198 Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos

I

Ang unang pagkakatawang-tao’y

tumubos sa tao sa kasalanan

dahil sa katawang-tao ni Jesus.

Iniligtas Niya’ng tao sa krus,

ngunit nanatili sa tao’ng

tiwaling satanikong disposisyon.

Ang ikalawang pagkakatawang-tao’y

‘di handog sa kasalanan,

kundi upang iligtas yaong tinubos.


Upang yaong mga napatawad na’y mailigtas

mula sa kasalanan nila’t gawing lubos na malinis;

sa pagkakamit ng nabagong disposisyon,

makakawala sila sa

madilim na impluwensya ni Satanas,

at makakabalik sa trono ng Diyos.

Tao’y magiging banal sa ganito lamang.


II

Makakasama lang ng Diyos ang tao,

maranasan ang hirap ng mundo,

sa pagkakatawang-tao Niya Mismo.

Sa ganito lang kaya Niyang ibigay ang paraang

kailangan nila bilang mga nilalang.

Sa pagkakatawang-tao ng Diyos

nakakatanggap ang tao ng kaligtasan,

‘di mula sa langit bilang sagot sa panalangin.


Dahil may laman at dugo,

tao’y ‘di makita’ng Espiritu ng Diyos,

at mas lalong ‘di Siya kayang malapitan ng tao.

Tao’y kaya lang makaugnayan

ang Diyos ‘pag Siya ay nagkatawang-tao.

Sa ganito lang kayang maunawaan

ng tao’ng paraan

at katotohanan at matanggap ang kaligtasan.


III

Kasalanan ng tao’y lilinisin, siya’y dadalisayin

nang sapat ng pangalawang pagkakatawang-tao.

Mula no’n gawain ng Diyos sa katawang-tao’y titigil,

makukumpleto Niya’ng kabuluhan

ng pagkakatawang-tao Niya.

Ang Kanyang buong pamamahala ay magtatapos.

Siya’y ‘di magiging katawang-tao

sa pangatlong beses.


Sa pagkakatawang-tao ng mga huling araw,

mga hinirang na tao Niya’y buong makakamit,

at sa mga huling araw ang buong sangkatauhan

ay mapaghihiwalay na ayon sa uri.

‘Di na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas,

o babalik sa katawang-tao

upang magsagawa ng anuman.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4

Sinundan: 197 Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos ay para sa Iligtas ang Tao

Sumunod: 199 Ang Kahulugan ng Pagkakatawang-tao ay Nakukumpleto sa Pagkakatawang-tao sa mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito