52. Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

Ni Li Fei, Spain

Akala ko mabuti ang mga nagpapasaya ng tao noong hindi pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto sila ng lahat, hindi sila nakakasakit ng iba. Hinangad kong maging gaya nila. Dahil mula noong bata ako, siniksik sa isip ko ng lipunan ang mga gaya ng “Ang pagkakasundo ay yaman, ang pagtitimpi ay isang kabanalan,” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali,” “Huwag kailanman seryosohin ang anumang bagay,” “Kung kaluguran ang kamangmangan, kabaliwan ang maging mautak,” at “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan.” Isinaisip ko ang mga ideyang ito at isinakabuhayan. Hindi mahalaga kung pamilya at mga kaibigan o kakilala lang, hindi ako nakasakit sa sinuman, at laging sumusunod sa gusto ng iba. Pinuri ako ng lahat dahil mabait ako sa mga tao at madaling pakisamahan. Nadama ko rin na para mabuhay sa madilim, at masamang lipunang ito dapat kang makisama sa nakapaligid sa iyo, dahil iyon lang ang paraan para magkalugar ka. Nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makastigo’t mahatulan ng salita Niya’t maunawaan ang ilang katotohanan, nakita kong mala-satanas na pilosopiya ang mga prinsipyong ito para mabuhay, mala-satanas na lason, hindi prinsipyong dapat panghawakan ng tao. Nakita kong sa pamumuhay sa ganitong paraan, lalo akong naging mapanlinlang, makasarili’t kasuklam-suklam, na wala akong wangis ng tao. Namuhi ako sa sarili ko’t nagsisi sa Diyos.

Noong 2018, naging pinuno ako ng distrito. Sa una, hindi ko gaanong alam ang tungkol sa gawain ng iglesia. Mahigit isang taon nang ginagawa ng kasama kong si Sister Liu ang tungkuling ito, naunawaan niya ang iba’t ibang aspeto ng gawain, kaya nagpatulong ako sa kanya tungkol sa problema ko, at malaki ang naitulong niya. Kalaunan, narinig kong binanggit ni Sister Liu na si Sister Zhang na pinuno ng isang iglesiang nasa ilalim ng pamamahala niya ay matagal nang hindi ginagawa nang mabuti ang tungkulin niya, doktrina lang ang sinasabi sa pulong, mapagmataas, at ayaw tumanggap ng mungkahi o tulong ng iba. Naisip ko noong sandaling iyon maaaring pagpapakita iyon ng isang huwad na pinunong hindi gumagawa ng praktikal na gawain, at dahil alam iyon ni Sister Liu, nagtaka ako kung bakit hindi niya tinanggal si Sister Zhang. Gusto ko sana siyang kausapin, pero naisip kong kasisimula ko pa lang at hindi ko gaanong kilala si Sister Zhang. Kung direkta akong magsasalita, baka pagsabihan ako ni Sister Liu na padalus-dalos at hindi ako maunawain. Dahil naisip iyon, ipinahiwatig ko lang kay Sister Liu ang nasasaloob ko, pero hindi niya iyon gaanong pinansin at hiniling niyang tulungan ko si Sister Zhang. Naisip ko, “Dapat alam niya ang mga prinsipyo sa pagpapalit ng mga pinuno, kaya kung babanggitin ko iyon uli, iisipin kaya niyang sinasabi kong hindi praktikal ang gawain niya? At tiyak na maiisip niyang nagdudulot ako ng problema’t mahirap akong pakisamahan. Kung magiging sanhi iyon ng gusot namin, Paano namin gagawin ang mga tungkulin bilang magkasama?” Noong sandaling iyon, nagpasiya akong huwag nang magsalita.

Ilang beses kong kinausap si Sister Zhang para ilantad at suriin ang mga isyu sa kanya. Bukod sa tumanggi siyang tanggapin iyon, nakipagtalo siya sa akin. Hanggang sa nagsumbong ang mga kapatid na hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang. Doon ko lang napagtanto na mabigat ang problema ni Sister Zhang, at kung hindi namin agad malutas iyon, maaantala ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kaya, binanggit ko uli kay Sister Liu na tanggalin si Sister Zhang. Pero sabi ni Sister Liu, “Naibigay na sa mga nakatataas ang mga sumbong na iyan. Maghintay tayong malaman nila ang puno’t dulo bago natin siya tanggalin.” Naisip ko, “Sa mga sumbong at pagsuri sa sitwasyon, makikita nating hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang, puro kasabihan at doktrina lang ang sinasabi. Alam na namin na isa siyang huwad na pinuno, kaya ayon sa mga prinsipyo, dapat tanggalin siya agad. Mga pinuno tayo ng distrito, at lumitaw ang isang huwad na pinuno sa iglesia, pero imbes na harapin agad iyon, dinala pa natin iyon sa nakatataas. Hindi ba’t pag-antala iyon at pagpayag na ipahamak ang mga kapatid ng isang huwad na pinuno? Pagpanig iyon kay Satanas at pagsalungat sa Diyos! Napakabigat na problema iyon!” Gusto kong banggitin uli iyon kay Sister Liu, Pero naisip ko, “Noong huling banggitin ko iyon, ayaw niyang palitan si Sister Zhang, at sinabihan niya ako na magiliw ko iyong pakitunguhan. Tila talagang magkasundo sila, kaya kapag binanggit ko uli ang pagtanggal kay Sister Zhang, baka sabihin ni Sister Liu na masyado akong mayabang. Hindi kaya isipin niyang nagpapakitang-gilas lang ako, tulad ng nasa kasabihan ‘Kailangang patunayan ng mga baguhan ang kanilang kakayanan?’ Mas mabuti pang huwag magsalita. Tutal iniimbestigahan na iyon ng mga nakatataas sa amin. Maghihintay na lang kami ng ilan pang araw.” Kaya, nagtimpi ako, at hindi nagsalita. Makalipas ang ilang araw matapos iyong imbestigahan ng mga nakatataas, pinagsabihan kami nang mabagsik dahil hindi namin iyon inaksyunan agad, ginulo namin ang gawain ng iglesia at naantala ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pakikipagsabwatan daw iyon kay Satanas at pinapahamak noon ang mga kapatid. Nang marinig ko iyon, talagang nalungkot ako. Napagtanto kong hindi ko isinagawa ang katotohanang alam ko, hindi ko pinanindigan ang prinsipyo. Talagang pinagtanggol ko ang isang huwad na pinuno. Pinagtakpan ko siya. Kaya, hindi ako nag-aksaya ng panahon na tanggalin siya. Pero pagkatapos noon, sinisi ko lang nang kaunti ang sarili ko, hindi ko sinamantala ang pagkakataong magsuri pa ng sarili. Kalaunan, natuklasan kong puro kasabiha’t doktrina lang si Sister Liu, at hindi niya malutas ang mga problema ng mga kapatid. Nang sabihin ko ang pagkukulang niya, ayaw niya iyong tanggapin at nagtangkang makipagtalo. Walang nakamit sa gawain na pinamamahalaan niya, at nang pagsabihan siya ng mga nakatataas, hindi niya iyon tinanggap, naging pabaya siya sa gawain, at natadtad ng mga reklamo. Noong panahong iyon, gusto kong ilantad ang kalagayan niya, pero napagtanto kong bilang kasama niya, pananagutan ko rin kung sakaling pumalpak kami, at kung susuriin ko ang problema niya, sasabihin niyang hindi ako maunawain, kaya hindi na ako nangahas na gawin iyon. Sa halip, inaliw ko na lang siya at hinikayat na huwag maging negatibo. Pero matapos iyon, napagtanto ko na hindi nagbago si Sister Liu kahit na kaunti. Wala talaga siyang kamalayan sa sarili! Kung magpapatuloy iyon, maaantala ang gawain ng iglesia at mapapahamak ang mga kapatid. Napagtanto kong kailangan kong isumbong iyon sa nakatataas sa lalong madaling panahon. Nagkataong nagsu-survey noon ang iglesia, at pinagsulat ako ng pagsusuri tungkol kay Sister Liu. Naghahanda na akong magsulat, pero naalala kong hindi alam ng karamihan sa mga kapatid ang ginagawa niya at suportado nila siya. Kaya, kung isusumbong ko ang problema kay Sister Liu, sasabihin kaya nilang pakana ko iyon at gusto ko siyang tanggalin, para ako na lang ang masunod sa lahat ng bagay? Maliban doon, magkasama kami sa tungkulin at marami siyang naitulong sa akin. Kung talagang matatanggal siya, magagalit kaya siya sa akin? Nag-isip akong mabuti, at nagpasiya sa huli na pagtatakpan ko ang mga detalye tungkol sa hindi niya paggawa ng praktikal na gawain o pagtanggap ng katotohanan. Pero pagkapasa ko noon, hindi mawala ang pagkabalisa ko. Alam kong tinatago ko ang totoo’t nililinlang ang Diyos, nagkaroon ako ng espirituwal na kadiliman. Nakakatulog ako kapag nagbabasa ng salita ng Diyos, at wala akong natamong kaliwanagan sa mga pagtitipon. Hindi ko matuklasan ang mga problema ng mga kapatid. Araw-araw akong lito, at walang kalakas-lakas, naramdaman ko na tinalikuran na ako ng Diyos.

Kalaunan, siniyasat ng mga nakatataas ang nangyari, at natanggal si Sister Liu bilang huwad na pinuno na hindi gumawa ng praktikal na gawain. Nakaramdam ako ng malaking kahihiyan at pagsisisi, lalo na kapag naisip ko ang salita ng Diyos, “Makakakita kayo ng maraming mabubuting tao sa lipunan na napakatayog magsalita, at kahit sa tingin ay tila wala silang nagawang anumang malaking kasamaan, sa kanilang kalooban sila ay mapanlinlang at tuso. Nakikita nila lalo na kung ano ang direksyon ng ihip ng hangin, at suwabe at makamundo silang magsalita. Sa tingin Ko, ang gayong ‘mabuting tao’ ay isang huwad, isang ipokrito; ang gayong tao ay nagkukunwari lamang na mabuti. Lahat ng nananatili sa isang masayang kalagayan ang pinakamasama. Sinisikap nilang huwag saktan ang damdamin ninuman, pinapasaya nila ang mga tao, sumasabay sila sa agos, at walang makaunawa sa kanila. Ang gayong tao ay isang buhay na Satanas!(“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihahayag ng salita ng Diyos na ang nagpapasaya sa mga tao’y mga nabubuhay na Satanas. Napagtanto ko na ganoon nga ako. Matagal ko nang alam na huwad na pinuno si Sister Liu, pero para mapangalagaan ang pinagsamahan namin, pinili kong magkasala sa Diyos at hindi isinagawa ang katotohanan. Pinagtakpan ko ang huwad na pinuno, nagkasala sa Diyos, at nakagawa ng paglabag. Nadama kong wala na akong pag-asa, na hindi ililigtas ng Diyos ang gaya ko. Namuhay ako sa kalungkutan at pagiging negatibo sa loob ng ilang araw. Nawalan ako ng interes na gumawa ng anuman. Pero, naalala ko ang salita ng Diyos: “Maging anumang mga kamalian ang nagawa mo, gaano man kalayo kang naligaw o gaano ka man lumabag, huwag hayaan ang mga ito na maging mga pasanin o dagdag na pabigat na dadalhin mo sa iyong paghahangad na maunawaan ang Diyos: Ipagpatuloy mo ang paglalakad nang pasulong. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang kaligtasan ng tao sa Kanyang puso; hindi ito kailanman nagbabago: Ito ang pinakamahalagang bahagi ng diwa ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Paulit-ulit kong pinagnilayan ang mga salitang ito ng Diyos, at nadama ko na bawat salita at linya ay nagdadala ng awa’t pag-asa para sa akin. Kahit na nagkasala ako sa disposisyon ng Diyos, ginamit pa rin ng Diyos ang salita Niya para aliwin at hikayatin ako, at sabihin sa akin na magpatuloy. Nakadama ako ng lubos na pasasalamat, at sinabi ko sa sarili kong hindi na ako magiging negatibo. Kapag nabigo ako, kailangan kong bumangon uli. Dapat kong maunawaan ang mga problema, at hanapin ang katotohanan para malutas iyon.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nakadama ako ng sakit na tumarak sa puso ko. Nakita ko na isa lang akong tusong nagpapasaya sa mga tao. Nang may problema, prinotektahan ko ang sarili ko hindi inisip ang kapakanan ng bahay ng Diyos, wala akong pakialam sa responsibilidad sa aking tungkulin. Dapat nilutas ko iyon agad nang lumitaw ang huwad na mga pinuno, Pero dahil sa takot ko na masaktan ko si Sister Liu, natakot ako na isagawa ang katotohanan o ilantad at isumbong iyon. Sinadya kong itago’t pagtakpan ang katotohanan para protektahan siya. Dahil doon naapektuhan ang lahat ng gawain ng iglesia at kinulang ang mga kapatid ko ng normal na buhay-iglesia. Ipinagkatiwala sa akin ng bahay ng Diyos ang mahalagang tungkuling iyon, pero nang lumitaw ang huwad na mga pinuno sa iglesia, tinalikuran ko ang prinsipyo ng katotohanan para sa sariling interes, muli’t muling pumanig kay Satanas at ipinagtanggol ko sila. Alam kong maaapektuhan ang gawain ng iglesia, pero hindi ko isinagawa ang katotohanan. Sa tuwing maaari akong makasakit sa isang tao, tinatalikdan ko ang prinsipyo ng katotohanan. Naging makasarili ako. Hindi ba nakakagulo sa gawain ng bahay ng Diyos ang paggawa sa ganitong paraan at pakikipagsabwatan kay Satanas? Hindi ako nangahas na isagawa ang katotohanan o panindigan ang mga prinsipyo. Paano ako naging pinuno ng iglesia? Makasarili ako, kasuklam-suklam, at makitid ang isip! Lalo akong nasaktan sa mga salita ng Diyos na kinasusuklaman Niya ang mga nagpapasaya sa mga tao, at sinasabi sa sermon na hindi tinatanggap ng bahay ng Diyos ang mga nagpapasaya ng mga tao bilang pinuno, dahil meron silang masasamang puso, at makakasira lang sa bahay ng Diyos at mga kapatid. Sa pagtatanggol at pagtatakip sa huwad na mga pinuno, nagkasala na ako sa Diyos at sa disposisyon Niya, kaya lumapit ako sa Diyos at nagdasal sa Kanya. “Diyos ko, nilabag ko ang kalooban Mo. Alam ko ang katotohanan pero hindi ko isinagawa, kaya nasira ang gawain ng iglesia. Handa kong tanggapin ang Iyong sumpa’t kaparusahan. Anuman ang pagtrato Mo sa akin sa hinaharap, handa akong sumunod at magsisi sa Iyo.”

Matapos magdasal, inisip ko kung bakit ko sinikap na pasayahin ang mga tao nang mangyari ang mga bagay-bagay. Ano ba iyong bagay na kumokontrol sa akin? Kalaunan nabasa ko ang salita ng Diyos: “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay kalikasan na ng tao. Ang ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at iyan ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad rin nito. Ginagamit ni Satanas ang mainam na tradisyunal na kultura ng bawa’t bayan para turuan ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos. … Marami pa ring satanikong lason sa buhay ng mga tao, sa kanilang pag-uugali at asal; halos wala man lamang silang taglay na katotohanan. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila sa pamumuhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay pawang kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, na may kapangyarihan, at yaong mga nagtatagumpay ay may sarili nilang landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang likas na pagkatao? Napakalaki ng mga nagawa nila sa mundo, at walang sinumang nakakaaninag sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Nagpapakita ito na lubhang masama at makamandag ang kanilang likas na pagkatao. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang kalikasan ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya ni Satanas—ito, sa kabuuan nito, ay isang likas na pagkatao na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos mabasa ang salita ng Diyos, nahanap ko ang ugat ng pagiging isang kong nagpapasaya sa tao. Dahil iyon sa noong bata pa ako, tinuruan ako ng Partidong Komunista ng Tsina, at pinuno ako ng makamundong pilosopiya, lohika’t patakaran, gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Hindi santo ang mga tao; paano sila magiging malaya mula sa pagkakasala?” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” pati iyong “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali,” “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan.” Itinanim sa puso ko ang mga bagay na iyon, at isinakabuhayan ko ang mga iyon. Naging mas mayabang ako, makasarili, kasuklam-suklam, at mapanlinlang. Ginawa kong kasabihan sa buhay ko ang mga iyon. Inobserbahan ko ang mga ekspresyon ng iba, at maingat kong pinakitunguhan ang lahat ng tao. Pinasaya ko ang mga tao, naging pangkaraniwan, hindi ako nanakit ng sinuman, hindi ako nangahas magsalita ng katotohanan, at nabuhay ako nang walang dignidad. Nang lumitaw ang huwad na mga pinuno, sa takot na saktan si Sister Liu, tinalikuran ko ang prinsipyo ko, pinili kong maging duwag, at tinulutan silang ipahamak ang mga kapatid at hadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos. Paano ko masasabing mabuti ako? Maitim ang puso ko, “mabait na tao,” isang alipin ni Satanas. Wala akong anumang katuwiran o lakas ng loob. Kung sinuri ko at tinulungan nang mas maaga si Sister Liu, baka hindi siya nakagawa ng napakaraming paglabag, hindi sana nahadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. At hindi sana ako nagkasala sa disposisyon ng Diyos. Kaya nakita kong ang pamumuhay sa makamundong pilosopiyang iyon at pagiging isang nagpapasaya sa tao ay makakapagpahamak lang sa mga tao, at pati na rin sa sarili ko. Nakikita ko na mula sa mga katotohanang naibunyag na ang sataniko, makamundong pilosopiya at patakarang ito ay nagpapatiwali lang sa mga tao. Galit sila sa salita ng Diyos at katotohanan. Kapag isinasakabuhayan natin ang mala-satanas na mga pilosopiyang ito, gaano man tayo kabait o kahinahon, mandaraya pa rin tayo, kasuklam-suklam, at kalunus-lunos. Kung hindi natin isasagawa ang katotohanan, at magbabago, tatalikura’t aalisin tayo ng Diyos.

Nabasa ko ang isa pang salita ng Diyos: “Sa diwa, matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay na kinamumuhian Niya ang mga mandaraya, na hindi Niya gusto ang mga taong mandaraya. Ang katunayan na hindi gusto ng Diyos ang mga mandaraya ay nangangahulugan na hindi Niya gusto ang kanilang mga kilos, disposisyon, at ang kanilang mga motibo; iyon ay, hindi nais ng Diyos ang paggawa nila ng mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan natin ng kasiyahan ang Diyos, dapat muna nating baguhin ang ating mga kilos at paraan ng pag-iral(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Sa sandaling nagkaroon ka na ng pananampalataya, kapag lumalapit sa Diyos nguni’t namumuhay pa rin sa dating gawi, ang iyo bang paniniwala sa Diyos ay makabuluhan? Mahalaga ba ito? Ang mga mithiin at mga prinsipyo ng iyong buhay at paraan ng iyong pamumuhay ay hindi nagbago, at ang tanging lamang mo sa mga hindi-mananampalataya ay ang iyong pagkilala sa Diyos. Sa tingin ay tila sumusunod ka sa Diyos, nguni’t hindi nagbago ni katiting ang iyong disposisyon. Sa huli, hindi ka maliligtas. Dahil sa ganyang kalagayan, hindi ba’t ito’y isang hungkag na paniniwala at hungkag na kagalakan?(“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos mabasa iyon, nakita kong may diwa ng katapatan ang Diyos, gusto Niya ang matatapat na tao at hindi ang mandaraya. Nang mamuhay ako sa satanikong pilosopiyang iyon, hindi nagbago ang kilos ko’t pananaw sa mga bagay-bagay. Para akong hindi mananampalataya. Gaano katagal man akong manampalataya sa ganoong paraan, hindi ko makakamit ang katotohanan o kaligtasan. Iyon lang nagsasagawa ng katotohanan, na mga tapat na tao, na walang pandaraya sa puso, na may tapang na panindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan, at pumapanig sa Diyos at nagsasaalang-alang ng kalooban Niya ang mga minamahal Niya, at lubos Niyang maililigtas! Matapos maunawaan ang hinihingi ng Diyos, nagdasal ako’t sumumpa na isasagawa ko ang katotohanan, at magiging tapat.

Ilang buwan kalaunan, nalaman kong ang bago kong kasama na si Brother Li ay kasabihan at doktrina lang ang sinasabi. Kinausap ko siya tungkol doon, pero walang pagbabago, kaya sinabi ko iyon sa mga nakatataas sa amin. Pero pagkatapos, inutos nila sa aking siyasatin at ilantad ang mga ugali niya, at nagsimula akong makadama ng pangamba. Parang umurong ang dila ko tungkol sa bagay na iyon, dahil mas matagal nang ginagampanan ni Brother Li ang tungkulin niya roon kaysa sa iba. Itinuring na siyang parang elder, at tinulungan niya ako sa gawain ko noon. Kung ilalantad ko ang kalagayan niya, ano’ng iisipin niya sa akin? Masasaktan kaya siya? Tapos, nabasa ko ang talatang ito ng mga salita ng Diyos: “Kung taglay mo ang mga motibasyon at pananaw ng isang ‘mabait na tao,’ lagi kang babagsak at mabibigo sa mga bagay na tulad nito. Kaya ano ang dapat mong gawin sa gayong mga sitwasyon? Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, dapat kang manalangin sa Diyos. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng lakas, na tulutan kang masunod ang prinsipyo, magawa ang dapat mong gawin, mapangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, manindigan, at pigilan ang anumang pinsala na dumating sa gawain sa bahay ng Diyos. Kung kaya mong talikdan ang sarili mong mga interes, reputasyon, at kinatatayuan ng isang ‘mabait na tao,’ kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, natalo mo na si Satanas, at matatamo na ang aspetong ito ng katotohanan(“Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili, Saka Mo Lamang Hahangaring Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pagbabasa nito, naging malinaw sa akin na sinusubukan ako ng Diyos kaya ito dumating sa akin at binibigyan ako ng pagkakataong magsisi. Gustong makita ng Diyos kung paano ko ito pangangasiwaan. Hindi ko hahayaang protektahan ko uli ang relasyon ko sa iba gaya noon. Dapat kong unahin ang gawain ng iglesia, isagawa ang katotohana’t panindigan ang katuwiran. Kung naghahangad ng katotohanan si Brother Li, magagamit niya ang pagbabahagi para maunawaan ang sarili niya, na makakatulong sa pagpasok niya sa buhay, at pag-iwas na makagawa ng mas maraming paglabag. Kaya naman, pinuntahan ko si Brother Li, at isa-isang inilantad ang mga kalagayan at ugali niya gamit ang salita ng Diyos. Ang ikinagulat ko hindi lang hindi sumama ang loob niya sa akin, nagsisisi niya ring sinabing “Kung hindi mo ako inilantad sa ganitong paraan, hindi ko malalaman ang tungkol sa mga problema ko. Kailangan kong magnilay sa sarili ko.” Naantig ako nang husto nang marinig ang mga sinabing iyon ni Brother Li. Nag-alala akong baka maghinanakit siya sa akin sa paglalantad ko sa kanya, pero imahinasyon ko lang pala iyon. Nang sandaling iyon, tunay na naranasan kong ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagdudulot ng kapayapaan ng isip, at mas inilalapit tayo sa Diyos. Naranasan kong ang paraan lang para mapangalagaan ang gawain ng bahay ng Diyos ay ang pagsasagawa ng katotohahan at panghawakan ang mga bagay sang-ayon sa mga prinsipyo. Ito rin lang ang paraan para tunay na matulungan ang mga kapatid. Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nabago ang ilan sa mali kong mga pananaw, at nagbago ang tuso’t mapalinlang na satanikong disposisyon ko. Kapag nagpapakita ngayon ang mga kapatid ng katiwalian, o kapag tumatalikod sa prinsipyo ng katotohanan, hindi ko na sila pinagtatakpan, o pinoprotektahan ang pinagsamahan namin ng mga tao. Lagi ko nang sadyang isinasagawa ang katotohanan at inilalalantad ang mga bagay. Kahit na minsan nangangamba pa rin akong makasakit ng iba, pwede akong magdasal sa Diyos, kalimutan ang sarili, magsagawa ayon sa prinsipyo ng katotohanan, at hindi na isakabuhayan ang satanikong pilosopiya. Sa ganitong pagsasagawa, nakadama ako ng kapanatagan at katatagan. Magaan sa pakiramdam. Ang pagbabago’t pagtatamo nitong lahat ay dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Sinundan: 51. Nakita Ko na ang Katotohanan ng Pagiging Isang Taong Nagbibigay-lugod sa mga Tao

Sumunod: 53. Pagkalag sa mga Taling Gumagapos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito