Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 8 Ang mga Katapusan para sa Iba’t Ibang Uri ng Tao at ang Pangako ng Diyos sa Tao

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin hihigit sa anim-na-libong taon. At sa gayon, napapanahon na. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu na nagkokontrol-ng-lahat. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Huhubugin Kong muli ang sangkatauhan, isang sangkatauhan na banal, at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa. Nguni’t alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalulupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang karumal-dumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na natipon mula sa lahat niyaong Aking mga natamo. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, maaabala, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong nagtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalulupig Ko na ngayon at nagtatamo ng Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nalulupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na maliligtas at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking naililigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuu-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.

—mula sa “Walang Sinumang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan, at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi pagmamalabisan ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya. Batay sa iba’t iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at lahat ng matagumpay sa gitna ng kapighatian ay magiging kalipunan ng saserdote sa loob ng kaharian. Ang mga kalipunan ng saserdote ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong sansinukob ay natapos na. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang pagganap sa kanyang tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging mga punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging mga anak na lalaki at mga tao ng Diyos. Ito ay malalaman lahat sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa panahon ng kapighatian; hindi lamang ito mga titulo na ibinibigay lamang batay sa kagustuhan. Sa sandaling ang katayuan ng tao ay naitatag na, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay pinagsasama-sama ayon sa uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na kalagayan, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ng pagsasagawa ng tao, at ang pagkakabuu-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ng pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makakasumpong ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, at ang Diyos, rin, ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga ang iniisip lamang nila ay ang kanilang laman at gusto ng kaaliwan, yaong ang pananampalataya ay malabo, yaong mga nakikibahagi sa panggagaway at pangkukulam, yaong mga walang delikadesa, at gula-gulanit at gusut-gusot, yaong mga nagnanakaw ng hain kay Jehova at ng kung anong mayroon Siya, yaong mga umiibig sa mga suhol, yaong mga basta na lamang nangangarap ng pagpunta sa langit, yaong mga mapagmataas at palalo, at nagsisikap lamang para sa katanyagan at kayamanan, yaong mga nagpapalaganap ng walang pakundangang mga salita, yaong mga namumusong sa Diyos Mismo, yaong mga walang ginagawang anuman maliban sa paggawa ng mga paghatol laban sa at paninira sa Diyos Mismo, yaong mga pinagtutulungan ang iba at nagtatangkang bumuo ng sariling pangkat, yaong mga itinatanyag ang mga sarili nang mas mataas kaysa sa Diyos, yaong mga di-seryosong binata at dalaga, at mga may-edad na at matatandang lalaki at babae na nabitag sa kahalayan, yaong mga lalaki at mga babae na tinatamasa ang pansariling katanyagan at kayamanan at hinahangad ang pansariling katayuan kasama ng iba pa, yaong mga taong di-nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila lahat ay malayo sa kaligtasan? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, panggagaway, pangkukulam, pagmumura, at walang-pakundangang mga salita ay laganap sa inyo habang niyuyurakan ninyo ang mga salita ng katotohanan at buhay, at ang banal na pananalita ay binigyang kahulugan sa inyo. Kayong mga Gentil, namamaga sa karumihan at pagsuway! Saan kayo magtatapos? Anong lakas ng loob ng yaong mga umiibig sa laman, na gumagawa ng masasamang gawa ng laman, at nabitag sa mahahalay na kasalanan na manatiling nabubuhay? Hindi mo ba nalalaman na ang mga taong kagaya ninyo ay mga uod na malayo sa kaligtasan? Ano ang inyong karapatan upang hilingin ang ganito at ganoon? Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ni katiting na pagbabago sa kanila na hindi umiibig sa katotohanan at ang iniibig lamang ay ang laman—kaya paano maliligtas ang gayong mga tao? Maging sa kasalukuyan, yaong mga hindi umiibig sa daan ng buhay, na hindi dumadakila sa Diyos at hindi nagpapatotoo sa Kanya, na nadadaya sa kapakanan ng kanilang mga kalagayan, na pinupuri ang kanilang mga sarili—hindi ba sila magkakapareho lamang? Nasaan ang halaga sa pagliligtas sa kanila? Kung ang tao ay maliligtas ay hindi nakasalalay sa kung gaano ka kakarapat-dapat, o kung ilang taon ka nang gumagawa, lalong hindi kung gaano karami ang iyong mga patunay. Ito ay nakasalalay sa kung ang iyong paghahabol ay nagbunga na. Dapat mong malaman na yaong mga ligtas ay ang mga “puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na mayroong mayayabong na dahon at saganang bulaklak nguni’t hindi nagbubunga. Kahit na gumugol ka ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ngayon? Nasaan ang iyong patotoo? Ang iyong paggalang sa Diyos ay higit na mababa kaysa sa pag-ibig mo sa iyong sarili at iyong pagpapakalabis sa kahalayan—hindi ba ang isang kagaya nito ay isang mababang-uri? Paano sila magiging isang uliran at modelo para sa kaligtasan? Ang iyong kalikasan ay hindi maaaring baguhin, masyado kang mapanghimagsik, ikaw ay malayo sa kaligtasan! Hindi ba gayon ang uri ng mga tao na aalisin? Ang panahon ba kapag natapos ang Aking gawain ay hindi ang panahon ng pagdating ng iyong huling araw? Gumawa na Ako ng napakaraming gawain at nagsalita ng napakaraming salita sa inyo—gaano karami rito ang nagdaan sa inyong mga tainga? Gaano karami rito ang kailanman ay sinunod ninyo? Kapag natapos ang Aking gawain ay gayundin titigil ka sa paglaban sa Akin at pagtindig laban sa Akin. Sa panahon ng Aking gawain, palagi kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo kailanman tumalima sa Aking mga salita. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ka ng sarili mong maliit na kaharian—kayong kawan ng mga alamid at mga aso, lahat ng inyong ginagawa ay laban sa Akin! Palagi ninyong sinusubukang dalhin yaong mga kayo lamang ang iniibig sa inyong pagkalinga—nasaan ang inyong paggalang? Ang lahat ng inyong ginagawa ay mapanlinlang! Wala kayong pagkamasunurin o paggalang—lahat ng inyong ginagawa ay mapanlinlang at mapamusong! Ang gayon bang mga tao ay maliligtas? Ang mapakiapid, mahahalay na mga tao ay palaging gustong hilahin papunta sa kanila yaong mga kiring mga patutot para sa kanilang sariling kasiyahan. Lubos na hindi Ko ililigtas ang gayong mapakiapid na imoral na mga demonyo. Kinasusuklaman Ko kayong maruruming demonyo, ilulublob kayo ng inyong kahalayan at kalandian sa impiyerno—ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Kayong maruruming demonyo at masasamang espiritu ay talagang nakakadiri! Kayo’y kasuklam-suklam! Paano maliligtas ang gayong basura? Yaon bang mga nagapos sa kasalanan ay maliligtas pa rin? Ngayon, ang katotohanang ito, ang ganitong paraan, at ang buhay na ito ay walang pang-akit sa inyo; naaakit kayo sa pagiging makasalanan, sa salapi, pagtindig, katanyagan at pakinabang, sa mga kasiyahan sa laman, ang kaguwapuhan ng mga lalaki at kalandian ng mga babae. Ano ang karapatan ninyo upang pumasok sa Aking kaharian? Ang inyong anyo ay mas dakila pa kaysa sa Diyos, ang inyong kalagayan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, idagdag pa ang inyong karangalan sa mga tao—kayo ay naging idolo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba’t ikaw ay naging ang arkanghel? Kapag ang kalalabasan ng tao ay nabunyag, na siya ring kapag malapit nang magwakas ang gawaing pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na malayo sa kaligtasan at kailangang alisin. Sa panahon ng gawain sa pagliligtas, Ako ay mabait sa lahat ng mga tao. Kapag nagwakas ang gawain, ang kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao ay ibubunyag, at sa panahong iyon ay hindi Ako magiging mabait at mabuti, sapagka’t ang kalalabasan ng mga tao ay mabubunyag, ang bawat isa ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, at wala nang magiging dahilan sa paggawa ng iba pang anumang dagdag na gawaing pagliligtas. Ito ay dahil lamang sa ang kapanahunan ng kaligtasan ay lumipas na; at yamang ito ay lumipas na, hindi na ito muling magbabalik.

—mula sa “Pagsasagawa (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nguni’t hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lumalakad Ako ngayon ay naglalakad sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng Aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang mga taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad yaong mga naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad yaong mga kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa kung anong mayroon Ako, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko yaong mga nagsusumikap para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan yaong mga gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan yaong mga naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko yaong mga nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging haligi na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang makakahambing sa kanila. Natanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Nahanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.

—mula sa “Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tumindig ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko pakikitunguhan nang may paghamak yaong mga taimtin na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin. Yaong mga taimtim na inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng pagpapala Ko sa iyo. Lubusan mong ihandog ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang kinakain mo, kung ano ang isinusuot mo, at ang hinaharap mo ay lahat nasa Aking mga kamay, isasaayos Ko lahat ito nang wasto, para sa iyong walang-katapusang kasiyahan, di-nauubos, dahil nasabi Ko na, “Sa mga yaong taimtim na gumugugol para sa Akin, tiyak na pagpapalain kita nang labis.” Lahat ng pagpapala ay dumarating sa bawat taong taimtim na gumugugol ng sarili niya para sa Akin.

—mula sa “Kabanata 70” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Aking naihanda na para sa inyo, iyan ay, ang bihira at mahalagang mga kayamanan mula sa buong mundo, ay ibibigay lahat sa inyo. Hindi ninyo maiisip ni maguguni-guni ang lahat ng ito sa kasalukuyan, at walang sino mang tao ang nakapagtamasa na nito noong una. Kapag dumating ang mga pagpapalang ito sa inyo, kayo ay liligaya nang walang-katapusan, nguni’t huwag kalilimutang kapangyarihan Kong lahat ang mga ito, Aking pagkilos, Aking katuwiran at lalong higit pa, Aking kamahalan. (Magiging maawain Ako sa mga pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng awa, at magiging mahabagin Ako sa mga yaon na pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng habag.) Sa panahong iyon, mawawalan na kayo ng mga magulang, at hindi na magkakaroon ng mga kadugong ugnayan. Kayong lahat ay mga taong Aking minamahal, minamahal Kong mga anak. Walang mangangahas na apihin kayo mula sa panahong iyon. Ito’y magiging panahon para lumago kayo tungo sa hustong-gulang, at panahon para sa inyo na pamunuan ang mga bansa gamit ang bakal na pamalo! Sinong nangangahas na hadlangan ang minamahal Kong mga anak? Sinong nangangahas na saktan ang minamahal Kong mga anak? Igagalang nilang lahat ang minamahal Kong mga anak dahil ang Ama ay naluwalhati. Lahat ng bagay na kailanman ay walang sinumang makakaguni-guni ay lilitaw sa harap ng inyong mga mata. Ang mga iyon ay hindi-limitado, hindi-nauubos, walang-katapusan. Hindi magtatagal, tiyak na hindi na kayo mangangailangang masunog ng araw at magtiis ng nagpapahirap na init. Hindi na rin kayo magdurusa ng lamig, ni maaabot kayo ng ulan, niyebe o hangin. Ito ay dahil mahal Ko kayo, at magiging ang kabuuan ng mundo ng Aking pag-ibig. Ibibigay Ko sa inyo ang lahat ng gusto ninyo, at ihahanda Ko para sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo. Sinong nangangahas na magsabing Ako ay hindi matuwid? Papatayin kita agad, dahil nasabi Ko na dati na ang Aking poot (laban sa masasama) ay tatagal tungo sa kawalang-hanggan, at hindi Ako lulubay kahit katiting. Gayunpaman, ang Aking pag-ibig (para sa Aking minamahal na mga anak) ay tatagal din tungo sa kawalang-hanggan; hindi Ko ito pipigilan kahit kaunti.

—mula sa “Kabanata 84” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig sa tao ay nakumpleto na, ang tao ay madadala tungo sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, sabihin pa, nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig, ito ay magiging bagong simula para sa tao sa lupa, at para sa sangkatauhan ang magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa sandali lamang na natapos ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay mawawalan na ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay napino, dahil nadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga palabang puwersa, at wala nang palabang mga puwersa ang mananalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya ang tao, at magiging banal—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag makakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng plano ng Diyos, matatamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at maitatatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga kumokontra sa Kanya ay malilipol sa buong kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; ipanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng bagay, at ipanunumbalik din nito ang Kanyang awtoridad sa lupa, ang Kanyang awtoridad sa lahat ng bagay at ang Kanyang awtoridad sa Kanyang mga kaaway. Ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula ngayon papasok ang sangkatauhan sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay maglalaho, gayundin ang pananaghoy sa lupa. Lahat ng nasa lupa na kumokontra sa Diyos ay hindi iiral. Diyos lamang at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tanging ang mga taong umiibig sa Diyos ang nakakayang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang makatanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kaniig ng Diyos, sila ang mga tao na iniibig ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang magpakailanmang mabubuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para ibigin ng tao, at Siya ay karapat-dapat sa lahat ng pag-ibig ng tao, nguni’t hindi lahat ng tao ay may kakayahang ibigin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay maaaring magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba’t ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, nguni’t ang kanilang pag-iral ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpapala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.

—mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mamumuhay sa Kanyang Liwanag Magpakailanman” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, nagagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. Ang ganitong uri lamang ng tao ang nararapat na magmana ng mga pagpapalang ito na ipinagkaloob ng Diyos:

1. Tinatanggap nang buo ang pag-ibig ng Diyos.

2. Kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.

3. Tinatanggap ang gabay ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng liwanag ng Diyos, at pagiging nililiwanagan ng Diyos.

4. Pagsasabuhay sa larawan na mahal ng Diyos sa mundo; minamahal nang tunay ang Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na napako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal sa Diyos; ang pagkakaroon ng kaluwalhatian gaya ni Pedro.

5. Ang pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat sa lupa.

6. Napagtatagumpayan ang lahat ng pagkaalipin ng kamatayan at ng Hades, hindi binibigyang pagkakataon ang gawain ni Satanas, naaangkin ng Diyos, namumuhay sa loob ng isang bago at masiglang espiritu, at hindi nakararamdam ng kapaguran.

7. Ang pagkakaroon ng isang hindi mailarawang pakiramdam ng pagkalugod at kagalakan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang nakita na niya ang araw ng pagdating ng kaluwalhatian ng Diyos.

8. Tumatanggap ng kaluwalhatiang kasama ng Diyos, at ang pagkakaroon ng isang anyo na gaya ng mga banal na minamahal ng Diyos.

9. Pagiging yaong iniibig ng Diyos sa lupa, samakatuwid, ang pinakamamahal na anak na lalaki ng Diyos.

10. Ang pagbabagong-anyo at pag-akyat kasama ang Diyos sa ikatlong langit, nalalampasan ang laman.

Tanging ang mga taong nagagawang manahin ang mga pagpapala ng Diyos ay ang mga nagawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. May nakamit ka na bang anuman? Hanggang saan ka nagawang perpekto na ng Diyos? Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao nang padalus-dalos. May mga kondisyon at maliliwanag na resulta na maaaring makita ng tao. Hindi ito tulad ng pinaniniwalaan ng tao, na hangga’t siya ay may pananampalataya sa Diyos, siya ay maaaring maging perpekto at makakamit ng Diyos, at makakatanggap sa lupa ng mga pagpapala at pamana ng Diyos. Ang mga ganitong bagay ay lubhang napakahirap, lalo na kapag ang mga ito ay tungkol sa pagbabagong-anyo. Sa kasalukuyan, kung saan ang dapat ninyong pangunahing hanapin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawin kayong perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at mga bagay na inyong hinaharap, upang magiging bahagi ninyo ang higit pa sa kung ano ang Diyos. Kailangan ninyo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa bago kayo maging nararapat na magmana ng higit pa at mas malalaking pagpapala mula sa Diyos. Ang lahat ng naturang bagay ang dapat ninyong hanapin at unawain muna.

—mula sa “Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Dapat Paghandaan ng mga Mananampalataya sa Diyos ang Kanilang Hantungan nang May Sapat na Mabubuting Gawa

Baka Gusto Mo Rin