Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

192 Determinadong Tapat na Bigyang-Kasiyahan ang Diyos

1

Nakikita ko na nalalapit na ang araw na makakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian.

Sa pag-alaala sa nakaraan, matinding pagsisisi ang nararamdaman ng puso ko.

Sobrang naging suwail ako sa aking kaugnayan sa Diyos, kaya’t naiwan sa akin ang mga ’di-matagalang mga alaala.

Namumuhi ako sa sarili ko sapagka’t huli na nang ako’y natauhan, nababagabag ako sa kabiguang suklian ang pag-ibig ng Diyos.

Wala akong ginawang ayon sa puso ng Diyos; paano kung gayonnaman ako magkakaroon ng kapayapaa’t kagalakan sa puso ko?

Nagkatawang-tao ang Diyos upang gumawa sa sanlibutan, upang makasama ng tao’t makibahagi sa kanilang paghihirap.

Lubhang makabuluhan para sa tao na ibigin ang Diyos, namumuhi lang ako sa aking sarili sa kawalan ng konsensya o katwiran.

Ramdam ko’y malaki ang pagkakautang ko sa Diyos dahil sa kabiguang ibigin Siya nang tapat.

2

Lubha akong nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, hangad ng puso ko’y agad masuklian ang Diyos.

Nguni’t ang kalikasan ko’y naghihimagsik at ’di ko isinasagawa ang katotohanan, marami akong pagkakataong nasayang upang magawang perpekto.

Wala akong magawa kundi magsisi’t manghinayang, higit ko pang kinamumuhia’t kinasusuklaman ang sarili ko.

Nakikita kong wala akong realidad ng katotohanan, at pabaya pa rin sa pagtupad sa tungkulin ko.

Nag-aalala ang puso ko, mapapait na luha ang itinatangis ko, ramdam na ramdam kong ’di ko kayang humarap sa Diyos.

Sa maingat na pagbilang sa biyaya ng Diyos, nakikita ko kung gaano kabuti‘t kaibig-ibig ang Diyos.

Gayong kalaking halaga ang bayad ng Diyos upang ako’y iligtas, kaya’t bakit ’di ko nasusuklian ang pag-ibig N’ya?

Bagama’t ’di ko pa naiwawaksing ganap ang katiwalian, lahat gagawin ko upang habulin ang katotohanan.

Sa huling yugto ng daan, nais kong ang Diyos tapat na mapaluguran.

Sinundan:Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan

Sumunod:Ang Awit ng Magiliw na Babala

Baka Gusto Mo Rin