480 Punuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos

Magmula sa araw na ito, kapag kayo ay nagsalita,

sabihin ang mga salita ng Diyos.

Kapag kayo ay nagtipon-tipon,

hayaan itong maging pagbabahagi ng katotohanan,

sabihin ang iyong nalalaman tungkol sa salita ng Diyos,

sabihin kung ano ang iyong isinasagawa

at kung paano gumagawa ang Espiritu.

Kapag ikaw ay may panahon,

talakayin ang salita ng Diyos.

Huwag mag-usap ng walang kuwenta!

Hayaang mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos,

kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya!

Kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya!


Kapag ikaw ay nagbabahagi,

liliwanagan ka ng Banal na Espiritu.

Kinakailangang makipagtulungan ang tao

upang gumawa ng mundo ng salita ng Diyos.

Kung hindi ka papasok dito,

hindi maisasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain.

Kung hindi ka magsalita,

hindi Siya magniningning sa iyo. Oh~

Kapag ikaw ay may panahon,

talakayin ang salita ng Diyos.

Huwag mag-usap ng walang kuwenta!

Hayaang mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos,

kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya!

Kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya!


Kahit mababaw ang pagbabahagi, ayos lang ito, ayos lang.

Kung walang mababaw, walang malalim.

Isang proseso ang dapat maganap. Oh~

Sa pamamagitan ng iyong pagsasagawa,

matatamo mo ang kaalaman sa

pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa iyo,

alamin kung paano kainin at inumin

ang mga salita ng Diyos nang mabisa,

pagkatapos pumasok sa realidad ng Kanyang salita.

Tanging sa kahandaang makipagtulungan

matatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu!

Kapag ikaw ay may panahon,

talakayin ang salita ng Diyos.

Huwag mag-usap ng walang kuwenta!

Hayaang mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos,

kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya! Oh~

Kung gayon, isa kang tunay na mananampalataya! Oh~


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sinundan: 479 Ang Saloobing Dapat Ipakita ng Isang Tao sa mga Salita ng Diyos

Sumunod: 481 Paano Dapat Lumakad ang Tao sa Landas ng Diyos

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger