Siya lamang na kayang lumikha at mamahala sa langit, lupa, at sa lahat ng bagay, ang iisang tunay na Diyos, ang Panginoon ng paglikha

Hulyo 10, 2021

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos ang Siyang namumuno sa lahat ng bagay at nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng narito, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng narito, pinamumunuan Niya ang lahat ng narito, at tinutustusan Niya ang lahat ng narito. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng narito, ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos ay ang Lumikha at ang Pinuno ng lahat ng nilikha. Iyan ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, at Siya ay natatangi sa lahat ng bagay. Wala ni isa sa mga nilikha ng Diyos—sa sangkatauhan man o sa espirituwal na mundo—ang maaaring gumamit ng anumang kaparaanan o katwiran para magkunwaring Diyos o pumalit sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat Siya lamang, sa lahat ng bagay, ang nagtataglay ng pagkakakilanlan, kapangyarihan, awtoridad, at kakayahang ito na mamuno sa lahat ng nilikha: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng bagay; maaari Siyang umangat sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay. Maaaring magpakumbaba Siya Mismo sa pamamagitan ng pagiging tao, pagiging isa sa mga may laman at dugo, at makaharap sa mga tao at makibahagi sa kanilang kaligayahan at kalungkutan, samantalang kasabay nito, inuutusan Niya ang lahat ng narito, at pinagpapasiyahan ang kapalaran ng lahat ng narito at kung saang direksyon patungo ang lahat ng ito. Bukod pa riyan, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at pinapatnubayan ang direksyon ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na tulad nito ay dapat sambahin, sundin, at kilalanin ng lahat ng nilalang na may buhay. Sa gayon, saanmang grupo o uri ng sangkatauhan ka nabibilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pagpipitagan sa Diyos, pagtanggap sa Kanyang panuntunan, at pagtanggap sa Kanyang mga plano para sa iyong kapalaran ang tanging pagpipilian—ang kinakailangang pagpili—para sa sinumang tao at para sa anumang nilalang na may buhay. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, Kanyang matuwid na disposisyon, Kanyang diwa, at mga kaparaanan kung paano Niya tinutustusan ang lahat ng bagay ay ganap na natatanging lahat; ang pagiging natatanging ito ang tumutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang tumutukoy sa Kanyang katayuan. Samakatuwid, sa lahat ng nilikha, kung nais pumalit ng anumang nilalang na may buhay sa espirituwal na mundo o sa sangkatauhan ang magnais sa lugar ng Diyos, imposibleng magtagumpay ito, tulad ng anumang pagtatangkang magkunwaring Diyos. Totoo ito.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Kayang lumikha ng kapangyarihan ng Diyos ng mga bagay sa anumang anyo na may buhay at kasiglahan, at pinagpapasyahan ito ng buhay ng Diyos. Ang Diyos ay buhay, kaya Siya ang pinagmumulan ng lahat ng nabubuhay. Dagdag pa rito, mapapasunod ng awtoridad ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa bawat salita ng Diyos, ang ibig sabihin nito ay mabuo nang naaayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at mamuhay at magparami sa pamamagitan ng utos ng Diyos, matapos nito ay napaghaharian at nauutusan ng Diyos ang lahat ng bagay na nabubuhay, at hindi kailanman magkakaroon ng paglihis, magpasawalang-hanggan. Walang tao o bagay ang mayroon ng ganitong mga bagay; tanging ang Lumikha lamang ang nagtataglay at mayroon ng gayong kapangyarihan, at kaya ito ay tinatawag na awtoridad. Ito ang pagiging natatangi ng Lumikha. Dahil dito, kung ito man ay ang salitang “awtoridad” mismo o ang diwa ng awtoridad na ito, ang bawat isa ay maiuugnay lamang sa Lumikha, dahil ito ay sagisag ng natatanging pagkakakilanlan at diwa ng Lumikha, at kumakatawan ito sa pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha; bukod sa Lumikha, walang tao o bagay ang maiuugnay sa salitang “awtoridad.” Ito ay isang pagpapakahulugan sa natatanging awtoridad ng Lumikha.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ang namamahala at nagtutustos sa lahat ng nilikha. Siya ang pinagmumulan ng lahat, at habang nagtutustos ang Diyos sa lahat ng nilikha, tinatamasa ito ng sangkatauhan. Ibig sabihin, tinatamasa ng tao ang lahat ng bagay na nilikha kapag tinatanggap niya ang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang Panginoon, at tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Ano, kung gayon, mula sa pananaw ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ang pinagkaiba ng Diyos at ng sangkatauhan? Malinaw na nakikita ng Diyos ang mga batas kung paano lumalago ang lahat ng bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan Niya ang mga batas na ito. Ibig sabihin, ang lahat ng bagay ay nasa paningin ng Diyos at nasa loob ng saklaw ng Kanyang pagsusuri. Nakikita ba ng sangkatauhan ang lahat ng bagay? Limitado ang nakikita ng sangkatauhan sa kung ano ang direktang nasa harapan nila. Kung umakyat ka ng bundok, ang bundok lamang na iyon ang iyong nakikita. Hindi mo nakikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pumunta ka sa dalampasigan, isang panig lamang ng karagatan ang nakikita mo, at hindi mo nalalaman kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung pumunta ka sa isang gubat, nakikita mo ang mga pananim sa harapan mo at sa paligid mo, nguni’t hindi mo nakikita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, mas malalim. Ang lahat ng kanilang nakikita ay kung ano lang ang direktang nasa harapan nila, sa loob ng kanilang abot-tanaw. Kahit na alam ng mga tao ang batas na umaatas sa apat na panahon ng taon, o ang mga batas kung paano lumalago ang lahat ng bagay, hindi pa rin nila kayang pamahalaan o atasan ang lahat ng bagay. Subali’t ang paraan kung paano nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay ay gaya ng kapag nakikita Niya ang isang makina na Siya Mismo ang gumawa. Lubos na pamilyar Siya sa bawa’t bahagi at bawa’t koneksyon, kung ano ang mga prinsipyo ng mga ito, kung ano ang mga tularan ng mga ito, at kung ano ang mga layon ng mga ito—alam ng Diyos ang lahat ng ito nang may pinakamataas na antas ng kalinawan. Kaya naman ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Bagaman maaaring malalim na magsaliksik ang tao sa agham at sa mga batas na namamahala sa lahat ng bagay, limitado ang saklaw ng pagsasaliksik na iyon, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, walang hanggan ang kontrol ng Diyos. Maaaring gugulin ng tao ang buong buhay niya sa pagsasaliksik sa pinakamaliit na gawa ng Diyos nang walang nakakamtang anumang totoong mga resulta. Ito ang dahilan, kung gamit mo lang ay kaalaman at kung ano ang iyong natutuhan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makikilala ang Diyos o mauunawaan Siya. Subali’t kung piliin mo ang daan ng paghahanap sa katotohanan at paghahanap sa Diyos, at tingnan ang Diyos mula sa pananaw ng pagkilala sa Kanya, isang araw, makikilala mo na ang mga gawa at karunungan ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at malalaman mo kung bakit tinatawag ang Diyos na Panginoon ng lahat ng bagay at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Habang mas nagkakamit ka ng gayong pagkaunawa, mas mauunawaan mo rin kung bakit tinatawag ang Diyos na Panginoon ng lahat ng bagay. Ang lahat ng bagay at ang lahat-lahat, kabilang ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagtustos ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, at sa sangkatauhang ito, walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng kakayahan at ng diwa Niya na mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng bagay.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Ang Diyos ang magiging sagisag ng pagiging matuwid magpakailanman, samantalang si Satanas, ang mga demonyo, at ang arkanghel ang magiging sagisag ng kasamaan at mga kauri ng mga puwersa ng kasamaan kailanman. Ang Diyos ay magiging matuwid magpakailanman; isa itong katotohanang hindi mababago, at isang aspeto ng pangingibabaw at pagiging pambihira ng Diyos. Kahit pa makuha ng tao ang kabuuan ng Diyos, hindi pa rin nila kailanman mahihigitan ang Diyos—na siyang kaibhan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Maaari lamang mamuhay nang maayos ang mga tao sa gitna ng mga batas at tuntuning itinakda ng Diyos, at maaari lamang nilang pamahalaan ang lahat ng nilikha ng Diyos ayon sa mga batas at tuntuning ito; hindi sila maaaring bumuo o lumikha ng mga bago, lalong hindi nila maaaring baguhin ang mundo—ito ang totoo. At ano ang ipinapakita ng katotohanang ito? Na gaano man kalaki ang awtoridad, kapangyarihan, at kakayahang ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan, sa huli, walang sinumang makahihigit sa awtoridad ng Diyos. Ilang taon man ang lumipas, gaano man karami ang mga henerasyon, gaano man kalaki ang populasyon ng tao, maaari lamang mabuhay ang sangkatauhan sa ilalim ng awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos; ito ay isang katotohanang hindi mababago, hindi ito kailanman mababago!

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

May ilang pangunahing relihiyon sa mundo, at bawat isa ay may sariling pinuno, o lider, at ang mga alagad ay nagkalat sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo; halos bawat bansa, malaki man o maliit, ay may iba’t ibang relihiyon sa loob nito. Gayunman, gaano man karami ang mga relihiyon sa buong mundo, lahat ng tao sa loob ng sansinukob ay umiiral sa huli sa ilalim ng patnubay ng isang Diyos, at ang kanilang pag-iral ay hindi ginagabayan ng mga pinuno o lider ng relihiyon. Ibig sabihin, ang sangkatauhan ay hindi ginagabayan ng isang partikular na pinuno o lider ng relihiyon; sa halip, ang buong sangkatauhan ay pinamumunuan ng Lumikha, na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at lumikha rin sa sangkatauhan—at ito ay totoo. Bagama’t ang mundo ay may ilang pangunahing relihiyon, gaano man kalaki ang mga ito, lahat sila ay umiiral sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at walang isa man sa kanila ang makalalampas sa saklaw ng kapamahalaang ito. Ang pag-unlad ng sangkatauhan, pagpapalit ng lipunan, pag-unlad ng mga sangay ng siyensya patungkol sa pisikal na mundo—bawat isa ay hindi maihihiwalay mula sa mga plano ng Lumikha, at ang gawaing ito ay hindi isang bagay na magagawa ng sinumang pinuno ng relihiyon. Ang isang pinuno ng relihiyon ay pinuno lamang ng isang partikular na relihiyon, at hindi maaaring kumatawan sa Diyos, ni hindi nila maaaring katawanin ang Isa na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay. Ang isang pinuno ng relihiyon ay maaaring mamuno sa lahat ng nasa loob ng buong relihiyon, ngunit hindi nila mauutusan ang lahat ng nilalang sa silong ng kalangitan—tanggap ng buong sansinukob ang katunayang ito. Ang isang pinuno ng relihiyon ay isang pinuno lamang, at hindi makakapantay sa Diyos (ang Lumikha). Lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Lumikha, at sa katapusan ay babalik silang lahat sa mga kamay ng Lumikha. Ang sangkatauhan ay ginawa ng Diyos, at anuman ang relihiyon, bawat tao ay babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos—hindi ito maiiwasan. Diyos lamang ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng nilalang ay kailangan ding bumalik sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa isang angkop na hantungan, at walang sinumang nagagawang ibukod ang lahat ng bagay ayon sa uri. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at ibinukod ang bawat isa ayon sa uri, at pagdating ng mga huling araw ay gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, na ibinubukod ang lahat ng bagay ayon sa uri—ang gawaing ito ay hindi magagawa ng sinuman maliban sa Diyos. Ang tatlong yugto ng gawaing isinagawa sa simula pa lamang hanggang ngayon ay isinagawang lahat ng Diyos Mismo, at isinagawa ng isang Diyos. Ang katunayan ng tatlong yugto ng gawain ay ang katunayan ng pamumuno ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayang hindi maikakaila ng sinuman. Sa katapusan ng tatlong yugto ng gawain, lahat ng bagay ay ibubukod ayon sa uri at babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, sapagkat sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay nag-iisa lamang ang umiiral na Diyos na ito, at wala nang iba pang mga relihiyon. Siya na walang kakayahang lumikha ng mundo ay walang kakayahang wakasan ito, samantalang Siya na lumikha ng mundo ay siguradong kayang wakasan ito. Samakatuwid, kung ang isang tao ay walang kakayahang wakasan ang kapanahunan at tinutulungan lamang ang tao na payabungin ang kanyang isipan, siguradong hindi siya ang Diyos, at siguradong hindi siya ang Panginoon ng sangkatauhan. Wala siyang kakayahang gawin ang gayon kadakilang gawain; isa lamang ang maaaring magsagawa ng gayong gawain, at lahat ng hindi makakagawa ng gawaing ito ay siguradong mga kaaway at hindi ang Diyos. Lahat ng masamang relihiyon ay hindi nakaayon sa Diyos, at dahil hindi sila nakaayon sa Diyos, mga kaaway sila ng Diyos. Lahat ng gawain ay ginagawa ng isang tunay na Diyos na ito, at ang buong sansinukob ay inuutusan ng isang Diyos na ito. Gawain man Niya sa Israel o sa Tsina, sa Espiritu man o sa katawang-tao isinasagawa ang gawain, lahat ay ginagawa ng Diyos Mismo, at hindi magagawa ng sinupamang iba. Ito ay dahil mismo sa Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan kaya malaya Siyang gumagawa, hindi pinipigilan ng anumang mga kundisyon—ito ang pinakadakila sa lahat ng pangitain.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos

Maisasagawa ng Espiritu ng Diyos ang maraming gawain. Nagagawa Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at bukod pa riyan, kaya Niyang lupigin at lipulin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasagawang lahat ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng alinman sa mga persona ng Diyos para sa Kanya. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehova at Jesus, at maaari ring tawaging Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Panginoon, at Cristo. Maaari rin Siyang maging Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa rin; Siya ay nasa kaitaasan sa ibabaw ng mga sansinukob at nasa piling ng maraming tao. Siya ang tanging Panginoon ng kalangitan at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ang gawaing ito ay naisagawa na ng Espiritu ng Diyos Mismo. Gawain man ito sa kalangitan o sa katawang-tao, lahat ay isinasagawa ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng nilalang, sa langit man o sa lupa, ay nasa palad ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay ang gawain ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng sinuman para sa Kanya. Sa kalangitan, Siya ang Espiritu ngunit ang Diyos din Mismo; sa piling ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagama’t maaari Siyang tawagin sa libu-libong pangalan, Siya pa rin iyon Mismo, ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya sa krus ay tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at gayundin ang pagpapahayag sa lahat ng bansa at lahat ng lupain sa mga huling araw. Sa lahat ng oras, matatawag lamang ang Diyos na ang makapangyarihan sa lahat at nag-iisang tunay na Diyos, ang Diyos Mismo na sumasalahat. Walang magkakaibang persona, lalo nang wala itong ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Iisa lamang ang Diyos sa langit at sa lupa!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?

Kung ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang natatanging Diyos Mismo, posibleng naniniwala ka sa isang idolo, o isang dakilang tao, o isang Bodhisattva, o sumasamba ka sa Buddha na nasa puso mo. Bukod pa riyan, posibleng naniniwala ka sa isang ordinaryong tao. Sa madaling salita, dahil sa iba-ibang anyo ng paniniwala at saloobin ng mga tao sa Diyos, inilalagay nila sa kanilang puso ang Diyos ng sarili nilang pagkaunawa, iginigiit ang kanilang imahinasyon sa Diyos, itinatabi nila sa natatanging Diyos Mismo ang kanilang mga saloobin at imahinasyon tungkol sa Diyos, at, pagkatapos, itinataas ang mga ito upang ialay sa Diyos. Ano ang ibig sabihin kapag may gayong di-angkop na mga saloobin ang mga tao sa Diyos? Ibig sabihin, itinakwil na nila ang tunay na Diyos Mismo at sinasamba ang isang huwad na diyos; ipinahihiwatig nito na samantalang naniniwala sa Diyos, itinatakwil at nilalabanan nila Siya, at na ikinakaila nila ang pag-iral ng tunay na Diyos. Kung palaging nanghahawakan ang mga tao sa gayong mga anyo ng paniniwala, anong mga kahihinatnan ang kakaharapin nila? Sa gayong mga anyo ng paniniwala, mas mapapalapit ba sila kailanman sa pagtupad sa mga kinakailangan ng Diyos? (Hindi, hindi nila magagawa.) Sa kabilang dako, dahil sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, lalo pang mapapalayo ang mga tao mula sa daan ng Diyos, sapagkat ang direksyong hinahangad nila ay salungat sa direksyong pinatatahak sa kanila ng Diyos. Narinig na ba ninyo ang kuwentong “patungong timog sa pagmamaniobra sa karuwahe patungong hilaga”? Maaaring kapareho ito ng patungong timog sa pagmamaniobra sa karuwahe patungong hilaga. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos sa kakatwang paraang iyon, habang lalo kang nagsusumikap, lalo kang mapapalayo sa Diyos. Sa gayon, ipinapayo ko ito sa inyo: Bago kayo magsimula, kailangan mo munang mahiwatigan kung tama ang direksyong tinatahak mo. Magtuon sa inyong mga pagsisikap, at tiyaking itanong sa inyong sarili “Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ang Pinuno ng lahat ng bagay? Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay isang tao lamang na nagbibigay sa akin ng espirituwal na pagkain? Siya ba ay idolo ko lamang? Ano ang hinihiling sa akin ng Diyos na ito na aking pinaniniwalaan? Sang-ayon ba ang Diyos sa lahat ng aking ginagawa? Nakaayon ba ang lahat ng aking kilos at hangarin sa pagsisikap na makilala ang Diyos? Naaayon ba ang mga ito sa Kanyang mga ipinagagawa sa akin? Kinikilala at sinasang-ayunan ba ng Diyos ang landas na aking tinatahak? Nalulugod ba Siya sa aking pananampalataya?” Dapat mong madalas at paulit-ulit na itanong sa iyong sarili ang mga ito. Kung nais mong maghangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, kailangan kang magkaroon ng malinaw na kamalayan at malinaw na mga layunin bago ka magtagumpay sa pagpapalugod sa Kanya.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply