Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalimang Bahagi)

II. Ang mga Interes ng mga Anticristo

C. Pagpapakana Para sa Sarili Nilang mga Pakinabang

Ngayon, ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan natin tungkol sa ikasiyam na aytem ng iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo, at sa parte ng aytem na ito na nauugnay sa mga interes ng mga anticristo. Noong nakaraan, nagbahagi Ako tungkol sa ikatlong aytem ng mga interes ng mga anticristo: mga pakinabang. Sa aytem na iyon, inilista Ko ang mga partikular na pagpapamalas ng ilang aspekto, at pangunahin Kong tinalakay ang pag-uugali, mga kaisipan at pananaw ng mga anticristo, at ang iba’t ibang bagay na ginagawa nila sa ilalim ng kontrol ng mga kaisipan at pananaw na ito. Nagbahagi Ako tungkol sa dalawang aspekto noong nakaraan: Ang una ay ang paglulustay sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos, at ang pangalawa ay ang paggamit sa mga kapatid para maglingkod at gumawa para sa kanila. Ang mga ito ay dalawang partikular na pagpapamalas ng mga anticristong nagpapakana para sa sarili nilang mga pakinabang. Ngayong nagbahagi na Ako tungkol sa mga ito, mayroon na ba kayong pagkaunawa sa kalikasang diwa ng mga anticristo? Sa totoo lang, walang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga tiwaling tao pagdating sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo, tungkol man ito sa disposisyon o kalikasang diwa nila. Mas magkatulad sila kaysa sa magkaiba; nagkakaiba lamang sila sa kung mayroon silang mabuti o masamang pagkatao, at may malinaw na pagkakaiba lamang pagdating sa saloobin nila sa katotohanan. Kahit na pare-pareho lang lahat ng tiwaling disposisyon ng mga tao, kaya ng mga anticristo na kamuhian ang katotohanan, labanan ang Diyos, husgahan ang Diyos, at lapastanganin ang Diyos, at kaya rin nilang gumawa ng masama at guluhin ang gawain ng iglesia. Ito ang mga aspekto kung saan may malinaw na pagkakaiba ang mga anticristo at ang mga ordinaryong tiwaling tao. Ang bawat tao ay may disposisyon ng isang anticristo, pero kung hindi pa sila nakagawa ng masama at nakagulo sa gawain ng iglesia, at hindi pa nila direktang kinompronta ang Diyos, kung gayon, hindi sila matutukoy na isang anticristo. Bagamat ang mga tiwaling tao ay may magkapareho o magkatulad na mga kaisipan, pananaw, at tiwaling disposisyon, kung hindi sa isang masamang tao ang kalikasang diwa ng isang tao, kung gayon, isang malinaw na pagkakaiba iyon sa pagitan nila at ng mga anticristo. Hindi nakikita ng karamihan sa mga tao ang pagkakaibang ito, at pinagsasama-sama nila sa iisang grupo ang mga taong may disposisyon ng isang anticristo at ang mga taong tumatahak sa landas ng isang anticristo, at tinutukoy nila ang mga ito bilang mga anticristo—madaling pinsalain ang mabubuting tao sa pamamagitan ng paggawa nito! Kung hindi ninyo malinaw na nauunawaan ang kalikasang diwa ng mga anticristo, malaking balakid din ito sa pag-unawa ninyo sa inyong sarili. Kung nakikita mo na kapareho ng sa isang anticristo ang tiwali mong disposisyon, iisipin mo na isa kang anticristo, at kung nakikita mo na katulad ng sa isang anticristo ang landas na tinatahak mo, iisipin mo rin na isa kang anticristo. Ituturing mo pa rin ang sarili mo bilang isang anticristo kung nakikita mo na ang paraan ng paggawa mo sa mga bagay-bagay at ang mga kaisipan at pananaw mo ay kapareho ng sa isang anticristo. Kung nakikita mo ang sarili mo bilang isang anticristo sa tatlong paraang ito, ituturing mo ang sarili mo na isang anticristo. Ano ang magiging mga kahihinatnan nito? Tiyak na magiging negatibo ka sa isang antas at susukuan mo ang sarili mo. Medyo baluktot ang pag-unawa sa sarili mo sa gayong paraan. Kaya, hindi ba kailangan na unawain ang anticristong disposisyon mo? Hindi, kailangan ito siyempre. Ang layunin ng pagbabahaginan at paghihimay sa disposisyon ng mga anticristo ay para maikumpara ninyo ang inyong sarili at umabot kayo sa punto na tunay ninyong maunawaan ang inyong sarili. Kung nauunawaan mo lang na mayroon kang karaniwang tiwaling disposisyon pero hindi mo kinikilala na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo, kung gayon, napakababaw at may pagkiling ang pag-unawa mo sa sarili mo; hindi ito dapat ganito. Maaaring hindi pa ninyo ito alam sa ngayon. Iniisip ng karamihan ng tao, “Hindi ako tumatahak sa landas ng isang anticristo, hindi rin ako isang anticristo, at wala rin akong diwa ng isang anticristo, kaya hindi ko kailangang umabot sa punto na nauunawaan ko na mayroon akong disposisyon ng isang anticristo, na kaya kong tumahak sa landas ng isang anticristo, at na pwede akong maging isang anticristo. Kung ito ang pag-unawa ko sa sarili, hindi ba’t hinahamak ko ang sarili ko?” Kaya, hindi kayo gaanong interesado sa mga paksang ito tungkol sa paglalantad sa mga anticristo. Hindi mahalaga kung interesado ka o hindi, kung isa kang taong naghahangad sa katotohanan, darating ang araw na unti-unti mong mauunawaan ang mga aspektong ito ng katotohanan at ang mga kasabihang ito. Narinig Ko na nagbabahagi ang ilang tao ng kanilang pagkaunawa batay sa karanasanpero wala silang sinasabing anuman tungkol sa kung paanong mayroon silang disposisyon ng isang anticristo, o kung paanong tumatahak sila sa landas ng isang anticristo. Malinaw na katulad mismo ng sa isang anticristo ang mga kaisipan, pananaw, at disposisyon nila—magkaparehong-magkapareho sila—pero hindi nila nauunawaan ito. Sapat na itong patunay na masyadong makitid ang lawak ng pag-unawa ng maraming tao sa sarili nila, na kaya lamang nilang maunawaan na mayroon silang tiwaling disposisyon, na nilalabanan nila ang Diyos at naghihimagsik sila laban sa Diyos, na hindi gaanong mabuti ang pagkatao nila, at na hindi nila masyadong mahal ang katotohanan. Sa katunayan, ang ipinapamalas at ipinapakita nila ay ang disposisyon ng isang anticristo, at na ang landas na tinatahak nila ay sa isang anticristo, pero hindi nila ito nauunawaan. Bakit hindi nila ito nauunawaan? Dahil hindi nila nauunawaan ang iba’t ibang pagmamalas na kaugnay sa disposisyon ng isang anticristo, at marami pa ngang mga tao ang natatakot na magsabi na mayroon silang disposisyon ng isang anticristo o na nasa landas sila ng isang anticristo. Kahit na nauunawaan nila ito, hindi sila naglalakas-loob na sabihin ito; kung sasabihin nila ito, para bang isinusumpa o kinokondena sila. Sa realidad, hindi ba’t pareho lang din ang sitwasyon mo sabihin mo man ito o hindi? Mababago ba nito ang katunayan na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo? Hindi. Ang katunayan na hindi mo ito nauunawaan ay nagpapatunay na masyadong mababaw ang pagkaarok mo sa katotohanan, at na wala kang tunay na pag-unawa sa sarili mo.

3. Paggamit ng Kanilang Posisyon para Makakuha ng Makakain, Maiinom, at Iba pang mga Kanais-nais na Bagay sa Pamamagitan ng Pandaraya

Sunod, magbabahaginan tayo tungkol sa pangatlong pagpapamalas ng mga anticristong nagpapakana para sa sarili nilang mga pakinabang—paggamit ng kanilang posisyon para makakuha ng makakain, maiinom, at iba pang mga kanais-nais na bagay sa pamamagitan ng pandaraya. Siyempre, ang “paggamit ng kanilang posisyon” ay matatawag din na madayang pagkuha ng makakain, maiinom, at iba pang mga kanais-nais na bagay gamit ang dahilan na nananampalataya sila sa Diyos. Nasubukan na ba ninyong pagnilayan at pag-isipan ang aytem na ito noon? (Hindi pa.) Nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng tao? Mayroon ba kayong anumang opinyon tungkol sa ganitong klase ng tao? Mayroon ba kayong anumang nararamdamang pagkapoot o pagkasuklam? Nakakaramdam ba kayo ng paghamak sa ganitong klase ng tao? (Oo.) Anong uri ng tao sila? Ano ang pagkatao nila? Bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito? Ano ang pananaw nila sa pananampalataya sa Diyos? Nililigtas ba ng Diyos ang ganitong klase ng tao? Ano, sa huling pagsusuri, ang layunin ng pananampalataya nila sa Diyos? Tinalikuran nila ang mga pamilya at propesyon nila, at nagpakita sila ng mga pagpapahayag ng pagdurusa ng paghihirap at pagbabayad ng halaga, pero ano, sa huling pagsusuri, ang layunin nila sa paggamit ng kanilang posisyon para makakuha ng makakain at maiinom sa pamamagitan ng pandaraya? Alam ba nila na, kapag ginagawa nila ito, kinasusuklaman ito ng Diyos at hindi nalulugod ang Diyos? Naisip na ba ninyo ang mga katanungang ito noon? Sa totoo lang, karamihan sa inyo ay hindi pa ito naisip. At bakit hindi pa? Sinasabi ng ilan: “Napakaraming taong ganito sa lipunan, kaya hindi malaking bagay kung may ilan sa kanila sa sambahayan ng Diyos. Isa pa, tayo mismo ay hindi naman ganoon kadalisay.” Itinuturing mo ang sarili mo bilang isang taong naghahangad sa katotohanan, pero hindi mo kailanman sinuri ang sarili mong mga gawa, kaisipan, at ideya, pati na rin ang mga gawa at pag-uugali ng iba, at hindi mo kailanman ikinumpara ang mga ito sa katotohanan, gamit ang perspektiba ng katotohanan para tingnan at tukuyin ang mga ito. Kaya, isa ka pa rin bang taong naghahangad sa katotohanan? May halaga at kabuluhan pa ba sa iyo ang mga katotohanang naunawaan mo sa iyong pananampalataya sa Diyos? Wala. Ang lahat ng nagkukunwaring espirituwal kahit wala silang espirituwal na pagkaunawa ay may pekeng espirituwalidad, at wala silang inaalala kundi ang gugulin ang buong araw nang mahigpit na sumusunod sa mga regulasyon o nagsasalita ng mga salita at doktrina, na katulad ng ginagawa ng mga sinaunang iskolar, “ganap na ginugugol ang sarili sa pag-aaral ng mga aklat ng mga pantas at hindi nagbibigay-pansin sa mga panlabas na usapin.” Iniisip ng mga taong nagkukunwaring espirituwal na walang kinalaman sa kanila ang anumang ginagawa ng ibang tao, na problema na ng ibang tao kung paano man mag-isip ang mga ito, at tumatanggi silang matuto kung paano kilatisin ang mga tao, maarok ang mga bagay-bagay, at maunawaan ang mga layunin ng Diyos batay sa mga salita ng Diyos. Ganito ang karamihan ng tao; pagkatapos nilang makinig sa isang sermon o magbasa ng mga salita ng Diyos, isinusulat nila ito sa papel, inilalagay sa puso nila, at itinuturing ito bilang mga doktrina o regulasyon na sinusunod lang nila bilang pakitang-tao, at pagkatapos ay tapos na sila rito. Pagdating naman sa kung paano nauugnay sa mga katotohanang ito ang mga bagay na nangyayari sa paligid nila o ang iba’t ibang pag-uugali at pagpapamalas na nakikita nila sa mga tao sa paligid nila, hindi nila ito kailanman pinag-iisipan o sinusubukang pagnilayan sa puso nila, at hindi rin sila nagdarasal o naghahanap. Ganito ang kalagayan ng espirituwal na buhay ng karamihan ng tao. Kaya, maraming tao ang mabagal at paimbabaw sa pagpasok sa katotohanan; lubos na walang sigla ang espirituwal nilang buhay, sumusunod lamang sila sa mga regulasyon, at walang mga prinsipyo sa paggawa nila ng mga bagay-bagay. Masasabi na, sa kaso ng maraming tao, ang espirituwal nilang buhay ay hiwalay sa tunay na buhay at hungkag ito, at kaya, kahit na sa mga lantarang pag-uugali at pagpapamalas ng masasamang tao at mga anticristo, lubos na wala silang mga konsepto, mas lalong wala silang anumang depinisyon, at wala rin silang anumang ideya o ipinapakitang anumang pagkilatis. Tungkol sa mga pag-uugali, pagpapamalas, at kasabihan ng mga anticristo sa pagpapakana para sa sarili nilang mga kapakinabangan, maaaring may ilan na rin kayong nakita, pero hindi ninyo kailanman sinubukang pagnilayan sa puso ninyo kung anong uri sila mismo ng mga tao, kung kaya ba nilang makamit ang katotohanan sa pananampalataya nila sa Diyos, kung sila ba ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at ang iba pang mga gayong katanungan. Sa halip, wala kayong ginagawa buong araw, iniraraos lang ninyo ang lahat ng bagay na ginagawa ninyo, at hindi kayo naghahangad na makamit ang katotohanan o makaunawa at makapasok sa katotohanang realidad. Ginagamit ng mga anticristo ang posisyon nila para magpakana para sa sarili nilang mga kapakinabangan at ginagamit nila ang pananampalataya sa Diyos bilang pagkukunwari para makuha ang iba’t ibang uri ng kanais-nais na bagay sa pamamagitan ng pandaraya sa loob ng sambahayan ng Diyos. Likas na napapaloob sa mga kanais-nais na bagay na ito ang pagkain at inumin, pati na rin ang ilang materyal na kasiyahan at iba pa. Ang diwa ng mga gayong tao ay katulad ng sa materyalistikong diwa ng mga anticristo na napag-usapan natin dati—ito ang karakter ng parehong uri ng tao. Hinahangad lang nila na matamasa ang iba’t ibang materyal na pagtrato; hindi nila hinahangad ang katotohanan, at lalong hindi rin sila naghahanda ng mabubuting gawa. Nagkukunwari lang sila na naghahangad sa katotohanan at tila ginagawa nila ito sa panlabas. Ang pangunahing hinahangad nila sa kaibuturan ng puso nila ay ang kasiyahan ng laman gaya ng pagkain, pag-inom, at maayos na pagtrato na palaging nasa isipan nila. Marami-raming ganitong klase ng tao sa paligid; malamang na may isa o dalawa sa bawat iglesia, at baka higit pa nga. Ngayon, hindi Ko muna tatalakayin ang tungkol sa mga pagpapamalas, pag-uugali, at diwa ng mga taong ito sa teoretikal na aspekto. Tatalakayin Ko muna ang tungkol sa ilang partikular na kasong kumakatawan, at hahayaan Ko kayong lahat na makinig, magkamit ng kabatiran mula rito, at makita kung paano nauugnay ang mga ganitong tao sa aytem na pinagbabahaginan natin, at kung ginagamit ba nila ang posisyon nila at ibinabandera ang pananampalataya nila sa Diyos para madayang makakuha ng pagkain, inumin, pera, at mga materyal na bagay. Subukang kilatisin ang ganitong tipo ng tao, at pagkatapos ay isipin kung ang mga taong nakakasalamuha ninyo ay may ganitong mga pagpapamalas na pinag-uusapan natin. Kung may sinumang pumasok sa isipan ninyo, pwede rin kayong magbigay ng ilang halimbawa. Sabihin ninyo sa Akin, mas mabuti bang magbigay ng mga halimbawa o magbahagi lang nang pangkalahatan gaya nito? (Mas mabuting magbigay ng mga halimbawa.) Ano ang kagandahan sa pagbibigay ng mga halimbawa? Una sa lahat, handang makinig ang karamihan ng tao sa mga kwento at kasong ito na hango sa tunay na buhay. Mayroong mga tauhan at istorya ang mga ito, at interesante ang mga ito para sa karamihan ng tao. Katulad lang ito ng kapag ikinukuwento mo ang personal mong karanasan: Kung magsusulat ka ng artikulo tungkol dito, kadalasan ay babasahin ito ng mga tao nang isa o dalawang beses, at iyon na iyon, pero kung gagawan mo ito ng pelikula o dula, mas maraming tao ang manonood dito, at hindi lang nila ito papanoorin nang isang beses. Sa ganitong paraan, mas masusi at may higit na kalinawang titingnan ng mga tao ang aspektong ito ng katotohanan o ang mga kaugnay na tao, pangyayari, at bagay, at magiging mas malalim ang impresyon nila sa mga ito. Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng ilang partikular na halimbawa ay nakakatulong sa mga tao na mas tumpak na maikumpara at maiugnay ang bawat aspekto ng katotohanan sa sarili nila.

Unang Kaso: Pagkukunwaring Gumagawa para Makahingi ng Makakain at Maiinom

Una, magbigay tayo ng ilang halimbawa na karaniwan sa mga hinirang ng Diyos. Pumupunta sa isang bagong lugar ng trabaho ang ilang lider at manggagawa, kung saan nakakatagpo sila ng iba’t ibang kapatid at nakakatuklas ng ilang magandang bagay, at iniisip nila, “Magaganda ang mga bagay na ito. Bakit wala ako ng mga ito?” Hindi ba’t mayroon silang hindi magagandang saloobin sa loob nila? Lumitaw na ang kasakiman nila. Sa sandaling lumitaw ang kasakiman nila, titigil ang mga mababang-uri at walang kahihiyang mababang nilalang na ito, at maghahanap sila ng iba’t ibang dahilan para makapagtrabaho sa lugar na iyon at hindi na umalis. Ano ang layon nila sa hindi pag-alis? (Para balang araw ay makinabang sila.) Tama, nais nilang makinabang. Kung hindi nila makukuha ang pakinabang na ito, hindi sila makakatulog nang maayos sa gabi. Nag-aalala sila na kapag pumunta sila sa ibang lugar, may ibang makakakuha sa pakinabang na ito at hindi na sila muling magkakaroon ng ganitong pagkakataon, kaya, naghahanap sila ng dahilan para mangaral at magtrabaho sa lugar na iyon. Ang totoo, palaging laman ng puso nila ang mga kanais-nais na bagay na ito, at palaging nakatutok ang mga mata nila sa mga kanais-nais na bagay na ito. Sa wakas, naitatag na nila ang sarili nila sa lugar na iyon, at kinagigiliwan sila ng karamihan ng mga kapatid, kilala sila ng mga ito bilang mga mangangaral, at sinasamba at tinitingala sila ng mga ito. Ngayon na ang oras para banggitin ng mga lider at manggagawa na ito na mayroon silang gusto, kaya nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para maipakilala ang paksa, pero habang mas nagsasalita sila, mas lalo silang nababalisa. Nagninilay-nilay sila, “Paano ko ba dapat hingin ang bagay na ito? Hindi ko pwedeng ipaalam sa mga kapatid na gusto ko at ninanais ko ang bagay na ito. Kailangan ay kusa nila itong ibigay sa akin; hindi ko dapat ipaisip sa kanila na hinihingi ko ito, sa halip, dapat nilang isipin na kusang-loob nila itong ibinibigay sa akin, at na siyempre ay karapat-dapat lang akong magkaroon nito.” Pagkatapos nito, tinatanong nila ang mga kapatid, “Kumusta ang buhay pagpasok ninyo kamakailan?” Sinasabi ng mga kapatid, “Simula nang dumating ka, gumanda ang buhay—iglesia namin at sumigla ang lahat.” “Ang katunayan na masigla kayo ay nangangahulugang mas gumanda ang kondisyon ng espiritu ninyo. Maganda rin ang takbo ng negosyo ninyo. Kung pahihintulutan ng diyos, mas gaganda ang takbo ng negosyo ninyo sa hinaharap.” Habang nagsasalita ang mga lider at manggagawa, inililiko nila ang usapan tungo sa bagay na nais nila. Kapag naging malinaw na sa mga kapatid na nais ng mga lider at manggagawa ang bagay na iyon, sasabihin nila na dapat magdala ang mga lider at manggagawa ng ilan sa mga iyon pag-alis ng mga ito. Sinasabi ng mga lider at manggagawa, “Hindi, hindi ako pwedeng kumuha ng kahit ano. Hindi ito naaayon sa mga prinsipyo. Hindi matutuwa ang diyos.” “Walang problema. Karapat-dapat kang magkaroon ng ilan sa mga ito.” “Kahit karapat-dapat ako, hindi pwede.” Pagkatapos sabihin ito, nag-aalala sila na baka hindi talaga iyon ibigay sa kanila ng mga kapatid, kaya paligoy-ligoy nilang sinasabi ang ilang bagay, para pasalamatan sila ng mga kapatid sa kabutihan nila, habang maagap din na binabanggit ang bagay na gusto nila, para maalala ng mga kapatid na bigyan sila ng ilan sa mga ito. Pagkatapos, nagiging malinaw sa mga kapatid kung ano ang ibig sabihin ng mga lider at manggagawa, at sinasabi nila, “Huwag natin itong pag-usapan sa ngayon. Pwede natin itong pag-usapan pag-alis mo.” Kapag naririnig ng mga lider at manggagawa ang sinasabing ito ng mga kapatid, tuwang-tuwa ang puso nila at iniisip nila, “Mabuti! Sa wakas, makukuha ko na ang gusto ko!” At iniisip din nila, “Kung aalis ako kaagad bukas, magiging masyadong halata sa mga tao na gusto ko ang bagay na iyon. Aalis na lang ako sa loob ng dalawa o tatlong araw.” Nang sa wakas ay dumating na ang ikatlong araw, binibigyan sila ng mga kapatid ng isang mabigat na parsel pag-alis nila. Nakikita ng mga lider at manggagawa na naroroon sa parsel ang bagay na gusto nila, pero nagkukunwari silang hindi nila ito nakita, at hindi nila ito tinanggihan. Walang imik lang nilang tinatanggap ang parsel. Anong klaseng mga tao ito? Mga tao silang ginagamit ang gawain nila bilang isang pagkakataon—at ang trabaho bilang puhunan—sa pagpapakana na makakuha ng mga kanais-nais na bagay, at mga tao silang nangingikil sa mga kapatid. Hindi ba’t isa itong uri ng pandaraya? Ano ba ang layon ng gawain nila? Para makakuha ng mga kanais-nais na bagay sa pamamagitan ng panggagantso sa iba. Sa sandaling makatuklas sila ng isang lugar na may kanais-nais na bagay at isang bagay na gusto nila, napapahinto sila at ayaw na nilang umalis. Kinukuha nila ang bawat magandang gamit para sa sarili nilang tahanan. Pagkatapos maging lider o manggagawa sa loob ng ilang taon, maraming gamit sa bahay nila ang nahuthot nila mula sa mga kapatid. Ang ilan sa kanila ay nanghuthot sa mga kapatid ng mga lihim na recipe ng pamilya o ng mga ari-ariang namana ng mga kapatid, at nanghuthot naman ang ilan sa kanila ng mga lokal na espesyal na produkto. Ang pananampalataya ng mga taong ito sa Diyos ay mukhang tila nililibot nila ang iba’t ibang lugar at gumagawa sila ng gawain nang walang anumang hinihinging kapalit, pero ang totoo, masyado na silang maraming nahuthot na mga kanais-nais na bagay mula sa mga kapatid.

Pagdating ng isang lider sa isang partikular na iglesia, nakikita niya na sikat sa buong bansa ang mga aratilis sa lugar na iyon, at naisip niya, “Mahilig akong kumain ng aratilis. Kung dito ako ipinanganak, araw-araw akong makakakain ng aratilis, pero sayang, hindi ako pwedeng manatili nang matagal at hindi pa hinog ang mga aratilis. Kailan kaya ako makakakain ng mga ito? Alam ko na—pwede akong humanap ng dahilan para manatili hanggang sa mahinog ang mga aratilis, at pagkatapos ay makakakain ko na ang mga ito, hindi ba?” Pagkatapos, idinadahalin niya na nasa masamang kalagayan ang karamihan ng kapatid dito at walang anumang naisasakatuparan sa gawain nila, kaya kailangan niyang manatili rito nang matagal at sikaping patakbuhin ang bawat aspekto ng gawain bago siya umalis. Gayumpaman, iyon ba talaga ang saloobin ng puso niya? (Hindi.) Sa puso niya, nagkakalkula siya: “Kung kailan man mahihinog ang mga aratilis at makakapagdala na ako ng ilan, saka ako aalis.” Puno ng ganoong kaisipan ang puso niya, at napapahinto siya sa kanyang ginagawa dahil doon at pumupuwesto siya roon. Habang naroroon siya, nangangaral siya ng ilang salita at doktrina, gumagawa ng ilang mababaw na bagay, pero wala siyang gaanong naisasakatuparang gawain. Sa wakas, hinog na ang mga aratilis at nag-uumapaw sa tuwa ang puso niya: “Sa wakas, makakakain na ako ng mga aratilis. Dumating na sa wakas ang araw na pinapangarap ko!” Sa sandaling mahinog na ang mga aratilis, sinisimulan niyang kainin ang mga ito, habang nagninilay-nilay siya sa puso niya, “Hindi pwedeng araw-araw na lang akong kakain ng mga aratilis dito. Hindi ako pwedeng manatili para lang kumain ng mga aratilis. Paano kung mapansin ng mga kapatid? Kailangan kong mag-isip ng paraan para bigyan nila ako ng ilan na pwede kong iuwi. Kung hindi nila ako bibigyan, kailangan kong magsikap at mas magsalita pa para makumbinsi sila tungkol dito.” Sa sandaling makita ng mga kapatid na nakatira doon na mahilig siyang kumain ng mga aratilis, sasabihin ng mga ito na bibigyan nila siya ng ilan pag-alis niya. Pagkarinig niya rito, natutuwa siya, pero ang sinasabi ng kanyang bibig ay, “Hindi pwede. Hindi ito naaayon sa mga prinsipyo. Hindi maaaring magnasa sa bagay na ito ang mga mananampalataya. Hindi ba’t sinasamantala ko naman kayo kung ganoon? Hindi ko ito pwedeng tanggapin nang hindi kayo binabayaran. Pag-alis ko, babayaran ko kayo.” Mga salita lang ang mga sinasabi niyang iyon. Kapag medyo nabusog na siya at oras na para umalis, sa loob-loob niya, iniisip pa rin niya, “Bibigyan kaya nila ako, o baka bibigyan lang nila ako ng mga bulok? Gusto kong kumain ng malalaki at matatamis na aratilis.” Dalawang araw bago siya umalis, palagi niyang sinasabi, “Halos napitas na lahat ng aratilis, tama ba? Kailan kaya muling mahihinog ang mga ito sa susunod na taon?” Ang ibig niyang sabihin doon, ipinapaalala niya sa mga kapatid na huwag kalimutang padalhan siya ng mga aratilis. Naiintindihan naman ito ng mga kapatid sa sandaling marinig nila ito: “Mukhang kailangan talaga natin siyang padalhan ng ilan bago siya umalis, at dapat tayong pumitas ng magagandang aratilis para sa kanya; kung hindi, baka pahirapan niya tayo.” Nang sa wakas ay oras na para umalis siya, pinadalhan siya ng mga kapatid ng tatlong malaking kahon. Hindi niya kayang dalhin ang mga ito nang mag-isa, kaya nagpatulong siya sa ibang tao na nasa ilalim ng kanyang pamumuno. Bago siya umalis, kinain niya nang kinain ang makakaya niya—kahit na parang masusuka na siya, pakiramdam niya ay sulit lang ito. Natatakot siya na baka hindi na niya ito matitikman kapag umalis na siya. Pagkaalis niya, mayroon pa rin siyang pag-aatubili, at iniisip niya, “Sapat lang ang nakain ko ngayon. Babalik ako sa susunod na taon. Hindi ko kailangang pumarito nang napakaaga, pero hindi rin ako dapat mahuli. Dapat nandito ako kapag hinog na ang mga aratilis. Nang sa gayon, makakakain ako ng mga sariwa, at kapag natuyo na ang mga ito, makakakain ako ng mga pinatuyong aratilis. Makakapagdala rin ako ng ilan pag-alis ko.” Hindi ba’t napakadetalyado niya itong kinakalkula? Ang mga bagay na ito ang tanging laman ng puso niya. Palagi niyang iniisip kung paano makapagsasamantala at nag-iisip siya ng mga pakana para makakuha ng mga kanais-nais na bagay, at makapanghuthot din sa mga kapatid ng mga bagay na pinag-iinteresan niya. Wala siyang palalagpasin na anumang kanais-nais na bagay na nakikita niya. Kahit na isa itong bagay na hindi kapansin-pansin, basta’t nakukuha nito ang kanyang atensiyon at tumatatak ito sa isipan niya, siguradong mapapasakamay niya ito. Hindi ba’t ito ang pag-uugali ng isang anticristo? Hindi ba’t napakababa ng pagkatao at karakter ng mga ganitong uri ng tao? Kahit gaano pa nila kayang magdusa ng paghihirap at magbayad ng halaga sa panlabas, at kahit gaano pa nila kayang talikuran ang pamilya at propesyon nila, masasabi ba na mga tao silang naghahangad sa katotohanan? Tiyak na hindi. Ang mga taong ito ang mga uri ng tao na mapandayang kumukuha ng pagkain at inumin sa pamamagitan ng pagbabandera ng pananampalataya sa Diyos.

Ang ilang tao ay pumupunta sa iba’t ibang lugar para ipalaganap ang ebanghelyo at gumawa ng mga gawain, at kapag umuuwi sila, nagdadala sila ng iba’t ibang lokal na espesyal na produkto mula sa bawat lugar, o maging mga kagamitan na hinuthot nila mula sa mga kapatid. Ito man ay damit na may kilalang tatak o gadyet, hangga’t nakukuha nito ang pansin nila, hindi nila ito pinapalampas, at hihingi nila ito. Kung hindi mo ito ibibigay sa kanila, mag-iisip sila ng kung ano-anong dahilan para pungusan ka, at ipapaunawa nila sa iyo kung bakit ka nila pinupungusan, at hindi sila titigil hanggang sa ibigay mo ito sa kanila. Ang mga taong ito ay nanghuhuthot ng iba’t ibang kanais-nais na bagay sa pamamagitan ng pagbabandera ng paggawa nila sa tungkulin nila, at walang humpay nilang sinusubukang kunin ang mga kanais-nais na bagay na ito. Minsan, binibigyan sila ng mga kapatid ng munting bagay, pero iniisip nila na hindi ito mamahalin at sinasabi nila, “Huwag na, salamat. Labis na akong pinagpala ng diyos. Wala na akong kailangan pa.” Ginagamit nila ang mga ganitong uri ng salita para tumanggi, at nilalansi nila ang mga kapatid upang kagiliwan at tingalain sila ng mga ito. Subalit, kapag ang ibinibigay ng mga kapatid sa kanila ay isang bagay na matagal na nilang pinapangarap, at isang bagay na kailangan nila at palagi nilang iniisip, kapag nakita nila ang bagay na ito, gusto nilang lustayin ang mga ito, at talagang hindi sila magpipigil. May ilang babae na lumulustay ng mga kosmetiko, magagandang damit at sapatos mula sa mga kapatid, at may ilang lalaki na nanghuhuthot ng mga kagamitan sa bahay, ng motorsiklo o mga gadyet mula sa mga kapatid. Pinagsisikapan nilang makuha ang lahat ng kanais-nais na bagay. Anuman ang magandang bagay na mayroon ang mga kapatid, basta’t napapansin ito ng mga taong ito, mag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para makuha ito nang may pandaraya. Dagdag pa rito, nakakaisip pa nga ang mga taong ito ng iba’t ibang dahilan at nakakahanap ng iba’t ibang palusot para makapagsalo-salo sa hapunan, para magpakabundat sa pagkain at inumin. Hanggang saan? Kahit saan sila magpunta, tinitingnan nila kung sino ang may pamilyang may pera at kung sino ang nakakakain nang maayos, pagkatapos ay nakikituloy sila sa pamilyang iyon at hindi sila umaalis. Pagkatapos, nakakaisip sila ng iba’t ibang dahilan para magdaos ng mga pagtitipon para sa mga katrabaho at magsalo-salo sa mga hapunan. At ano ang mga pambungad nilang salita sa bawat hapunan? “Ang pagtitipon natin ngayon ay isang pagtitipon ng kaharian. Binibigyan tayo ng hapag-kainang ito ng paunang tikim sa piging ng kaharian.” Agad namang sinasabi ng mga taong sumisipsip sa kanila, “Amen. Salamat sa diyos!” May ilang diumano’y lider at manggagawa na nagpapakabundat sa pagkain at inumin kahit saan sila magpunta. Ang bawat pagkain ay dapat may masustansyang sangkap, at dapat mayroong isda at karne, at dapat iba-iba ang mga ulam kada linggo; hindi pwedeng paulit-ulit ang mga ito. Pagkatapos ng hapunan, dapat silang uminom ng masarap na tsaa, at nagdadahilan sila, “Hindi ako pwede na walang tsaa. Mabigat ang gawain ko araw-araw at kailangan ko pang magpuyat sa gabi. Kung hindi ako makakainom ng kaunting tsaa para magising, hindi ako makakapagtrabaho sa gabi.” Ito ang sinasabi ng bibig nila, pero ano ang saloobin ng puso nila? “Hindi madali ang makarating sa posisyon ko ngayon. Hindi ba’t dapat akong kumilos nang may kaunting awtoridad? At saka, pinangarap kong matamasa ang mas magagandang bagay sa buhay, kaya hindi ba’t dapat mag-isip ako ng iba’t ibang paraan para matamasa ang mga bagay na ito ngayon? Kung hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko ngayong mayroon na ako nito, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na gawin ito muli kapag nawala na ito. Dapat akong kumain at uminom hangga’t maaari. Walang nakakaalam kung darating ang araw na wala na akong ganitong posisyon at hindi ko na matatamasa ang mga bagay na ito. Hindi na ako magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Kung gayon, hindi ba’t masasayang lang ang buong buhay ko?” Madayang kumukuha ng pagkain at inumin ang mga ganitong uri ng tao sa pamamagitan ng pagbabandera na gumagawa sila ng gawain. Gumagawa sila nang kaunti at nangangaral ng ilang salita at doktrina, at pagkatapos ay nais nilang manghuthot ng mga kanais-nais na bagay at kumain ng masasarap na pagkain.

May isang tao dati na gumagawa sa isang partikular na lugar, at kailangang magkatay ng manok araw-araw ang mga kapatid na naninirahan doon para sa taong ito. Nakagawian na niyang kumain ng isang manok araw-araw. Ano ang nararamdaman ninyo nang mabalitaan ninyo ito? (Nasusuklam.) Nag-alaga ng mga manok ang mga kapatid para sa mga itlog ng mga ito, at nagkakatay lamang sila ng manok kapag matanda na ito. Simula nang dumating ang taong iyon, kahit ang mga nangingitlog na manok ay kailangan nang katayin, at dahil dito, paunti nang paunti ang mga manok, at lubos nang nasagad ang mga kapatid. Kalaunan, natanggal ang taong iyon at umuwi na, pero hindi pa rin niya mabago ang kapintasang ito. Nagpapakatay siya sa asawa niya ng isang manok araw-araw; kung hindi, makikipagtalo siya sa asawa niya. Anong klaseng tao ito? Ang pagkain ng manok ay naging bahagi na ng kanyang pagkakakilanlan. Kumakain siya nito araw-araw, sa bawat oras ng kainan. Kahit pagkatapos niyang matanggal, kailangan pa rin niyang kumain nito—nakadepende na siya rito. Hindi ba’t may problema ang taong ito? Ano ang masasabi ninyo, mabuti ba ang mga ganitong klaseng tao? (Hindi.) Sa madaling salita, ang sinumang nagbabandera ng pananampalataya sa Diyos at gumagamit sa mga oportunidad na nagmumula sa mga tungkulin nila para mangikil sa mga ari-arian ng mga kapatid sa bawat pagkakataon, at para madayang kumuha ng mga pagkain at inumin sa bawat pagkakataon, ay hindi mabubuting tao. Ang diwa nila ay sa isang anticristo. Saan man sila pumunta para gumawa o anong uri man ng gawain ang ginagawa nila, pumipili muna sila ng mga pamilyang naghohost na may-kaya at namumuhay nang komportable para patirahin sila. Ano ang layon nila sa paghahanap ng mga ganitong lugar? Para kumain ng masarap at tumira sa magandang tahanan—para bigyang-kasiyahan ang laman. May ilang lugar na hindi nila matirhan dahil sa masamang kapaligiran, pero bibitiwan ba nila ang kasakiman nila at ang mga kaisipang ito? Hindi. Maghahanap sila ng ibang lugar na katulad nito na magpapatira sa kanila. Bilang resulta, pagkatapos ng ilang taon ng paggawa ng mga taong ito sa mga banyagang lugar, ganap na mag-iiba ang hitsura nila, at kapag umuwi sila, hindi na sila makikilala ng mga kapatid doon—magiging mas malaman ang mukha nila, mas mabilog ang tiyan; magiging mas maganda ang pananamit nila; magiging mas mapili sila, at magmamayabang sila. Ano ang mangyayari sa paglago ng buhay nila? Hindi lalago kahit kaunti ang buhay nila; kakain at magbibihis lamang sila nang maayos, magiging mataba, at makakakain hanggang sa puntong magiging mataba ang baba nila at magiging bilbilin sila. Sa isang kakila-kilabot na kapaligiran katulad ng sa mainland Tsina, anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, nakababalisa na bagay ito. Bagamat nakakakain sila nang maayos paminsan-minsan at may mga may-kayang pamilya na nagpapatira sa kanila, hindi pa rin madadagdagan ang timbang nila. Kung gayon, anong klase ng mga tao iyong nakakakain hanggang sa nagiging mataba na ang baba nila at nagiging bilbilin sila? (Mga taong nananabik sa mga pakinabang ng katayuan.) Sila ang mga palaging nag-iisip kung ano ang kanilang kakainin at iinumin at kung ano ang kanilang tatamasahin sa tatlong beses nilang pagkain sa isang araw. Kung hindi masarap ang pagkain ng mga ganitong uri ng tao, wala silang gana na magtrabaho o gawin ang mga tungkulin nila. Kung hindi kontento ang tiyan nila, hindi balanse ang pag-iisip nila: “Hindi talaga ako nakakain nang maayos ngayong araw. Wala man lang karne, at pagkatapos kumain, hindi mo ako inalok ng tsaa. Kaya, hindi ko na kayo papansinin. Kapag nagbahaginan kayo tungkol sa gawain ng iglesia, hindi ako magsasalita. Maghihiganti ako sa inyo. Sino ang nagsabing ayos lang na hindi ninyo ako bigyan ng masarap na pagkain? Kailangan kong kumain ng ganitong pagkain lang, pero gusto pa rin ninyo akong makipagbahaginan sa inyo. Hindi maaari!” Ito ang saloobin nila, pero hindi nila ito hayagang masabi. Sinasabi na lang nila, “Nagpuyat ako nang husto kagabi dahil sa pagtatrabaho, kaya kailangan kong umidlip ngayong hapon.” Hindi ba’t lubha silang manloloko? Natutulog sila hanggang alas-kuwatro o alas-singko ng hapon, at maraming tao ang naghihintay sa kanila roon, pero ayaw nilang bumangon. Bigla silang nakakaamoy ng mga mansanas at napapabalikwas sila ng bangon, nag-aalala na baka hindi na sila makakain. Ganito sila magtrabaho, at ganito nila ginagawa ang mga tungkulin nila. Kahit saan magpunta ang mga taong ito, at kahit gaano sila kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o makinig sa mga sermon, hindi nila babaguhin ang mga intensiyon at layunin nila, ni bibitiwan ang mga ambisyon at pagnanais nila. Ang lahat ng materyal na bagay ang layon ng paghahangad nila sa buhay na ito; ang kumain nang mabuti, magdamit nang maayos, at magtamasa ng magandang pagtrato ang mga layon ng pananampalataya nila sa Diyos sa buhay na ito. Iniisip nila na kung sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos sa buhay na ito, patuloy silang makakakain ng masasarap na pagkain, makakapagsuot ng magagandang damit, at makakatira sa magagandang bahay, at nagkakaroon din ng suporta mula sa mga kapatid—kung nagagawa nilang makuha ang mga bagay na ito nang may pandaraya—masisiyahan na sila sa buhay na ito. Sa mundong ito, hindi kikita ng maraming pera ang isang tao sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang husto sa isang regular na trabaho, at hindi madaling kumita ng pera sa pagnenegosyo—hindi nila matatamasa ang mga bagay na gaya nito. Kaya, pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naniniwala pa rin sila na pinakamainam ang manampalataya sa Diyos, dahil hindi na nila kailangang masyadong magsikap. Ang kailangan lang nilang gawin ay magsabi ng ilang salita, magpakaabala nang kaunti, at pumasan ng kaunting panganib, at pagkatapos ay makakakain at makapagdadamit na sila nang maayos, at magagawa pa nga nilang pagsilbihan sila ng maraming tao, at matatamasa nila ang pagtrato na parang isang VIP. Iniisip nila na napakagandang mamuhay nang ganito, at na lubos silang pinagpala dahil sa pananampalataya sa Diyos. Kaya, madalas silang nagsasabi ng mga hindi sinserong bagay sa harap ng mga kapatid, tulad ng, “Napakarami ng ipinagkaloob ng diyos sa atin, napakasagana, at higit pa sa anumang hiniling o pinangarap ng tao.” Tama naman ang mga salitang ito, pero lubos na hindi tumutugma sa mga personal nilang paghahangad at karakter, at sa mga kaisipan, intensiyon, at layunin nila. Nilalansi nila ang mga tao sa lahat ng sinasabi nila. Ang panlabas nilang ipinapakita ng pagiging abala at paggugol ng sarili nila ay para lang din lansihin ang mga tao. Tanging ang mga kalkulasyon, intensiyon, at kasakiman sa puso nila ang totoo. Ito ang karakter ng mga taong ito. Anuman ang gawin nila o saanman sila magpunta, nangunguna sa puso nila ang mga materyal na kasiyahang ito, at hinding-hindi nila bibitiwan o kakalimutan ang mga ito. Gaano ka man magbahagi tungkol sa katotohanan at sa mga layunin ng Diyos, gagampanan nila ang mga tungkulin nila habang mapagmatigas na kumakapit sa kasakiman at mga pagnanais na ito, at kinikimkim ang mga intensiyon at layuning ito, at may katayuan man sila o wala, hindi magbabago ang mga intensiyon nila.

Ikalawang Kaso: Hinanakit na Hindi Makapunta sa Ibang Bansa

Noong gumagawa Ako sa mainland Tsina, may isang lider na nag-akalang makakasama siya sa amin papunta sa ibang bansa, at tuwang-tuwa siya dahil dito. Inisip niya, “Sa wakas, nagtagumpay na ako. Matatamasa ko na sa wakas ang mga dakilang pagpapala kasama ang diyos! Noon, nagdusa ako ng paghihirap kasama ang diyos. Ngayon, sa wakas, nagantimpalaan na ako. Karapat-dapat ako rito. Kahit papaano, isa akong lider at marami na akong naranasang paghihirap, kaya dapat makabahagi ako kapag may magandang bagay na nangyayari sa akin—dapat kong matamasa ang kanais-nais na bagay na ito.” Ito ang nasa isip niya. Gayumpaman, pagkatapos ng ilang panahon na makasama Ko siya nang malapitan, napansin Ko na wala siyang prinsipyo sa mga sinasabi at ginagawa niya, wala siyang mabuting pagkatao, at napakalakas ng intensiyon at pagnanais niyang mapagpapala, at minsan, kailangan siyang mapungusan. Pagkatapos mapungusan nang ilang beses, inisip niya, “Tapos na ako rito. Nakilatis na ako ng itaas at hindi na nila binanggit ang tungkol sa muling pagpunta sa ibang bansa. Mukhang wala na akong pag-asa na makapangibang-bansa.” Palagi niya itong pinagbubulay-bulayan sa puso niya. Sa katunayan, makikita natin na hindi siya isang taong naghahangad sa katotohanan, likas na hindi siya akmang mangibang-bansa, at kahit na makapunta siya roon, wala siyang magagawang anumang gawain, kaya hindi na namin ito tinalakay sa kanya. Pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asang makapangibang-bansa, kaya nagsimula siyang magplano ng ibang bagay. Isang araw, umalis siya at hindi na bumalik kahit kailan. Nag-iwan lamang siya ng sulat na nagsasabing, “Nanampalataya ako sa diyos sa loob ng napakaraming taon at gumawa ako ng ilang gawain. Ngayon, pupunta na kayo ng ibang bansa, pero hindi ako naaangkop na sumama sa inyo. Sa mga darating na araw, maglalaan ako ng oras para bumawi rito. Kinasusuklaman ako ng diyos, kaya iiwan ko na siya. Hindi ko siya hahayaang tingnan ang isang taong kinamumuhian niya. Magtatago na lang ako.” Parang may katuturan ang mga salitang ito, at na wala namang malaking problema sa mga ito. Pagkatapos, sinabi niya, “Ganito na ang mga bagay-bagay simula nang ipinanganak ako. Kahit sino ang kasama ko, ginagamit lang ako. Pwede akong magdusa ng paghihirap kasama ang iba, pero hindi ako pwedeng magtamasa ng mga pagpapala kasama nila.” Ano ang ibig niyang sabihin dito? (Inakala niya na ginamit lang siya ng Diyos.) Iyon mismo ang ibig niyang sabihin. Lalo na nang sabihin niya na, “Kahit sino ang kasama ko, pwede lang akong magdusa ng paghihirap kasama nila, hindi ako pwedeng magtamasa ng mga pagpapala kasama nila,” ang ibig niyang sabihin ay, “Nagdusa ako ng labis na paghihirap at nagpasan ng napakalaking panganib kasama ninyo, pero kapag oras na para magtamasa ng mga pagpapala kasama ninyo, hindi kayo pumapayag.” Sa pagsasabi ng mga salitang ito, nagrereklamo siya, at dahil sa isyung ito, umusbong sa loob niya ang hinanakit. Bagamat sinabi ng bibig niya na, “Kinasusuklaman ako ng diyos. Iiwan ko na ang diyos. Hindi ko siya hahayaang makaramdam ng pagkasuklam,” sa puso niya, ang totoo ay naghihinakit siya: “Pupunta kayo sa ibang bansa para magtamasa ng mga pagpapala at gusto ninyo akong dispatsahin!” Ito ba talaga ang tunay na nangyari? (Hindi.) Kung gayon, ano nga ba ang nangyari? Inakala niya na pinungusan namin siya dahil gusto namin siyang dispatsahin, hindi dahil hindi niya hinangad ang katotohanan o dahil wala siyang prinsipyo sa mga sinasabi at ginagawa niya. Hindi niya naintindihan na may problema sa kanya. Sa halip, inisip niya na, “Nagdusa ako ng paghihirap kasama mo, kaya dapat din akong magtamasa ng mga pagpapala kasama mo. Talagang kailangan mo akong papasukin sa kaharian at gawin akong isa sa mga tao ng kaharian. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi mo ako dapat abandonahin kahit kailan.” Hindi ba’t ito ang nasa isip niya? (Oo.) Ano ang diwa ng ganitong pag-iisip? (Katulad ito ng diwa ni Pablo nang subukan niyang makipagtransaksiyon sa Diyos kapalit ng isang korona.) Tama, ito ang diwa ni Pablo. Nanampalataya siya sa Diyos, sumunod sa Diyos, nagdusa ng paghihirap at nagbayad ng halaga para makakuha ng korona at mapagpala. Wala siyang tunay na pananalig, ni hindi niya hinangad ang katotohanan. Sinubukan lang niyang makipagtransaksiyon sa Diyos. Kung hindi nagtagumpay ang kasunduan, hindi siya pinagpala at pakiramdam niya ay nalugi siya, kaya nagalit siya nang husto, pakiramdam niya ay wala nang pag-asa ang lahat at huminto na siya sa pagiging maingat, at umusbong ang hinanakit sa puso niya. Ito ang mga ipinapakita niya habang nagsasalita siya. Ano ang sunod na ginawa ng taong ito? Pagkatapos, nagnegosyo ang taong ito, at napalibutan siya ng ilang dalaga. Bagamat wala siyang sinabi na hindi siya nananampalataya sa Diyos, hindi niya ginawa ang tungkulin niya at hindi siya naging tagasunod ng Diyos. Walang sinuman ang nag-akalang isusuko niya ang pagkakataon niyang sumunod sa Diyos at magnenegosyo na lang dahil lang sa pinungusan siya nang kaunti. Ang kanyang galit na galit na asal at kung paano niya ipinamalas ang sarili niya dati ay tila dalawang magkaibang tao. Ito ang kalikasan niya na kusang nalalantad. Noon, hindi niya ito ginawa dahil lamang sa hindi pa lumitaw ang tamang sitwasyon. Ito ang isang aspekto. Ang isa pang aspekto ay itinago niya kung sino siya, nagpanggap siya na hindi siya ganoon, at pinigilan niya ang sarili niya na gawin ito. Kung talagang isa kang mabuting tao, anumang sitwasyon ang nakakaharap mo, kailangan mo munang panindigan ang posisyon mo at kilalanin kung sino ka. Bukod pa rito, kaya bang gawin ng mga taong tunay na may kaunting pagkatao ang mga bagay-bagay at maling gawa na walang pagkatao? (Hindi.) Tiyak na hindi nila iyon kayang gawin. Batay sa usaping ito, malinaw na kapag hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, ito ang pinakamapanghimagsik na bagay, at nasa pinakamapanganib silang sitwasyon. Kung hindi nila kailanman matatanggap ang katotohanan, sila ay mga hindi mananampalataya. Kung masisira ang pagnanais ng ganitong tao na makatanggap ng pagpapala, iiwanan niya ang Diyos. Bakit? (Dahil ang hinahangad niya ay makatanggap ng pagpapala at magtamasa ng biyaya.) Nananampalataya siya sa Diyos pero hindi naghahangad sa katotohanan. Para sa kanya, ang kaligtasan ay isang palamuti at isang salitang magandang pakinggan. Mga gantimpala, isang korona, at mga kanais-nais na bagay ang hinahangad ng puso niya—gusto niyang makakuha ng isang daang beses nito sa buhay na ito, at gusto niyang makamit ang buhay na walang hanggan sa darating na mundo. Kung hindi niya makukuha ang mga bagay na ito, hindi siya mananampalataya; lilitaw ang tunay niyang mukha, at iiwan niya ang Diyos. Ang pinaniniwalaan niya sa puso niya ay hindi ang gawain ng Diyos, ni ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos, at hindi kaligtasan ang hinahangad niya, lalong hindi ang gawin nang maayos ang tungkulin niya bilang nilikha; sa halip, katulad ito kay Pablo—ang makatanggap ng maraming pagpapala, magkaroon ng malakas na kapangyarihan, magsuot ng malaking korona, at maging kapantay ng Diyos. Ito ang mga ambisyon at pagnanais niya. Kaya, sa tuwing may kaunting pakinabang o kanais-nais na bagay sa sambahayan ng Diyos, ipinaglalaban niyang makuha ito, sinisimulan niyang iranggo ang mga tao batay sa mga kwalipikasyon at senyoridad ng mga ito, at iniisip niya, “Kwalipikado ako. Dapat may parte ako rito. Kailangan akong lumaban para makuha ito.” Inilalagay niya ang sarili niya sa pinakapangunahing puwesto sa sambahayan ng Diyos, at pagkatapos ay iniisip niya na karapat-dapat lang na magtamasa siya ng mga pakinabang na ito ng sambahayan ng Diyos. Halimbawa, sa usapin ng pagpunta sa ibang bansa, ang unang iniisip ng taong iyon ay na dapat na makabahagi siya roon, na karamihan ng tao ay hindi niya kasinghusay, hindi nagdusa ng kasingdaming hirap ng sa kanya, hindi kasingkwalipikado niya, hindi nanampalataya sa Diyos nang kasingtagal niya, at hindi niya kasingtagal na naging lider. Ginamit niya ang lahat ng dahilan at pamamaraan ng pagsusuri para iranggo ang sarili niya. Kahit paano niya iranggo ang mga tao, palagi niyang inilalagay sa unahan ang sarili niya, at sa ranggo ng mga kwalipikado. Sa huli, pakiramdam niya ay karapat-dapat lang na tamasahin niya ang ganitong pagtrato. Sa sandaling hindi niya ito makuha, at sa sandaling gumuho ang pantasya niya na pagpalain siya at na magkamit ng mga bagay-bagay sa interes niya, may gagawin siya ukol dito, magagalit siya nang husto, mangangatwiran siya sa Diyos sa halip na magpasakop at maghanap sa katotohanan. Malinaw na puno na ang puso niya ng mga bagay na ito na hinangad niya, at sapat na ito para ipakita na ganap na hindi kaayon ng katotohanan ang mga bagay na hinangad niya. Gaano man karami ang gawaing ginawa niya, ang layon at intensiyon niya ay walang iba kundi ang makakuha ng korona—katulad ng layon at intensiyon ni Pablo noon—at mahigpit siyang kumapit dito at hindi kailanman bumitiw. Gaano man ibinahagi sa kanya ang katotohanan, gaano man siya pinungusan, isiniwalat, at hinimay, mapagmatigas pa rin niyang pinanghawakan ang intensiyon niya na pagpalain siya at ayaw niya itong bitiwan. Nang hindi niya natanggap ang pagsang-ayon ng Diyos at nakita niya na gumuho ang pagnanais niya na pagpalain, naging negatibo siya at umurong, inabandona niya ang tungkulin niya at umalis siya. Hindi niya tunay na natupad ang tungkulin niya o hindi siya tunay na nakapagserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, at ganap nitong ibinubunyag na wala siyang tunay na pananalig sa Diyos, hindi siya tunay na nagpasakop, at wala siyang kahit katiting na tunay na patotoong batay sa karanasan—isa lamang siyang lobong nakadamit-tupa na nagtatago sa gitna ng mga tupa. Sa huli, ang isang taong hindi mananampalataya sa kaibuturan niya ay tuluyang nabunyag at natiwalag, at nagwakas na ang buhay niya bilang isang mananampalataya. Ito ay isang halimbawa.

Hindi nag-iisa ang ganitong kaso. Hindi lamang ito ang taong nagkamali at nabunyag ng usapin ng pagpunta sa ibang bansa. Ang halimbawa na ibinigay natin kanina ay tungkol sa isang lalaki, pero may isa pa na tungkol sa isang babae. Sa simula, ang plano ay ang isama rin ang babaeng ito sa pagpunta namin sa ibang bansa. Nang malaman niya ito, tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya, at nagsimula siyang magplano at maghanda para dito, pero sa huli, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, hindi siya nakasama. Noong panahong iyon, hindi siya nasabihan dahil sobrang delikado ang sitwasyon. Sa isang pagpupulong ng mga magkakatrabaho, nalaman niya ang tungkol sa desisyong ito. Suriin ito: Ano kaya ang naging resulta nang malaman ito ng babaeng ito? (Kung may pag-iisip ng normal na tao ang isang tao, malamang na hindi magiging napakatindi ng reaksiyon niya pagkatapos itong malaman. Iisipin niya na dahil mapanganib ang sitwasyon kaya hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa, at magagawa niyang harapin nang tama ang usaping ito. Subalit, kung nalaman ito ng babaeng ito, maaaring nagalit siya nang husto at nagtangkang mangatwiran sa Diyos.) Tama, medyo naarok ninyo ang karakter ng ganitong klase ng mga tao. Ganito ang mga taong kauri niya—kahit ano pa ang usapin, hindi sila papayag na malamangan ng iba; sa halip, gusto nilang makinabang. Sa lahat ng bagay, kailangan nilang mahigitan ang lahat at maging mas magaling kaysa sa iba. Kailangan nilang maging pinakamahusay sa lahat ng bagay; kailangan nilang makuha ang lahat ng kanais-nais na bagay, at hindi katanggap-tanggap para sa kanila na wala silang parte sa isang bagay. Pagkatapos malaman ng babae ang tungkol sa usaping ito, nagalit siya kaagad at nagpagulong-gulong siya sa sahig habang nagwawala. Lumabas ang malademonyo niyang pag-uugali, at sinermunan niya ang mga katrabaho niya at ibinuhos niya sa kanila ang galit niya. Saan nanggaling ang galit niya? Lumabas na para bang galit siya sa mga kapatid, pero kanino ba talaga siya galit? (Galit siya sa Diyos.) Ito nga ang nangyayari. Kung gayon, ano ang dahilan ng galit niya? Ano ang ugat nito? (Dahil hindi natupad ang kanyang mga pagnanais.) Dahil ito sa hindi siya nagtamo ng kanais-nais na bagay, at hindi natupad ang layon niya. Hindi siya nagtagumpay na makinabang sa pagkakataong ito; sa halip, ang ibang tao ang nakinabang at hindi siya nasali, kaya siya galit na galit; hindi na niya kayang magpanggap; ibinulalas at inilabas niya ang lahat ng kawalang-kasiyahan at sama ng loob na nasa puso niya. Noon, kailangan na palaging siya ang unang nakakaalam kung ano ang mga ginagawa ng Itaas. Palagi niyang gustong makipag-ugnayan sa Itaas, at hindi siya nakikisalamuha sa mga kapatid. Palagi niyang tinatrato ang sarili niya bilang isang taong nasa mataas na antas, hindi isang karaniwang miyembro, kaya naisip niya na dapat din siyang makapunta sa ibang bansa sa pagkakataong ito—kung walang ibang dapat pumunta, siya ang dapat na pumunta. Siya ang pangunahing kandidato, at nararapat lang siyang tratuhin sa ganitong paraan. Ito ang tunay na saloobin ng puso niya. Ngayon, nakita niya na hindi niya makukuha ang ganitong pagtrato, at na walang saysay lang ang lahat ng paghihirap na tiniis niya sa loob ng maraming taon; wala siya ng katayuang pinaghirapan niyang pangasiwaan at ng pagtrato na ninais niya. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng bagay na ito. Hindi kapani-paniwala na hindi siya makapanloko na makuha ang isang bagay na labis niyang ninanais; hindi kapani-paniwala na binitiwan siya, kaya naisip niyang wala siyang mataas na puwesto sa puso ng Diyos, at isa lamang siyang karaniwang tao. Tuluyang gumuho ang pananggalang niya sa puso niya, at hindi na siya nagpanggap o nagkubli ng mga bagay-bagay. Nagsimula siyang magwala, manigaw ng mga tao, maglabas ng sama ng loob, magalit, at maglantad ng likas niyang ugali, nang hindi alintana kung ano ang sasabihin o iisipin ng iba. Pagkatapos, ipinadala siya sa isang grupo para gumawa ng isang tungkulin. Habang ginagawa niya ang tungkulin niya, marami siyang ginawang masamang bagay, at sa huli, sumulat ang mga kapatid sa grupo ng isang liham na humihiling na patalsikin siya. Ano ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya? Ipinahayag ng mga kapatid na mailalarawan sa isang parirala ang kasamaang ginawa niya: napakarami nito na hindi ito kayang isulat lahat! Sa madaling salita, napakarami niyang ginawang kasamaan, at masyadong malubha ang kalikasan ng ginawa niya—hindi ito maipaliwanag nang malinaw sa isa o dalawang pangungusap lamang, o maisalaysay sa isa o dalawang kwento lamang. Hindi mabilang ang kasamaang ginawa niya at sobrang nagalit dito ang mga tao, kaya, pinatalsik siya ng iglesia. Ang masasamang bagay na ginawa niya ay hindi niya ginawa bago pa lumitaw ang isyu ng usapin ng pagpunta sa ibang bansa, kaya bakit kaya niyang gawin ang mga bagay na ito pagkatapos lumitaw ang isyu? Dahil hindi nagresulta ayon sa gusto niya ang usapin ng pagpunta sa ibang bansa. Malinaw na ang masasamang bagay na ginawa niya at ang kapangitang ibinunyag niya ay isang uri ng paghihiganti at paglalabas ng sama ng loob na dulot lamang ng hindi niya nakuha ang kanais-nais na bagay na ito. Sabihin mo sa Akin, kapag naharap sa ganitong sitwasyon ang isang taong tunay na naghahangad sa katotohanan at may pagkatao, kahit hindi siya nakakaunawa ng maraming katotohanan, may kakayahan ba siyang magpakita ng mga ganitong pagmamalas? May kakayahan ba siyang magbunyag ng mga ganitong bagay? Hindi gagawa ng mga bagay na ito ang sinumang may kaunting pagkatao, kaunting konsensiya, at kaunting pakiramdam ng kahihiyan, bagkus ay pipigilan nila ang sarili nila. Bagamat hindi masaya ang puso nila, hindi nasisiyahan, at may kaunting kirot, iniisip nila na karaniwang tao lamang sila, na hindi sila dapat makipaglaban para makuha ang bagay na ito, na dapat hangarin ng mga nananampalataya sa Diyos ang katotohanan, magpasakop sa mga pamamatnugot ng Diyos sa lahat ng bagay, na wala silang dapat na pagpipilian, at na ang mga tao ay mga nilikha at hindi kahanga-hanga sa kahit anong paraan. Malulungkot sila nang ilang araw, pero kalilimutan na nila ito pagkatapos. Patuloy pa rin silang mananampalataya gaya ng nararapat, at hindi gagawa ng masama o maghihiganti dahil sa bagay na ito, at hindi rin sila maglalabas ng sama ng loob dahil dito. Sa kabaligtaran, dahil lamang sa isang maliit na bagay, ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan at may napakasamang karakter ay may kakayahang magpakita ng lahat ng masamang gawang ito na hindi nila kailanman nagawa noon. Ipinapakita nito ang problema. Ipinapakita nito ang pagkataong diwa ng mga ganitong uri ng tao, at ipinapakita ang mga tunay na paghahangad ng mga ganitong uri ng tao, ibig sabihin, ganap na nalalantad ang tunay nilang mukha sa pamamagitan ng pagkakabunyag sa isyung ito. Una, ganap na sa isang anticristo ang diwa nila. Pangalawa, hindi nila kailanman hinangad ang katotohanan, ni hindi nila kailanman itinuring ang sarili nila bilang ang pakay ng pagliligtas at hindi sila kailanman nagpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Hindi sila naghahangad ng pagpapasakop sa Diyos; naghahangad lamang sila ng katayuan at kasiyahan; naghahangad lamang sila ng magandang pagtrato, at naghahangad lamang na maging kapantay ng Diyos. Tinatamasa rin nila ang anumang tinatamasa ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi walang saysay ang pagsunod nila sa Diyos. Ito ang mga bagay na hinahangad nila. Ito ang kalikasang diwa ng mga ganitong uri ng tao; ito ang tunay nilang mukha, at ang panloob na kalagayan ng puso nila. Tinapos ng isyung ito ang dalawampung taon ng pananalig ng babaeng ito—nauwi lang sa wala ang lahat.

Sabihin mo sa Akin, nasaan na dapat ang dalawang taong ito ngayon? Nasa loob ba dapat ng iglesia o sa ibang lugar? (Sa mundo ng mga walang pananampalataya.) Bakit mo nasabi iyan? Paano ninyo ito napagpasyahan? Saan nakabatay ang mga salita ninyo? (Dahil sila ay mga hindi mananampalataya, at ang pananampalataya nila sa Diyos ay hindi para sa paghahangad na gawin ang mga tungkulin nila bilang mga nilikha. Sa huli, hindi makakapanindigan sa pananalig nila ang mga ganitong tao, at pwede lamang silang bumalik sa mundo.) Sa huli, hindi sila makakapanindigan sa pananalig nila, pero hindi pa naman ito ang katapusan, kaya paanong naglaho na sila? Dapat mong tingnan kung ano ang iniisip nila sa loob-loob nila. Nakakagawa lamang sila ng mga ganitong bagay, at nakakagawa ng mga ganitong pasya kapag mayroong mga saloobin sa puso nila. Paano nila inanalisa at sinuri ang usaping ito na nagtulak sa kanila na pumili ng ganitong landas? Sa loob ng puso nila, naisip nila, “Nanampalataya ako sa diyos sa loob ng maraming taon at nagdusa ng labis na paghihirap. Palagi kong pinananabikan ang araw na magiging kilala ako. Sa pagsama sa mga nakatataas, magiging kilala ako at maipapakita ko ang mukha ko. Ngayon, sa wakas, may pagkakataon na akong makapunta sa ibang bansa. Malaking bagay ito! Isa itong bagay na hindi ko kailanman naisip bago ako nanampalataya sa diyos. Katulad ito ng pagkamit ng korona sa pamamagitan ng pananampalataya sa diyos, pero hindi pala ako kasama sa napakakanais-nais na bagay na ito. Hindi ko ito makuha. Dati, inakala ko na mayroon akong tiyak na puwang sa puso ng diyos, pero ngayon, nakikita ko na hindi pala ganoon. Mukhang wala akong makukuhang anumang kanais-nais na bagay mula sa pagsunod sa diyos. Hindi nila ako naisip pagdating sa malaking bagay tulad ng pagpunta sa ibang bansa, kaya, hindi ba’t mas maliit ang tsansa ko na makakuha ng korona sa hinaharap? Hindi sigurado kung sino ang makakakuha nito, at mukhang wala akong pag-asa rito.” Handa pa rin ba silang sumunod sa Diyos nang maisip nila na wala nang pag-asa? Ano ang layon nila sa pagdurusa ng paghihirap at pagbabayad ng halaga noon? Dahil lamang iyon sa maliit na pag-asa, sa mga munting ideya na pinanghawakan nila sa puso nila, kaya sila kumilos at nagpamalas ng sarili nila sa ganoong paraan. Ngayong gumuho na ang pag-asa nila at wala nang saysay ang mga ideya nila, kaya ba nilang patuloy na manampalataya? Kaya ba nilang makontentong manatili sa sambahayan ng Diyos at gawin ang tungkulin nila? Kaya ba nilang tanggapin na wala silang makakamit at kaya ba nilang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos? Napakalaki ng mga ambisyon at pagnanais ng mga anticristo, kaya tiyak na hindi sila magiging handa na ganito ang resulta ng lahat ng pagsisikap nila at ng halagang ibinayad nila. Ang pinapangarap nila ay ang makakuha sila ng korona at mga kanais-nais na bagay bilang kapalit ng halagang ibinabayad nila at ng mga pagsisikap nila, na anuman ang kanais-nais na bagay na mayroon sa sambahayan ng Diyos, dapat makabahagi sila—ayos lang kung wala ang iba, pero dapat mayroon sila. Kaya ba ng mga taong may ganoon kalakas na ambisyon at kasakiman na gawin ang tungkulin nila at magsikap nang walang anumang natatanggap na kapalit? Tiyak na hindi nila kayang isakatuparan ito. Sinasabi ng ilang tao, “Hayaan silang hangarin ang katotohanan. Kapag napakinggan na nila ang maraming katotohanan, hindi ba’t maisasakatuparan nila ito?” May ibang tao na nagsasabi, “Kung kinakastigo at hinahatulan sila ng Diyos, hindi ba’t babaguhin sila nito?” Ito ba ang nangyayari? Hindi kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang ganito, at hindi rin Niya inililigtas ang mga tao nang ganito. Ang mga ganitong uri mismo ng tao ang ititiwalag Niya. Ano ang pagkakaiba ng sinabi Ko kumpara sa sinabi ninyo ngayon lang? Ang sinabi ba ninyo ang tunay na saloobin ng puso nila? Ito ba ang pagpapamalas ng diwa ng mga ganitong uri ng tao? (Hindi.) Kung gayon, ano ba ang sinabi ninyo? (Mga damdamin at mga walang kabuluhang teorya.) Ang kalikasan ng sinabi ninyo ay medyo mapag-analisa at mapanuri, at sinusuri at tinutukoy sila batay sa teorya. Hindi ito ang tunay nilang mga kaisipan at mga pagbubunyag, at hindi rin ito ang mga tunay nilang pananaw. Isa itong pagpapamalas ng mga taong may diwa ng isang anticristo. Kung may isang kanais-nais na bagay na hindi nila nakuha, isang pakinabang na hindi nila natamasa, o isang benepisyo na hindi nila natamo, nagagalit sila nang husto, nawawalan sila ng pananalig sa pananampalataya sa Diyos at sa paghahangad sa katotohanan, ayaw na nilang manampalataya sa Diyos, gusto nilang lumayo, at gumawa ng masasamang bagay. Gumagawa sila ng masasamang bagay para maglabas ng sama ng loob at maghiganti—maglabas ng mga mali nilang pagkaunawa tungkol sa Diyos at ng hinanakit nila sa Diyos. Dapat bang pangasiwaan ang mga taong ito? Dapat ba silang pahintulutan na patuloy na gawin ang tungkulin nila sa iglesia? (Hindi.) Kung gayon, paano dapat pangasiwaan ang mga taong ito? (Dapat silang patalsikin.) Mayroon bang sinuman na huminto sa pananampalataya dahil hindi sila makapunta sa ibang bansa? (Oo.) Anong klaseng mga tao ito? (Mga hindi mananampalataya. Nananampalataya lang sila sa Diyos para maghangad na pagpalain, at kapag hindi natugunan ang mga ambisyon at pagnanais nila, ipinagkakanulo nila ang Diyos.) Kaya nilang huminto sa pananampalataya sa Diyos dahil lang sa isang maliit na bagay na gaya nito. Hindi masasabing may tunay na pananampalataya o huwad na pananampalataya ang mga ganitong tao—masyadong mababa ang karakter nila!

Ikatlong Kaso: Pakiramdam na Imposibleng Patuloy na Mamuhay Pagkatapos na Umuwi sa Kanayunan

May mga taong ipinanganak sa kanayunan, at walang sapat na pera ang pamilya nila para mabuhay. Simple lang ang mga kagamitan nila sa pang-araw-araw na buhay, at bukod sa isang matigas na kama, isang aparador at isang mesa, wala nang iba pang kasangkapan sa bahay nila. Gawa sa ladrilyo o lupa ang sahig nila—ni wala silang sementadong sahig. Napakapayak ng kalagayan nila. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, ginagawa nila ang tungkulin nila ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pumupunta sila sa ilang mayamang lugar. May ganitong babae na tumingin-tingin sa paligid at nakita niya na karamihan sa mga kapatid ay may mga sahig na gawa sa kahoy o baldosa; may wallpaper naman ang mga pader; napakalinis ng mga bahay nila, at pwede silang maligo araw-araw. Marami rin silang kasangkapan sa tahanan nila: mga patungan ng telebisyon at malalaking aparador, pati na mga sofa at aircon. Ang mga kwarto nila ay may mga mamahaling kama, at kompleto sa mga appliance ang kusina nila: mga refrigerator, microwave, oven, kalan, range hood, at iba pa. Nakakahilo iyong tingnan. Bukod dito, sa malalaking lungsod tulad nito, may ilang lugar kung saan pwede siyang gumamit ng elevator para mag-akyat-baba sa iba’t ibang palapag. Binuksan ng lugar na ito ang mga mata niya, at pagkatapos gumawa at magpalaganap ng ebanghelyo roon nang ilang panahon, ayaw na niyang bumalik. Bakit nga ba? Naisip niya, “Ang bahay namin na gawa sa lupa ay walang panama sa lugar na ito kahit sa anong aspekto. Nananampalataya kaming lahat sa diyos, kaya bakit mas higit na maganda ang pamumuhay ng mga taong ito kaysa sa pamilya ko? Parang langit ang buhay ng mga taong ito. Nakatira sa kulungan ng baboy ang pamilya ko—lubhang mas malala ito kaysa sa mga taong ito!” Pagkatapos niyang magkumpara, sumasama ang loob niya, lalo siyang napapalapit sa lugar na ito at lalong ayaw na niyang bumalik. Naisip niya, “Kung makagagawa ako rito nang pangmatagalan, hindi ko na kakailanganin pang umuwi, hindi ba? Hindi bagay na panirahan ng mga tao ang lunggang iyon na gawa sa lupa.” Nanatili siya sa malaking lungsod nang ilang panahon at natutunan niya kung paano kumain, magbihis, at magtamasa ng buhay gaya ng mga taga-lungsod, at natutunan niyang mamuhay katulad ng mga ito. Pakiramdam niya ay napakaganda ng buhay sa mga araw na iyon. Mainam kapag may pera. Walang kinabukasan ang mga tao sa pagiging mahirap. Minamaliit lang ng iba ang mahihirap na tao, at sila mismo ay nangmamaliit sa sarili nila. Habang mas iniisip niya ito, mas lalong ayaw niyang bumalik, pero wala siyang magawa—kailangan niyang umuwi. Pagkauwi niya, halo-halong emosyon ang naramdaman niya sa puso niya at napakahirap nitong tanggapin. Pagpasok niya sa bahay, nakita niya na gawa sa lupa ang sahig, at nang umupo siya sa kama na malapit sa tsimenea, sobrang tigas nito at hindi komportable. Nang hawakan niya ang mga pader, nabalot ng lupa ang kamay niya. Kapag nagbabanggit siya ng masarap na pagkain na gusto niyang kainin, walang nakakaintindi sa mga pangalan nito, at wala ring mga pasilidad na mapagliliguan niya kapag gusto niyang maligo bago matulog. Naisip niya na napakababa ng ganitong pamumuhay, at naghinanakit siya sa mga magulang niya dahil sa pagiging dukha nila, na hindi nila kayang bilhin ang anumang gusto niya, at palagi siyang nawawalan ng pasensiya sa kanila. Simula nang bumalik siya, para bang naging ibang tao na siya. Mapanghamak niyang tiningnan ang mga kapamilya niya at pati na ang lahat sa loob ng tahanan nila, iniisip na napakaatrasado nito na hindi na niya kayang tumira doon, at kung patuloy siyang mamumuhay roon, mamamatay siya sa mga hinaing. Nagmulat sa mga mata niya ang pag-alis sa bahay nila, pero nakasama ito, na naging dahilan para magalit sa kanya nang husto ang mga magulang niya. Sa puntong iyon, pumasok sa isip niya ang isang ideya: “Kung hindi nanampalataya sa diyos ang mga magulang ko, at kung hindi rin ako nanampalataya sa diyos, tiyak na magiging mas maganda ang buhay namin kaysa sa ngayon. Kahit hindi mamahaling kama ang tinutulugan namin, kahit papaano ay makakakain kami nang mas maayos, at makakapaglagay kami ng mga baldosa sa sahig.” Inakala niya na bunga ito ng pananampalataya sa Diyos, na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugang dapat mahirap ang isang tao, na hindi pwedeng magkaroon ng magandang buhay kung nananampalataya ang isang tao sa Diyos, at hindi makakakain ng masasarap na pagkain o makakapagsuot ng magagandang damit. Mula noon, ang kamangha-manghang babaeng bayani na ito na may naisakatuparan sa ilang lalawigan ay hindi na mapilit ang sarili na bumangon at inaantok siya buong araw. Nahihirapan siyang bumangon sa umaga, at ang unang ginagawa niya ay maghanda at maglagay ng kolorete, at pagkatapos ay magsuot ng mga damit na karaniwang sinusuot ng mga tao sa siyudad. Pagkatapos, napapasimangot siya at pinag-iisipan niya kung kailan siya makakaalis sa buhay-probinsiyang ito at makapamumuhay tulad ng mga tao sa siyudad. Nawala na lahat ang mga sermon na dati niyang ipinapangaral at ang determinasyong mayroon siya noon—nakalimutan na niya ang lahat ng ito. Ni hindi na niya alam kung isa ba siyang mananampalataya. Ganito kabilis ang pagbabago niya. Dahil medyo namulat na siya at nagbago ang kapaligiran at kalidad ng pamumuhay niya, nabunyag siya.

Noon, naglakbay ang babaeng ito sa iba’t ibang lugar para mangaral at gumawa ng gawain. May matibay siyang determinasyon at kamangha-manghang lakas, pero panlabas lamang ang mga ito. Kahit hindi niya alam kung ano ang hinangad niya sa kaibuturan niya, kung ano ang gusto niya, at kung anong uri siya ng tao. Ang isang karanasan ng pagpunta sa siyudad ang nagbago sa kaibuturan ng kalagayan ng buhay niya, at ang isang panahon ng pagdanas ng mayamang pamumuhay ay lubos na nagpabago sa direksiyon ng kanyang buhay. Ano nga ba ang dahilan? Sino ang nagpabago sa kanya? Hindi pwedeng ang Diyos, hindi ba? Siyempre, hindi. Kung gayon, ano ang dahilan? Ito ay dahil ibinunyag siya ng kapaligiran, ibinunyag ang kalikasang diwa niya, at ibinunyag ang kanyang mga paghahangad at landas na tinatahak. Anong landas ang tinatahak niya? Hindi ito ang landas ng paghahangad sa katotohanan, hindi rin ito ang landas ni Pedro, ni ang landas ng mga inililigtas at pineperpekto, ni ang landas ng paghahangad na tuparin ang tungkulin ng isang nilikha; sa halip, ito ang landas ng isang anticristo. Sa partikular, ang landas ng isang anticristo ay ang landas ng paghahangad ng reputasyon, katayuan, at mga materyal na kasiyahan. Ito ang diwa ng mga taong tulad nito. Kung hindi ito ang mga bagay na hinahangad niya, at kung isa siyang taong naghahangad sa katotohanan, tiyak na hindi siya ibubunyag ng ganitong maliit na pagbabago sa kapaligiran. Ang pinakaposible, medyo magiging mahina ang puso niya, medyo sasama ang loob niya, at medyo magiging masakit ito para sa kanya, o magkakaroon siya ng ilang hangal na pagpapamalas, pero hindi hanggang sa punto na mabubunyag siya nang ganito katindi. Ano ang diwa ng mga paghahangad ng mga ganitong tao? Naghahangad sila ng mga bagay na pareho ng sa mga walang pananampalataya, at ng mga bagay na pareho sa sinumang tao sa mundong ito na naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at masasamang kalakaran. Gusto nila ang mga maposturang pananamit ng mga walang pananampalataya, tulad ng kung paano sinusunod ng mga walang pananampalataya ang masasamang kalakaran, at lalo pang gusto nila ang pagkahumaling ng mga walang pananampalataya sa marangyang pamumuhay ng laman. Kaya, sa isang pagbabago sa kapaligiran niya, ganap na nagbago ang pananaw ng babaeng ito sa buhay at ang saloobin niya sa mundong ito at sa buhay. Naisip niya na ang pananampalataya sa Diyos at ang paghahangad sa katotohanan ay hindi ang pinakamahalaga, at na kapag buhay ang mga tao sa mundong ito, dapat nilang tamasahin ang laman at ang buhay, dapat nilang hangarin ang mga uso, at dapat silang maging katulad ng mga kaakit-akit at magagarang tao sa lipunan na nililingon ng mga tao kapag dumadaan sila, na nang-uudyok na kainggitan sila ng iba, at idolohin sila ng mga tao. May ilang tao na, pagkatapos makatagpo ng mas maraming kapaligiran, makatagpo ng iba’t ibang uri ng tao, at mamulat, dahil hinahangad nila ang katotohanan at dahil nauunawaan nila ang mga layunin ng Diyos, mas nakakakilatis sa masasamang kalakaran na ito at sa sangkatauhan. Mas nagagawa nang kamuhian ng puso nila ang landas na tinatahak ng mga makamundong tao, at nakikilatis na nila ito at ganap na naaabandona sa paghahangad nilang tumahak sa landas na itinuturo sa kanila ng Diyos. Para naman sa mga taong naghahangad sa katotohanan at may diwa ng anticristo, sa sandaling mamulat sila at makatagpo sila ng iba’t ibang kapaligiran, hindi lang nababawasan ang mga ambisyon at pagnanais nila, kundi lalo pang lumalago at lumalaki ang mga ito. Kapag lumaki na ang mga ambisyon at pagnanais nila, lalong kinaiinggitan ng mga taong ito iyong mga tao sa mundo na nagtatamasa ng magagandang bagay at may pera at impluwensiya, at nakakaramdam sila ng paghamak sa buhay ng mga mananampalataya sa kaibuturan ng puso nila. Iniisip nila na hindi hinahangad ng karamihan sa mga mananampalataya ang mundo, na ang mga ito ay walang pera, walang katayuan, walang impluwensiya, at wala pang masyadong karanasan sa mundo, na ang mga ito ay hindi kasingkaakit-akit ng mga walang pananampalataya, hindi nakakaunawa kung paano tamasahin nang husto ang buhay gaya ng mga walang pananampalataya, at hindi masyadong nagpapasikat ang mga mananampalatayang ito gaya ng mga walang pananampalataya. Bilang resulta, lalong lumalalim sa puso nila ang pagsalungat at pagkontra sa pananampalataya sa Diyos. Kaya, para sa maraming tao na may diwa ng anticristo, mula nang magsimula silang manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, hindi matutukoy kung sila ba ay talagang isang taong may diwa ng anticristo, pero balang araw, kapag dumating na ang tamang kapaligiran, ibubunyag sila nito. Noon, nang hindi pa nabunyag ang mga taong ibinunyag, sinusunod din nila ang mga panuntunan at ginagawa ang dapat nilang gawin. Anuman ang ipinapagawa sa kanila ng sambahayan ng Diyos, ginagawa nila ito, at nagagawa nilang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga. Mukha silang mapagpahalaga sa tungkulin, mga taong nasa tamang landas, at may wangis at tindig ng mga taong nananampalataya sa Diyos. Gayumpaman, anuman ang ginagawa nila sa panlabas, hindi nanatiling matatag ang diwa at landas na tinatahak nila o hindi nakayanan ng mga ito ang pagsubok ng iba’t ibang kapaligiran. Gaano man karaming taon nananampalataya sa Diyos ang isang tao, at gaano man kalakas ang pundasyon ng pananampalataya niya, kung mayroon siyang diwa ng isang anticristo at kung nasa landas siya ng isang anticristo, tiyak na hahangarin niya ang mga materyal na kasiyahan, marangyang pamumuhay, masaganang materyal na pagtrato, at higit pa rito, hahangarin niya ang bawat uri ng kanais-nais na bagay, habang kasabay nito ay kaiinggitan niya ang saloobin at pamamaraan ng mga makamundong tao sa pamumuhay. Sigurado ito. Kaya, bagamat nakikinig ang lahat ngayon sa mga sermon, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at ginagawa nila ang mga tungkulin nila, ang mga taong gumagawa nito pero hindi naghahangad sa katotohanan ay tiyak na maghahangad ng mga materyal na bagay. Magiging prayoridad ang mga bagay na ito sa puso nila, at sa sandaling dumating ang tamang kapaligiran o sitwasyon, lalago at magiging aktibo ang mga pagnanais nila. Sa sandaling umabot ito sa puntong ito, saka sila mabubunyag. Kung hindi hahangarin ng mga tao ang katotohanan, darating sa kanila ang araw na ito sa malao’t madali. Para sa mga taong naghahangad sa katotohanan, nakakaunawa sa katotohanan, at sa mga taong ang katotohanan ang pundasyon nila, kapag sumapit na ang mga tukso at kapaligirang ito, nagagawa nilang harapin ang mga ito nang tama, tanggihan ang mga ito, at manindigan sa patotoo nila sa Diyos. Kapag dumating ang mga tuksong ito, nagagawa rin nilang kilatisin kung ano ang positibo at kung ano ang negatibo, at alamin kung isa ba itong bagay na gusto nila. Katulad ito ng kung paanong may ilang babae na hindi interesado sa mga lalaking nanliligaw sa kanila kahit gaano pa karami ang pera ng mga lalaki. Bakit hindi sila interesado? Dahil hindi maganda ang karakter ng mga lalaki. May mga babae naman na hindi naghahanap ng kapareha dahil walang mayayamang lalaki na nanliligaw sa kanila. Kung may lalaking may pera na manliligaw sa kanila at bibilhan sila ng damit na may tatak na nagkakahalaga ng 20,000 yuan, maaakit sila, at kung bibilhan sila ng lalaking iyon ng mink coat na nagkakahalaga ng 100,000 yuan, o ng isang malaking diyamante, maganda at malaking bahay, at kotse, agad silang magiging handang pakasalan ang lalaking ito. Kaya, noong sabihin ng mga babaeng ito na hindi sila mag-aasawa, totoo ba ito o hindi? Kasinungalingan ito. Kaya, maraming tao ang nagsasabi na hindi nila hinahangad ang mundo at hindi hinahangad ang magandang kapalaran at mga kasiyahan ng mundo, pero iyon ay kapag walang mga tukso sa harapan nila; hindi paborable ang kapaligiran para doon. Sa sandaling dumating ang isang paborableng kapaligiran, masasadlak sila nang malalim dito at hindi sila makakaahon. Katulad lang ito ng ibinigay nating halimbawa. Hindi umalis ang babae sa sitwasyon. Pagkatapos tamasahin ang buhay sa siyudad sa loob ng ilang panahon, hindi na niya kilala ang sarili niya at naligaw na siya. Kung inilagay siya sa isang palasyo, dapat sana ba ay ipinapatay niya ang mga magulang niya sa lalong madaling panahon para hindi madungisan ang pangalan niya? Ang mga ganitong tao ay kayang gumawa ng kahit anong kahangalan alang-alang sa kanilang kasiyahan, reputasyon, marangyang pamumuhay, at mataas na kalidad ng buhay. Sila ay walang kwenta at may mababang karakter. Ni minsan ba ay hinangad ng mga ganitong tao ang katotohanan? (Hindi.) Kung gayon, saan nanggaling ang mga sermon na ipinangaral niya? Mayroon ba siyang mga sermon na ipapangaral? Ang ipinangaral niya ay hindi mga sermon, kundi doktrina. Nagpapanggap lang siya at inililihis niya ang mga tao, hindi siya nangangaral ng mga sermon. Nangaral siya ng napakaraming sermon, kaya paanong hindi niya malutas ang sarili niyang mga problema? Alam ba niya na pwede siyang umabot sa puntong ito? Malinaw ba niyang nakita ang mga bagay-bagay? Nangaral siya ng napakaraming sermon, pero pagkatapos niyang tamasahin ang buhay sa siyudad nang ilang panahon, hindi niya mapagtagumpayan ang mga ganitong tukso at hindi siya makapanindigan sa kanyang patotoo. Kaya, mga sermon ba iyong mga ipinangaral niya? Malinaw na hindi. Ito ang ikatlong kaso.

Ikaapat na Kaso: Pandaraya sa Paggamit ng mga Handog para Mabayaran ang mga Utang

Dati, noong nasa mainland Tsina ako, kinailangan naming makahanap ng medyo ligtas na lugar para makapagpulong ang mga magkakatrabaho, kaya nakahanap kami ng pamilyang magho-host. Handa kaming patuluyin ng pamilyang ito at tulungang protektahan ang lugar na iyon. Gayumpaman, paglipas ng ilang panahon, naisip ng pamilya, “Mukhang balak ninyong magtipon dito nang pangmatagalan. Hindi kayo makapagtipon kahit saan maliban sa bahay ko, kaya dapat kong gamitin ang pagkakataong ito para samantalahin ang sitwasyon. Hindi ba’t hangal ako kung hindi ko gagawin iyon?” Minsan, nang magtipon kami para sa isang pulong ng mga magkakatrabaho at hindi pa nakarating ang lahat ng kasali sa pulong, may isang taong pumunta sa bahay ng pamilyang nagho-host nang walang malinaw na dahilan, at umupo ito sa sala at hindi na umalis. Dumating ang pamilyang nagho-host at sinabi nila na naroon ang taong ito para maningil ng utang, at nanghiram daw sila ng pera sa taong ito ilang taon na ang nakalipas at hindi pa nila ito nababayaran. Ano sa tingin ninyo ang nangyayari dito? Pwede namang dumating ang taong ito noon pa, o pwedeng kalaunan pa, pero nagkataon talaga na dumating ang taong ito sa eksaktong oras na iyon para maningil ng utang. Nagkataon lang ba ito, o sinadya ba itong planuhin ng isang tao sa ganitong paraan? Hindi mo maiiwasang magsuspetsa. May kahina-hinalang nangyayari. Ano nga ba ang nangyayari? Hindi ba’t may masasamang intensiyon ang pamilya at sinadya nilang papuntahin ang taong iyon? (Oo.) Sabi Ko, “Paalisin ninyo siya kaagad.” Sabi ng pamilya, “Hindi siya aalis hangga’t hindi siya nababayaran.” Sabi Ko, “Bakit hindi mo siya bayaran?” Kung anu-ano ang isinagot ng pamilya, nagpapahiwatig na hindi nila ito babayaran kahit na mayroon silang pera—gusto nilang makalibre sa utang. Naghintay roon ang naniningil ng utang at hindi pa rin ito umaalis hanggang sa malapit nang dumating ang ilan pang katrabaho. Ano ang planong gawin ng pamilyang nagho-host? Hindi ba’t isa itong planadong pakana? (Oo.) Maya-maya, may sinabihan Ako na bigyan ng pera ang pamilya at paalisin agad ang naniningil ng utang. Matapos bigyan ng pera, sa loob ng kalahating oras, umalis na ang naniningil ng utang. Batay sa ating sentido-komun, hindi na dapat bumalik ang naniningil ng utang, pero hindi pa tapos ang isyung ito. Makalipas ang isang buwan, bumalik uli ang naniningil ng utang bago ang isang pulong ng mga katrabaho. Sinabi ng pamilyang nagho-host na noong nakaraan, kapiraso lang ng utang ang nabayaran, hindi lahat. Ano ang layon nila sa pagsasabi nito? Para muling pabayaran sa sambahayan ng Diyos ang utang ng pamilya. Katulad ito ng dati, matapos itong bigyan ng pera, umalis na ang naniningil ng utang. Simula noon, sa tuwing pumupunta kami roon para magpulong, hindi na bumalik pa ang naniningil ng utang dahil nabayaran na namin ang utang ng pamilya sa dalawang hulugan. Nag-alala ang pamilya na kung humingi sila ng malaking halaga kaagad, hindi kami papayag na magbayad, kaya dalawang hulog ang hiningi nila. Paano dapat ituring ang perang ito? Ipinahiram ba ito ng sambahayan ng Diyos sa pamilya, o minanipula ba ng pamilya ang sambahayan ng Diyos para ibigay ito sa kanila? (Minanipula nila ang sambahayan ng Diyos.) Sa katunayan, nilansi ng pamilya ang sambahayan ng Diyos para ibigay sa kanila ang pera. Kaya, bakit ibinigay ng sambahayan ng Diyos ang pera sa kanila? Hindi ba pwedeng hindi na lang namin ibinigay sa kanila ang pera? Tutal, makatwiran at legal naman kung hindi namin ibigay ang pera sa kanila, pero ibig sabihin niyon ay hindi makakapagpulong ang mga magkakatrabaho. Kaya, ano ba ang katwiran namin sa pagbibigay nito sa kanila? Noong panahong iyon, ang iniisip Ko ay ang ituring ang perang ito bilang bayad sa upa. Kung umupa kami ng isang hostel o sports arena, hindi ba’t gagastos din kami ng pera? Hindi kami pwedeng magpulong sa mga lugar na iyon at hindi rin ito ligtas. Dito, tinutulungang protektahan ng pamilya ang lugar na ito at nakakasiguro kami sa aming kaligtasan, kaya makatwiran ba para sa sambahayan ng Diyos na gumastos ng kaunting pera para mabayaran ang mga utang nila? (Oo.) Kaya lang, hindi ibinigay ang pera sa matapat na paraan. Gayumpaman, sa isang kapaligiran tulad ng bansa ng malaking pulang dragon, madalas na kinakailangang gawin ang ganitong uri ng bagay.

May masamang pagkatao ang ilang tao, at hindi sila lubos na handang gawin ang tungkulin ng pagho-host. Ginagamit natin sila para protektahan ang lugar na kinaroroonan natin, kaya kailangan natin silang tulutan na makinabang nang kaunti sa sitwasyon. Subalit, pagkatapos nilang makinabang, pwede pa ba silang maligtas? Hindi na. Hindi naman sa ayaw silang iligtas ng Diyos, kundi hindi pwedeng magkamit ng kaligtasan ang ganitong uri ng tao. Nilalansi at sinasamantala nila ang sinuman. Kapag ginagawa nila ang mga tungkulin nila at sinusubukan nilang maghanda ng mabubuting gawa, palagi silang nagtatangkang makapanghuthot ng isang kanais-nais na bagay mula rito, at kahit sino man ang nakakasalamuha nila, sumusunod sila sa prinsipyo na palaging makinabang at hindi kailanman magpadehado. Ito ang prinsipyong sinusunod nila sa paggawa ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Kaya, saan nanggagaling ang “mabubuting gawa” na ito? Binili at binayaran ng sambahayan ng Diyos ang mga ito, sa halip na ang mga taong ito mismo ang maghanda ng mabubuting gawa; hindi sila naghahanda ng mabubuting gawa. Nagbibigay sila ng lugar, gumagastos ng pera ang sambahayan ng Diyos, at itinuturing nito iyon bilang bayad sa upa. Wala itong kinalaman sa mabubuting gawa, at hindi nila ito mabubuting gawa. Anong klaseng pag-uugali ito kapag ang isang tao ay nagpapanggap na nagbibigay ng lugar para sa mga kapatid sa ngalan ng sambahayan ng Diyos para madayang makakuha ng pera o ng mga gamit sa sambahayan ng Diyos? Anong klaseng karakter mayroon ang ganitong uri ng tao? Pwede bang gunitain ng Diyos ang pag-uugali nila? Ano ang ranggo ng karakter nila sa puso ng mga tao at sa puso ng Diyos? Ang paghahanda ng mabubuting gawa ay isang bagay na dapat mong ihanda—naghahanda ka ng mabubuting gawa alang-alang sa iyong hantungan, at ang lahat ng ginagawa mo ay para sa sarili mo, hindi para sa iba. Sa pamamagitan ng paggawa ng dapat mong gawin, nakatanggap ka na ng gantimpala, at natamo mo na ang kanais-nais na bagay na nilayon mo, kaya, ano ang tingin ng Diyos sa iyo sa puso Niya? Gumagawa ka ng mabubuting bagay para may makamit ka na mga interes mo, hindi para makamit ang katotohanan o ang buhay, lalong hindi para palugurin ang Diyos. Maililigtas pa rin ba ng Diyos ang mga ganitong tao? Hindi. Naghahanda lang sila ng isang maliit na mabuting gawa at gumagampan ng isang maliit na obligasyon at tungkulin, pero iniaabot nila ang kanilang kamay at humihingi sila ng kabayaran mula sa sambahayan ng Diyos, paunti-unti nilang pineperahan ang sambahayan ng Diyos, at nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para lansihin ang sambahayan ng Diyos at magkamit ng mga kanais-nais na bagay, at sinisiguro nilang hindi sila madedehado kahit kailan, na para bang nakikipagnegosyo sila. Sa ganitong paraan, ang mabuting gawa na ito ay hindi isang mabuting gawa—naging isang masamang gawa ito, at bukod sa hindi ito gugunitain ng Diyos, aalisin Niya ang karapatan ng mga taong ito na maligtas. Nang pagbayarin ng pamilyang nagho-host ang sambahayan ng Diyos sa utang ng pamilyang iyon, medyo likas ba itong madaya? Ito ang ginagawa ng mga anticristo. Kapag gusto nila ng pera, hindi nila ito hinihingi sa matapat na paraan; sa halip, likas na madaya ang paraan nila, sinasamantala ang pagkakataon para makapangikil. Inililigtas ba ng Diyos ang mga nangingikil ng mga handog sa Diyos? (Hindi.) Kung nagsisisi ang mga taong ito at mayroon silang tunay na pananampalataya, dapat ba silang maligtas? (Hindi.) Bakit? (Ang katunayan na kaya nilang dayain ang sambahayan ng Diyos ay nangangahulugan na walang puwang ang Diyos sa puso nila—sila ay tipikal na mga hindi mananampalataya.) Magsisisi ba ang mga hindi mananampalataya? Ang klase ng mga hindi mananampalataya na mga anticristo ay hindi magsisisi. Nakasentro sa lahat ng ginagawa nila ang sarili nilang mga interes, at hinding-hindi sila magsisisi kahit mamatay sila. Hindi nila inaamin na may nagawa silang mali, o na may nagawa silang masama, kaya ano ang pagsisisihan nila? Ang pagsisisi ay para sa mga taong may pagkatao, na may konsensiya at katwiran, at na kayang makita nang malinaw ang sarili nilang katiwalian at aminin ito. Nang gawin ng pamilyang nagho-host na iyon ang isang maliit na tungkulin, kinailangan nilang makapanghuthot ng kanais-nais na bagay mula rito, at ni hindi nila pinalampas ang ganitong pagkakataon. Lubha silang manloloko. Ito ang ikaapat na kaso.

Ikalimang Kaso: Paghingi ng Sahod para sa Paggawa sa Sambahayan ng Diyos

Sa mainland Tsina, may ilang trabaho na medyo mapanganib at delikado, at nangangailangan ng mga tao na medyo matalino at may mga patikular na kwalipikasyon para gumawa. Noong panahong iyon, may isang tao na may mga kwalipikasyong ito, kaya nagsaayos ng gawain ang Itaas para sa Kanya. Habang ginagawa niya ang gawaing ito, mayroon siyang hiningi, sinasabi na simula nang gawin niya ang gawaing ito, hindi na niya magawa ang kanyang regular na trabaho araw-araw, at medyo nahihirapan nang makaraos ang pamilya niya. Binigyan siya ng sambahayan ng Diyos ng kaunting pera para sa mga gastusin sa pamumuhay, at tuwang-tuwa siya rito at tinanggap niya ang gawaing ibinigay sa kanya; subalit, hindi gaanong mahusay ang paggampan niya sa gawain. Pagkalipas ng ilang panahon, wala nang problema ang pamilya niya na makaraos sa buhay, pero may ibang nangyari na binanggit niya sa sambahayan ng Diyos, at binigyan siya ng sambahayan ng Diyos ng karagdagang pera para sa mga gastusin sa pamumuhay, para tiyakin na makakaraos siya. Nag-atubili siyang sumang-ayon na magpatuloy sa paggawa ng kanyang gawain, pero gaano kahusay niya itong ginawa? Naging malaki itong problema. Kung gusto niyang gawin ang isang bagay, gagawa siya nang kaunti, at kung ayaw niyang gawin ito, wala talaga siyang gagawin. Dahil dito, naantala ang gawain at nagdusa ng ilang kawalan ang gawain ng iglesia, at kinailangan itong ayusin ng ibang tao. Kalaunan, nakipag-ugnayan sa kanya ang sambahayan ng Diyos para sabihin na higit niyang pagsumikapan ang gawain niya, at na patuloy siyang tutulungan ng sambahayan ng Diyos na lutasin ang anumang paghihirap na mayroon siya. Hindi niya ito direktang sinabi sa sambahayan ng Diyos nang harap-harapan, pero pribado niyang sinabihan ang ilang kapatid, “Ang mga gastusin ba sa pamumuhay ang wala ako? Anong malaking problema ang masosolusyunan ng kaunting perang iyan? Sa paggawa ko sa gawaing ito, nilulutas ko ang napakalaking isyu para sa sambahayan ng diyos. Dapat ding lutasin ng sambahayan ng diyos ang malalaking isyu para sa akin. Ngayon, wala pang pera ang anak ko para sa matrikula, at hindi pa ito nasosolusyunan. Ang kaunting perang ito ay hindi ang wala sa akin.” Ang mga salitang ito ang tunay niyang iniisip, pero hindi niya ito masabi nang harap-harapan sa sambahayan ng Diyos; sa halip, nabunyag ito nang pribado siyang maglabas ng saloobin. Paano dapat lutasin ang sitwasyong ito? Dapat ba siyang patuloy na gamitin ng sambahayan ng Diyos, o maghanap na lang ng iba? (Maghanap ng iba.) Bakit? Nabunyag na ang karakter at diwa niya. Bukod sa gusto niyang suportahan ng sambahayan ng Diyos ang kabuhayan ng pamilya niya, gusto rin niya na bayaran ng sambahayan ng Diyos ang matrikula ng anak niya, at kalaunan ay sinabi niya na may sakit ang asawa niya at gusto niyang bayaran ng sambahayan ng Diyos ang pagpapagamot nito. Hindi ba’t dumami na nang dumami ang hinihingi niya? Akala niya, malaki na ang naiambag niya sa paggawa ng maliit na bagay na ito para sa sambahayan ng Diyos, at na dapat ibigay ng sambahayan ng Diyos ang lahat ng kailangan niya nang walang kondisyon. Kung nagtrabaho siya sa isang regular na trabaho, makakaya ba niyang pag-aralin ang anak niya sa isang unibersidad? Makakaya ba niyang bayaran ang pagpapagamot sa asawa niya? Hindi ito sigurado. Kung gayon, nang gawin niya ang kaunting gawaing ito sa sambahayan ng Diyos, bakit palagi siyang humihingi ng pera sa sambahayan ng Diyos? Ano ang iniisip niya? Ano ang pananaw niya sa usaping ito? Inakala niya na kung wala siya, walang ibang gagawa ng gawain sa sambahayan ng Diyos, kaya kailangan niyang samantalahin ang pagkakataong ito na makahanap ng mga dahilan para humingi sa sambahayan ng Diyos ng mas marami pang pera, at na dapat hindi niya ito palampasin nang walang nakukuha, at na kung mapalampas niya ang pagkakataong ito, wala na. Hindi ba’t ito ang ibig niyang sabihin? Inisip niya na ang paggawa sa gawaing ito ay parang paggawa ng trabaho at pagkita ng pera, kaya dapat lang na mangikil siya nang husto sa sambahayan ng Diyos. Pagkatapos, nang mapagtanto niyang hindi siya makapangikil sa sambahayan ng Diyos, hindi na niya ginawa ang gawain niya. Isa ba itong tao na tunay na nananampalataya sa Diyos? (Hindi.)

Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay hindi natatakot na magpasan ng paghihirap habang ginagawa ang tungkulin nila. Hindi binabanggit ng ilang tao ang mga paghihirap ng pamilya nila habang ginagawa ang tungkulin nila. Gumagawa ng mga tungkulin ng pagho-host ang ilang tao sa mahihirap na lugar, at kapag dumating ang mga kapatid at walang bigas na makain, lumalabas sila para manghiram ng pera pero wala silang sinasabing kahit ano. Kung magsasabi sila, mabibigyan ba sila ng sambahayan ng Diyos ng pera? (Oo.) Kayang bayaran ng sambahayan ng Diyos ang mga bagay na kailangan nila sa pagho-host sa mga kapatid. Kung gayon, bakit hindi sila nagsasabi? Kung iaalok mo ito sa kanila, tatanggihan nila ito. Pagkatapos lumabas para manghiram ng pera, sila mismo ang unti-unting magbabayad nito. Ayaw nila ng pera mula sa sambahayan ng Diyos. Ang mga anticristo ang mismong kabaligtaran nito. Nagtatakda sila ng mga kondisyon at inaabot nila ang kamay nila at humihingi sila bago pa makatapos ng anumang gawain. Bakit napakadali para sa kanila na iabot ang kamay nila? Paano nila nagagawang iabot ang kamay nila nang “nakatitiyak sa sarili”? Walang kahihiyan ang mga ganoong tao, hindi ba? Pagkatapos humingi ng kaunting pera, gusto pa nila ng dagdag. Kung hindi sila bibigyan ng pera, hindi sila gagawa ng anumang gawain—wala silang gagawin hangga’t wala silang nakikitang kapalit: “Katumbas ng ibabayad mo sa akin ang dami ng gawaing gagawin ko. Kung hindi mo ako babayaran, huwag ka nang magpagawa sa akin ng anumang gawain para sa iyo. Trabaho ito para sa akin, at kung hindi ako makikinabang dito, hindi ko ito gagawin. Inilalagay ko sa panganib ang sarili ko para gawin ang tungkulin ko, kaya dapat lang na may kapalit ito para sa akin, at dapat matumbasan nito ang ibinibigay ko. Hindi ako pwedeng madehado!” Kaya, kailangan nilang hingin ang mga bagay na sa tingin nila ay nararapat sa kanila, at kailangan nilang maghanap ng mga dahilan para hingin ito—kailangan nilang pigain ang utak nila, at mag-isip ng iba’t ibang paraan para hingin ito. Kung maibibigay ito sa kanila, mas lalong mainam iyon, at kung hindi ito maibibigay sa kanila, iiwan nila ang lahat at aalis sila, at hindi sila magdurusa ng anumang kawalan. Bukod pa rito, sa tingin nila ay may kasamang panganib ang lahat ng gawaing ito na ginagawa ng sambahayan ng Diyos, at na kung hindi sila bibigyan ng sambahayan ng Diyos ng mga bagay na hinihingi nila, matatakot ito na iuulat nila ito, at na walang ibang tao sa sambahayan ang naaangkop, kaya dapat silang gamitin nito, at na kung gagamitin sila nito, dapat itong magbayad sa kanila. Hindi ba’t medyo likas itong madaya? Hindi ba’t medyo likas itong mapagsamantala? Maituturing ba na mga mananampalataya ang mga ganitong tao? Sila ay mga hindi mananampalataya na hindi parte ng sambahayan ng Diyos—ni hindi sila mga kaibigan ng iglesia. Kapag nakikita ng mga kaibigan ng iglesia na mabubuting tao ang mga mananampalataya, tumutulong sila sa pagprotekta sa mga mananampalataya, at sa paggawa ng ilang bagay. Pwedeng pagpalain nang kaunti ang mga ganitong tao. Sa kabaligtaran, nananampalataya sa Diyos ang mga anticristo para lamang makakuha ng mga kanais-nais na bagay. Kung hindi sila makakakuha ng mga kanais-nais na bagay, hindi nila gagawin ang anumang tungkulin, hindi gagampanan ang anumang obligasyon, at hindi igugugol ang sarili nila kahit kaunti. Kapag isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na gampanan nila ang isang tungkulin, tinatanong muna nila kung anong mga kanais-nais na bagay ang iniaalok nito, at kung wala itong iniaalok na anumang kanais-nais, hindi nila ito gagawin. Ano ang pagkakaiba nila sa mga manloloko sa mundo ng mga walang pananampalataya? Nagnanais pa rin ang mga taong ito na maligtas, at pagpalain ng Diyos. Hindi ba’t humihingi sila ng mga imposibleng bagay? Kung hindi napakababa ng pagkatao ng mga taong ito at kung may kahihiyan sila, paano nila magagawang isipin ang mga gayong baluktot na paraan ng pagkilos sa puso nila? Paano sila magkakaroon ng ganitong saloobin sa paggawa ng tungkulin nila? Kaya ba ninyong gawin ang mga bagay na ito? (Oo, kaya rin namin.) Hanggang sa anong antas? May limitasyon ba? Sa anong punto ninyo maiisip na napakalubha na nito, at na hindi na ninyo kayang patuloy na gawin ang mga bagay na ito? (Minsan nakakaramdam ng pang-uusig ang puso ko, at inuusig ang konsensiya ko. May mga oras din na natatakot ako na ilalantad ng iba ang mga bagay na nagawa ko, kaya hindi ko na ginagawa ang mga iyon.) Anuman ang ginagawa ng mga tao, napakahalaga ng karakter nila. Ang taong walang kahit kaunting kahihiyan ay kayang gumawa ng anumang masamang bagay. Siya ay lubusang isang masamang tao. Walang limitasyon sa anumang ginagawa niya, at hindi siya kumikilos ayon sa konsensiya niya. Anong klase ng mga tao ang walang konsensiya sa pagkatao nila? Sila ay mga hayop at demonyo, at hindi sila ililigtas ng Diyos. Ang mga taong kayang kumuha ng mga handog sa Diyos at mangikil sa mga handog sa Diyos nang may pandaraya habang ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain, at na humihingi ng kabayaran sa sambahayan ng Diyos ay hindi mabubuting tao. Inaakala nila na madaling lansihin ang sambahayan ng Diyos, at na walang may responsabilidad sa pag-aalaga sa mga gamit sa sambahayan ng Diyos, at na walang nagmamay-ari sa mga gamit sa sambahayan ng Diyos, kaya pwede nilang angkinin at madayang kunin ang mga bagay na ito ayon sa gusto nila. Iniisip nila na sa paggawa nito, nakakuha sila ng pakinabang. Talaga bang ganoon kadaling makuha ang pakinabang na ito? Hindi malaki ang pakinabang na nakuha mo, pero ano ang kahihinatnan ng pagkuha nito? Ang mawalan ka ng buhay.

Kung tunay na may pagkatao at kaunting konsensiya ang isang tao, makakaya ba niyang gawin ang mga bagay na ito? Nananampalataya ka sa Diyos, pero kaya mo Siyang dayain at kaya mong mangikil sa mga handog na para sa Kanya. Anong klaseng tao ka? Tao ka pa ba? Mga demonyo lang ang gumagawa ng mga ganitong bagay. Hindi ginagawa ng mga hayop ang mga ganitong bagay. Tingnan mo ang isang aso. Pinalaki ito ng may-ari, at pinoprotektahan ng aso ang bahay para sa may-ari nito. Kapag may dumating na masamang tao, nagbibigay ito ng babala at inaatake nito ang masamang tao. Hinahabol nito ang sinumang kumukuha sa mga gamit ng may-ari nito. Kapag nakakatakas ang mga manok, pato, at gansa ng amo nito, tumutulong itong hanapin ang mga iyon. Kapag nag-aaway ang mga baboy sa bahay ng amo nito, sinusubukan itong pigilan ng aso. Alam ng aso na gusto ng amo nito na bantayan ng aso ang mga baboy, kaya natutupad ng aso ang responsabilidad na ito. Hindi nangangatwiran ang aso sa amo nito at nagsasabi, “Binantayan ko ang mga baboy para sa iyo, kaya bakit hindi mo ako binibigyan ng manok o ng anumang makakain?” Hindi nito kailanman sinasabi iyon. Kahit aso ay kayang protektahan ang tahanan ng amo nito, at gampanan ang mga obligasyon para sa amo nito nang walang hinihinging kabayaran, pero hindi man lang mapantayan ng mga taong ito ang mga hayop. Pagkatapos gampanan ang isang maliit na obligasyon, iniisip nila na dehado na sila, at pagkatapos tuparin ang ilang responsabilidad at maglaan ng kaunting pagsisikap, hindi sila nagiging komportable, pakiramdam nila ay parang hindi patas ang pagsasaayos, at na ginagamit lang sila, kaya nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para makaganti. Kapag nananampalataya ka sa Diyos, pinoprotektahan at inaakay ka ng Diyos, at pinagkakalooban ka Niya ng napakaraming katotohanan. Paanong hindi mo maisip na suklian Siya? Hindi mo naiisip na suklian Siya, pero hindi na iyon binubusisi ng Diyos. Subalit, kapag ginagampanan mo ang isang maliit na obligasyon, lumalapit ka sa Diyos para makabawi ka. Kapag ginagampanan mo ang isang maliit na obligasyon, gusto mong mangikil ng mga bagay-bagay at may makuha sa pamamagitan ng pandaraya—nag-iisip ka ng iba’t ibang paraan para makabawi sa ginawa mo. Hindi ba’t naghahangad ka ng kamatayan? Hindi ba’t marami na ang ibinigay ng Diyos sa iyo? Pagdating sa mga pagpapamalas ng mga tao, ano ba ang nararapat sa kanila? Ang mga tao ba ay nagtatamasa at nagmamay-ari ng mga bagay-bagay ngayon dahil nararapat ang mga ito sa kanila? Hindi. Ang mga iyon ay mga bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo at mga bagay na pinagpala Niya na magkaroon ka. Napakarami mo nang natanggap. Ipinagkaloob ng Diyos sa iyo ang buhay, ang katotohanan, at ang daan nang walang anumang hinihinging kapalit. Paano mo Siya sinuklian? Kapag gumagawa ka ng kaunti mong obligasyon at tungkulin, sa loob-loob mo, pakiramdam mo ay nahihirapan ka at na nagdusa ka ng kawalan, at iniisip mo ang iba’t ibang paraan para makabawi ka. Kung gusto mong bumawi, pwede kang bigyan ng Diyos ng isang bagay bilang kapalit, pero pagkatapos mong makuha iyon, maliligtas ka pa rin ba? Darating ang araw na malalaman ng mga tao kung ano mismo ang pinakaimportante at pinakamahalaga. Hindi kailanman malalaman ng mga taong may diwa ng anticristo ang halaga ng katotohanan. Kapag dumating na ang araw na mabubunyag ang kalalabasan nila, at kapag nabunyag at naisapubliko na ang lahat, saka pa lang nila malalaman. Hindi ba’t huli na ang lahat sa oras na iyon? Malapit na ang kalalabasan ng lahat ng bagay, at lilipas ang lahat ng bagay. Tanging ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan Niya ang mananatili magpasawalang hanggan. Ang mga nagtataglay ng katotohanan at nagsasagawa ng mga salita ng Diyos ay mananatili kasama ng mga salita Niya, at ng katotohanan Niya. Ito ang halaga at lakas ng mga salita ng Diyos. Gayumpaman, hindi kailanman magiging malinaw sa mga anticristo ang katunayang ito, kaya pinipiga nila ang utak nila, nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan at gumagamit ng lahat ng posibleng pamamaraan para magpakana ng iba’t ibang pakinabang sa pamamagitan ng pagpapanggap na nananampalataya sa Diyos, at gumagamit pa sila ng mga mas kahiya-hiyang madayang pamamaraan para makuha ang mga handog sa Diyos, at lustayin at samsamin ang mga handog sa Kanya. Ang lahat ng kilos at pag-uugali ng mga taong ito ay detalyadong nakatala sa kuwaderno ng Diyos. Kapag dumating ang araw na ibubunyag na ang mga kalalabasan nila, itatakda ng Diyos ang kalalabasan ng bawat tao batay sa mga talang ito. Totoo ang lahat ng ito. Naniniwala ka man o hindi, mabubunyag ang lahat ng bagay na ito. Ito ang ikalimang kaso. Anong klase ng tao ang lalaking ito? Marangal ba ang kanyang karakter o mababa? (Mababa.) Sa mga mata ng Diyos, hindi siya isang marangal na tao; siya ay mababa. Sa madaling salita, siya ay tinutukoy bilang isang “taong imoral.”

Ikaanim na Kaso: Pagpapakagod para Magtamo ng Katungkulan Alang-alang sa Pagkain at Pananamit

Pagkatapos manampalataya sa Diyos, maraming tao ang palaging naghahangad ng katayuan at na tingalain sila ng ibang tao. Sa sambahayan ng Diyos, palagi nilang gustong mamukod-tangi sa karamihan at maging pinuno ng grupo. Alang-alang sa mga bagay na ito, tinatalikuran nila ang mga pamilya at propesyon nila, nagtitiis sila ng paghihirap at nagbabayad ng halaga, hanggang sa wakas ay nakakamit nila ang kahilingan nila at nagiging lider sila. Pagkatapos maging lider, tunay na nagiging iba ang pamumuhay ng mga taong ito. Ipinapamalas nila ang bawat aspekto ng imahe at istilong dati nang nasa kanilang isipan tungkol sa kung paano kumikilos ang mga taong may katungkulan, mula sa pananamit, pag-aayos, hanggang sa paraan ng pagsasalita at pagkilos. Natututo silang magsalita na parang isang opisyal, natututo silang utus-utusan ang mga tao, at natututo silang ipaasikaso sa mga tao ang mga pribadong usapin nila. Sa madaling salita, natututo silang maging isang opisyal. Kapag pumupunta sila sa isang lugar para maging lider, ibig sabihin ay pumupunta sila roon para maging isang opisyal. Ano ang ibig sabihin ng pagiging opisyal? Na sila ay “nagpapakapagod para magtamo ng katungkulan alang-alang sa pagkain at pananamit.” Isa itong usapin na nauukol sa mga pisikal na kasiyahan. Pagkatapos maging lider, ano ang nag-iba sa buhay nila kumpara sa dati? Iba na ang kinakain, sinusuot, at mga ginagamit nila. Kapag kumakain sila, partikular sila sa pagiging masustansiya at masarap nito. Partikular sila sa tatak at istilo ng mga damit na isinusuot nila. Kapag nakaisang taon na sila bilang isang lider sa isang partikular na lugar, nagiging matamlay at mataba sila; mula ulo hanggang paa, nakasuot sila ng mga damit na may tatak; at pawang mamahalin ang tatak ng cell phone, computer, at mga kasangkapan nila sa bahay. Ganito ba ang mga kondisyon nila bago sila naging lider? (Hindi.) Pagkatapos maging lider, hindi sila nagsikap kumita ng pera, kaya saan nila kinuha ang perang pambili ng lahat ng bagay na ito? Inabuloy ba sa kanila ng mga kapatid ang mga bagay na ito, o inilaan ba sa kanila ng sambahayan ng Diyos ang mga bagay na ito? Ni minsan ba ay nabalitaan ninyo na naglaan ang sambahayan ng Diyos ng mga bagay na ito sa bawat lider at manggagawa? (Hindi.) Kung gayon, paano nila nakuha ang mga ito? Ano’t anuman, ang mga ito ay hindi mga bagay na nakuha nila sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap; sa halip, ang mga ito ay mga baga na nakuha nila matapos silang magkamit ng katayuan at maging isang “opisyal”—kung saan natatamasa nila ang mga pakinabang ng katayuan—sa pamamagitan ng pangingikil sa iba, pandaraya, at pagsamsam. Sa mga iglesia sa lahat ng dako, may mga tao bang ganito sa iba’t ibang antas ng mga lider at manggagawa na nakasalamuha ninyo? Noong una silang maging lider, wala silang pag-aari, pero sa loob ng wala pang tatlong buwan, mayroon na silang mga mamahaling computer at cell phone. Pagkatapos maging lider, iniisip ng ibang tao na dapat silang magtamasa ng mataas na pamantayan ng pagtrato—kapag lumalabas sila, dapat may sasakyan sila; dapat mas maganda kaysa sa mga karaniwang tao ang mga computer at cell phone na ginagamit nila, dapat mula sa mamahaling tatak, at kailangan nilang magpalit ng bago kapag luma na ang modelo nito. May ganito bang mga panuntunan ang sambahayan ng Diyos? Hindi kailanman nagkaroon ng mga ganitong panuntunan ang sambahayan ng Diyos, at wala ni isang kapatid ang nag-iisip ng ganito. Kaya, saan galing ang mga bagay na ito na tinatamasa ng mga lider na ito? Sa isang banda, nakuha nila ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pangingikil sa mga kapatid at pagpapabili sa mayayamang tao ng mga bagay na ito para sa kanila sa pamamagitan ng pagpapanggap ng paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Bukod pa rito, sila mismo ang bumili ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng maling paggamit at pagnanakaw ng mga handog. Hindi ba’t mga basura silang kumukuha ng pagkain at inumin nang may pandaraya? May kaibahan ba ito sa mga tao sa ilang naunang kaso na ibinahagi Ko? (Wala.) Ano ang pagkakapareho ng mga ito? Pawang ginamit nila ang posisyon nila para lustayin ang mga handog at kumuha ng mga handog sa pamamagitan ng pangingikil. Sinasabi ng ilang tao, “Sa paggawa sa sambahayan ng Diyos at sa pagiging isang lider o manggagawa, hindi ba’t kuwalipikado silang magtamasa ng mga bagay na ito? Hindi ba’t kuwalipikado silang makibahagi sa mga handog ng Diyos kasama Siya?” Sabihin mo sa Akin, kuwalipikado ba sila? (Hindi.) Kung kailangan nilang bumili ng ilang gamit para magawa ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sa ganitong kaso, may mga panuntunan ang sambahayan ng Diyos na nagsasabing pwede nilang bilhin ang mga bagay na iyon, pero bumibili ba ang mga taong ito ng mga gamit nang alinsunod sa mga nakatakda sa mga panuntunan? (Hindi.) Ano ang nakikita ninyo na nagpapahiwatig na hindi nila ginagawa iyon? (Kung talagang kailangan nila ito para sa gawain, iisipin nila na ayos pa ang isang kagamitan hangga’t pwede pa itong gamitin, pero hinahangad ng mga anticristo ang mga mamahaling gamit na may tatak, at ginagamit nila ang mga pinakamaganda sa lahat ng bagay. Batay rito, makikita natin na ginagamit nila ang katayuan nila para tamasahin ang mga materyal na bagay na ito.) Tama. Kung kailangan ito para sa gawain, ayos pa ang isang kagamitan hangga’t pwede pa itong gamitin. Bakit kailangan pa nilang gumamit ng mga sobrang magarbo at mamahaling bagay? Isa pa, nang bilhin nila ang mga bagay na ito, nakilahok ba ang iba sa pagdedesisyon at sumang-ayon ba ang mga ito? Hindi ba’t problema ito? Kung nakilahok ang iba sa desisyon, pwede kayang sumang-ayon silang lahat na bumili ng mga mamahaling bagay na ito? Tiyak na hindi. Napakalinaw na nakuha ng mga anticristo ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagnanakaw sa mga handog. Napakalinaw nito. Isa pa, mayroong panuntunan ang sambahayan ng Diyos—pinangangalagaan man ng iglesia ang mga handog o nakikipagtulungan sa gawain, hindi ito trabaho ng iisang tao lang kahit kailan. Kaya, bakit nagagawa ng mga taong ito, bilang mga indibidwal, na gamitin at gastusin ang mga handog ayon sa gusto nila? Hindi ito naaayon sa mga prinsipyo. Hindi ba’t pagnanakaw ng mga handog ang kalikasan ng mga ginagawa nilang ito? Binili nila ang mga bagay na ito at nakuha nila ang mga ito nang walang pag-apruba o pagsang-ayon ng iba pang mga lider at manggagawa, ang mas matindi pa, hindi nila ito ipinaalam sa ibang tao, at walang nakakaalam sa ginagawa nila. Hindi ba’t ang kalikasan nito ay katulad ng pagnanakaw? Ito ay tinatawag na pagnanakaw ng mga handog. Ang pagnanakaw ay panloloko. Bakit ito tinatawag na panloloko? Dahil binili nila ang mga magarbong kagamitang ito at nakuha nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapanggap ng paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Tinatawag na pandaraya ang ganitong uri ng pag-uugali, at tinatawag itong panloloko. Kalabisan ba ang pagtukoy Ko nito sa ganitong paraan? Pinalalaki Ko lang ba ang isang maliit na usapin? (Hindi.) Hindi lang ito, kundi matapos manatili sa isang lugar ang mga diumano’y lider na ito sa loob ng ilang panahon, sinusuri nila nang malinaw kung anong gawain ang ginagawa sa mundo ng mga kapatid doon, anong mga koneksiyon sa lipunan ang mayroon sila, at anong mga pakinabang ang pwede nilang mahuthot at makuha mula sa mga taong ito, at kung anong mga koneksiyon ang pwede nilang gamitin. Halimbawa, sinuman sa mga kapatid ang nagtatrabaho sa ospital, sa isang kagawaran ng gobyerno, o sa isang bangko, o sinuman ang negosyante, kanino mang pamilya ang nagmamay-ari ng tindahan, kotse, o malaking bahay, at iba pa, malinaw nilang sinusuri ang mga bagay na ito. Kasama ba sa saklaw ng gawain ng mga lider na ito ang mga bagay na ito? Bakit nila sinusuri ang mga bagay na ito? Gusto nilang gamitin ang mga koneksiyong ito, at gamitin ang mga kapatid na ito na may mga espesyal na posisyon sa mundo para magserbisyo sa kanila, maglingkod sa kanila, at magbigay sa kanila ng kaginhawahan. Akala mo ba ay ginagawa nila ito para gawin ang gawain ng iglesia, at para magbahagi ng katotohanan upang matugunan ang mga suliranin ng mga hinirang ng Diyos? Iyon ba ang ginagawa nila? May intensiyon at layunin sa likod ng lahat ng ginagawa nilang ito. Kapag gumagawa ang mga tunay na lider at manggagawa, nakatuon sila sa paglutas ng mga problema at paggawa nang maayos sa gawain ng iglesia. Hindi nila binibigyang-pansin ang mga bagay na walang kinalaman sa gawain ng iglesia. Nakatuon lang sila sa pagtatanong kung sino sa iglesia ang taos-pusong gumagawa ng tungkulin nila, sino ang epektibo sa tungkulin nila, sino ang kayang tumanggap at magsagawa sa katotohanan, at sino ang tapat sa paggawa ng tungkulin nila. Pagkatapos, itinataas nila ang ranggo ng mga ito, at iniimbestigahan ang mga taong nagsasanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, at hinaharap ang mga ito ayon sa prinsipyo. Tanging ang mga taong nagsasagawa nang ganito ang mga tunay na lider at manggagawa. Ginagawa ba ng mga anticristo ang mga bagay na ito? (Hindi.) Ano ang ginagawa nila? Gumagawa sila ng mga bagay-bagay at ng mga paghahanda para makuha ang mga kanais-nais na bagay para sa sarili nila, at alang-alang sa sarili nilang mga interes, pero hindi sila nagsusumikap sa gawain ng iglesia, at hindi nila ito tinatrato nang may pagpapahalaga. Samakatuwid, pagkatapos nilang magkaroon ng posisyon sa isang partikular na lugar, halos alam na nila kung sino sa mga kapatid ang makakapagbigay ng kung anong mga serbisyo para sa kanila. Halimbawa, ang sinumang nagtatrabaho sa pabrika ng gamot ay pwedeng magbigay sa kanila ng libreng gamot kapag nagkasakit sila, at magbigay sa kanila ng de-kalidad na imported na gamot; ang sinumang nagtatrabaho sa bangko ay pwedeng gawing madali para sa kanila ang magdeposito o mag-withdraw ng pera; at iba pa. Napakalinaw nilang sinusuri ang mga bagay na ito. Kinukuha nila ang loob ng mga taong ito, wala silang pakialam kung mabuti ang pagkatao ng mga taong ito o hindi. Basta’t sumusunod sa kanila ang mga taong ito at handang maging mga katuwang at tagasuporta nila, bibigyan ng mga anticristo ang mga ito ng mga kanais-nais na bagay, papanatilihing malapit sa kanila at tutustusan at poprotektahan ang mga ito, habang nagtatrabaho ang mga taong ito para patatagin ang posisyon ng mga anticristong ito sa iglesia, at mapanatili ang mga puwersa ng mga anticristong ito. Kaya, kung gusto mong malaman kung gumagawa ng tunay na gawain ang isang lider ng iglesia, tanungin mo siya tungkol sa totoong sitwasyon ng mga kapatid sa iglesiang iyon, at kung kumusta ang takbo ng gawain ng iglesia, at makikita mo nang malinaw kung talaga bang gumagawa siya ng totoong gawain. Malinaw na sinusuri ng ilang tao ang mga usapin sa pamilya at sitwasyon ng pamumuhay ng mga kapatid sa iglesia. Kung tatanungin mo sila kung sino ang nagtatrabaho sa pabrika ng gamot, kung kaninong pamilya ang nagmamay-ari ng tindahan, kaninong pamilya ang may sasakyan, kaninong pamilya ang may malaking negosyo, o kung sino ang nagtatrabaho sa anumang lokal na kagawaran at pwedeng makatulong sa mga kapatid, masasabi nila ito sa iyo nang tumpak. Kung tatanungin mo sila kung sino ang naghahangad sa katotohanan, sino ang pabaya sa kanyang tungkulin, sino ang anticristo, sino ang nagtatangkang makakuha ng loob ng mga tao, sino ang epektibo sa pagbabahagi ng ebanghelyo, o kung ilan ang mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo doon sa lokal na lugar, hindi nila alam ang mga bagay na ito. Anong klaseng mga tao ito? Gusto nilang gamitin ang lahat ng koneksiyong panlipunan sa lugar nila, at pag-isahin ang mga ito para maging isang maliit na grupong panlipunan. Kaya, hindi pwedeng tawaging isang iglesia ang lugar kung nasaan ang mga lider na ito. Pagkatapos nila rito, naging isang grupong panlipunan na ito. Kapag nagtitipon-tipon ang mga taong ito, hindi nila ipinagtatapat ang nasa puso nila at hindi sila nagbabahaginan ng kanilang pagkaunawang batay sa karanasan; sa halip, tinitingnan nila kung sino ang may mas malalakas na koneksiyon, sino ang may mataas na posisyon sa lipunan at napakamatagumpay, sino ang kilalang-kilala sa lipunan, sino ang may impluwensiya sa lipunan, at sino ang makapagbibigay ng mga espesyal na maginhawang serbisyo at mga kanais-nais na bagay sa lider. Kung sino man ang mga taong ito, mayroon silang posisyon sa puso ng lider. Hindi ba’t ito ang ginagawa ng mga anticristo? (Oo.) Ano iyong ginagawa ng mga anticristo? Binubuo ba nila ang iglesia? Sinisira nila ang iglesia at winawasak nila ang iglesia, at ginugulo at ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Lumilikha sila ng nagsasarili nilang kaharian, ng sarili nilang pribadong grupo, at paksiyon. Ito ang ginagawa ng mga anticristo.

Nakipag-ugnayan Ako sa inyo sa loob ng napakaraming taon, pero tinatanong Ko ba kung ano ang trabaho ng mga pamilya ninyo, kung gaano kayaman ang pamilya ninyo at kung ano ang pinagmulan ninyo? (Hindi.) Bakit hindi Ko tinatanong ang mga bagay na ito? Walang kabuluhan ang pagtatanong ng mga iyon. Hindi kagaya ng lipunan ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo kailangang sumipsip o magpalakas sa iba. Walang anumang kaugnayan sa pananampalataya sa Diyos ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na ito. Huwag gawing lipunan ang sambahayan ng Diyos. Ano man ang pinagmulan ng pamilya mo, mahirap man ito o mayaman, kung anong kapaligiran ang tinitirhan mo, sa lungsod o probinsiya man ito, hindi ito mahalaga. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, kahit gaano pa kataas ang posisyon mo sa lipunan noon, hindi na iyon mahalaga. Hindi Ko titingnan iyon. Kapag nakikipag-usap Ako sa mga tao, hindi Ko kailanman tinatanong ang sitwasyon ng pamilya nila. Kung gusto nilang pag-usapan ito, makikinig Ako, pero hindi Ko kailanman itinuring ang mga bagay na ito na mahalagang impormasyon na kailangan Kong itanong, lalong hindi Ko sinubukang kumuha ng ilang impormasyon para gamitin ang mga tao. Gayumpaman, kapag nagtatanong ang mga anticristo tungkol sa mga bagay na ito, tiyak na hindi lang ito para makipagkuwentuhan; sa halip, ginagawa nila ito para makakuha ng ilang kanais-nais na bagay. Halimbawa, kung sino man ang may pamilyang nagmamay-ari ng tindahan ng mga produktong pangkalusugan at pwedeng magpahintulot sa kanila na bumili ng mga produktong pangkalusugan sa presyong bultuhan, nakikipaglapit sila sa pamilyang ito; o kung sino man ang may kaibigang makakatulong sa kanila na makabili ng magagandang bagay, maaalala nila ito. Gumagawa sila ng listahan ng mga “koneksiyon” na ito at ng mga taong ito na sa tingin nila ay may mga espesyal na talento, at ginagamit nila ang mga taong ito sa mga mahahalagang pagkakataon. Iniisip nila na pawang may talento ang mga taong ito at malaki ang pakinabang nila sa mga ito. Tama ba ang pananaw na ito? (Hindi.) Ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan, at na nabibilang sa mundo at kay Satanas ay mas nagbibigay-halaga sa mga bagay na ito kaysa sa buhay at sa katotohanan. Kung dating karaniwang manggagawa sa lipunan ang isang partikular na tao, at sa sandaling malaman ito ng isang lider, ayaw niyang bigyang-pansin ang taong ito kahit gaano pa ito kasigasig na naghahangad sa pananalig nito, pero kapag nakikita ng lider na dating isang kadre ang isang tao at may-kaya ang pamilya nito, na may mataas na istilo ng pamumuhay at namumuhay sa mataas na antas sa lipunan, at sumisipsip siya sa taong ito, isa ba itong mabuting lider? (Hindi.) Naranasan na ba ninyo ang ganitong uri ng pagtrato? Ano ang saloobin ninyo pagkatapos maranasan ang ganitong pagtrato? Naramdaman ba ninyo na walang pagmamahal o pagkagiliw sa sambahayan ng Diyos? Kinakatawan ba ng mga anticristo ang sambahayan ng Diyos? Hindi nila kinakatawan ang sambahayan ng Diyos. Kinakatawan nila si Satanas. Ang paraan ng pagkilos at pag-asal nila, at ang diwa nila ay pawang kay Satanas at walang anumang kinalaman sa katotohanan. Kinakatawan lang nila ang sarili nila. Pagkatapos mapasakamay ang mga “koneksiyon” na ito at makipag-ugnayan sa mga ito, may ilan ding anticristo na gumagamit sa mga koneksiyong ito para mag-asikaso ng mga pribado nilang usapin, o magsaayos pa nga ng trabaho para sa mga kapamilya nila. Sabihin ninyo sa Akin, nangyayari ba ang mga ganitong bagay? (Oo.) Kayang-kaya ng mga anticristo na gawin ang mga bagay na ito. Kayang gumawa ng kahit ano ang isang tao na walang konsensiya, walang kahihiyan, at sobrang makasarili at mababa—kaya niyang gawin ang anumang uri ng bagay na hindi naaayon sa katotohanan, at na ganap na lumalabag sa moralidad at konsensiya ng isang tao. Kaya, sa mga mata ng mga anticristo, ang paggamit ng posisyon nila para pangasiwaan ang mga pribado nilang usapin, makakuha ng mga pakinabang at ng ganoong uri ng bagay ang pinaka-normal na bagay sa mundo, at hindi na ito dapat pang pag-usapan at kilatisin o unawain. Katulad lang ito ng kung paanong sinasabi ng mga walang pananampalataya: “Magpakapagod para magtamo ng katungkulan alang-alang sa pagkain at pananamit.” Ito rin ang layong hinahangad ng mga anticristo sa pagiging lider. Katulad ng paghahangad nila, nagsisikap din sila sa direksiyong ito nang walang kahit katiting na pang-uusig sa sarili, ginagamit ang kapangyarihan na hawak nila at ang posisyon nila para pagbantaan ang mga kapatid para gawin ng mga ito ang mga bagay-bagay, na parang makatwiran lang naman ito, at nagpapataw ng iba’t ibang pagsasagawa at hinihingi sa mga kapatid na hindi umaayon sa mga prinsipyo. Ginagamit at inuutus-utusan ng mga lider na ito ang ilang tao na magulo ang isip at walang pagkilatis, nang labag sa kanilang kalooban, at pwedeng may ilang tao pa nga na gumagamit ng sarili nilang pera para gumawa ng mga bagay-bagay para sa mga lider pero hindi sila makapagsalita, iniisip ng mga taong ito na sa paggawa nito, ginagawa nila ang tungkulin nila at naghahanda sila ng mabubuting gawa. Sasabihin Ko sa iyo: Sa totoo lang, mali ka. Sa paggawa nito, hindi ka naghahanda ng mabubuting gawa; sa halip, tinutulungan mo ang isang masamang tao sa paggawa ng masasamang bagay, at pinapalakas mo ang kapangyarihan ng isang masamang tao. Bakit Ko sinasabi ito? Kapag ginagawa mo ang mga bagay na ito, hindi ito naaayon sa mga prinsipyo. Hindi mo ginagawa ang tungkulin mo. Tinutulungan mo ang isang anticristo na magpakana para sa mga pansarili niyang pakinabang, at inaasikaso mo ang mga pribado niyang usapin. Hindi ito ang tungkulin mo; hindi ito ang responsabilidad mo. Hindi ito ang atas na ibinigay sa iyo ng Diyos, hindi rin ito ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa paggawa nito, pinaglilingkuran mo si Satanas at gumagawa ka para kay Satanas. Tatandaan ka ba ng Diyos dahil sa paggawa mo para kay Satanas? (Hindi.) Kung gayon, ano ang tatandaanng Diyos? May isang parirala sa Bibliya. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan ang sinasabi Ko sa inyo, bagama’t ginawa ninyo ito sa isa sa mga pinakamababa sa Aking mga kapatid, sa Akin ninyo ito ginawa” (Mateo 25:40). Ito ang itinakda ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Kung kaya mong gumawa ng isang bagay para sa mga pinakahamak na kapatid, tiyak na ginawa ang bagay na iyon ayon sa mga prinsipyo at hinihingi ng Diyos. Hindi ka tumitingin sa kung gaano kataas ang posisyon ng isang tao, kundi ginagawa mo ang mga bagay ayon sa prinsipyo. Ang ilang tao ay gumagawa lamang ng mga bagay, nagsisikap at nagtatrabaho para sa mga may katayuan, at masigasig nilang sinusuportahan ang mga ito, pero kung may ipinapagawa sa kanila ang isang taong walang katayuan, kahit pa isa itong tungkulin o responsabilidad na dapat nilang gawin, binabalewala lang nila ito. Kung gayon, paano tinutukoy ang mga bagay na ginagawa nila? Sa pananaw ng Diyos, ang mga bagay na ito ay itinuturing na paggawa para kay Satanas, at hinding-hindi Niya tatandaan ang mga bagay na ito. Ito ang ikaanim na kaso. Mayroon na ba sa inyo ang nakakita ng ganitong mga kaso? (Oo, may nakita ko, Diyos ko. Dati, noong may isang anticristo na lider sa amin, ginamit niya ang posisyon niya para itabi para sa sarili niya ang masasarap na pagkain, mga kapaki-pakinabang na kagamitan, kolorete, at iba pang mga gamit na inabuloy ng mga kapatid. Panis na ang ibang gamit pero hindi pa rin niya ibinigay sa mga kapatid ang mga ito; nilustay niya ang lahat ng ito. Bumili rin siya ng jacket, pero nang makita niya na bumili rin ang isang sister ng jacket na hindi mahal at maganda ang kalidad, nag-isip siya ng iba’t ibang sasabihin para lokohin ang sister tungkol sa jacket nito, at pinagastos niya ng mas malaking pera ang sister para bilhin ang sarili niyang jacket.) Masasabi na masamang tao ang bawat anticristo, at na wala silang pagkatao, walang konsensiya, at talagang mababa ang karakter nila. Kailangang mabunyag at matiwalag sa huli ang mga taong ito.

Noon, may isang pamilya na may tatlong miyembro na pumunta sa ibang bansa para gawin ang tungkulin nila. Pagdating doon, araw-araw nilang hinihiling sa mga kapatid na ipasyal sila para bumili ng mga gamit—ang ilan sa kanila ay gustong bumili ng jacket, ang ilan ay pantalon, at ang iba naman ay mga sapatos. Nagdadahilan sila, hindi raw sila nakapagdala ng sapat na pera. Kung wala naman pala silang sapat na pera, hindi na sana sila namimili ng mga gamit, pero gusto pa rin nilang bumili, at ayaw nila sa mga karaniwang bagay, magagara ang gusto nila, at ang mga kapatid ang nagbabayad gamit ang sariling pera ng mga ito. Habang ginagawa ng pamilya ang tungkulin nila sa loob ng ilang panahon, hindi na nagugustuhan ng mga tao ang pag-uugali nila—masyadong magara ang kinakain, tinitirhan, at ang mga gamit nila! Nagpabili pa nga sa mga kapatid ng gatas ang ama ng pamilya, at iniinom niya ito na parang tubig kapag nauuhaw siya. Ilang tao ba sa mundong ito ang nagagawang uminom ng gatas na parang tubig ito? Anong klaseng mga tao sila? Kalaunan, nagpabili siya ng mga dalandan at kahel sa mga kapatid, at bumili ang mga ito ng isang malaking bag, na inubos ng pamilyang ito sa loob lamang ng dalawang araw. Pagkatapos nito, sinabi ng ama na gusto niya ng ilang bitamina, kaya nagpabili siya sa mga kapatid ng mga cherry, ginamit pa niya Akong dahilan at sinabi niya, “Kailangan mong bumili ng mga cherry para sa diyos!” Sinabi Ko, “Taglamig ngayon. Hindi pa panahon para kumain ng mga cherry. Hindi Ko kakainin iyon; huwag na ninyo Akong ibili.” Sinabi ng ama, “Kailangan pa rin nating bumili!” Nang makabili ang mga kapatid ng isang kahon ng mga cherry, naubos agad ito ng pamilya niya. Hindi pa Ako nakakita ng sinumang ganito kalakas kumain—parang kanin lang ang prutas at parang tubig lang ang gatas sa kanila. Tapos, kapag oras na ng kainan, nakita nila na may isda at kinain nila ito nang parang gutom na gutom sila. Masusuklam kayo sa paraan nila ng pagkain—para silang mga patay-gutom na multo na hindi pa kailanman nakakain ng masarap na pagkain noon. Inisip nila na dapat nilang samantalahin ang pagkakataong ito na magkaroon ng magagandang bagay, kaya sabik silang nagkukumahog para magpakabusog. Sa huli, napakaraming nakain ng bata na nagkasakit tuloy ito. Pagkatapos nito, may sinabi ang bata na may baluktot na lohika: “Kung hindi ko kinain ang isdang iyon para sa diyos, hindi sana ako nagkasakit!” Ni wala Ako roon nang kainin niya ito, at wala Akong kaalam-alam tungkol dito. Kinain niya iyon nang kusa—bakit sa Akin niya ito isinisisi? Pero talagang sinisi niya Ako. Paano dapat pangasiwaan ang mga ganitong tao? (Dapat silang alisin.) Ano sila? (Mga diyablo at Satanas.) Mga diyablo sila. Noong panahong iyon, sinabi Ko sa mga lokal na lider ng iglesia, “Paalisin at palabasin sila rito, ipadala sa pinakamalayong posibleng lugar. Ayaw Ko nang makita muli ang pagmumukha nila!”

Nakabisita na Ako sa ilang iglesia at marami-rami na Akong nakasalamuhang kapatid. Nakita ko na ang iba’t ibang klase ng buktot at masamang tao, pero kakaunti lang ang mga taong nakakaugnayan Ko nang normal. Talagang walang paraan para makasalamuha ang karamihan ng tao, at napakaraming tao na hindi tinatablan ng katwiran. May baluktot at maling lohika ang lahat ng sinasabi nila, at ipinepresenta nila ang mga kabulaanan na para bang totoo ang mga ito—mga hayop, diyablo, at Satanas sila, at wala silang katiting na pagkatao o katwiran. Ang mga ganitong klase ng tao ay bumubuo ng hindi bababa sa isang-katlo ng mga tao sa bawat iglesia. Walang sinuman sa kanila ang may anumang halaga, at wala sa kanila ang maliligtas; dapat silang itiwalag sa lalong madaling panahon. Ang mga taong gusto Kong nakakasalamuha ay iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan, na relatibong matapat, at kayang magsalita nang galing sa puso nila. Anuman ang ipinapakita nilang mga katiwalian o ang mga paglihis nila, hangga’t handa silang magbahagi tungkol sa katotohanan at kaya nilang tumanggap sa katotohanan, kaya Ko silang pakisamahan. Pagdating naman sa mga mapanlinlang na tao na mahilig mansamantala ng iba, hindi Ko sila binibigyang-pansin. Palaging gustong ipangalandakan ng ilang tao ang sarili nila kapag naroroon Ako at gusto nilang pahalagahan Ko sila. Magkaiba ang mga ikinikilos nila kapag kaharap Ako at kapag nakatalikod Ako upang malansi nila Ako. Mga diyablo ang mga ganitong tao, at dapat silang ipadala sa pinakamalayong posibleng lugar; ayaw Ko na silang makitang muli kahit kailan. Kapag may mga kahinaan at kakulangan ang mga tao, pwede Ko silang suportahan at tustusan, at kapag mayroon silang mga tiwaling disposisyon, pwede Akong magbahagi sa kanila tungkol sa katotohanan, pero hindi Ako nakikipag-ugnayan sa mga diyablo o nakikinig sa sinasabi nila. May ilang tao na mga bagong mananampalataya at may ilang katotohanan na hindi nila nauunawaan, kaya nagagawa nilang magsalita at kumilos nang may kamangmangan. Pwede tayong magbaghaginan sa katotohanan, pero kung nauunawaan mo ang ilang katotohanan at sinasadya mong magsanhi ng gulo, kung kumikilos ka nang hindi makatwiran sa Akin at hinahanapan mo Ako ng kamalian, hindi Kita pagtitiyagaan. Bakit hindi Kita pagtitiyagaan? Hindi ka isang tao na pwedeng maligtas, kaya bakit Kita pagtitiyagaan? Ang pagtitiyaga sa isang tao ay nangangahulugan na kaya Ko siyang tiisin at pagpasensiyahan. Mapagpasensiya Ako sa mga mangmang at sa isang karaniwang tiwaling tao, pero hindi sa mga kaaway o diyablo. Kung ang mga diyablo at kaaway ay magkukunwaring magsabi sa iyo ng mga bagay na magandang pakinggan at susuhulan ka, lalansihin ka, o bibigyan ka ng pansamantalang kaligayahan, kaya mo bang paniwalaan ang sinasabi nila? (Hindi.) Bakit? Dahil hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan, nakita mo na ito nang malinaw, at nabunyag na ang mga taong ito. Hindi sila matapat sa mga bagay na sinasabi nila, at kapag nakikipagbahaginan sila tungkol sa katotohanan, puro paimbabaw lang ito, at mahirap kilatisin kung totoo o hindi ang sinasabi nila. Kung nakikita mo ang mga bagay na ito nang tumpak, makakasiguro ka na mga diyablo at Satanas sila. Sa pamamagitan lamang ng pagpapaalis o pagpapatalsik sa kanila tuluyang malulutas ang problema. Sinasabi ng ilan, “Bakit hindi maging medyo maluwag sa kanila?” Walang pag-asa na magsisisi ang mga taong ito; imposible para sa kanila na magsisi. Kagaya lang sila ni Satanas—gaano man kamakapangyarihan at katalino ang Diyos, sa perspektiba nila, hindi ito dapat ang diwa ng Diyos. Hindi nito itinuturing na Diyos ang Diyos, at iniisip nito na ang mga tusong pakana nito ay karunungan, na ang kalikasang diwa nito ang katotohanan, at na ang Diyos ay hindi ang katotohanan. Ito ay isang tunay na Satanas, at nakatakda itong maging mapanlaban sa Diyos hanggang sa huli. Kaya, ang masasamang tao ay nakatadhana na hindi magawang mahalin ang katotohanan at hangarin ang katotohanan, at dahil dito, hindi sila inililigtas ng Diyos. Ang pagpapaalis sa kanila mula sa iglesia at ang pagpapatalsik sa kanila mula sa sambahayan ng Diyos ang pinakatamang desisyon at hindi ito mali kahit kaunti.

Hindi kailanman babaguhin ng mga anticristo na pinagbahaginan at hinimay Ko ngayon ang direksiyon at mga layon na hinahangad nila. Inuuna nila ang pansariling interes sa lahat ng hinahangad nila, ginagamit ang lahat ng lakas nila at pinipiga ang utak nila para makakuha ng pagkain at inumin sa sambahayan ng Diyos nang may pandaraya. Hindi nila kailanman taos-pusong ginugol ang sarili nila para sa Diyos; gusto lang nilang mandaya para makakuha ng pagkain at inumin, mga interes, at magandang pagtrato. Inaakala nila na hindi ito nakikita, hindi nalalaman, at hindi kayang siyasatin ng Diyos, kaya determinado nilang hinahangad ang mga bagay na ito. Siyempre, ganito talaga ang kalikasang diwa nila—hindi nila mahal ang katotohanan, at hindi nila kayang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, kaya nakatakda silang matukoy bilang mga anticristo. Ito ang uri ng mga taong itinitiwalag ng Diyos, at ang uri ng mga tao na dapat patalsikin ng sambahayan ng Diyos kapag natuklasan sila. Mula sa pagkatuklas na nasa landas ng isang anticristo ang isang tao, hanggang sa paggawa nila ng mga sunod-sunod na bagay na hindi naaayon sa katotohanan, hanggang sa araw na matukoy sila bilang isang anticristo, pawang ipinapakita nito sa lahat na hindi nagbabago ang mga anticristo. Ang panghuli nilang kalalabasan ay ang mapatalsik ng sambahayan ng Diyos at maitiwalag ng Diyos—hindi nila kayang magbago. Ano ang mabuting naidudulot nito sa inyo na malaman ninyo ang mga bagay na ito? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi kami nandaraya para makakuha ng pagkain at inumin. Hinahangad namin ang katotohanan at nais naming gawin ang aming tungkulin bilang mga nilikha. Sumusunod kami sa Diyos at nagpapasakop sa mga pamamatnugot at mga pagsasaayos Niya. Hindi kami kumikilos katulad ng mga anticristo, at hindi rin namin balak na tahakin ang landas ng mga anticristo. Ano ang silbi na malaman namin ang mga kasong ito?” Para sa mga ordinaryong kapatid, nagsisilbing babala sa bawat tao ang mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito ng mga anticristo, at ipinapabatid sa kanila kung aling landas ang tama at kung aling mga pag-uugali at paraan ng paggawa sa mga bagay ang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Para sa mga lider at mga manggagawa ng iglesia sa lahat ng antas, patunay ito ng pagkilatis sa mga anticristo na hango sa tunay na buhay. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkilatis sa mga anticristo para sa gawain ng iglesia? Tinutulungan kayo nitong tukuyin nang tumpak ang mga anticristo at patalsikin ang mga ito sa iglesia sa tamang oras, ginagawang mas dalisay ang iglesia at malaya mula sa mga kaguluhan, pagkagambala, at pinsala ng mga anticristong ito, upang ang mga tunay na naghahangad sa katotohanan at kayang taos-pusong gumugol ng sarili nila para sa Diyos ay magkaroon ng isang malinis at tahimik na kapaligiran, malaya mula sa panggugulo ng mga diyablo at Satanas. Kaya, pagdating sa katotohanan ng pagkilatis sa mga anticristo, kinikilatis man ninyo sila mula sa perspektiba ng mga katunayan at pagpapamalas, o batay sa mga katotohanang prinsipyo, kailangan ninyong mapangsiwaan ang parehong mga aspektong ito. Kapaki-pakinabang ito para sa buhay pagpasok ninyo at para sa gawain ng iglesia—isa itong bagay na dapat ninyong maintindihan.

Ngayong araw, tinalakay Ko ang ilang kaso. Ang mga usaping ito ay pawang ilang pag-uugali, paraan ng paggawa ng mga bagay at mga pagpapamalas ng kalupitan, kawalang-kahihiyan, at ganap na kawalan ng moral na pamantayan ng mga anticristo. Ang mga kasong ito ay tiyak na ang mga nangyari na sa paligid ninyo, at masasabi na umiiral sa loob ninyo sa ilang antas ang mga paraan ng paggawa ng mga anticristo at ang mga pagpapamalas nila. Sa madaling salita, lahat kayo ay may ilang disposisyon ng mga anticristo at ilang pagsagagawa ng mga anticristo. Kaya, habang kinikilatis ninyo ang mga anticristo, dapat din ninyong tingnan, suriin, at pagnilayan ang sarili ninyong pag-uugali. Pwedeng sabihin ng ilang tao, “Palagi Mong tinatalakay ang mga gayong kaso, gayong tsismis, at masyado Kang detalyadong magtalakay. Paano ito nakakabuti sa pagpasok namin sa katotohanan? Ngayon, talagang abala kami sa mga tungkulin namin, at ayaw naming itala o pakinggan ang mga bagay na ito. Sa pagpasok sa katotohanan, sapat na ang kumapit sa dalawang bagay—ang isa ay pagpapasakop sa Diyos at ang isa pa ay ang maayos na paggawa ng tungkulin. Napakasimple lang nito!” Pwedeng simple nga ito sa teorya, pero sa tumpak at partikular na salita, hindi ito napakasimple. Kung nakakaunawa ka ng kaunting katotohanan, magiging magulo at mababaw ang pagpasok mo, at kung pangkalahatan lang ang mga nauunawaan mong katotohanan, kakaunti lang din ang magiging karanasan mo, at hindi ka kailanman madadalisay sa presensiya ng Diyos. Hinihiling ng Diyos sa mga tao na hangarin ang katotohanan at pumasok sa mga katotohanang realidad, kaya dapat maunawaan ng mga tao ang mga detalyeng ito. Ano ang nakikita ninyo mula rito? Nagpasya na ang Diyos na iligtas kayo, kaya dapat Siyang maging taimtim sa inyo at hinding-hindi dapat maging pabaya, magulo ang isip, o kontento sa pwede na o ayos lang. Para sa Diyos, hindi umiiral ang “pagiging pwede na,” “apat sa lima,” “marahil,” o “siguro.” Kung nais mong maligtas at tahakin ang landas ng kaligtasan, dapat mong maunawaan ang lahat ng detalyeng ito ng katotohanan. Kung hindi mo kaya ang gampanin ngayon, ayos lang—hindi pa huli para magsimulang pumasok sa mga detalye ng katotohanan. Kung kontento ka lang sa pagkakaroon ng saloobin ng paggawa nang maayos sa tungkulin mo nang hindi nagkakamali, at pagkakaroon ng kakayahang magpasakop kapag may nangyayari sa iyo, kung gayon, hindi ka kailanman makakapasok sa mga katotohanang realidad. Maraming partikular na detalye ang bawat katotohanang itinutustos ng Diyos sa mga tao, at kung hindi nauunawaan ng mga tao ang mga detalyeng ito, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan o ang mga layunin ng Diyos. Magandang bagay ba na seryoso ang Diyos sa mga tao? (Oo.) Tungkol man ito sa paggawa ng mga tungkulin nila, sa pagpapasakop nila, sa mga ugnayan nila sa iba, o sa kung paano nila hinaharap ang usapin ng kinabukasan at kapalaran nila, o kahit tungkol pa sa mga bagay na tinatalakay Ko ngayon, tulad ng kung paano makilatis ang mga anticristo, paano hindi tumahak sa landas ng isang anticristo, at paano iwaksi ang disposisyon ng isang anticristo, dapat isa-isa nilang maarok ang mga ito. Kapag tunay na ninyong nakikilatis ang mga detalyeng ito at hindi lang puro pangaral ng medyo simple at hungkag na doktrina ang alam ninyo, kung gayon, makakapasok na kayo sa mga katotohanang realidad. Tanging ang mga taong pumapasok sa mga katotohanang realidad ang may pagkakataon at pag-asa na maligtas; ang simpleng pangangaral ng mga salita at doktrina ay matatawag lamang na pagtatrabaho. Kung nais ng mga tao na makapasok sa mga katotohanang realidad, kailangan nilang magsimula sa mga detalyeng ito. Kung hindi, hindi sila kailanman magkakamit ng pagbabago sa disposisyon.

Abril 4, 2020

Sinundan: Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikaapat na Bahagi)

Sumunod: Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikaanim na Bahagi)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito