35 Tumayo at Sumayaw para sa Diyos

Narinig na natin ang tinig ng Diyos

at naitaas na tayo sa harap Niya

upang makadalo sa piging, sa piging.

Ating kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos

at nagdadasal tayo sa Kanya,

ang mabuhay sa harap Niya’y kagalakan.

Nang maniwala tayo sa Diyos sa relihiyon,

puso nati’y madilim at wala tayong tinahak.

Ngayon kinakain natin at iniinom ang Kanyang salita,

nakikibahagi sa katotohanan.

Ang tamasahin ang gawain ng Banal na Espiritu’y kasiyahan.

Mga kapatid, tumayo at sumayaw!

Ialay ang bagong sayaw sa pagpuri sa Diyos!

Natakasan na natin ang mga gapos ng mga ritwal ng relihiyon,

naunawaan na natin ang katotohanan,

ang ating espiritu ay napalaya na.

Lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan,

itinuturo sa atin ang daan ng buhay.

Di na tayo muling magpaplano sa’ting sarili,

lubos nating susundin kapamunuan at pagsasaayos Niya.


Tayo’y dumaan sa paghatol ng mga salita ng Diyos,

nililinis at binabago ang ating katiwalian, katiwalian.

Nabubuhay tayong parang mga inosenteng bata,

at sinasamba natin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan.

Sa paggabay sa atin ng mga salita ng Diyos,

tayo mismo ang dumudurog sa lahat ng pang-aapi at paghihirap.

Anumang paghadlang na gawin ni Satanas,

susundin natin si Cristo at magiging tapat hanggang wakas.

Mga kapatid, tumayo at sumayaw!

Ialay ang bagong sayaw sa pagpuri sa Diyos!

Pagsunod kay Cristo ay totoong kaligayahan,

ang landas ay lalong lumiliwanag.

Sa pag-alam sa pagkamakatuwiran at kabanalan ng ating Diyos,

tanging hiling ng aking puso’y purihin Siya.

Ang pagpuri sa Diyos ay kaligayahan,

ang makapiling natin Siya ay tunay na kasiyahan.

Ang magpatotoo sa Diyos ay tunay na kaluwalhatian,

ang espiritu ko ay lubos na napalaya.

Purihin ang Diyos sa paggapi kay Satanas,

nakamit Niya na ang lahat ng kaluwalhatian.

Sinundan: 34 Sumayaw sa Paligid ng Trono

Sumunod: 36 Malalakas ang Tinig na Purihin ang Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito