Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang isang napakahalagang paksa. Naaalala ba ninyo kung ano ito? Hayaan ninyong ulitin Ko ito. Ang paksa ng ating huling pagbabahagi ay: Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi nito ang pinakamahalaga para sa inyo? Ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag ng Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, ay kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano ng pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay sa isa’t isa.

Ang nilalaman ng ating huling pagbabahagi tungkol sa gawain ng Diyos ay kinabibilangan ng mga salaysay mula sa Bibliya tungkol sa mga pangyayaring naganap matagal na panahon na ang nakalilipas. Ang lahat ng ito ay mga kuwento tungkol sa tao at Diyos, at ang mga ito ay tungkol sa mga nangyari sa tao, habang kinasasangkutan din ng pakikilahok at pagpapahayag ng Diyos, kung kaya’t ang mga kuwentong ito ay mayroong partikular na halaga at kabuluhan sa pagkilala sa Diyos. Pagkatapos na pagkatapos Niyang likhain ang sangkatauhan, ang Diyos ay nagsimulang makipag-ugnayan sa tao at makipag-usap sa tao, at ang Kanyang disposisyon ay nagsimulang maipahayag sa tao. Sa ibang salita, magmula nang unang makipag-ugnayan ang Diyos sa sangkatauhan, sinimulan na Niyang ipakita sa tao, nang walang hinto, ang Kanyang diwa, kung ano ang mayroon Siya, at kung ano Siya. Nakikita o nauunawaan man ito o hindi ng mga naunang tao o ng mga tao sa kasalukuyang panahon, ang Diyos ay nagsasalita sa tao at gumagawa sa mga tao, na nagbubunyag ng Kanyang disposisyon at nagpapahayag ng Kanyang diwa—ito ay isang katunayan, at hindi ito maikakaila ng sinumang tao. Nangangahulugan din ito na ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng Diyos, at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay patuloy na lumalabas at naibubunyag habang gumagawa at nakikipag-ugnayan Siya sa tao. Hindi Siya kailanman naglihim o nagtago ng anumang bagay mula sa tao, at sa halip ay nagpapakita sa madla at naglalabas ng Kanyang sariling disposisyon nang walang pag-aatubili. Kung kaya’t umaasa ang Diyos na makakaya Siyang makilala ng tao at maunawaan ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Niya nais na ituring ng tao ang Kanyang disposisyon at diwa bilang walang hanggang mga misteryo, at hindi rin Niya nais na tingnan Siya ng sangkatauhan bilang isang palaisipan na hindi kailanman malulutas. Malalaman lamang ng tao ang daan pasulong at magagawang tanggapin ang gabay ng Diyos kung kilala ng sangkatauhan ang Diyos, at tanging ang sangkatauhang tulad nito ang tunay na makakapamuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at mabubuhay sa liwanag, sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos.

Ang mga salita at disposisyong inilabas at ibinunyag ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang kalooban, at kumakatawan din ang mga ito sa Kanyang diwa. Kapag nakikipag-ugnayan ang Diyos sa tao, anuman ang Kanyang sabihin o gawin, o anuman ang disposisyong Kanyang ibunyag, at anuman ang nakikita ng tao sa diwa ng Diyos, kung ano ang mayroon Siya, at kung ano Siya, kinakatawan ng lahat ng ito ang kalooban ng Diyos para sa tao. Hanggang saan man ang kayang mapagtanto, maunawaan o maintindihan ng tao, kinakatawan ng lahat ng ito ang kalooban ng Diyos—ang kalooban ng Diyos para sa tao. Ito ay walang pag-aalinlangan! Ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan ay siya ring hinihingi Niya sa mga tao na maging, kung ano ang hinihingi Niyang gawin nila, ang hinihingi Niyang paraan ng pamumuhay, at kung paano Niya hinihingi sa kanila ang pagkakaroon ng kakayahang maisakatuparan ang kaganapan ng Kanyang kalooban. Ang mga bagay na ito ba ay hindi maihihiwalay mula sa diwa ng Diyos? Sa ibang salita, inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon at ang lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya kasabay ng pagbibigay Niya ng Kanyang mga hinihingi sa tao. Walang kasinungalingan, walang pagkukunwari, walang pagtatago, at walang palamuti. Ngunit bakit walang-kakayahan ang tao na makaalam, at bakit hindi kailanman nagawang makita nang malinaw ng tao ang disposisyon ng Diyos? At bakit hindi kailanman napagtanto ng tao ang kalooban ng Diyos? Ang ibinunyag at inilabas ng Diyos ay kung ano ang mayroon ang Diyos Mismo at kung ano Siya; ito ay ang bawat aspeto at bahagi ng Kanyang tunay na disposisyon—kaya bakit hindi makakita ang tao? Bakit hindi kaya ng tao na magkaroon ng malalim na kaalaman? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. Ano ang dahilang ito? Mula pa noong panahon ng paglikha, hindi kailanman itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Sa mga pinakaunang panahon, anuman ang ginawa ng Diyos na may kinalaman sa tao—ang tao na kalilikha lamang—itinuring ng tao ang Diyos nang hindi hihigit sa isang kasama, bilang isang kasama na maaasahan, at ang tao ay walang kaalaman o pagkaunawa tungkol sa Diyos. Ang ibig sabihin nito ay hindi alam ng tao na ang inilabas ng Katauhang ito—ang Katauhang ito na kanyang inasahan at nakita bilang kanyang kasama—ay ang diwa ng Diyos, at hindi rin niya alam na ang Katauhang ito ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay. Sa madaling sabi, hindi man lamang nakilala ng mga tao noong panahong iyon ang Diyos. Hindi nila alam na ang langit at lupa at ang lahat ng bagay ay ginawa Niya, at wala silang kaalam-alam kung saan Siya nagmula, at, higit pa rito, kung ano Siya. Mangyari pa, noong panahong iyon, hindi hiningi ng Diyos sa tao na kilalanin o unawain Siya nito, o intindihin ang lahat ng Kanyang ginawa, o malaman ang Kanyang kalooban, dahil ito ang mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha sa sangkatauhan. Nang simulan ng Diyos ang mga paghahanda para sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, may ilang bagay na ginawa ang Diyos sa tao at nagsimula na rin Siyang hingin ang Kanyang mga kagustuhan sa tao at sabihin sa tao kung paano makapagbibigay ng mga handog at makasasamba sa Diyos. Noon lamang nagkaroon ang tao ng ilang simpleng ideya tungkol sa Diyos, saka lamang niya nalaman ang kaibahan sa pagitan ng tao at Diyos, at na ang Diyos ang Siyang lumikha sa sangkatauhan. Nang malaman ng tao na ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao, nagkaroon ng ilang distansya sa pagitan niya at ng Diyos, ngunit hindi pa rin hiningi ng Diyos sa tao ang pagkakaroon ng mahusay na kaalaman o malalim na pagkaunawa sa Kanya. Samakatwid, gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang mga kahilingan sa tao batay sa mga yugto at kalagayan ng Kanyang gawain. Ano ang nakikita ninyo rito? Anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ang nakikita ninyo? Totoo ba ang Diyos? Angkop ba ang mga hinihingi ng Diyos sa tao? Sa mga pinakaunang panahon matapos ang paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, noong hindi pa isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paglupig at pagperpekto ng tao, at hindi pa marami ang mga binigkas Niyang salita sa kanya, kaunti lamang ang Kanyang hiningi sa tao. Kahit anupaman ang ginawa o ikinilos ng tao—kahit ginawa niya ang ilang bagay na nagdulot ng pagkakasala sa Diyos—pinatawad ng Diyos ang lahat ng iyon, at hindi na pinansin. Ito ay dahil alam ng Diyos kung ano ang ibinigay Niya sa tao at kung ano ang nasa loob ng tao, at dahil dito, alam Niya ang pamantayan ng mga kahilingan na dapat Niyang hingin sa tao. Kahit na ang pamantayan ng Kanyang mga kahilingan ay labis na mababa noong panahong iyon, hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay hindi dakila, o na ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat ay walang kabuluhan. Para sa tao, isa lamang ang paraan upang malaman ang disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo: sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng gawain ng pamamahala at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at pagtanggap sa mga salitang sinasabi ng Diyos sa sangkatauhan. Sa oras na malaman ng tao kung ano ang mayroon ang Diyos, at kung ano Siya, at malaman ang disposisyon ng Diyos, hihingin pa rin kaya ng tao sa Diyos na ipakita sa kanya ang tunay Niyang persona? Hindi, hindi na ito hihingin ng tao, at hindi na mangangahas na hingin pa ito, dahil naunawaan na niya ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, makikita na ng tao ang tunay na Diyos Mismo at ang Kanyang tunay na persona. Ito ang hindi maiiwasang kahihinatnan.

Habang walang humpay sa pagsulong ang gawain at plano ng Diyos, at matapos maisagawa ng Diyos ang kasunduan ng bahaghari sa tao bilang tanda na hindi na Niya kailanman wawasakin muli ang mundo sa pamamagitan ng pagbaha, nagkaroon ang Diyos ng labis na pagnanais na makamit ang mga taong kayang maging kaisa ng Kanyang isipan. Nagkaroon din Siya ng mas madaliang hangarin na mapasakanya ang mga taong nakayang gawin ang Kanyang kalooban sa lupa, at, higit pa rito, na makamit ang isang grupo ng mga tao na magagawang makalaya mula sa mga puwersa ng kadiliman, at hindi magagapos ni Satanas, isang grupo na magagawang magpatotoo tungkol sa Kanya sa lupa. Ang pagkakaroon ng ganitong grupo ng mga tao ay matagal nang ninanais ng Diyos, na hinihintay Niya simula pa noong panahon ng paglikha. Samakatwid, kahit pa gumamit ang Diyos ng baha upang wasakin ang mundo, o ang Kanyang kasunduan sa tao, ang lahat ng kalooban, kaisipan, plano, at pag-asa ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang nais Niyang gawin, ang bagay na labis Niyang hinangad bago pa man ang panahon ng paglikha, ay ang makamit ang bahagi ng sangkatauhan na nais Niyang mapasakanya—ang makamit ang grupo ng mga tao na kayang umunawa at umalam ng Kanyang disposisyon, at umintindi ng Kanyang kalooban, isang grupo na kaya Siyang sambahin. Ang ganitong grupo ng mga tao ay tunay na kayang magpatotoo tungkol sa Kanya, at maaaring sabihin na sila ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.

Ngayon, ipagpatuloy natin ang muling paghahanap sa mga yapak ng Diyos at ang pagsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain, upang matuklasan natin ang mga saloobin at kaisipan ng Diyos, at ang lahat ng iba’t ibang detalyeng may kinalaman sa Diyos, na “naitago sa imbakan” nang mahabang panahon. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito malalaman natin ang disposisyon ng Diyos, mauunawaan ang diwa ng Diyos, patutuluyin natin ang Diyos sa ating mga puso, at ang bawat isa sa atin ay dahan-dahang mapapalapit sa Diyos, na magpapaikli ng ating distansiya mula sa Kanya.

Bahagi ng ating pinag-usapan noong nakaraan ay may kinalaman sa kung bakit itinatag ng Diyos ang Kanyang kasunduan sa tao. Ngayon, tayo ay magbabahagi tungkol sa mga talata mula sa kasulatan na nasa ibaba. Magsimula tayo sa pamamagitan ng pagbabasa mula sa mga kasulatan.

A. Abraham

1. Ipinangako ng Diyos na Bibigyan Niya ng Anak na Lalaki si Abraham

Genesis 17:15–17 At sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kanyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kanyang pangalan. At Akin siyang pagpapalain, at saka sa kanya’y bibigyan kita ng anak: oo, siya’y Aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya.” Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kanyang sarili, “Magkakaanak kaya siya na may isandaang taon na? At manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?”

Genesis 17:21–22 Ngunit ang Aking tipan ay pagtitibayin Ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa nakatakdang araw, sa taong darating. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, ay napaitaas ang Diyos mula sa piling ni Abraham.

Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasyahang Gawin ng Diyos

Katatapos lamang ninyong marinig ang kuwento ni Abraham, hindi ba? Siya ay pinili ng Diyos matapos Niyang wasakin ng baha ang mundo, ang kanyang pangalan ay Abraham, at nang siya ay isandaang taong gulang na at ang kanyang asawang si Sara naman ay siyamnapu, ang pangako ng Diyos ay dumating sa kanya. Ano ang ipinangako ng Diyos sa kanya? Ang tinutukoy sa Kasulatan ang ipinangako ng Diyos: “At Akin siyang pagpapalain, at saka sa kanya’y bibigyan kita ng anak.” Ano ang pinagbatayan ng pangako ng Diyos na bigyan siya ng isang anak na lalaki? Ibinibigay ng Kasulatan ang sumusunod na pahayag: “Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kanyang sarili, ‘Magkakaanak kaya siya na may isandaang taon na? At manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?’” Sa madaling salita, masyado nang matanda ang mag-asawang ito para magkaanak. At ano ang ginawa ni Abraham matapos ipahayag ng Diyos ang Kanyang pangako sa kanya? Tawang-tawang nagpatirapa si Abraham at sinabi niya sa kanyang sarili, “Magkakaanak kaya siya na may isandaang taon na?” Naniwala si Abraham na ito ay imposible—nangangahulugang naniwala siyang ang pangako ng Diyos sa kanya ay isang biro lamang. Mula sa pananaw ng tao, ito ay hindi magagawa ng tao, at gayundin, hindi ito magagawa ng Diyos at imposible para sa Diyos. Marahil, kay Abraham, ito ay katawa-tawa: “Nilikha ng Diyos ang tao, ngunit hindi Niya alam na ang isang taong sobrang tanda na ay wala nang kakayahang magsilang ng mga anak; iniisip ng Diyos na maaari Niya akong pahintulutang magkaanak, sinabi Niya na bibigyan Niya ako ng isang anak na lalaki—siguradong imposible iyon!” Dahil dito, nagpatirapa si Abraham at tumawa, habang inisip na: “Imposible—Binibiro ako ng Diyos, hindi ito maaaring maging totoo!” Hindi niya sineryoso ang mga salita ng Diyos. Dahil dito, sa paningin ng Diyos, anong uri ng tao si Abraham? (Matuwid.) Saan nakasaad na siya ay isang taong matuwid? Iniisip ninyo na ang lahat ng tinatawag ng Diyos ay matuwid, at perpekto, at mga taong lumalakad kasama ang Diyos. Sumusunod kayo sa doktrina! Dapat ninyong makita nang malinaw na kapag itinatakda ng Diyos ang isang tao, hindi Niya iyon ginagawa nang walang dahilan. Dito, hindi sinabi ng Diyos na matuwid si Abraham. Sa Kanyang puso, ang Diyos ay may mga pamantayan sa pagsukat ng bawat tao. Bagaman hindi sinabi ng Diyos kung anong uri ng tao si Abraham, pagdating sa kanyang pag-uugali, anong uri ng pananampalataya sa Diyos ang mayroon si Abraham? Medyo mahirap ba itong maunawaan? O malaki ba ang kanyang pananampalataya? Hindi, wala siya nito! Ipinakita ng kanyang pagtawa at pag-iisip kung sino siya, kung kaya’t ang inyong paniniwala na matuwid siya ay isang guniguni lamang ng inyong kaisipan, ito ay ang bulag na paggamit ng doktrina, at ito ay isang iresponsableng pagsusuri. Nakita ba ng Diyos ang pagtawa at mga mumunting pagpapahayag ni Abraham? Alam ba Niya ang mga ito? Alam ng Diyos. Ngunit babaguhin ba ng Diyos ang napagpasyahan na Niyang gawin? Hindi! Noong binalak at pinagpasyahan ng Diyos na piliin ang taong ito, tinapos na Niya ito. Ang pag-iisip ng tao o ang kanyang pag-uugali ay hindi makaiimpluwensiya o makahahadlang sa Diyos nang kahit na katiting man lamang; hindi basta babaguhin ng Diyos ang Kanyang plano, at hindi rin Niya babaguhin o sisirain ang Kanyang plano dahil sa pag-uugali ng tao, kahit pa pag-uugali na dala ng kawalan ng kaalaman. Kung gayon, ano ang nasusulat sa Genesis 17:21–22? “Ngunit ang Aking tipan ay pagtitibayin Ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa nakatakdang araw, sa taong darating. At nang matapos na makipag-usap sa kanya, ay napaitaas ang Diyos mula sa piling ni Abraham.” Hindi man lang nagtuon ng kahit na katiting na pansin ang Diyos sa inisip o sinabi ni Abraham. At ano ang dahilan ng Kanyang pagwawalang-bahala? Ito ay dahil sa noong panahong iyon, hindi hiningi ng Diyos na ang tao ay magkaroon ng malaking pananampalataya, o magkaroon ng malaking kaalaman tungkol sa Diyos, o, higit pa rito, na maunawaan niya kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos. Dahil dito, hindi Niya hiningi sa tao na unawain nang lubos kung ano ang napagpasyahan Niyang gawin, o ang mga taong napagpasyahan Niyang piliin, o ang mga prinsipyo ng Kanyang mga kilos, dahil ang tayog ng tao ay sadyang kulang. Sa panahong iyon, ang anumang ginawa ni Abraham at kung paano man siya kumilos ay itinuring ng Diyos na normal lamang. Hindi Niya isinumpa, o pinagalitan, bagkus ay sinabi lang Niya na: “Iaanak ni Sara si Isaac sa iyo, sa takdang panahon sa darating na taon.” Sa Diyos, matapos Niyang ihayag ang mga salitang ito, ang bagay na ito ay sunud-sunod nang naging totoo; sa paningin ng Diyos, ang dapat na magawa ng Kanyang plano ay nakamit na. Matapos ang pagkumpleto sa mga pagsasaayos para sa mga ito, ang Diyos ay umalis. Kung ano ang ginagawa o iniisip ng tao, kung ano ang nauunawaan ng tao, ang mga plano ng tao—wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga panahon at yugtong itinalaga Niya. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi humahadlang sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, ngunit hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang gawain, dahil lamang sa hindi naniniwala o nakauunawa ang tao. Sa gayon, ang mga katunayan ay naisasagawa nang ayon sa plano at pag-iisip ng Diyos. Ito mismo ang nakikita natin sa Bibliya: Ang Diyos ang dahilan kung bakit ipinanganak si Isaac sa panahong itinakda Niya. Ang mga katunayan ba ay nagpapatunay na humahadlang sa gawain ng Diyos ang asal at pag-uugali ng tao? Hindi humadlang ang mga ito sa gawain ng Diyos! Ang maliit na pananampalataya ba ng tao sa Diyos, at ang kanyang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos ay nakaapekto sa gawain ng Diyos? Hindi, walang naging epekto ang mga ito! Wala kahit maliit man lamang! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, o anumang bagay, o kapaligiran ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang pinagpapasyahang gawin ay makukumpleto at matatapos sa itinakda Niyang oras at nang naaayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao. Binabalewala ng Diyos ang ilang aspeto ng kahangalan at kamangmangan ng tao, at maging ang ilang aspeto ng paglaban at kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya, at ginagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin anuman ang nangyayari. Ito ang disposisyon ng Diyos, at ito ay nagpapakita ng Kanyang walang hanggang kapangyarihan.

2. Inialay ni Abraham si Isaac

Genesis 22:2–3 At Kanyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na Aking sasabihin sa iyo.” At si Abraham ay bumangon nang maaga, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga alila, at si Isaac na kanyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at pumaroon sa dakong sinabi sa kanya ng Diyos.

Genesis 22:9–10 At sila’y dumating sa dakong sa kanya’y sinabi ng Diyos; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak.

Ang Gawain ng Pamamahala ng Diyos at Pagliligtas sa Sangkatauhan ay Nagsisimula sa Pagsasakripisyo ni Abraham kay Isaac

Dahil nabigyan ng isang anak na lalaki si Abraham, ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Abraham ay natupad. Hindi ito nangangahulugan na tumigil dito ang plano ng Diyos; bagkus, ang kahanga-hangang plano ng Diyos para sa pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan ay nagsimula pa lamang, at ang Kanyang pagpapala kay Abraham ng isang anak na lalaki ay isa ngang pagpapakilala sa Kanyang pangkalahatang plano ng pamamahala. Sa sandaling iyon, sino ang nakaalam na ang pakikipaglabanan ng Diyos kay Satanas ay tahimik na nagsimula nang inialay ni Abraham si Isaac?

Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao—Hinihingi Lang Niyang Maging Totoo ang Tao

Susunod, ating tingnan kung ano ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa Genesis 22:2, ibinigay ng Diyos ang sumusunod na kautusan kay Abraham: “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na Aking sasabihin sa iyo.” Ang pakahulugan ng Diyos ay malinaw: Sinasabi Niya kay Abraham na ialay ang kanyang bugtong na anak na si Isaac, na kanyang minamahal, bilang handog na susunugin. Kung titingnan ito ngayon, magkasalungat pa rin ba ang mga kuru-kuro ng tao sa utos ng Diyos? Oo! Lahat ng ginawa ng Diyos sa panahong iyon ay lubhang salungat sa mga kuru-kuro ng tao at hindi kayang unawain ng tao. Sa kanilang mga kuru-kuro, ang mga tao ay naniniwala sa mga sumusunod: Nang ang isang tao ay hindi naniwala, at inisip na ito ay imposible, binigyan siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, at matapos niyang makamit ang isang anak na lalaki, inutusan siya ng Diyos na ialay ang kanyang anak—hindi kapani-paniwala! Ano talaga ang binalak gawin ng Diyos? Ano ang tunay na layunin ng Diyos? Walang pasubali Niyang binigyan ng anak na lalaki si Abraham, ngunit inutusan din Niya si Abraham na mag-alay nang walang pasubali. Ito ba ay kalabisan? Sa punto ng isang ikatlong partido, hindi lamang ito kalabisan ngunit tila isang kaso ng “paggawa ng problema nang walang dahilan.” Ngunit si Abraham mismo ay hindi naniwala na masyadong malaki ang hinihingi ng Diyos. Bagama’t may ilan siyang sariling opinyon tungkol dito, at bahagyang pinaghinalaan ang Diyos, handa pa rin siyang gawin ang pag-alay. Sa puntong ito, ano ang nakikita mong patunay na handa nga si Abraham na ialay ang kanyang anak? Ano ang sinasabi sa mga pangungusap na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng sumusunod na mga pahayag: “At si Abraham ay bumangon nang maaga, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga alila, at si Isaac na kanyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at pumaroon sa dakong sinabi sa kanya ng Diyos” (Genesis 22:3). “At sila’y dumating sa dakong sa kanya’y sinabi ng Diyos; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak” (Genesis 22:9–10). Nang iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang mga pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hingin ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na pagtaas ni Abraham ng kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay nagpakita sa Diyos ng puso ni Abraham, at anuman ang kanyang dating kahangalan, kamangmangan, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, noong sandaling iyon, ang puso ni Abraham para sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay ngang ibabalik niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod, ang mismong pagsunod na nais Niya.

Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na pangasiwaan ang isang tao, ang pangangasiwang ito ay madalas na salungat sa mga kuru-kuro ng tao at hindi niya kayang unawain ito, gayon pa man ang mismong di-pagkakatugma at pagiging hindi maunawaan nito ang mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya mismo, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Nang nagawang sundin ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, saka lamang tunay na naramdaman ng Diyos ang pagkakaroon ng katiyakan at pagsang-ayon sa sangkatauhan—kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang kailangang-kailangang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang susunod na plano ng pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok at pagsusulit lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pagmamahal ng tao sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Noong sandaling itinaas ni Abraham ang kanyang panaksak upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kinalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ito ang inasam Niyang makita. Ito ba ay totoo? Kahit na ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao sa iba’t ibang konteksto, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham at walang pasubali ang kanyang pagsunod. Ito mismong pagiging “walang pasubali” na ito ang ninais ng Diyos. Madalas sabihin ng mga tao na, “Inialay ko na ito, tinalikuran ko na iyan—bakit hindi pa rin nasisiyahan ang Diyos sa akin? Bakit Niya ako laging isinasailalim sa mga pagsubok? Bakit Niya ako parating sinusubukan?” Ito ay nagpapakita ng isang katunayan: Hindi pa nakikita ng Diyos ang iyong puso, at hindi pa Niya nakakamit ang iyong puso. Ang ipinahihiwatig nito ay hindi pa Niya nakikita ang katapatan na gaya ng ipinamalas ni Abraham nang nagawa niyang itaas ang panaksak upang patayin ang kanyang anak sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay at ialay ito sa Diyos. Hindi pa Niya nakikita ang iyong walang pasubaling pagsunod, at hindi pa Siya nakaramdam ng kalinga sa iyo. Samakatuwid, natural lamang na patuloy kang sinusubok ng Diyos. Hindi ba ito totoo? Dito natin tapusin ang paksang ito. Susunod, babasahin natin ang “Pangako ng Diyos kay Abraham.”

3. Ang Pangako ng Diyos kay Abraham

Genesis 22:16–18 Sa Aking sarili ay sumumpa Ako, sabi ni Jehova, sapagkat ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa Akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak: Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin Ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagkat sinunod mo ang Aking tinig.

Ito ay isang walang bawas na pahayag ng pagpapala ng Diyos kay Abraham. Kahit maikli, ang nilalaman nito ay sagana: Kabilang dito ang dahilan, at pinagbabatayan, ng regalo ng Diyos kay Abraham, at kung ano ang ibinigay Niya kay Abraham. Punong-puno din ito ng kagalakan at kasiyahan kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito, pati na rin ang apurahang pananabik Niya na makamit ang mga taong magagawang makinig sa Kanyang mga salita. Dito, nakikita natin ang pagpapahalaga ng Diyos, at pagkalinga tungo sa mga sumusunod sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanyang mga utos. Gayundin naman, nakikita natin ang halaga na Kanyang binabayaran upang makuha ang mga tao, at ang kalinga at pagtuon na Kanyang ibinibigay upang makamit sila. Bukod dito, ang sipi, na naglalaman ng mga salitang “Sa Aking sarili ay sumumpa Ako,” ang nagbibigay sa atin ng matinding pakiramdam ng kapaitan at pasakit na pinasan ng Diyos at tanging ng Diyos lamang, sa likod ng gawain ng Kanyang plano ng pamamahala. Ito ay isang nakakapukaw-isipang sipi, at isang may natatanging kabuluhan, at nagkaroon ng napakalalim na epekto para sa mga taong dumating pagkatapos noon.

Nakakamit ng Tao ang mga Pagpapala ng Diyos Dahil sa Kanyang Sinseridad at Pagkamasunurin

Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham sa ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: “At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” Ang pangungusap na ito ay nagpapakita na tinanggap ni Abraham ang mga pagpapala na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o matapos ang pagdating niya. Gaya ng hiningi ng Diyos, nang ibinalik ni Abraham ang kanyang nag-iisang anak na lalaki—ang kanyang pinakamamahal at kaisa-isang anak na lalaki—sa Diyos (hindi natin maaaring gamitin dito ang salitang “inalay”; dapat nating sabihing ibinalik niya ang kanyang anak sa Diyos), hindi lamang hindi pinahintulutan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, kundi binasbasan din Niya siya. Anong pangako ang Kanyang naging pagpapala kay Abraham? Ito ay ang pangakong pararamihin ang kanyang lahi. At gaano karami sila pararamihin? Ibinibigay ng Kasulatan ang sumusunod na tala: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” Ano ang konteksto kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito? Ibig sabihin, paano tinanggap ni Abraham ang pagpapala ng Diyos? Tinanggap niya ito tulad ng sinasabi ng Diyos sa Kasulatan: “sapagkat sinunod mo ang Aking tinig.” Iyan nga, dahil sumunod si Abraham sa utos ng Diyos, dahil nagawa niya ang lahat ng sinabi, hiningi at iniutos ng Diyos nang wala ni katiting na pagdaing, kung kaya’t gumawa ng ganitong pangako ang Diyos sa kanya. May isang mahalagang pangungusap sa pangakong ito na tumuon sa kaisipan ng Diyos sa pagkakataong iyon. Nakita ba ninyo ito? Maaaring hindi ninyo gaanong binigyang pansin ang mga salita ng Diyos na “Sa Aking sarili ay sumumpa Ako.” Ibig nilang sabihin, nang bigkasin ng Diyos ang mga salitang ito, ay nanunumpa Siya sa Kanyang sarili. Sa ano nangangako ang mga tao kapag nanunumpa sila? Sumusumpa sila sa Langit, na ang ibig sabihin ay nangangako at sumusumpa sila sa ngalan ng Diyos. Maaaring walang gaanong pagkaunawa ang mga tao sa kababalaghan kung saan nanumpa ang Diyos sa Kanyang sarili, ngunit mauunawaan ninyo ito kapag naibigay Ko sa inyo ang tamang paliwanag. Kapag kaharap ang isang tao na maririnig lamang ang Kanyang mga salita ngunit hindi naman nauunawaan ang Kanyang puso, nadarama muli ng Diyos ang kalungkutan at kawalan. Sa kawalan ng pag-asa—at, maaaring sabihin, na hindi namamalayan—ginawa ng Diyos ang isang napakalikas na bagay: Inilagay ng Diyos ang Kanyang kamay sa Kanyang puso at kinausap ang Kanyang sarili nang ibinigay Niya ang pangakong ito kay Abraham, at mula rito narinig ng tao ang sinabi ng Diyos “Sa Aking sarili ay sumumpa Ako.” Sa pamamagitan ng mga pagkilos ng Diyos, maaari mong isipin ang iyong sarili. Kapag inilagay mo ang iyong kamay sa iyong puso at nakipag-usap ka sa iyong sarili, malinaw ba sa iyo ang iyong sinasabi? Taos-puso ba ang iyong saloobin? Ikaw ba ay nagsasalita nang matapat, nang buong puso? Kaya, nakikita natin dito na nang nagsalita ang Diyos kay Abraham, Siya ay maalab at taos-puso. Kasabay ng pagsasalita at pagpapala kay Abraham, nangungusap din ang Diyos sa Kanyang sarili. Sinasabi Niya sa Kanyang sarili: Pagpapalain Ko si Abraham, at gagawing kasing dami ng mga bituin sa langit ang kanyang mga supling, at kasing sagana ng buhangin sa baybayin ng dagat, sapagkat dininig niya ang Aking mga salita at siya ang Aking hinirang. Nang sabihin ng Diyos “Sa Aking sarili ay sumumpa Ako,” pinagpasyahan ng Diyos na magmumula kay Abraham ang Kanyang lahing hinirang na Israel, pagkatapos ay pangungunahan Niya ang mga taong ito ayon sa bilis ng Kanyang gawain. Iyan nga, gagawin ng Diyos ang lipi ni Abraham na taga-dala ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang gawain ng Diyos at ang ipinahayag ng Diyos ay magsisimula kay Abraham, at magpapatuloy sa lipi ni Abraham, kaya’t maisasakatuparan ang hangarin ng Diyos na iligtas ang tao. Anong masasabi ninyo, hindi ba ito isang pagpapala? Para sa tao, wala nang hihigit pang pagpapala kaysa rito. Maaaring sabihin na ito ay ang pinaka-pinagpalang bagay. Ang pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi ang pagpaparami ng kanyang supling, kundi ang tagumpay ng Diyos sa Kanyang pamamahala, ang Kanyang atas, at ang Kanyang gawain sa lipi ni Abraham. Ibig ipakahulugan ng mga ito na ang mga pagpapalang nakamit ni Abraham ay hindi pansamantala, ngunit patuloy na sumulong ayon sa plano ng pamamahala ng Diyos. Nang magsalita ang Diyos, nang mangako ang Diyos sa Kanyang sarili, nakapagpasya na Siya. Totoo ba ang proseso ng pagpapasyang ito? Tunay ba ito? Napagpasyahan ng Diyos, na mula sa panahong iyon, ang Kanyang mga pagsisikap, ang halaga na Kanyang ibinayad, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang lahat sa Kanya, at maging ang Kanyang buhay, ay ibibigay kay Abraham at sa lipi ni Abraham. Maging iyon ay napagpasyahan ng Diyos, na magmula sa grupong ito ng mga tao, ipapamalas Niya ang Kanyang mga gawa at papayagan ang taong makita ang Kanyang karunungan, awtoridad, at kapangyarihan.

Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos

Kasabay ng pakikipag-usap sa Kanyang sarili, nakipag-usap din ang Diyos kay Abraham, ngunit maliban sa pagkarinig sa mga pagpapala na ibinigay ng Diyos sa kanya, naunawaan ba ni Abraham ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga salita sa sandaling iyon? Hindi! Kung kaya’t sa sandaling iyon, nang nangako ang Diyos sa Kanyang sarili, malungkot at nagdadalamhati pa rin ang Kanyang puso. Wala pa rin kahit isang tao na nakaunawa o nakaintindi ng Kanyang balak at plano. Sa sandaling iyon, walang sinuman—kabilang si Abraham—ang buo ang loob na makipag-usap sa Kanya, at lalong walang sinuman ang kayang makipagtulungan sa Kanya sa paggawa ng mga dapat Niyang gawin. Sa panlabas, nakamit ng Diyos si Abraham, isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa katunayan, ang kaalaman ng taong ito sa Diyos ay halos salat na salat. Kahit na pinagpala ng Diyos si Abraham, ang puso ng Diyos ay hindi pa rin nasiyahan. Ano ang ibig sabihin ng ang Diyos ay hindi nasiyahan? Ito ay nangangahulugan na ang Kanyang pamamahala ay kasisimula pa lamang, ito ay nangangahulugan na ang mga taong nais Niyang makamit, ang mga taong inasam Niyang makita, ang mga taong minahal Niya, ay malayo pa rin sa Kanya; kailangan Niya ng oras, kailangan Niyang maghintay, at kailangan Niyang maging matiyaga. Dahil sa panahong iyon, bukod sa Diyos Mismo, wala ni isa ang nakakaalam ng mga pangangailangan Niya, o ng mga nais Niyang makamit, o ng Kanyang pinananabikan. Kaya kasabay ng naramdaman na matinding kasiyahan, nakaramdam din ng kabigatan ng puso ang Diyos. Ngunit hindi Niya pinigilan ang Kanyang mga hakbang, at nagpatuloy na magplano ng susunod na hakbang na dapat Niyang gawin.

Ano ang nakikita ninyo sa pangako ng Diyos kay Abraham? Nagbigay ng maraming biyaya ang Diyos kay Abraham dahil lamang nakinig si Abraham sa mga salita ng Diyos. Bagama’t sa tingin, tila normal ito at tunay na inaasahan, dito ay nakikita natin ang puso ng Diyos: Lubos na pinahahalagahan ng Diyos ang pagkamasunurin ng tao sa Kanya, at itinatangi ang pag-unawa ng tao sa Kanya at ang sinseridad nito sa Kanya. Gaano itinatangi ng Diyos ang sinseridad na ito? Maaaring hindi ninyo maunawaan kung gaano Niya ito itinatangi, at maaaring wala ni isa ang nakakaunawa nito. Ibinigay ng Diyos ang isang anak na lalaki kay Abraham, at nang lumaki ang batang ito, hiningi ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang anak sa Diyos. Tumpak na sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos, sinunod niya ang salita ng Diyos, at ang kanyang sinseridad ay nakaantig sa damdamin ng Diyos at pinahalagahan ng Diyos. Gaano ito pinahalagahan ng Diyos? At bakit Niya ito pinahalagahan? Sa panahong walang nakaunawa sa mga salita ng Diyos o nakaintindi sa Kanyang puso, may ginawa si Abraham na nagpayanig sa kalangitan at nagpanginig sa kalupaan, at nagbigay ito ng hindi matatawarang kasiyahan sa Diyos, at nagbigay sa Diyos ng kagalakan sa pagkamit ng isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ang kasiyahan at kagalakan na ito ay nagmula sa isang nilalang na gawa ng sariling kamay ng Diyos, at ang unang “sakripisyo” na inialay ng tao sa Diyos at pinaka-pinahalagahan ng Diyos, magmula nang likhain ang tao. Nahirapan ang Diyos na hintayin ang sakripisyong ito, at trinato Niya ito bilang unang pinakamahalagang regalo na mula sa tao, na Kanyang nilikha. Ipinakita nito sa Diyos ang unang bunga ng Kanyang mga pagsusumikap at ang halaga na Kanyang binayaran, at dahil dito ay nagkaroon Siya ng pag-asa sa sangkatauhan. Pagkatapos, nagkaroon ang Diyos ng higit pang pananabik para sa isang grupo ng ganitong uri ng tao upang samahan Siya, tratuhin Siya nang may sinseridad, at bigyan Siya ng kalinga nang may sinseridad. Umasa pa ang Diyos na patuloy na mabubuhay si Abraham, dahil ninais Niyang samahan Siya ng pusong tulad ng kay Abraham sa pagpapatuloy Niya sa Kanyang pamamahala. Anuman ang nais ng Diyos, isa lamang itong hangarin, isa lamang ideya—dahil si Abraham ay tao lamang na nagawa Siyang sundin, at wala ni kakaunting pagkaunawa o kaalaman tungkol sa Diyos. Si Abraham ay isang taong masyadong malayo ang agwat sa mga sumusunod na pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos sa tao: pagkilala sa Diyos, kakayahang magpatotoo tungkol sa Diyos, at pakikiisa sa isipan ng Diyos. Dahil dito, hindi maaaring lumakad si Abraham kasama ng Diyos. Sa paghahandog ni Abraham kay Isaac, nakita ng Diyos ang sinseridad at pagkamasunurin ni Abraham, at nakita Niyang napagtagumpayan ni Abraham ang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kahit pa tinanggap ng Diyos ang kanyang sinseridad at pagkamasunurin, hindi pa rin siya karapat-dapat na pagkatiwalaan ng Diyos, at maging isang taong nakakikilala at nakauunawa sa Diyos, at mayroong kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos; malayo siya sa pagiging kaisa sa isipan ng Diyos at sa paggawa ng Kanyang kalooban. Dahil dito, sa Kanyang puso, ang Diyos ay malungkot at nababahala pa rin. Nang maging mas malungkot at nababahala ang Diyos, mas kinailangan Niyang ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala sa lalong madaling panahon, at makapili at magkamit ng isang grupo ng mga tao na magsasakatuparan ng Kanyang plano ng pamamahala at tutupad sa Kanyang kalooban sa lalong madaling panahon. Ito ang maalab na pagnanais ng Diyos, at nanatili itong hindi nagbabago mula sa pinakasimula hanggang ngayon. Magmula pa nang likhain Niya ang tao sa simula, nananabik na ang Diyos sa isang grupo ng mga mananagumpay, isang grupo na lalakad na kasabay Niya, at nauunawaan, nalalaman, at naiintindihan ang Kanyang disposisyon. Ang pagnanais na ito ng Diyos ay hindi kailanman nagbago. Gaano man katagal ang kailangan Niyang hintayin, gaano man kahirap ang daan sa hinaharap, at gaano man kalayo ang mga layon na Kanyang kinasasabikan, hindi kailanman binago o isinuko ng Diyos ang Kanyang mga inaasahan sa tao. Ngayong nasabi Ko na ito, may naunawaan ba kayo tungkol sa hangarin ng Diyos? Marahil ay hindi masyadong malalim ang inyong naunawaan—ngunit unti-unti itong darating!

Noong kapanahunan din ni Abraham, winasak ng Diyos ang isang lungsod. Ang lungsod na ito ay tinawag na Sodoma. Walang duda, maraming tao ang pamilyar sa kuwento ng Sodoma, ngunit walang nakakaalam sa mga kaisipan ng Diyos tungkol sa dahilan ng Kanyang pagwasak ng lungsod.

Kaya ngayon, sa pakikipag-usap ng Diyos kay Abraham na nasa ibaba, matututuhan natin ang Kanyang mga kaisipan sa panahong iyon, habang natututuhan din natin ang Kanyang disposisyon. Susunod, basahin natin ang sumusunod na mga sipi ng kasulatan.

B. Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma

Genesis 18:26 At sinabi ni Jehova, “Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung banal sa loob ng bayan, patatawarin Ko ang buong dakong yaon, alang-alang sa kanila.”

Genesis 18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa Kanya, at nagsabi, “Marahil ay may masusumpungang apatnapu.” At sinabi Niya, “hindi Ko gagawin.”

Genesis 18:30 At sinabi niya sa Kanya, “kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu.” At sinabi Niya, “hindi Ko gagawin.”

Genesis 18:31 At kanyang sinabi, “kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu.” At sinabi Niya, “hindi Ko lilipulin.”

Genesis 18:32 At sinabi niya, “kung sakaling may masusumpungan doong sampu.” At sinabi Niya, “hindi Ko lilipulin.”

Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Bibliya. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Bibliya. Upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili Ko lamang dito ang ilang pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang pangungusap na walang kinalaman sa ating pagbabahagi ngayon. Sa lahat ng sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento. Sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layon.

Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sumusunod sa Kanyang mga Utos

Naglalaman ng ilang pangunahing salita ang mga sipi sa itaas: mga numero. Una, sinabi ni Jehova na kung may matagpuan Siyang limampung matuwid sa lungsod, patatawarin Niya kung gayon ang buong lugar, na nangangahulugang hindi Niya wawasakin ang lungsod. Mayroon nga ba talagang limampung matuwid sa Sodoma? Wala. Pagkatapos na pagkatapos, ano ang sinabi ni Abraham sa Diyos? Sinabi niya, marahil ay may makikitang apatnapu? At sinabi ng Diyos, hindi Ko ito gagawin. Pagkatapos, sinabi ni Abraham, marahil ay may makikitang tatlumpu roon? At sinabi ng Diyos, hindi Ko ito gagawin. At marahil dalawampu? Hindi Ko ito gagawin. Sampu? Hindi Ko ito gagawin. Mayroon nga ba talagang sampung matuwid sa lungsod? Walang sampu—ngunit mayroong isa. At sino ang isang ito? Ito ay si Lot. Sa panahong iyon, may iisa lamang na taong matuwid sa Sodoma, ngunit masyado bang mahigpit o mapagwasto ang Diyos pagdating sa bilang na ito? Hindi, hindi Siya ganoon! At nang paulit-ulit na nagtatanong ang tao, “Paano kung apatnapu?” “Paano kung tatlumpu?” hanggang sa napunta siya sa “Paano kung sampu?” Sinabi ng Diyos, “Kahit na may sampu lamang, hindi Ko wawasakin ang lungsod; patatawarin Ko iyon at papatawarin ang ibang tao bukod sa sampung ito.” Kung mayroon lamang sampu, kaawa-awa talaga iyon, ngunit sa totoo, wala man lang ganoon karaming matuwid na tao sa Sodoma. Kung gayon, nakikita mo na sa mga mata ng Diyos na ang kasalanan at kasamaan ng mga tao sa lungsod ay ganoon na lamang na wala nang iba pang magagawa ang Diyos kundi ang wasakin sila. Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang hindi Niya wawasakin ang lungsod kung may limampung matuwid? Ang mga numerong ito ay hindi mahalaga sa Diyos. Ang mahalaga ay kung naglalaman o hindi ang lungsod ng matuwid na nais Niya. Kung may isa lang na matuwid na tao sa lungsod, hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak siya sa pagwasak Niya sa lungsod. Ibig sabihin nito, wasakin man o hindi ng Diyos ang lungsod, at gaano man karami ang matuwid doon, para sa Diyos ang makasalanang lungsod na ito ay napakasama at kasuklam-suklam, at dapat lang na wasakin, dapat maglaho mula sa mga mata ng Diyos, habang ang matuwid ay dapat na manatili. Anuman ang kapanahunan, anuman ang yugto ng pag-unlad ng sangkatauhan, ang saloobin ng Diyos ay hindi nagbabago: Kinamumuhian Niya ang kasamaan, at nagmamalasakit sa mga matuwid sa Kanyang mga mata. Itong malinaw na saloobin ng Diyos ay tunay rin na pahayag ng diwa ng Diyos. Dahil iisa lamang ang matuwid na tao sa loob ng lungsod, hindi na nag-atubili pa ang Diyos. Ang katapusang resulta ay ang hindi maiiwasang pagkawasak ng Sodoma. Ano ang nakikita ninyo rito? Sa kapanahunang iyon, hindi wawasakin ng Diyos ang isang lungsod kung mayroong limampung matuwid sa loob nito, at hindi rin kung may sampu, na nangangahulugan na ang Diyos ay magpapasya na magpatawad at magiging mapagparaya sa sangkatauhan, o gagawin ang gawain ng pagpatnubay, dahil sa iilang tao na kaya Siyang katakutan at sambahin. May malaking tiwala ang Diyos sa matutuwid na gawa ng tao, may malaki Siyang tiwala sa mga sumasamba sa Kanya, at may malaki Siyang tiwala sa mga nakagagawa ng mabubuting gawa sa Kanyang harapan.

Mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon, nabasa na ba ninyo sa Bibliya ang Diyos na nagpapahayag ng katotohanan, o nagsasalita tungkol sa daan ng Diyos, sa sinumang tao? Hindi, hindi kailanman. Ang mga salita ng Diyos sa tao na nababasa natin ay nagsasabi lamang sa mga tao kung ano ang kanilang gagawin. Ang ilan ay pumunta at ginawa ito, ang ilan ay hindi; ang ilan ay naniwala, at ang ilan ay hindi. Iyan lamang ang naroon. Kaya ang matuwid noong kapanahunang iyon—ang matuwid sa mga mata ng Diyos—ay iyon lamang mga makakarinig sa mga salita ng Diyos at makakasunod sa mga utos ng Diyos. Sila ang mga lingkod na nagpatupad ng mga salita ng Diyos sa tao. Matatawag ba ang mga taong ito na nakakakilala sa Diyos? Matatawag ba silang mga taong ginawang perpekto ng Diyos? Hindi. Samakatuwid, anuman ang kanilang bilang, sa mga mata ng Diyos, karapat-dapat bang tawagin ang matutuwid na taong ito bilang mga pinagkakatiwalaan ng Diyos? Maaari ba silang tawaging mga saksi ng Diyos? Tiyak na hindi! Sila ay tiyak na hindi karapat-dapat tawaging mga pinagkakatiwalaan at saksi ng Diyos. Kung gayon ano ang itinawag ng Diyos sa mga naturang tao? Sa Lumang Tipan ng Bibliya, maraming pagkakataon na tinatawag sila ng Diyos bilang “Aking lingkod.” Na ibig sabihin, sa panahong iyon, sa mga mata ng Diyos, ang matutuwid na taong ito ay mga lingkod ng Diyos, sila ang mga taong naglingkod sa Kanya sa lupa. At paano naisip ng Diyos ang katawagang ito? Bakit Niya sila tinawag nang ganoon? Mayroon bang mga pamantayan ang Diyos sa Kanyang puso sa kung ano ang mga itinatawag Niya sa tao? Tiyak na mayroon. May mga pamantayan ang Diyos, tawagin man Niya ang tao na matuwid, perpekto, tapat, o mga lingkod. Kapag tinawag Niya na Kanyang lingkod ang isang tao, matibay ang Kanyang paniniwala na kayang matanggap ng taong ito ang Kanyang mga sugo, sundin ang Kanyang mga utos, at isagawa ang iniuutos ng mga sugo. At ano ang isinasagawa ng taong ito? Isinasagawa niya ang mga iniuutos ng Diyos na gawin at isakatuparan ng tao sa mundo. Sa panahong iyon, ang iniuutos ng Diyos na gawin at isakatuparan ng tao sa lupa ay matatawag bang daan ng Diyos? Hindi. Dahil sa panahong iyon, ang hiningi lamang ng Diyos ay ang gumawa ang tao ng ilang simpleng bagay; nagbigkas Siya ng ilang simpleng utos, na nagsasabi sa tao na gawin lamang ito o iyon, at wala nang iba pa. Ang Diyos ay gumawa ayon sa Kanyang plano. Dahil, sa panahong iyon, maraming kondisyon ang hindi pa nangyari, hindi pa hinog ang panahon, at mahirap sa sangkatauhang pasanin ang daan ng Diyos, kung kaya’t ang daan ng Diyos ay hindi pa nagsimulang lumabas mula sa puso ng Diyos. Nakita ng Diyos ang mga matuwid na taong sinabi Niya, na nakita natin dito—kahit na tatlumpu o dalawampu—bilang Kanyang mga lingkod. Kapag pinuntahan ng mga sugo ng Diyos ang mga lingkod na ito, magagawa nilang tanggapin sila, at sundin ang kanilang mga utos, at kumilos alinsunod sa kanilang mga salita. Ito mismo ang dapat na ginawa, at natamo, ng mga lingkod sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay makatarungan sa Kanyang mga katawagan para sa mga tao. Tinawag Niya sila na Kanyang mga lingkod hindi dahil sila ay tulad ninyo ngayon—hindi dahil marami ang kanilang narinig na pangangaral, nakakaalam kung ano ang gagawin ng Diyos, maraming nauunawaan tungkol sa kalooban ng Diyos, at naiintindihan ang Kanyang plano ng pamamahala—subalit dahil sila ay naging tapat sa kanilang pagkatao at nagawa nilang sumunod sa mga salita ng Diyos; nang inutusan sila ng Diyos, isinantabi nila ang kanilang ginagawa at isinakatuparan kung ano ang inutos ng Diyos. Kung kaya’t para sa Diyos, ang iba pang aspeto ng kahulugan sa katawagan na lingkod ay ang pakikipagtulungan nila sa Kanyang gawain sa lupa, at kahit na hindi sila mga sugo ng Diyos, sila ang mga tagapagpaganap at tagapagpatupad ng mga salita ng Diyos sa lupa. Makikita ninyo na ang mga lingkod o matutuwid na tao na ito ay may malaking halaga sa puso ng Diyos. Ang gawain na sinimulan ng Diyos sa lupa ay hindi maaaring gawin nang wala ang mga taong tumulong sa Kanya, at ang papel na ginampanan ng mga lingkod ng Diyos ay hindi mapapalitan ng mga sugo ng Diyos. Ang bawat gawain na iniutos ng Diyos sa mga lingkod na ito ay malaki ang kahalagahan sa Kanya, kung kaya’t hindi Niya sila kayang mawala. Kung wala ang pakikipagtulungan na ito ng mga lingkod sa Diyos, maaaring mahinto ang Kanyang gawain sa sangkatauhan, at dahil dito, ang plano ng pamamahala ng Diyos at ang mga inaasam ng Diyos ay maaaring mauwi sa wala.

Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Tinatanggihan Niya

Sa mga salaysay sa Bibliya, mayroon bang sampung mga lingkod ng Diyos sa Sodoma? Wala! Karapat-dapat bang kaawaan ng Diyos ang lungsod na ito? Tanging ang isang tao sa lungsod—si Lot—ang tumanggap sa mga sugo ng Diyos. Ang ipinapahiwatig nito ay iisa lamang ang lingkod ng Diyos sa lungsod, at dahil dito, walang ibang pagpipilian ang Diyos kundi ang iligtas si Lot at wasakin ang lungsod ng Sodoma. Maaaring simple ang pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos na binanggit sa itaas, ngunit isang bagay na napakalalim ang ipinapakita nito: May mga prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos, at bago gumawa ng isang desisyon, maglalaan Siya ng mahabang oras sa pagmamasid at pagsasaalang-alang sa mga ito; kung hindi pa ito ang tamang oras, siguradong hindi Siya gagawa ng anumang desisyon o agad-agad na magpapasya. Ang mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos ay nagpapakita sa atin na wala ni katiting na kamalian sa desisyon ng Diyos na wasakin ang Sodoma, dahil alam na ng Diyos na walang apatnapung matuwid sa lungsod, kahit pa tatlumpu, o kaya ay dalawampu. Wala ni kahit na sampu. Ang tanging matuwid na tao sa lungsod ay si Lot. Ang lahat ng nangyari sa Sodoma at kalagayan nito ay pinagmasdan ng Diyos, at pamilyar ang mga ito sa Diyos gaya ng likuran ng Kanyang sariling kamay. Dahil dito, ang Kanyang desisyon ay hindi maaaring maging mali. Sa kabilang banda, kung ihahambing sa pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos, napakamanhid ng tao, sobrang hangal at mangmang, lubos ang kakulangan sa pagpapahalaga sa kinabukasan. Ito ang nakikita natin sa mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos. Inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon magmula pa sa simula hanggang sa ngayon. Tulad nito, mayroon ding disposisyon ng Diyos na dapat nating makita. Simple ang mga numero, hindi sila nagpapakita ng kahit ano, ngunit dito ay may napakahalagang pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos. Hindi wawasakin ng Diyos ang lungsod dahil sa limampung matuwid. Ito ba ay dahil sa habag ng Diyos? Ito ba ay dahil sa Kanyang pagmamahal at pagpapaubaya? Nakita ba ninyo ang panig na ito ng disposisyon ng Diyos? Kahit na may sampung matuwid lamang, hindi wawasakin ng Diyos ang lungsod dahil sa sampung matuwid na mga taong ito. Ito ba, o hindi ba ito, ang pagpapaubaya at pagmamahal ng Diyos? Dahil sa habag, pagpapaubaya, at pagmamalasakit ng Diyos sa matuwid na mga taong ito, hindi Niya sana wawasakin ang lungsod. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos. At sa katapusan, ano ang kalalabasan na makikita natin? Nang sinabi ni Abraham, “Kung sakaling may masusumpungan doong sampu,” sinabi ng Diyos, “Hindi Ko lilipulin.” Pagkatapos noon, wala nang sinabi si Abraham—dahil walang sampung matuwid sa Sodoma na kanyang tinukoy, at wala na siyang masasabi pa, at sa panahong iyon naunawaan niya kung bakit nagpasya ang Diyos na wasakin ang Sodoma. Dito, anong disposisyon ng Diyos ang nakikita ninyo? Anong uri ng paglutas ang ginawa ng Diyos? Nagpasya ang Diyos na kung walang sampung matuwid sa lungsod na ito, hindi Niya pahihintulutan ang pag-iral nito at wawasakin Niya ito. Hindi ba’t ito ang poot ng Diyos? Ang poot bang ito ang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos? Ito bang disposisyon na ito ang pagpapahayag ng banal na diwa ng Diyos? Ito ba ang pagpapahayag ng matuwid na diwa ng Diyos, na hindi dapat nilalabag ng tao? Dahil nakumpirma na walang sampung matuwid sa Sodoma, tiniyak ng Diyos na wawasakin Niya ang lungsod, at parurusahan nang matindi ang mga tao sa lungsod na iyon, dahil nilabanan nila ang Diyos at dahil masyado silang marumi at tiwali.

Bakit natin sinuri ang mga talatang ito sa ganitong paraan? Dahil ang ilang simpleng pangungusap na ito ay nagbibigay ng ganap na pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos tungkol sa masaganang habag at malalim na poot. Kasabay ng pagpapahalaga sa matuwid, at pagkakaroon ng habag, pagpapaubaya, at pagmamalasakit sa kanila, may malalim na galit sa puso ng Diyos para sa lahat ng nasa Sodoma na naging tiwali. Ito ba, o hindi ba ito, ang masaganang habag at malalim na poot? Sa paanong paraan winasak ng Diyos ang lungsod? Sa pamamagitan ng apoy. At bakit Niya ito winasak gamit ang apoy? Kapag nakikita mo ang isang bagay na nasusunog ng apoy, o kung magsusunog ka ng isang bagay, ano ang nararamdaman mo ukol dito? Bakit gusto mo itong sunugin? Nadarama mo ba na hindi mo na ito kailangan, na hindi mo na nais pang tingnan ito? Gusto mo bang iwanan ito? Ang paggamit ng Diyos sa apoy ay nangangahulugan ng pag-iiwan, at pagkamuhi, at hindi na Niya nais pang makita ang Sodoma. Ito ang damdaming nagtulak sa Diyos upang tupukin ng apoy ang Sodoma. Ang paggamit ng apoy ay kumakatawan sa kung gaano kagalit ang Diyos. Ang habag at pagpapaubaya ng Diyos ay talagang umiiral, ngunit ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos kapag pinapakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin sa tao ng panig ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng paglabag. Kapag kaya na ng tao na sundin nang ganap ang mga utos ng Diyos at kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, masagana ang habag ng Diyos sa tao; kapag ang tao ay napuno ng katiwalian, pagkamuhi at pagkapoot sa Kanya, napakatindi ng galit ng Diyos. Hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masasamang gawa ng tao, hanggang sa mawala na ang mga ito sa Kanyang paningin. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa madaling salita, kahit na sino pa ang tao, kung ang kanyang puso ay naging malayo sa Diyos, tumalikod sa Diyos, at hindi kailanman bumalik, paano man niya ninais na ipakita ang kanyang pagsamba at pagsunod at pagtalima sa Diyos sa kanyang katawan at pag-iisip, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang humpay. Masasabi na kapag lubos na pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit, dahil nabigyan na ng sapat na pagkakataon ang tao, sa oras na pakawalan ito, wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa mahahabag at magpapaubaya sa naturang sangkatauhan. Ito ay isang panig ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang paglabag. Dito, tila normal sa mga tao ang pagwasak ng Diyos sa isang lungsod, dahil, sa mga mata ng Diyos, ang lungsod na puno ng kasalanan ay hindi maaaring umiral at patuloy na manatili, at makatwiran lang na dapat itong wasakin ng Diyos. Ngunit sa nangyari bago at kasunod ng Kanyang pagwasak sa Sodoma, nakikita natin ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos. Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti. Sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakasusuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi Siya tumitigil sa Kanyang pagkapoot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto ng disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, naibunyag ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: saganang habag at malalim na poot. Karamihan sa inyo ay nakaranas na ng habag ng Diyos, ngunit napakakaunti sa inyo ang nagpahalaga sa poot ng Diyos. Ang habag at kagandahang-loob ng Diyos ay makikita sa bawat tao. Ibig sabihin nito, ang Diyos ay nagbigay ng masaganang habag sa bawat tao. Ngunit napaka-bihira—o, masasabing, hindi kailanman—nagalit nang matindi ang Diyos sa sinumang indibidwal o sa anumang pangkat ng mga tao sa gitna ninyo. Huminahon lang! Darating ang panahon na ang poot ng Diyos ay makikita at mararanasan ng bawat tao, ngunit hindi pa ngayon ang panahon. At bakit ganito? Dahil kapag palaging galit ang Diyos sa isang tao, kapag pinakawalan Niya sa kanila ang Kanyang malalim na poot, ibig sabihin nito ay matagal na Niyang kinamuhian at tinanggihan ang taong ito, na kinamumuhian Niya ang kanyang pag-iral, at hindi na Niya matatagalan ang kanyang pag-iral; sa sandaling dumating ang Kanyang galit sa kanya, siya ay maglalaho. Sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay hindi pa umaabot sa puntong iyan. Wala ni isa sa inyo ang makakayanan ang labis na galit ng Diyos. Nakikita ninyo, kung gayon, na sa panahong ito, masaganang habag lamang ang ipinapakita ng Diyos sa inyong lahat, at hindi pa ninyo nakikita ang Kanyang malalim na galit. Kung may mga nananatiling hindi kumbinsido, maaaring hingin ninyo na dumating sa inyo ang poot ng Diyos, upang inyong maranasan kung talagang umiiral o hindi ang poot ng Diyos at ang Kanyang disposisyon na hindi nagpapahintulot ng paglabag ng tao. Maglalakas-loob ba kayo?

Ang mga Tao ng mga Huling Araw ay Nakikita Lamang ang Poot ng Diyos sa Kanyang mga Salita, at Hindi Tunay na Nakararanas ng Poot ng Diyos

Ang dalawang panig ba ng disposisyon ng Diyos na nakikita sa mga talatang ito ng kasulatan ay karapat-dapat na pag-ukulan ng pagbabahaginan? Nang marinig ang kuwentong ito, nagkaroon ba kayo ng panibagong pagkaunawa tungkol sa Diyos? Anong klaseng pagkaunawa ang mayroon kayo? Masasabi na mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang grupong lubos na nagtamasa sa biyaya o habag at kagandahang-loob ng Diyos gaya ng panghuling grupong ito. Bagama’t sa huling yugto, ginawa na ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, at ginawa ang Kanyang gawain nang may pagiging maharlika at poot, kadalasan ay gumagamit lang ang Diyos ng mga salita upang isakatuparan ang Kanyang gawain; gumagamit Siya ng mga salita upang magturo at magdilig, upang magbigay at magpakain. Samantala, ang poot ng Diyos ay palaging nananatiling nakatago, at maliban na lamang sa pagkaranas sa mabagsik na disposisyon ng Diyos sa Kanyang mga salita, kakaunting tao lamang ang personal na nakaranas ng Kanyang galit. Ibig sabihin nito, sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, bagama’t ang poot na ibinunyag sa mga salita ng Diyos ay nagpapahintulot sa mga tao na maranasan ang pagiging maharlika at kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa paglabag, hanggang sa Kanyang mga salita lamang ang poot na ito. Sa madaling salita, ang Diyos ay gumagamit ng mga salita upang sawayin ang tao, ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at maging kondenahin ang tao—ngunit ang Diyos ay hindi pa talagang nagagalit sa tao, at bahagya pa lang na pinakawalan ang Kanyang poot maliban na lamang sa Kanyang mga salita. Dahil dito, ang habag at kagandahang-loob ng Diyos na naranasan ng tao sa kapanahunang ito ay pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos, habang ang poot ng Diyos na naranasan ng tao ay epekto lamang ng tono at pakiramdam ng Kanyang mga pagbigkas. Maraming tao ang nagkakamali sa pag-aakalang ang epektong ito ang tunay na karanasan at tunay na kaalaman sa poot ng Diyos. Bilang resulta, naniniwala ang karamihan na nakita na nila ang habag at kagandahang-loob ng Diyos sa Kanyang mga salita, na naranasan na rin nila ang kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa mga paglabag ng tao, at karamihan sa kanila ay pinahahalagahan na ang habag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit gaano man kasama ang ugali ng tao, o gaano man katiwali ang kanyang disposisyon, palaging nagtitiis ang Diyos. Sa pagtitiis, ang Kanyang layon ay ang maghintay sa mga salitang sinabi Niya, sa mga pagsisikap na ginawa Niya, at sa halagang ibinayad Niya upang makamit ang epekto sa mga taong nais Niyang matamo. Ang paghihintay sa ganitong kahihinatnan ay inaabot ng matagal na panahon, at nangangailangan ng pagkalikha ng iba’t ibang kapaligiran para sa tao, tulad ng hindi agarang pagiging matanda ng mga tao matapos nilang maipanganak; aabutin ng labingwalo o labingsiyam na taon, at ang ilang tao naman ay kakailanganin ang dalawampu o tatlumpung taon bago sila maituring na tunay na nasa wastong gulang. Hinihintay ng Diyos ang pagiging ganap ng prosesong ito, hinihintay Niya ang pagdating ng ganitong oras, at hinihintay Niya ang kahihinatnang ito. Sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, ang Diyos ay labis na mahabagin. Gayunpaman, sa panahon ng gawain ng Diyos, napakaliit na bilang ng mga tao ang pinababagsak, at ang ilan ay pinaparusahan dahil sa kanilang malubhang paglaban sa Diyos. Ang ganitong mga halimbawa ay mas malaking patunay sa disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala ng tao, at ganap na nagpapatibay sa tunay na pag-iral ng pagpaparaya at pagtitiis ng Diyos sa Kanyang mga taong hinirang. Mangyari pa, sa mga karaniwang halimbawang ito, hindi nakakaapekto sa pangkalahatang plano ng pamamahala ng Diyos ang pagpapahayag ng bahagi ng Kanyang disposisyon sa mga taong ito. Sa katunayan, sa huling yugtong ito ng gawain ng Diyos, ang Diyos ay nagtiis sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, at ipinagpalit Niya ang Kanyang pagtitiis at ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga taong sumusunod sa Kanya. Nakikita ba ninyo ito? Hindi sisirain ng Diyos ang Kanyang plano nang walang dahilan. Maaari Niyang ipamalas ang Kanyang poot, at maaari rin Siyang maging mahabagin; ito ang paghahayag ng dalawang pangunahing bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ito ba ay hindi malinaw, o ito ba ay napakalinaw? Sa madaling salita, pagdating sa Diyos, tama at mali, makatarungan at hindi makatarungan, ang positibo at ang negatibo—ang lahat ng ito ay malinaw na ipinapakita sa tao. Kung ano ang Kanyang gagawin, kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinamumuhian—ang lahat ng ito ay maaaring ganap na makita sa Kanyang disposisyon. Ang ganitong mga bagay ay maaari ring higit na makita nang maliwanag at malinaw sa gawain ng Diyos, at hindi sila malabo o para sa pangkalahatan; sa halip, hinahayaan ng mga ito na makita ng lahat ng tao ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa isang bukod-tanging kongkreto, tunay, at praktikal na paraan. Ito ang tunay na Diyos Mismo.

Ang Disposisyon ng Diyos ay Hindi Kailanman Itinago sa Tao—ang Puso ng Tao ang Lumayo sa Diyos

Kung hindi Ko ibinahagi ang mga bagay na ito, wala sa inyo ang makakayanang masdan ang tunay na disposisyon ng Diyos sa mga kuwento sa Bibliya. Ito ang totoo. Ito ay sa kadahilang bagama’t ang mga kuwentong ito mula sa Bibliya ay nagtala ng ilan sa mga bagay na ginawa ng Diyos, kakaunti lamang ang sinabi ng Diyos, at hindi Niya tuwirang ipinakilala ang Kanyang disposisyon o hayagang inilabas ang Kanyang kalooban sa tao. Ipinagpalagay ng mga sumunod na henerasyon na ang mga talaang ito ay mga kuwento lamang, kung kaya’t para sa mga tao tila itinatago ng Diyos ang Kanyang sarili mula sa tao, na hindi ang persona ng Diyos ang nakatago sa tao, kundi ang Kanyang disposisyon at kalooban. Pagkatapos ng Aking pagbabahagi ngayon, nadarama pa rin ba ninyo na ang Diyos ay lubos na nakatago sa tao? Naniniwala pa rin ba kayo na ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa tao?

Mula noong panahon ng paglikha, ang disposisyon ng Diyos ay naaayon sa Kanyang gawain. Ito ay hindi kailanman nakatago mula sa tao, kundi ganap na nakalathala at ginawang malinaw sa tao. Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang puso ng tao ay lalong lumayo mula sa Diyos, at habang lumalalim ang katiwalian ng tao, lalo pang napalayo ang tao mula sa Diyos. Dahan-dahan ngunit may katiyakan, ang tao ay naglaho mula sa paningin ng Diyos. Hindi na kayang “makita” ng tao ang Diyos, at nawalan ng anumang “balita” tungkol sa Diyos; dahil dito, hindi niya alam kung umiiral ba ang Diyos, at nagagawa pa ngang ganap na itanggi ang pag-iral ng Diyos. Bilang resulta, ang kawalan ng pagkaunawa ng tao sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ay hindi dahil sa nakatago ang Diyos sa tao, kundi dahil sa paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Bagama’t naniniwala ang tao sa Diyos, sa puso ng tao ay walang Diyos, at hindi niya alam kung paano mahalin ang Diyos, ni hindi nga niya gustong mahalin ang Diyos, dahil ang kanyang puso ay hindi kailanman lumalapit sa Diyos at siya ay palaging umiiwas sa Diyos. Bilang resulta, ang puso ng tao ay malayo mula sa Diyos. Nasaan ang kanyang puso? Sa katunayan, ang puso ng tao ay hindi nagpunta sa kung saan: Sa halip na ibigay ito sa Diyos o ibunyag ito upang ipakita sa Diyos, itinago niya ito para sa kanyang sarili. Iyan ay sa kabila ng katunayan na ang ilang tao ay madalas na manalangin sa Diyos at magsabi, “O Diyos, tingnan Mo ang aking puso—alam Mo ang lahat ng nasa isip ko,” at ang ilan ay sumusumpa pa na hinahayaan nila ang Diyos na tingnan sila, nang sa gayon ay maparusahan sila kung hindi nila tutuparin ang kanilang isinumpa. Kahit na pinahihintulutan ng tao ang Diyos na tumingin sa loob ng kanyang puso, hindi ito nangangahulugan na siya ay may kakayahang sumunod sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, ni hindi rin ibig sabihin na iniwan niya ang kanyang kapalaran at mga inaasam at ang lahat tungkol sa kanya sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Dahil dito, anupaman ang ipinangako mo sa Diyos o ipinahayag sa Kanya, sa paningin ng Diyos, ang iyong puso ay sarado pa rin sa Kanya, dahil hinahayaan mo lamang na tingnan ng Diyos ang iyong puso ngunit hindi mo Siya pinahihintulutang pamahalaan ito. Sa madaling salita, hindi mo pa talaga ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, at nagsasabi ka lamang ng mga salitang maganda sa pandinig ng Diyos; samantala, itinatago mo sa Diyos ang iba’t iba mong mapanlinlang na layunin, kasama na ang iyong mga lihim na intriga, mga pakana, at mga plano, at mahigpit mong hinahawakan ang iyong mga inaasam-asam at kapalaran sa iyong mga kamay, nang may matinding takot na kukunin ng Diyos ang mga ito. Dahil dito, hindi kailanman nakita ng Diyos ang katapatan ng tao sa Kanya. Bagama’t pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, at nakikita kung ano ang iniisip ng tao at mga nais gawin sa kanyang puso, at nakikita kung anong mga bagay ang nakatago sa kanyang puso, ang puso ng tao ay hindi pag-aari ng Diyos, at hindi niya ito isinuko upang pamahalaan ng Diyos. Sinasabi nito na ang Diyos ay may karapatang magmasid, ngunit wala Siyang karapatang mamahala. Sa pansariling kamalayan ng tao, hindi gusto at walang balak ang tao na isuko ang kanyang sarili sa pagsasaayos ng Diyos. Hindi lamang isinara ng tao ang kanyang sarili sa Diyos, ngunit mayroon pang mga taong nag-iisip kung paano itatago ang kanilang mga puso, gamit ang mga kaakit-akit na mga salita at labis-labis na papuri upang lumikha ng impresyon na hindi naman tunay at makuha ang tiwala ng Diyos, at itinatago ang kanilang tunay na katauhan sa paningin ng Diyos. Ang hindi nila pagpapahintulot sa Diyos na makakita ay dahil sa layon nila na hindi Siya pahintulutang makilala kung ano ba talaga sila. Hindi nila nais na ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos, kundi panatilihin ang mga ito para sa kanilang mga sarili. Ang ibig sabihin nito ay ang lahat ng ginagawa ng tao at ang gusto niya ay nakaplano, tinantiya at pinagpasyahan ng tao mismo; hindi niya kailangan ang pakikilahok o pakikialam ng Diyos, at lalong hindi niya kailangan ang mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos. Sa gayon, maging tungkol man sa mga utos ng Diyos, sa Kanyang tagubilin, o sa mga hinihingi ng Diyos mula sa tao, ang mga desisyon ng tao ay nakabatay sa kanyang sariling mga layunin at interes, sa kanyang sariling kalagayan at sa mga pangyayari sa panahong iyon. Laging ginagamit ng tao ang kaalaman at mga pagkaunawa na pamilyar sa kanya, at ang kanyang sariling pag-iisip, upang humatol at pumili ng landas na dapat niyang tahakin, at hindi niya pinahihintulutan ang panghihimasok o pamamahala ng Diyos. Ito ang puso ng tao na nakikita ng Diyos.

Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Iyon ay, sa lahat ng mga nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba pa, maliban sa tao, ang nagawang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga na nagbibigay sa kanya ng kakayahang makarinig, at mga mata para siya ay makakita. Mayroon siyang wika, sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan upang marinig ang Diyos na nangungusap, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang tagubilin ng Diyos, kung kaya’t ipinaaalam ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, sa kagustuhan Niyang gawin ang tao na isang makakasama na kaisa Niya sa pag-iisip at makakasama Niya sa Kanyang paglalakad. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, hinihintay na ng Diyos na ibigay ng tao ang puso nito sa Kanya, na hayaan ang Diyos na gawin itong dalisay at ihanda ito, upang ito ay maging kasiya-siya sa Diyos at mahalin ng Diyos, upang katakutan nito ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kahihinatnang ito. Mayroon bang mga ganitong tao sa mga tala ng Bibliya? Ibig sabihin, mayroon bang tao sa Bibliya na kayang ibigay ang kanilang puso sa Diyos? Mayroon bang maaaring pamarisan sa kapanahunang ito? Ngayon, ituloy natin ang pagbabasa sa mga nakatala sa Bibliya at tingnan kung ang ginawa ng taong ito—ni Job—ay may anumang kinalaman sa paksang “pagbibigay ng iyong puso sa Diyos” na pinag-uusapan natin ngayon. Tingnan natin kung si Job ay kasiya-siya sa Diyos at minahal ng Diyos.

Ano ang inyong palagay kay Job? Sa pagbanggit sa orihinal na kasulatan, may mga nagsasabi na si Job ay natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. “Natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan”: gayon ang pagsusuri ng Diyos kay Job. Kung gagamitin ninyo ang inyong sariling mga salita, paano ninyo ilalarawan si Job? May mga nagsasabi na si Job ay isang mabuti at makatwirang tao; may nagsasabi na mayroon siyang tunay na pananampalataya sa Diyos; may nagsasabi na si Job ay matuwid at makatao. Nakita ninyo ang pananampalataya ni Job, na ang ibig sabihin, binibigyan ninyo ng halaga sa inyong mga puso at kinaiinggitan ang pananampalataya ni Job. Ngayon, tingnan natin kung ano ang mayroon si Job na ikinalugod sa kanya ng Diyos. At pagkatapos, basahin natin ang mga kasulatan sa ibaba.

C. Job

1. Ang mga Pagsusuri ng Diyos kay Job at ang nasa Bibliya

Job 1:1 May isang lalaki sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.

Job 1:5 At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagkat sinabi ni Job, “Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ganito ang patuloy na ginawa ni Job.

Job 1:8 At sinabi ni Jehova kay Satanas, “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?”

Ano ang mahalagang punto na nakikita ninyo sa mga talatang ito? Ang tatlong maiikling talatang ito ng kasulatan ay may kaugnayan lahat kay Job. Kahit maiikli, malinaw na sinasaad nito kung anong uri siya ng tao. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito ng araw-araw na pag-uugali at asal ni Job, sinasabi nito sa lahat, na sa halip na walang batayan, ang pagsusuri ng Diyos kay Job ay may matibay na basehan. Sinasabi nito sa atin na maging ito man ay pagsusuri ng tao kay Job (Job 1:1), o pagsusuri sa kanya ng Diyos (Job 1:8), ang mga ito ay parehong resulta ng mga gawa ni Job sa harap ng Diyos at ng tao (Job 1:5).

Una, basahin natin ang unang sipi: “May isang lalaki sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.” Ito ang unang pagsusuri kay Job sa Bibliya, at ang pangungusap na ito ay ang pagsusuri ng may-akda kay Job. Natural lamang na ito rin ay kumakatawan sa pagsusuri ng tao kay Job, kung saan “ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.” Susunod, basahin natin ang pagsusuri ng Diyos kay Job: “Walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” Sa dalawang ito, ang isa ay galing sa tao, at ang isa ay nagmula sa Diyos; ang mga ito ay dalawang pagsusuri na pareho ang nilalaman. Makikita natin na ang pag-uugali at asal ni Job ay alam ng tao, at pinuri rin ng Diyos. Sa madaling salita, ang asal ni Job sa harap ng tao at ang kanyang asal sa harap ng Diyos ay pareho; inilatag niya ang kanyang pag-uugali at motibasyon sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, upang ang mga ito ay masuri ng Diyos, at siya ay isang tao na may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Dahil dito, sa mga mata ng Diyos, sa lahat ng tao sa lupa si Job lang ang perpekto at matuwid, at isang tao na may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan.

Partikular na mga Pagpapamalas ni Job ng Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan sa Kanyang Araw-araw na Pamumuhay

Susunod, tingnan natin ang partikular na mga pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Bilang karagdagan sa mga sipi na nauna at sumunod dito, basahin din natin ang Job 1:5, na isa sa mga halimbawa ng pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ito ay may kinalaman sa kung paano siya natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan sa kanyang araw-araw na pamumuhay; ang pinakaprominente, hindi lang niya ginawa ang mga dapat niyang gawin para sa sarili niyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, kundi regular ding nagsasakripisyo ng mga sinusunog na handog sa harap ng Diyos sa ngalan ng kanyang mga anak na lalaki. Ikinakatakot niya na sila ay madalas na “nangagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso” habang nagdiriwang. At paano ipinamalas ni Job ang takot na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng mga sumusunod na salaysay: “At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat.” Ipinapakita sa atin ng asal ni Job, na ang kanyang takot sa Diyos ay hindi naipapamalas sa kanyang panlabas na pag-uugali, kundi ay nagmula sa loob ng kanyang puso, at ang kanyang takot sa Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng kanyang araw-araw na pamumuhay, sa lahat ng pagkakataon, dahil hindi lamang siya lumayo sa kasamaan, kundi madalas din siyang mag-alay ng mga sinunog na handog sa ngalan ng kanyang mga anak na lalaki. Sa madaling salita, hindi lamang malalim ang takot ni Job na magkasala laban sa Diyos at tumalikod sa Diyos sa kanyang sariling puso, kundi inaalala rin niya na baka ang kanyang mga anak na lalaki ay magkasala laban sa Diyos at talikuran Siya sa kanilang mga puso. Makikita natin dito na ang katotohanan ng takot ni Job sa Diyos ay nagtatagumpay laban sa masusing pagsisiyasat, at hindi pag-aalinlanganan ng sinumang tao. Ginawa ba niya ito nang paminsan-minsan, o nang madalas? Ang huling pangungusap ng teksto ay “Ganito ang patuloy na ginawa ni Job.” Ang mga salitang ito ay nangangahulugan na hindi pinupuntahan at binibisita ni Job ang kanyang mga anak nang paminsan-minsan, o kung nais niya lamang, at hindi rin siya nagtatapat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa halip, regular niyang ipinapadala ang kanyang mga anak upang pabanalin, at nagsasakripisyo siya ng mga sinusunog na handog para sa kanila. Ang salitang “patuloy” dito ay hindi nangangahulugan na ginawa niya ang mga ito ng isa o dalawang araw, o sa loob ng ilang sandali. Sinasabi nito na ang pagpapamalas ni Job ng takot sa Diyos ay hindi pansamantala lamang, at hindi humihinto sa antas ng kaalaman, o sa mga binibigkas na salita; sa halip, ang daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ang gumabay sa kanyang puso, ito ang nagdikta ng kanyang asal, at sa kanyang puso, ito ang ugat ng pananatili ng kanyang pag-iral. Ipinapakita ng patuloy niyang paggawa nito na, sa kanyang puso, madalas niyang ikinatakot na siya mismo ay magkakasala laban sa Diyos at ikinatakot din niya na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay magkakasala laban sa Diyos. Kinakatawan nito kung gaano kabigat ang daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan na dala niya sa loob ng kanyang puso. Patuloy niya itong ginawa, dahil sa kanyang puso, natatakot at nangangamba siya—nangangamba na may ginawa siyang masama at nagkasala laban sa Diyos, at na siya ay lumihis mula sa daan ng Diyos kung kaya’t hindi niya nagawang magbigay ng kaluguran sa Diyos. At kasabay nito, nag-alala rin siya para sa kanyang mga anak na lalaki at babae, nangamba siya na nagkasala sila sa Diyos. Ganito ang karaniwang pag-uugali ni Job sa araw-araw. Ang karaniwang pag-uugali na ito mismo ang nagpapatunay na ang takot ni Job sa Diyos at ang paglayo sa kasamaan ay hindi salita lamang, na talagang isinabuhay ni Job ang realidad na ito. “Ganito ang patuloy na ginawa ni Job”: Ang mga salitang ito ang nagsasabi sa atin ng araw-araw na mga gawa ni Job sa harap ng Diyos. Sa patuloy niyang paggawa ng ganoon, naabot ba ng kanyang ugali at ng kanyang puso ang Diyos? Sa madaling salita, madalas bang nalugod ang Diyos sa kanyang puso at sa kanyang ugali? Kung gayon, sa anong kalagayan, at sa anong konteksto ito patuloy na ginawa ni Job? May ilang nagsasabi: “Ganito kumilos si Job dahil madalas magpakita sa kanya ang Diyos.” May ilang nagsasabi: “Patuloy niya itong ginawa dahil may kagustuhan siyang lumayo sa kasamaan.” At may ilang nagsasabi: “Marahil inisip niya na hindi naging madali ang pagkamit niya ng kanyang kayamanan, at alam niya na ipinagkaloob ito ng Diyos sa kanya, at dahil dito lubha siyang natatakot na mawala ang kanyang ari-arian bilang bunga ng pagkakasala laban sa Diyos.” May mga totoo ba sa mga pahayag na ito? Malinaw na wala. Dahil sa mga mata ng Diyos, ang lubos na itinangi at pinahalagahan ng Diyos kay Job ay hindi lamang ang patuloy niyang paggawa ng ganoon; higit pa roon, ay ang kanyang pag-uugali sa harapan ng Diyos, ng tao, at ni Satanas nang ipasa siya kay Satanas upang tuksuhin. Ibinibigay ng mga bahagi sa ibaba ang pinakakapani-paniwalang katibayan, ang katibayan na nagpapakita sa atin ng katotohanan ng pagsusuri ng Diyos kay Job. Pagkatapos, basahin natin ang susunod na mga talata mula sa kasulatan.

2. Tinukso ni Satanas si Job sa Unang Pagkakataon (Ninakaw ang Kanyang mga Alagang Hayop at Sumapit ang Kalamidad sa Kanyang mga Anak)

a. Ang mga Salitang Binigkas ng Diyos

Job 1:8 At sinabi ni Jehova kay Satanas, “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?”

Job 1:12 At sinabi ni Jehova kay Satanas, “Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay.” Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ni Jehova.

b. Sagot ni Satanas

Job 1:9–11 Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at nagsabi, “Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi Mo ba siya ikinulong, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawat dako? Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Ngunit pagbuhatan Mo siya ng Iyong kamay ngayon, at galawin Mo ang lahat niyang tinatangkilik, at susumpain Ka niya ng mukhaan.”

Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job Upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job

Ang Job 1:8 ay ang unang tala na makikita natin sa Bibliya tungkol sa isang pag-uusap sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Satanas. At ano ang sinabi ng Diyos? Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng sumusunod na salaysay: “At sinabi ni Jehova kay Satanas, ‘Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?’” Ito ay pagsusuri ng Diyos kay Job sa harap ni Satanas; sinabi ng Diyos na siya ay isang lalaking perpekto at matuwid, na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bago pa man ang mga salitang ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, pinagpasyahan na ng Diyos na gagamitin Niya si Satanas upang tuksuhin si Job—na ipapasa Niya si Job kay Satanas. Sa isang banda, patutunayan nito na ang pagmamasid at pagsusuri ng Diyos kay Job ay tumpak at walang pagkakamali, at magdudulot ng kahihiyan kay Satanas sa pamamagitan ng patotoo ni Job; sa kabilang banda, gagawin nitong perpekto ang pananampalataya at takot ni Job sa Diyos. Dahil dito, nang si Satanas ay naparoon sa harap ng Diyos, hindi nagpaliguy-ligoy ang Diyos. Diretso Niyang sinabi at tinanong kay Satanas: “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?” Nasa tanong ng Diyos ang sumusunod na kahulugan: Alam ng Diyos na nililibot ni Satanas ang lahat ng lugar, at madalas niyang nasusubaybayan si Job, na lingkod ng Diyos. Madalas na nitong tinukso at sinalakay si Job, sa paghahanap nito ng paraan upang wasakin si Job at mapatunayan na ang pananampalataya ni Job sa Diyos at ang kanyang takot sa Diyos ay hindi matatag. Agad-agad ding naghanap si Satanas ng mga pagkakataon para ganap na masira si Job, upang itakwil ni Job ang Diyos, at upang agawin si Job mula sa mga kamay ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay tumingin sa loob ng puso ni Job at nakita Niya na siya ay perpekto at matuwid, at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ginamit ng Diyos ang isang tanong upang sabihin kay Satanas na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao na may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, na hindi kailanman tatalikuran ni Job ang Diyos at susunod kay Satanas. Nang marinig ang pagsusuri ng Diyos kay Job, nagalit si Satanas dahil sa kahihiyan, at lalo itong napoot, at lalong nainip na agawin si Job, dahil hindi kailanman naniwala si Satanas na may isang taong maaaring maging perpekto at matuwid, o kaya ay makakaya niyang magkaroon ng takot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Kasabay nito, si Satanas ay napoot din sa pagka-perpekto at pagkamatuwid ng tao, at nagalit sa mga tao na nakakayanang magkaroon ng takot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Kaya naman nasusulat sa Job 1:9–11 na “Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at nagsabi, ‘Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi Mo ba siya ikinulong, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawat dako? Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Ngunit pagbuhatan Mo siya ng Iyong kamay ngayon, at galawin Mo ang lahat niyang tinatangkilik, at susumpain Ka niya ng mukhaan.’” Kilalang-kilala ng Diyos ang malisyosong kalikasan ni Satanas, at alam na alam na Niyang matagal nang balak ni Satanas na sirain si Job, kung kaya’t ninais ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsabing muli kay Satanas na si Job ay perpekto at matuwid at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, upang mailagay sa kanyang lugar si Satanas, maipakita ang tunay nitong mukha at lusubin at tuksuhin si Job. Sa madaling salita, sinadya ng Diyos na idiin na perpekto at matuwid si Job, at na may takot siya sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at sa pamamagitan nito ay hinayaan Niyang lusubin ni Satanas si Job dahil sa pagkamuhi at galit ni Satanas sa pagiging perpekto at matuwid ni Job, isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bunga nito, magdadala ng kahihiyan ang Diyos kay Satanas dahil sa katunayan na si Job ay perpekto at matuwid na tao, isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at si Satanas ay maiiwang lubos na napahiya at talunan. Pagkatapos nito, si Satanas ay hindi na muling mag-aalinlangan o gagawa ng mga paratang kay Job tungkol sa kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, pagkakaroon ng takot sa Diyos, o paglayo sa kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pagsubok ng Diyos at panunukso ni Satanas ay halos hindi na maiiwasan. Ang nag-iisang nakatiis sa pagsubok ng Diyos at panunukso ni Satanas ay si Job. Pagkatapos ng usapang ito, si Satanas ay nabigyan ng pahintulot na tuksuhin si Job. Kaya nagsimula ang unang mga pag-atake ni Satanas. Ang pinatamaan ng mga pag-atake na ito ay ang mga ari-arian ni Job, sapagkat ginawa ni Satanas ang mga sumusunod na paratang laban kay Job: “Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Diyos? … Iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain.” Bunga nito, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job—na siyang tunay na layunin kung bakit nakipag-usap ang Diyos kay Satanas. Gayunman, gumawa ang Diyos ng isang utos kay Satanas: “Lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay” (Job 1:12). Ito ang kondisyong ginawa ng Diyos matapos Niyang payagan si Satanas na tuksuhin si Job at ilagay si Job sa kamay ni Satanas, at ito ang hangganan na itinakda Niya para kay Satanas: inutusan Niya si Satanas na huwag saktan si Job. Dahil kinilala ng Diyos na si Job ay perpekto at matuwid, at mayroon Siyang pananampalataya na ang pagka-perpekto at pagkamatuwid ni Job sa Kanyang harapan ay walang pag-aalinlangan at kakayanin ang pagsubok, kung kaya’t pinahintulutan ng Diyos na tuksuhin ni Satanas si Job, ngunit nagpataw Siya ng hangganan kay Satanas: si Satanas ay pinahintulutan na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job, ngunit hindi nito maaaring saktan si Job. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay hindi lubusang ibinigay ng Diyos si Job kay Satanas noong panahong iyon. Maaaring tuksuhin ni Satanas si Job sa anumang paraan na nais nito, ngunit hindi nito maaaring saktan si Job mismo—kahit man lamang isang buhok sa kanyang ulo—dahil ang lahat tungkol sa tao ay pinamamahalaan ng Diyos, at ang pagkabuhay o pagkamatay man ng tao ay pinagpapasyahan ng Diyos. Si Satanas ay walang ganitong karapatan. Matapos sabihin ng Diyos ang mga salitang ito kay Satanas, si Satanas ay hindi na makapaghintay na magsimula. Ginamit nito ang lahat ng paraan upang tuksuhin si Job, at hindi nagtagal nawalan si Job ng gabundok na dami ng tupa at baka at ang lahat ng ari-arian na ibinigay sa kanya ng Diyos…. Sa ganito dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa kanya.

Kahit sinasabi sa atin ng Bibliya ang mga pinagmulan ng panunukso kay Job, si Job ba mismo, na sumailalim sa mga tuksong ito, ay may kamalayan kung ano ang nangyayari? Si Job ay isa lamang mortal na tao; natural lamang na wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya. Gayunman, ang kanyang takot sa Diyos, at ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, ang nakatulong sa kanya upang maunawaan na ang mga pagsubok ng Diyos ay dumating sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naganap sa espirituwal na mundo, o kung ano ang mga layunin ng Diyos sa likod ng mga pagsubok na ito. Ngunit alam niya na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, dapat niyang patotohanan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at dapat siyang sumunod sa daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Malinaw na nakita ng Diyos ang saloobin at reaksyon ni Job sa mga bagay na ito. At ano ang nakita ng Diyos? Nakita Niya ang puso ni Job na may takot sa Diyos, dahil magmula pa sa simula hanggang sa pagdaan ni Job sa pagsubok, nanatiling bukas ang puso ni Job sa Diyos, nakalatag ito sa harap ng Diyos, at hindi itinakwil ni Job ang kanyang pagka-perpekto o pagkamatuwid, at hindi rin siya tumanggi o tumalikod sa daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—walang ibang mas kasiya-siya pa sa Diyos kaysa rito. Susunod, titingnan natin kung ano ang mga tukso na pinagdaanan ni Job at kung paano niya hinarap ang mga pagsubok na ito. Basahin natin mula sa mga kasulatan.

c. Ang Reaksyon ni Job

Job 1:20–21 Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.”

Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos ang Kusang Pagbabalik ni Job ng Lahat ng Kanyang Pag-aari

Matapos sabihin ng Diyos kay Satanas na, “Lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay,” umalis si Satanas, at matapos noon ay sumailalim na si Job sa biglaan at mababangis na pag-atake: Una, ninakaw ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang ilan sa mga tagapaglingkod niya; sumunod, sinunog ang ilan sa kanyang mga tupa at mga tagapaglingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay pa ang mga tagapaglingkod niya; sa huli, namatay ang mga anak niyang lalaki at babae. Ang sunud-sunod na pag-atake na ito ay ang paghihirap na dinanas ni Job sa unang tukso. Ayon sa iniutos ng Diyos, ang mga ari-arian at mga anak lamang ni Job ang pinuntirya ni Satanas sa panahon ng mga pag-atake, at hindi niya sinaktan si Job. Gayunman, mula sa pagiging isang mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan, si Job ay biglang naging isang tao na wala kahit na anong ari-arian. Walang sinuman ang may kakayahang matagalan ang mga kagila-gilalas na biglaang pag-atake na ito o tumugon sa mga ito nang maayos, ngunit si Job ay nagpakita ng kanyang pambihirang kakayahan. Nagbibigay ang Kasulatan ng sumusunod na salaysay: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o natakot, at lalong hindi siya nagpahayag ng galit o poot. Nakikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga sakunang ito ay hindi isang aksidente, o gawa ng kamay ng tao, at lalong hindi dala ng paghihiganti o kaparusahan. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ni Jehova; si Jehova ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Napaka-mahinahon at malinaw ng pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makagawa ng mga makatwiran at likas na tumpak na mga paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ang “pinunit ang kanyang balabal” ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang “inahitan ang kanyang ulo” ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang “nagpatirapa sa lupa at sumamba” ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos na tila isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, pagiging masunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik sa Diyos ang lahat ng kanyang pag-aari, kasama na ang kanyang buhay.

Ang takot at pagiging masunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, natanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagkatantong ito ay nagkaroon siya ng takot sa Diyos, at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sundin ang Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, subalit hindi siya nagreklamo, at nagpakumbaba siya sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya niyang hahayaan na gawin ito ng Diyos, nang walang reklamo. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin nito, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay naging matatag sa kanyang natanto at karanasan na tungkol sa pag-iral ng Diyos. Mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at gumawa ng pamantayan sa kanyang pag-iisip, pag-uugali, asal, at mga prinsipyo sa pagkilos sa harap ng Diyos na naaayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang mga karanasan ay nagdulot sa kanya ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng integridad na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Si Job ay may isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis.” Dahil sa mga bagay na ito lamang niya nagawang tumayo nang matatag sa kanyang patotoo sa gitna ng mapaminsalang pag-atake ni Satanas, at dahil sa mga ito lamang niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang dumating ang Kanyang mga pagsubok. Kahit na ang asal ni Job sa unang tukso ay lubos na tapat, ang mga sumunod na henerasyon ay hindi nagkaroon ng katiyakan na may kakayahan din silang magkamit ng ganitong katapatan kahit pa matapos ang kanilang habambuhay na mga pagsisikap, at hindi rin nangangahulugan na taglay nila ang asal ni Job na inilarawan sa itaas. Ngayon, nakikita mo ang tapat na asal ni Job, at kung ihahambing ito sa mga sigaw at determinasyon ng “lubos na pagiging masunurin at katapatang hanggang sa kamatayan” na ipinapakita sa Diyos ng mga taong nagsasabing naniniwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos, kayo ba ay nakakaramdam o hindi nakakaramdam nang lubos na kahihiyan?

Kung babasahin mo sa mga kasulatan ang lahat ng pinagdusahan ni Job at ng kanyang pamilya, ano ang iyong reaksyon? Pinag-iisipan mo ba ito nang husto? Nagulat ka ba? Masasabi bang ang mga pagsubok na dumating kay Job ay “kahindik-hindik”? Sa madaling salita, kakila-kilabot na basahin ang mga pagsubok ni Job na inilarawan sa mga kasulatan, ano pa kaya ang sa tunay na buhay. Tulad ng nakikita mo, ang naranasan ni Job ay hindi isang “pagsasanay,” ngunit isang tunay na “labanan,” na nagtatampok ng tunay na “mga baril” at “mga bala.” Ngunit kaninong kamay ang naglagay sa kanya sa mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay tunay ngang isinagawa ni Satanas, personal na isinagawa ang mga ito ni Satanas. Sa kabila nito, ang mga ito ay pinahintulutan ng Diyos. Sinabi ba ng Diyos kay Satanas kung sa anong mga paraan niya dapat tuksuhin si Job? Hindi Niya ito sinabi. Nagbigay lang ang Diyos ng isang kondisyon na dapat sundin ni Satanas, at pagkatapos nito ay dumating na ang panunukso kay Job. Nang dumating ang tukso kay Job, binigyan nito ang mga tao ng kabatiran tungkol sa kasamaan at kapangitan ni Satanas, sa mga masasamang hangarin at pagkamuhi nito sa tao, at sa pagkapoot nito sa Diyos. Makikita natin dito na hindi maaaring ilarawan ng mga salita kung gaano kalupit ang tuksong ito. Masasabing ang malisyosong kalikasan na ginamit ni Satanas upang pagmalupitan ang tao at ang pangit nitong mukha ay ganap na naibunyag noong mga sandaling ito. Ginamit ni Satanas ang pagkakataong ito, ang pagkakataong ibinigay ng pahintulot ng Diyos, upang isailalim si Job sa nag-iinit at walang awang pagmamalupit, ang paraan at antas ng kalupitan ay parehong hindi mailarawan at ganap na hindi mapag-titiisan ng mga tao ngayon. Sa halip na sabihing tinukso ni Satanas si Job, at naging matatag siya sa kanyang pagpapatotoo sa panahon ng tuksong ito, mas mabuting sabihin na sa mga pagsubok na itinakda para sa kanya ng Diyos, si Job ay nakipagpaligsahan kay Satanas upang ingatan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at ipagtanggol ang daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa paligsahang ito, nawala kay Job ang gabundok na mga tupa at baka, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at nawala sa kanya ang kanyang mga anak na lalaki at babae. Gayunman, hindi niya tinalikuran ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, o takot sa Diyos. Sa madaling salita, sa paligsahang ito laban kay Satanas, mas ginusto pa ni Job na mawala ang kanyang ari-arian at mga anak sa halip na mawala ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, at takot sa Diyos. Pinili niyang manatili sa ugat ng kahulugan ng pagiging tao. Ang Kasulatan ay nagbibigay ng isang maikling salaysay ng buong pamamaraan kung paano nawala kay Job ang kanyang mga ari-arian, at nakatala rin dito ang asal at saloobin ni Job. Ang mga makahulugan at malinaw na mga salaysay na ito, ay nagbibigay ng pakiramdam na halos mahinahon si Job sa pagharap sa tuksong ito, ngunit kung ang tunay na nangyari ay mangyayari uli—idagdag pa ang katunayan ng malisyosong kalikasan ni Satanas—ang mga bagay ay hindi magiging kasing-simple o kasindali ng inilarawan sa mga pangungusap na ito. Ang realidad ay higit na mas malupit. Ganoon ang antas ng pagkasira at poot na ginamit ni Satanas sa pagtrato sa sangkatauhan at sa lahat ng sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi sinabi ng Diyos kay Satanas na huwag saktan si Job, walang duda na papatayin siya ni Satanas nang walang pag-aatubili. Hindi nais ni Satanas na may sinumang sumamba sa Diyos, at hindi rin nito nais na magpatuloy sa pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ang mga taong makatarungan sa mga mata ng Diyos at ang mga perpekto at matuwid. Upang ang mga tao ay magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, nangangahulugan na dapat nilang layuan at talikuran si Satanas, at dahil dito, sinamantala ni Satanas ang pahintulot ng Diyos upang ibuhos ang lahat ng poot at galit nito kay Job nang walang awa. Ngayon ay nakikita mo kung gaano kalaki ang paghihirap na pinagdusahan ni Job, mula sa isip hanggang sa laman, mula sa labas hanggang sa loob. Sa ngayon, hindi natin nakikita kung paano ito noong panahong iyon, at mula sa mga salaysay ng Bibliya, ang nakikita lamang natin ay isang maikling sulyap sa mga damdamin ni Job nang sumailalim siya sa mga paghihirap noong panahong iyon.

Ang Hindi Natitinag na Integridad ni Job ay Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Nagiging Sanhi ng Pagtakas Nito nang may Pagkasindak

At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng magiging kalalabasan nito. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Tiyak na nakadama Siya ng pighati. Ngunit, bilang resulta ng Kanyang pighati, pinagsisihan kaya Niya ang Kanyang pagpapahintulot kay Satanas na tuksuhin si Job? Ang sagot ay, Hindi, hindi Niya ito pinagsisihan. Sapagkat matatag ang Kanyang paniniwala na perpekto at matuwid si Job, na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Binigyan lang ng Diyos si Satanas ng pagkakataon na patunayan ang pagiging matuwid ni Job sa harap ng Diyos, at ibunyag ang sarili nitong kasamaan at kasuklam-suklam na kalagayan. Bukod dito, pagkakataon ito upang patunayan ni Job ang kanyang pagiging matuwid at takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa harap ng mga tao sa mundo, kay Satanas, at maging sa mga taong sumusunod sa Diyos. Pinatunayan ba ng kinalabasan sa huli na ang pagsusuri ng Diyos kay Job ay tama at walang pagkakamali? Talaga bang nangibabaw si Job kay Satanas? Dito ay mababasa natin ang mga huwarang salita na sinabi ni Job, mga salitang patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon.” Ganito ang saloobin ng pagiging masunurin ni Job sa Diyos. Kasunod nito, sinabi niya: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan ng mga ito na ang Kanyang pagsang-ayon kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na inaprubahan ng Diyos ay matuwid. “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito ay patotoo ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala rito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito nang may pagkasindak, at, higit pa rito, nagkadena kay Satanas at nag-iwan dito nang walang mga kaparaanan. Gayundin, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng pagiging kamangha-mangha at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na si Jehova, at nagpahintulot dito na makita ang pambihirang pagkabighani ng isang tao na ang puso ay pinamamahalaan ng daan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan ng mga ito kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao bunga ng kanyang pagsunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dahil dito, natalo si Satanas sa unang paligsahan. Sa kabila ng kanyang “pagkatuto mula rito,” walang balak si Satanas na pakawalan si Job, at wala ring anumang pagbabago sa malisyosong kalikasan nito. Sinikap ni Satanas na patuloy na lusubin si Job, at minsan pang tumayo sa harap ng Diyos …

Susunod, magbabasa tayo mula sa mga kasulatan tungkol sa pangalawang pagkakataon na tinukso si Job.

3. Muling Tinukso ni Satanas si Job (Naglitawan ang Mahahapding Pigsa sa Buong Katawan ni Job)

a. Ang mga Salitang Binigkas ng Diyos

Job 2:3 At sinabi ni Jehova kay Satanas, “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan? At siya’y namamalagi sa kanyang integridad, bagaman Ako’y kinilos mo laban sa kanya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan.”

Job 2:6 At sinabi ni Jehova kay Satanas, “Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.”

b. Ang mga Salitang Binigkas ni Satanas

Job 2:4–5 At si Satanas ay sumagot kay Jehova, at nagsabi, “Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Ngunit pagbuhatan Mo ngayon ng Iyong kamay, at galawin Mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at kanyang susumpain Ka ng mukhaan.”

c. Paano Kinakaharap ni Job ang Pagsubok

Job 2:9–10 Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, “Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka.” Ngunit sinabi niya sa kanya, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng isa sa mga hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa pamamagitan ng kanyang mga labi.

Job 3:3–4 Maparam nawa ang araw ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Diyos mula sa itaas, ni sinagan man ng liwanag.

Ang Pag-ibig ni Job sa Daan ng Diyos ay Nakahihigit sa Lahat

Itinala ng Kasulatan ang mga salita sa pagitan ng Diyos at ni Satanas sa mga sumusunod: “At sinabi ni Jehova kay Satanas, ‘Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan? At siya’y namamalagi sa kanyang integridad, bagaman Ako’y kinilos mo laban sa kanya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan’” (Job 2:3). Sa ganitong palitan, inuulit ng Diyos ang parehong tanong kay Satanas. Ito ay isang tanong na nagpapakita sa atin ng positibong pagsusuri ng Diyos na si Jehova sa ipinakita at isinabuhay ni Job sa unang pagsubok, at wala itong pinagkaiba sa pagsusuri ng Diyos kay Job bago pa man siya napasailalim sa panunukso ni Satanas. Ibig sabihin, bago pa man dumating ang tukso sa kanya, perpekto na si Job sa mga mata ng Diyos, at dahil dito, siya at ang kanyang pamilya ay pinangalagaan ng Diyos, at siya ay pinagpala; karapat-dapat siyang pagpalain sa mga mata ng Diyos. Pagkatapos ng panunukso, hindi nagkasala ang mga labi ni Job dahil nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at pati na rin ang kanyang mga anak, bagkus patuloy niyang pinuri ang pangalan ni Jehova. Pinuri siya ng Diyos dahil sa kanyang ginawa, at binigyan siya ng matataas na marka dahil sa kanyang tunay na asal. Sa paningin ni Job, hindi sapat ang kanyang mga anak o ang kanyang mga ari-arian upang itakwil niya ang Diyos. Sa madaling salita, ang lugar ng Diyos sa kanyang puso ay hindi kayang palitan ng kanyang mga anak o anumang piraso ng ari-arian. Sa panahon ng unang tukso kay Job, ipinakita niya sa Diyos na walang kapantay ang kanyang pag-ibig para sa Kanya at ang kanyang pagmamahal sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ang pagsubok na ito ay nagbigay lamang kay Job ng karanasan na makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na si Jehova at matanggalan Niya ng ari-arian at mga anak.

Para kay Job, ito ay isang tunay na karanasan na naglinis sa kanyang kaluluwa; ito ay isang pagbibinyag ng buhay na nakatupad sa kanyang pag-iral, at, higit pa rito, isa itong masaganang kapistahan na sumubok sa kanyang pagiging masunurin, at takot sa Diyos. Binago ng panunuksong ito ang katayuan ni Job mula sa pagiging isang mayamang tao, siya ay naging isang taong walang pag-aari, at ipinaranas din sa kanya ang pagmamalupit ni Satanas sa sangkatauhan. Hindi naging dahilan ang kanyang paghihikahos upang kapootan niya si Satanas, sa halip, sa mga mapang-alipustang gawain ni Satanas, nakita niya ang kapangitan at kasuklam-suklam na kalagayan ni Satanas, pati na rin ang poot at paghihimagsik ni Satanas sa Diyos, at mas hinikayat siya nito na habambuhay na panghawakan ang daan na may takot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Isinumpa niya na hindi niya kailanman tatalikuran ang Diyos at hindi niya kailanman tatalikuran ang daan ng Diyos dahil sa mga panlabas na kadahilanan gaya ng ari-arian, mga anak o mga kamag-anak, at hindi siya kailanman magiging alipin ni Satanas, ng ari-arian, o ng sinumang tao; bukod sa Diyos na si Jehova, walang iba pang maaaring maging Panginoon o Diyos niya. Iyon ang mga hangarin ni Job. Sa kabilang banda, nakakuha rin si Job ng isang bagay sa tuksong ito: Nagkamit siya ng malaking kayamanan sa gitna ng mga pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Sa kanyang buhay sa mga nakaraang ilang dekada, pinagmasdan ni Job ang mga gawa ni Jehova at nakamit ang mga biyaya ng Diyos na si Jehova para sa kanya. Mga biyaya ang mga ito na nagdulot sa kanya ng labis na pagkabalisa at pagkakaroon ng utang na loob, dahil naniwala siya na wala pa siyang ginagawa para sa Diyos, ngunit pinamanahan na siya ng maraming biyaya at nagtamasa na ng napakaraming pagpapala. Dahil dito, madalas siyang nanalangin sa kanyang puso, umaasa siya na makakabayad siya sa Diyos, umaasa na mabibigyan siya ng pagkakataon na magpatotoo sa mga gawa at kadakilaan ng Diyos, at umaasa na susubukin ng Diyos ang kanyang pagiging masunurin, at, higit pa rito, magiging dalisay ang kanyang pananampalataya, hanggang sa sang-ayunan ng Diyos ang kanyang pagiging masunurin at pananampalataya. At nang dumating ang pagsubok kay Job, naniwala siya na narinig ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Pinahalagahan ni Job ang pagkakataong ito nang higit pa sa anumang bagay, at dahil dito hindi siya nangahas na ipagsawalang bahala ito, dahil ang kanyang pinakadakilang hangarin sa buhay ay maaari nang maganap. Nangahulugang sa pagdating ng pagkakataong ito, ang kanyang pagsunod at takot sa Diyos ay maaaring malagay sa pagsubok, at maaaring maging dalisay. Bukod pa rito, nangahulugan ito na may pagkakataon na si Job na makuha ang pagsang-ayon ng Diyos, at sa gayon ay mas mapapalapit siya sa Diyos. Sa panahon ng pagsubok, ang ganitong pananampalataya at paghahangad ang lalong nagpa-igting ng pagiging perpekto niya, at nagpatamo ng malalim na pagkaunawa ng kalooban ng Diyos. Lalo ring nagpasalamat si Job sa mga pagpapala at biyaya ng Diyos, nagbuhos siya ng mas maraming papuri sa mga gawa ng Diyos sa kanyang puso, at siya ay mas nagkaroon ng takot at paggalang sa Diyos, at naghangad pa lalo ng pagiging kaibig-ibig, kadakilaan, at kabanalan ng Diyos. Sa oras na ito, kahit na si Job ay isa pa ring tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa masama sa paningin ng Diyos, dahil sa kanyang mga karanasan, lalong lumago ang kanyang pananampalataya at kaalaman: Nadagdagan ang kanyang pananampalataya, nagkaroon ng matatag na pinanghahawakan ang kanyang pagiging masunurin, at lalong lumalim ang kanyang takot sa Diyos. Kahit binago ng pagsubok na ito ang espiritu at buhay ni Job, hindi nito napasiya si Job, at hindi rin nito pinabagal ang kanyang pag-unlad. Kasabay ng kanyang pagtatantiya sa napakinabangan niya mula sa pagsubok na ito, at habang iniisip niya ang kanyang sariling mga pagkukulang, tahimik siyang nanalangin, naghihintay sa pagdating ng susunod na pagsubok sa kanya, sapagkat naghahangad siya na tumaas pa ang kanyang pananampalataya, pagiging masunurin, at takot sa Diyos sa susunod na pagsubok ng Diyos.

Pinagmamasdan ng Diyos ang pinakamalalim na saloobin ng tao at lahat ng sinasabi at ginagawa ng tao. Nakarating sa pandinig ng Diyos na si Jehova ang mga saloobin ni Job, at dininig ng Diyos ang kanyang mga panalangin, at sa ganitong paraan dumating ang sumunod na pagsubok ng Diyos gaya ng inaasahan.

Sa Gitna ng Sukdulang Paghihirap, Tunay na Naunawaan ni Job ang Pangangalaga ng Diyos sa Sangkatauhan

Kasunod ng mga katanungan ng Diyos na si Jehova kay Satanas, palihim na nagsasaya si Satanas. Dahil alam nito na muli itong pinahihintulutang lusubin ang isang tao na perpekto sa paningin ng Diyos—na para kay Satanas, ito ay isang bihirang pagkakataon. Nais ni Satanas na gamitin ang pagkakataong ito upang ganap na pahinain ang paniniwala ni Job, upang mawala ang kanyang pananampalataya sa Diyos at sa gayon ay hindi na siya matakot sa Diyos o magpuri sa pangalan ni Jehova. Magbibigay ito ng pagkakataon kay Satanas: Anuman ang lugar o oras, maaari nitong gawin si Job na isang laruang nauutusan nito. Itinago ni Satanas ang masasamang balak nito nang walang anumang bakas, ngunit hindi nito maaaring itago ang masamang kalikasan nito. Ang katunayang ito ay ipinapahiwatig sa sagot nito sa mga salita ng Diyos na si Jehova, gaya ng nakatala sa mga kasulatan: “At si Satanas ay sumagot kay Jehova, at nagsabi, ‘Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Ngunit pagbuhatan Mo ngayon ng Iyong kamay, at galawin Mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at kanyang susumpain Ka ng mukhaan’” (Job 2:4–5). Imposibleng hindi makakuha ng mahalagang kaalaman at kabatiran tungkol sa malisyosong katangian ni Satanas sa palitang ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Pagkarinig sa mga kamaliang ito ni Satanas, walang dudang magkakaroon ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at namumuhi sa kasamaan ng mas malaking galit sa kawalan ng dangal at kawalan ng kahihiyan ni Satanas, makakaramdam ng galit at pandidiri sa mga kasinungalingan ni Satanas, at, kasabay nito, ay mag-aalok ng malalalim na dasal at masusugid na hiling para kay Job, mananalangin na makakamtan ng matuwid na taong ito ang pagiging perpekto, hihiling na ang taong ito na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ay habambuhay na mapagtagumpayan ang mga tukso ni Satanas, at mabuhay sa liwanag, at mabuhay sa gitna ng patnubay at mga biyaya ng Diyos; gayundin, ang mga ganitong tao ay hihiling na habambuhay na magpatuloy ang mga makatuwirang gawa ni Job at magpalakas ng kalooban ng lahat ng mga tumatahak sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Bagama’t makikita ang malisyosong layunin ni Satanas sa pagpapahayag na ito, agad na pumayag ang Diyos sa “kahilingan” ni Satanas—ngunit nagbigay rin Siya ng isang kondisyon: “Siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay” (Job 2:6). Dahil sa pagkakataong ito, hiniling ni Satanas na maiunat nito ang kamay nito upang makapaminsala sa mga buto at laman ni Job, sinabi ng Diyos, “ingatan mo lamang ang kanyang buhay.” Ang kahulugan ng mga salitang ito ay ibinigay Niya ang laman ni Job kay Satanas, ngunit ang buhay ni Job ay nasa mga kamay pa rin ng Diyos. Hindi maaaring kunin ni Satanas ang buhay ni Job, ngunit maliban dito, maaari nitong gamitin ang anumang pamamaraan laban kay Job.

Pagkatapos makuha ang pahintulot ng Diyos, mabilisang pumunta si Satanas kay Job at iniunat ang kamay nito upang magdala ng sakit sa balat ni Job, at lagyan ang buo niyang katawan ng mahahapding pigsa, at naramdaman ni Job ang sakit sa kanyang balat. Pinuri ni Job ang pagiging kamangha-mangha at kabanalan ng Diyos na si Jehova, na mas lalong nagpasidhi ng kapangahasan ni Satanas. Dahil nakadama ito ng kaligayahan sa pamiminsala sa tao, iniunat ni Satanas ang kamay nito at kinayas ang laman ni Job, na naging dahilan upang magnana ang kanyang mahahapding pigsa. Agad na naramdaman ni Job ang walang kapantay na sakit at paghihirap sa kanyang laman, at wala siyang magagawa kundi ang hilutin ang sarili niya mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mga kamay, na para bang mapapawi nito ang dagok na tinanggap ng kanyang espiritu na nanggaling sa sakit ng laman na ito. Naunawaan niya na nasa tabi niya ang Diyos na nagmamasid sa kanya, at ginawa niya ang kanyang makakaya upang magpakatatag. Minsan pa siyang lumuhod sa lupa, at nagsabi: “Tumitingin Ka sa loob ng puso ng tao, napagmamasdan Mo ang kanyang paghihirap. Bakit Ka nababahala sa kahinaan niya? Purihin ang pangalan ng Diyos na si Jehova.” Nakita ni Satanas ang matinding sakit na nararamdaman ni Job, pero hindi nito nakitang itinakwil ni Job ang pangalan ng Diyos na si Jehova. Dahil dito, buong pagmamadali itong nag-unat ng kamay upang saktan ang mga buto ni Job, desperado na baliin ang kanyang mga binti at braso. Sa isang iglap, nadama ni Job ang walang kapantay na paghihirap; na para bang pinunit ang kanyang laman mula sa kanyang mga buto, at tila unti-unting dinudurog ang kanyang mga buto. Ang matinding pagdurusang ito ang dahilan kung bakit naisip niya na mas mabuti pa ang mamatay…. Umabot na sa hangganan ang kanyang kakayahang magtiis…. Nais niyang sumigaw, nais niyang pilasin ang balat sa kanyang katawan upang bawasan ang sakit—ngunit pinigilan niya ang kanyang pagsigaw, at hindi niya pinilas ang balat sa kanyang katawan, sapagkat hindi niya nais na makita ni Satanas ang kanyang kahinaan. At muli siyang lumuhod, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya nadama ang presensya ng Diyos na si Jehova. Alam ni Job na ang Diyos na si Jehova ay madalas na nasa kanyang harapan, likuran, at magkabilang panig. Ngunit sa panahon ng kanyang paghihirap, ang Diyos ay hindi kailanman tumingin; tinakpan Niya ang Kanyang mukha at nagtago, dahil ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay hindi upang pahirapan ang tao. Noong mga panahong ito, si Job ay umiiyak, at ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang pagtiisan ang pisikal na sakit, subalit hindi niya mapigilan ang sarili niya na magpasalamat sa Diyos: “Ang tao ay bumabagsak sa unang dagok, siya ay mahina at walang kapangyarihan, siya ay musmos at mangmang—bakit Mo nanaisin na maging mapag-alaga at mapagmahal sa kanya? Hinampas Mo ako, ngunit nasasaktan Kang gawin ito. Anong mayroon ang tao na karapat-dapat sa Iyong pag-aalaga at pag-aalala?” Umabot ang mga panalangin ni Job sa mga tainga ng Diyos, at ang Diyos ay tahimik, nanonood lamang nang walang imik…. Matapos subukan ang lahat ng pakana na nasa libro at hindi nagtagumpay, tahimik na umalis si Satanas, ngunit hindi dito natapos ang mga pagsubok ng Diyos kay Job. Dahil ang kapangyarihan ng Diyos na nahayag kay Job ay hindi naisapubliko, ang kuwento ni Job ay hindi nagtapos sa pag-atras ni Satanas. Sa pagpasok ng ibang mga tauhan, marami pang kamangha-manghang eksena ang paparating.

Ang Isa pang Pagpapamalas ng Takot ni Job sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan ay ang Kanyang Pagpupuri sa Pangalan ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Pinagdusahan ni Job ang pamiminsala ni Satanas, ngunit hindi pa rin niya itinakwil ang pangalan ng Diyos na si Jehova. Ang kanyang asawa ang unang nagpakita at umatake kay Job sa pamamagitan ng pagganap sa katauhan ni Satanas sa paraang makikita ng tao. Inilalarawan ito sa orihinal na teksto nang ganito: “Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, ‘Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka’” (Job 2:9). Ito ang mga salitang sinabi ni Satanas na nagbabalat-kayong tao. Ang mga ito ay isang pag-atake, at isang bintang, pati na rin pang-aakit, tukso, at paninirang-puri. Matapos mabigo sa pag-atake sa laman ni Job, tuluyang inatake ni Satanas ang integridad ni Job, na gustong gamitin ito upang isuko ni Job ang kanyang integridad, talikuran ang Diyos, at hindi na magpatuloy sa pamumuhay. Tulad nito, gusto ring gamitin ni Satanas ang mga salitang ito upang tuksuhin si Job: Kung itinakwil ni Job ang pangalan ni Jehova, hindi niya kailangang pagtiisan ang ganoong paghihirap; maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa paghihirap ng laman. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, pinagsabihan siya ni Job sa pagsasabing, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng isa sa mga hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Matagal nang alam ni Job ang mga salitang ito, ngunit pinatunayan ng pagkakataong ito ang katotohanan na alam nga ni Job ang mga ito.

Noong pinayuhan siya ng kanyang asawa na sumpain ang Diyos at mamatay na, ang ibig nitong sabihin ay: “Ganito ka tratuhin ng Diyos mo, bakit hindi mo Siya isumpa? Paano mo pa nagagawang mabuhay? Hindi patas sa iyo ang iyong Diyos, ngunit sinasabi mo pa rin na ‘purihin ang pangalan ni Jehova.’ Paano Niya nagagawang magdulot ng sakuna sa iyo samantalang pinupuri mo ang Kanyang pangalan? Magmadali ka at talikuran mo ang pangalan ng Diyos, at huwag ka nang sumunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, matatapos ang mga problema mo.” Sa mga sandaling ito, nakita ang pagpapatotoo na ninais na makita ng Diyos kay Job. Walang karaniwang tao na makapagpapatotoo nang ganito, at hindi rin natin ito nababasa sa anumang mga kuwento sa Bibliya—ngunit nakita na ng Diyos ang mga ito bago pa man sinabi ni Job ang mga naturang mga salita. Gusto lamang gamitin ng Diyos ang pagkakataong ito upang pahintulutan si Job na patunayan sa lahat na ang Diyos ay tama. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, hindi lamang hindi isinuko ni Job ang kanyang integridad o kaya ay tumalikod sa Diyos, kundi sinabi rin niya sa kanyang asawa: “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” May bigat ba ang mga salitang ito? Dito, mayroon lamang isang katotohanan na kayang magpatunay sa bigat ng mga salitang ito. Ang bigat ng mga salitang ito ay na pinagtibay ng Diyos ang mga ito sa Kanyang puso, ang mga ito ang ninais ng Diyos, ang mga ito ang ninais na marinig ng Diyos, at ang mga ito ang kalalabasang hinangad na makita ng Diyos; ang mga salitang ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng patotoo ni Job. Dito, napatunayan ang pagiging perpekto, pagkamatuwid, pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pag-iwas ni Job sa kasamaan. Ang kahalagahan ni Job ay nakasalalay sa kung paano, nang tuksuhin siya, at kahit noong puno ang kanyang buong katawan ng mga namamagang pigsa, noong pinagtiisan niya ang sukdulang paghihirap, at noong pinayuhan siya ng kanyang asawa at kamag-anak, nasabi pa rin niya ang ganoong mga salita. Sa madaling salita, sa kanyang puso, naniniwala siya na kahit ano pang tukso, o gaano man kabigat ang pagtitiis o paghihirap, kahit pa dumating ang kamatayan sa kanya, hindi siya tatalikod sa Diyos o tatanggi sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Samakatwid, nakikita mo na hawak ng Diyos ang pinakamahalagang lugar sa kanyang puso, at na ang Diyos lamang ang nasa kanyang puso. Dahil dito kaya mababasa natin ang mga paglalarawan sa kanya sa Kasulatan bilang: Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa pamamagitan ng kanyang mga labi. Siya ay hindi lamang di-nagkasala sa kanyang mga labi, kundi maging sa kanyang puso, hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Hindi siya nagsabi ng masasakit na salita tungkol sa Diyos, at hindi rin siya nagkasala laban sa Diyos. Hindi lamang basta pinagpala ng kanyang bibig ang pangalan ng Diyos, ngunit sa kanyang puso ay pinuri rin niya ang pangalan ng Diyos; ang kanyang bibig at puso ay iisa. Ito ang tunay na Job na nakita ng Diyos, at ito ang tunay na dahilan kung bakit pinahalagahan ng Diyos si Job.

Ang Maraming Maling Pagkakaintindi ng mga Tao Tungkol kay Job

Ang paghihirap na naranasan ni Job ay hindi gawain ng mga sugong ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito sanhi ng sariling kamay ng Diyos. Sa halip, ito ay dulot mismo ni Satanas, ang kaaway ng Diyos. Bilang resulta, malalim ang antas ng paghihirap na naranasan ni Job. Ngunit sa sandaling ito, walang pagpipigil na ipinakita ni Job ang pang-araw-araw niyang kaalaman sa Diyos sa kanyang puso, ang mga prinsipyo ng kanyang pang-araw-araw na mga pagkilos, at ang kanyang mga saloobin sa Diyos—at ito ang katotohanan. Kung si Job ay hindi natukso, kung ang Diyos ay hindi nagdala ng pagsubok kay Job, noong sinabi ni Job, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” sasabihin mo na ipokrito si Job; binigyan siya ng Diyos ng maraming ari-arian, kung kaya’t nararapat lamang na basbasan niya ang pangalan ni Jehova. Kung, bago sumailalim sa mga pagsubok, sinabi ni Job na, “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” sasabihin mo na may kalabisan ang sinasabi ni Job, at na hindi niya itatakwil ang pangalan ng Diyos dahil madalas siyang pinagpapala ng kamay ng Diyos. Sasabihin mo na kung nagdala ang Diyos ng sakuna sa kanya, siguradong itatakwil niya ang pangalan ng Diyos. Ngunit nang matagpuan ni Job ang kanyang sarili sa mga kalagayang hindi nanaisin ninuman, o nanaising makita, mga kalagayan na walang sinumang magnanais na maranasan, na katatakutan nilang maranasan, mga kalagayan na hindi kayang pagmasdan maging ng Diyos, nagawa pa rin ni Job na panghawakan ang kanyang integridad: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Sa kanilang pagharap sa asal ni Job noong mga oras na ito, ang mga mahilig magsabi ng matatayog na mga salita, at ang mga bumibigkas ng mga salita at doktrina ay lahat natatahimik. Ang mga pumupuri sa pangalan ng Diyos sa salita lamang, ngunit hindi pa kailanman tinanggap ang mga pagsubok ng Diyos, ay kinokondena ng matibay na integridad na pinanghawakan ni Job, at ang mga hindi kailanman naniwala na kayang manindigan ng tao sa daan ng Diyos ay hinatulan ng patotoo ni Job. Nahaharap sa pag-uugali ni Job sa panahong ito ng mga pagsubok at sa mga salita na kanyang binigkas, may mga taong malilito, may mga maiinggit, may magdududa, at may iba na magmumukhang hindi interesado, hindi maniniwala sa patotoo ni Job dahil hindi lang nila nakikita ang paghihirap na naranasan ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok, at nababasa ang mga salitang binigkas ni Job, kundi nakikita rin nila ang “kahinaan” ng tao na ipinakita ni Job nang dumating ang mga pagsubok sa kanya. Pinaniniwalaan nila na ang “kahinaan” na ito ay isang kasiraan sa pagiging perpekto ni Job, ang dungis sa isang tao na perpekto sa paningin ng Diyos. Ibig sabihin, pinaniniwalaang ang mga perpekto ay walang kamalian, walang dungis o mantsa, wala silang mga kahinaan, walang nalalaman sa pasakit, hindi sila kailanman nakaramdam ng lungkot o lumbay, at wala silang galit o anumang panlabas na malubhang asal; bunga nito, ang higit na maraming tao ay hindi naniniwalang tunay na perpekto si Job. Hindi sumasang-ayon ang mga tao sa karamihan ng kanyang inasal noong panahon ng kanyang mga pagsubok. Halimbawa, noong mawala kay Job ang kanyang mga ari-arian at mga anak, hindi siya umiyak, na inaasahan ng mga tao na gagawin niya. Dahil sa kanyang “kawalan ng kagandahang-asal” inisip ng mga tao na malamig ang kanyang puso, dahil hindi siya umiyak, o nagpakita ng pagmamahal para sa kanyang pamilya. Ito ang masamang impresyon na unang nakikita ng mga tao kay Job. Mas nakakagulo sa isip nila ang asal niya matapos nito: “Pinunit ang kanyang balabal” ay ipinaliwanag ng mga tao bilang kawalan niya ng galang sa Diyos, at ang “inahitan ang kanyang ulo” ay pinaniniwalaang paglapastangan at paglaban niya sa Diyos. Bukod sa mga salita ni Job na “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” hindi nakita ng mga tao ang pagiging matuwid ni Job na pinuri ng Diyos, at sa gayon, ang pagsusuri kay Job ng karamihan sa kanila ay puro kawalan ng pagkakaunawa, maling pagkakaintindi, pag-aalinlangan, pagkokondena, at pagsang-ayon sa teorya lamang. Wala sa kanila ang tunay na nakakaintindi at nakakapagpahalaga sa mga salita ng Diyos na si Jehova na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama.

Batay sa mga nabanggit sa itaas na impresyon nila kay Job, mas lalong pinagdududahan ng mga tao ang pagiging matuwid ni Job, dahil ang mga ikinilos at asal ni Job na nakasaad sa mga kasulatan ay hindi nakaaantig nang husto gaya ng iniisip ng mga tao. Hindi lamang siya walang naisagawa na anumang dakilang gawa, kumuha pa siya ng isang basag na palayok upang ipangkayod sa kanyang sarili habang siya ay nakaupo sa mga abo. Dahil din sa kilos na ito, nagugulat ang mga tao at pinagdududahan nila—at itinatanggi pa—ang pagiging matuwid ni Job, dahil habang kinakayod niya ang kanyang sarili, hindi siya nagdasal o nangako sa Diyos; at higit pa rito, hindi rin siya nakitang umiyak sa sakit. Sa oras na ito, nakikita lamang ng mga tao ang kahinaan ni Job at wala nang iba, at dahil dito, kahit na narinig nila si Job na nagsabing “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” talagang hindi sila natitinag, o hindi nagbabago ang kanilang paniniwala, at hindi pa rin nila maintindihan ang pagiging matuwid ni Job ayon sa kanyang mga salita. Ang pangunahing impresyon na ibinibigay ni Job sa mga tao sa panahon ng kanyang paghihirap sa mga pagsubok ay ang hindi siya natakot o nagyabang. Hindi nakikita ng mga tao ang mga kuwento sa likod ng kanyang pag-uugali na nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso, at hindi rin nila nakikita ang takot sa Diyos sa loob ng kanyang puso o ang pagsunod sa prinsipyo ng daan ng pag-iwas sa kasamaan. Ang kanyang kahinahunan ang dahilan kung bakit iniisip ng mga tao na ang kanyang pagiging perpekto at matuwid ay mga walang saysay na salita lamang, na ang kanyang takot sa Diyos ay sabi-sabi lamang; samantala, ang “kahinaan” na ipinakita niya ay nag-iiwan ng malalim na impresyon sa kanila, nagbibigay sa kanila ng “bagong pananaw” at “bagong pagkaunawa” sa taong inilalarawan ng Diyos bilang perpekto at matuwid. Napatunayan ang ganitong “bagong pananaw” at “bagong pag-unawa” noong buksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang araw na ipinanganak siya.

Bagama’t hindi mailarawan at hindi kayang unawain ng sinumang tao ang antas ng paghihirap na pinagdaanan niya, wala siyang sinabi na anumang maling pananampalataya na salita, kundi binawasan lamang niya ang sakit na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng sarili niyang pamamaraan. Gaya ng nakatala sa Kasulatan, sinabi niya: “Maparam nawa ang araw ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi” (Job 3:3). Marahil, hindi itinuring ng sinuman na mahalaga ang mga salitang ito, at marahil may mga taong nagbigay-pansin sa mga ito. Sa inyong pananaw, ang ibig ba nilang sabihin ay nilabanan ni Job ang Diyos? Mga reklamo ba ang mga ito laban sa Diyos? Alam Kong marami sa inyo ang may ilang ideya tungkol sa mga salitang ito na sinabi ni Job at naniniwalang kung perpekto at matuwid si Job, hindi dapat siya nagpakita ng anumang kahinaan o pagdadalamhati, at sa halip ay hinarap ang anumang pagsubok mula kay Satanas sa positibong paraan, at may ngiti pa sa harap ng mga panunukso ni Satanas. Hindi dapat siya nagpakita ng anumang reaksyon sa anumang paghihirap na idinulot ni Satanas sa katawan niya, at hindi siya dapat nagpakita ng kahit anong damdamin mula sa kanyang puso. Dapat nga ay hiningi pa niya sa Diyos na gawing mas malupit ang mga pagsubok na ito. Ito ang dapat na ipinapakita at tinataglay ng isang taong matibay at tunay na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sa gitna ng ganitong matinding paghihirap, isinumpa lang ni Job ang araw ng kanyang kapanganakan. Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos, at lalong hindi siya nagbalak na kalabanin ang Diyos. Mas madali itong sabihin kaysa gawin, dahil mula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon, wala pang sinuman ang nakaranas ng ganoong mga tukso o nagdusa gaya ng pinagdaanan ni Job. At bakit wala pang sinuman ang napasailalim sa tuksong katulad ng dumating kay Job? Dahil, ayon sa nakikita ng Diyos, walang sinuman ang may kakayahang magpasan ng ganitong pananagutan o tagubilin, walang makagagawa gaya ng ginawa ni Job, at, higit pa rito, walang sinuman, bukod sa pagsumpa sa araw ng kanilang kapanganakan, ang may kakayahang hindi talikuran ang pangalan ng Diyos at patuloy na purihin ang pangalan ng Diyos na si Jehova, kagaya ng ginawa ni Job noong dumanas siya ng ganoong paghihirap. Mayroon bang kayang gumawa nito? Kapag sinasabi natin ito tungkol kay Job, pinupuri ba natin ang kanyang pag-uugali? Siya ay isang lalaking matuwid, at kayang magpatotoo nang ganoon sa Diyos, at kayang palayasin si Satanas nang hawak sa mga kamay nito ang sariling ulo, kung kaya’t hindi na ito muling lumapit sa harap ng Diyos upang akusahan siya—kaya ano ang mali sa pagpuri sa kanya? Maaari bang mas mataas ang mga pamantayan ninyo kaysa sa Diyos? Dahil ba magiging mas mahusay kayo kaysa kay Job kapag dumating ang mga pagsubok sa inyo? Si Job ay pinuri ng Diyos—anong pagtutol ang mayroon kayo?

Isinusumpa ni Job ang Araw ng Kanyang Kapanganakan Dahil Hindi Niya Gustong Masaktan ang Diyos nang Dahil sa Kanya

Madalas Kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, habang ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, samantalang inilalarawan ng mga tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Noong binuksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan, ginulat nito ang lahat ng mga kilalang espirituwal, kabilang na ang tatlong kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Ito ang bagay na kayang maunawaan at maisip ng mga ordinaryong tao. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat lapastanganin, at ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Sa kabilang banda, nilabag ni Job ang mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong pagkilos na itinuturing ng mga karaniwang tao na pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Si Job ay hindi lamang walang karapatan sa pang-unawa at simpatiya ng mga tao, wala rin siyang karapatan sa kapatawaran ng Diyos. Kasabay nito, mas marami pang tao ang nagduda sa pagiging matuwid ni Job, dahil tila naging mapagpalayaw si Job sa sarili bunga ng kabutihan ng Diyos sa kanya; naging sobrang mapangahas at walang ingat siya dahil dito kung kaya’t hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at pag-aalaga ng Diyos sa kanya sa buong buhay niya, kundi isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan sa punto ng pagkawasak. Kung hindi ito paglaban sa Diyos, ano ito? Ang ganitong mga kababawan ay nagbibigay sa mga tao ng patunay upang kondenahin ang ginawang ito ni Job, ngunit sino ang makakaalam ng tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang makakaalam kung bakit kumilos si Job nang ganoon? Tanging ang Diyos at si Job lamang ang may alam ng tunay na kuwento at ng mga dahilan nito.

Noong iniunat ni Satanas ang kamay nito upang saktan ang mga buto ni Job, nahulog si Job sa mga kuko nito, nang walang paraan upang makatakas o lakas upang makalaban. Nagdusa ang kanyang katawan at kaluluwa ng napakatinding sakit, at dahil dito, nagkaroon siya ng malalim na kamalayan sa kawalang-saysay, kahinaan, at kawalan ng kapangyarihan ng taong namumuhay sa laman. Kasabay nito, nagkaroon din siya ng malalim na pagpapahalaga at pag-unawa kung bakit inaalagaan at iniingatan ng Diyos ang sangkatauhan. Sa mga kuko ni Satanas, naunawaan ni Job na ang tao, na may laman at dugo, ay talagang walang kapangyarihan at mahina. Nang lumuhod siya at nanalangin sa Diyos, nadama niya na tila ba tinatakpan ng Diyos ang Kanyang mukha at nagtatago, sapagkat ganap na siyang inilagay ng Diyos sa mga kamay ni Satanas. Kasabay nito, ang Diyos ay umiyak din para sa kanya, at, higit pa rito, nasaktan para sa kanya; ang Diyos ay nasaktan dahil sa naramdaman niyang sakit, at nasugatan dahil sa kanyang mga sugat…. Nadama ni Job ang sakit na naramdaman ng Diyos, at kung gaano ito kahirap para sa Diyos…. Ayaw na ni Job na magdulot ng karagdagang pighati sa Diyos, at hindi rin niya nais na umiyak ang Diyos para sa kanya, at lalong hindi niya nais na makitang nasasaktan ang Diyos dahil sa kanya. Sa sandaling ito, ang nais lamang ni Job ay ang ihiwalay ang sarili niya sa kanyang laman upang hindi na kailangang tiisin ang sakit na dala sa kanya ng laman na ito, dahil ito ang makakapigil sa paghihirap ng Diyos dahil sa kanyang sakit—ngunit hindi niya kaya, at kinailangan niyang tiisin hindi lamang ang sakit ng laman, kundi pati ang paghihirap na dala ng kanyang pagnanais na huwag mag-alala ang Diyos. Ang dalawang sakit na ito—isa mula sa laman, at isa mula sa espiritu—ay nagdala ng makabagbag-damdamin at makapanginig-laman na sakit kay Job, at nagparamdam sa kanya kung paanong ang mga limitasyon ng tao, na may dugo at laman, ay maaaring maging dahilan upang ang tao ay makaramdam ng kabiguan at kahinaan. Sa pagdaan sa mga sitwasyong ito, naging mas matindi ang kanyang pananabik sa Diyos, at naging mas matindi ang kanyang pagkamuhi kay Satanas. Sa panahong ito, mas gugustuhin pa ni Job ang hindi siya ipinanganak sa mundo ng tao, mas gugustuhin pa niya ang hindi umiiral, kaysa makita ang Diyos na lumuluha o nasasaktan dahil sa kanyang kapakanan. Nagsimula siyang kasuklaman nang husto ang kanyang laman, mamuhi at mapagod sa kanyang sarili, sa araw ng kanyang kapanganakan, at maging sa lahat ng nagkaroon ng kinalaman sa kanya. Ayaw na niyang makarinig ng tungkol sa kanyang araw ng kapanganakan o sa anumang bagay na may kinalaman dito, kaya binuksan niya ang kanyang bibig at isinumpa ang kanyang pagsilang: “Maparam nawa ang araw ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Diyos mula sa itaas, ni sinagan man ng liwanag” (Job 3:3–4). Dala ng mga salita ni Job ang pagkasuklam niya sa kanyang sarili, “Maparam nawa ang araw ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi,” pati na ang kanyang pagsisi sa kanyang sarili at pakiramdam na siya ay may pagkakautang dahil naging sanhi siya ng pasakit sa Diyos, “Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Diyos mula sa itaas, ni sinagan man ng liwanag.” Ang dalawang siping ito ay ang pinakamainam na pagpapahayag sa nadarama ni Job noon, at ganap na nagpakita ng kanyang pagiging perpekto at matuwid sa lahat. Kasabay nito, gaya ng ninais ni Job, tunay ngang umangat ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos, pati na ang kanyang takot sa Diyos. Tiyak na ang pagtataas na ito mismo ang resultang inaasahan ng Diyos.

Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Tao sa Paningin ng Diyos

Noong unang dinanas ni Job ang kanyang mga pagsubok, kinuha sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian at ang lahat ng kanyang anak, subalit hindi siya nanlumo o nagsabi ng anumang kasalanan laban sa Diyos dahil dito. Napagtagumpayan niya ang mga panunukso ni Satanas, at napagtagumpayan niya ang kanyang materyal na ari-arian, mga anak, at ang pagsubok ng pagkawala ng lahat ng kanyang makamundong ari-arian, na ang ibig sabihin ay nagawa niyang sumunod sa Diyos habang kinukuha ng Diyos ang mga bagay mula sa kanya at nagawa niyang magbigay ng pasasalamat at papuri sa Diyos dahil sa ginawa ng Diyos. Ganito ang asal ni Job sa panahon ng unang panunukso ni Satanas, at ganito rin ang patotoo ni Job sa panahon ng unang pagsubok ng Diyos. Sa ikalawang pagsubok, iniunat ni Satanas ang kamay nito upang pahirapan si Job, at kahit na naranasan ni Job ang mas matindi pang sakit kaysa sa naranasan niya noon, sapat na ang kanyang patotoo upang mamangha ang mga tao. Ginamit niya ang katatagan ng kanyang loob, pananalig, at pagkamasunurin sa Diyos, pati na ang kanyang takot sa Diyos, upang muling matalo si Satanas, at muling sinang-ayunan at pinaboran ng Diyos ang kanyang asal at patotoo. Sa panahon ng panunuksong ito, ginamit ni Job ang kanyang tunay na asal upang ipahayag kay Satanas na hindi kayang baguhin ng sakit ng laman ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos o alisin ang kanyang katapatan at may takot sa Diyos na puso; hindi niya tatalikuran ang Diyos o isusuko ang kanyang pagiging perpekto at matuwid dahil nahaharap siya sa kamatayan. Dahil sa determinasyon ni Job ay naging duwag si Satanas, dahil sa kanyang pananampalataya ay natakot at nanginig si Satanas, dahil sa sidhi ng kanyang pakikipaglaban kay Satanas sa kanilang laban na buhay o kamatayan ang maaaring kahinatnan, nagkaroon ng malalim na galit at hinagpis si Satanas; dahil sa kanyang pagiging perpekto at matuwid ay wala nang magawa si Satanas sa kanya, kung kaya’t tinalikuran ni Satanas ang pag-atake sa kanya at binitiwan ang mga paratang nito laban kay Job sa harap ng Diyos na si Jehova. Nangahulugan ito na napagtagumpayan ni Job ang mundo, napagtagumpayan niya ang laman, napagtagumpayan niya si Satanas, at napagtagumpayan niya ang kamatayan; siya ay isang taong ganap at lubos na pag-aari ng Diyos. Sa panahon ng dalawang pagsubok na ito, naging matatag si Job sa kanyang patotoo, tunay niyang isinabuhay ang kanyang pagiging perpekto at matuwid, at pinalawak ang saklaw ng mga prinsipyo niya sa pamumuhay nang may takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Matapos maranasan ang dalawang pagsubok na ito, nagkaroon si Job ng mas mayamang karanasan, at dahil sa karanasang ito, naging mas husto ang kanyang pag-iisip at mas marunong siya, naging mas malakas siya, nagkaroon ng mas matibay na paniniwala, at mas nagtiwala siya sa pagiging tama at pagiging karapat-dapat ng integridad na pinanghahawakan niya. Binigyan si Job ng pagsubok ng Diyos na si Jehova ng malalim na pagkaunawa at kamalayan sa pagmamalasakit ng Diyos sa tao, at ipinaramdam nito sa kanya ang kahalagahan ng pag-ibig ng Diyos, at magmula noon ay naidagdag ang pagsasaalang-alang at pag-ibig para sa Diyos sa kanyang takot sa Diyos. Ang mga pagsubok ng Diyos na si Jehova ay hindi lamang hindi naglayo kay Job mula sa Kanya, kundi mas naglapit ng kanyang puso sa Diyos. Nang umabot sa sukdulan ang sakit sa laman na tiniis ni Job, ang pag-aalalang nadama niya mula sa Diyos na si Jehova ay nagtulak sa kanya na sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang ganitong asal ay hindi matagal na pinagplanuhan, kundi isang natural na paghahayag ng pagsasaalang-alang at pag-ibig sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso, ito ay isang likas na paghahayag na nagmula sa kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig sa Diyos. Ibig sabihin, dahil kinasuklaman niya ang kanyang sarili, at hindi niya nais, at hindi niya matitiis na pahirapan ang Diyos, umabot ang kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig sa punto na hindi na niya iniisip ang kanyang sarili. Sa oras na ito, itinaas ni Job ang kanyang matagal nang pagsamba at pananabik sa Diyos at katapatan sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Kasabay nito, itinaas din niya ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at takot sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang bagay na magdudulot ng pinsala sa Diyos, hindi niya pinahintulutan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang asal na makakasakit sa Diyos, at hindi niya pinayagan ang kanyang sarili na magdala ng anumang dalamhati, pighati, o kahit na kalungkutan sa Diyos dahil sa sarili niyang mga kadahilanan. Sa paningin ng Diyos, bagama’t si Job ay ang dati pa ring Job, ang kanyang pananampalataya, pagsunod, at takot sa Diyos ay nagdala ng ganap na kaluguran at kasiyahan sa Diyos. Noong oras na ito, nakamit ni Job ang pagiging perpekto na inasahan ng Diyos na makakamit niya; siya ay naging isang tao na tunay ngang karapat-dapat na tawaging “perpekto at matuwid” sa paningin ng Diyos. Ang kanyang mga matuwid na gawa ang nagbigay sa kanya ng tagumpay laban kay Satanas at nagpatibay ng kanyang patotoo sa Diyos. Gayundin, ang kanyang mga matuwid na gawa ay ginawa siyang perpekto, at nagbigay-daan sa pagtaas ng halaga ng kanyang buhay at pangingibabaw nito nang higit kaysa kailanman, at naging dahilan ang mga ito upang siya ay maging ang kauna-unahang tao na hindi na kailanman aatakihin at tutuksuhin ni Satanas. Dahil si Job ay matuwid, siya ay pinaratangan at tinukso ni Satanas; dahil si Job ay matuwid, siya ay ibinigay kay Satanas; at dahil si Job ay matuwid, napagtagumpayan at tinalo niya si Satanas, at siya ay nanindigan sa kanyang patotoo. Simula noon, si Job ang naging kauna-unahang tao na hindi na kailanman muling ibibigay kay Satanas, talagang humarap siya sa trono ng Diyos at namuhay sa liwanag, sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos nang walang pagmamanman o paninira ni Satanas…. Siya ay naging isang tunay na tao sa paningin ng Diyos; siya ay napalaya …

Tungkol Kay Job

Pagkatapos matutunan kung paano nalampasan ni Job ang mga pagsubok, malamang ang karamihan sa inyo ay nais na malaman ang higit pang detalye tungkol kay Job mismo, lalo na ang patungkol sa lihim kung saan nakamit niya ang papuri ng Diyos. Kaya ngayon, pag-usapan natin si Job!

Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Nakikita Natin ang Kanyang Pagkaperpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos, at Paglayo sa Kasamaan

Kung tatalakayin natin si Job, dapat tayong magsimula sa pagsusuri sa kanya na galing mismo sa bibig ng Diyos: “Walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.”

Alamin muna natin ang tungkol sa pagkaperpekto at pagkamatuwid ni Job.

Ano ang inyong pagkaunawa sa mga salitang “perpekto” at “matuwid”? Naniniwala ba kayo na si Job ay walang kasiraan, na siya ay marangal? Tiyak na ito ay magiging isang literal na interpretasyon at pagkaunawa sa mga salitang “perpekto” at “matuwid.” Mahalaga sa tunay na pagkaunawa kay Job ay konteksto ng tunay na buhay—ang mga salita, libro, at teorya lamang ay hindi magbibigay ng anumang sagot. Sisimulan natin sa pamamagitan ng pagtingin sa buhay ni Job sa tahanan, kung ano ang kanyang karaniwang asal sa kanyang buhay. Sasabihin nito sa atin ang tungkol sa kanyang mga prinsipyo at obhektibo sa buhay, pati na rin ang tungkol sa kanyang personalidad at hangarin. Ngayon, basahin natin ang huling mga salita sa Job 1:3: “Ang lalaking ito ay siyang pinakadakila sa lahat ng mga tao sa silangan.” Ang sinasabi ng mga salitang ito ay na ang katayuan at reputasyon ni Job ay napakataas, at kahit na hindi sinasabi sa atin kung ang dahilan ba ng kanyang pagiging pinakadakila sa lahat ng tao sa silangan ay ang kanyang maraming ari-arian, o dahil siya ay perpekto at matuwid, at may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, sa pangkalahatan, alam natin na ang katayuan ni Job at reputasyon ay napakahalaga. Gaya ng nakatala sa Bibliya, ang unang tingin ng mga tao kay Job ay siya ay perpekto, na siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, at na siya ay nagtataglay ng malaking kayamanan at kagalang-galang na katayuan. Para sa isang pangkaraniwang tao na nakatira sa ganitong kapaligiran at sa ilalim ng naturang mga kondisyon, ang pagkain ni Job, ang kalidad ng kanyang buhay, at ang iba’t ibang aspeto ng kanyang personal na buhay ay ang mga pagtutuunan ng pansin ng karamihan sa mga tao; dahil dito, kailangan nating ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga kasulatan: “At ang kanyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawat isa sa kanya-kanyang kaarawan; at sila’y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila. At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagkat sinabi ni Job, ‘Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso.’ Ganito ang patuloy na ginawa ni Job” (Job 1:4–5). Ang siping ito ay nagsasabi sa atin ng dalawang bagay: Una, na ang mga anak na lalaki at babae ni Job ay karaniwang nagpipista, na sobrang kumakain at umiinom; pangalawa, si Job ay madalas na nag-aalay ng mga handog na susunugin dahil madalas siyang nag-aalala para sa kanila, natatakot na sila ay nagkakasala, na sa kanilang mga puso ay itinakwil na nila ang Diyos. Dito ay inilalarawan ang buhay ng dalawang magkaibang uri ng tao. Ang una ay ang mga anak na lalaki at babae ni Job na madalas na nagpipista dahil sa kanilang yaman, sila ay namumuhay nang marangya, sila ay uminom at kumain hanggang nais nila, at tinatamasa nila ang mataas na kalidad ng buhay na dulot ng materyal na kayamanan. Sa ganitong pamumuhay, hindi maiwasan na madalas silang nagkakasala at nakakasakit sa Diyos—subalit hindi nila pinabanal ang kanilang mga sarili o kaya ay nag-aalay ng mga sinusunog na handog. Nakikita mo, kung gayon, na ang Diyos ay walang lugar sa kanilang mga puso, na hindi nila inisip ang mga biyaya ng Diyos, at hindi sila natakot na magkasala sa Diyos, lalong hindi sila natakot na maitakwil ang Diyos sa kanilang mga puso. Siyempre, ang ating paksa ay hindi nakatuon sa mga anak ni Job, kundi sa kung ano ang ginawa ni Job kapag nahaharap siya sa mga ganitong bagay; ito ang iba pang bagay na inilarawan sa sipi, kung saan ay kabilang ang araw-araw na buhay ni Job at ang pagkataong diwa niya. Kapag inilalarawan ng Bibliya ang pagpipista ng mga anak na lalaki at babae ni Job, hindi nababanggit si Job; sinasabi lamang na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay madalas na kumain at uminom nang magkakasama. Sa madaling salita, hindi siya nagdaraos ng mga kapistahan, at hindi rin siya sumasama sa kanyang mga anak na lalaki at babae sa pagkain nang marangya. Kahit mayaman, at nagtataglay ng maraming ari-arian at mga tagapagsilbi, ang buhay ni Job ay hindi maluho. Siya ay hindi nalinlang ng kanyang marangyang kapaligiran, at hindi niya inabuso ang mga kasiyahan sa laman o kinalimutan na mag-alay ng mga sinusunog na handog dahil sa kanyang kayamanan, at lalong hindi ito naging sanhi nang unti-unting paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Kung gayon, maliwanag na disiplinado si Job sa kanyang uri ng pamumuhay, hindi sakim o nakatuon sa kasiyahan bilang bunga ng mga pagpapala sa kanya ng Diyos, at hindi rin nakatuon ang kanyang pansin sa kalidad ng buhay. Sa halip, siya ay mapagpakumbaba at may mababang-loob, hindi siya mahilig magpasikat, at siya ay mapagbantay at maingat sa harap ng Diyos. Madalas niyang ikinokonsidera ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos, at patuloy na nagkimkim ng may takot sa Diyos na puso. Sa kanyang araw-araw na buhay, madalas ay maagang bumabangon si Job upang mag-alay ng mga handog na susunugin para sa kanyang mga anak na lalaki at babae. Sa madaling salita, si Job ay hindi lamang may takot sa Diyos, umasa rin siya na ang kanyang mga anak ay magkakaroon din ng takot sa Diyos at hindi magkakasala laban sa Diyos. Walang lugar sa puso ni Job ang materyal na kayamanan, ni hindi nito napalitan ang posisyon na hawak ng Diyos; maging para sa kapakanan ng kanyang sarili o ng kanyang mga anak, ang lahat ng ikinikilos ni Job araw-araw ay may kinalaman sa pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ang kanyang takot sa Diyos na si Jehova ay hindi tumigil sa kanyang bibig, kundi isinakatuparan niya ito, at ipinakita sa bawat bahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay. Ang aktwal na asal na ito ni Job ay nagpapakita sa atin na siya ay tapat, at nagtaglay ng diwa na may pagmamahal sa katarungan at mga bagay na positibo. Ang madalas na pagsugo at pagpapabanal ni Job sa kanyang mga anak na lalaki at babae ay nangangahulugan na hindi niya pinahintulutan o sinang-ayunan ang asal ng kanyang mga anak; sa halip, sa kanyang puso siya ay dismayado sa kanilang pag-uugali, at kinondena sila. Napagpasyahan niya na ang pag-uugali ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay hindi kalugud-lugod sa Diyos na si Jehova, at kaya naman madalas niya silang pagsabihan na pumunta sa harap ng Diyos na si Jehova at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan. Ipinapakita sa atin ng mga kilos ni Job ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao, kung saan siya ay hindi kailanman sumama sa mga taong madalas na nagkakasala at sumusuway sa Diyos, at sa halip ay nilayuan at iniwasan ang mga ito. Bagama’t ang mga taong ito ay ang kanyang mga anak na lalaki at babae, hindi niya tinalikuran ang kanyang sariling mga prinsipyo ng pagkilos dahil sa sila ay sarili niyang pamilya, at hindi niya pinagbigyan ang kanilang mga kasalanan dahil sa sarili niyang damdamin. Sa halip, hinimok niya silang mangumpisal at makamit ang kapatawaran ng Diyos na si Jehova, at binigyan niya sila ng babala na huwag talikuran ang Diyos para sa kapakanan ng kanilang mga sariling sakim na kasiyahan. Ang mga prinsipyo kung paano pinakitunguhan ni Job ang iba ay hindi maihihiwalay mula sa mga prinsipyo ng kanyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Minahal niya ang mga tinanggap ng Diyos, at kinasuklaman ang mga itinaboy ng Diyos; minahal niya ang mga taong may takot sa Diyos sa kanilang mga puso, at kinasuklaman niya ang mga gumagawa ng kasamaan o nagkakasala laban sa Diyos. Ang ganitong pagmamahal at pagkasuklam ay makikita sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay, at ito ang tunay na pagkamatuwid ni Job na nakita ng mga mata ng Diyos. Natural lamang na ito rin ang pagpapahayag at pagsasabuhay ng tunay na pagkatao ni Job sa kanyang mga ugnayan sa iba sa kanyang araw-araw na pamumuhay na dapat nating matutuhan.

Ang mga Pagpapamalas ng Pagkatao ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok (Pag-unawa sa Pagkaperpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos, at Paglayo sa Kasamaan ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok)

Ang ibinahagi natin sa itaas ay ang iba’t ibang aspeto ng pagkatao ni Job na makikita sa kanyang araw-araw na pamumuhay bago ang kanyang mga pagsubok. Walang pag-aalinlangan, ang iba’t ibang pagpapamalas na ito ay nagbibigay ng isang paunang pagkilala at pagkaunawa sa pagkamatuwid ni Job, pagkakaroon ng takot sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, at natural lamang na nagbibigay ito ng paunang patunay. Ang dahilan kung bakit sinasabi Kong “pauna” ay dahil karamihan sa mga tao ay wala pa ring tunay na pagkaunawa sa personalidad ni Job at sa antas kung paano niya patuloy na tinahak ang daan ng pagsunod at pagkakaroon ng takot sa Diyos. Ibig sabihin, karamihan sa pagkaunawa ng mga tao kay Job ay hindi na lalalim pa kaysa sa tila kasiya-siyang impresyon sa kanya na galing sa mga talata sa Bibliya na naglalaman ng mga salita niyang “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Dahil dito, mayroong malaking pangangailangan para sa atin na maintindihan kung paano isinabuhay ni Job ang kanyang pagkatao nang tanggapin niya ang mga pagsubok ng Diyos; sa ganitong paraan, makikita ng lahat ang tunay na pagkatao ni Job sa kabuuan nito.

Nang marinig ni Job na ang kanyang mga ari-arian ay ninakaw, na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay binawian ng buhay, at ang kanyang mga tagapagsilbi ay pinatay, ganito ang kanyang naging tugon: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba” (Job 1:20). Ang mga salitang ito ay nagsasabi sa atin ng isang katotohanan: Pagkatapos marinig ang balitang ito, si Job ay hindi nasindak, hindi siya umiyak, o kaya ay nanisi ng mga tagapagsilbi na nagdala sa kanya ng balita, at lalong hindi niya siniyasat ang pinangyarihan ng krimen upang suriin at patotohanan ang mga detalye at alamin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi siya nagpakita ng anumang sakit o kalungkutan sa pagkawala ng kanyang mga ari-arian, at hindi rin siya umiyak nang husto dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak at ng kanyang mga mahal sa buhay. Bagkus, pinunit niya ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, nagpatirapa sa lupa, at sumamba. Ang mga kilos ni Job ay hindi kagaya ng kilos ng pangkaraniwang tao. Nililito ng mga ito ang maraming tao, at pinangaralan nila si Job sa kanilang mga puso dahil sa kanyang “kawalan ng pakiramdam.” Sa biglaang pagkawala ng kanilang mga ari-arian, ang puso ng mga karaniwang tao ay madudurog o mawawalan ng pag-asa—o kaya ay, sa kaso ng ilang tao, maaari itong magtulak sa kanila sa matinding depresyon. Iyon ay dahil, sa kanilang mga puso, ang mga ari-arian ng mga tao ay kumakatawan sa isang habambuhay na pagsisikap—kung saan nakasalalay ang pagkaligtas ng kanilang buhay, ito ang pag-asa na nagpapanatili ng kanilang buhay. Ang pagkawala ng kanilang ari-arian ay nangangahulugan na ang kanilang mga pagsisikap ay nauwi sa wala, na wala na silang pag-asa, at wala na rin silang kinabukasan. Ito ang saloobin ng sinumang karaniwang tao sa kanyang ari-arian at ang kanyang malapit na ugnayan sa mga ito, at ito rin ang kahalagahan ng ari-arian sa mga mata ng tao. Dahil dito, higit na nakakaraming bilang ng mga tao ang nalito sa mahinahong tugon ni Job sa pagkawala ng kanyang ari-arian. Ngayon, aalisin natin ang pagkalito ng lahat ng taong ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung ano ang nangyayari sa loob ng puso ni Job.

Ang sentido komun ay nagsasabi na dahil si Job ay nabigyan ng maraming ari-arian ng Diyos, dapat mahiya si Job sa harap ng Diyos dahil sa pagkawala ng mga ari-ariang ito, dahil hindi niya binantayan o inalagaan ang mga ito; hindi niya pinanghawakan ang mga ari-ariang ibinigay sa kanya ng Diyos. Dahil dito, nang marinig niya na ang kanyang ari-arian ay ninakaw, ang kanyang unang dapat na ginawa ay ang pumunta sa pinangyarihan ng krimen at kumuha ng imbentaryo ng lahat ng bagay na nawala, at pagkatapos ay mangumpisal sa Diyos upang maaaring makatanggap siyang muli ng mga pagpapala ng Diyos. Gayunman, hindi ito ang ginawa ni Job, at siya ay likas na may sariling mga dahilan kung bakit hindi niya ito ginawa. Sa kanyang puso, tunay na naniniwala si Job na ang lahat ng kanyang pag-aari ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi nanggaling sa sarili niyang paghihirap. Dahil dito, hindi niya nakita ang mga biyayang ito bilang isang bagay na dapat bigyan ng labis na pansin, at sa halip ay nakaangkla ang prinsipyo ng pananatili ng kanyang buhay sa buong lakas niyang pagkapit sa daan na dapat niyang pagtibayin. Itinangi niya ang mga pagpapala ng Diyos at nagpasalamat para sa mga ito, ngunit hindi niya inibig ang mga pagpapala, at hindi siya humingi ng karagdagan ng mga ito. Ganito ang kanyang saloobin tungo sa ari-arian. Wala rin siyang ginawa para lamang makatanggap ng mga pagpapala, o nag-alala, o nasaktan sa kakulangan o kawalan ng mga pagpapala ng Diyos; hindi rin siya naging mabangis at hibang sa kasiyahan dahil sa mga biyaya ng Diyos, hindi niya binalewala ang daan ng Diyos o nakalimutan ang biyaya ng Diyos dahil sa mga biyaya na madalas niyang tinatamasa. Ang saloobin ni Job sa kanyang ari-arian ay nagpapakita sa mga tao ng kanyang tunay na pagkatao: Una, si Job ay hindi isang sakim na tao, at hindi mapaghingi ng materyal na bagay sa kanyang buhay. Pangalawa, si Job ay hindi kailanman nag-alala o natakot na kukunin ng Diyos ang lahat ng mayroon siya, na kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa kanyang puso; iyon ay, wala siyang mga hinihingi o reklamo tungkol sa kung kailan o kung mayroon mang kukunin ang Diyos sa kanya, at hindi siya nagtanong ng dahilan kung bakit, kundi naghangad lamang siya na sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ikatlo, siya ay hindi kailanman naniwala na ang kanyang mga ari-arian ay galing sa sarili niyang paghihirap, kundi ibinigay ang mga ito sa kanya ng Diyos. Ganito ang pananampalataya ni Job sa Diyos, at ito ay isang pahiwatig ng kanyang matibay na paniniwala. Nilinaw ba ng tatlong-puntong buod na ito ang pagkatao ni Job at ang kanyang tunay na hangarin sa araw-araw? Ang pagkatao at hangarin ni Job ay mahalaga sa kanyang mahinahong asal nang kaharapin niya ang pagkawala ng kanyang ari-arian. Iyon ay tiyak na dahil sa kanyang araw-araw na hangarin kaya si Job ay may tayog at matibay na paniniwala na sabihing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos. Ang mga salitang ito ay hindi nakamit sa loob lamang ng isang magdamag, at hindi rin basta lumabas ang mga ito sa ulo ni Job. Ang mga ito ay kanyang nakita at natutuhan sa loob ng maraming taon ng karanasan sa buhay. Kung ihahambing sa lahat ng mga tao na humihingi lamang ng mga pagpapala ng Diyos at natatakot na may kukunin sa kanila ang Diyos, at napopoot at nagrereklamo tungkol dito, ang pagsunod ba ni Job ay hindi makatotohanan? Kung ihahambing sa lahat ng taong naniniwala na may Diyos, ngunit hindi kailanman naniwala na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay, hindi ba’t nagtataglay si Job ng dakilang katapatan at pagkamatuwid?

Ang Pagkamakatwiran ni Job

Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay nangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang pang-araw-araw na mga hangarin at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang araw-araw na pamumuhay. Dahil sa katapatan ni Job, nagawa niyang maniwala na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng bagay; ang kanyang kaalaman ang nagpahintulot sa kanya na malaman ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ng Diyos na si Jehova; ang kanyang kaalaman ang nagtulak sa kanya upang maging handa at makasunod sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos na si Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at dahil sa kanyang pagkaperpekto, siya ay naging matalino, at nabigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.

Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng matalas na pakiramdam, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagkakaroon ng wastong pananalita, kilos, at paghatol, at pagkakaroon ng tama at mga pirmihang pamantayang moral. Ngunit ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag. Nang sinabi rito na si Job ay nagtaglay ng sukdulang pagkamakatwiran, ito ay sinabi nang may kaugnayan sa kanyang pagkatao at sa kanyang asal sa harap ng Diyos. Dahil si Job ay tapat, nagawa niyang maniwala at sumunod sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na nagbigay sa kanya ng kaalaman na hindi makakamit ng iba, at ang kaalamang ito ay nagbigay sa kanya ng kakayahan na mas tumpak na matukoy, mahusgahan, at mabigyang-kahulugan ang mga nangyari sa kanya, na nakatulong sa kanya upang mas tumpak at mas malinaw na makapili kung ano ang dapat na gawin at kung ano ang dapat na matatag na panghahawakan. Kaya ang kanyang mga salita, pag-uugali, ang mga prinsipyo sa likod ng kanyang mga kilos, at ang alituntunin na gumagabay sa kanyang pagkilos, ay pangkaraniwan, malinaw, at tiyak, at hindi bulag, pabigla-bigla, o emosyonal. Alam niya kung paano tratuhin ang anumang dumating sa kanya, alam niya kung paano timbangin at panghawakan ang mga ugnayan sa pagitan ng mga kumplikadong kaganapan, alam niya kung paano humawak ng mahigpit sa daang dapat niyang panghawakan, at, higit pa rito, alam niya kung paano ituring ang ginagawang pagbibigay at pagbawi ng Diyos na si Jehova. Ganito ang pagkamakatwiran ni Job. Dahil mismo sa ganitong pagkamakatwiran ni Job kung kaya’t nasabi niyang, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak na lalaki at babae.

Nang si Job ay naharap sa napakatinding sakit ng katawan, at sa pagtutol ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan, at nang siya ay naharap sa kamatayan, muling naipakita sa lahat ang kanyang tunay na mukha sa pamamagitan ng kanyang aktwal na asal.

Ang Tunay na Mukha ni Job: Totoo, Dalisay, at Walang Kasinungalingan

Basahin natin ang Job 2:7–8: “Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni Jehova, at pinasibulan si Job ng mga masasakit na bukol na mula sa talampakan ng kanyang paa hanggang sa kanyang puyo. At kumuha siya ng isang basag na palayok upang ipangkayod ng langib; at siya’y naupo sa mga abo.” Ito ay isang paglalarawan sa asal ni Job nang naglabasan ang mga masasakit na bukol sa kanyang katawan. Sa oras na ito, si Job ay nakaupo sa mga abo habang tinitiis niya ang sakit. Walang gumamot sa kanya, at walang tumulong upang mabawasan ang sakit ng kanyang katawan; sa halip, ginamit niya ang isang basag na palayok upang ipangkayod sa ibabaw ng masasakit na bukol. Sa labas, ito ay isa lamang yugto sa paghihirap ni Job, at walang kaugnayan sa kanyang pagkatao at takot sa Diyos, dahil si Job ay hindi nagsalita upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at mga pananaw sa panahong ito. Ngunit ang mga pagkilos ni Job at ang kanyang asal ang siya pa ring tunay na nagpahayag ng kanyang pagkatao. Sa talaan ng nakaraang kabanata, mababasa natin na si Job ang pinakadakila sa lahat ng tao ng silangan. Samantala, sa talatang ito mula sa ikalawang kabanata, makikita natin na ang dakilang taong ito ng silangan ay talaga ngang kumuha ng isang basag na palayok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Wala bang malinaw na pagsasalungatan sa dalawang paglalarawang ito? Ito ay ang kaibahan na nagpapakita sa atin ng totoong mukha ni Job: Sa kabila ng kanyang marangal na reputasyon at katayuan, hindi niya kailanman minahal at binigyang pansin ang mga ito; wala siyang pakialam sa kung paano tiningnan ng iba ang kanyang reputasyon, at hindi siya nag-alala kung ang mga kilos at asal niya ay may masamang epekto sa kanyang reputasyon; hindi siya nagpakasasa sa mga pakinabang ng katayuan, at hindi siya nagsaya sa karangalan na kasama ng kanyang katayuan at reputasyon. Nababahala lamang siya sa kanyang halaga at kabuluhan ng kanyang pamumuhay sa mga mata ng Diyos na si Jehova. Ang totoong mukha ni Job ay ang kanyang mismong diwa: Hindi niya inibig ang katanyagan at kayamanan, at hindi siya nabuhay para sa katanyagan at kayamanan; siya ay totoo, at dalisay, at walang kasinungalingan.

Ang Pagbubukod ni Job sa Pag-ibig at Poot

Ang isa pang bahagi ng pagkatao ni Job ay ipinapakita sa pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang asawa: “Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, ‘Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka.’ Ngunit sinabi niya sa kanya, ‘Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng isa sa mga hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?’” (Job 2:9–10). Nang makita ang paghihirap na dinaranas niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap, ngunit ang kanyang “mabubuting layunin” ay hindi sinang-ayunan ni Job; sa halip, naging dahilan ito upang si Job ay magalit, sapagkat itinakwil niya ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Job sa Diyos na si Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na si Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang kanyang sarili na gumawa ng kahit ano na sasalungat o makasasakit sa Diyos, at hindi pa kasali rito ang iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagbibigkas ng mga salitang lumalapastangan at umiinsulto sa Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang “hangal na babae.” Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job—na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot—at isang tunay na paglalarawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtaglay ng pagkamakatarungan—na dahilan upang magalit siya sa pagpapakita ng kabuktutan, at kapootan, kondenahin, at tanggihan ang walang saysay na maling pananampalataya, mga hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang mga pahayag, at nagpahintulot sa kanya na maging totoo sa kanyang sarili, sa mga wastong prinsipyo at makapanindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iwan ng mga taong malapit sa kanya.

Ang Kabutihan ng Puso at Sinseridad ni Job

Dahil nakikita natin ang pagpapahayag ng iba’t ibang aspeto ng pagkatao ni Job mula sa kanyang mga inaasal, alin sa pagkatao ni Job ang makikita noong binuksan niya ang kanyang bibig upang sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan? Ito ang paksang ibabahagi natin sa ibaba.

Sa itaas, isinalaysay Ko ang mga pinagmulan ng pagsumpa ni Job sa araw ng kanyang kapanganakan. Ano ang nakikita ninyo rito? Kung matigas ang puso ni Job at walang pag-ibig, kung siya ay malamig at walang pakiramdam at salat ng pagkatao, magagawa ba niyang pahalagahan ang ninanais ng puso ng Diyos? Magagawa ba niyang hamakin ang araw ng kanyang sariling kapanganakan bilang bunga ng kanyang pagpapahalaga sa puso ng Diyos? Sa madaling salita, kung si Job ay manhid at salat sa pagkatao, mababagabag ba siya ng sakit na nararamdaman ng Diyos? Maaari ba niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan dahil nasaktan niya ang Diyos? Ang sagot ay, ganap na hindi! Dahil siya ay may mabuting puso, pinahalagahan ni Job ang puso ng Diyos; dahil pinahalagahan niya ang puso ng Diyos, naramdaman ni Job ang nadamang sakit ng Diyos; dahil siya ay may mabuting puso, mas malaki ang kanyang naging pagdurusa bilang bunga ng pagkaunawa niya sa nadamang sakit ng Diyos; dahil naramdaman niya ang sakit na nadama ng Diyos, nagsimula siyang mapoot sa araw ng kanyang kapanganakan, kung kaya’t isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Sa mga tagalabas, ang buong asal ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay kapuri-puri. Tanging ang kanyang pagsumpa sa araw ng kanyang kapanganakan ang naging dahilan ng pagdududa sa kanyang pagkaperpekto at pagkamatuwid, o nagbibigay ng naiibang resulta ng pagsusuri. Sa katunayan, ito ang pinakatunay na pagpapahayag ng pagkataong diwa ni Job. Ang kanyang pagkataong diwa ay hindi lingid o nakabalot, o binago ng ibang tao. Nang isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan, ipinakita niya ang kabutihan at sinseridad na nakabaon sa kanyang puso; siya ay tulad ng isang bukal na ang tubig ay sobrang malinaw at naaaninag na nakapagpapakita ng kailaliman nito.

Pagkatapos malaman ang lahat ng ito tungkol kay Job, karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng medyo tumpak at obhektibong pagsusuri sa pagkataong diwa ni Job. Mayroon din dapat silang malalim, praktikal, at mas makabagong pagkaunawa at pagpapahalaga sa pagkaperpekto at pagkamatuwid ni Job na sinasabi ng Diyos. Sana, ang pagkaunawa at pagpapahalagang ito ay makatulong sa mga tao na hanapin ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.

Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job Papunta kay Satanas at ang mga Pakay ng Gawain ng Diyos

Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay kumikilala na si Job ay perpekto at matuwid, at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang pagkilalang ito ay hindi nagbibigay sa kanila ng mas mataas na kaunawaan ng layunin ng Diyos. Kasabay ng pagkainggit sa pagkatao at hangarin ni Job, tinatanong nila ang mga sumusunod na katanungan sa Diyos: Si Job ay lubos na perpekto at matuwid, minamahal siyang lubos ng mga tao, kung gayon, bakit siya ibinigay ng Diyos kay Satanas at isinailalim sa ganoong paghihirap? Ang ganitong mga tanong ay umiiral sa mga puso ng maraming tao—o kaya, ang pagdududang ito ang tanong na nasa mga puso ng maraming tao. Dahil nililito nito ang napakaraming tao, kailangan nating ilatag at ipaliwanag nang maayos ang tanong na ito.

Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil ang lahat ng ginagawa Niya sa tao ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Natural lamang na ang gawaing ginawa ng Diyos kay Job ay hindi naiiba, kahit na si Job ay perpekto at matuwid sa paningin ng Diyos. Sa madaling salita, kahit ano pa ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit ano pa ang halaga, o ang Kanyang nilalayon, ang pakay ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang pakay ay upang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, pati na rin ang mga kinakailangan at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa madaling salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pagkaunawa sa puso ng Diyos at pagkaintindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya na sundin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at nang sa gayon ay magkaroon ng daan upang matamo ng tao ang pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—ang lahat ng ito ay isang aspeto ng pakay ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ang mapaghahambinganan at nagsisilbing gamit-pangserbisyo sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang makita ng mga tao ang kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng mga pagtukso at pag-atake nito, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas at magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang unti-unti nilang mapalaya ang kanilang mga sarili mula sa pamamahala ni Satanas, at mula sa mga paratang, panggugulo, at pag-atake nito—hanggang, salamat sa mga salita ng Diyos, ang kanilang kaalaman at pagsunod sa Diyos, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at takot sa Kanya, ay magdala sa kanila ng tagumpay laban sa mga pag-atake at paratang ni Satanas; doon lamang sila ganap na maiaadya mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang paglaya ng mga tao ay nangangahulugan na si Satanas ay natalo, ito ay nangangahulugan na hindi na sila pagkain sa bibig ni Satanas—na sa halip na lunukin sila, pinakawalan sila ni Satanas. Ito ay sa kadahilanang ang mga gayong tao ay matuwid, may pananampalataya, masunurin, at may takot sa Diyos, at dahil tuluyan silang kumakawala kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at tuluyan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang matibay na paniniwala sa pagsunod sa Diyos, at ang pagsunod at takot nila sa Diyos ang tumatalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang isinusuko ni Satanas. Ang mga taong tulad nito lamang ang tunay na nakamtan ng Diyos, at ito ang tunay na obhektibo ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga maliliit at malalaking tukso at pag-atake na galing kay Satanas. Ang mga taong nangingibabaw sa mga tukso at pag-atake na ito at nagagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas ng Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at inatake ni Satanas nang hindi mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos, at nagagawa nilang sumunod sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi nila tinatalikdan ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa gitna ng mga panunukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas ng Diyos ay nagtataglay ng katapatan, sila ay may mabubuting puso, napaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may pagkaunawa sila sa hustisya at sila ay makatwiran, at nagagawa nilang magmalasakit sa Diyos at pahalagahan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi naigagapos, namamanmanan, napararatangan, o naaabuso ni Satanas; sila ay ganap na malaya, sila ay ganap na napalaya at napakawalan na. Si Job ay isang tao ng kalayaan, at ito ang tiyak na kahulugan kung bakit ipinasa siya ng Diyos kay Satanas.

Si Job ay inabuso ni Satanas, ngunit nakakuha rin siya ng walang hanggang kalayaan at pagpapalaya, at nagkamit ng karapatan na hindi na kailanman muling mapasailalim sa katiwalian, pang-aabuso, at mga paratang ni Satanas, at sa halip ay mabuhay sa liwanag ng mukha ng Diyos nang malaya at walang hadlang, at ang mabuhay sa gitna ng mga pagpapalang bigay ng Diyos sa kanya. Walang maaaring mag-alis, o sumira, o kumuha ng karapatang ito. Ito ay ibinigay kay Job kapalit ng kanyang pananampalataya, determinasyon, at pagsunod at takot sa Diyos; nagbayad si Job ng kanyang buhay upang ipanalo ang kagalakan at kaligayahan sa lupa, upang matamo ang karapatan at pagiging karapat-dapat, na siyang ganap na likas at may katwiran, upang sumamba sa Lumikha nang walang hadlang bilang isang tunay na nilalang ng Diyos sa lupa. Ito rin ang pinakamalaking kinalabasan ng mga tukso na tiniis ni Job.

Kapag hindi pa nailigtas ang mga tao, ang mga buhay nila ay madalas na ginugulo, at kinokontrol pa nga, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay labis na tinutugis at nilulusob nang matindi ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang normal na pag-iral na masasabi, at higit pa rito, wala silang dangal na masasabi. Tanging kung ikaw ay maninindigan at makikipaglaban kay Satanas, gamit ang iyong pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at takot sa Diyos, bilang iyong mga sandata na gagamitin para sa isang buhay-at-kamatayan na pakikipaglaban kay Satanas, kung saan sukdulan mong matatalo si Satanas na magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at pagiging duwag sa tuwing makikita ka, upang tuluyan na nitong itigil ang mga paglusob at paratang laban sa iyo—saka ka lang maililigtas at magiging malaya. Kung ikaw ay determinadong lumaya nang lubusan mula kay Satanas, ngunit wala kang mga sandatang tutulong sa iyo upang talunin si Satanas, ikaw ay manganganib pa rin. Sa paglipas ng panahon, kapag ikaw ay lubhang napahirapan na ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo, ngunit hindi mo pa rin magawang magpatotoo, hindi pa rin tuluyang napapalaya ang iyong sarili sa mga paratang at paglusob ni Satanas laban sa iyo, magiging maliit lamang ang pag-asa na maililigtas ka. Sa huli, kapag ipinapahayag na ang konklusyon ng gawain ng Diyos, nasa mahigpit na pagkakahawak ka pa rin ni Satanas, kung saan hindi mo magawang palayain ang iyong sarili, at dahil dito hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa. Kung gayon, ang ipinapahiwatig nito ay magiging ganap na mga bihag ni Satanas ang ganitong mga tao.

Tanggapin ang mga Pagsubok ng Diyos, Pagtagumpayan ang mga Panunukso ni Satanas, at Hayaan ang Diyos na Makamit ang Iyong Buong Pagkatao

Sa panahon ng gawain ng Kanyang walang hanggang pagtutustos at suporta sa tao, sinasabi ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang kalooban at mga hinihingi sa tao, at ipinakikita Niya ang Kanyang mga gawa, disposisyon, at kung anong mayroon Siya at kung ano Siya sa tao. Ang layunin ay upang maihanda ang tao sa pamamagitan ng tayog, at pahintulutan ang tao na makamit ang iba’t ibang katotohanan mula sa Diyos habang sumusunod sa Kanya—mga katotohanan na siyang mga sandatang ibinibigay ng Diyos sa tao upang labanan si Satanas. Kapag nabigyan na ng sandata, dapat harapin ng tao ang mga pagsubok ng Diyos. Ang Diyos ay maraming paraan at sistema para sa pagsubok ng tao ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng “kooperasyon” ng kaaway ng Diyos: si Satanas. Ibig sabihin, matapos bigyan ang tao ng mga sandata upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na “subukin” ang tayog ng tao. Kung makakalabas ang tao mula sa mga hanay ng pakikipaglaban ni Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa teritoryo ni Satanas at manatiling buhay, ang tao ay makakapasa sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigong umalis sa mga hanay ng pakikipaglaban ni Satanas, at nagpasakop kay Satanas, hindi siya makakapasa sa pagsubok. Anumang aspeto ng tao ang sinusuri ng Diyos, ang mga pamantayan ng Kanyang pagsusuri ay kung magpapakatatag o hindi ang tao sa kanyang patotoo kapag inatake siya ni Satanas, at kung itatakwil niya o hindi ang Diyos at susuko at magpapasakop kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na ang pagkaligtas o hindi sa tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapagtagumpayan at talunin si Satanas, at ang kakayanan niya na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay sa kanyang kakayahang buhatin, nang mag-isa, ang mga sandatang ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapagtagumpayan ang gapos ni Satanas, upang ganap na mawalan ng pag-asa si Satanas at iwan siyang mag-isa. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at magpapalaya ng isang tao, ang ibig sabihin nito ay hinding-hindi na nito muling susubukan na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hinding-hindi na muling pararatangan at guguluhin ang taong ito, hinding-hindi na siya muling pahihirapan nang walang-pakundangan o aatakihin; tanging ang ganitong tao lamang ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang tao.

Ang Babala at Kaliwanagan ng Patotoo ni Job na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon

Kasabay ng pagkaunawa sa proseso kung paano ganap na nakakamit ng Diyos ang isang tao, mauunawaan din ng mga tao ang mga pakay at kabuluhan ng ginawa ng Diyos nang ibigay Niya si Job kay Satanas. Ang mga tao ay hindi na nababalisa sa paghihirap ng kalooban ni Job, at mayroon ng bagong pagpapahalaga sa kabuluhan nito. Hindi na nila inaalala kung sila mismo ay mapapasailalim sa tukso na katulad ng napagdaanan ni Job, at hindi na tinututulan o tinatanggihan ang pagdating ng mga pagsubok ng Diyos. Ang pananampalataya, at pagkamasunurin ni Job, at ang kanyang patotoo sa pagtatagumpay laban kay Satanas ay mapagkukunan ng malaking tulong at lakas ng loob ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakita nila na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagsunod at takot sa Diyos, ganap na posibleng talunin si Satanas at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t hindi sila tumututol sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at taglay nila ang determinasyon at pananampalataya na hindi itakwil ang Diyos matapos na mawala sa kanila ang lahat, maaari silang magdala ng kahihiyan at pagkatalo kay Satanas, at kailangan lamang nilang taglayin ang determinasyon at tiyaga upang manindigan sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—upang maduwag at mabilisang sumuko si Satanas. Ang patotoo ni Job ay isang babala sa mga sumusunod na henerasyon, at ang babalang ito ay nagsasabi sa kanila na kung hindi nila tatalunin si Satanas, hindi nila kailanman magagawang makawala sa mga paratang at panggugulo sa kanila ni Satanas, at hindi rin nila kailanman magagawang makatakas sa pang-aabuso at pag-aatake ni Satanas. Ang patotoo ni Job ay nagbigay ng kaliwanagan sa mga sumunod na henerasyon. Itinuturo ng kaliwanagang ito sa mga tao na kung sila ay perpekto at matuwid, saka lamang nila magagawang magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan; itinuturo nito sa kanila na kapag sila ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, saka lamang nila makakayanang magkaroon ng malakas at tumataginting na patotoo sa Diyos; kapag sila ay may malakas at umuugong na patotoo sa Diyos, saka lamang sila kailanman hindi na mapamamahalaan ni Satanas at mabubuhay sa ilalim ng paggabay at pag-iingat ng Diyos—at doon lamang sila tunay na nailigtas. Ang personalidad ni Job at ang ginawa niya sa kanyang buhay ay dapat tularan ng lahat ng nagnanais ng kaligtasan. Ang kanyang isinabuhay sa kanyang buong buhay at ang kanyang asal sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay isang mahalagang kayamanan para sa lahat ng sumusunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.

Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos

Kung sabihin Ko sa inyo ngayon na si Job ay isang kaibig-ibig na tao, maaaring hindi ninyo mapahalagahan ang kahulugan sa loob ng mga salitang ito, at maaaring hindi ninyo lubos na maintindihan ang damdamin kung bakit Ko sinasabi ang lahat ng bagay na ito; ngunit maghintay kayo hanggang sa araw na kayo ay makaranas ng mga pagsubok na kapareho o katulad ng mga pinagdaanan ni Job, kapag kayo ay dumadaan sa kahirapan, kapag personal na ninyong nararanasan ang mga pagsubok na isinaayos mismo ng Diyos para sa inyo, kapag ibinigay ninyo ang lahat ng mayroon kayo, at nagtiis sa kahihiyan at paghihirap, upang magtagumpay laban kay Satanas at magpatotoo sa Diyos sa gitna ng mga tukso—doon mo matututuhang pahalagahan ang ibig sabihin nitong mga salitang sinasabi Ko. Sa oras na iyon, mararamdaman mo na ikaw ay mas mahina kung ihahambing kay Job, mararamdaman mo kung gaano kaibig-ibig si Job, at siya ay karapat-dapat na tularan. Kapag dumating na ang panahong iyon, mauunawaan mo kung gaano kahalaga ang mga walang-kupas na salitang binigkas ni Job para sa mga tiwali at nabubuhay sa mga panahong ito, at mauunawaan mo kung gaano kahirap para sa mga tao ngayon na makamit ang nakamit ni Job. Kapag nararamdaman mo na ito ay mahirap, mapapahalagahan mo kung gaano kabalisa at nag-aalala ang puso ng Diyos, mapapahalagahan mo kung gaano kalaki ang halaga na binayaran ng Diyos upang makamit ang ganoong mga tao, at kung gaano kahalaga ang ginawa at ginugol ng Diyos para sa sangkatauhan. Ngayon na narinig na ninyo ang mga salitang ito, mayroon na ba kayong wastong pagkaunawa at tamang pagsusuri kay Job? Sa inyong paningin, si Job ba ay tunay na perpekto at matuwid na tao na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan? Naniniwala Ako na karamihan sa mga tao ay tiyak na magsasabi ng oo. Dahil ang mga katotohanan ng ikinilos at ipinahayag ni Job ay hindi maikakaila ng sinumang tao o maging ni Satanas. Ang mga ito ang pinakamakapangyarihang patunay ng tagumpay ni Job laban kay Satanas. Ang patunay na ito ay ginawa kay Job, at ang unang patotoo na tinanggap ng Diyos. Dahil dito, nang magtagumpay si Job laban sa mga panunukso ni Satanas at nagawang magpatotoo sa Diyos, nakakita ang Diyos ng pag-asa kay Job, at ang Kanyang puso ay nabigyan ni Job ng kaginhawahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa panahon ni Job, ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay tunay na nakaranas ng kaginhawahan, at kung ano ang ibig sabihin ng mabigyan ng tao ng ginhawa. Ito ang unang pagkakataon na nakita Niya, at nakamit, ang tunay na patotoo na dinala para sa Kanya.

Nagtitiwala Ako, na pagkarinig ng patotoo at mga patunay ng iba’t ibang aspeto ni Job, ang karamihan ng mga tao ay magkakaroon ng mga plano para sa landas na nasa harapan nila. Gayon din, nagtitiwala Ako na ang karamihan sa mga taong puno ng pagkabalisa at takot ay dahan-dahang mapapahinahon ang kanilang katawan at pag-iisip, at magsisimulang makaramdam ng ginhawa, unti-unti …

Ang mga sipi sa ibaba ay mga patunay din tungkol kay Job. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa.

4. Narinig ni Job ang Diyos sa Pamamagitan ng Pagdinig ng Tainga

Job 9:11 Narito, Siya’y dumaraan sa siping ko, at hindi ko Siya nakikita: Siya’y nagpapatuloy rin naman, ngunit hindi ko Siya namamataan.

Job 23:8–9 Narito, ako’y nagpapatuloy, ngunit wala Siya roon; at sa dakong likuran, ngunit hindi ko Siya mamataan: Sa kaliwa pagka Siya’y gumagawa, ngunit hindi ko mamasdan Siya: Siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita Siya.

Job 42:2–6 Nalalaman ko na magagawa Mo ang lahat ng mga bagay, at wala Kang saloobin na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya’t aking sinambit na hindi ko nauunawa; mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin Mo, isinasamo ko sa Iyo, at ako’y magsasalita; ako’y magtatanong sa Iyo, at magpahayag Ka sa akin. Narinig Kita sa pakikinig ng pakinig: ngunit ngayo’y nakikita Ka ng aking mata. Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.

Bagama’t Hindi Ibinunyag ng Diyos ang Sarili Niya kay Job, si Job ay Naniniwala sa Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos

Ano ang isinusulong ng mga salitang ito? Nakikita ba ninyo na may isang katunayan dito? Una, paano nalaman ni Job na may Diyos? At paano niya nalaman na ang mga langit at lupa at lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng Diyos? Narito ang isang sipi na sumasagot sa dalawang katanungang ito: “Narinig Kita sa pakikinig ng pakinig: ngunit ngayo’y nakikita Ka ng aking mata. Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.” Mula sa mga salitang ito ay nalaman natin, na sa halip na makita ang Diyos sa kanyang sariling mga mata, natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos mula sa alamat. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, siya ay nagsimulang lumakad sa landas ng pagsunod sa Diyos, matapos nito ay nakumpirma niya ang pag-iral ng Diyos sa kanyang buhay, at sa lahat ng bagay. May isang hindi maikakailang katunayan dito—at ano ang katunayang iyon? Sa kabila ng kakayahang sundin ang daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, hindi pa kailanman nakita ni Job ang Diyos. Dito, hindi ba siya kapareho ng mga tao sa ngayon? Hindi pa kailanman nakita ni Job ang Diyos, ipinapahiwatig nito na bagama’t narinig niya ang tungkol sa Diyos, hindi niya alam kung nasaan ang Diyos, o kung ano ang katulad ng Diyos, o kung ano ang ginagawa ng Diyos. Lahat ng mga ito ay mga pansariling kadahilanan; sa isang walang kinikilingang pananalita, bagama’t sinunod niya ang Diyos, ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya o nakipag-usap sa kanya. Hindi ba ito isang katunayan? Kahit na hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job o kaya ay nagbigay sa kanya ng anumang utos, nakita ni Job ang pag-iral ng Diyos, at napagmasdan niya ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga alamat kung saan natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pakikinig, at pagkatapos nito ay sinimulan niya ang buhay na may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ganito ang simula at proseso kung paano sumunod si Job sa Diyos. Ngunit kahit gaano siya natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kahit gaano niya panghawakan ang kanyang integridad, hindi pa rin kailanman nagpakita ang Diyos sa kanya. Basahin natin ang siping ito. Sinabi niya, “Narito, Siya’y dumaraan sa siping ko, at hindi ko Siya nakikita: Siya’y nagpapatuloy rin naman, ngunit hindi ko Siya namamataan” (Job 9:11). Ang sinasabi ng mga salitang ito ay maaaring nadama ni Job ang Diyos sa paligid niya o maaari ring hindi—ngunit hindi niya kailanman nakita ang Diyos. Nagkaroon ng mga oras kung saan naisip niya na dumaraan ang Diyos sa harap niya, o kumikilos, o pinapatnubayan ang tao, ngunit hindi niya kailanman nalaman. Ang Diyos ay darating sa tao kapag hindi niya ito inaasahan; hindi alam ng tao kung kailan darating ang Diyos sa kanya, o kung saan Siya darating sa kanya, sapagkat hindi nakikita ng tao ang Diyos, at sa gayon, para sa tao, nakatago ang Diyos mula sa kanya.

Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig ng Katunayan na ang Diyos ay Nakatago sa Kanya

Sa sumusunod na sipi ng kasulatan, nagsabi si Job, “Narito, ako’y nagpapatuloy, ngunit wala Siya roon; at sa dakong likuran, ngunit hindi ko Siya mamataan: Sa kaliwa pagka Siya’y gumagawa, ngunit hindi ko mamasdan Siya: Siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita Siya” (Job 23:8–9). Sa salaysay na ito, nalalaman natin na sa buong karanasan ni Job, ang Diyos ay nakatago sa kanya; ang Diyos ay hindi lantarang nagpakita sa kanya, at hindi rin Siya lantarang nangusap ng anumang salita sa kanya, gayunman sa kanyang puso, si Job ay may tiwala sa pag-iral ng Diyos. Palagi siyang naniniwala na ang Diyos ay maaaring naglalakad sa harap niya, o maaaring kumikilos sa kanyang tabi, at kahit na hindi niya nakikita ang Diyos, ang Diyos ay nasa tabi niya, pinamamahalaan ang lahat tungkol sa kanya. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, ngunit nagawa niyang manatiling totoo sa kanyang pananampalataya, na walang ibang taong nakagawa. Bakit hindi ito magawa ng ibang tao? Ito ay dahil sa hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job, o nagpakita sa kanya, at kung siya ay hindi tunay na naniwala, hindi niya magagawang magpatuloy, o mananatili sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Hindi ba ito totoo? Ano ang nararamdaman mo kapag nababasa mo na sinasabi ni Job ang mga salitang ito? Nararamdaman mo ba na totoo ang pagka-perpekto at pagkamatuwid ni Job, at ang kanyang pagkamakatuwiran sa harap ng Diyos, at na hindi ito isang kalabisan sa panig ng Diyos? Kahit na itinuring ng Diyos si Job katulad ng pagturing Niya sa ibang tao, at hindi nagpakita o nakipag-usap sa kanya, naging matatag pa rin si Job sa kanyang katapatan, naniwala pa rin siya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at, bukod pa rito, madalas siyang nag-alay ng mga sinusunog na handog at nanalangin sa harap ng Diyos bilang bunga ng kanyang takot na magkasala sa Diyos. Sa kakayahan ni Job na magkaroon ng takot sa Diyos nang hindi pa nakikita ang Diyos, nakikita natin kung gaano niya kamahal ang mga positibong bagay, at kung gaano katatag at katotoo ang kanyang pananampalataya. Hindi niya ikinaila na may Diyos dahil ang Diyos ay nakatago mula sa kanya, at hindi nawala ang kanyang pananampalataya at hindi niya itinakwil ang Diyos dahil hindi pa niya kailanman nakita ang Diyos. Sa halip, sa gitna ng mga nakatagong gawain ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay, natanto niya ang pag-iral ng Diyos, at nadama ang kataas-taasang kapangyarihan at lakas ng Diyos. Hindi niya isinuko ang pagiging matuwid dahil ang Diyos ay nakatago, at hindi rin niya itinakwil ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya. Hindi kailanman hiningi ni Job na lantarang magpakita ang Diyos sa kanya upang patunayan ang Kanyang pag-iral, dahil nakita na niya ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at naniwala siya na natanggap niya ang mga pagpapala at biyaya na hindi nakamit ng iba. Bagama’t ang Diyos ay nanatiling nakatago sa kanya, ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay hindi kailanman nayanig. Kaya, inani niya ang hindi pa nakukuha ng iba: Ang pagsang-ayon ng Diyos at pagpapala ng Diyos.

Pinupuri ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Iniisip ang mga Pagpapala o Kapahamakan

May isang katunayan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Kasulatan, at ito ang magiging paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. Ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang kondisyon, walang kinalaman sa konteksto, at hindi nakatali sa anumang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at lahat ng binalak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi niya kailanman hiningi sa Diyos na gawin ang kahit na ano para sa kanya o ibigay ang anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga marangyang hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos. Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o hinagupit ng kalamidad. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at kung anuman ang pananaw ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiniling si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at sumunod sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, at hindi rin niya narinig ang Diyos na nagsalita ng anumang salita, nagbigay ng anumang utos, nagbigay ng anumang aral, o nagbigay ng tagubilin sa kanya tungkol sa kahit na ano. Sa kasalukuyang pananalita, upang magtaglay siya ng ganoong kaalaman at saloobin sa Diyos kahit na ang Diyos ay walang naibigay sa kanya na kaliwanagan, patnubay, o anumang kaloob patungkol sa katotohanan—ito ay mahalaga, at ang pagpapakita niya ng mga ganitong bagay ay sapat na para sa Diyos, at ang kanyang patotoo ay pinuri at itinangi ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos o kaya ay narinig Siya na personal na nagbigay ng anumang aral sa kanya, ngunit sa Diyos, ang kanyang puso at siya mismo ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga tao, na nasa harap ng Diyos, ay kaya lamang magsalita ng malalalim na teorya, na kaya lamang magmalaki, at magsalita tungkol sa pag-aalay ng mga handog, ngunit hindi kailanman nagkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, at hindi kailanman tunay na natakot sa Diyos. Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at mahal niya ang katarungan at ang lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na may taglay na ganitong uri ng puso at pagkatao ang nakasunod sa daan ng Diyos, at kayang magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang ganitong tao ay maaaring makakita sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makakita sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nagawang makamit ang pagsunod sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Tanging ang taong ganito lamang ang maaaring tunay na makapagbigay ng papuri sa pangalan ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya man ay pagpapalain ng Diyos o padadalhan ng kapahamakan, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at para sa tao, ang pag-aalala ay isang tanda ng kahangalan, kamangmangan, at kawalan sa katwiran, ng pag-aalinlangan sa katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng kawalan ng takot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ang siya mismong ninais ng Diyos. Dahil dito, si Job ba ay may higit na maraming teoretikal na kaalaman tungkol sa Diyos kung ihahambing sa inyo? Dahil ang gawain at mga pagbigkas ng Diyos noong mga panahong iyon ay kakaunti lamang, hindi madaling makamit ang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang ganitong nagawa ni Job ay hindi madaling gawin. Hindi niya naranasan ang gawain ng Diyos, o narinig na nagsalita ang Diyos, o nakita ang mukha ng Diyos. Ang pagkakaroon niya ng ganitong saloobin sa Diyos ay ganap na bunga ng kanyang pagkatao at ng kanyang mga personal na paghahangad, isang pagkatao at paghahangad na hindi taglay ng mga tao sa ngayon. Dahil dito, sa panahong iyon, sinabi ng Diyos, “Walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki.” Sa kapanahunang iyon, ang Diyos ay nakagawa na ng ganitong pagsusuri sa kanya, at nagkaroon ng ganitong konklusyon. Gaano pa ito mas magiging totoo sa kasalukuyan?

Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao, ang Kanyang mga Gawa sa Lahat ng Bagay ay Sapat na Upang Makilala Siya ng Tao

Hindi nakita ni Job ang mukha ng Diyos, o narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, at lalong hindi niya personal na naranasan ang gawain ng Diyos, ngunit ang kanyang takot sa Diyos at patotoo sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay nasaksihan ng lahat, at ang mga ito ay minahal, kinalugdan, at pinuri ng Diyos, at ang mga tao ay naiinggit at humahanga sa mga ito, at, higit pa rito, umaawit ng kanilang mga papuri. Walang katangi-tangi o di-pangkaraniwan sa kanyang buhay: Tulad ng karaniwang tao, pangkaraniwan lamang ang buhay niya, umaalis upang magtrabaho sa pagsikat ng araw at umuuwi upang magpahinga sa paglubog ng araw. Ang pagkakaiba ay noong panahon ng mga ilang pangkaraniwang dekada sa kanyang buhay, siya ay nagkamit ng isang kabatiran sa daan ng Diyos, at natanto at naintindihan niya ang matinding lakas at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na hindi nagawa ng ibang tao. Hindi siya mas matalino kaysa sa ibang pangkaraniwang tao, ang kanyang buhay ay lalo nang hindi matatag, at, bukod dito, wala siyang nakatagong natatanging kakayahan. Subalit, ang taglay niya, ay personalidad na tapat, mabait, matuwid, isang personalidad na nagmahal sa pagiging patas at pagiging matuwid, at nagmahal ng mga positibong bagay—wala sa mga bagay na ito ang taglay ng karamihan sa mga karaniwang tao. Nakilala niya ang pagkakaiba ng pag-ibig at poot, may pagkaunawa sa katarungan, matibay at matiyaga, at maingat na nagbigay-pansin sa mga detalye sa kanyang pag-iisip. Dahil dito, sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, nakita niya ang lahat ng hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Diyos, at nakita ang kadakilaan, kabanalan, at ang pagiging matuwid ng Diyos, nakita niya ang pagmamalasakit ng Diyos, kagandahang-loob, at pag-iingat para sa tao, at nakita niya ang kadakilaan at awtoridad ng kataas-taasang Diyos. Ang unang dahilan kung bakit nagawa ni Job na makamit ang mga bagay na ito, na higit pa sa kayang isipin ng pangkaraniwang tao, ay dahil nagkaroon siya ng isang dalisay na puso, at ang kanyang puso ay pag-aari ng Diyos, at pinangungunahan ng Lumikha. Ang ikalawang dahilan ay ang kanyang paghahangad: ang kanyang paghahangad ng pagiging walang kapintasan at perpekto, at ang pagiging isang tao na sumunod sa kalooban ng Langit, na mahal ng Diyos, at na lumayo sa kasamaan. Si Job ay nagtaglay at naghangad ng mga bagay na ito kahit nang hindi nakikita ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos; bagaman hindi niya kailanman nakita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naintindihan din niya ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya kailanman narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang mga gawa ng paggantimpala sa tao at pagbawi mula sa tao ay nanggagaling lahat sa Diyos. Bagama’t ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa buhay ng mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan ng kanyang buhay na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, o maapektuhan ang kanyang pagsunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa kanyang mga mata, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang maunawaan na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, sa bawat sulok ng kanyang buhay, nagawa niyang makita at maunawaan ang pambihira at kahanga-hangang mga gawa ng Diyos, at nagawa niyang makita ang nakamamanghang mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagkakatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagkaunawa ni Job sa mga gawa ng Diyos, at hindi rin nito naapektuhan ang kanyang kaalaman sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang kanyang buong buhay ang naging katuparan ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang tinig ng puso ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos, na tahimik sa gitna ng lahat ng bagay, subalit nagpapahayag ng tinig ng Kanyang puso at ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pamamahala sa mga kautusan sa lahat ng bagay. Kung gayon, nakikita mo na kung ang mga tao ay may pagkatao at paghahangad na katulad ng kay Job, maaari nilang makamit ang pagkaunawa at kaalaman na tulad ng kay Job, at maaari nilang makuha ang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, gaya ng nakuha ni Job. Ang Diyos ay hindi nagpakita kay Job o nagsalita sa kanya, ngunit nagawa ni Job na maging perpekto, at matuwid, at magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Sa madaling salita, kahit na hindi nagpakita o nangusap sa mga tao ang Diyos, ang mga gawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ay sapat na upang ang tao ay magkaroon ng kamalayan sa pag-iral, kapangyarihan, at awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay sapat na upang ang taong ito ay sumunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Dahil ang isang ordinaryong tao na tulad ni Job ay nakayanang magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, bawat pangkaraniwang tao na sumusunod sa Diyos ay dapat makagawa rin nito. Bagama’t ang mga salitang ito ay tila mga lohikal na konklusyon, hindi nito sinasalungat ang mga batas ng mga bagay. Ngunit ang mga katunayan ay hindi tumugma sa mga inaasahan: Tila ang pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ay pinangangalagaan ni Job at ni Job lamang. Sa pagbanggit ng “may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan,” iniisip ng mga tao na si Job lang ang dapat na gumawa nito, na para bang ang daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ay tinatakan ng pangalan ni Job at walang kinalaman sa ibang tao. Ang dahilan nito ay malinaw: Dahil si Job lamang ang may taglay ng isang personalidad na tapat, mabait, at matuwid, at nagmahal sa pagkamakatarungan at pagiging matuwid at sa mga bagay na positibo, si Job lang ang maaaring sumunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Dapat ay naiintindihan ninyong lahat ang mga pahiwatig dito—dahil walang sinuman ang nagtataglay ng isang pagkatao na tapat, mabait, at matuwid, at nagmamahal sa pagkamakatarungan at pagiging matuwid at sa lahat ng positibo, walang sinuman ang nagkakaroon ng takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, at dahil dito, hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kagalakan ng Diyos o kaya ay makatitindig nang matatag sa gitna ng mga pagsubok. Nangangahulugan din ito na maliban kay Job, ang lahat ng tao ay nakatali pa rin at nasa bitag ni Satanas; silang lahat ay pinararatangan, inaatake, at inaabuso nito. Sila ang mga sinusubukang lunukin ni Satanas, at silang lahat ay walang kalayaan, mga bilanggo na nabihag ni Satanas.

Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Magkakaroon ng Takot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan?

Dahil ang mga tao sa ngayon ay hindi nagtataglay ng pagkatao na gaya ng kay Job, ano ang kanilang kalikasang diwa, at ang kanilang saloobin sa Diyos? Natatakot ba sila sa Diyos? Lumalayo ba sila sa kasamaan? Ang mga walang takot sa Diyos o hindi lumalayo sa kasamaan ay maaari lamang na ilarawan sa tatlong salita: “kaaway ng Diyos.” Madalas ninyong sabihin ang tatlong salitang ito, ngunit hindi ninyo kailanman nalaman ang kanilang tunay na kahulugan. Ang mga salitang “kaaway ng Diyos” ay may ganitong diwa: Ang mga ito ay hindi nagsasabi na nakikita ng Diyos ang tao bilang kaaway, kundi ang tao ay nakikita ang Diyos bilang kaaway. Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga layunin, motibasyon, at ambisyon? Kahit na may isang bahagi sa kanila na naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakakita sa pag-iral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang pangunahing layunin sa paniniwala sa Diyos ay ang pagtanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: “Isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong makita ang kabuuan nito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami ang ibinigay ko sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naalala ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging katapusan ko? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? …” Ang bawat tao ay madalas na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng mga bagay na nagtataglay ng kanilang mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nangangatwiran sa Diyos para sa kanyang sariling katapusan, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hinto sa paghingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, pasibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula ng ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang pagsisikap na makakuha ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang tao at magbigay ng pangtustos sa kanya. Ganito ang pangunahing pagkaunawa sa “paniniwala sa Diyos,” ng lahat ng taong naniniwala sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa kalikasang diwa ng tao hanggang sa kanyang pansariling hangarin, wala sa mga ito ang may kinalaman sa takot sa Diyos. Hindi maaari na ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Ibig sabihin, hindi kailanman itinuring o naintindihan ng tao na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng ganitong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito ay ang puso ng tao na may masamang hangarin, nagkikimkim ng pagtataksil at panlilinlang, walang pagmamahal sa pagiging patas at pagiging matuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay kamuhi-muhi at sakim. Ang puso ng tao ay hindi na magiging mas sarado pa sa Diyos; hindi pa talaga niya ito ibinigay sa Diyos. Hindi pa kailanman nakita ng Diyos ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Gaano man kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano man karaming gawain ang Kanyang ginagawa, o gaano man karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan mismo ang kanyang puso, gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundan ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o sundin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan. Ngayon tingnan muli natin si Job. Una sa lahat, gumawa ba siya ng kasunduan sa Diyos? Mayroon ba siyang mga natatagong motibo sa kanyang matibay na paghawak sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? Noong panahong iyon, ang Diyos ba ay nagsalita sa sinuman tungkol sa paparating na katapusan? Sa panahong iyon, ang Diyos ay hindi nangako sa kanino man tungkol sa katapusan, at sa ganitong kalagayan nagawa ni Job na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang mga tao ba sa ngayon ay maaaring maihambing kay Job? Masyadong maraming pagkakaiba; sila ay nasa magkakaibang mga antas. Kahit na kakaunti lamang ang kaalaman ni Job tungkol sa Diyos, naibigay na niya ang kanyang puso sa Diyos at pagmamay-ari na ito ng Diyos. Siya ay hindi kailanman gumawa ng kasunduan sa Diyos, at walang marangyang hinahangad o hinihingi sa Diyos; sa halip, naniwala siya na “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis.” Ito ay kung ano ang kanyang nakita at nakuha mula sa pagiging totoo sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa maraming taon ng buhay. Gayundin, nakamit niya ang kinalabasan na nakapaloob sa mga salitang ito: “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Ang dalawang pangungusap na ito ay nagsasaad ng kanyang nakita at nalaman bilang resulta ng kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa mga naranasan niya sa buhay, at ang mga ito rin ang kanyang mga pinakamakapangyarihang sandata kung saan nagtagumpay siya laban sa mga panunukso ni Satanas, at ang saligan ng kanyang katatagan sa patotoo sa Diyos. Sa puntong ito, nakikita ba ninyo si Job bilang isang kaibig-ibig na tao? Nais ba ninyong maging ganitong uri ng tao? Natatakot ba kayong sumailalim sa mga panunukso ni Satanas? Napagpasyahan na ba ninyong ipanalangin na iharap kayo ng Diyos sa mga pagsubok na tulad ng mga pinagdaanan ni Job? Walang pag-aalinlangan, karamihan sa mga tao ay hindi maglalakas-loob na manalangin para sa mga ganitong bagay. Kung gayon, maliwanag na ang inyong pananampalataya ay nakakaawa sa liit; kung ihahambing kay Job, ang inyong pananampalataya ay talagang hindi karapat-dapat na banggitin. Kayo ang mga kaaway ng Diyos, wala kayong takot sa Diyos, hindi kayo nakakatayo nang matatag sa inyong patotoo sa Diyos, at hindi ninyo kayang pagtagumpayan ang mga pag-atake, paratang at panunukso ni Satanas. Anong mayroon kayo upang maging karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako ng Diyos? Pagkatapos ninyong marinig ang kuwento ni Job at maintindihan ang layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao at ang kahulugan ng kaligtasan ng tao, kayo ba ngayon ay mayroon nang pananampalataya na tanggapin ang parehong mga pagsubok na gaya ni Job? Hindi ba’t dapat ay mayroon kayong kaunting kapasyahan upang tulutan ang inyong mga sarili na sundan ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan?

Huwag Magkaroon ng Pangamba sa mga Pagsubok ng Diyos

Pagkatapos makatanggap ng patotoo mula kay Job kasunod ng pagwawakas ng kanyang mga pagsubok, nagpasya ang Diyos na Siya ay makakakuha ng isang grupo—o higit pa sa isang grupo—ng mga tao na kagaya ni Job, ngunit nagpasya Siya na hindi na kailanman muling payagan si Satanas na atakihin o abusuhin ang sinumang tao gamit ang mga paraan kung paano nito tinukso, inatake, at inabuso si Job, sa pamamagitan ng pakikipagpustahan sa Diyos; hindi na kailanman pinahintulutan ng Diyos si Satanas na muling gawin ang mga ganoong bagay sa tao, na mahina, hangal, at mangmang—sapat na ang panunukso ni Satanas kay Job! Ang hindi pagpapahintulot kay Satanas na abusuhin ang mga tao sa anumang paraan na nais nito ay ang awa ng Diyos. Para sa Diyos, sapat na ang pagdurusa ni Job sa tukso at pang-aabuso ni Satanas. Hindi na kailanman pinahintulutan ng Diyos si Satanas na muling gawin ang mga ganoong bagay, dahil ang mga buhay at lahat ng bagay sa mga taong sumusunod sa Diyos ay pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos, at si Satanas ay walang karapatan na manipulahin ang mga hinirang ng Diyos sa anumang paraang gusto nito—dapat malinaw sa inyo ang puntong ito! Nagmamalasakit ang Diyos sa kahinaan ng tao, at nauunawaan ang kanyang kahangalan at kamangmangan. Bagama’t upang ang tao ay ganap na mailigtas, kailangan siyang ibigay ng Diyos kay Satanas, ayaw makita ng Diyos na pinaglalaruan na parang isang hangal at inaabuso ni Satanas ang tao, at hindi Niya nais na makita ang tao na laging nahihirapan. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at na ang Diyos ang namumuno at nagsasaayos sa lahat ng bagay na tungkol sa tao ay ganap na likas at may katwiran; ito ay ang responsibilidad ng Diyos, at ang awtoridad kung saan pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay! Hindi pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na abusuhin at tratuhin ang tao nang masama kung kailan nito gusto, hindi Niya pinahihintulutan si Satanas na gumamit ng iba’t ibang paraan upang iligaw ang tao, at higit pa rito, hindi Niya pinahihintulutan si Satanas na makialam sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa tao, at hindi niya pinahihintulutan si Satanas na tapakan at sirain ang mga batas kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, bukod pa sa dakilang gawain ng Diyos na pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang sinumang nais na iligtas ng Diyos, at ang mga taong nagawang magpatotoo sa Diyos, ay ang kaibuturan at tiyak na pagpapalinaw sa gawain ng anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos, pati na rin ang halaga ng Kanyang mga pagsusumikap sa Kanyang anim na libong taong gawain. Paano magagawa ng Diyos na basta na lamang ibigay ang mga taong ito kay Satanas?

Ang mga tao ay madalas na nag-aalala at natatakot sa mga pagsubok ng Diyos, gayunman, sa lahat ng oras sila ay nabubuhay sa bitag ni Satanas, at naninirahan sa mapanganib na teritoryo kung saan sila ay nilulusob at inaabuso ni Satanas—ngunit sila ay walang takot, at panatag. Ano ang nangyayari? Ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay limitado lamang sa mga bagay na kanyang makikita. Wala siya ni kaunting pagpapahalaga sa pagmamahal at pagmamalasakit ng Diyos para sa tao, o sa Kanyang pagmamahal at pagsasaalang-alang sa tao. Ngunit para sa isang maliit na pangamba at takot tungkol sa mga pagsubok, paghatol at pagkastigo ng Diyos, at sa Kanyang pagiging maharlika at poot, ang tao ay wala kahit kaunting pagkaunawa sa magagandang layunin ng Diyos. Sa pagbanggit ng mga pagsubok, ang pakiramdam ng tao ay para bang mayroong mga natatagong motibo ang Diyos, at ang ilan ay naniniwala pa na may masamang balak ang Diyos, walang kamalay-malay sa kung ano ang talagang gagawin ng Diyos sa kanila; dahil dito, kasabay ng pagsigaw na sumunod sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang pigilan at labanan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa tao at mga pagsasaayos para sa tao, dahil naniniwala sila na kung hindi sila maingat sila ay ililigaw ng Diyos, na kung hindi nila mahigpit na mahahawakan ang kanilang sariling mga kapalaran, ang lahat ng mayroon sila ay maaaring kunin ng Diyos, at maging ang kanilang buhay ay maaaring magwakas. Ang tao ay nasa kampo ni Satanas, ngunit siya ay hindi kailanman nag-aalala tungkol sa pang-aabuso ni Satanas, at siya ay inaabuso ni Satanas ngunit hindi kailanman natatakot na mabihag ni Satanas. Palagi niyang sinasabi na tinatanggap niya ang kaligtasan ng Diyos, subalit hindi niya kailanman pinagkatiwalaan ang Diyos o pinaniwalaan na ang Diyos ay tunay na magliligtas sa tao mula sa mga kuko ni Satanas. Tulad ni Job, kung magagawa ng tao na magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at magagawa niyang ibigay ang kanyang buong katauhan sa mga kamay ng Diyos, hindi ba’t ang katapusan ng tao ay magiging katulad ng naging katapusan ni Job—ang pagkatanggap ng mga pagpapala ng Diyos? Kung magagawa ng tao na tanggapin at magpasakop sa pamamahala ng Diyos, anong maiwawala roon? Kaya naman, iminumungkahi Ko na maging maingat kayo sa inyong mga kilos, at maingat sa lahat ng bagay na parating sa inyo. Huwag maging pangahas o pabigla-bigla, at huwag tratuhin ang Diyos at ang mga tao, pangyayari, at bagay na inayos Niya para sa inyo ayon sa inyong pagiging mainitin ang ulo o sa inyong likas na katangian, o ayon sa inyong mga imahinasyon at kuru-kuro; dapat kayong maging maingat sa inyong mga kilos, at dapat kayong manalangin at maghanap nang higit pa, upang maiwasan ninyo ang pag-udyok sa galit ng Diyos. Tandaan ito!

Susunod, titingnan natin ang kalagayan ni Job matapos ang kanyang mga pagsubok.

5. Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok

Job 42:7–9 At nangyari, na pagkatapos na masabi ni Jehova ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Jehova kay Eliphaz na Temanita, “Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagkat hindi kayo nangagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job. Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa Aking lingkod na si Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagkat siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagkat hindi kayo nangagsasalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng Aking lingkod na si Job.” Sa gayo’y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jehova: at nilingap ni Jehova si Job.

Job 42:10 At inalis ni Jehova ang pagkabihag ni Job, nang kayang idalangin ang kanyang mga kaibigan; at binigyan ni Jehova si Job na makalawa ang higit ng dami kaysa sa tinatangkilik niya dati.

Job 42:12 Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling wakas ni Job na higit kaysa sa kanyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.

Job 42:17 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.

Ang mga Natatakot sa Diyos at Lumalayo sa Kasamaan ay Tinitingnan ng Diyos nang may Pagtatangi, Habang ang mga Hangal ay Mababa sa Paningin ng Diyos

Sa Job 42:7–9, sinasabi ng Diyos na si Job ay Kanyang lingkod. Ang Kanyang paggamit ng salitang “lingkod” upang tukuyin si Job ay nagpapakita ng kahalagahan ni Job sa Kanyang puso; bagama’t hindi tinawag ng Diyos si Job gamit ang mas mataas na titulo, ang pangalang ito ay walang kinalaman sa kahalagahan ni Job sa loob ng puso ng Diyos. Ang “lingkod” dito ay palayaw ng Diyos para kay Job. Ang pagtukoy ng Diyos kay Job bilang “Aking lingkod na si Job” nang maraming beses ay nagpapakita ng Kanyang pagkalugod kay Job. Kahit hindi sinabi ng Diyos ang ibig sabihin ng salitang “lingkod,” ang kahulugan ng Diyos sa salitang “lingkod” ay makikita sa Kanyang mga salita sa siping ito na galing sa kasulatan. Unang sinabi ng Diyos kay Eliphaz na Temanita: “Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagkat hindi kayo nangagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job.” Ang mga salitang ito ay ang unang pagkakataon na ang Diyos ay lantarang nagsabi sa mga tao na tinanggap Niya ang lahat nang sinabi at ginawa ni Job matapos ang mga pagsubok sa kanya ng Diyos, at ang unang pagkakataon na Siya ay lantarang nagpatibay sa kawastuhan at katumpakan ng lahat ng ginawa at sinabi ni Job. Ang Diyos ay nagalit kay Eliphaz at sa iba dahil sa kanilang mali, at wala sa katwirang diskurso, dahil, gaya ni Job, hindi nila nakikita ang pagpapakita ng Diyos o naririnig ang mga salitang sinabi Niya sa kanilang buhay, subalit si Job ay may tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos, samantalang sila ay bulag na nanghula lamang tungkol sa Diyos, lumalabag sa kalooban ng Diyos at sinusubukan ang Kanyang pasensya sa lahat ng kanilang ginawa. Dahil dito, kasabay ng pagtanggap sa lahat ng ginawa at sinabi ni Job, ang Diyos ay napoot sa iba, sapagkat wala Siyang nakita sa kanila na anumang realidad ng takot sa Diyos, at wala rin Siyang narinig tungkol sa takot sa Diyos sa kanilang mga sinabi. At dahil dito, ang sumunod na ginawa ng Diyos ay ang utusan sila: “Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa Aking lingkod na si Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagkat siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan.” Sa siping ito, ang Diyos ay nagsabi kay Eliphaz at sa iba pa na gawin ang isang bagay na tutubos sa kanilang mga kasalanan, dahil ang kanilang kamangmangan ay isang kasalanan laban sa Diyos na si Jehova, at ganoon na nga, sila ay kailangang maghanda ng mga handog na susunugin upang malunasan ang kanilang mga pagkakamali. Ang mga sinunog na handog ay mga kadalasan nang iniaalay sa Diyos, ngunit ang hindi pangkaraniwan tungkol sa mga sinunog na handog na ito ay ang pag-aalay ng mga ito kay Job. Si Job ay tinanggap ng Diyos dahil nagpatotoo siya sa Diyos sa panahon ng kanyang mga pagsubok. Samantala, ang mga kaibigan na ito ni Job, ay naibunyag sa panahon ng kanyang mga pagsubok; dahil sa kanilang kamangmangan, sila ay kinondena ng Diyos, at inudyok nila ang poot ng Diyos, at dapat silang parusahan ng Diyos—parusahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga handog na susunugin sa harap ni Job—pagkatapos nito, ipinanalangin sila ni Job upang ilayo sa kanila ang kaparusahan at poot ng Diyos. Ang layunin ng Diyos ay upang magdala ng kahihiyan sa kanila, sapagkat sila ay mga taong walang takot sa Diyos at hindi lumayo sa kasamaan, at kinondena nila ang katapatan ni Job. Sa isang banda, sinabi sa kanila ng Diyos na hindi Niya tinanggap ang kanilang mga kilos ngunit lubos Niyang tinanggap at ikinatuwa si Job; sa isa pa, sinabi sa kanila ng Diyos na ang pagtanggap ng Diyos sa tao ay pagtataas sa tao sa harap ng Diyos, na ang tao ay kinamumuhian ng Diyos dahil sa kanyang kamangmangan, at nagkakasala sa Diyos dahil dito, at mababa at marumi sa paningin ng Diyos. Ito ang mga kahulugan na ibinigay ng Diyos sa dalawang uri ng mga tao, ito ang mga saloobin ng Diyos sa dalawang uring ito ng mga tao, at ito ang mga salita ng Diyos tungkol sa halaga at katayuan ng dalawang uring ito ng mga tao. Kahit na tinawag ng Diyos si Job na Kanyang lingkod, sa mata ng Diyos ang lingkod na ito ay minamahal, at binigyan ng awtoridad na manalangin para sa iba at patawarin sila sa kanilang mga pagkakamali. Itong “lingkod” na ito ay maaaring makipag-usap at ganap na makalapit sa Diyos, at ang kanyang katayuan ay mas mataas at mas marangal kaysa sa iba. Ito ay ang tunay na kahulugan ng salitang “lingkod” na sinabi ng Diyos. Si Job ay binigyan nitong natatanging karangalan dahil sa kanyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at ang dahilan kung bakit hindi tinawag ang iba na mga lingkod ng Diyos ay dahil hindi sila natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang dalawang maliwanag na magkaibang uri ng mga saloobin ng Diyos ay ang Kanyang mga saloobin sa dalawang uri ng mga tao: Ang mga taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan ay tinatanggap ng Diyos, at nakikita bilang mahalaga sa Kanyang mga mata, habang ang mga taong hangal na hindi natatakot sa Diyos, ay hindi nakakayanang lumayo sa kasamaan, at hindi maaaring tumanggap ng pabor sa Diyos; sila ay madalas na kinapopootan at kinokondena ng Diyos, at mababa sa paningin ng Diyos.

Ang Diyos ay Nagbibigay ng Awtoridad kay Job

Si Job ay nanalangin para sa kanyang mga kaibigan, at pagkatapos nito, dahil sa mga panalangin ni Job, hindi na sila pinakitunguhan ng Diyos ayon sa kanilang kamangmangan—hindi Niya sila pinarusahan o ginawan ng anumang pagganti. At bakit ganoon? Dahil umabot sa Kanyang tainga ang mga panalangin para sa kanila ng lingkod ng Diyos, na si Job; pinatawad sila ng Diyos dahil tinanggap Niya ang mga panalangin ni Job. At ano ang nakikita natin dito? Kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, Siya ay nagbibigay sa kanila ng maraming gantimpala, at hindi lamang mga materyal na pagpapala: Ang Diyos ay nagbibigay rin sa kanila ng awtoridad, at ginagawa silang karapat-dapat na manalangin para sa iba, at kinakalimutan ng Diyos, at pinapalampas ang mga paglabag ng mga taong iyan dahil naririnig Niya ang mga panalanging ito. Ito mismo ang awtoridad na ibinigay ng Diyos kay Job. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni Job upang ihinto ang pagkokondena sa kanila, nagdala ang Diyos na si Jehova ng kahihiyan sa hangal na mga taong ito—na, natural lamang, ay siya ring natatanging kaparusahan Niya para kay Eliphaz at sa iba pa.

Si Job ay Muling Pinagpala ng Diyos, at Hindi na Kailanman Muling Pinaratangan ni Satanas

Kabilang sa mga pabigkas ng Diyos na si Jehova ang mga salita na “hindi kayo nangagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job.” Ano itong sinabi ni Job? Ito ang dati na nating napag-usapan, pati na rin ang maraming pahina ng mga salita sa Aklat ni Job kung saan naitala na nangusap si Job. Sa lahat ng mga pahinang ito ng mga salita, hindi kailanman nagsabi si Job ng anumang reklamo o agam-agam tungkol sa Diyos. Hinintay lamang niya ang kalalabasan. Ang paghihintay na ito, na kanyang saloobin ng pagkamasunurin, ang nagbunga, at bilang resulta ng mga salitang sinabi niya sa Diyos, si Job ay tinanggap ng Diyos. Nang siya ay nagtiis sa mga pagsubok at dumanas ng paghihirap, ang Diyos ay nasa kanyang tabi, at kahit na ang kanyang paghihirap ay hindi nabawasan sa pamamagitan ng presensya ng Diyos, nakita ng Diyos kung ano ang nais Niyang makita, at narinig kung ano ang ibig Niyang marinig. Ang bawat isa sa mga kilos at salita ni Job ay umabot sa mga mata at tainga ng Diyos; narinig ng Diyos, at nakita Niya—at ito ang totoo. Ang kaalaman ni Job sa Diyos, at ang kanyang mga naiisip tungkol sa Diyos na palaging nasa kanyang puso, noong panahong iyon, ay hindi kasing tiyak ng mga naiisip ng tao sa panahon ngayon, ngunit sa konteksto ng oras, kinilala pa rin ng Diyos ang lahat ng kanyang mga sinabi, dahil ang kanyang pag-uugali at ang kanyang mga naiisip sa kanyang puso, at kung ano ang kanyang ipinahayag at ibinunyag, ay sapat na para sa Kanyang mga hinihingi. Noong mga panahon na si Job ay sumailalim sa mga pagsubok, ang naisip niya sa puso niya at ang pinagpasyahan niyang gawin ay nagpakita sa Diyos ng isang kalalabasan, na kasiya-siya sa Diyos, at pagkatapos ay inalis ng Diyos ang mga pagsubok ni Job, si Job ay nangibabaw mula sa kanyang mga problema, at ang kanyang mga pagsubok ay nawala at hindi na kailanman muling bumalik sa kanya. Dahil si Job ay napasailalim na sa mga pagsubok, at nakatayo nang matatag sa panahong ito ng mga pagsubok, at ganap na nagtagumpay laban kay Satanas, binigyan siya ng Diyos ng mga biyaya na karapat-dapat lamang sa kanya. Gaya ng nakasulat sa Job 42:10, 12, si Job ay pinagpalang muli, at pinagpala nang higit pa sa dati. Sa oras na ito si Satanas ay sumuko, at hindi na nagsalita o gumawa ng anumang bagay, at mula noon ay hindi na ginulo o inatake ni Satanas si Job, at si Satanas ay hindi na nagparatang laban sa mga pagpapala ng Diyos kay Job.

Ginugol ni Job ang Huling Kalahati ng Kanyang Buhay sa Gitna ng mga Pagpapala ng Diyos

Kahit na ang Kanyang mga pagpapala nang panahong iyon ay limitado sa mga tupa, baka, kamelyo, materyal na mga ari-arian, at iba pa, ang mga pagpapalang nais ng Diyos na ipagkaloob kay Job sa Kanyang puso ay higit pa kaysa sa mga ito. Sa panahon na iyon may naitala ba kung anong uri ng walang hanggang mga pangako ang ninais na ibigay ng Diyos kay Job? Sa Kanyang mga pagpapala kay Job, ang Diyos ay hindi nagbanggit o nagsabi ng anumang tungkol sa katapusan ni Job, at anuman ang kahalagahan o posisyon na mayroon si Job sa puso ng Diyos, sa kabuuan, tumpak ang pagsukat ng Diyos sa Kanyang mga pagpapala. At hindi inihayag ng Diyos ang katapusan ni Job. Ano ang ibig sabihin nito? Sa pagkakataong ito, kapag ang plano ng Diyos ay hindi pa umaabot sa punto ng pagpapahayag ng katapusan ng tao, ang plano ay hindi pa pumapasok sa huling yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay walang sinasabi tungkol sa katapusan, at nagbibigay lamang ng mga materyal na biyaya sa tao. Ibig sabihin nito, ang huling kalahating buhay ni Job ay ginugol niya sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit siya naging kakaiba sa ibang tao—ngunit katulad nila siya ay tumanda, at tulad ng sinumang karaniwang tao, dumating din ang araw na siya ay nagpaalam sa mundo. Kaya ito naitala na “Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan” (Job 42:17). Ano ang ibig sabihin ng “namatay na puspos ng kaarawan” dito? Noong panahon bago ipinahayag ng Diyos ang katapusan ng tao, nagtakda na ang Diyos ng inaasahang haba ng buhay ni Job, at nang umabot na sa edad na iyon, hinayaan na Niya ang likas na paglisan ni Job sa daigdig na ito. Mula sa ikalawang pagpapala kay Job hanggang sa kanyang kamatayan, ang Diyos ay hindi na nagdagdag pa ng anumang paghihirap. Para sa Diyos, ang pagkamatay ni Job ay likas lamang, at kinakailangan din; ito ay isang bagay na napaka-karaniwan, at hindi isang paghatol o pagkokondena. Habang siya ay nabubuhay pa, sumamba si Job at nanatiling may takot sa Diyos; patungkol sa kung anong uri ng katapusan mayroon siya kasunod ng kanyang kamatayan, walang sinabi ang Diyos, at hindi Siya gumawa ng anumang komento tungkol dito. Lubos na ginagawang angkop ng Diyos ang Kanyang sinasabi at ginagawa, at ang nilalaman at mga prinsipyo ng Kanyang mga salita at mga kilos ay ayon sa yugto ng Kanyang gawain at sa panahon kung kailan Siya gumagawa. Anong uri ng katapusan ang mayroon ang isang tao na gaya ni Job sa puso ng Diyos? Nagkaroon ba ang Diyos ng anumang uri ng desisyon sa Kanyang puso? Natural na mayroon! Ito ay hindi na lamang ipinaalam sa tao; hindi na ito nais pang sabihin ng Diyos sa tao, at wala rin Siyang anumang balak na sabihin ito sa tao. Dahil dito, sa madaling salita, si Job ay pumanaw na puspos ng mga taon, at ganito ang buhay ni Job.

Ang Halagang Isinabuhay ni Job sa Kanyang Buong Buhay

Nabuhay ba si Job nang may kabuluhan? Nasaan ang kabuluhan? Bakit sinabi na nabuhay siya nang may kabuluhan? Sa tao, ano ang kanyang halaga? Mula sa paningin ng tao, kinatawan niya ang sangkatauhan na nais iligtas ng Diyos, at nagdadala ng isang maugong na patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas at ng mga tao sa mundo. Tinupad niya ang tungkulin na dapat na tuparin ng isang nilalang ng Diyos, nagtakda ng isang mabuting halimbawa, at kumilos bilang isang huwaran, para sa lahat ng nais iligtas ng Diyos, na nagpahintulot sa mga tao upang makita na maaaring magtagumpay nang ganap laban kay Satanas sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. Ano ang kanyang halaga sa Diyos? Sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job ay nasa kanyang kakayahan na magkaroon ng takot sa Diyos, sumamba sa Diyos, magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, at purihin ang mga gawa ng Diyos, na nagdadala ng kaginhawahan sa Diyos at isang bagay na kasiya-siya; sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job ay makikita rin sa kung paano, bago ang kanyang kamatayan, naranasan ni Job ang mga pagsubok at nagtagumpay laban kay Satanas, at nagkaroon ng umuugong na patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas at ng mga tao ng daigdig, upang magtamo ng kaluwalhatian ang Diyos sa gitna ng sangkatauhan, inaaliw ang Kanyang puso, at pinahihintulutan ang Kanyang sabik na puso na masdan ang isang kinalabasan at makita ang pag-asa. Ang kanyang patotoo ay nagtakda ng isang maaaring pamarisan para sa kakayahan na maging matatag sa patotoo ng tao sa Diyos, at nagpadala ng kahihiyan kay Satanas sa ngalan ng Diyos, sa gawain ng Diyos na pamahalaan ang sangkatauhan. Hindi ba ito ang halaga ng buhay ni Job? Si Job ay nagdulot ng kaginhawahan sa puso ng Diyos, ibinigay niya sa Diyos ang patikim sa saya ng pagtatamo ng kaluwalhatian, at nagbigay ng isang kahanga-hangang simula para sa plano ng pamamahala ng Diyos. Mula sa puntong ito, ang pangalan na Job ay naging isang simbolo ng pagtatamo ng kaluwalhatian ng Diyos, at isang tanda ng pagtatagumpay ng sangkatauhan laban kay Satanas. Ang isinabuhay ni Job buong buhay niya at ang kanyang kapansin-pansin na tagumpay laban kay Satanas ay itatangi ng Diyos magpakailanman, at ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at takot sa Diyos ay igagalang at tutularan ng mga henerasyon na darating. Siya ay itatangi ng Diyos magpakailanman tulad ng isang walang-kapintasan at makinang na perlas, at dahil dito siya ay karapat-dapat na pahalagahan din ng tao!

Susunod, tingnan natin ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan.

D. Ang mga Alituntunin sa Kapanahunan ng Kautusan

Ang Sampung Utos

Ang mga Prinsipyo para sa Paggawa ng mga Altar

Mga Alituntunin para sa Pakikitungo sa mga Tagapaglingkod

Mga Alituntunin para sa Pagnanakaw at Kabayaran

Pagpapanatili ng Taon ng Sabbath at ang Tatlong Pista

Mga Alituntunin para sa Araw ng Sabbath

Mga Alituntunin para sa mga Handog

Mga Sinunog na Handog

Mga Handog na Harina

Mga Handog para sa Kapayapaan

Mga Handog para sa Kasalanan

Mga Handog para sa Pagkakasala

Mga Alituntunin para sa mga Handog ng mga Saserdote (Si Aaron at ang Kanyang mga Anak na Lalaki ay Inutusang Sumunod)

Mga Sinunog na Handog ng mga Saserdote

Mga Handog na Harina ng mga Saserdote

Mga Handog para sa Kasalanan ng mga Saserdote

Mga Handog para sa Pagkakasala ng mga Saserdote

Mga Handog para sa Kapayapaan ng mga Saserdote

Mga Alituntunin para sa Pagkain ng Handog ng mga Saserdote

Malinis at Hindi Malinis na mga Hayop (Ang mga Maaari at Hindi Maaaring Kainin)

Mga Alituntunin para sa Pagpapadalisay sa mga Babae Matapos Manganak

Mga Pamantayan para sa Pagsusuri ng Ketong

Mga Alituntunin Para sa mga Pinagaling mula sa Ketong

Mga Alituntunin para sa Paglilinis ng mga Nahawaang Bahay

Mga Alituntunin para sa mga Naghihirap Mula sa Hindi Pangkaraniwang Pagtagas

Ang Araw ng Pagbabayad-puri na Dapat Maganap Isang Beses sa Isang Taon

Mga Panuntunan para sa Pagpatay ng mga Baka at Tupa

Ang Pagbabawal sa Pagsunod sa mga Kasuklam-suklam na Gawain ng mga Hentil (Hindi Pakikiapid sa Kadugo at Iba pa)

Mga Alituntunin na Dapat Sundin ng mga Tao (“Kayo’y magpakabanal; sapagkat Akong si Jehova ninyong Diyos ay banal” (Levitico 19:2))

Ang Pagbibitay sa mga Nagsakripisyo ng Kanilang mga Anak kay Molec

Mga Alituntunin para sa Kaparusahan sa Krimen ng Pakikiapid

Mga Panuntunan na Dapat Sundin ng mga Saserdote (Mga Panuntunan para sa Kanilang Pang-araw-araw na Pag-uugali, Panuntunan para sa Paggamit ng Banal na Bagay, Panuntunan para sa Paggawa ng Handog, at Iba pa)

Mga Kapistahan na Dapat Ganapin (Ang Araw ng Sabbath, Paskua, Pentecostes, ang Araw ng Pagbabayad-puri, at Iba pa)

Iba pang mga Alituntunin (Pagsusunog ng mga Lampara, ang Taon ng Jubileo, ang Pagtubos ng Lupa, Paggawa ng mga Panata, ang Paghahandog ng Ikapu, at Iba pa)

Ang mga Alituntunin ng Kapanahunan ng Kautusan ay ang Tunay na Katibayan ng Pamamahala ng Diyos sa Buong Sangkatauhan

Totoo ngang nabasa ninyo ang mga alituntunin at prinsipyo ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi ba? Malawak ba ang saklaw ng mga alituntuning ito? Una, sinasakop nito ang Sampung Utos, matapos ay ang mga alituntunin kung paano bumuo ng mga dambana, at iba pa. Ang mga ito ay sinundan ng mga alituntunin para sa pagpapanatili ng Sabbath at pagdiriwang ng tatlong pista, matapos ay ang mga alituntunin tungkol sa mga handog. Nakita ba ninyo kung ilang uri ng handog ang mayroon? May mga handog na susunugin, handog na harina, handog para sa kapayapaan, handog para sa kasalanan, at iba pa. Ang mga ito ay sinundan ng mga alituntunin para sa mga handog ng mga saserdote, kabilang ang mga handog na susunugin at mga handog na harina ng mga saserdote, at iba pang mga uri ng mga handog. Ang ikawalong alituntunin ay para sa pagkain ng mga handog ng mga saserdote. At pagkatapos ay may mga alituntunin para sa kung ano ang dapat sundin sa panahon ng pamumuhay ng mga tao. May mga pagtatakda para sa maraming aspeto ng mga buhay ng mga tao, tulad ng mga alituntunin para sa kung ano ang kanilang maaari o hindi maaaring kainin, para sa pagpapadalisay ng mga babae matapos manganak, at para sa mga taong pinagaling sa ketong. Sa mga alituntunin na ito, ang Diyos ay lubhang nagsalita ng patungkol sa mga sakit, at mayroon pang mga panuntunan para sa pagpatay ng mga tupa at mga baka, at iba pa. Ang mga tupa at mga baka ay nilikha ng Diyos, at dapat mong patayin ang mga ito sa kung paano sa iyo sabihin ng Diyos; walang pagdududa na mayroong dahilan ang mga salita ng Diyos, at walang duda na tama lang na kumilos nang naaayon sa atas ng Diyos, at tiyak na kapaki-pakinabang sa mga tao! Mayroon ding mga kapistahan at mga panuntunan na dapat ganapin, tulad ng Araw ng Sabbath, Paskua, at marami pa—sinabi ng Diyos ang lahat ng ito. Tingnan natin ang mga nahuhuli: iba pang mga alituntunin—pagsusunog ng mga lampara, ang taon ng jubileo, ang pagtubos ng lupa, paggawa ng mga panata, ang paghahandog ng ikapu, at iba pa. Malawak ba ang saklaw nito? Ang unang bagay na dapat pag-usapan ay ang usapin tungkol sa handog ng mga tao, pagkatapos ay ang mga alituntunin para sa pagnanakaw at kabayaran, at ang pagsunod sa araw ng Sabbath…; bawat isang bahagi ng buhay ay kasama. Ibig sabihin, nang nagsimula ang Diyos sa opisyal na gawain ng Kanyang plano ng pamamahala, naglatag Siya ng maraming alituntunin na dapat sundin ng tao. Ang mga alituntunin na ito ay hinayaan ang tao na magkaroon ng normal na buhay sa mundo, isang pangkaraniwang buhay ng tao na hindi maihihiwalay sa Diyos at sa Kanyang patnubay. Unang sinabi ng Diyos sa tao kung paano gumawa ng mga dambana, paano ilagay ang mga dambana. Pagkatapos, sinabi Niya sa tao kung paano gumawa ng mga handog, at itinatag kung paano dapat mabuhay ang tao—kung ano ang dapat niyang bigyang-pansin sa buhay, kung ano ang dapat niyang sundin, kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Ang ibinigay ng Diyos para sa tao ay sumasakop sa lahat, at sa mga kaugalian, alituntunin, at mga prinsipyo na ito ay nagbigay Siya ng mga pamantayan para sa pag-uugali ng mga tao, ginabayan Niya ang kanilang mga buhay, ginabayan ang kanilang pagtanggap sa mga kautusan ng Diyos, ginabayan sila sa paglapit sa harap ng dambana ng Diyos, pinatnubayan sila sa pagkakaroon ng buhay sa gitna ng lahat ng bagay na ginawa ng Diyos para sa tao nang may kaayusan, regularidad, at pagka-katamtaman. Unang ginamit ng Diyos ang mga simpleng alituntunin at mga prinsipyo upang magtakda ng mga hangganan para sa tao, upang sa lupa ay magkaroon ang tao ng isang normal na buhay na sumasamba sa Diyos, magkaroon ng normal na buhay ng tao; ito ang tiyak na nilalaman ng panimula ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala. Ang mga alituntunin at mga panuntunan ay sumasakop sa napakalawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan, sila ay kailangang tanggapin at sundin ng mga tao na dumating bago pa man ang Kapanahunan ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.

Ang Sangkatauhan ay Habambuhay na Hindi Maihihiwalay Mula sa mga Katuruan at Panustos ng Diyos

Sa mga alituntuning ito nakikita natin na ang saloobin ng Diyos sa Kanyang gawain, sa Kanyang pamamahala, at sa sangkatauhan ay lubhang seryoso, matapat, mahigpit, at responsable. Ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin sa sangkatauhan ayon sa Kanyang mga hakbang, nang walang kahit na maliit na pagkakaiba-iba, pinapahayag ang mga salita na dapat Niyang sabihin sa sangkatauhan nang walang katiting na pagkakamali o pagkukulang, na nagpapahintulot sa tao na makita na siya ay hindi maaaring ihiwalay mula sa pamumuno ng Diyos, at pinakikita lamang sa kanya kung gaano kahalaga ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos sa sangkatauhan. Kung ano man ang tao sa susunod na kapanahunan, sa pinakasimula—sa Kapanahunan ng Kautusan—ginawa ng Diyos ang mga simpleng bagay na ito. Sa Diyos, ang mga konsepto ng tao tungkol sa Kanya, sa mundo, at sa sangkatauhan sa kapanahunang iyon ay mahirap unawain at malabo, at kahit na sila ay nagkaroon ng ilang may kamalayang mga ideya at intensyon, ang lahat ng ito ay hindi malinaw at hindi tama, at dahil dito, ang sangkatauhan ay hindi maaaring mahiwalay mula sa mga katuruan ng Diyos at mga pantustos para sa kanila. Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang nalalaman, at dahil dito, kinailangang simulan ng Diyos ang pagtuturo sa kanila mula sa pinakamababaw at mga pangunahing prinsipyo para patuloy na mabuhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang paunti-unti. Sa pamamagitan ng mga patakarang ito, na nagmumula sa mga salita, at sa pamamagitan ng mga alituntuning ito, binigyan Niya ang tao ng unti-unting pagkaunawa sa Kanya, isang unti-unting pagpapahalaga at pag-unawa sa Kanyang pamumuno, at isang pangunahing konsepto ng ugnayan sa pagitan Niya at ng tao. Pagkatapos makamit ang epektong ito, saka lamang nakapagsimula ang Diyos, unti-unti, na gawin ang gawaing gagawin Niya sa bandang huli. Dahil dito, ang mga alituntuning ito at gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang saligan ng Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos. Bagama’t bago ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Diyos ay nagsabi kay Adan, Eba, at sa kanilang mga inapo, na ang mga utos at mga aral na ito ay hindi masyadong sistematiko o tiyak na kailangang sabihin nang paisa-isa sa tao, at hindi nakasulat ang mga ito, at hindi naging mga alituntunin ang mga ito. Ito ay sa dahilang noong panahong iyon, ang plano ng Diyos ay hindi pa ganoon kalawak; kapag nagabayan na ng Diyos ang tao sa hakbang na ito, saka lamang Niya maaaring simulan na sabihin ang mga alintuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan, at magsimulang ipagawa ang mga ito sa mga tao. Ito ay isang kinakailangang proseso, at ang kalalabasan ay hindi maiiwasan. Ang mga simpleng kaugalian at alituntunin na ito ay nagpapakita sa tao ng mga hakbang ng gawain ng pamamahala ng Diyos at ang karunungan ng Diyos na naibunyag sa Kanyang plano ng pamamahala. Alam ng Diyos kung ano ang nilalaman at mga paraan na gagamitin upang magsimula, kung ano ang mga paraang gagamitin upang magpatuloy, at kung anong paraan ang gagamitin upang tapusin ito, para makamtan Niya ang grupo ng mga tao na magpapatotoo sa Kanya, at para makamtan ang grupo ng mga tao na may pag-iisip na katulad ng sa Kanya. Alam Niya kung ano ang nasa loob ng tao, at alam Niya kung ano ang kulang sa tao, alam Niya kung ano ang dapat Niyang ibigay, at kung paano Siya dapat mamuno sa tao, at alam din Niya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng tao. Ang tao ay parang isang papet: Kahit na siya ay walang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, hindi niya mapipigilan ang mapamunuan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, sa bawat hakbang, hanggang sa araw na ito. Walang kalabuan sa puso ng Diyos tungkol sa kung ano ang dapat Niyang gawin; sa Kanyang puso ay mayroong isang napakalinaw at matingkad na plano, at isinagawa Niya ang gawain na Siya Mismo ang nagnais na gawin ayon sa Kanyang mga hakbang at sa Kanyang plano, sumusulong mula sa mababaw hanggang sa malalim. Kahit na hindi Niya ipinahiwatig ang gawain na dapat Niyang gawin sa susunod, ang Kanyang kasunod na gawain ay patuloy pa ring naisasagawa at sumusulong nang lubos alinsunod sa Kanyang plano, na isang pagpapamalas ng kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos, at ito rin ang awtoridad ng Diyos. Anumang yugto ng Kanyang plano ng pamamahala ang ginagawa Niya, ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang diwa ay kumakatawan sa Kanya Mismo. Ito ay lubusang totoo. Anuman ang kapanahunan, o ang yugto ng gawain, kung anong uri ng mga tao ang mahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinapopootan Niya, ang Kanyang disposisyon at lahat ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Kahit na ang mga alituntunin at prinsipyong ito na itinatag ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay tila napakasimple at mababaw sa mga tao ngayon, at kahit na ang mga ito ay madaling maunawaan at makamit, mayroon pa ring karunungan ng Diyos sa mga ito, at naroon pa rin ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya. Sa loob ng mga tila simpleng alituntuning ito ay naipahayag ang responsibilidad ng Diyos at pag-aalaga sa sangkatauhan, at ang katangi-tanging diwa ng Kanyang mga pag-iisip, na nagpapahintulot sa tao na lubos na maunawaan ang katunayan na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay kontrolado ng Kanyang kamay. Gaano man kadalubhasa sa kaalaman ang sangkatauhan, o kung gaano karaming teorya o misteryo ang kanyang nauunawaan, sa Diyos, wala sa mga ito ang may kakayahan na palitan ang Kanyang panunustos at pamumuno sa sangkatauhan; hindi kailanman maihihiwalay ang sangkatauhan mula sa patnubay ng Diyos at personal na gawain ng Diyos. Ganito ang hindi mapaghihiwalay na kaugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Kung nagbibigay man sa iyo ang Diyos ng isang utos, o alituntunin, o nagbibigay ng katotohanan upang iyong maunawaan ang Kanyang kalooban, kahit na ano ang ginagawa Niya, ang layon ng Diyos ay ang gabayan ang tao tungo sa isang magandang kinabukasan. Ang mga salitang binigkas ng Diyos at ang gawain na ginagawa Niya ay parehong mga pagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang diwa, at ang mga pagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang karunungan, ito ay mga kinakailangang hakbang sa Kanyang plano ng pamamahala. Ito ay hindi dapat makaligtaan! Ang kalooban ng Diyos ay nasa anumang ginagawa Niya; ang Diyos ay hindi natatakot sa mga hindi angkop na pananalita, at hindi rin Siya natatakot sa anumang mga kuru-kuro o pag-iisip ng tao tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa Kanyang pamamahala, alinsunod sa Kanyang plano ng pamamahala, na hindi mapipigilan ng sinumang tao, o anumang bagay.

Iyan na lamang muna para sa ngayon. Hanggang sa susunod nating pagkikita!

Nobyembre 9, 2013

Sinundan: Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Sumunod: Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito