Nasaksihan ninyo na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi ko nakita iyon? Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Tulad ng sinabi ni Pablo: “Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya” (Filipos 3:20–21). At sinasabi ninyo na ang pagbalik ng Panginoon ay para magkatawang-tao, para magpakita bilang Anak ng tao at maghayag ng katotohanan para sa paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible iyan! Dahil makapangyarihan ang Diyos, isang salita ng Diyos ang lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, at muling binuhay ang mga patay. Kaya tayong gawing banal ng Diyos sa isang salita. Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao?

Enero 22, 2022

Sagot: Ang gawain ng Diyos ay palaging hindi maarok. Walang makapagpapaliwanag nang malinaw sa mga propesiya ng Diyos. Mauunawaan lamang ng tao ang isang propesiya kapag natupad na ito. Ano ang ibig sabihin niyan? Ibig sabihin ay walang makakaarok sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Nang magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa sa Kapanahunan ng Biyaya, walang makaarok dito. Kapag ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa Kapanahunan ng Kaharian, wala ring makakaalam nang maaga rito. Samakatwid, hindi mahinagap ng sangkatauhan ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Pero kapag natapos na ang gawain ng Diyos, darating ang sakuna. Sa oras na iyon, malalaman ng maraming tao na natupad nang lahat ang salita ng Diyos. Pero magiging huli na ang lahat para magsisi. Maaari lang silang managhoy at magngalit ng mga ngipin sa gitna ng sakuna. Tungkol sa kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin at iligtas ang tao, kung paano gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay—ang mga unang bunga, mas magiging malinaw pa matapos nating basahin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat ninyong makita ang kalooban ng Diyos, at dapat ninyong makita na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing-simple ng paglikha sa mga kalangitan at sa lupa at sa lahat ng bagay. Iyan ay dahil ang gawain sa ngayon ay ang pagbabago ng mga yaong nagawang tiwali, na naging labis na manhid, iyon ay para dalisayin yaong mga nilikha ngunit inimpluwensyahan ni Satanas. Hindi iyon ang paglikha kay Adan o kay Eba, lalong hindi iyon ang paglikha ng liwanag, o ang paglikha ng lahat ng halaman at hayop. Ginagawang dalisay ng Diyos ang lahat ng bagay na nagawang tiwali ni Satanas at pagkatapos ay muli silang inaangkin; nagiging mga bagay sila na pag-aari Niya, at nagiging Kanyang kaluwalhatian. Hindi ito katulad ng inaakala ng tao, hindi ito kasing-simple ng paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay na naroon, o ang gawaing sumpain si Satanas sa walang-hanggang kalaliman; sa halip, ito ang gawaing baguhin ang tao—ang mga bagay na negatibo at hindi sa Kanya ay ginagawang mga bagay na positibo at Kanya nga. Ito ang katotohanan sa likod ng yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong maunawaan, at iwasan ang sobrang pagpapasimple ng mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang pagiging kamangha-mangha at karunungan nito ay hindi kayang isipin ng tao. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa yugtong ito ng gawain, ngunit hindi rin Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha, at dinadalisay ang lahat ng bagay na narungisan ni Satanas. Kaya nga sinisimulan ng Diyos ang isang napakalaking gawain, na siyang buong kabuluhan ng gawain ng Diyos. Nakikita mo ba sa mga salitang ito na talagang napakasimple ng gawain ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?).

Nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at lubusan na itong binulag, at matinding pininsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos. Ang pakikipaglaban kay Satanas ang talagang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, napakahalaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging sagisag ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay naigapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang puhunan na ginagamit ng Diyos upang isakatuparan ang buong pamamahala, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang maagaw siya mula sa mga kamay ni Satanas, ibig sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos ng pagkabihag ni Satanas. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao, mga pagbabagong magpapanumbalik sa orihinal na katinuan at katwiran ng tao. Sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaagaw pang muli mula sa mga kamay ni Satanas. Kung napapalaya ang tao mula sa impluwensya at pagkagapos ni Satanas, sa gayon ay mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng kabuoang labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanan, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makukumpleto na(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).

Sa gawain sa mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Wala kang paraan para kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na matutuklasan mo ang mga ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi ganap na maililigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at hindi rin siya magagawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi pa nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na magawang malinis ang tao sa pamamagitan ng salita na siya ay makakamit ng Diyos at magiging banal. … Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang magtamo ang tao ng kaalaman tungkol sa Kanya, at alang-alang sa Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Alang-alang sa Kanyang patotoo, at alang-alang sa Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya ang Kanyang kabuuan sa publiko, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng puso ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong kaayon ng puso ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos).

Ang mga nagagawang tumayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ang siyang makakapasok sa pangwakas na pahinga sa tabi ng Diyos. Samakatuwid, nakatakas na sa impluwensya ni Satanas ang lahat ng mga pumasok sa pahinga at nakuha na sila ng Diyos pagkatapos sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito, na sa wakas ay natamo na ng Diyos, ay papasok sa huling pahinga. Ang mahalagang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay upang linisin ang sangkatauhan at upang ihanda sila para sa kanilang huling pahinga. Kung walang ganitong paglilinis, wala sa sangkatauhan ang maaaring maiuri sa magkakaibang mga kategorya ayon sa uri, o pumasok sa pahinga. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa pahinga(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol para linisin at gawing perpekto ang tao sa halip na baguhin ang kanyang anyo sa isang salita. May katotohanan at hiwaga bang nakapaloob dito? Ang paraan ng paglilinis at paggawang perpekto ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay hindi talaga kasingsimple ng inaakala natin. Sa isang salita, binuhay ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa mga patay. Pero para linisin at baguhin ng Diyos ang sangkatauhan na lubos na ginawang tiwali ni Satanas para kumalaban at kumilos laban sa Diyos para maging sangkatauhan na nakakaunawa, sumusunod at sumasamba sa Diyos, para baguhin ang sangkatauhan na ginawang tiwali at ginawang buhay na mga diyablo sa loob ng isang milenyo para maging sangkatauhan na taglay ang katotohanan at pagkamakatao sa loob ng dalawampu o tatlumpung taon, isang proseso ito ng pakikibaka kay Satanas. Simpleng bagay ba ito? Kung bubuhayin ng Diyos ang mga patay at babaguhin ang anyo ng ating katawan sa isang salita, mapapahiya ba si Satanas? Sa mga huling araw, ginawang masama ni Satanas ang sangkatauhan. Ang katangian at disposisyon ni Satanas ay nakatanim na sa tao. Ang sangkatauhan ay mayabang, makasarili, madaya, masama at sakim. Para sa katanyagan at kayamanan, nagpaplano sila laban sa isa’t isa, nililinlang at pinapatay nila ang isa’t isa. Galit ang sangkatauhan sa katotohanan. Kaaway na sila ng Diyos noon pa man. Sila ang tipo ni Satanas na kumakalaban at nagtataksil sa Diyos. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay talagang isang pakikipaglaban kay Satanas. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Malalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong sumasalungat at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang higit na mahirap pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at nagsasakatawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng tao, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kaya’t isang gawain ito na sabay nakakamit ang dalawang layunin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Gustong baguhin ng Diyos ang anyo ng sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas para kalabanin ang Diyos at gawing isang sangkatauhan na tunay na sumusunod sa Diyos at kasundo ng Diyos. Medyo mahirap ang gawaing ito. Mas mahirap pa ito kaysa paglikha ng Diyos sa kalangitan at sa lupa at sa lahat ng bagay. Ang paglikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay mula sa wala ay natupad sa isang salita ng Diyos. Pero para linisin at baguhin ang napakatiwaling sangkatauhan, kailangang magkatawang-tao ang Diyos at magpahayag ng maraming katotohanan para hatulan at linisin ang tao Para maranasan natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, para maiwaksi ang katiwalian at tumanggap ng paglilinis, kailangan ang napakahabang proseso. Ito rin ang proseso ng pakikipaglaban ng Diyos kay Satanas. Ayon sa orihinal na intensyon ni Satanas, naging tiwali ang mga tao at naging mga buhay na diyablo. Kung magagawang tao ng Diyos ang mga buhay na diyablong ito, makukumbinsi si Satanas. Kaya sinusunod ng Diyos ang Kanyang orihinal na plano sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang makipaglaban sa mga kampon ni Satanas. Una sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan para lupigin ang tao at pagkatapos ay linisin at gawing perpekto ang tao sa katotohanan. Kapag naunawaan natin ang katotohanan at nakilala ang Diyos, malinaw nating makikita na totoong ginawa tayong tiwali ni Satanas at magsisimula tayong kamuhian si Satanas, talikuran si Satanas, at isumpa si Satanas. Sa huli, lubos tayong magrerebelde laban kay Satanas at lubos tayong babaling sa Diyos. Kaya inaagaw ng Diyos ang sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas. Ang mga taong ito na naligtas ang mga naagaw ng Diyos nang matalo Niya si Satanas. Sa pagtatrabaho lang na katulad nito talagang matatalo at mahahamak ng Diyos si Satanas. Ito rin ang kuwentong nakapaloob sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kahit nagtatagal lang nang dalawampu hanggang tatlumpung taon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, gumawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay, na tumutupad sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero(Pahayag 14:4). Ang mga mananagumpay na ito ang mga unang bungang natamo at natamasa ng Diyos. Kumpara sa kasaysayan ng sangkatauhan, hindi ba isang kisap-mata lang ang dalawampu o tatlumpung taon? Sabi sa Biblia, “ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw” (2 Pedro 3:8). Kung sinasabi roon na kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, babaguhin Niya ang ating katawan sa isang sandali, sa isang kisap-mata, lubos din itong angkop na gamitin sa mga epektong nakamtan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Matatanggap din ito sa ganitong paraan. Pero madali nating mai-interpret ang mga salita ni Pablo bilang ang mga taong nananalig sa Panginoon ay agad babaguhin at iaangat sa alapaap para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya, nakatunganga lang tayong naghintay na bumaba ang Panginoon sa mga ulap para baguhin at dalhin tayo sa langit. Hindi ba nakakaligaw ang salita ni Pablo? Hindi tayo maaaring mapuno ng mga haka-haka at imahinasyon lang. Ang gawain ng Diyos ay praktikal, nahahawakan at nakikita sa bawat hakbang. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang praktikal na Diyos na pumarito sa mundo upang iligtas ang tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kung hindi natin ito tatanggapin, hindi ba tayo naghihimagsik sa Diyos at lumalaban sa Diyos? Paano natin matatanggap ang mga papuri at pagpapala ng Diyos?

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Sandali ng Pangbabago

Sumunod: Nagpapatotoo kayo na nagbalik na ang Panginoong Jesus na walang iba kundi ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng katotohanan sa paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano naging posible ’yan? Talagang paparito ang Panginoon para dalhin tayo sa kaharian ng langit, paano Niya tayo maiiwan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Palagay ko sa pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, nararanasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. May patunay sa salita ng Panginoong Jesus: “Kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Palagay namin matapos mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, noong Pentecostes bumaba ang Banal na Espiritu para magsagawa sa mga tao. Iyan ang dahilan kaya sinisi ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa kanilang mga kasalanan, sa pagkamatuwid at paghatol. Kapag nangumpisal at nagsisisi tayo sa harap ng Panginoon, talagang nararanasan natin ang paghatol ng Panginoon. Naniniwala tayo na bagama’t ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu na bumaba noong Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito naging gawain ng paghatol, paano nangyaring “kanyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol”? Bilang nga nananalig sa Panginoong, madalas tayong antigin, pagsabihan at disiplinahin ng Banal na Espiritu. Kaya, sa harap ng Panginoon, lagi tayong umiiyak at nagsisisi sa Panginoon. Ang maraming mabubuting asal na ibinubunga nito ay kung paano tayo nabago ng ating pananampalataya sa Panginoon. Hindi ba ito ang resulta ng pagdanas ng paghatol ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na binabanggit n’yo, iba pa ba ito sa gawain ng Panginoong Jesus?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply