Walang anghel na maaaring tawaging Diyos kailanman, dahil hindi nila kailanman kayang lumikha ng langit, lupa, at ng lahat ng bagay
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng bagay, nagsimulang mahayag at mabunyag ang kapangyarihan ng Diyos, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng bagay. Kahit sa ano pa mang paraan Niya nilikha ang mga iyon, ano man ang dahilan kung bakit Niya nilikha ang mga iyon, ang lahat ng bagay ay nalikha at nanindigan at umiral dahil sa mga salita ng Diyos; ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha. Noong panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Lumikha ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para likhain ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging pamamaraan para ihanda ang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, na hindi maglalaon ay tatanggap ng Kanyang hininga. Ibig sabihin, noong panahon bago nilikha ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing laki ng kalangitan, ng mga tanglaw, ng mga karagatan, at ng kalupaan, at doon sa maliliit na hayop at mga ibon, gayon din sa lahat ng uri ng mga insekto at mikroorganismo, kasama na ang mga iba’t ibang mikrobyo na hindi nakikita ng mata. Binigyan ng buhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita ng Lumikha, lumaganap ang bawat isa dahil sa mga salita ng Lumikha, at namuhay ang bawat isa sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha dahil sa Kanyang mga salita. Kahit na hindi nila natanggap ang hininga ng Lumikha, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t ibang anyo at mga kayarian; kahit na hindi sila nakatanggap ng abilidad na makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Lumikha, nakatanggap ang bawat isa ng paraan ng paghahayag ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha, at naiiba sa wika ng tao. Ang awtoridad ng Lumikha ay hindi lamang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay sa mga animo’y di-gumagalaw na mga materyal na bagay, para hindi sila kailanman maglaho, kundi nagbibigay rin ng likas na kaisipan sa bawat nabubuhay na manganak at magparami, para hindi sila maglalaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha na mga batas at mga prinsipyo ng pananatiling buhay. Ang paraan kung paano ginagamit ng Lumikha ang Kanyang awtoridad ay hindi mahigpit na nakakapit sa malawak o malalim na pananaw, at hindi limitado sa anumang anyo; kaya Niyang pamahalaan ang pagtakbo ng sansinukob at hawakan ang kataas-taasang kapangyarihang sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng bagay, at, higit pa rito, kaya Niyang patakbuhin ang lahat ng bagay para sila’y magsilbi sa Kanya; kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng bagay na nakapaloob sa kanila, at, higit pa rito, ay kaya Niyang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng bagay. Ito ang pagpapamalas ng natatanging awtoridad ng Lumikha sa lahat ng bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapamalas ay hindi lamang panghabambuhay; ito ay hindi kailanman hihinto, o magpapahinga, at hindi ito mababago o masisira ng sinumang tao o bagay, ni madaragdagan o mababawasan ng sinumang tao o bagay—dahil walang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha, at, samakatuwid, hindi mapapalitan ng anumang nilikha ang awtoridad ng Lumikha; hindi ito naaabot ng anumang di-nilikha. Halimbawa, ang mga mensahero at mga anghel ng Diyos. Hindi nila taglay ang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong hindi nila taglay ang awtoridad ng Lumikha, at ang dahilan kung bakit hindi nila taglay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay dahil hindi nila taglay ang diwa ng Lumikha. Ang mga di-nilikha, tulad ng mga mensahero at mga anghel ng Diyos, kahit na magagawa nila ang ilang bagay sa ngalan ng Diyos, hindi nila maaaring katawanin ang Diyos. Kahit na may ilang kapangyarihan sila na wala ang tao, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos na likhain ang lahat ng bagay, na utusan ang lahat ng bagay, at hawakan ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Kaya hindi mapapalitan ng anumang di-nilikha ang pagiging natatangi ng Diyos, at, tulad nito, hindi mapapalitan ng anumang di-nilikha ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa Biblia, may nabasa ka bang sinumang mensahero ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay? Bakit hindi inutusan ng Diyos ang sinuman sa Kanyang mga mensahero o mga anghel na likhain ang lahat ng bagay? Ito ay dahil hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, at kaya wala silang abilidad na gamitin ang awtoridad ng Diyos. Tulad ng lahat ng nilalang, nasa ilalim silang lahat ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, at nasa ilalim ng awtoridad ng Lumikha, at kaya sa parehong paraan, ang Lumikha rin ang kanilang Diyos at Pinakamataas na Pinuno. Sa bawat isa sa kanila—kung sila man ay marangal o hamak, may malaki o maliit na kapangyarihan—wala ni isa ang makakahigit sa awtoridad ng Lumikha, at kaya sa kanilang lahat, wala ni isa ang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha. Kailanman ay hindi sila matatawag na Diyos, at kailanman ay hindi nila makakayang maging ang Lumikha. Ang mga ito ay di-nababagong mga katotohanan at realidad!
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I
Dahil ang mga anghel ay partikular na marupok at walang mga kakayahang masasabi, naging mayabang sila nang bigyan sila ng awtoridad. Lalo nang totoo ito sa arkanghel, na ang katayuan ay mas mataas kumpara sa iba pang anghel. Isang hari sa mga anghel, inakay nito ang milyun-milyon sa kanila, at sa ilalim ni Jehova, ang awtoridad nito ay nilampasan ang awtoridad ng sinumang iba pang mga anghel. Ninais nitong gawin ang iba’t ibang bagay, at akayin ang mga anghel pababa sa mga tao upang kontrolin ang mundo. Sinabi ng Diyos na Siya Yaong namamahala sa sansinukob; ngunit sinabi ng arkanghel na ito ang namamahala sa sansinukob—mula noon, ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos. Lumikha na ng isa pang mundo sa langit ang Diyos, at ninais ng arkanghel na kontrolin ang mundong ito at bumaba rin sa mortal na dako. Maaari ba itong payagan ng Diyos na gawin iyon? Sa gayon, hinampas Niya ang arkanghel at inihagis ito sa ere. Mula nang gawin nitong tiwali ang mga tao, nakidigma na ang Diyos sa arkanghel upang iligtas sila; nagamit Niya ang anim na libong taon na ito para talunin ito. …
Ang paisa-isang hakbang na ito, ang makatotohanang gawaing ito ang madalas makabigat sa puso ng Diyos sa pagdadalamhati para sa sangkatauhan, kaya ang Kanyang pakikidigma kay Satanas ay tumagal nang anim na libong taon, at sinabi na ng Diyos: “Hindi na Ako muling lilikha ng sangkatauhan kailanman, ni muling magkakaloob ng awtoridad sa mga anghel.” Mula noon, nang bumaba ang mga anghel para gumawa sa lupa, sinunod lamang nila ang Diyos sa pagsasagawa ng ilang gawain. Hindi na Niya sila muling binigyan ng awtoridad kailanman. Paano isinagawa ng mga anghel na nakita ng mga Israelita ang kanilang gawain? Ipinakita nila ang kanilang sarili sa mga panaginip at ipinarating ang mga salita ni Jehova. Nang mabuhay na mag-uli si Jesus tatlong araw matapos ipako sa krus, ang mga anghel ang nagtulak sa malaking bato sa tabi; hindi ginawa ng Espiritu ng Diyos nang personal ang gawaing ito. Ganitong gawain lamang ang ginawa ng mga anghel; gumanap sila sa mga suportang papel, ngunit wala silang awtoridad, sapagkat hindi na muling magkakaloob ang Diyos ng anumang awtoridad sa kanila.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Bagama’t may taglay ang Diyos na awtoridad at kapangyarihan, tunay at totoo ang Kanyang awtoridad, hindi hungkag. Ang pagiging totoo at realidad ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay unti-unting nabubunyag at kinakatawan sa Kanyang paglikha ng lahat ng bagay, at pagkontrol sa lahat ng bagay, at sa proseso kung saan pinangungunahan at pinamamahalaan Niya ang sangkatauhan. Ang bawat paraan, bawat pananaw, at bawat detalye ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa sangkatauhan at sa lahat ng bagay, at lahat ng gawain na Kanyang natupad, gayundin ang Kanyang pagkaunawa sa lahat ng bagay—ang lahat ng iyon ay literal na nagpapatunay na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi hungkag na mga salita. Ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay ipinapakita at ibinubunyag nang palagian at sa lahat ng bagay. Ang mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito ay nagsasalita tungkol sa tunay na pag-iral ng awtoridad ng Diyos, dahil ginagamit Niya ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan para ipagpatuloy ang Kanyang gawain, at para utusan ang lahat ng bagay, at para pagharian ang lahat ng bagay sa bawat sandali; ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad ay hindi mapapalitan ng mga anghel, o ng mga mensahero ng Diyos. Pinagpasyahan ng Diyos kung anong mga pagpapala ang Kanyang ipagkakaloob kina Abraham at Job—ang Diyos ang dapat na magdesisyon nito. Kahit pa personal na bumisita ang mga mensahero ng Diyos kina Abraham at Job, ang kanilang mga kilos ay naaayon sa mga kautusan ng Diyos, at ang kanilang mga kilos ay nasa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at gayundin, ang mga mensahero ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Bagama’t nakita ng tao ang mga mensahero ng Diyos na binisita si Abraham, at hindi nasaksihan ang Diyos na si Jehova na personal na gumawa ng anumang bagay sa mga tala sa Biblia, sa totoo lang, ang Nag-iisang tunay na gumamit ng kapangyarihan at awtoridad ay ang Diyos Mismo, at hindi nito tinatanggap ang pagdududa ng sinumang tao! Bagama’t nakita mo na ang mga anghel at mga mensahero na nagtataglay ng matinding kapangyarihan, at nakagawa na ng mga himala, o nagawa na nila ang ilang bagay na inutos ng Diyos, ang mga pagkilos nila ay para lamang sa pagtupad ng utos ng Diyos, at ang mga ito ay walang-dudang hindi pagpapakita ng awtoridad ng Diyos—dahil walang tao o bagay ang mayroon, o nagtataglay, ng awtoridad ng Lumikha para lumikha ng lahat ng bagay at pagharian ang lahat ng bagay. Kaya walang tao o bagay ang makakagamit o makakapagpakita ng awtoridad ng Lumikha.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.