Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Agosto 26, 2018

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon ang naniniwala sa pinaniniwalaan mo: “Basta’t magsumikap lang ako at magpasan ng krus para sa Panginoon, magpakita ng ilang magagandang pag-uugali at magpatotoo nang maayos, magiging karapat-dapat akong maghintay sa pagbalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit.” Lubos na makatwiran ito para sa mga tao, pero kalooban ba iyan ng Diyos? Pinatutunayan ba iyan ng Kanyang mga salita? Kung hindi, tiyak na ang ideyang ito ng tao ay nagmumula sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Kung gugunitain noong madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga banal na kasulatan sa mga sinagoga, mukhang mahigpit nilang sinusunod ang mga utos, patakaran, at kautusan, at sa tingin ng iba ay napakarelihiyoso nila at marangal ang kanilang pag-uugali. Pero bakit hibang nilang nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako pa Siya sa krus? Nagpapatunay iyan na maaaring magsumikap ang mga tao para sa Panginoon at kumilos nang maayos sa publiko pero hindi ibig sabihin ay sinusunod at minamahal nila ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagpapakita ng kabanalan ay hindi kumakatawan sa pusong pumupuri at nagpipitagan sa Diyos. Maaaring madalas ipaliwanag ng mga tao ang Biblia sa iba, pero hindi ibig sabihin ay naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon o nasusunod ang paraan ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang lahat ng nilolob ng isang tao—Siya lang ang makakakita sa niloloob ng kanilang puso. Ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus ay lubos na naglalantad sa mga diwa ng mga ipokritong Fariseo. Ang kakayahan ng mga Fariseo na gumawa at mangaral, magdusa at magsakripisyo ay talagang para sa sarili nilang katayuan at kabuhayan. Ipinaliwanag nila ang mga banal na kasulatan para lang purihin ang kanilang sarili, patatagin ang kanilang sarili, at sambahin at tingalain sila ng iba. Talagang hindi nila pinupuri o pinatototohanan ang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid, at inilalantad ng Kanyang gawain ang lahat. Kaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, lubos Niyang inihayag ang likas na pagka-anticristo ng mga Fariseo na pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Katunayan, malinaw sa ating mga nananalig sa Panginoon na matapos manalig ang isang tao sa Kanya, kahit masigasig nilang talikuran ang iba pang mga bagay at gumugol sila para sa Panginoon, gumawa nang husto, at magpakita ng ilang mabubuting pag-uugali, kahit habang gumagawa sila ay madalas silang magkasala at lumaban sa Diyos, at ginagawang kaaway ang Diyos. May ilang nagrereklamo sa Kanya kapag may dumarating na kalamidad, kapag may pag-uusig at paghihirap, at maaari pa nga nilang tanggihan at talikuran ang Diyos. Kahit kayang gumawa at mangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, katulad sila lalo na ng mga Fariseo, itinatanyag ang kanilang sarili para sambahin sila ng iba, nililinlang at kinokontrol ang mga piling tao ng Diyos, at itinatatag ang sarili nilang maliliit na kaharian. Sa pagharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hibang nilang tinutuligsa at nilalabanan ito, at kahit malinaw nilang alam na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, matigas pa rin ang kanilang ulo sa pagsuway sa Diyos. Ipinapakita nito na hangga’t likas na makasalanan ang mga tao, at hangga’t may masamang disposisyon sila na hindi pa nalulunasan, maaari nilang labanan at talikuran ang Diyos kahit kailan, kahit saan. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ibig sabihin ay talagang masusunod at masusundan nila ang Kanyang paraan. Gaano man karami ang nauunawaan ng isang tao ang Biblia, hindi iyon kapareho ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos. Gaano man magdusa at magsakripisyo ang isang tao kapag naglilingkod sila sa Diyos, hindi ibig sabihin ay isinasagawa nila ang kalooban ng Diyos. Malinaw na kapag likas na makasalanan ang isang tao na hindi pa nalulunasan at may masamang disposisyon na hindi pa napapadalisay, gaano man sila magsumikap para sa Panginoon at gaano man katagal, hindi magbabago ang kanilang likas na pagkatao at diwa. Ito ay isang katotohanan na hindi maikakaila ninuman. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Kailangan nating tanggapin ang mga gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos. Samakatwid, kailangan nating maranasan ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw para matamo ang katotohanan, palayain ang ating sarili mula sa ating masamang disposisyon at mabawi tayo ng Diyos, maligtas at makapasok sa kaharian sa langit.

Nakita na nating lahat na matapos manalig, nakakaya ng maraming tao na magsumikap, magsakripisyo para sa Panginoon, at disiplinahin ang kanilang katawan. Pero gaano man katindi ang kanilang pananampalataya o kasigasigan, nakatali pa rin sila sa kanilang pagiging likas na makasalanan. Namumuhay pa rin sila sa pagkakasala, at iyan ang totoo. Kapag hindi nalunasan ang pagiging likas na kademonyohan, hindi magagawa ng mga tao na tunay na masunod ang Diyos kailanman, makasundo Siya, mabawi Niya sila, pagkatapos ay makapasok sila sa Kanyang kaharian. Kaya, ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay hindi matatapos sa paggawa ng gawain ng pagtubos—kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay para lubos na malunasan ang pagiging likas na makasalanang kademonyohan ng sangkatauhan, tunay na makilala ng mga tao ang Diyos, at tunay na masunod at sambahin ang Diyos. Matatapos lang ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan kapag nangyari iyon. Kaya nga sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Siyang pumaritong muli, at na babalik Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para lubos na mapadalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Basahin natin ang ilang talata mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:

Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, na ang lahat ng karumihan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang ginawa lang ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagtubos, at para lang magbayad-sala para sa mga kasalanan ng tao. Hindi Siya nagbayad-sala para sa masamang disposisyon at pagiging likas na makasalanan ng sangkatauhan, at patunay iyan na kapag nagbalik ang Panginoong Jesus ay gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para lubos na malunasan ang likas na kademonyohan ng sangkatauhan, para tulutan ang mga tao na madalisay at maligtas, at maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, matapos pagbayaran ang mga kasalanan ng mga tao, ginagawa ng Diyos ang gawain sa mga huling araw na “paghatol simula sa tahanan ng Diyos” sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ni Jesus. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para hatulan at ilantad ang likas na pagkatao at diwa ng paglaban sa Diyos ng masamang sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang kasamaan, para ihayag at suriin ang pinagmulan ng pagkamakasalanan ng sangkatauhan, at ihayag sa sangkatauhan ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa mga pagkakasala. Mula sa paghatol ng mga salita ng Diyos, nakaharap ng Kanyang mga piling tao ang Diyos at nalantad at nahatulan; nakita na nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos na nahayag sa tao, at nakita na ang banal na diwa ng Diyos tulad ng pagkakita sa maningning na liwanag mula sa langit. Nangagsiluhod silang lahat sa harap ng Diyos at walang mapagtaguan; hiyang-hiya sila. Nakita na nila kung gaano katindi sila pinasama ni Satanas at na sila ay puno ng likas na kademonyohan; mayabang sila at mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam, mandaraya at mapanlinlang, at puno ng kasinungalingan. Namumuhi sila sa katotohanan, at nananalig sa Diyos pero hindi nila magawang purihin Siya at ganap na walang pagpipitagan sa Diyos. Madalas silang manghusga sa Diyos, magrebelde, at lumaban sa Kanya. Kapag dumarating ang mga pagsubok sa kanila nagrereklamo sila at tinatanggihan o tinatalikuran ang Diyos. Sila talaga ang kumakatawan kay Satanas, gaya ng mga buhay na demonyo, at ni walang itinulad sa tunay na tao. Nakikita nila ang lahat ng bagay na ito at nagsisimula silang mamuhi sa kanilang sarili, tunay na magsisi sa Diyos, at kilalanin nang taos-puso na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagkakaroon sila ng pusong nananabik sa katotohanan. Kasabay nito, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos silang lahat ay tunay na dumaranas ng disposisyon ng katuwiran, pagkamaharlika, at galit ng Diyos na hindi totolerahin ang mga kasalanan. Talagang nakikita nila ang anyo ng Diyos, nakikita nila ang kabanalan ng Diyos na hindi marurungisan at hindi totolerahin ng Kanyang katuwiran ang mga kasalanan. Nauunawaan nila ang mabubuting intensyon ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan at ang Kanyang tunay na pagmamahal sa kanila. Nakikita nila ang tunay na mukha at dahilan kaya sila pinasama ni Satanas. Sa ganitong mga kadahilanan, nagkakaroon sila ng pusong nagpipitagan sa Diyos at nagiging handang tanggapin ang katotohanan, at sinusunod ang mga plano at pagsasaayos ng Diyos. Habang unti-unting lumalalim ang pag-unawa ng mga tao sa Diyos, nagiging mas malinaw sa kanila ang sarili nilang likas na kademonyohan, at saka sila nagsisimulang mamuhi kay Satanas, at bukod pa rito ay namumuhi sila sa ugali ni Satanas. Kaya, nagagawa nilang talikuran si Satanas at ang laman, pagkatapos ay nagsisimulang maghari ang katotohanan sa kanilang kalooban at natural nilang ipinamumuhay ang mga salita ng Diyos. Ganito nagsisimulang umasa ang mga tao sa mga salita ng Diyos sa kanilang buhay, lubos nilang iwinawaksi ang impluwensya ni Satanas, at nagkakaroon ng pagbabago sa disposisyon at nakakasundo nila ang Diyos. Malinaw na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para magtayo ng pundasyon, bigyang-daan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang gawain lang ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang gawain ng lubos na pagpapadalisay, pagliligtas, at paggawang perpekto ng sangkatauhan. Kung tatanggapin at susundin ng mga tao ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at matatamo ang katotohanan, saka lang nila maiwawaksi ang mga gapos at paghadlang ng kasalanan, mababago ang kanilang disposisyon sa buhay, at magiging tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos. Noon lang nila makakamtan ang tunay na kabanalan, at noon lang sila magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa...