga kasiyahan ng laman ay mapaghimagsik sa Diyos, at lahat sila ay magiging mga pakay ng paglipol. Ang sinumang hindi nananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao ay isang demonyo at, higit pa rito, ay masasawi.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Pamamahinga