Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan

(X) Mga Salita tungkol sa Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan

116. Una sa lahat alam natin na ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan, ay poot. Hindi Siya isang tupa na maaaring patayin ng sinuman; higit pa, hindi Siya isang sunud-sunuran upang maging kontrolado ng mga tao sa anumang gusto nila. Hindi rin Siya walang halaga na inuutus-utusan ng mga tao. Kung talagang naniniwala ka na may Diyos, dapat may puso kang natatakot sa Kanya, at dapat mong malaman na ang diwa ng Diyos ay hindi dapat ginagalit. Ang galit na ito ay maaaring idulot ng isang salita; marahil isang pag-iisip; marahil ilang mga uri ng karima-rimarim na pag-uugali; marahil banayad na pag-uugali, pag-uugali na uubra sa mga mata at etika ng tao; o marahil ito ay sanhi ng isang doktrina, isang teyorya. Gayunpaman, sa sandaling ginalit mo ang Diyos, ang iyong pagkakataon ay nawala na at ang katapusan ng mga araw mo ay dumating na. Ito ay isang kahila-hilakbot na bagay! Kung hindi mo maunawaan na hindi maaaring saktan ang Diyos, marahil ay wala kang takot sa Kanya, at marahil ay palagi kang nagkakasala sa Kanya. Kung hindi mo alam kung paano ang matakot sa Diyos, hindi ka matatakot sa Kanya, at hindi mo alam kung paano ang lumakad sa landas ng Diyos—ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kapag nagkaroon ka ng kamalayan, malalaman mo na hindi maaaring saktan ang damdamin ng Diyos, at malalaman mo kung paano ang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

117. Kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, kung gayon magiging imposible para sa iyo na gampanan ang gawain na dapat mong gawin para sa Kanya. Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na nabalewala na ninyong lahat ang mga atas administratibong naipahayag Ko na. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkakasala sa Kanyang disposisyon. Ang ganitong pagkakasala ay katumbas ng pagpapagalit sa Diyos Mismo, at ang katapusang bunga ng iyong kilos ay nagiging isang paglabag sa mga atas administratibo. Ngayon dapat mong malaman na ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay may kasamang pag-alam sa Kanyang diwa, at kasama sa pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-intindi sa mga atas administratibo. Sigurado, marami sa mga atas administratibo ay may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang Kanyang disposisyon ay hindi pa naipahayag sa kabuuan nito sa loob ng mga ito. Kaya kailangan ninyong humakbang pa patungo sa pagpapaunlad ng inyong kaunawaan ng disposisyon ng Diyos.

—mula sa “Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

118. Kahit na ang bahagi ng diwa ng Diyos ay pag-ibig, at iniaabot Niya ang Kanyang awa sa lahat ng tao, hindi napapansin at nakalilimutan ng mga tao ang punto na diwa rin Niya ang karangalan. Hindi nangangahulugan na dahil may pag-ibig Siya ay maaaring malayang magkasala ang mga tao sa Kanya at wala na Siyang kahit anong mga damdamin, o anumang mga reaksyon. Hindi nangangahulugan na dahil may awa Siya ay wala na Siyang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao. Ang Diyos ay buhay; talagang umiiral Siya. Hindi Siya isang kathang-isip na sunud-sunuran o iba pang bagay. Dahil Siya ay umiiral, dapat makinig tayong mabuti sa tinig ng Kanyang puso sa lahat ng oras, bigyang-pansin natin ang Kanyang saloobin, at unawain natin ang Kanyang mga damdamin. Huwag sana nating gamitin ang imahinasyon ng mga tao na ipakahulugan ang Diyos, at huwag sana nating ipataw ang mga saloobin at kagustuhan ng mga tao sa Diyos, pinalalabas na ang Diyos ay ginagamit ang istilo at pag-iisip ng tao kung paano Niya tratuhin ang sangkatauhan. Kung gagawin mo ito, ginagalit mo ang Diyos, tinutukso mo ang poot ng Diyos, at hinahamon mo ang karangalan ng Diyos! Kaya, pagkatapos ninyong naunawaan ang kahigpitan ng bagay na ito, hinihimok ko ang bawat isa sa inyo rito na maging maingat at matalino sa inyong mga kilos. Maging maingat at matalino sa inyong pagsasalita. At tungkol sa pagtrato ninyo sa Diyos, habang mas maingat at matalino kayo, mas mahusay! Kapag hindi mo naiintindihan ang saloobin ng Diyos, huwag kang magsasalita nang walang-ingat, huwag kang maging bulagsak sa iyong mga kilos, at huwag kang basta-basta sa pagbabansag. Mas lalo na, huwag kang darating sa mga konklusyon na walang batayan. Sa halip, dapat kang maghintay at sumunod; isa rin itong pagpapahayag ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

119. Ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos? At paano makaiiwas ang isang tao sa masama?

Ang “matakot sa Diyos” ay hindi nangangahulugang walang katulad na sindak at takot, ni hindi ang umiwas, o lumayo, at hindi rin ito pagsamba sa diyus-diyusan o pamahiin. Sa halip, isa itong paghanga, pagpapahalaga, pagtitiwala, pag-unawa, pangangalaga, pagsunod, pagtatalaga, pag-ibig, at maging, walang-kundisyon at walang-pagrereklamong pagsamba, pagbabalik, at pagpapasakop. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na kaunawaan, tunay na pangangalaga o pagsunod, kundi takot at pagkabalisa lamang, pagdududa lamang, di-pagkakaunawaan, pagtakas, at pag-iwas; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagtatalaga at pagbabalik; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagpapasakop, tanging bulag na pag-idolo lamang at pamahiin; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi makakakilos ayon sa paraan ng Diyos, o matatakot sa Diyos, o iiwas sa masama. Sa kabaligtaran, bawat aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, ng mapanirang-puring pagbibintang at hindi-totoong paghatol tungkol sa Diyos, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.

Sa oras na magkaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtitiwala sa Diyos, magiging tunay sila sa pagsunod sa Kanya at pag-asa sa Kanya; tanging sa pamamagitan ng tunay na pagtitiwala at pag-asa sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagkaunawa at pagkaintindi; kasama ng tunay na pagkaintindi sa Diyos ay ang tunay na pagmamalasakit sa Kanya; tanging sa tunay na pagmamalasakit sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging sa tunay na pagsunod sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtatalaga; tanging sa tunay na pagtatalaga sa Diyos makakapagbalik ang sangkatauhan nang walang kundisyon at walang pagrereklamo; tanging sa tunay na pagtitiwala at pag-asa, tunay na pagkaunawa at pagmamalasakit, tunay na pagsunod, tunay na pagtatalaga at pagganti, tunay na malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon at diwa ng Diyos, at malalaman ang pagkakakilanlan ng Lumikha; tanging kapag nakilala nila nang tunay ang Lumikha magigising ng sangkatauhan sa loob nila ang tunay na pagsamba at pagpapasakop; tanging kapag may tunay na pagsamba at pagpapasakop sa Lumikha magagawa ng sangkatauhan na isantabi ang kanilang masasamang gawi, ang ibig sabihin, umiwas sa masama.

Ito ang buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama,” at siya ring nilalaman sa kabuuan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama, at maging ang daan na dapat bagtasin para makarating sa pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.

—mula sa “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

120. Sa bawat panahon, kapag gumagawa ang Diyos sa mundo, nagbibigay Siya ng ilang salita sa tao, nagsasabi Siya sa tao ng ilang katotohanan. Nagsisilbi ang mga katotohanang ito bilang landas na susundan ng tao, ang daan na dapat lakaran ng tao, ang paraan na magbibigay-daan sa tao para matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, at kung paano dapat isagawa at sundin ng mga tao sa kanilang mga buhay at sa kabuuan ng kanilang mga paglalakbay sa buhay. Ito ang mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga salitang ito sa tao. Ang mga salitang ito na nagbuhat sa Diyos ay dapat sundin ng tao, at ang pagsunod sa mga ito ay pagtanggap ng buhay. Kung hindi susunod ang isang tao sa mga ito, hindi niya gagawin ang mga ito, at hindi niya isinasagawa ang mga salita ng Diyos, samakatuwid hindi isinasagawa ng taong ito ang katotohanan. At kung hindi nila isasagawa ang katotohanan, kung gayon hindi sila natatakot sa Diyos at hindi nilalayuan ang kasamaan, at hindi rin nila nabibigyang-kasiyahan ang Diyos. Kung may taong hindi mabigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi nila maaaring tanggapin ang papuri ng Diyos; ang ganitong uri ng tao ay walang kalalabasan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

121. Ano ang pangunahing bagay na dapat unawain ng isang tao kapag naghahanap na maabot ang pagpasok sa buhay? Ito ay na sa lahat ng salitang sinambit ng Diyos, anumang aspeto ang tinutukoy ng mga ito, dapat mong alamin kung ano ang hinihingi at mga pamantayan Niya sa mga tao, at mula sa mga ito ay maghanap ka ng isang landas ng pagsasagawa. Dapat mong gamitin ang mga ito upang suriin ang iyong inaasal at pananaw sa buhay, at suriin din ang lahat ng iyong mga sitwasyon at mga sinasabi na taliwas sa mga ito. Higit sa lahat dapat mong alamin ang mga pamantayang ito para malaman kung paano mo dapat gawin ang mga bagay-bagay, paano mo masusunod ang kalooban ng Diyos habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, at paano ka makakakilos nang nakaayon sa mga kinakailangan ng Diyos. Maging isang tao na may realidad ng katotohanan, huwag iyong puro ka lamang salita at doktrina at teoriya. Huwag kang magkunwaring espirituwal; huwag maging isang huwad na taong espirituwal. Dapat mong pagtuunan ang pagsasabuhay at paggamit ng mga salita ng Diyos upang ihambing at pagnilayan ang sarili mong mga katayuan, at pagkatapos ay baguhin ang pananaw at saloobin mo sa pagharap sa bawat uri ng sitwasyon. Sa huli, makakapagpitagan ka sa Diyos sa bawat sitwasyon, at hindi ka na kikilos nang padalus-dalos o susunod sa sarili mong mga ideya, ginagawa kung ano ang gusto mo, o namumuhay sa loob ng tiwaling disposisyon. Sa halip, lahat ng iyong ikikilos at sasabihin ay magiging batay sa mga pagbigkas ng Diyos at ayon sa katotohanan; dahil dito, unti-unting uusbong ang pagpipitagan mo sa Diyos. Naibubunga ang isang pusong may takot sa Diyos habang patuloy na naghahabol sa katotohanan; hindi ito bunga ng pagpipigil. Ang tanging ibinubunga ng pagpipigil ay isang uri ng pag-uugali, ngunit iyan ay isang uri ng panlabas na pagpipigil. Ang tunay na pagpipitagan sa Diyos ay nagmumula sa—habang naniniwala sa Diyos—pagkaunawa sa katotohanan, pamumuhay ayon sa katotohanan, dahan-dahang binabawasan ang tiwaling disposisyon nang higit kaysa rati, at unti-unting pinabubuti ang katayuan ng isang tao upang siya ay madalas na nakalalapit sa Diyos; ito ang uri ng proseso na nagbubunga ng tunay na pagpipitagan. Kapag nangyari iyan, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng magpitagan sa Diyos at kung ano ang pakiramdam nito, at mapagtatanto mo kung anong pag-uugali, anong katayuan, at anong disposisyon ang dapat taglayin ng mga tao bago sila tunay na magkaroon ng takot sa Diyos at makapagpakita ng pagpipitagan sa Diyos.

—mula sa “Yaon Lamang Mga Nagsasabuhay ng Katotohanan ang Nagtataglay ng Pusong May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

122. Kailangan mong humarap nang madalas sa Diyos, kainin at inumin at pagnilay-nilayan ang Kanyang mga salita, at tanggapin ang Kanyang pagdisiplina at patnubay sa iyo. Kailangan mong magawang magpasakop sa lahat ng sitwasyon, tao, bagay, at pangyayari na naiplano ng Diyos para sa iyo, at pagdating sa mga bagay na medyo hindi mo maarok, kailangan mong manalangin nang madalas habang hinahanap mo ang katotohanan; sa pag-unawa lamang sa kalooban ng Diyos mo masusumpungan ang daan pasulong. Kailangan mong magpitagan sa Diyos, at maingat na gawin ang dapat mong gawin; kailangan mong madalas na pumayapa sa harap ng Diyos, at huwag kang magpakasama. Kahit man lang kapag may nangyari sa iyo, ang una mong reaksyon dapat ay ipanatag ang sarili mo, pagkatapos ay manalangin kaagad. Sa pagdarasal, paghihintay, at paghahanap, magtatamo ka ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang pag-uugaling nagpapakita ng pagpipitagan sa Diyos, hindi ba? Kung, sa kaibuturan ng iyong puso, nagpipitagan at nagpapasakop ka sa Diyos, at kaya mong tumahimik sa harap ng Diyos at unawain ang Kanyang kalooban, sa pakikipagtulungan at pagsasagawa sa ganitong paraan, mapoprotektahan ka. Hindi ka makakaranas ng tukso, o magkakasala sa Diyos, o gagawa ng mga bagay na gagambala sa gawain ng pamamahala ng Diyos, ni hindi ka gagawa ng anuman para pukawin ang pagkamuhi ng Diyos. Taglay ang pusong may takot sa Diyos, matatakot kang magkasala sa Diyos; sa sandaling nahaharap ka sa tukso, mabubuhay ka sa Kanyang harapan, na nanginginig sa takot, at aasa na magagawa mong magpasakop sa Kanya at bigyang-lugod Siya sa lahat ng bagay. Sa pagsasagawa lamang nang ganito, madalas na pamumuhay sa gayong kalagayan, at madalas na pagiging payapa sa harap ng Diyos, mailalayo mo ang iyong sarili sa tukso at kasamaan kahit hindi mo man lang isipin iyon.

—mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

123. Ang paglalakad sa landas ng Diyos ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga panuntunan sa panlabas. Sa halip, ito ay nangangahulugan na kapag nahaharap ka sa isang bagay, una sa lahat, titingnan mo ito bilang isang pagkakataon na inilaan ng Diyos, isang tungkulin na ipinagkaloob Niya sa iyo, o isang bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo, at kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat mo ring tingnan ito bilang isang pagsubok na nagmula sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat may pamantayan ka, dapat mong isipin na nagmula ito sa Diyos. Dapat mong isipin kung paano mo pakikitunguhan ang bagay na ito para matupad mo ang iyong tungkulin, at maging tapat sa Diyos; kung paano itong gawin na hindi gagalitin ang Diyos, o magkakasala sa Kanyang disposisyon. … Dahil upang makalakad sa landas ng Diyos, hindi natin maaaring pabayaan ang anumang bagay para masunod ang ating sarili, o anumang bagay na nangyayari sa ating paligid, kahit ang maliliit na bagay. Isipin man nating dapat bigyang-pansin ito o hindi, hangga’t nahaharap sa atin ang anumang bagay, hindi natin dapat isawalang-bahala ang mga ito. Dapat nating tingnan ang lahat ng ito bilang pagsubok ng Diyos sa atin. Ano sa tingin mo ang ganitong uri ng saloobin? Kung nasa iyo ang ganitong uri ng saloobin, pinatutunayan nito ang isang katotohanan: May takot ang iyong puso sa Diyos, at handang umiwas ang iyong puso sa kasamaan. Kung may pagnanais kang bigyang kasiyahan ang Diyos, kung gayon, hindi malayo ang isinasagawa mo sa pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

124. Ang Diyos ay palaging nasa puso nila na talagang naniniwala sa Diyos at palaging taglay sa loob nila ang isang pusong gumagalang sa Diyos, isang pusong maibigin sa Diyos. Yaong mga naniniwala sa Diyos ay gumagawa dapat ng mga bagay sa pamamagitan ng isang maingat at mapanagot na puso, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod dapat sa mga kinakailangan ng Diyos at makalulugod sa puso ng Diyos. At sila ay hindi dapat matigas ang ulo, ginagawa ang anumang maibigan; na hindi angkop sa banal na kagandahang-asal. Hindi naiwawagayway ng mga tao ang bandila ng Diyos at nagwawala dala ito kung saan-saan, nagyayabang at nanghuhuthot kung saan-saan; ang paggawa nito ay ang pinakarebelyosong pagkilos. Ang mga pamilya ay mayroong kanilang mga patakaran at ang mga bansa ay mayroong kanilang mga batas, hindi ba’t lalo na sa tahanan ng Diyos? Hindi ba’t ang mga pamantayan ay lalong mas mahigpit? Hindi ba’t mas maraming atas administratibo? Malaya ang mga tao na gawin kung ano ang gusto nila, nguni’t ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring basta na lamang mababago kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga tao na saktan Siya at ang Diyos ay isang Diyos na naglalagay sa mga tao sa kamatayan—hindi pa ba talaga ito alam ng mga tao?

—mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

125. Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay di-natinag sa kanyang pagtatanto at karanasan na mayroong Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at mga prinsipyo ng mga pagkilos sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Nagmay-ari si Job ng isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi.” Dahil lamang sa mga bagay na ito kaya siya matibay na nakatayo at sumaksi sa gitna ng mapaminsalang paglusob ni Satanas, at dahil sa mga ito kaya niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang ang mga pagsubok ng Diyos ay sumakanya.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

126. Hindi nakita ni Job ang mukha ng Diyos, o narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, lalong hindi niya personal na naranasan ang gawain ng Diyos, ngunit ang kanyang takot sa Diyos at patotoo sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay nasasaksihan ng lahat, at ang mga ito ay minamahal, kinalulugdan, at pinupuri ng Diyos, at ang mga tao ay naiinggit at humahanga sa mga ito, at, higit pa rito, umaawit ng kanilang mga papuri. Walang malaki o di-pangkaraniwan sa kanyang buhay: Tulad ng karaniwang tao, nabuhay siya sa isang karaniwang buhay, umaalis upang magtrabaho sa pagsikat ng araw at umuuwi upang magpahinga sa paglubog ng araw. Ang pagkakaiba ay sa panahon ng mga ilang karaniwang dekada, siya ay nagkamit ng isang kabatiran sa paraan ng Diyos, at natanto at naintindihan ang malaking kakayahan at dakilang kapangyarihan ng Diyos, na hindi nagawa ng ibang tao. Hindi siya mas matalino kaysa sa ibang pangkaraniwang tao, ang kanyang buhay ay lalo nang hindi mahigpit, at, bukod dito, wala siyang nakatagong natatanging kakayahan. Ang taglay niya, gayon pa man, ay personalidad na tapat, mabait, matuwid, isang personalidad na nagmahal sa katarungan at pagkamatuwid, at nagmahal ng mga positibong bagay—na hindi tinataglay ng karamihan sa mga karaniwang tao. Nakilala niya ang pagkakaiba ng pag-ibig at poot, may pakiramdam ng katarungan, matibay at matiyaga, at masigasig sa kanyang mga pag-iisip, at sa gayon sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa ay nakita niya ang lahat ng hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Diyos, at nakita ang kadakilaan, kabanalan, at ang pagkamatuwid ng Diyos, nakita niya ang pagmamalasakit ng Diyos, kagandahang-loob, at pag-iingat para sa tao, at nakita ang kadakilaan at awtoridad ng kataas-taasang Diyos. Ang unang dahilan kung bakit si Job ay nagawang makuha ang mga bagay na ito na higit pa sa kayang isipin ng pangkaraniwang tao ay dahil nagkaroon siya ng isang dalisay na puso, at ang kanyang puso ay ukol sa Diyos, at pinangungunahan ng Lumikha. Ang ikalawang dahilan ay ang kanyang gawain: ang kanyang gawain na walang pagkakamali, at perpekto, at isang tao na sumunod sa kalooban ng Langit, na mahal ng Diyos, at lumayo sa kasamaan. Si Job ay nagtaglay at hinanap ang mga bagay na ito kahit na hindi nakikita ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos; bagaman hindi niya kailanman nakita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naintindihan ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya kailanman narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang mga gawa ng paggantimpala sa tao at pagkuha mula sa tao ay nanggagaling lahat sa Diyos. Kahit na ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan ng kanyang buhay na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, o ang maapektuhan ang kanyang pagsunod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa kanyang mga mata, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang mapagtanto na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, sa bawat sulok ng kanyang buhay ay nagawa niyang makita at mapagtanto ang pambihira at kahanga-hangang mga gawa ng Diyos, at maaaring makita ang nakakamanghang mga pag-aayos ng Diyos. Ang pagkatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagtatanto ni Job sa mga gawa ng Diyos, ni hindi rin nakaapekto sa kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang kanyang buhay ay ang katuparan ng dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay, sa kanyang araw-araw na buhay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang tinig ng puso ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos, na tahimik sa gitna ng lahat ng bagay, subalit ipinapahayag ang tinig ng Kanyang puso at ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pamamahala sa mga kautusan sa lahat ng bagay. Nakikita mo, sa gayon, na kung ang mga tao ay may parehong pagkatao at gawain gaya ng kay Job, maaari nilang makamit ang parehong pagtatanto at kaalaman ni Job, at maaaring makuha ang parehong pag-unawa at kaalaman ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay gaya ni Job. Ang Diyos ay hindi nagpakita kay Job o nagsalita sa kanya, ngunit si Job ay nagawang maging perpekto, at matuwid, at matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Sa ibang salita, kahit na hindi nagpakita o nangusap sa mga tao ang Diyos, ang mga gawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay at ang dakilang kapangyarihan Niya sa lahat ng bagay ay sapat na para sa tao upang magkaroon ng kamalayan sa pag-iral, kapangyarihan, at awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay sapat na upang ang taong ito ay sumunod sa mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

127. Ang “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama” at pagkilala sa Diyos ay di mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nais ninuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, dapat muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at hingin sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon para maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng klase ng kapaligirang kinapapalooban ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay; kung nais ninuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, dapat munang magkaroon ang sinuman ng isang simple at tapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, pagpapasyang tiisin ang pagdurusa, determinasyon at tapang na iwasan ang masama, at ang mithiin na maging isang tunay na nilalang…. Sa ganitong paraan, sa unti-unting pagpapatuloy, malalapit kang lalo sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, at ang iyong buhay at halaga ng pagiging buhay ay, kalakip ang iyong pagkakilala sa Diyos, magiging mas makahulugan at magiging mas maningning.

—mula sa “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:(IX) Mga Salita tungkol sa Pagtupad nang Sapat sa Iyong Tungkulin

Sumunod:(XI) Mga Salita tungkol sa Relasyon ng Tao sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin