Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan

Umawit tayo ng isang himno: Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos

1  Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya nga ginagawa Niyang sumailalim ang lahat ng nilikha sa Kanyang kapamahalaan at magpasakop sa Kanyang kapamahalaan; pamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, para lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Lahat ng nilikha ng Diyos, pati na ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, kabundukan at mga ilog, at mga lawa—lahat ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Lahat ng bagay sa kalangitan at sa lupa ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi sila maaaring magkaroon ng anumang pagpipilian at kailangang magpasakop ang lahat sa Kanyang mga pamamatnugot. Ito ay iniutos ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos.

2  Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na ang bawat isa ay nakakategorya ayon sa uri, at pinaglaanan ng sarili nilang posisyon, ayon sa mga pagnanais ng Diyos. Gaano man iyon kalaki, walang anumang bagay ang makakahigit sa Diyos, lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhang nilikha ng Diyos, at walang anumang bagay ang nangangahas na sumuway sa Diyos o humingi ng anuman sa Diyos. Kaya ang tao, bilang isang nilikha, ay kailangan ding tuparin ang tungkulin ng tao. Siya man ang panginoon o tagapag-alaga ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang katayuan ng tao sa lahat ng bagay, maliit na tao pa rin siya sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at isang walang kabuluhang tao lang, isang nilikha, at hindi kailanman makahihigit sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Ano ang katotohanan sa himnong “Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos”? Aling linya ang katotohanan? (Ang lahat ng linya ay katotohanan.) Ano ang sinasabi ng huling linya? (“Gaano man kataas ang katayuan ng tao sa lahat ng bagay, maliit na tao pa rin siya sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at isang walang kabuluhang tao lang, isang nilikha, at hindi kailanman makahihigit sa Diyos.”) Hindi kailanman mangingibabaw ang tao sa Diyos, hindi kailanman mangingibabaw ang mga nilikha sa Diyos; ang lahat bukod sa Diyos ay mga nilikha. Hindi kailanman mangingibabaw ang tao sa Diyos; ito ang katotohanan. Magbabago ba ang katotohanang ito? Magbabago ba ito sa katapusan ng panahon? (Hindi.) Ito ang katotohanan. Sino ang makapagsasabi sa Akin kung ano ang katotohanan? (Ang katotohanan ang pamantayan para sa asal, mga kilos, at pagsamba ng tao sa Diyos.) Dalawang beses na tayong nagbahaginan tungkol sa paksang “kung ano ang katotohanan,” kaya’t pag-usapan natin kung ano ang mga pamantayan. Ang mahalaga dito ay ang pamantayan. (Ang pamantayan ay ang mga huwaran, tamang prinsipyo, kautusan, at tuntunin. Ang batayan ng pamantayan ay ang mga salita ng Diyos.) Sino pa ang gustong magpatuloy? (Ang pamantayan ay ang mga pinakahuwaran, pinakatamang prinsipyo, kautusan, at tuntunin na hango mula sa mga salita ng Diyos.) Idinagdag ang salitang “pinaka” rito, pero kailangan ba itong “pinaka”? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pagdaragdag ng salitang “pinaka” at hindi pagdaragdag nito? Gamit ang “pinaka,” may pangalawa sa pinaka, may pangatlo sa pinaka, at iba pa. Ano ang palagay mo tungkol sa pagdaragdag ng “pinaka”? (Hindi ito angkop, dahil ang katotohanan ay ang tanging huwaran. Kapag idinagdag ang “pinaka,” nagmumungkahi ito ng isang uri ng pagiging relatibo, kung saan ang iba pang bagay ay pangalawa at pangatlo rito.) Tama ba ang paliwanag na ito? (Oo.) May kaunting katuturan ito. Kung mayroon kayong tamang pananaw at pang-unawa sa depinisyon ng “kung ano ang katotohanan,” at malinaw ninyong nauunawaan na ang Diyos ang katotohanan, mauunawaan ninyo kung dapat bang idagdag ang salitang “pinaka,” kung tama ba ang pagdaragdag nito, kung anong kaibahan ang magagawa sa pagdaragdag nito, kung ano ang ibig sabihin sa hindi pagdaragdag nito, at kung ano ang ibig sabihin kung idaragdag ninyo ito. Ngayon, nakumpirma nang tama ang hindi pagdaragdag ng “pinaka.” Ano ang pagkakamaling nagawa ng taong nagdagdag ng salitang ito? Naisip niya na, anuman ang aspekto ng Diyos na inilalarawan, dapat idagdag ang salitang “pinaka.” Saan siya nagkamali sa pagkukumparang ito? Alin sa mga pahayag ng Diyos, aling katotohanan, ang nasalungat? (Ang mga nilikha ay hindi kailanman mangingibabaw sa Diyos; ang pagdaragdag ng salitang “pinaka” ay tila nagmumungkahi na may mga pangalawa at pangatlong ranggo sa pagitan ng mga nilikha at ng Diyos.) Tama ba ito? (Oo.) May kaunting katuturan ito; maipaliliwanag ito sa ganoong paraan. May iba pa bang pahayag na makapagpapatunay na hindi tama ang pagdaragdag ng salitang “pinaka” sa unahan? (May naaalala ako, na ang katotohanan ay maaari lang magmula sa Diyos, ang Diyos lang ang katotohanan, kaya hindi maaaring magkaroon ng mga relatibong ekspresiyon ng ikalawang pinaka, ikatlong pinaka, at iba pa.) Tama rin ito. (Ang katotohanan ang pamantayan para sa asal, mga kilos, at pagsamba ng tao sa Diyos. Dahil ang mga kautusan, tuntunin, at pamantayan ay maaari lang magmula sa Diyos, walang pamantayan o kautusan ang mga tao para sa kanilang mga pagkilos, at hindi rin sila makakapagtakda ng mga tuntunin para sa kanila, kaya hindi na kailangang idagdag ang salitang “pinaka.”) Medyo mas praktikal ang paliwanag na ito. May iba pa ba? (Ang awtoridad ng Diyos at ang diwa ng Diyos ay natatangi. Ang diwa ng Diyos ay ang katotohanan, at walang maikukumpara dito. Nagmumukhang hindi na natatangi ang katotohanan sa pagdaragdag ng salitang “pinaka.”) Kumusta ang pahayag na ito? (Mabuti.) Ano ang mabuti rito? (Tinutukoy nito na natatangi ang Diyos.) “Natatangi”—nakalimutan ninyong lahat ang terminong ito. Natatangi ang Diyos. Matatagpuan ba sa sangkatauhan ang mga pamantayang ipinahahayag sa bawat pangungusap na binigkas ng Diyos, gayundin ang bawat hinihingi ng Diyos sa tao? (Hindi.) Naglalaman ba ng mga bagay na ito ang kaalaman, tradisyonal na kultura, o mga kaisipan ng sangkatauhan? (Hindi.) Kaya bang bumuo ng mga ito ng katotohanan? Hindi, hindi kaya ng mga ito. Samakatwid, ang pagdaragdag ng “pinaka” ay nagmumungkahi ng mga pangalawa at pangatlong ranggo, pinag-iiba ang mataas, mababa, at mas mababa pa, at hinahati ang mga bagay sa unang antas, ikalawang antas, ikatlong antas…. Nangangahulugan ito na ang lahat ng wastong bagay ay maaaring maging isang pamantayan ayon sa isang tiyak na pagkakasunud-sunod. Mauunawaan ba ito sa ganitong paraan? (Oo.) Kaya, ano ang problema sa pagdaragdag ng salitang “pinaka”? Binabago nito ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan ng Diyos, sa isang bagay na relatibo, mas mataas lang kung ikukumpara sa kaalaman, mga pilosopiya, at iba pang wastong bagay na nasa mga tao na Kanyang nilikha. Hinahati nito ang katotohanan sa mga ranggo. Bilang resulta, ang mga wastong bagay na nasa mga tiwaling tao ay nagiging katotohanan din. Bukod dito, ang gayong mga bagay ay nagiging pamantayan din para sa mga pagkilos at asal ng tao—sa medyo mas mababang antas lang. Halimbawa, ang mga bagay tulad ng pagiging sibilisado, pagiging magalang, kabaitan ng tao, at ilan sa magagandang bagay na taglay ng mga tao pagkapanganak ay nagiging pamantayan lahat—ipinahihiwatig nito na naging ano ang mga ito? (Ang katotohanan.) Naging katotohanan ang mga ito. Tingnan ninyo, binabago ng pagdaragdag ng salitang “pinaka” ang likas na katangian ng pamantayang ito. Kapag nagbago na ang kalikasan ng pamantayan, nagbabago rin ba ang depinisyon ng Diyos? (Oo.) Ano ang nagiging depinisyon ng Diyos? Sa depinisyong ito, hindi natatangi ang Diyos; ang awtoridad, kapangyarihan, at diwa ng Diyos ay hindi natatangi. Ang Diyos ay simpleng ang pinakamataas-na-ranggong katungkulan na may kapangyarihan at awtoridad sa sangkatauhan. Ang sinumang indibidwal sa sangkatauhan na may abilidad at katanyagan ay maituturing na kapantay ng Diyos at matatalakay bilang kapantay Niya, hindi lang kasing-taas o kasing-dakila Niya. Iyong mga medyo positibong tao at lider sa sangkatauhan ay maihahanay sa likod mismo ng Diyos, nagiging pangalawa, pangatlo, pang-apat sa katungkulan…, na ang Diyos ang pinuno. Hindi ba’t ganap na binabago ng gayong interpretasyon ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos? Sa isang salita lang na “pinaka,” ang diwa ng Diyos ay ganap na nagbabago. Problema ba ito? (Oo.) Kaya, kung hindi idaragdag ang salitang “pinaka,” sa paanong paraan wasto ang mga salitang ito? (Nagpapahayag ang mga ito ng katunayan.) Ano ang katunayang ito? (Ito ay na ang Diyos ang katotohanan, prinsipyo, huwaran, at pamantayan.) Ito ay na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng pamantayang ito. Walang gayong pamantayan sa mga tiwaling tao, sa mga nilikha. Ang Diyos ang tanging pinagmumulan na nagpapahayag ng mga pamantayang ito. Ang Diyos lang ang nagtataglay ng diwang ito. Ang realidad at pamantayan ng lahat ng positibong bagay ay maaari lang magmula sa Diyos. Kung may alam ang isang tao tungkol sa mga prinsipyo para sa asal, pagkilos, at pagsamba ng tao sa Diyos, may alam tungkol sa pamantayan, at nauunawaan ang ilang katotohanan, maaari ba siyang maging Diyos? (Hindi.) Siya ba ang pinagmumulan ng katotohanan? Ang tagapagpahayag ng lahat ng katotohanan? (Hindi.) Kung gayon ay maaari ba siyang tawaging Diyos? Hindi. Ito ang mahalagang pagkakaiba. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Bagaman dalawang beses ko na ngayong tinalakay ang paksang “kung ano ang katotohanan,” ang mga sagot ninyo ay naglalaman pa rin ng gayong napakalaking pagkakamali, na ang Diyos ay ginagawang isa sa mga nilikha, ginagawang kapantay ng Diyos ang mga nilikha, pinagpapantay ang relasyon sa pagitan ng dalawa. Binabago nito ang kalikasan ng isyu, na kapareho ng pagtanggi sa Diyos. Ang Diyos ang Lumikha, ang mga tao ang mga nilikha—ang dalawang ito ay hindi mga katungkulan ng parehong ranggo. Pero ano ang mangyayari kapag idinagdag mo ang salitang “pinaka”? Magiging pareho sila pagdating sa diwa at ranggo, nagkakaiba lang pagdating sa kahigitan o kababaan. Nang tinanong Ko kayo nang detalyado tungkol dito, naisip ninyo sa sarili ninyo, “Hindi ba’t pangmamaliit ito sa amin? Lahat tayo ay edukadong tao, paano natin makakalimutan ang kaunting salitang ito? Mapag-uusapan natin ang tungkol dito nang walang kahirap-hirap nang hindi na nga kinakailangang tingnan ang ating mga tala.” Nalantad ang problema sa sandaling ibinuka ninyo ang inyong bibig. Pagkatapos Kong magsalita, binasa ninyo ito nang ilang beses at hindi ninyo pa rin ito ito kayang ulitin nang tama. Ano ang dahilan nito? Hindi ninyo pa rin nauunawaan ang katotohanan kaugnay nito. May nagdagdag ng salitang “pinaka” at inisip na, “Wala sa inyo ang nagdagdag ng ‘pinaka’; wala kayong gaanong pananalig sa Diyos, ha? Tingnan ninyo ako, idinagdag ko ang ‘pinaka.’ Ipinakikita niyon na edukado ako—hindi nasayang ang oras ko sa kolehiyo!” Pagkatapos niyang idagdag ang “pinaka,” hindi napansin ng karamihan sa inyo ang problema. Naramdaman ng ilan sa inyo na may mali, pero hindi maipaliwanag kung bakit. Pagkatapos itong ipaliwanag ng iba, naunawaan ninyo ito sa teorya, at alam ninyong wasto ang paliwanag. Pero naunawaan ninyo ba ito sa konteksto ng katotohanan? (Hindi.) Nagbahagi Ako tungkol sa kung bakit mali ang pagdaragdag ng salitang “pinaka,” at naunawaan ninyo ito, pero tunay ninyo bang naunawaan ang diwa ng isyu? (Hindi.) Hindi ninyo ito nakita nang malinaw. Bakit ganoon? (Hindi namin nauunawaan ang katotohanan.) At bakit hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan? Hindi ninyo ba naunawaan ang sinabi Ko? Kung naunawaan ninyo, paanong hindi ninyo pa rin nauunawaan ang katotohanan? Ilang kabanata ang mayroon sa paksang “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi”? Ilang beses ninyong binasa ang mga ito? Talaga bang nauunawaan ninyo ang mga salitang ito? (Hindi.) Hindi ninyo nauunawaan, kaya ginawa ninyong hangal ang inyong sarili ngayon. Inilantad kayo ng mga salitang ito. Hindi ba’t ganoon? (Oo.) May natutunan ba kayong anuman mula rito? Kikilos pa rin ba kayo sa sarili ninyong inaakalang katalinuhan sa susunod na makatagpo kayo ng ganito? Hindi kayo mangangahas, tama? Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, walang halaga ng edukasyon o kaalaman ang magiging kapaki-pakinabang. Kung hindi ka edukado at hindi mo alam kung paano gamitin ang salitang ito, maaaring hindi mo idagdag ang salitang “pinaka,” at maaaring hindi lumitaw ang problemang ito. Kahit papaano, hindi mo sana nagawa ang pagkakamaling ito at hindi mo sana pinagmukhang hangal ang iyong sarili. Pero dahil edukado ka at nauunawaan mo ang kahulugan at paggamit ng ilang partikular na salita, inilapat mo ang mga ito sa Diyos. Bilang resulta, idinulot mong lumitaw ang isang problema, ginagawang kapalpakan ang katalinuhan. Kung ilalapat mo ito sa isang tao, pang-iidolo at pambobola lang ito, na sa pinakamalala ay kasuklam-suklam lang. Pero kung ilalapat mo ito sa Diyos, nagiging seryoso ang problema. Nagiging salita ito na tumatanggi sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at kumokondena sa Diyos. Ito ang pagkakamali na pinakamalamang na magagawa ng mga tiwaling tao na walang katotohanan. Sa hinaharap, mag-ingat na huwag basta-bastang magdagdag ng mga pang-abay o pang-uri. Bakit? Dahil iyong may kinalaman sa pagkakakilanlan, diwa, mga salita, at disposisyon ng Diyos ay ang mga larangan kung saan pinaka-nagkukulang ang mga tiwaling tao, at kung saan pinakamababaw at pinakakapos ang kanilang pang-unawa. Samakatwid, ang mga taong hindi nakauunawa sa katotohanan ay dapat maging maingat na huwag kumilos nang padalus-dalos; mas mabuting maging mahinahon.

I. Isang Paghihimay sa Ideya ng “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”

Kakapaliwanag lang ng ilang tao sa depinisyon at konsepto ng katotohanan. Nauunawaan ninyo ang depinisyon at konsepto ng katotohanan, pero nauunawaan ninyo ba talaga kung ano ang katotohanan? Kailangan Ko kayong subukin dito. Paano Ko kayo susubukin? Gagamitin Ko ang inyong mga kalakasan para subukin kayo. At ano ang inyong mga kalakasan? Pamilyar kayo sa pagkatuto, mga salita, at bokabularyo; sa iba’t ibang pilosopiya at diskarte sa mga makamundong pakikitungo na taglay ng mga tao sa bawat pulutong; at sa mga tradisyonal na kultura ng tao, pati na rin sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Pamilyar din kayo sa iba’t ibang kautusan at kuru-kuro na isinasabuhay ng mga tao sa lahat ng lahi, etnisidad, at nasyonalidad. Hindi ba’t ang mga ito ang kalakasan ninyo? Kabilang sa mga ito ang ilang medyo hindi mababagong idyoma, ang ilan ay mga salawikain, at ang ilan ay mga kasabihan; ang ilan ay mga nakakaakit na kolokyalismo na karaniwang ginagamit ng mga ordinaryong tao. Tanungin ninyo ang inyong sarili, ano ang mga bagay kung saan madalas magkaroon ang mga tao ng malalalim na kaisipan at pananaw na ginagawa nilang idyoma? Himayin muna natin ang ilang kasabihan, idyoma, at kautusan, gayundin ang diskarte ng mga tao sa mga makamundong pakikitungo at ang kanilang mga tradisyonal na kuru-kuro, para eksakto nating maunawaan kung ano ang katotohanan. Tatalakayin natin kung ano talaga ang katotohanan mula sa negatibong perspektiba. Magandang diskarte ba ito? (Oo.) Kaya, bigyan mo kami ng isa bilang pasimula. (Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.) Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi.) “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Simulan muna nating magbahagi tungkol dito. Sige at ipaliwanag mo kung ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito. (Nangangahulugan ito na dapat kang magtiwala sa mga tauhan mo nang hindi nagiging mapagbantay sa kanila. Kung hindi mo pinagkakatiwalaan ang isang tao, huwag mo siyang gawing tauhan.) Ito ang literal na interpretasyon. Una, sabihin mo sa Akin, sumasang-ayon ba o hindi sumasang-ayon sa kasabihang ito ang karamihan ng tao sa mundo? (Sumasang-ayon.) Sumasang-ayon sila rito. Patas na sabihing karamihan ng tao sa lipunang ito ay sumusunod sa kasabihang, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo,” bilang isang prinsipyo para gawing tauhan ang iba, at sinusunod nila ang prinsipyong ito sa kung paano nila tinatrato ang mga tao. Kaya, tama ba ang anumang aspekto ng kasabihang ito? (Hindi.) Bakit, kung gayon, karamihan sa mga walang pananampalataya ay naniniwalang tama ang kasabihang ito at tinatanggap at inilalapat ito nang walang pag-aalinlangan? Ano ang motibasyon nila sa paggawa nito? Bakit sinasabi nila ito? May ilang tao na nagsasabi: “Kung kukunin mong tauhan ang isang tao, hindi mo siya maaaring pagdudahan; dapat kang magtiwala sa kanya. Dapat kang magtiwala na mayroon siyang talento at karakter para matapos ang trabaho, at na magiging tapat siya sa iyo. Kung nagdududa ka sa kanya, huwag mo siyang gawing tauhan. Wika nga sa isang kasabihan, ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Tama ang kasabihang ito.” Sa totoo lang, ang kasabihang ito ay walang iba kundi mapanlinlang na maladiyablong usapan. Saan ito nanggagaling? Ano ang intensiyon nito? Ano ang pakana nito? (O Diyos, naaalala ko na noong huling pagbabahaginan, nabanggit na ang ilang tao, kung ayaw nilang makialam ang iba sa gawain nila, ay magsasabi, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Ang ibig sabihin nila ay, “Dahil ibinigay mo sa akin ang trabahong ito at ginagamit mo ako, hindi mo dapat pakialaman ang aking gawain—hindi ka dapat makialam sa aking ginagawa.”) Anong uri ng disposisyon mayroon ang mga taong gumagamit ng kasabihang ito? (Ang disposisyon ng isang anticristo, arbitraryo at pagiging batas sa sarili nila.) Ito talaga ang disposisyon nila. Iyong mga gumagamit o nakaisip ng kasabihang ito, sila ba iyong kukumuha ng mga tauhan o ang mga tauhan? Sino ang higit na nakikinabang sa kasabihang ito? (Iyong mga tauhan.) Paano nakikinabang ang mga tauhan sa kasabihang ito? Kung paulit-ulit nilang binibigyang-diin ang kasabihang ito sa kanilang amo, itinatanim nila ang isang tiyak na uri ng kaisipan sa kanila; may kalikasan ito ng pagtatanim sa isip o indoktrinasyon. Katumbas ito ng pagsasabi sa amo: Kapag tinanggap mo bilang tauhan ang isang tao, dapat kang magtiwala na magiging tapat siya sa iyo. Dapat kang magtiwala na gagawin niya nang maayos ang trabaho, na mayroon siya ng kakayahang ito. Hindi mo siya dapat pagdudahan, dahil ang pagdududa sa kanya ay magiging sa iyong sariling kapinsalaan. Kung palagi kang nagdadalawang-isip, kung palagi mong iniisip na palitan siya ng iba, maaaring makaapekto ito sa katapatan niya sa iyo. Sa pagkarinig nito, madali bang maiimpluwensiyahan o malilihis ang amo sa kasabihang ito? (Oo.) At kapag naimpluwensiyahan o nailihis ang amo, ang tauhan ang makikinabang. Kung tatanggapin ng amo ang ganitong uri ng pag-iisip, hindi siya magkakaroon ng pagdududa o paghihinala sa tauhan niya; hindi siya mangangasiwa o magtatanong tungkol sa gawaing ginawa ng taong iyon, kung tapat ba ang taong iyon sa amo, o kung may abilidad ba ang taong iyon na gawin ang mga bagay na ito. Maaaring makaiwas ang tauhan sa gayon sa pangangasiwa at pamamahala ng amo na ito at pagkatapos ay magagawa ang anumang gustuhin niya nang hindi sumusunod sa kahilingan ng kanyang amo. Sabihin mo sa Akin, kapag ginagamit ng isang tauhan ang kasabihang ito, talaga bang mayroon siyang karakter na maging ganap na tapat sa kanyang amo? Talaga bang hindi na niya kailangang pangasiwaan? (Hindi.) Bakit natin sinasabi iyon? Ito ay isang katunayang kinikilala ng lahat mula noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan na ang mga tao ay lubhang tiwali, na mayroon silang mga tiwaling disposisyon, at na partikular silang tuso at mapanlinlang; walang matapat na tao at kahit ang hangal ay nagsisinungaling. Nagdudulot ito ng malaking paghihirap pagdating sa pagtanggap sa ibang tao bilang tauhan, at halos imposibleng makahanap ng isang tao na karapat-dapat pagkatiwalaan, lalo pa ang isang taong lubos na maaasahan. Ang paghahanap ng ilang medyo kuwalipikadong maging tauhan ang pinakamainam na maaasahan ng isang tao. Yamang walang taong karapat-dapat na pagkatiwalaan, paano, kung gayon, nagiging posible na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Hindi ito posible, dahil walang sinumang maaasahan. Kaya, paano natin, kung gayon, dapat gamitin iyong mga medyo kuwalipikadong maging tauhan? Magagawa lang natin ito sa pamamagitan ng pangangasiwa at paggabay. Nagpapadala ang mga walang pananampalataya ng mga impormante at espiya para masubaybayan ang kanilang tauhan para magarantiya ang isang relatibong pakiramdam ng katiyakan para sa sarili nila. Kaya, niloloko ng mga tao noong sinaunang panahon ang kanilang sarili nang sabihin nila, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Ang taong lumikha ng terminong ito, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo,” ay hindi tunay na inilapat ang kasabihang ito sa kanyang sarili. Kung talagang ginawa niya, naging isa sana siyang tao na walang pagpapahalaga, isang nangungunang hangal na maaari lang malinlang at madaya. Hindi ba’t ito ay katunayan? Pag-usapan natin kung saan matatagpuan ang pinakamalaking depekto sa “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Ano ang pundasyon para sa “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Ito ay na dapat na ganap na maaasahan, at tapat at responsable ang tauhan. Dapat may isandaang porsiyentong katiyakan na gayong tao ang tauhan para mailapat ng amo ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Sa panahon ngayon, wala nang mahahanap na gayong mga mapagkakatiwalaang indibidwal; halos hindi na umiiral ang mga ito, ginagawang walang katuturan ang pahayag na ito, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Kung pipili ka ng isang hindi mapagkakatiwalaang tao at pagkatapos ay ilalapat ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” para pigilan ang iyong mga pagdududa tungkol sa taong iyon, hindi ba’t niloloko mo ang iyong sarili? May kakayahan ba ang kinukuhang tauhan na maging mapagkakatiwalaan at gumawa ng mga bagay-bagay sa isang tapat at responsableng paraan dahil lang sa hindi mo siya pinagdududahan? Sa realidad, magpapatuloy siyang umasal ayon sa anong uri siya ng tao anuman ang iyong pagdududa. Kung mapanlinlang siyang tao, patuloy siyang gagawa ng mga bagay na mapanlinlang; kung isa siyang taong taos-puso, patuloy siyang gagawa ng mga hindi taos-pusong bagay. Hindi ito nakasalalay sa kung nagdududa ka sa kanya o hindi. Sabihin, halimbawa, na kinuha mong tauhan ang isang mapanlinlang na tao. Alam mo sa puso mo na mapanlinlang ang taong ito, gayumpaman, ay sinasabi mo sa kanya, “Hindi ako nagdududa sa iyo, kaya’t magpatuloy ka at gawin ang iyong trabaho nang may kumpiyansa”; magiging isa bang taong taos-puso ang taong iyon na gumagawa ng mga bagay na hindi taos-puso dahil lang sa hindi mo siya pinagdududahan? Posible ba iyon? Sa kabaligtaran, kung gagawin mong tauhan ang isang taong taos-puso, magiging mapanlinlang na tao ba siya dahil nagdududa ka sa kanya o hindi mo siya nauunawaan? Hindi, hindi siya magiging ganoon. Samakatwid, ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay isang purong pagtatangka ng isang hangal para sa kapayapaan ng isipan, ito ay isang walang kuwentang panlilinlang sa sarili. Hanggang saan ang katiwalian ng sangkatauhan? Ang paghahangad sa katayuan at kapangyarihan ay nagdulot sa mga ama at mga anak na lalaki, gayundin sa magkakapatid na lalaki, na magtaksil sa isa’t isa at magpatayan; nagdulot ito na kamuhian ng mga ina at mga anak na babae ang isa’t isa. Sino ang maaaring magtiwala sa sinuman? Walang tao na lubos na maaasahan, tanging mga medyo kuwalipikadong maging tauhan lang. Sinuman ang ginagawa mong tauhan, ang tanging paraan para maiwasan ang mga pagkakamali ay sa pamamagitan ng pagmamatyag o pangangasiwa sa kanila. Kaya ang, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay isang kasabihang mapanlinlang sa sarili. Ito ay kalokohan, isang panlilinlang, at hindi talaga makatwiran. Bakit ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw? Ito ay dahil labis na ginawang tiwali ang sangkatauhan. Walang sinuman ang tunay na nagpapasakop sa Diyos, at walang sinumang angkop para sa paggamit ng Diyos. Kaya, paulit-ulit na hinihingi ng Diyos na maging matapat ang mga tao. Ito ay dahil masyadong mapanlinlang ang mga tao, puno sila ng tiwaling disposisyon ni Satanas at may kalikasan ni Satanas. Hindi nila mapigilan ang sarili nilang magkasala at gumawa ng kasamaan, at may kakayahan silang labanan at ipagkanulo ang Diyos kahit saan at sa kahit anong oras. Walang sinuman sa mga tiwaling tao ang maaaring magamit o mapagkakatiwalaan. Tunay na mahirap pumili at gumamit ng isang tao mula sa sangkatauhan! Una sa lahat, imposible para sa mga tao na tunay na maunawaan ang isang tao; ikalawa, hindi makikita ng mga tao ang pagkatao ng iba; ikatlo, sa mga espesyal na sitwasyon, mas imposible pa nga para sa mga tao na pigilin o pamahalaan ang iba. Sa ganitong kalagayan, ang paghahanap ng isang taong magagamit ay ang pinakamahirap na bagay na gawin. Ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” samakatwid ay lubos na mali at hindi talaga praktikal. Ang pagpili at paggamit sa isang tao batay sa kasabihang ito ay paghingi lang na malinlang. Ang sinumang itinuturing na tama at katotohanan ang kasabihang ito ay ang pinakahangal sa mga tao. Malulutas ba talaga ng kasabihang ito ang kahirapan sa paggamit ng iba? Hindi talaga. Isa lang itong paraan ng pang-aaliw sa sarili, nagsasagawa ng panlilinlang sa sarili at panloloko sa sarili.

Sa puntong ito ng ating pagbabahaginan, mayroon ka bang batayang pang-unawa kung tama ba ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Katotohanan ba ang kasabihang ito? (Hindi.) Kung gayon ano ito? (Pilosopiya ni Satanas.) Higit na partikular, nagsisilbing dahilan ang kasabihang ito para sa isang taong gustong makalusot o makawala mula sa pangangasiwa o pamamahala ng iba; isa rin itong panabing na ipinalalaganap ng lahat ng masamang tao para protektahan ang mga sarili nilang interes at makamit ang mga sarili nilang layon. Ang kasabihang ito ay isang dahilan para sa mga taong nagkikimkim ng mga lihim na motibo para gawin ang anumang gustuhin nila. Isa rin itong panlilinlang na ipinalaganap ng gayong mga tao para makatwirang kumawala mula sa pangangasiwa, pamamahala, at pagkondena sa moralidad at konsensiya. Ngayon, gayunpaman, may ilang tao na naniniwalang praktikal at tama ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” May pagkilatis ba ang gayong mga tao? Nauunawaan ba nila ang katotohanan? Problematiko ba ang mga kaisipan at pananaw ng gayong mga tao? Kung ang isang tao sa loob ng iglesia ay nagpapalaganap ng kasabihang ito, ginagawa niya ito nang may motibo, sinusubukan niyang ilihis ang iba. Sinusubukan niyang gamitin ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” para pawiin ang mga pag-aalinlangan o pagdududa ng iba tungkol sa kanya. Sa di-tuwirang salita, nangangahulugan ito na gusto niyang magtiwala ang iba na magagawa niya ang gawain, na magtiwala na siya ay isang taong maaaring gamitin. Hindi ba’t ito ang kanyang intensiyon at layon? Ito dapat. Iniisip niya sa sarili niya, “Hindi kayo kailanman nagtitiwala sa akin at palagi kayong nagdududa sa akin. Sa isang punto, malamang na makakakita kayo ng kaunting problema sa akin at tatanggalin ninyo ako. Paano ako makakapagtrabaho kung palaging ito ang nasa isip ko?” Kaya’t ipinalalaganap niya ang pananaw na ito para pagkatiwalaan siya ng sambahayan ng Diyos nang walang pag-aalinlangan at hayaan siyang magtrabaho nang malaya, sa gayon ay nakakamit ang kanyang layon. Kung hinahangad talaga ng isang tao ang katotohanan, dapat niyang tratuhin nang maayos ang pangangasiwa ng sambahayan ng Diyos sa kanyang gawain kapag nakikita niya ito, alam na ito ay para sa kanyang sariling proteksiyon at, higit sa lahat, na pagiging responsable rin ito para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Bagaman maaari niyang ibunyag ang kanyang katiwalian, maaari siyang manalangin sa Diyos para hilingin sa Kanya na siyasatin at protektahan siya, o manumpa sa Diyos na tatanggapin niya ang Kanyang pagpaparusa kung gagawa siya ng kasamaan. Hindi ba nito mapatatahimik ang kanyang isipan? Bakit magpapalaganap ng panlilinlang para ilihis ang mga tao at kamtin ang sariling layunin? May ilang lider at manggagawa na palaging may saloobin ng pagtutol sa pangangasiwa ng hinirang na mga tao ng Diyos o sa mga pagsisikap ng mga nakatataas na lider at manggagawa na malaman ang tungkol sa kanilang gawain. Ano ang iniisip nila? “‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Bakit palagi ninyo akong pinangangasiwaan? Bakit ginagamit ninyo ako kung hindi ninyo ako pinagkakatiwalaan?” Kung tatanungin mo sila tungkol sa kanilang gawain o magtatanong tungkol sa pag-usad nito at pagkatapos ay magtatanong tungkol sa kanilang personal na kalagayan, magiging mas depensibo pa nga sila: “Ipinagkatiwala sa akin ang gawaing ito; nasa loob ito ng aking saklaw. Bakit kayo nakikialam sa aking gawain?” Bagaman hindi nangangahas na sabihin ito nang tahasan, magpapasaring sila, “Gaya nga ng kasabihan, ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Bakit ka masyadong mapagdudang tao?” Kokondenahin at huhusgahan ka pa nila. At paano kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan at wala kang pagkilatis? Pagkatapos marinig ang pasaring nila, sasabihin mo, “Mapagduda ba ako? Kung gayon ay mali ako. Mapanlinlang ako! Tama ka: Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Hindi ba’t sa gayon ay nailihis ka? Naaayon ba sa katotohanan ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Hindi, kalokohan ito! Tuso at mapanlinlang ang mga buktot na taong ito; inihaharap nila ang kasabihang ito bilang katotohanan para ilihis ang mga taong magulo ang isip. Ang isang taong magulo ang isip, kapag narinig ang kasabihang ito, ay tunay na nalilihis, at nalilito siya, iniisip na: “Tama siya, nagkasala ako sa taong ito. Siya mismo ang nagsabi: ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Paano ko siya nagawang pagdudahan? Hindi maaaring gawin nang ganito ang gawain. Dapat kong palakasin ang loob niya nang hindi nanghihimasok sa kanyang gawain. Dahil ginagamit ko siya, kailangan kong magtiwala sa kanya at hayaan siyang magtrabaho nang malaya nang hindi siya pinipigilan. Kailangan ko siyang bigyan ng espasyo para sa kanyang pagganap. May abilidad siyang gawin ang trabaho. At kahit wala pa siyang abilidad, naroon pa rin ang Banal na Espiritu na gumagawa!” Anong klaseng lohika ito? Umaayon ba ang alinman dito sa katotohanan? (Hindi.) Tila tama lahat ang salitang ito. “Hindi natin maaaring pigilan ang iba.” “Walang magagawa ang mga tao; ginagawa ng Banal na Espiritu ang lahat. Sinisiyasat ng Banal na Espiritu ang lahat. Hindi natin kailangang magduda dahil ang Diyos ang ganap na namamahala.” Pero anong uri ng mga salita ito? Hindi ba’t ang mga nagsasalita ng mga ito ay mga taong magulo ang isip? Hindi nila maunawaan kahit ito at nailihis sila ng isang pangungusap lang. Ligtas na sabihin na halos lahat ng tao ay itinuturing ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” bilang katotohanan, at nalilihis at nakatali sila rito. Naguguluhan at naiimpluwensiyahan sila nito kapag pumipili o gumagamit sila ng mga tao, at hinahayaan pa nila itong diktahan ang kanilang mga kilos. Dahil dito, maraming lider at manggagawa ang palaging nahihirapan at nag-aalala tuwing sinusuri nila ang gawain ng iglesia at itinataas nila ng ranggo at ginagamit ang mga tao. Sa huli, ang tanging magagawa nila ay aliwin ang sarili nila sa mga salitang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Tuwing nagsisiyasat sila o nagtatanung-tanong tungkol sa gawain, iniisip nila na, “‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Dapat akong magtiwala sa aking mga kapatid, tutal naman, sinisiyasat ng Banal na Espiritu ang mga tao, kaya hindi ako dapat palaging magduda at mangasiwa sa iba.” Naimpluwensiyahan na sila ng kasabihang ito, hindi ba? Ano ang mga resultang dulot ng impluwensiya ng kasabihang ito? Una sa lahat, kung ang isang tao ay sumasang-ayon sa ideyang ito ng “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo,” sisiyasatin at gagabayan ba niya ang gawain ng iba? Pangangasiwaan at susubaybayan ba niya ang gawain ng mga tao? Kung nagtitiwala ang taong ito sa lahat ng ginagamit niya at hindi kailanman sinisiyasat o ginagabayan ang mga ito sa gawain nila, at hindi sila kailanman pinangangasiwaan, ginagawa ba niya nang tapat ang kanyang tungkulin? Magagawa ba niya nang mahusay ang gawain ng iglesia at makukompleto ang atas ng Diyos? Nagiging tapat ba siya sa atas ng Diyos? Pangalawa, hindi lang ito kabiguang sundin ang salita ng Diyos at gawin ang iyong mga tungkulin, ito ay ayon sa mga pakana at pilosopiya sa makamundong pakikitungo ni Satanas na para bang ang mga ito ang katotohanan, at pagsunod at pagsasagawa ng mga iyon. Sinusunod mo si Satanas at namumuhay ka ayon sa isang satanikong pilosopiya, hindi ba? Hindi ka isang tao na nagpapasakop sa Diyos, lalo nang hindi ka isang taong sumusunod sa mga salita ng Diyos. Ganap na salbahe ka. Ang pagsasantabi ng mga salita ng Diyos, at sa halip ay sinusunod ang isang satanikong kasabihan at isinasagawa ito bilang katotohanan, ay pagtataksil sa katotohanan at sa Diyos! Gumagawa ka sa sambahayan ng Diyos, pero ang mga prinsipyo ng iyong mga pagkilos ay mga satanikong pag-iisip at pilosopiya para sa makamundong pakikitungo, anong klaseng tao ka? Ito ay isang taong nagkakanulo sa Diyos at isang taong labis na hinihiya ang Diyos. Ano ang diwa ng kilos na ito? Hayagang pagkondena sa Diyos at hayagang pagtanggi sa katotohanan. Hindi ba’t iyon ang diwa nito? (Iyon nga.) Dagdag pa sa hindi pagsunod sa kalooban ng Diyos, hinahayaan mong lumaganap sa iglesia ang isa sa maladiyablong kasabihan ni Satanas at ang mga satanikong pilosopiya para sa makamundong pakikitungo. Sa paggawa nito, nagiging kasabwat ka ni Satanas at inaalalayan mo si Satanas sa pagsasagawa ng mga gawain nito sa iglesia, at ginugulo at ginagambala ang gawain ng iglesia. Napakalubha ng diwa ng problemang ito, hindi ba?

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga lider at manggagawa ay nagkikimkim ng lason ni Satanas sa kanilang puso at namumuhay pa rin ayon sa mga satanikong pilosopiya, at kakaunti ang mga salita ng Diyos na may kapangyarihan sa kanilang puso. Problematiko ang gawain ng maraming lider at manggagawa—hindi nila kailanman sinisiyasat o pinangangasiwaan ang gawain pagkatapos gumawa ng mga pagsasaayos ng gawain, kahit na alam talaga nila sa puso nila na hindi kayang gawin ng ilang tao ang gawain at siguradong lilitaw ang mga problema. Gayumpaman, dahil hindi alam kung paano lulutasin ang problemang ito, tinatanggap lang nila ang pananaw na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” at iniraraos lang, mayroon pa ngang kapayapaan ng isipan. Humahantong ito para ang ilang tao ay hindi makagawa ng tunay na gawain, at ginagawa lang abala ang sarili nila sa mga pangkalahatang gawain, wala sa loob ang ginagawa. Bilang resulta, nagugulo nila ang gawain ng iglesia, at sa ilang lugar, nananakaw maging ang mga handog sa Diyos. Ang hinirang na mga tao ng Diyos, na hindi ito kayang makita, ay nag-ulat ng usaping ito sa Itaas. Ang huwad na lider, nang malaman ito, ay nabigla at nakaramdam na parang paparating na ang sakuna. Pagkatapos ay kinuwestiyon siya ng Itaas: “Bakit hindi mo siniyasat ang gawain? Bakit maling tao ang ginamit mo?” Kung saan sumagot ang huwad na lider: “Wala akong pang-unawa sa diwa ng isang tao, kaya sinusunod ko lang ang prinsipyo ng ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Hindi ko inasahang magamit ang maling tao at magdulot ng gayong sakuna.” Naniniwala ka ba na tama ang pananaw na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Katotohanan ba ang kasabihang ito? Bakit gagamitin niya ang kasabihang ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa paggawa ng kanyang tungkulin? Ano ang problema rito? “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay malinaw na mga salita ng mga walang pananampalataya, mga salitang nagmumula kay Satanas—kaya bakit niya itinuturing na katotohanan ang mga iyon? Bakit hindi niya masabi kung tama o mali ang mga salitang iyon? Malinaw na mga salita ito ng tao, mga salita ng tiwaling sangkatauhan, talagang hindi katotohanan ang mga ito, lubos na salungat ang mga ito sa mga salita ng Diyos, at hindi dapat magsilbing pamantayan sa mga kilos, asal, at pagsamba sa Diyos ng mga tao. Kaya paano nararapat unawain ang kasabihang ito? Kung talagang may kakayahan ka sa pagkilatis, anong klaseng katotohanang prinsipyo ang dapat mong gamitin sa halip nito para magsilbing prinsipyo mo sa pagsasagawa? Dapat ito na “isagawa ang iyong tungkulin nang buong puso mo, at buong kaluluwa mo, at buong isipan mo.” Ang kumilos nang buo mong puso, at nang buo mong kaluluwa, at nang buo mong isipan ay ang hindi mapigilan ninuman; ito ay ang maging iisa ng puso at isipan, at wala nang iba pa. Ito ang iyong responsabilidad at ang iyong tungkulin, at dapat mong gampanan ito nang maayos, dahil ang paggawa nito ay ganap na natural at makatwiran. Anuman ang mga problemang nakakatagpo mo, dapat kang kumilos ayon sa mga prinsipyo. Pangasiwaan ang mga ito ayon sa nararapat; kung kinakailangan ang pagpupungos, gawin ito, at kung kinakailangan ang pagtatanggal, gawin din ito. Sa madaling salita, kumilos batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang prinsipyo? Hindi ba’t ito ang eksaktong kabaligtaran ng pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo”? Ano ang ibig sabihin ng huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo? Nangangahulugan ito na kung ginawa mong tauhan ang isang tao, hindi mo siya dapat pagdudahan, dapat mong bitawan ang mga renda, huwag siyang pangasiwaan, at hayaan siyang gawin ang gusto niya; at kung pinagdududahan mo siya, hindi mo siya dapat gawing tauhan. Hindi ba’t ito ang ibig sabihin nito? Lubhang mali ito. Ang sangkatauhan ay labis na ginawang tiwali ni Satanas. Ang bawat tao ay may satanikong disposisyon, at may kakayahang ipagkanulo ang Diyos at labanan ang Diyos. Masasabi mong walang sinuman ang mapagkakatiwalaan. Kahit sumumpa pa ang isang tao hanggang sa dulo ng mundo, walang silbi ito dahil pinipigilan ang mga tao ng kanilang tiwaling disposisyon at hindi nila makontrol ang sarili nila. Dapat nilang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos bago nila malutas ang problema ng kanilang tiwaling disposisyon, at lubusang malutas ang problema ng kanilang paglaban at pagkakanulo sa Diyos—malutas ang ugat ng mga kasalanan ng mga tao. Ang lahat niyong hindi dumaan sa paghatol at pagdadalisay ng Diyos at nagkamit ng kaligtasan ay hindi mapagkakatiwalaan. Hindi sila karapat-dapat pagkatiwalaan. Samakatwid, kapag ginamit mo ang isang tao, dapat mo siyang pangasiwaan at patnubayan. Gayundin, dapat mo siyang pungusan at dapat madalas kang magbahagi tungkol sa katotohanan, at sa ganitong paraan mo lang makikita nang malinaw kung maaari siyang patuloy na magamit. Kung may ilang tao na kayang tumanggap ng katotohanan, tumanggap ng pagpupungos, magagawang gampanan ang kanilang tungkulin nang tapat, at may patuloy na pag-unlad sa kanilang buhay, kung gayon ang mga taong ito lang ang tunay na magagamit. Iyong mga tunay na magagamit ay may kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong walang gawain ng Banal na Espiritu; sila ay mga trabahador at upahang manggagawa. Pagdating sa pagpili ng mga lider at manggagawa, ang isang medyo mataas na proporsiyon sa kanila, hindi bababa sa higit sa kalahati kahit papaano, ay itiniwalag, habang isang maliit na minorya lang ang itinuturing na magagamit o angkop para sa paggamit—ito ay isang katunayan. May ilang lider ng iglesia na hindi kailanman nangangasiwa o nagsusuri sa gawain ng iba, at hindi pinagtutuunan ang gawain kapag natapos na nila ang pagbabahaginan o paggawa ng mga pagsasaayos ng gawain. Sa halip, sinusunod nila ang pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo,” sinasabi pa nga sa sarili nila, “Hayaan ang Diyos na gawin ang iba pa.” Pagkatapos ay nagsisimula silang magpakasasa sa kaginhawahan at kaalwanan, hindi nagtatanong tungkol sa usapin at binabalewala ito. Sa paggawa sa ganitong paraan, hindi ba’t nagiging pabasta-basta sila? Mayroon ba silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad? Hindi ba’t mga huwad na lider ang gayong mga tao? Hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang buong puso nila, buong kaluluwa nila, buong isipan nila, at buong lakas nila. Kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao—iyon ay ang katotohanan. Kung tumatalima ang mga lider at manggagawa sa mga salita ng mga demonyo at ni Satanas kaysa sa mga salita ng Diyos kapag nagtatrabaho o gumagawa ng kanilang mga tungkulin, hindi ba’t ito ay pagpapamalas ng paglaban at pagkakanulo sa Diyos? Bakit kailangang ang sambahayan ng Diyos, kapag naghahalal ng mga lider at manggagawa, ay pumili lang ng mga taong may kakayahang tumanggap ng katotohanan, mabubuting tao na may konsensiya at katwiran, at iyong may mabuting kakayahan at may kakayahang gumawa ng gawain? Ito ay dahil labis nang naging tiwali ang sangkatauhan at halos walang sinuman ang magagamit. Maliban kung may maraming taon ng pagsasanay at paglilinang ang isang tao, ginagawa niya ang mga bagay-bagay nang labis na hindi mahusay at sobra siyang nahihirapang gawin nang maayos ang kanyang mga tungkulin, at dapat siyang hatulan, kastiguhin, at pungusan nang maraming beses bago siya maging angkop sa paggamit. Ang karamihan ng tao ay ibinubunyag at itinitiwalag sa panahon ng kanilang pagsasanay, at ang mga lider at manggagawa ay itinitiwalag sa napakalaking bilang. Bakit ganito? Ito ay dahil masyadong labis na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Karamihan ng mga tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan, ni hindi nila naaabot ang pamantayan ng konsensiya at katwiran. Kaya karamihan sa kanila ay hindi magagamit. Dapat silang manampalataya sa Diyos sa loob ng ilang taon at maunawaan ang kaunting katotohanan para magawa ang ilang tungkulin. Ito ang realidad ng tiwaling sangkatauhan. Kaya, batay rito, mahihinuha natin na ang pariralang, “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay ganap na mali at talagang walang praktikal na halaga, at na ang taong lumikha nito ay isa lang demonyo. Masasabi natin nang may katiyakan na ang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay isang erehiya at panlilinlang; isa itong maladiyablong kasabihan, isang satanikong pilosopiya, at ang gayong paglalarawan ay ganap na angkop. Hindi kailanman sinabi ng Diyos ang anumang bagay sa kahulugan ng, “Mapagkakatiwalaan ang tiwaling sangkatauhan.” Palagi Niyang hinihingi na maging matapat ang mga tao, pinatutunayang sobrang kakaunti ang mga matapat na tao sa buong sangkatauhan, na ang lahat ay may kakayahang magsinungaling at mandaya, at na ang lahat ay may mapanlinlang na disposisyon. Bukod dito, sinabi ng Diyos na ang posibilidad na ipagkakanulo ng tiwaling sangkatauhan ang Diyos ay isang daang porsiyento. Kahit na gumagamit ang Diyos ng isang tao, ang taong iyon ay dapat dumaan sa maraming taon ng pagpupungos, at kahit na habang ginagamit, dapat niyang maranasan ang maraming taon ng paghatol at pagkastigo para maging dalisay. Ngayon, sabihin ninyo sa Akin, mayroon ba talagang sinuman na maaasahan? Walang nangangahas na sabihin iyon. At ano ang pinatutunayan ng walang nangangahas? Pinatutunayan nito na ang lahat ng tao ay hindi maaasahan. Kaya, balikan natin ang pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Sa anong paraan ito mali? Ano ang kakatwa rito? Hindi ba’t hindi na ito kailangang ipaliwanag? Kung may sinumang naniniwala pa rin na ang kasabihang ito ay tama o naaangkop sa anumang paraan, tiyak na siya ay isang taong kulang sa katotohanan at tiyak na isang kakatwang tao. Ngayon, napapansin ninyo ang problema sa pariralang ito at natutukoy na ito ay isang panlilinlang, at ito ay ganap na dahil naranasan ninyo na ang gawain ng Diyos at ngayon ay nakikita ninyo nang mas malinaw at nagkakamit kayo ng mas malinaw na pang-unawa sa diwa ng tiwaling sangkatauhan. Dahil lang dito kaya ganap na nagagawa ninyong itakwil ang maladiyablong pariralang ito, ang erehiya at panlilinlang na ito. Kung hindi dahil sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, maililihis din kayo ng maladiyablong kasabihang ito ni Satanas at gagamitin pa nga ito na para bang ito ay isang karaniwang kasabihan o moto. Sobrang kaawa-awa iyon—hindi ka talaga magkakaroon ng katotohanang realidad.

Ang pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” ay isa sa mga dati nang narinig ng karamihan ng tao. Naniniwala ba kayo na tama o mali ang pariralang ito? (Mali.) Dahil naniniwala kayong mali ito, bakit nagagawa pa rin nitong impluwensiyahan kayo sa totoong buhay? Kapag nangyayari sa inyo ang ganitong mga bagay, lalabas ang pananaw na ito. Medyo magugulo kayo nito, at kapag nagugulo kayo nito, makokompromiso ang inyong gawain. Kaya, kung naniniwala kang mali ito at natukoy na mali ito, bakit naiimpluwensiyahan ka pa rin nito at bakit ginagamit mo pa rin ito para aliwin ang iyong sarili? (Dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, nabibigo silang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, kaya’t kukunin nila ang pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo bilang kanilang prinsipyo o pamantayan sa pagsasagawa.) Isa ito sa mga dahilan. May iba pa ba? (Dahil ang pariralang ito ay medyo naaayon sa mga makalamang interes ng mga tao, at natural na kikilos sila ayon sa pariralang ito kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan.) Hindi lang ganito ang mga tao kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan; kahit na kapag nauunawaan nila ang katotohanan, maaaring hindi sila makapagsagawa ayon sa katotohanan. Tama na ang pariralang ito ay “medyo naaayon sa mga makalamang interes ng mga tao.” Mas gugustuhin ng mga tao na sundin ang isang tusong panlilinlang o isang satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo para protektahan ang kanilang mga sariling makalamang interes kaysa isagawa ang katotohanan. Bukod pa rito, may batayan sila sa paggawa nito. Ano ang batayang ito? Ito ay na ang pariralang ito ay malawak na tinatanggap ng mga masa bilang tama. Kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay alinsunod sa pariralang ito, ang kanilang mga pagkilos ay maaaring maging wasto sa harap ng lahat ng iba pa at maaaring maging malaya sila sa pagpuna. Kung titingnan man mula sa moral o legal na perspektiba, o mula sa perspektiba ng mga tradisyonal na kuru-kuro, tama ang pananaw at pagsasagawang ito. Kaya, kapag ayaw mong isagawa ang katotohanan o kapag hindi mo ito nauunawaan, mas gugustuhin mong salungatin ang Diyos, labagin ang katotohanan, at umatras sa lugar na hindi lumalagpas sa isang moral na hangganan. At ano ang lugar na ito? Ito ang hangganan na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Ang pag-atras sa lugar na ito at pagkilos alinsunod sa pariralang ito ay magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isipan. Bakit ka binibigyan nito ng kapayapaan ng isipan? Ito ay dahil ganito rin nag-iisip ang lahat ng iba pa. Higit pa rito, nagkikimkim din ang iyong puso ng kuru-kuro na ang batas ay hindi maipatutupad kapag lahat ay lumalabag, at iniisip mo, “Ganito mag-isip ang lahat. Kung magsasagawa ako ayon sa pariralang ito, hindi mahalaga kung kokondenahin ako ng Diyos, dahil hindi ko naman nakikita ang Diyos o nahahawakan ang Banal na Espiritu. Kahit papaano sa mata ng iba, makikita ako bilang isang taong may mga katangian ng tao, isang tao na may kaunting konsensiya.” Pinili mong ipagkanulo ang katotohanan alang-alang sa “mga katangian ng tao” na ito, para sa kapakanan ng pagtingin sa iyo ng mga tao nang walang pagkamapanlaban sa kanilang mga mata. Pagkatapos ay mabuti ang iisipin sa iyo ng lahat, hindi ka pupunahin, at makakapamuhay ka ng komportableng buhay at magkakaroon ng kapayapaan ng isipan—ang hinahanap mo ay kapayapaan ng isipan. Ang kapayapaan ba ng isipan na ito ay isang pagpapamalas ng pagmamahal ng isang tao sa katotohanan? (Hindi, hindi ganoon.) Kaya, anong uri ito ng disposisyon? Nagkikimkim ba ito ng panlilinlang? Oo, may panlilinlang dito. Medyo pinag-isipan mo ito, at alam mong ang pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo,” ay hindi tama, na hindi ito ang katotohanan. Bakit, kung gayon, kapag narating mo ang isang hadlang, hindi mo pa rin pinipili ang katotohanan, at sa halip ay sumusunod sa isang pilosopikal na parirala na nagmula sa tradisyonal na kultura, isang parirala na pinakakatanggap-tanggap sa mga tao? Bakit pinipili mo ito? May kaugnayan ito sa mga komplikadong kaisipan ng mga tao, at kapag may mga komplikadong kaisipan, anong uri ng disposisyon ang nasasangkot? (Kabuktutan.) Maliban sa kabuktutan, may isa pang aspektong umiiral dito. Hindi mo lubos na kinikilalang tama ang parirala, pero nagagawa mo pa ring sumunod dito at hinahayaan mo itong impluwensiyahan at kontrolin ka. May isang bagay na tiyak dito: Tutol ka sa katotohanan, at hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang disposisyon? (Oo, ito nga.) Tiyak ito. Naiimpluwensiyahan ang mga tao ng maraming pananaw kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay, at habang ikaw, sa katunayan, ay hindi talaga naniniwala sa iyong puso na tama ang gayong mga pananaw, gayumpaman ay nagagawa mo pa ring sumunod at tumalima sa mga ito, na inuudyukan ng isang partikular na disposisyon. Kahit na naniniwala kang mali ang mga pananaw na ito, maaari ka pa ring maimpluwensiyahan, mahikayat, at mamanipula ng mga ito. Isa itong buktot na disposisyon. Halimbawa, gumagamit ng droga o nagsusugal ang ilang tao habang sinasabi rin na ang paggamit ng droga at pagsusugal ay masama at pinapayuhan pa nga ang iba na huwag gawin ang gayong mga bagay, kung hindi ay baka mawala sa kanila ang lahat. Naniniwala silang mali ang gayong mga bagay, na mga negatibong bagay ang mga ito, pero kaya ba nilang isuko at itigil ang mga ito? (Hindi.) Hindi nila kailanman mapipigilan ang sarili nila, at hayagang pa nga nilang sinasabi, “Ang pagsusugal ay isang paraan din para kumita ng pera, kaya maaari itong maging isang propesyon.” Hindi ba’t pinagaganda lang nila ito? Sa realidad, iniisip nila sa sarili nila, “Anong uri ng propesyon ito? Isinanla ko na ang lahat ng pagmamay-ari ko na may halaga at naubos na ang lahat ng perang kinita ko mula rito. Sa huli, walang kahit isang sugarol ang maaaring mamuhay nang normal.” Kaya bakit pinagaganda pa rin nila ito nang ganoon? Dahil hindi nila kayang tumigil. At bakit hindi nila magawang tumigil? Dahil nasa kalikasan nila ito; nag-ugat na ito roon. Kailangan nila ang bagay na ito at hindi nila kayang maghimagsik laban dito—kalikasan nila ito. Nagbahaginan na tayo kahit papaano tungkol sa pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Naiimpluwensiyahan ba ang isang tao ng pariralang ito dahil mayroon siyang pansamantalang udyok na tanggapin ang gayong pananaw, o dahil ba ito kay Satanas, na sinasamantala ang isang sandali ng kawalang-ingat, para magtanim ng gayong pananaw sa taong ito, inaakay siyang kumilos nang gayon? (Hindi.) May kinalaman dito ang tiwaling kalikasan ng tao; pinipili niya ang gayong landas dahil ang bagay na ito ay nasa kanyang kalikasan. Sa paghimay sa pariralang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” sa ganitong paraan, nauunawaan mo na talaga ito ngayon. Ang pariralang ito ay inilalarawan bilang pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo—hinding-hindi ito ang katotohanan. May koneksiyon ba ito sa katotohanan? (Wala.) Ganap na wala itong koneksiyon sa katotohanan, at kinokondena ito ng Diyos. Hindi ito ang katotohanan; galing ito kay Satanas, hindi sa Diyos. Masasabi nang may katiyakan na ang pariralang ito ay wala talagang kinalaman sa katotohanan o sa pamantayan kung paano dapat kumilos, umasal, at sumamba sa Diyos ang mga mananampalataya ng Diyos. Ang pariralang ito ay ganap na kinondena. Ang mga mapanlinlang na katangian ng pariralang ito ay sadyang malinaw kung ikukumpara, ginagawang madali para sa inyong makilatis kung tama ba ito o hindi.

II. Isang Paghihimay sa Ideya ng “Ang Pagtulog sa mga Sanga at Pagdila sa Apdo”

Pag-usapan natin ang isa pang kasabihan, “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Sino ang makapagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito? (Sa kasabihang “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo,” ang mga sanga ay tumutukoy sa panggatong, at ang apdo ay tumutukoy sa gallbladder. Tungkol ito sa kung paanong natulog si Goujian, hari ng Kaharian ng Yue, sa isang tumpok ng panggatong at dinilaan ang isang gallbladder araw-araw, at kung paano niya ginustong maghiganti, bumangon mula sa mga abo ng kanyang pagkagapi, at panumbalikin ang kanyang kaharian.) Naipaliwanag mo na ang pinagmulan ng kasabihang ito, kung saang kuwento nagmula ang kasabihang ito. Kadalasan kapag nagpapaliwanag ng isang kasabihan, bukod sa pagpapaliwanag ng pinagmulan, kailangan mong ipaliwanag ang pinalawak na kahulugan ng kasabihan—kung para saang metapora ito kapag ginagamit ito ng mga tao sa modernong panahon. Ipaliwanag mo ito ulit. (Isa itong metapora para sa isang taong ibinubuhos ang kanyang lakas sa gawain, at nakikipaglaban at nagsusumikap para maisakatuparan ang kanyang mga layon at naisin.) Kung gayon, paano dapat ipaliwanag ang “mga sanga” at “gallbladder” sa kontekstong ito? Hindi mo ipinaliwanag ang dalawang aspektong ito ng kahulugan. Sa pagtingin sa mga salita, ang “mga sanga” ay tumutukoy sa isang uri ng panggatong na may mga tinik; humiga siya sa panggatong na may mga tinik para matulog, pagkatapos ay madalas na ipinaaalala sa sarili niya ang kanyang mga sitwasyon at kahihiyan, at madalas na ipinaaalala sa kanyang sarili ang misyon na kanyang pinasan. Bukod dito, isinabit niya ang isang gallbladder sa kisame at dinilaan ito araw-araw. Ano ang nalalasahan ng mga tao kapag dinidilaan nila ang gallbladder? (Pait.) Napakapait nito! Ginamit niya ang pakiramdam na ito para paalalahanan ang kanyang sarili na huwag kalimutan ang kanyang pagkamuhi, na huwag kalimutan ang kanyang misyon, at na huwag kalimutan ang kanyang naisin. Ano ang naisin niya? Ang dakilang gawain ng pagpapanumbalik ng kanyang kaharian. Para saang metapora karaniwan ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? Karaniwang metapora ito para sa isang tao na nasa mga kapus-palad na sitwasyon, pero hindi nakakalimot sa kanyang misyon at mga naisin, at na may kakayahang magbayad ng halaga para sa kanyang mga naisin, mithiin, at misyon. Kahit papaano ito ang ibig sabihin nito. Sa mata ng mga sekular na tao, positibo o negatibo ba ang kasabihang “natutulog sa mga sanga at dumidila sa apdo”? (Positibo ito.) Bakit nakikita ito bilang isang positibong kasabihan? Maaari nitong hikayatin ang mga tao sa gitna ng paghihirap na huwag kalimutan ang kanilang pagkamuhi, na huwag kalimutan ang kanilang kahihiyan, at udyukan silang magtrabaho nang husto at magsikap na maging mas malakas. Medyo nakakapagbigay-inspirasyon ang kasabihang ito. Sa mata ng mga sekular na tao, walang duda na ito ay isang positibong kasabihan. Kung kumikilos ang mga tao nang naaayon sa kasabihang ito, walang duda na ang ginagawa nila, ang motibasyon nila sa paggawa ng mga bagay-bagay, ang paraan nila ng paggawa ng mga bagay-bagay, at ang mga prinsipyong sinusunod nila ay tama at positibo. Sa pagsasabi nito, walang pundamental na mali sa kasabihang ito, kaya ano ang gusto nating himayin sa pagbanggit sa kasabihang ito? Ano ang gusto nating sabihin? (Gusto nating himayin ang mga paraan kung saan tumataliwas ang kasabihang ito sa katotohanan.) Tama iyon, gusto nating makilatis kung katotohanan ba ito o hindi. Dahil ang kasabihang ito ay sobrang “tama,” mahalaga para sa atin na himayin at kumpirmahin kung sa aling mga eksaktong paraan ito “tama.” Pagkatapos, magkakaroon tayo ng tamang depinisyon nito, at matitingnan natin kung ito ba talaga ang katotohanan o hindi. Ito ang panghuling resulta na gusto nating makamit. Ang kasabihang “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo” ay isang batas ng pananatiling buhay na kinakapitan ng mga tao na may mga espesyal na sitwasyon. Tiyakin muna natin—katotohanan ba ang kasabihang ito? (Hindi.) Huwag tayong magsimula sa pagsasabi kung katotohanan ba ito o hindi. Mula sa literal na kahulugan nito na nakikita ng mga tao, walang negatibong kahulugan ang kasabihang ito. Kaya, anong positibong kahulugan ang mayroon ito? Maaari nitong hikayatin ang mga tao, bigyan sila ng determinasyon, himukin silang patuloy na lumaban, huwag umatras, huwag panghinaan ng loob, at huwag maging mga duwag. May isang aspekto kung saan may positibo itong gamit. Gayumpaman, sa mga anong sitwasyon kinakailangan ng mga tao na itaguyod ang mga prinsipyo ng asal at pagkilos na nakapaloob sa kasabihang ito? May koneksiyon ba sa pagitan ng mga prinsipyong itinataguyod sa kasabihang ito at ng pananampalataya sa Diyos? May koneksiyon ba sa pagsasagawa ng katotohanan? May koneksiyon ba sa paggawa ng tungkulin ng isang tao? May koneksiyon ba sa pagsunod sa daan ng Diyos? (Wala.) Napakabilis mong nakagawa ng konklusyon? Paano ninyo nalalaman na walang koneksiyon? (Hindi iyon sinasabi ng mga salita ng Diyos.) Masyadong simplistiko at iresponsableng bagay ito na sabihin. Kapag hindi mo nauunawaan at sinasabi mo, “Basta, wala ito sa mga salita ng Diyos at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito, kaya hindi ko ito pakikinggan. Maaari nitong sabihin anuman ang gustuhin nito, pero hindi ko ito paniniwalaan,” iresponsableng bagay ito na sabihin. Dapat harapin mo ito nang seryoso. Sa sandaling hinarap mo ito nang seryoso, lubusang inunawa ito at nagkaroon ng tunay na pagkilatis dito, hindi mo kailanman ituturing na katotohanan ang kasabihang ito. Sa ngayon, hindi Ko ipinatatanggi sa iyo ang kawastuhan ng kasabihang ito; sa halip, ipinauunawa Ko sa iyo na hindi katotohanan ang kasabihang ito, at ipinakikita sa iyo kung anong mga katotohanan ang dapat mong maunawaan at kung paano mo dapat itaguyod ang katotohanan sa mga parehong sitwasyon. Nauunawaan mo ba? Kaya, sabihin ninyo sa Akin kung ano ang inyong pang-unawa. (Ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga tao sa mga oras ng kasawian, pero hindi umiiral sa sambahayan ng Diyos ang katagang “kasawian.” Kapag inilalantad ng Diyos ang mga tao o isinasailalim sila sa mga pagsubok, bahagi ang lahat ng ito ng proseso ng Diyos sa pagpeperpekto sa kanila—hindi ito kasawian. Sinasabi ng kasabihang ito sa mga tao na dapat nilang alalahanin ang paghihirap na dinanas nila sa panahong ito, at muling bumawi sa hinaharap. Walang bisa ang pagpapahayag na ito sa sambahayan ng Diyos. Magbibigay ako ng halimbawa na medyo hindi angkop. Matapos mapalitan, ginamit ng ilang lider ang pariralang “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo” para udyukan ang sarili nila, sinasabing, “Matututo ako kay Goujian, hari ng Kaharian ng Yue, at matutulog sa mga sanga at didila sa apdo. Darating ang panahon na maipagpapatuloy ko ang aking dating posisyon at muling magiging lider. Makikita ninyo! Ngayon ay pinupuna ninyo ako, sinasabing hindi ako mahusay sa bagay na ito at hindi mahusay sa bagay na iyon. Isang araw babawiin ko kung ano ang nawala sa akin at ipakikita ko sa inyo kung sino talaga ako. Tiyak na darating ang isang araw na mabubura ang kahihiyang dinanas ko ngayon!”) Napakagandang halimbawa nito. Naliwanagan ba kayo nito? Kailanman ba ay nagkaroon kayo ng mga panahong gusto ninyong matulog sa mga sanga at dumila sa apdo? Kailanman ba ay naiisip ninyong makabawi? (Oo. May mga ganito akong kaisipan kapag sinasalungat ng mga tao ang aking mga pananaw. Halimbawa, kapag tinatalakay ko ang ilang bagay sa mga kapatid at kinukuwestiyon nila ang mga pananaw na inilatag ko, sa puso ko ay nakakaramdam ako ng panlalaban, at iniisip ko, “Isang araw, kailangan kong gumawa ng mahusay na trabaho at ipakita sa inyo.” Pagkatapos, humahayo ako at nagsisikap na matutunan ang larangang iyon ng gawain, pero maling mentalidad ito.) Hindi ito isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan, paghahanap sa katotohanan, o pagsasagawa ng katotohanan, kundi ng pagmamatigas at ng kagustuhang patunayan ang isang bagay sa iba—isa itong saloobin ng hindi pagtanggap sa pagkatalo. Ang ganitong uri ng saloobin ay itinuturing na positibo sa sangkatauhan. Ang hindi kailanman pagtanggap sa pagkatalo ay isang uri ng magandang pag-uugali, at nangangahulugan ito na may pagkamasigasig ang isang tao, kaya bakit sinasabing hindi ito pagsasagawa ng katotohanan? Ito ay dahil ang kanyang saloobin kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, at ang mga prinsipyo at motibasyon sa likod ng kanyang ginagawa, ay hindi batay sa katotohanan; sa halip, batay ang mga ito sa kasabihan sa tradisyonal na kultura na, “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Bagaman masasabi ng isang tao na ang taong ito ay may malakas na presensiya, at ang pag-iisip at saloobin nito sa pagnanais na manalo at hindi pagtanggap sa pagkatalo ay umaani ng paggalang sa mga tao sa sekular na mundo, sa harap ng katotohanan ano ang ganitong pag-iisip at pag-uugali? Sobrang liit at lubhang kakila-kilabot ang mga ito; kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito. Sino pa ang may ibabahagi? (Kapag gumagawa ako ng isang tungkulin, dahil hindi ako pamilyar sa larangan ng gawaing iyon, sa palagay ko ay hindi ako sineseryoso ng mga tao. Kaya, sa puso ko ay palihim kong pinasisigla ang aking sarili, “Kailangan kong pag-aralan nang mabuti ang larangang ito ng gawain at ipakita sa inyo na talagang may kakayahan ako.” Minsan, kapag tinutukoy ng mga tao ang mga pagkukulang sa aking tungkulin, nagsisikap akong magbago; tinitiis ko ang paghihirap at nagbabayad ako ng halaga para matutunan ang gawain, at gaano man kalaki ang paghihirap na aking dinaranas, tinatanggap ko ito, pero hindi ko hinahangad kung paano gawin nang maayos ang aking tungkulin; sa halip, gusto kong magkaroon ng isang araw kung kailan magagawa kong tingalain ako ng iba at makakamit ko ang paggalang ng iba. Mayroon din akong isang uri ng kalagayan ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.) Mula sa ibinahagi ninyong lahat, may napansin Akong problema. Nanalig na kayo sa Diyos sa loob ng hindi kakaunting bilang ng mga taon, tinalikuran ang inyong mga pamilya at mga propesyon, at nagdusa ng hindi kakaunting paghihirap, pero napakakaunti lang ng inyong napala. May kakayahan din kayong tiisin ang paghihirap at gugulin ang inyong sarili sa inyong mga tungkulin, at may kakayahang magbayad ng halaga, pero bakit hindi kayo kailanman umuusad sa katotohanan? Paanong napakakaunti at napakababaw ng mga katotohanang inyong nauunawaan? Ang dahilan ay na hindi ninyo binibigyang-diin ang katotohanan. Gusto ninyo palaging matulog sa mga sanga at dilaan ang apdo, at punong-puno ang inyong puso ng pagnanasang patunayan ang inyong sarili. Ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay isang “malaking pigsa”—sa tingin ninyo ba ay magandang bagay ito? Ano ang panghuling resulta ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? Kapag gustong patunayan ng isang tao na may kakayahan at may kahusayan siya, na hindi siya mababa sa iba, at na hindi siya matatalo ninuman, matutulog siya sa mga sanga at didilaan ang apdo. Sa madaling salita, “titiisin niya ang pinakamatinding hirap para maging pinakadakila sa mga tao.” Kaya sa mga anong paraan naipamamalas ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? Ang unang paraan na naipamamalas ito ay sa hindi pagtanggap sa pagkatalo. Ang pangalawa ay sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Maaaring hindi ka gumamit ng anumang salita para makipagdebate sa iba, salungatin sila, o ipagtanggol ang iyong sarili, pero lihim kang nagsusumikap. Anong klaseng pagsusumikap? Maaaring ito ay ang halagang binabayaran ninyo: pagpupuyat, paggising nang maaga kinabukasan, o pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pag-aaral tungkol sa larangan mo ng gawain habang nagsasaya ang iba, higit pang nagsisikap. Pagdurusa ba ang paghihirap na ito? Tinatawag itong pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo. Ano ang pangatlong paraan ng pagpapamalas nito? Naipamamalas ito sa mga tao na may isang uri ng dakilang ambisyon sa kalooban nila, at hindi nagrereklamo tungkol sa kanilang mga problema dahil sa dakilang ambisyong ito. Gusto nilang itaguyod ang mga layon na kanilang itinakda at gustong makamit, at gusto nilang mapanatili ang kaloobang ito na lumaban. Ano ang kaloobang ito na lumaban? Halimbawa, kung gusto mong maging isang lider o maisakatuparan ang ilang gawain, dapat palagi mong panatilihin ang ganitong kalagayan ng isipan sa iyong kalooban; hindi mo dapat kailanman kalimutan ang iyong determinasyon, ang iyong misyon, ang iyong mga mithiin at adhikain. Paano mo ito ilalarawan sa isang pangungusap? (Huwag kalimutan ang iyong orihinal na motibasyon para sa paggawa ng isang bagay.) Ang hindi pagkalimot sa iyong orihinal na motibasyon para sa paggawa ng isang bagay ay tama, pero hindi sapat na malakas. (Panghawakan ang isang dakilang ambisyon sa iyong puso.) Mas mabuti iyon. May kaunti ng pakiramdam na iyon dito. Paano mo masasabi ang mga salitang ito sa mas tama at maigsing paraan? (Ang kaloobang lumaban at mga mithiin.) Paano mo ito sasabihin nang buo? Maraming labanan at maraming pagkatalo, pero lalong tumatapang habang mas tumatagal kang lumalaban. Ito ay isang kaloobang “hinding-hindi susuko” sa laban. Katulad ito sa kung paano sinasabi ng ilang tao, “Nasiraan ka na ng loob pagkatapos mapalitan? Maraming beses na akong pinalitan pero hindi ako kailanman nasiraan ng loob. Sa tuwing nabibigo ako sa isang bagay, bumabalik lang ako sa laban. Kailangang magkaroon tayo ng kaloobang lumaban!” Sa perspektiba nila, ang kaloobang lumaban ay isang positibong bagay. Hindi nila iniisip na masamang bagay ito kapag ang mga tao ay may mga mithiin, adhikain, at isang kaloobang lumaban. Paano nila tinatrato ang mga ambisyon at pagnanais na dulot ng tiwaling disposisyon ng pagmamataas? Tinatrato nila ito bilang isang bagay na positibo. Kaya iniisip nila na ang magawang magtiis ng paghihirap ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo para maisakatuparan ang layon na kanilang ipinaglalaban at ang layon na sa tingin nila ay tama ay ang tamang bagay na gawin, na mabuti ang pagtingin dito ng mga tao, at na dapat na ito ang maging katotohanan. Ito ang tatlong pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo. Maipaliliwanag ba ng tatlong pagpapamalas na ito ang kahulugang nakapaloob sa pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? (Oo, kaya ng mga ito.) Kung gayon ay magbabahagi Ako nang detalyado tungkol sa tatlong pagpapamalas na ito.

A. Hindi Pagtanggap sa pagkatalo

Magsimula tayo sa pag-uusap tungkol sa unang pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo: hindi pagtanggap sa pagkatalo. Ano ang hindi pagtanggap sa pagkatalo? Anong mga pagpapamalas ang karaniwang mayroon ang mga tao na nagpapatunay na mayroon silang mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo? Anong uri ng disposisyon ang hindi pagtanggap sa pagkatalo? (Pagmamataas at pagiging mapagmatigas.) Naglalaman ito ng dalawang halatang disposisyon ng pagmamataas at pagiging mapagmatigas. Ano pa? (Kagustuhang manalo.) Disposisyon ba ito? Pagpapamalas ito. Pinag-uusapan natin ngayon ang mga disposisyon. (Ang pagiging tutol sa katotohanan.) Ang pagiging tutol sa katotohanan ay tiyak na nangangahulugang hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Halimbawa, kung sinasabi ng isang lider o manggagawa na ang iyong ginagawa ay lumalabag sa mga prinsipyo at umaantala sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at gusto nilang palitan ka, iniisip mo, “Hay naku! Sa tingin ko ay hindi mali ang ginagawa ko. Kung gusto mo akong palitan, sige. Kung hindi mo ako hahayaang gawin ito, hindi ko ito gagawin. Magpapasakop ako!” Sa pagpapasakop na ito ay may saloobin ng pagtanggi na tanggapin ang pagkatalo. Isa itong disposisyon. Bukod sa pagmamataas, pagiging mapagmatigas, at pagiging tutol sa katotohanan, ano pa ang nilalaman ng disposisyong ito? Mayroon bang disposisyon ng kagustuhang kalabanin ang Diyos? (Oo.) Kung gayon, anong disposisyon ito? Pagiging marahas ito. Ni hindi ninyo man lang nakikilala ang isang disposisyong ganito karahas. Bakit sinasabi Kong marahas ito? (Dahil gusto nilang kalabanin ang Diyos.) Ang pagtatangkang kalabanin ang katotohanan ay tinatawag na marahas—napakarahas nito! Kung hindi sila marahas, hindi nila susubukang kalabanin ang katotohanan, at hindi susubukang kalabanin ang Diyos o makipagkumpitensya sa Kanya. Isa itong marahas na disposisyon. Sa loob ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ay may pagmamataas, pagiging mapagmatigas, pagiging tutol sa katotohanan, at pagiging marahas. Ang mga ito ang mga halatang disposisyon na konektado rito. Paano naipamamalas ang hindi pagtanggap sa pagkatalo? Anong mga mentalidad ang nasasaklaw nito? Paano mag-isip ang mga taong hindi tumatanggap sa pagkatalo? Ano ang saloobin nila? Ano ang sinasabi nila, ano ang iniisip nila, at ano ang ibinubunyag nila kapag nakakatagpo sila ng mga bagay tulad ng mapalitan? Ang pinakakaraniwang pagpapamalas ay kapag gumagawa sila ng isang tungkulin at nakikita ng Itaas na sila ay hindi angkop sa paggawa ng tungkuling ito at pinapalitan sila, iniisip nila sa kanilang puso, “Hindi mo ako katapat. Hindi ako makikipagtalo sa iyo. May talento ako. Sa kalaunan, ang tunay na ginto ay nakatadhanang kuminang, at ako ay isang indibidwal na may talento saan man ako magpunta! Anuman ang mga pagsasaayos na ginawa ng Itaas para sa akin ay titiisin ko at makikinig ako sa kanila sa ngayon.” Lumalapit din sila sa Diyos at nananalangin, “O Diyos, hinihiling ko sa Iyo na pigilan Mo akong magreklamo. Hinihiling ko sa Iyo na kontrolin ang aking dila at huwag akong hayaang husgahan Ka o lapastanganin Ka, at gawin Mo akong kayang magpasakop.” Pero pagkatapos ay nag-iisip muli sila, “Hindi ko kayang magpasakop. Ito ang pinakamahirap na bahagi. Hindi ko kayang tanggapin ang katunayang ito. Ano ang dapat kong gawin? Ang mga ito ay pagsasaayos ng Itaas; wala akong magagawa. Napakatalentado ko, pero bakit hindi ko kailanman magamit ang mga talento ko sa sambahayan ng Diyos? Mukhang hindi pa sapat ang nabasa kong mga salita ng Diyos. Dapat pa akong magbasa ng mas marami pang salita ng Diyos mula ngayon!” Hindi sila nagpaparaya at hindi nila iniisip na mas mababa sila kaysa sa iba, basta lang na nanampalataya na sila sa Diyos nang mas kaunting panahon at na mapupunan nila ito. Kaya, nagsisikap sila sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pakikinig sa mga sermon. Natututo sila ng isang bagong himno at nagbabasa ng isang kabanata ng mga salita ng Diyos araw-araw, at nagsasanay sa pangangaral. Unti-unti, nagiging mas pamilyar sila sa mga salita ng Diyos, nakakapangaral sila ng maraming espirituwal na doktrina, at nakakapagsalita para magbahagi sa mga pagtitipon. Mayroon bang anumang motibasyon dito para hindi tumanggap sa pagkatalo? (Oo.) Anong klaseng motibasyon ito? (Isang buktot na motibasyon.) Nakakaabala ito! Bakit sa sandaling hinimay namin ito, tinukoy ninyo agad ito bilang isang buktot na motibasyon? Hindi ba’t mabubuting bagay ang mga ito? Normal ang kanilang espirituwal na buhay; hindi sila nakikibahagi sa mga sekular na bagay; hindi sila nakikipagtsismisan; nagagawa nilang bumigkas ng maraming kabanata ng mga salita ng Diyos at umawit ng maraming himno mula sa memorya. Mga “elite” sila! Kaya bakit sinasabi ninyong buktot na motibasyon ito? (Ang layunin nila ay patunayang may kakayahan sila at hindi mababa kaysa sa iba.) Tinatawag itong hindi pagtanggap sa pagkatalo. Sa hindi pagtanggap sa pagkatalo, tunay bang nauunawaan nila ang sarili nila at kinikilala ang kanilang mga problema? (Hindi.) Kinikilala ba nila ang kanilang katiwalian at ang kanilang mapagmataas na disposisyon? (Hindi.) Kung gayon ano ang pinatutunayan nila sa hindi pagtanggap sa pagkatalo? Gusto nilang patunayan na may kakayahan sila at superyor sila; gusto nilang patunayan na mas mahusay sila kaysa sa iba, at sa huli ay patunayan na isang pagkakamali ang pagpapalit sa kanila. Nakatuon ang motibasyon nila sa direksiyong ito. Hindi ba’t ito ay hindi pagtanggap sa pagkatalo? (Oo.) Ang saloobing ito ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ay nagbunga ng mga pagkilos nila ng pagtitiis sa paghihirap, pagbabayad ng halaga, pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Sa panlabas, tila nagsusumikap sila, nakakapagtiis ng paghihirap at nakakapagbayad ng halaga, at sa wakas ay nakamit ang kanilang mga layon, pero bakit hindi nalulugod ang Diyos? Bakit Niya sila kinokondena? Dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao at sinusuri ang bawat tao ayon sa katotohanan. Paano sinusuri ng Diyos ang pag-uugali, mga intensiyon, mga pagpapamalas, at mga disposisyon ng bawat tao? Sinusuri ang lahat ng bagay na ito ayon sa katotohanan. Kung gayon, paano sinusuri ng Diyos ang bagay na ito at binibigyang-kahulugan ito? Gaano mang paghihirap ang iyong dinanas at gaano man kalaki ang halaga na iyong binayaran, kapag talagang kinakailangan ay hindi ka nagsusumikap sa katotohanan; ang iyong intensiyon ay hindi ang magpasakop sa o tumanggap ng katotohanan; sa halip, ginagamit mo ang iyong pamamaraan ng pagtitiis ng pagdurusa at pagbabayad ng halaga para patunayang mali ang paraan ng pagklasipika at pangangasiwa sa iyo ng Diyos at ng sambahayan ng Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito? Gusto mong patunayan na ikaw ay isang tao na hindi kailanman nagkakamali at na walang tiwaling disposisyon. Gusto mong patunayan na ang paraan ng pangangasiwa sa iyo ng sambahayan ng Diyos ay hindi naaayon sa katotohanan, at na ang katotohanan at mga salita ng Diyos ay mali kung minsan. Halimbawa, nagkaroon ng pagkalingat at ng problema pagdating sa iyo, at ang iyong kaso ay nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ay hindi ang katotohanan at hindi mo kailangang magpasakop. Hindi ba’t ito ang resulta? (Oo.) Sinasang-ayunan ba ng Diyos ang ganitong uri ng resulta o kinokondena ito? (Kinokondena Niya ito.) Kinokondena ito ng Diyos.

Naaayon ba sa katotohanan itong saloobin ng mga tao ng hindi pagtanggap sa pagkatalo? (Hindi.) Kung sasabihin natin na ang saloobing ito ay hindi naaayon sa katotohanan, at na milya-milya ang layo nito sa katotohanan, tama ba ang pahayag na iyon? Hindi, dahil ang saloobing iyon ay hindi talaga konektado sa katotohanan. Sa mundo at sa lahat ng sangkatauhan, pinupuri o kinokondena ba ang saloobing ito ng hindi pagtanggap sa pagkatalo? (Pinupuri ito.) Sa mga anong kapaligiran ito pinupuri? (Sa lugar ng trabaho at sa mga paaralan.) Halimbawa, kung nakakuha ang isang estudyante ng animnapung porsiyento sa isang pagsusulit, sasabihin niya, “Hindi ko tatanggapin ang pagkatalo. Sa susunod ay makakukuha ako ng siyamnapung porsiyento!” At kapag nakakuha siya ng siyamnapung porsiyento, gusto niyang makakuha ng isang daang porsyento sa susunod. Sa kalaunan ay nakamit niya ito, at inisip ng mga magulang niya na ambisyoso at may magandang kinabukasan ang batang ito. Ang isa pang kapaligiran—at ang pinakakaraniwan—ay sa mga paligsahan. May ilang koponan na natatalo sa isang paligsahan at may marka ng kahihiyan na nakapinta sa kanilang mukha, pero hindi sila tumatanggap sa pagkatalo. Dahil sa ganitong mentalidad at saloobing hindi tumatanggap sa pagkatalo, nagsisikap sila at nagsasanay nang mas mabuti, at sa sumunod na paligsahan ay tinalo nila ang kabilang koponan at pinagmukhang hindi magaling ang mga ito. Sa lipunang ito at sa sangkatauhan, ang hindi pagtanggap sa pagkatalo ay isang uri ng mentalidad. Ano ang mentalidad? (Ito ay isang paraan ng pag-iisip na sumusuporta sa mga tao sa sikolohikal na paraan.) Tama iyon. Ito ay isang puwersang motibasyonal na sumusuporta sa mga tao na palaging matapang na sumusulong, hindi nagpapatalo, hindi nasisiraan ng loob, hindi umaatras, at nakakamit ang kanilang mga adhikain at layon. Tinatawag ito na hindi pagtanggap sa pagkatalo. Ito ay isang uri ng mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo. Iniisip ng mga tao na kung wala sila ng mentalidad na ito, ng “espiritu” na ito, walang kahulugan ang kanilang buhay. Ano itong sinasandigan nila sa buhay? Sumasandig ang buhay nila sa isang uri ng mentalidad. Saan nagmumula ang mentalidad na ito? Nagmumula ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, gayundin sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Hindi ito praktikal, at hindi ito kayang kamtin ng mga tao. Simula nang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan hanggang ngayon, gaano karaming taon man ang lumipas, mayroong napakaraming positibong bagay, katulad ng kaayusan na alinsunod dito ay nabubuhay ang mga nabubuhay na nilalang, ang kaayusan na alinsunod dito ay nabubuhay ang sangkatauhan, at ang kaayusan na alinsunod dito ay gumagana ang langit at lupa at lahat ng bagay at ang sansinukob, at iba pa. Ayon sa kanilang mga kaisipan at antas ng edukasyon, dapat makahanap ang mga tao ng isang kaayusan para sundin sa gitna ng lahat ng ito, para sundin bilang isang prinsipyo at bilang isang puwersang motibasyonal para sa kung paano sila kumikilos at umaasal, o bilang isang pundasyon para dito. Gayumpaman, hindi ginagamit ng mga tao ang kanilang pagsisikap sa tamang direksiyon—sa anong direksiyon nila ginagamit ang kanilang lakas? Ginagamit nila ang kanilang lakas sa maling direksiyon, ibig sabihin, nilalabag nila ang kaayusan na alinsunod dito ay nabubuo ang mga bagay, at nilalabag nila ang kaayusan na alinsunod dito ay umiikot ang lahat ng bagay—palagi nilang gustong sirain ang mga likas na kaayusan na ito na itinalaga ng Diyos, at gamitin ang mga pamamaraan at pinagkukunan ng tao para lumikha ng kaligayahan. Hindi nila alam kung paano nakakamit ang kaligayahan, kung anong misteryo ang nasa loob nito, o kung ano ang pinagmulan nito; hindi nila hinahanap ang pinagmulang ito. Sa halip, sinusubukan nilang gumamit ng diskarte ng tao para lumikha ng kaligayahan, at palagi ring gustong lumikha ng mga himala. Sinusubukan nilang gumamit ng diskarte ng tao para baguhin ang normal na kaayusan ng lahat ng bagay na ito, at pagkatapos ay makamit ang kaligayahan at mga layong gusto nila. Ang lahat ng ito ay abnormal. Ano ang panghuling resulta ng mga taong sumasandig sa kanilang sarili para ipaglaban ang gayong mga bagay, gaano man sila lumaban? Ang mundong ito na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan para pamahalaan ay nasira na ngayon. Sino ang pinakamalaking biktima, ngayong nasira na ito? (Tao.) Ang sangkatauhan ang pinakamalaking biktima. Inabuso ng mga tao ang mundo hanggang sa antas na ito, pero sinasabi pa rin nilang hinding-hindi sila susuko. Hindi ba’t may mali sa pag-iisip nila? Ano ang panghuling kahihinatnan ng hinding-hindi pagsuko? Isang mapaminsalang sakuna. Hindi lang ito pagkatalo sa isa o dalawang paligsahan o pagkakaroon ng marka ng kahihiyan na nakapinta sa kanilang mukha. Sinira nila ang kanilang mga pagkakataon at pinutol ang kanilang mga ruta sa pagtakas—sinira nila ang sarili nila! Ito ang resulta ng hindi pagtanggap sa pagkatalo.

Ang hinihimay natin sa ngayon ay isang tipikal na pagpapamalas ng marahas na disposisyon at mapagmataas na disposisyon ni Satanas, na hinding-hindi susuko. Ang hinding-hindi pagsuko ay isang mentalidad. Pinupuna natin ito, inilalantad natin ito, at kinokondena natin ito, subalit kung kinokondena mo ito sa gitna ng sangkatauhan, tatanggapin ba ito ng mga tao? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil pinupuri ng lahat ng tao ang pariralang ito.) Itinataguyod nila ang mentalidad na ito. Kung ang isang tao ay walang katiting na mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo at hinding-hindi pagsuko, sasabihin ng iba na mahina siya. Kung hindi natin itinataguyod ang mga bagay na ito, mahihina ba tayo? (Hindi, hindi tayo mahihina.) Sinasabi ng mga tao na, “Paanong hindi ka mahina? Hindi ka namumuhay nang may anumang katatagan ng loob. Anong silbi para sa iyo ang mabuhay?” Tunay ba ang pahayag na ito? Himayin muna natin ito: Anong uri ng saloobin ang hindi pagtanggap sa pagkatalo? Dapat bang taglayin ng mga taong may normal na katwiran ang saloobing ito? Sa katunayan, kung may normal na katwiran ang mga tao, hindi sila dapat magkaroon ng ganitong pag-iisip. Mali ang magkaroon ng ganitong pag-iisip. Dapat harapin ng isang tao ang realidad para maging isang tao na nagtataglay ng katwiran. Sa gayon, ang hindi pagtanggap sa pagkatalo ay malinaw na walang katwiran; ibig sabihin nito na may mali sa pag-iisip nila, at malinaw na mali ang saloobing ito. Para sa mga mananampalataya ng Diyos, sa wastong pagsasalita, hindi sila dapat magkaroon ng ganitong pag-iisip dahil ang mapagmataas na disposisyon ay likas sa hindi pagtanggap sa pagkatalo. Madali ba para sa mga tao na tanggapin ang katotohanan kapag mayroon silang mapagmataas na disposisyon? (Hindi.) Isa itong problema. Kung ginagamit mo ang isang mapagmataas na disposisyon bilang pundasyon sa paghahangad ng katotohanan, ano ang hinahangad mo? Ang hinahangad mo ay tiyak na hindi ang katotohanan, dahil ang paghahangad na ito ay likas na hindi positibo, at ang makakamit mo ay tiyak na hindi ang katotohanan; tiyak na isang uri ito ng “mentalidad” na mula sa imahinasyon ng mga tao. Kung tinatrato ng mga tao ang mentalidad na tulad nito bilang katotohanan, naligaw na sila ng landas. Kaya, kung itatama natin ang pag-iisip ng hindi pagtanggap sa pagkatalo, ano ang sasabihin natin? Sasabihin natin na dapat harapin ng mga tao ang mga tunay na problema at gawin ang mga bagay nang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, na hindi sila dapat magkaroon ng saloobin ng hindi pagtanggap sa pagkatalo. Kung hindi sila tumatanggap sa pagkatalo, kanino sila hindi nagpapatalo? (Sa Diyos.) Hindi sila nagpapatalo sa katotohanan. Sa mas partikular, hindi sila nagpapatalo sa mga tunay na katunayan ng usapin, hindi sila umaamin na may ginawa silang mali at na nabunyag sila, at hindi sila umaamin na mayroon silang mapagmataas na disposisyon. Totoo ang mga bagay na ito. Kaya paano mo mapasisinungalingan ang mga taong ito? Ang pinakamahusay na paraan para salungatin sila ay sa pamamagitan ng paggamit ng isang bagay na pinakakahiya-hiya para sa kanila. Anong bagay sa mundo ngayon ang pinakakahiya-hiya para sa sangkatauhan? Siyensya. Ano ang ipinagkaloob ng siyensya sa mga tao? (Sakuna.) Ang siyensya, ang bagay na pinakapupuri at pinaka-ipinagmamalaki ng sangkatauhan, ay nagdala ng di-pa-kailanman-nangyayaring sakuna sa kanila. Ngayong mayroon na kayo ng pahiwatig na ito, paano ninyo dapat pasinungalingan ang mga taong ito para maipahiya ninyo sila? Ano ang masasabi ninyo, dapat bang ipahiya ang mga kauri ni Satanas? (Oo.) Kung hindi mo sila ipapahiya, palagi nilang hahamakin ang katotohanan, didiskriminahin iyong mga nananampalataya sa Diyos, at iisiping iyong mga nananampalataya sa Diyos ay nananampalataya lang dahil mahihina sila. Paano ninyo sila dapat pasinungalingan? (Sa pagsasabing: “Isa ka lang ordinaryong tao. Ano ang mayroon ka na nagdudulot sa iyong hindi kailanganing tumanggap sa pagkatalo? Ano ang dahilan kung bakit ayos lang para sa iyo na hindi magpatalo? Kahit na ang ilang tao ay mga siyentista, ano naman? Gaano man kaprogresibo ang siyentipikong teknolohiya na binuo nila, ano naman? Kaya bang lutasin ng mga siyentista ang lahat ng sakuna na idinulot ng siyensya sa sangkatauhan ngayon?”) Ito ang tamang paraan para pasinungalingan sila. Pag-isipan mo ito, mabuting paraan ba ito para pasinungalingan sila? Sinasabi mo, “Nabuhay na hanggang sa kasalukuyang panahon ang sangkatauhan, subalit hindi man lang kilala ng mga tao kung sino ang mga ninuno nila, kaya’t paanong hindi sila nagpapatalo? Ni hindi mo alam kung saan ka nanggaling, kaya’t ano ang maipagyayabang mo? Ni hindi mo kinikilala ang Diyos na lumikha sa iyo, kaya’t paanong hindi ka tumatanggap sa pagkatalo? Nilikha ng Diyos ang mga tao, at isa itong napakadakilang bagay, subalit hindi mo ito kinikilala o tinatanggap; sa halip, iginigiit mong paniwalaan at kilalanin na nag-ebolb ang mga tao mula sa mga hayop. Gaano ka kahamak? Napakamakapangyarihan at napakarangal ng Diyos; sinasabi Niyang Siya ang iyong Lumikha, subalit hindi mo kinikilala na ikaw ay Kanyang nilikha. Gaano ka kababa?” Ano ang isasagot nila? “Nag-ebolb ang mga tao mula sa mga unggoy, subalit matataas na antas na hayop pa rin kami.” “Hindi pa rin ba kayo mga hayop at halimaw, kung gayon? Hindi namin tinatanggap na mga hayop kami. Mga tao kami, mga tao kami na nilikha ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang mga tao at kinikilala Niya na ikaw ay isang tao, subalit hindi mo gusto na maging isang tao. Iginigiit mong itanggi ang katunayan na nilikha ng Diyos ang mga tao. Iginigiit mo ang pagiging isang hayop. Ano ang silbi para sa iyo ng mabuhay? Karapat-dapat ka bang mabuhay?” May lakas ba sa mga salitang ito? (Oo.) Ganito natin pinasisinungalingan ang mga taong ito. Kinikilala man nila ito o hindi, o tinatanggap man nila ito o hindi, mga katunayan ang mga ito. Magsasalita Ako tungkol sa isa pang punto. Hindi kailanman tumatanggap sa pagkatalo ang mga tao, iniisip nilang napakahusay nila, na mayroon silang progresibong teknolohiya at lahat ng uri ng karunungan, subalit paano nila tinatrato ang kalikasan? Palagi silang nakikipaglaban dito at palaging gustong lupigin ito. Hindi talaga nila nauunawaan kung paano sundin ang kaayusan ng kalikasan. Ano sa huli ang ginawa ng pamamahala ng sangkatauhan sa kalikasan? Hindi ba’t pinamamahalaan ang lahat ng ito ng mga taong marurunong at nakauunawa sa siyensya? Hindi ka ba tumatangging tumanggap sa pagkatalo? Hindi ka ba isang taong may kakayahan? Wala ka bang pangangailangan para sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Libu-libong taon nang magkasamang umiiral ang sangkatauhan at kalikasan, subalit pambihirang hindi pa rin alam ng sangkatauhan kung paano pamahalaan ang kalikasan. Labis na pinauunlad, labis na kinokonsumo, at malubhang dinudumihan ng sangkatauhan ang kalikasan sa puntong ngayon ay unti-unting nagkakaroon ng di-kasapatan sa suplay ng mga likas na pinagkukunang yaman. Dagdag pa rito, ni ang tubig na iniinom ng mga tao, o ang pagkaing kinakain nila, o ang hanging nilalanghap nila ay hindi ligtas sa lason. Nang unang nilikha ng Diyos ang kalikasan, ang lahat ng bagay na nabubuhay, pagkain, hangin, at tubig ay walang lason, subalit pagkatapos Niyang ibigay ang kalikasan sa sangkatauhan para pamahalaan, ang lahat ng bagay na ito ay nalason. Ang mga tao mismo ang dapat na “nagtatamasa” ng mga bagay na ito. Kaya paanong hindi tumatanggap sa pagkatalo ang mga tao? Nilikha ng Diyos ang gayong kagandang mundo para sa sangkatauhan at hinayaan silang pamahalaan ito, subalit paano nila ito pinamahalaan? Alam ba nila kung paano ito pamahalaan? Inabuso ito ng sangkatauhan sa puntong ganap na itong nasira—hindi naligtas ang mga karagatan, mga kabundukan, lupa, hangin, maging ang ozone layer sa kalangitan; lahat ng ito ay nawasak. Sino sa huli ang magpapasan ng mga kakila-kilabot na kahihinatnan ng lahat ng ito? (Mga tao.) Ito ay ang sangkatauhan mismo. Wala nang ihahangal pa ang mga tao, subalit inaakala nilang dakila sila at hindi tumatanggap sa pagkatalo! Bakit hindi sila nagpapatalo? Kung pahihintulutan ang sangkatauhan na patuloy na pamahalaan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, maibabalik ba ang kalikasan sa kung paano ito dati? Hindi ito mangyayari kailanman. Kung sasandig ang sangkatauhan sa mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo, ang mundo at ang kalikasan ay magiging lalo lang mas masama, malala, at marumi sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ano ang magiging panghuling kahihinatnan nito? Mamamatay ang sangkatauhan sa kapaligirang ito na sinira nila. Kung gayon, sino sa huli ang makapagbabago ng lahat ng ito? Kaya ng Diyos. Kung may kakayahan ang mga tao na gawin ito, maaaring tumulong ang isa sa kanila at sumubok na baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng mundo, subalit may sinuman bang maglalakas-loob na akuin ang responsabilidad na ito? (Wala.) Kung gayon bakit hindi tumatanggap sa pagkatalo ang mga tao? Ni hindi maprotektahan ng mga tao ang tubig na iininom nila. Hindi sinira ng mga leon o tigre ang kalikasan, lalong hindi ng mga ibon, isda, o mga insekto; sa halip, ang mga tao mismo ang sumira at nagwasak nito. Dapat anihin ng mga tao sa huli ang kanilang itinanim. May anumang paraan ba para baguhin ang mga bagay-bagay ngayon. Hindi ito mababago. Masasabi nang may katiyakan na kung hindi ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito, ang kapaligiran na pinamumuhayan ng mga tao ay lalala lang nang lalala, at lulubha nang lulubha; hindi ito bubuti. Ang Diyos lang ang makapagbabago ng lahat ng ito. Ayos lang ba kung hindi tumanggap sa pagkatalo ang mga tao. Kaya mo bang baguhin ang kapaligirang ito? Pinagkalooban ka ng magandang kapaligiran, subalit ang magagawa mo lang ay sirain ito; hindi mo ito pinoprotektahan. Ano ang kadena ng pagkain ng buong mundo? Nauunawaan ba ito ng sangkatauhan? Hindi, hindi nila nauunawaan. Halimbawa, marahas na hayop ang mga lobo. Kung papatayin ng sangkatauhan ang lahat ng lobo, iisipin nilang nalupig na nila ang kalikasan. Sa ganitong uri ng determinasyon, ganitong uri ng sigla, at ganitong mentalidad ng pagtanggap sa hamon, sinisimulan ng sangkatauhan ang malawakang pangangaso ng mga lobo. Kapag napatay na nila ang karamihan ng lobo sa isang lugar ng damuhan, inaakala ng sangkatauhan na nalupig na nila ang kalikasan at nalupig na ang mga uri na mga lobo. Kasabay nito, nagsasabit sila ng balat ng lobo sa kanilang mga tahanan, nagsusuot ng mga damit na gawa sa balat ng lobo, nagsusuot ng mga sombrero na gawa sa balat ng lobo, at naglalagay ng balat ng mga batang lobo sa talim ng kanilang mga punyal. Kumukuha sila ng mga larawan at sinasabi sa buong mundo na, “Nilupig namin ang mga uring ito na banta sa sangkatauhan—ang mga lobo!” Hindi ba’t medyo napaaga ang pagkasiya nila sa sarili nila? Sa mas kakaunting lobo, mula sa labas ay tila walang banta sa buhay ng mga tao at ng ilang iba pang bagay na nabubuhay, subalit ano ang magiging kahihinatnan nito? Dapat magbayad nang mahal ang sangkatauhan para dito. Ano ang halaga na dapat nilang bayaran? Kapag napatay ang malalaking bilang ng mga lobo, kumakaunti ang bilang ng mga lobo. Agad pagkatapos nito, ang lahat ng uri ng mga kuneho, daga, at iba pang hayop sa mga damuhan na kinakain ng mga lobo ay nagsisimulang dumami nang sobra. Kapag labis-labis ang bilang ng mga hayop na ito, ano ang unang kahihinatnan? (Mawawala ang damo.) Pakaunti nang pakaunti ang damo. Kapag mas kakaunti ang damo, mas pakaunti nang pakaunti ang takip na lupa para sa mga pananim. Kapag labis-labis ang bilang ng mga hayop na ito, kailangan nilang kumain ng maraming damo, at ang bilis ng pagtubo ng damo ay hindi proporsyonal sa bilang ng mga herbiboro. Kapag hindi proporsyonal ang mga bagay na ito, ano ang nangyayari? (Desertipikasyon.) Oo, desertipikasyon. Kapag ang kalupaan ay walang takip na lupa para sa mga pananim, nagsisimula itong maging buhangin at unti-unting nagiging mabuhanging lugar. Karamihan ng halaman ay hindi nag-uugat o tumutubo sa buhangin, kaya mabilis na lumalawak at lumalaganap ang mabubuhanging lugar, at sa huli ay nagiging disyerto ang lahat ng damuhan. Pagkatapos nito, magsisimulang sakupin ng disyerto ang mga lugar na pinaninirahan ng mga tao, at ano ang magiging unang pakiramdam ng mga tao? Marahil kapag nakita ng mga tao na lumaki ang saklaw ng disyerto hindi sila matatakot, subalit pagdating ng araw na humagupit ang isang sandstorm, anong pinsala ang idudulot nito sa sangkatauhan? Sa simula, liliparin paikot ang mga alikabok. Pagkatapos, pagdating ng mahanging panahon, ni hindi na maibubukas ng mga tao ang mga mata nila dahil sa dami ng buhangin na tinatangay ng hangin. Mababalutan ang katawan nila ng buhangin, at mapupuno ang bibig nila nito. Sa mga sukdulang kaso, maaaring lamunin ng buhangin ang mga bahay, alagang hayop, o mga tao na malapit sa disyerto. Mapipigilan ba ng mga tao ang buhangin? (Hindi.) Hindi nila ito mapipigilan, kaya dapat silang lumikas, umaatras palayo nang palayo paloob ng kalupaan. Sa huli, liliit nang liliit ang mga damuhan, at lalaki nang lalaki ang mga disyerto, at pakaunti nang pakaunti ang mga lugar kung saan makapamumuhay ang mga tao. Kaya, magiging mas mabuti o mas malala ba ang kapaligirang pinamumuhayan ng mga tao? (Mas malala.) Paano nangyari ang resultang ito na kailangan nilang pasanin? Ano ang nagbunsod nito? (Ang pagpatay sa mga lobo.) Nagsimula ito nang pinatay nila ang mga lobo. Isang maliit na di-kapansin-pansing bagay na tulad nito. Kung hindi nauunawaan ng mga tao kung paano sundin ang kaayusang ito, at hindi nauunawaan kung paano protektahan ang kaayusang ito, anong mga kahihinatnan ang magiging resulta sa huli? Malilipol ng mga buhangin ang lahat ng tao. Hindi ba’t isa itong mapaminsalang sakuna? Ang pagpatay sa mga lobo ay isang uri ng pag-uugali, subalit anong disposisyon ang nasa puso nito? Ano ang diwa ng disposisyong ito? Ano ang motibasyon nila sa paggawa nito? Anong mga paraan ng pag-iisip mayroon ang mga tao na nagdudulot ng ganitong uri ng pag-uugali? (Ang kagustuhang supilin ang kalikasan.) Tama iyon, gusto nilang supilin ito. Iniisip ng mga tao na ang mga lobo ang natural na kaaway ng sangkatauhan. Ang mga lobo ay banta sa sangkatauhan at palaging kumakain ng mga tao. Hindi mabuting bagay ang mga lobo. Ganito sinisiraan ng sangkatauhan ang mga lobo, pagkatapos ay sinusubukang supilin ang mga ito at lipulin ang mga ito para wala nang ni isa ang matira sa mga ito. Pagkatapos, makapamumuhay ang mga tao nang komportable at maalwan at hindi na talagang malalagay sa panganib. Ito ay batay sa motibasyong ito na nagsisimulang pumatay ng mga lobo ang mga tao. Ano ang nagdidikta rito? Dinidiktahan ito ng isang mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo. Hindi alam ng sangkatauhan kung paano wastong pamahalaan o gawing pamantayan ang mga lobo, at sa halip ay gusto nilang palaging patayin ang mga ito at lipulin ang mga ito. Gusto nilang baligtarin ang kaayusang ito at gawin itong iba pa. Ano ang resulta? Nilalamon ng buhangin ang mga tao. Hindi ba’t ito ang nagiging resulta? (Oo.) Ito ang nagiging resulta. Mula sa buong sangkatauhan at sa buong mundo na nilikha ng Diyos, sa isang maliit na sulok ng planeta—na sa mga mata ng Diyos marahil ay hindi mas malaki kaysa sa isang mani—nangyari ang maliit na insidenteng ito, subalit hindi man lang ito makita nang malinaw ng mga tao. Nakikipagkumpetensiya pa rin sila sa kalikasan, nakikipagkumpitensiya sa Diyos, at hindi tumatanggap sa pagkatalo! Ano ang kahihinatnang idinudulot ng hindi pagtanggap sa pagkatalo? (Pagkawasak.) Idinudulot nila ang sarili nilang pagkawasak! Naroroon na mismo ngayon ang katunayang ito. Pagkatapos mangyari ng kahihinatnang ito, paano ito dapat ayusin ng sangkatauhan? (Hindi nila ito kaya.) Hindi nila ito kayang ayusin. May ilang panlipunang organisasyon at mga tao na may mabubuting puso ang nagsasagawa ng mga gawain para sa pampublikong interes at nananawagan sa mga tao na magpanatili ng isang balanseng ekosistema. Ang motibasyon at katwiran nila sa paggawa nito ay tama, at ang pinananawagan nila ay tama rin. May sinuman bang tumutugon? (Wala.) Hindi rin kumikilos ang pamahalaan—walang pumapansin sa isyung ito. Alam ng mga tao ang ugat ng isyu, subalit pagkatapos nilang tingnan ito nang bahagya bilang mga manonood, iyon na iyon. Pumapatay pa rin sila ng mga lobo tulad nang dati. Sinasabi ng isang tao, “Kung patuloy mo silang papatayin nang ganito, isang araw ay malilibing ka sa buhangin,” subalit sumasagot sila, “Malilibing ako kung gayon. Hindi naman sa ako lang ang malilibing. Ano ang dapat kong katakutan?” Anong disposisyon ito? Isa nang pagiging manhid at kawalan ng pag-iisip; wala silang pagkatao. Sino ang hindi takot mamatay? Kaya paano sila nakapagsasabi ng gayong pabalang na bagay? Hindi sila naniniwalang mangyayari ang ganitong bagay. Iniisip nilang, “Malaki ang daigdig. Maliban sa mga disyerto may mga kabundukan at kagubatan. Mabilis bang masisira ang lahat ng ito? Napakarami pang oras! Pumatay lang kami ng kaunting lobo at naging disyerto ang ilang lugar, at ganito ka na katakot? Kung dapat patayin ang mga ito, dapat nating patayin ang mga ito.” Hindi ba’t kahangalan ito? Pumatay sila ng ilang lobo, at pagkatapos lang ng dalawampu o tatlumpung taong panahon, ang isang kahabaan ng luntiang damuhan ay ganap na nabago. Kung ang mga tao ay magsasaboy ng kaunting buto ng damo sa lupaing ito o magtatanim ng mga halaman na angkop sa pagtubo sa disyerto—kung magagawa nilang baguhin ang kapaligirang ito, magiging pagbawi ito ng sangkatauhan sa kanilang pagkakamali at hindi ito magiging masyadong huli, subalit ganoon ba iyon kasimple sa realidad? Ang kaayusang itinatag ng Diyos ang pinakamainam at pinaka-angkop. Kailangang sundin ng mga tao ang kaayusang ito para mapanatili ang pag-iral ng kalupaan, at para patuloy na makapamuhay rito ang mga hayop, mga halaman, at ang sangkatauhang ito, na partikular na maayos na nagkakasundo ang bawat nilalang, at magkasabay na umiiral sa paraang kapwa mapagpigil at simbiyotiko. Kung mawasak ang isang bahagi nito, maaaring hindi ka makakita ng anumang kahihinatnan sa loob ng sampung taon, subalit pagkatapos ng dalawampung taon kung kailan tunay na mararamdaman mo ang mga kahihinatnan, walang sino man ang makakapagpawalang-bisa nito. Ano ang ipinahihiwatig nito? Na kung hindi gagawa ng malalaking pagbabago ang Diyos, mula sa puntong iyon ang kapaligiran kung saan namumuhay ang mga tao ay lalala lang nang lalala; hindi ito uunlad sa tamang direksiyon. Iyon ang magiging kahihinatnan. Ano ang pinagmulan ng kahihinatnang ito? Ang pinagmulan ay ang mentalidad ng hindi pagtanggap sa pagkatalo na pinupuri ng sangkatauhan, na unang pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo. Sa nakikita ng mga tao, ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay isang “dakila” at “sagradong” kasabihan, subalit ang unang epekto ng ideya na ibinubunga nito sa sangkatauhan ay ang magdala ng gayong kalaking mga negatibong kahihinatnan sa kanila. Iniisip ng mga tao na, “Hindi ba’t may kaayusan sa natural na mundo? Parang wala lang naman ito sa paningin ko. Hindi ba’t sinasabi ng mga tao na ito ay banal at hindi dapat wasakin? Puwes, sisirain ko ito, at tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari!” Ang negatibong kahihinatnan na “tinatamasa” ng sangkatauhan ngayon ay ang huling bagay na gusto nilang makita. Ganito nangyayari ang kahihinatnan ng “tingnan kung ano ang mangyayari”; inilatag ito sa harap ng sangkatauhan para makita nila. Nakita na ng lahat ang mga eksena ng mga “huling panahon.” Hindi ba’t nakuha nila ang nararapat sa kanila? Idinulot nila ito sa sarili nila.

Ang unang pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay ang hindi pagtanggap sa pagkatalo. Ano ang mga kahihinatnan na dapat pasanin ng mga tao? Isang mapaminsalang sakuna; inaani nila ang mga negatibong kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos—sa karaniwang pananalita nakukuha nila ang hinihingi nila, at nakukuha ang nararapat sa kanila! Ngayon ay alam mo na kung talagang tama ang pariralang ito, at kung ito ang katotohanan, tama? Ang pariralang ito ba ang katotohanan? (Hindi.) Hindi ito ang katotohanan. Ipagpalagay na sinabing muli ng mga walang pananampalataya, “Mga tao tayo, kaya dapat ay mayroon tayong kaunting lakas. Dapat mayroon tayong katatagan ng loob!” Pinag-isipan mo ito at sinabing, “Sobrang totoo niyan. Bilang mga mananampalataya, palagi nating pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapasakop. Hindi ba’t masyadong kulang iyon sa awtonomiya? Hindi ba’t masyadong mahina iyon? Wala tayong katatagan ng loob.” Ganito ka ba mag-isip? Kung tinatanggap mo ang mga bagay na sinabi Ko ngayon, hindi ka kailanman mag-iisip sa ganitong paraan. Sa halip, sasabihin mong, “Wala nang pag-asa ang sangkatauhan. Hindi na kataka-takang kinasusuklaman sila ng Diyos. Lumampas na ang sangkatauhan sa punto na makakausap sila nang may katwiran.” Hindi mo tatanggapin ang ganoong uri ng ideya. Kahit na wala kang naaangkop na kontra-tugon, o hindi naaangkop na makipagdebate ka sa mga taong ito, sa iyong puso alam mong ang kanilang mga pananaw ay tiyak na hindi ang katotohanan. Gaano man kapositibo ang tingin ng mga tao sa ganitong uri ng ideya, at gaano man karaming tao ang nagsusulong nito at nagsasalita tungkol dito, hindi ka maiimpluwensiyahan nito. Sa kabaligtaran, tatalikuran at hahamakin mo ito. Natapos Ko na ang pagbabahagi tungkol sa unang pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo. Nagsimula Ako sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan, paano Ako nalihis ng paksa? Ito ang iniisip Ko: Kung ang nakukuha mo mula sa pagbabahagi Ko ay limitado sa isang depinisyon o konsepto, hindi mo kailanman mauunawaan kung ano ang mga tama at mga hindi tamang bahagi ng ideyang ito. Maguguluhan ka lang—minsan iisipin mo na tama ang ganitong uri ng ideya; minsan iisipin mo na mali ang ganitong uri ng ideya, subalit hindi ka magiging malinaw kung ano ang mali rito o kung ano ang tama rito. Dagdag pa rito, madalas kang magsasagawa nang naaayon sa “prinsipyong” ito, at palaging magiging magulo ang iyong isipan. Kung hindi ka makakikita nang malinaw, hindi mo magagawang pakawalan ang ganitong uri ng ideya. Kung hindi mo magagawang pakawalan ito, kaya mo bang lubos na isagawa ang katotohanan? Kaya mo bang lubos na sambahin at sundin ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan? Hindi, hindi nang lubos. Magagawa mo lang na medyo o paminsan-minsang isipin na ang mga salita ng Diyos ay tama o na ang mga salita ng Diyos ay palaging tama, at itinataguyod mo ito sa usaping doktrina. Subalit kung apektado at nababagabag ka pa rin nitong tinatawag na kaalaman, at ng mga salitang ito na tila tunay subalit talagang huwad, ang mga salita ng Diyos ay palaging magiging medyo tama sa iyo, sa halip na maging ang ganap na katotohanan.

B. Pagtitiis sa Kahihiyan at Pagdadala ng Mabigat na Pasanin

Ang ikalawang pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay isa ring anyo ng pag-iisip, isang mentalidad, at isang saloobin sa mga bagay na isinusulong ng mga makamundong tao. Sa lipunan at sa mundo, isa itong paraan ng pag-iisip na medyo positibo, at na iniisip ng sangkatauhan na medyo optimistiko, nakatuon sa pag-unlad, at positibo. Kaya ano ito na gusto nating himayin? Ano ang masama sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Bakit hindi ito ang katotohanan? Pundamental itong walang kinalaman sa katotohanan. Ano ang ibig Kong sabihin kapag sinasabi Kong wala itong kinalaman sa katotohanan? Ibig Kong sabihin na kung gusto mong magsagawa ng katotohanan, dapat mong gawin ito nang ganap na naaayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos, at nang naaayon sa mga pamantayan at mga partikular na hinihingi ng Diyos. Hindi mo dapat paghaluin ang mga saloobin at pananaw sa paggawa ng mga bagay-bagay, at ang mga pamamaraan at pinagkukunan ng mga tinatawag na ideolohiya, mentalidad, at integridad ng tao. Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at walang kinalaman sa mga bagay na ito. Kung gayon bakit masama ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Bakit sinasabi Kong hindi ito ang katotohanan? Hindi ba’t mahalagang himayin ito? (Oo, ganoon nga.) Simulan natin sa pagpapaliwanag sa literal na kahulugan ng parirala; pagkatapos ay magiging mas madali itong maunawaan. Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang tiisin ang lahat ng kahihiyan, sakit, at kawalan ng dignidad alang-alang sa iyong mga responsabilidad, pasanin, o ang misyong iyong isinasagawa at tinatanggap. Ito ang batayang kahulugan ng pariralang ito. Kung gayon, sa anong mga kapaligiran at sitwasyon karaniwang ginagamit ng isang tao ang pariralang ito? Kung sinasabi ng isang tao na ang isang tao ay nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin, ang taong iyon ba ay kasalukuyang nasa isang sitwasyon kung saan kompleto na ang kanyang misyon, at naisakatuparan na niya ang layon na gusto niyang isakatuparan? (Hindi.) Kaya, madalas kapag nagsasalita ang isang tao tungkol sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin, tinutukoy niya ang isang di-mahalagang tao na nasa isang sitwasyon kung saan ganap na wala siyang katayuan at walang karangalan, lalong walang anumang kapangyarihan. Nasa ganitong sitwasyon siya, subalit kailangan pa rin niyang dalhin ang mga responsabilidad niya, dalhin ang misyon na kailangan niyang kompletuhin, huwag panghinaan ng loob, huwag magkompromiso, at huwag sumuko. Hindi ba’t isa rin itong uri ng mentalidad? Ano ang diin sa mentalidad na ito? Ito ay sa “pagtitiis” at “pagdadala.” Ang “pagtitiis” ay nangangahulugang maging matiyaga at paglabanan ang isang bagay. Kasabay ng pagtitiis sa isang bagay, kailangan niyang tanggapin at dalhin ang isang mabigat na pasanin at responsabilidad, huwag mabigong matugunan ang mga inaasahan ng lahat, at huwag hayaang mabigo ang taong nagkatiwala sa kanya ng atas na ito. Anong uri ng mentalidad ito? (Pagtitiyaga.) May ganitong elemento ng kahulugan dito, subalit ito ang pinakapangunahin at pinakamababang antas ng kahulugan. Ano pa ang mayroon? Suriin natin ito sa ganitong paraan. Ano ang ibig sabihin ng “kahihiyan” sa “pagtitiis ng kahihiyan”? (Kawalan ng dignidad at kawalan ng dangal.) Ito ay kapag ang lahat ng nakapalibot sa taong ito ay ipinapahiya siya at ipinararamdam sa kanyang nagdusa siya ng kawalan ng dignidad. Aling mga pag-uugali sa partikular ang namamahiya sa mga tao at nagpaparamdam sa kanilang nagdusa sila ng kawalan ng dignidad? (Kinukutya sila, sinisiraang-puri sila, at gumagawa ng mga mapanlibak na pahayag tungkol sa kanila.) Tama iyon, kinukutya at sinisiraang-puri sila, gayundin ginagawang katatawanan sila, niloloko sila, at gumagawa ng mga mapanlibak na pahayag tungkol sa kanila. Kaya, ano ang ibig sabihin ng “mabigat na pasanin” sa “pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Responsabilidad at atas.) Ano ang nakapaloob sa responsabilidad at atas? Nakapaloob sa mga ito ang isang uri ng misyon at mabigat na pasanin—ang mabigat na pasaning ito ay maaaring isa na ipinagkatiwala ng ibang tao sa isang tao, o maaaring isang layon ito na ipinaglalaban ng isang tao, o isang misyong iniisip nila mismo. Anong mga uri ng mga misyon ang iniisip ng mga tao na isinasagawa nila? (Pagbibigay karangalan sa kanilang mga ninuno, at pamumukod-tangi sa iba.) (Maging pinakamahusay sa grupo.) Mga halimbawa ang lahat ng ito. Karaniwang mga sariling hangarin ang mga ito ng mga tao. Para makamit at maisakatuparan ang mga layong ito, sa kasalukuyan nilang sitwasyon, nagagawa nilang magtiis ng mga kawalan ng dignidad, pangungutya, paninirang-puri, mga mapanlibak na pahayag, at maging panunuya mula sa mga tao sa paligid nila. Ano ang nagtutulak sa kanila para tiisin ang lahat ng ito? Halimbawa, may isang tao na naghahangad na maging isang nakatataas na heneral ng hukbo. Bago siya magkamit ng kapangyarihan, may isang araw na siya ay ipinahiya ng isang grupo ng mga sanggano, sinasabing, “Ikaw? Isang heneral ng hukbo? Sa puntong ito, ni wala kang kabayo—kaya paano ka magiging isang heneral? Kung gusto mong maging heneral, gumapang ka muna sa pagitan ng mga binti ko!” Humagalpak ng tawa ang lahat ng tao sa tabi niya. Saglit siyang nagmuni-muni sa sarili, “Walang mali sa kagustuhang maging isang heneral ng hukbo. Bakit nila ako kinukutya at ginagawang katatawanan? Pero hindi ako maaaring maging walang ingat at magpakita ng mga abilidad ko ngayon. Kung huhusgahan sa kung paano umuusad ang mga bagay-bagay ngayon, kung hindi ko gagawin ang sinasabi nila, mabubugbog ako, at kung hindi uusad nang maayos ang mga bagay-bagay maaaring mamatay ako. Paano ako magiging isang heneral kung gayon? Para sa kapakanan ng aking mga hinahangad, ang paggapang sa pagitan ng mga binti ng isang sanggano ay wala lang. Ako pa rin ako, hindi ba?” Sa puntong ito, lumuhod siya, inilapat ang parehong kamay sa lupa, at gumapang sa pagitan ng mga binti ng sanggano na parang isang aso. Habang gumagapang siya, mahirap itong tanggapin sa puso niya at nasaktan ang puso niya, na parang sinaksak ito ng isang patalim—may pagkamuhi sa puso niya! Iniisip niyang, “Isang araw kapag naging heneral na talaga ako, tatadtarin kita nang pinong-pino!” Ito ang iniisip niya sa puso niya, subalit sa panlabas kailangan niyang tiisin ito—hindi niya maaaring ipakita sa iba kung ano ang iniisip niya. Pagkatapos niyang gumapang sa pagitan ng mga binti ng sanggano, nalugod ang grupo ng mga sanggano at pinaalpas siya, binigyan siya ng isang mabilis na tadyak palayo. Tumayo siya, pinagpag ang alikabok sa sarili niya at sinabi pa ngang, “Magandang sipa. Tatawagin kitang ‘boss’ simula ngayon.” Kung ano ang iniisip niya sa loob at kung ano ang ipinakikita niya sa labas ay ganap na magkaiba. Paano niya nagagawa ito? May isa lang siyang layon: “Kailangan kong patuloy na mabuhay. Tinitiis ko ang lahat ng ito para dumating ang isang araw na magiging isang heneral ako, at magiging pinakamagaling sa lahat. Makabuluhang magdusa ng paghihirap at kahihiyang ito ngayon. Bukas kailangan kong mas magtrabaho pa at magsikap para magpunyaging kamtin ang aking layon. Anumang mga paghihirap ang aking nararanasan, at gaano man karaming pagdurusa at kawalang-dignidad ang aking tinitiis, dapat akong maging heneral! Pagkatapos kong maging heneral, ang unang bagay na dapat kong gawin ay patayin ang salbaheng ito at bumawi sa pagkapahiya sa akin nang pinagapang ako sa pagitan ng mga binti niya!” Maging heneral man siya sa hinaharap, ang “pagtitiis” ang pinakamataas na prinsipyo niya sa sandaling iyon. May anuman bang estratehiya o lihim na pakanang nakapaloob dito? (Oo.) May mga lihim na pakana. Nagtitiis siya dahil wala na siyang ibang magagawa; para saan ito? Ito ay na para isang araw ay mabawi niya ang lahat ng kawalang-dignidad na ito. Ang pagtitiis niya ay batay sa mga kasabihan tulad ng, “Kung may buhay, may pag-asa” at “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo”—ang lahat ng ito ay mga pakana. Itong mga pakanang ito ang nagtulak sa kanya na pagtiisan ang kahihiyan sa paggapang sa pagitan ng mga binti ng sanggano. Mula sa puntong ito, lalong mas lumaki at mas tumindi ang pagnanais sa puso niyang maging isang heneral; hinding-hindi siya susuko. Kaya, para saan ang kawalang-dignidad at kahihiyang tiniis niya? Ito ba ay para mapanatili niya ang isang makatarungang layunin o mapanatili ang tunay na dignidad? Ginawa niya ito para sa kapakanan ng sarili niyang ambisyon. Kaya’t positibo ba ito o negatibo? (Negatibo.) Batay sa antas ng kahulugang ito, ang “pagtitiis” na ito ay ganap na inuudyukan ng personal na interes, pagnanais, at ambisyon. May katotohanan ba sa pagtitiis na ito? (Wala.) Kung walang katotohanan, mayroon bang normal na pagkatao? (Wala.) Hindi ito makatarungan, ni hindi ito matuwid, lalong hindi ito walang kapintasan; sa halip, punong-puno ito ng pagnanais, mga lihim na pakana, at mga kalkulasyon—hindi ito positibo.

Ang uri ng pag-iisip at mentalidad ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin na isinusulong ng buktot na sangkatauhang ito ay katulad lang talaga ng kuwentong sinabi Ko ngayon lang, kung saan kung nais ng isang tao na makamit ang malalaking bagay, dapat niyang tiisin ang mga bagay na hindi kayang tiisin ng karaniwang tao. Ano ang pangunahing tinutukoy ng pagtitiis na ito? (Pagtitiis ng kahihiyan.) Hindi. Ang mga bagay ba na ipinasasabuhay ng pagtitiis na ito sa mga tao ay tunay o huwad? (Huwad.) Ito ang mahalagang punto. Ang mga bagay na isinasabuhay ng mga tao, ang mga salitang sinasabi nila, at ang mga pag-uugaling ipinakikita nila para sa kapakanan ng kanilang mga ambisyon at mga hangarin ay huwad lahat, hindi kusang-loob ang lahat ng ito; inuudyukang lahat ang mga bagay na ito ng paunang kondisyon ng lahat ng pagnanais na ito, pansariling interes, at mga tinatawag na mithiin at layon ng mga tao. Ang mga bagay na ito na isinasabuhay ng mga tao ay pansamantalang hakbang lahat; walang ni katiting ang matapat o tunay; walang ni katiting ang lantad, bukas, o matapat; lahat ito ay pansamantalang hakbang. Hindi ba’t mga mapanlinlang na pakana ang lahat ng ito? Ang mga pansamantalang hakbang ay kapag ang mga tao ay pansamantalang nagtitiis ng isang bagay sa ganitong paraan; pansamantalang nagsasabi ng mga mga salitang maganda sa pandinig, nanghihikayat, at nanloloko; at ikinukubli ang tunay nilang pagkakakilanlan, sikolohiya, mga kaisipan, mga pananaw, at maging ang pagkamuhi nila sa kasalukuyan, at hindi hinahayaang makita ito ng ibang tao. Sa halip, gusto nilang makita ng ibang tao ang bahagi nilang iyon na mahina at walang kakayahan, marupok at kimi. Ganap nilang tinatakpan ang tunay nilang mukha—para saan nila ginagawa ito? Ginagawa nila ito para isang araw ay makabuo sila ng isang malaking layunin, maging pinakamagaling sa lahat, makontrol ang iba, at mangibabaw sa iba. Ano ang ipinapakita kapag isinasagawa at ipinapamalas ng mga tao ang pariralang “nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin”? May matapat na saloobin ba ang mga taong gumagawa nito? Mayroon ba silang tunay na pang-unawa ng, at pagsisisi para sa, sarili nila? (Wala.) Halimbawa, sasabihin ng ilan, “Gustong maging heneral ng isang katulad mo?” Pag-iisipan niya ito, pagkatapos ay sasabihing, “Hindi ko ito kaya. Hindi ako magiging heneral. Nagbibiro lang ako.” Tunay ba o huwad ang mga salitang sinasabi niya? (Huwad.) Ano ang iniisip niya sa puso niya? “Ang isang tulad ko lang ang maaaring maging heneral!” Ito ang iniisip niya sa puso niya, subalit ayos lang ba na sabihin niya ito nang malakas? (Hindi.) Bakit hindi? Para maiwasang mabugbog, at para maitago ang tunay niyang kakayahan, sinasabi niyang, “Nagbibiro lang ako. Hindi ako ganoon katapang para talagang gustuhin kong maging isang heneral. Mas mukha kang nakatataas na heneral—ikaw ang pinakamataas na heneral sa hinaharap. Mas mataas pa iyon sa isang heneral!” Tunay ba ang mga salitang ito? (Hindi.) Nasaan ang mga tunay niyang salita? (Nasa puso niya.) Tama iyon, itinatago niya ang mga tunay niyang salita sa puso niya at hindi sinasabi nang malakas ang mga ito. Bakit hindi niya sinasabi nang malakas ang mga ito? Natatakot siyang mabubugbog siya kapag ginawa niya iyon, kaya hindi niya sinasabi ang mga ito, at hindi ibinubunyag ang mga ito; hindi niya ipinaaalam sa sinuman, magpakailanmang itinatago ang mga tunay niyang kakayahan. Ano ang ibig sabihin ng pagtatago ng mga tunay na kakayahan ng isang tao? Ito ay kapag hindi hinahayaan ng isang tao na makita ng ibang tao ang mga tunay niyang abilidad; tinatakpan niya ang mga abilidad na ito at hindi hinahayaang masilip ng iba, para mapigilan ang ibang tao na maging alerto at kumilos ng salungat sa kanilang mga interes. Hindi ba’t ito rin ang tunay na kahulugan ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? (Oo, ito nga.) Ang pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo, pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin; ang hindi kailanman paglimot sa mga sariling layon, pagnanais, at pagkamuhi, at hindi kailanman pagpapakita sa ibang tao ng kanyang tunay na pagkatao at tunay na mga kakayahan. May ilang mahusay na tao ang hindi masyadong nagsasalita kapag nasa isang grupo sila ng mga tao, tahimik sila at hindi umiimik, at kahit na may sinasabi sila, ibinubuyag lang nila ang kalahati ng iniisip nila. Ang ibang tao ay palaging naguguluhan sa pag-arok o pag-unawa sa kung ano talaga ang gusto nilang sabihin, at iniisip na, “Bakit nagsasalita sila sa gayong di-maunawaang paraan? Bakit napakahirap sa kanilang magsalita nang mula sa puso? Ano ang nangyayari dito?” Ang totoo, may mga iniisip sila sa puso nila na hindi nila ipinahahayag, at nakatago rito ang isang tiwaling disposisyon. May iba na hindi nagsasalita sa ganitong paraan, subalit kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay, palagi nilang itinatago ang tunay na lawak ng kanilang kakayahan. Ano ang layon nila sa pagtatago sa tunay na lawak ng kanilang kakayahan? Natatakot silang kapag nakita ito ng mahuhusay at mabibigat na personalidad, maiinggit ang mga ito, magkakaroon ng sama ng loob sa kanila, at sasaktan sila. Sa mga grupo, hindi ba’t ang mga tao na palaging pumupuri sa iba, palaging nagsasalita ng maganda tungkol sa iba, at palaging nagsasabing mas magaling ang lahat kaysa sa kanila ay ang pinakamasamang uri ng mga tao? (Oo.) Hindi mo kailanman malalaman kung ano talaga sila sa loob. Sa panlabas, makikita mong hindi nila pinag-uusapan ang tungkol dito, kaya iniisip mong wala silang ambisyon, subalit sa katunayan, mali ka. May ilang tao na tulad nito na nagtitiis sa kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin. Parang sa mga pelikula ito kung saan madalas may mga eksenang ganito—may ilang tao na madalas gumagawa ng mabubuting bagay kapag nasa labas sila ng bahay, ang mga damit na suot nila ay luma at gamit na gamit na, at palagi silang inaalipusta kapag nasa grupo sila; ganito sila sa harap ng iba. Gayumpaman, pagdating nila sa bahay, pumapasok sila sa isang lihim na silid. Ang lihim na silid ay may mapa sa dingding, at nakapagtanim na sila ng mga impormante para subaybayan ang mga bagay-bagay sa walumpung porsyento ng mga lokasyon sa mapa. Subalit, patuloy silang inaalipusta ng mga tao na madalas nakikipag-ugnayan sa kanila at walang ideya na may mga ganito silang ambisyon. Isang araw kapag kontrolado na nila ang lahat ng lokasyon sa mapa at ganap nang naisakatuparan ang layunin nila, ang mga tao na nang-alipusta sa kanila ay lubos na mabibigla at magsasabing, “Isang demonyo pala ang taong ito—labis-labis ang kanyang ambisyon! Nagkunwari siya sa loob ng napakaraming taon. Walang nakakita sa tunay niyang pagkatao.” Sinasabi nilang, “Ang ginawa ko ay nagtitiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin. Kung hindi ako nagtiis tulad nang ginawa ko at hindi ka pinanatiling walang alam tungkol sa akin, kung sinabi ko sa iyo ang lahat, makakamit ko ba ang gayon kalaking pagsasakatuparan?” Anong magkakatulad na katangian ang mayroon ang mga gumagawa ng kasamaan at ang mga may napakatinding ambisyon? Ang isang aspekto ay na ang tibay at tiyaga nila ay higit kaysa sa mga karaniwang tao. Gayundin, ang mga lihim na pakana nila ay higit kaysa sa mga karaniwang tao at kung nakikipag-ugnayan sa kanila ang karaniwang tao, maloloko ito. Ano ang ibig sabihin ng maloloko? Ibig sabihin na walang malinaw na nakauunawa sa kanila. Ang nakikita lang nila ay ang mga bagay na sinasabi at ginagawa nila sa panlabas. Huwag mong isiping makahahanap ka ng anumang mga palatandaan tungkol sa kung ano ang mga iniisip nila sa kaibuturan mula sa ginagawa at sinasabi nila. Hindi ba’t ito ay pagiging naloloko nila? Ang tibay at pagtitiyaga ay mga positibong salita sa ganang sarili nito, pero ginawa ito ng mga lihim na pakana nila kaya ang tibay at pagtitiyaga nila ay negatibo. Gayundin, may mga ambisyon at pagnanais sila na mas labis pa kaysa sa mga karaniwang tao. May mga ambisyon at pagnanais ang isang karaniwang tao, subalit kapag pakiramdam niya ay hindi na niya makakamit ang isang bagay ay sumusuko siya at hindi gustong danasin ang pagdurusang iyon. At saka, palagi siyang matapat sa kung sino ang gusto niyang kalabanin; wala siyang mga lihim na pakana. Gayumpaman, ang ganitong uri ng masasamang tao ay may matitinding ambisyon, at palaging nagsasakatuparan ng mga lihim na pakana at mga mapanlinlang na plano. Hindi nila kailanman tatalikuran ang mga ambisyon at pagnanais nila; lalaban sila hanggang sa wakas—hanggang sa kamatayan.

Isinasalaysay ng mga aklat-aralin kung paanong si Goujian, hari ng Kaharian ng Yue, ay natulog sa mga sanga at dumila sa apdo. Itinuturo din ng mga magulang sa mga anak nila ang tungkol dito. Iniisip ng ilang bata na nakarinig ng kuwento na, “Napakasarap maging isang karaniwang tao. Bakit talagang kinakailangan ng mga tao na magkaroon ng gayong mga labis na ambisyon? Sino ang kayang magdusa ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo? Hindi iyon pagdurusa na kayang tiisin ng mga karaniwang tao.” Ang mga taong may mga ambisyon lang ang may determinasyong magdusa nang ganoon; may isang lihim na pakanang likas dito. Gayumpaman, itinataguyod ng sangkatauhan ang ganitong uri ng mentalidad. Halimbawa, may isang pariralang nagsasabing, “Gaano man ang paghihirap at kawalang-dignidad na dinaranas nila, gaano man kabigat ang sitwasyon nila, hindi dapat mawala sa isip ng mga tao ang mga mithiin nila.” Isinusulong ng lipunang ito ang mga ideya tulad ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo, at pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin para udyukan ang mga tao at hikayatin silang ipaglaban ang kaligayahan at mga layon nila, kaya bakit pinipintasan natin ito bilang mali? Ang lahat ng sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas. May isang miyembro ba ng sangkatauhan na may mga layong nakatuon sa katotohanan, at sa tamang direksiyon? (Wala.) Kaya, habang mas natutulog sa mga sanga at dumidila sa apdo ang sangkatauhan, at habang mas nagtitiis sila ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin, mas magiging mabangis ang mga puwersa ni Satanas, mas darami ang mga labanan at patayan ng sangkatauhan, mas magiging tiwali ang sangkatauhan, at mas magiging madilim ang lipunan. Sa kabaligtaran, kung magagawa mong sundin ang mga pagsasaayos ng Langit at ihanay ang sarili mo sa natural na kaayusan ng lahat, kung magagawa mong tanggapin ang mga bagay-bagay pagdating ng mga ito, igalang ang kaayusang ito, at hintayin ang mga pagsasaayos ng Langit, hindi mo na kailangang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin. Kailangan mong magising at bumalik sa iyong wisyo. Ang magawang sundin ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos ay tama. Bukod pa rito, sa lahat ng ginagawa nila, dapat kahit papaano ay magawa ito ng mga tao nang naaayon sa konsensiya nila, at sa mas mataas na antas, magawa ito nang naaayon sa mga kautusang itinakda ng Diyos para sa sangkatauhan. Kung gayon, kailangan pa rin ba ng mga tao na magsuot ng maskara at magdala ng mabigat na pasanin? (Hindi.) Hindi, hindi nila kailangan. Sa pamamagitan ng pagbabahaginang ito, nauunawaan ba ninyo nang eksakto kung anong uri ng pag-uugali ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Positibo o negatibo ba ang layon ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Negatibo.) Kung sasabihin ng isang tao na nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin ang isang tao para maging isang lider, o sasabihing nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin ang isang tao para makompleto ang atas na ibinigay ng Diyos sa kanya at magantimpalaan, o sasabihing nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin ang isang tao para hangarin ang pagpeperpekto—makatwiran ba ang mga salitang ito? (Hindi, hindi ganoon.) Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay ganap na mga satanikong pilosopiya; walang katotohanan dito, at sa sandaling marinig mo ang mga salitang ito, malinaw na baluktot ang mga ito. Kung sinasabi ng isang tao na nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin ang isang tao para hintayin ang mga pagsasaayos ng Diyos at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, tamang bagay ba na sabihin ito? (Hindi.) Paanong hindi ito tama? Hindi nagtutugma ang dalawa sa isa’t isa—hindi kailangan ng Diyos na magtiis ka ng kahihiyan, at hindi Niya kailangan na magdusa ka ng kawalang-dignidad. Ano ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin na pinag-usapan dito, at ng mga taong nananalig sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya? (Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay isang pagtatangkang iwaksi ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos.) Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay nangangahulugang ang mga tao ay may mga sarili nilang plano, mithiin, kahilingan, at layong hinahangad. Naaayon ba ang mga ito sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao, at sa mga layong dapat hangarin na ibinibigay ng Diyos sa mga tao? (Hindi.) Hindi, hindi naaayon ang mga ito. Ano itong nilalayon ng mga tao na makamit para sa sarili nila sa pamamagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Ang nilalayon nila ay ang makamit ang pansariling interes, at iyon ay walang kaugnayan sa tadhanang pinamamatnugutan at pinamamahalaan ng may kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa tao.

Ang sinumang nagsasagawa ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay may isang intensiyon at isang layon. Halimbawa, sa unang pagpasok ng isang bagong gradweyt sa kolehiyo sa isang kumpanya para mag-intern, sinasabi ng mga mas matagal nang kawani: “Kailangang gawin ng mga nagtapos sa kolehiyo pumupunta rito ang mga mababang uri ng tungkulin sa loob ng tatlong taon.” Sa loob-loob, iniisip niya, “Bagaman nakatapos ako ng kolehiyo, hindi ako magpapasailalim sa inyo!” Iniisip niya ito sa loob-loob niya, subalit hindi nangangahas na ipahayag ito nang malakas. Sa panlabas, kailangan pa rin niyang magpanggap na ngumingiti; araw-araw dapat niyang sundin ang mga panuntunan, maging masunurin, at yumukod at magpakumbaba, at dapat tiisin ito kapag may mga taong bumabatikos sa kanya. Ano ang layon niya sa pagtitiis na ito? Ito ay para dumating ang isang araw na makakapagbulalas siya ng isang matagumpay na hiyaw, magiging kalihim ng manedyer o amo, at matatapak-tapakan iyong mga taong umalipusta sa kanya. Hindi ba’t ito ang iniisip niya? Sinasabi ng ilang tao, “Ganoon siya dapat mag-isip at iyon ang dapat niyang gawin. Kung hindi, patuloy siyang hahamakin ng mga tao buong buhay niya. Sinong gustong magdusa nang ganoon? Dagdag pa, paano makapagpapatuloy ang mga tao kung wala silang mga adhikain? Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa—ito ang paraan ng pamumuhay. Ang isang sundalo na hindi gustong maging heneral ay hindi isang mabuting sundalo.” Naging motto niya ang mga salitang ito, subalit satanikong lohika ang lahat ng ito. Dapat siyang magtiis sa ganitong paraan para maisakatuparan niya ang layunin niya—araw-araw, taon-taon, nagiging mapagpitagan at magalang sa lahat. Isang araw, sinabi ng amo niya sa kanya, “Mahusay ang naging pagganap mo nitong nakaraang tatlong taon. Simula sa susunod na linggo, magiging salesperson ka.” Nang marinig niya ito, nalungkot ang kanyang puso: “Nagpakahirap ako nang tatlong taon para lang maging isang salesperson! Akala ko magiging isa akong ehekutibong direktor ng sales!” Subalit dapat siyang magpasalamat para sa promosyon. Hindi pa niya naaabot ang layon niya, kaya dapat magpatuloy siyang magtiis. Nagpapatuloy siyang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin, maingat na sinusundan ang amo niya na umiinom at nagpapanggap na ngumingiti, at matapos niyang tiisin ito sa loob ng sampung taon sa wakas ay nakamit na niya ang kanyang layon. Isang araw, sinabi ng amo niya sa kanya, “Ginawa mo nang maayos ang trabaho mo. Itataas kita sa posisyon ng assistant.” Pagkarinig niya nito, lalo siyang naligayahan sa loob—nagtagumpay na siya sa wakas! Anong resulta ito? Sa mga mata niya, mas mataas na siya kaysa sa lahat ng iba pa. Hindi ba’t ginawa niya ang lahat ng ito nang kusang-loob? (Hindi.) Para kanino niya ginawa ang lahat ng ito? (Para sa sarili niya.) Para sa sarili niya. Walang tungkol dito ang positibo o dapat tularan, lalong walang anumang karapat-dapat sa papuri at paghanga. Subalit itong uri ng mentalidad na ito ang isinusulong sa lipunan ngayon—pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin, palihim na kumikilos nang nakabahag ang kanilang buntot. Samakatwid, anong uri ng parirala itong isinusulong ng mga tao: “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Isang masamang parirala.) Paanong masama ito? Ang mga tao ay nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin dahil lang sa sarili nilang mga intensiyon at motibasyon, at para matugunan ang mga sarili nilang ambisyon at pagnanais. Hindi ito para sa kapakanan ng mga tamang layon. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi Kong wala sa mga ito ang karapat-dapat tularan, at wala sa mga ito ang karapat-dapat na purihin o hangaan, at lalong hindi karapat-dapat na alalahanin. Muli nating tingnan kung ano ang nangyari sa palasyo noong sinaunang panahon. May isang emperador na namatay. Nakita ng emperatris na maliit pa ang kanyang anak at ganap na hindi pa makakayanang kontrolin ang korte kung maluluklok ito sa trono, kaya, para matiyak na talagang mamumuno bilang emperador ang kanyang anak, siya ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin at pinakasalan ang nakababatang kapatid ng dating emperador, at pinalaki nilang dalawa ang anak niya nang magkasama. Ano ang layon niya sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Ito ay para sa posisyon ng kanyang anak bilang emperador. Kapag tiyak na ang posisyon ng kanyang anak bilang emperador, ang kanyang katayuan ay magiging sa balong emperatris. Ito ang tinatawag na pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Anong kahihiyan ang tinitiis niya? Hindi siya nanatiling dalisay; pagkamatay ng emperador, agad niyang pinakasalan ang nakababatang kapatid nito, na nagbigay sa kanya ng masamang reputasyon. Pinintasan at hinusgahan siya ng mga tao sa likod niya, at maging ang mga aklat-pangkasaysayan ay hindi siya binigyan ng magandang pagtatasa. May pakialam ba siya? Ang totoo, bago niya pinakasalan ang dati niyang bayaw inisip na niya ang mga magiging epekto, kaya bakit niya ito ipinagpatuloy? Ito ay para matiyak ang posisyon ng anak niya bilang emperador at maprotektahan ang posisyon niya bilang balong emperatris. Iyong lang ang dahilan kung bakit titiisin niya ang gayong kasamang reputasyon at kusang-loob na magdurusa ng paghihirap na ito. Ito ang tinatawag na pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Ano ang nakamit niya mula sa pagtitiis ng lahat ng kawalang-dignidad na ito? Ang nakamit niya ay mas malaki pa ngang benepisyo. Ito ang kanyang layon sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Nang matamo na niya ang malaking benepisyong ito, ang lahat ng masamang reputasyong iyon ay wala nang halaga. Kapalit ng masamang reputasyong ito ay natamo niya ang kapangyarihan at katayuan para sa kanya at sa kanyang anak. Kung gayon positibo o negatibo ba ang kanyang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Negatibo.) Kung titingnan lang ang kanyang pag-uugali, nagawa niyang talikuran ang sarili niya, at mula sa perspektiba ng kanyang anak, may walang pag-iimbot na bahagi sa mga kawalang-dignidad at pagdurusang tiniis niya, kaya dapat siyang purihin ng mga tao at sabihing, “Napakadakila niyang ina!” Subalit kapag tinitingnan ang mga pagnanais at ambisyon niya, at ang tunay na layon niya, dapat siyang pintasan ng mga tao; karapat-dapat na husgahan ang mga pagkilos niya.

Kailangan ba ng mga taong nananalig sa Diyos na magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin? (Hindi.) Kung tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos at tinatanggap ang Kanyang paghatol, pagkastigo, at pagpupungos, mga pagsubok, at pagpipino, at tinatanggap maging ang Kanyang mga sumpa at kondemnasyon sa mga tao, kailangan ba nilang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin? (Hindi.) Tiyak ito. Ang paggamit ng salitang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin” sa konteksto ng mga mananampalataya ay ganap na walang katwiran at kinokondena. Bakit maling gamitin ang pariralang ito sa kontekstong ito? Paano mapatutunayan ng isang tao na ang pag-uugaling ito ay hindi tama sa kontekstong ito? Ang basta pagkilala sa salita at na mali ang pariralang ito pagdating sa doktrina, ay hindi katanggap-tanggap; dapat malaman mo kung ano ang mga katotohanan na tinutukoy nito. Dati, inisip mo pa rin na para matanggap na magawang perpekto ng Diyos at mailigtas ng Diyos, kailangan ng mga tao na matutunan na magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin, na matulog sa mga sanga at dumila sa apdo, na tularan ang mentalidad ni Goujian, hari ng Kaharian ng Yue, at hinding hindi susuko—sadyang isa ka lang hangal at walang kakayahang maarok ang katotohanan. Ngayon, pagkatapos ng pagbabahagi Ko, iniisip mo, “Hindi mabuti ang pariralang ito. Dati, palagi kong ginagamit ang pariralang ito—paanong naging napakahangal ko?” Nakikita mong hindi mo nauunawaan ang katotohanan at na mababa ang iyong kakayahang makaarok. Dapat mong maunawaan kung ano ang mali sa pariralang ito. Kapag tunay mo nang nauunawaan kung ano ang mali rito, magkakaroon ka ng ganap na pang-unawa sa parirala. Kung nakikita mo lang ang bahagi ng parirala nang malinaw, kung saan nakikita mo nang malinaw ang negatibong bahagi nito, subalit hindi nakikita nang malinaw ang bahagi na iniisip ng mga tao na positibo at maagap, ibig sabihin nito na hindi mo pa nauunawaan ang katotohanan. Pagkatapos makinig sa kababahagi Ko lang, magagawa ba ninyong himayin at suriin ang mga bagay na ito nang naaayon sa Aking mga kaparaanan? Bakit hindi kinakailangan ang pagsasagawa ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin sa sambahayan ng Diyos? Bakit sinasabi Kong ang pamamaraan at mentalidad na ito ay kinokondena ng sambahayan ng Diyos at hindi naaayon sa katotohanan? (O Diyos, ang pang-unawa ko ay na sa sambahayan ng Diyos, ang pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at maging ang mapalitan o makondena ay hindi nangangahulugan ng pagtitiis ng kahihiyan. Sa halip, ito ay ang paraan na paggawa ng Diyos para iligtas ang mga tao, at ang layunin nito ay para akayin tayo sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Ganap na wala itong kinalaman sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Kung wastong nakaaarok ang mga tao, malalaman nila na ito ang pagmamahal at pagtataas ng Diyos, at na ang pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang dakilang pag-aalaga at proteksiyon ng Diyos, at ang pagliligtas ng Diyos para sa mga tao.) Tama ba ang pahayag na ito? (Oo.) Kung hindi mo kayang makita nang malinaw ang paghatol at pagkastigo, lilitaw ang mga oposisyon at reklamo sa iyong puso, at isasagawa mo ang satanikong pilosopikal na pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin,” iniisip sa sarili mo, “Ay naku, dapat kong tiisin ang kahihiyan at dalhin ang mabigat na pasanin, at gamitin ang mentalidad ni Goujian, hari ng Kaharian ng Yue.” Pagkatapos, iuukit mo ang mga salitang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin” sa ibabaw ng iyong mesa para himukin ang iyong sarili na magpatuloy at udyukan ang iyong sarili, at gagawin mong motto mo ito. Hindi ba’t nangangahulugan iyon ng problema? Sabihin nang, pagkatapos ng pagbabahaginan ngayon, tiyak na hindi ninyo gagawin ito, subalit gagawin ninyo bang motto ang iba pang parirala, gaya ng pariralang ito na hindi Ko hinimay, “Itago ang liwanag at mag-ipon ng lakas sa dilim”? Hindi ba’t ang kalikasan nito ay pareho? Ang mga bagay na ito ay bahagi ng tradisyonal na kulturang Tsino. Mga lason ba ang mga ito ni Satanas? Ang lahat ng ito ay mga lason ni Satanas; ang lahat ng ito ay mga pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo.

Sa nakaraan, habang gumagawa Ako sa mga iglesia sa kalakhang Tsina, noong kasisimula Ko pa lang ng Aking gawain, isinaayos ng sambahayan ng Diyos para mapaghusay ng ilang kapatid ang kakayahan nilang magbasa at magsulat. Ano ang sitwasyon noong panahong iyon? May ilang tao na matanda na at ilang tao na naninirahan sa mga mas liblib pang lugar. Ang antas ng edukasyon nila ay medyo mababa at hindi sila makapagbasa nang maayos. Halimbawa, tinatalakay ng mga salita ng Diyos ang tungkol sa “mababang kakayahan,” “disposisyon ng Diyos,” at “layunin ng Diyos,” at iba pang nakatakdang termino, subalit hindi nila naunawaan o alam kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Kalaunan, sinabi ng sambahayan ng Diyos sa mga kapatid na maaari nilang paghusayin ang kakayahan nilang magbasa at magsulat sa libre nilang oras, at na dapat nilang malaman kahit papaano ang kahulugan ng ilang nakatakdang parirala, terminolohiya, at pangngalan. Kung hindi, kapag binasa nila ang mga salita ng Diyos, ni hindi nila mauunawaan ang kahulugan ng mismong mga salita at parirala, kaya paano nila mauunawaan ang mga salita ng Diyos? At kung hindi nila maunawaan ang mga salita ng Diyos, paano nila maisasagawa ang katotohanan? Pagkatapos nito, nagsimulang pagsikapan ng mga kapatid ang pag-aaral ng mga bagay na ito. Mabuting bagay ito, subalit inabuso ng ilang tao na may buktot na pagkaarok ang sitwasyon. Sa mga pagtitipon, eksklusibong pinag-usapan ng ilang lider ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapahusay sa kakayahan ng isang tao na magbasa at magsulat, kung paanong dapat na matutong magbasa at magsulat ang mga kapatid, ang mga benepisyo ng kakayahang magbasa at magsulat, at kung ano ang mangyayari kung hindi sila marunong magbasa at magsulat. Pinag-usapan nila ang tungkol sa isang buong bungkos ng mga doktrina tulad ng mga ito. Ang mga bagay na ito ay hindi ang katotohanan, at hindi kailangang pag-usapan nang husto ang mga ito. Sa sandaling sabihin ng isang tao ang mga bagay na ito, mauunawaan ng mga tao ang mga ito; hindi kailangang magbahagi tungkol sa mga ito sa mga pagtitipon na tila ang mga ito ang katotohanan. May ilang lider na hindi lang inubos ang maraming oras sa mga pagtitipon sa pagbabahagi tungkol sa mga bagay na ito na tila ba ang mga ito ang katotohanan, nakaisip din sila ng isang bagong panloloko, at partikular na sinubok ang mga kapatid sa mga salitang madalang gamitin. Kung hindi makasagot ang mga kapatid, hindi ba’t pinagmukha niyong may mataas na pinag-aralan ang mga lider? Noong panahong iyon may ilang huwad na lider na hindi gumawa ng tunay na gawain—hindi sila nagbahagi tungkol sa mga karanasan sa buhay, sa katotohanan, o sa mga salita ng Diyos, sa halip ay eksklusibo silang nagbahagi tungkol sa kakayahang magbasa at magsulat. Ano ang tawag dito? Tinatawag itong hindi paggawa ng wastong trabaho ng isang tao. Hindi ba’t isang problema ito? (Oo.) Bakit nagsasalita Ako tungkol sa isyung ito? Ano ang pakinabang nito sa inyo? May kakayahan ba kayong gawin ang ganitong uri ng bagay? May sinuman ba na nagpaplanong kumilos nang ganito? Kung ganito kayo kumikilos, tunay kayong mga tao na magulo ang isip! May ilang tao na nakikita Akong nagsasalita tungkol sa mga idyomang ito, at umaakma sila para sa pagkilos at nagsisimulang ihanda ang sarili nila, sinasabing, “Lumalabas na ganito lang pala kadali ang pagbabahagi tungkol sa katotohanan. Sapat na ang magbahagi lang tungkol sa mga idyoma. Maaari kang magbahagi tungkol sa mga idyoma, at magbabahagi ako tungkol sa dalawang-bahaging pagpapatawa, mga salitang balbal, mga kasabihan, at mga salawikain.” Hindi ba’t hindi ito paggawa ng wastong trabaho ng isang tao? (Oo.) Anong uri ng mga tao ang mga ito? Mayroon ba silang espirituwal na pang-unawa? (Wala.) Wala silang espirituwal na pang-unawa, at hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Ano ang iniisip nila? “Umuupo ka riyan at dumadaldal kapag wala Kang magawa at nililinlang kami gamit ang ilang idyoma. Kung sinunod ko ang mga pamamaraan Mo, makapagbabahagi rin ako!” Ang mga tao na walang espirituwal na pang-unawa ay tumitingin lang sa panlabas ng mga bagay-bagay at bulag na gumagaya sa Akin. Dapat palitan ang mga lider na ito sa paggaya sa pag-uugaling ito, at dapat ding palitan ang sinumang gumagawa nang tulad sa kanila. Bakit ako nagsasalita tungkol dito? Tinatawag Ko ang pansin ninyo tungkol dito bago ninyo gawin ang ganitong pag-uugali, para hindi kayo mapunta sa maling landas. Makapagsasalita Ako tungkol sa mga bagay na ito, subalit kung magsasalita ka tungkol sa mga ito, magagawa mo ba ito sa paraang madaling maaarok? Hindi mo magagawa. Kung gayon, bakit Ako nagsasalita tungkol sa mga kasabihan at idyomang ito? Sa anong kondisyon Ako nagsasalita tungkol sa mga ito? Kapag nauunawaan ng mga tao ang konsepto at depinisyon ng katotohanan, at pagkatapos kung sa pundasyong iyon ay mas lalaliman Ko pa at hihimayin ang mas maraming bagay na iniisip ng mga tao na katotohanan, hindi ito maaarok ng mga tao; hindi nila alam kung paano nila pagmumuni-munihan ito, at hindi alam kung anong iba pang bagay ang dapat nilang iugnay rito. Ito ay dahil hindi kayo nakauunawa na nagsabi Ako sa inyo ng ilang kuwento tungkol sa mga idyoma. Ito ay kinakailangan. Iniisip ng ilang tao na nasa antas na sila ng unibersidad pagdating sa katotohanan, at nagtataka kung bakit pinag-aaralan pa rin nila itong mga kurso sa elementarya. Hindi nila maunawaan na hindi ito isang klase sa elementarya, na ito ay isa nang klase sa unibersidad. Hindi pa kayo nakapagtatapos sa unibersidad; nanatili kayo sa paaralang elementarya mula pa noon, subalit inaakala ninyong nakapagtapos na kayo sa unibersidad, at mabuti ang pakiramdam ninyo sa sarili ninyo. Sa kasamaang palad, mali ang pakiramdam na ito; isa itong maling pakiramdam—malayo pa rin kayo sa pagtatapos sa unibersidad. Samakatwid, pinaaalalahanan Ko kayong muli: Huwag ninyong gawin ang mga bagay na kasasabi Ko lang. Magbahagi kayo nang matapat sa kung ano ang nauunawaan ninyo, at kung hindi ninyo nauunawaan, huwag kayong magsalita nang walang saysay. Ang pagbabahagi ng katotohanan ay hindi pagdaldal; walang oras ang sinuman para sayanging makinig sa iyong dumaldal. Huwag mo Akong bulag na gayahin, at huwag kang magsalita tungkol kay Goujian, hari ng Kaharian ng Yue, o tungkol sa makabagong kasaysayan o makalumang kasaysayan, dahil nagsalita Ako tungkol sa pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo. Ano ang silbi ng pagsasalita tungkol sa mga bagay na iyon? Handa bang makinig ang mga tao sa mga iyon? Kahit na handang makinig ang mga tao, ang mga bagay na iyon ay hindi ang katotohanan.

Ngayon lang, nagsalita Ako tungkol sa kung paanong ang mga tao na nananampalataya at sumusunod sa Diyos ay hindi kinakailangang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin, lalong hindi ang magsagawa ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Bakit hindi makapagsagawa ang isang tao ng gayong “mabuting” parirala at “marangal” na mentalidad? Nasaan ang problema? Bakit hindi mataglay ng isang tao ang mentalidad ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Kung pag-uusapan ang usaping doktrina, ito ay dahil ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi ang katotohanan; hindi sinabi ng Diyos ang pariralang ito; hindi ito ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, ni hindi ito isang prinsipyo ng pagkilos na ipinagkaloob Niya sa mga sumusunod sa Kanya. Bakit sinasabi Kong ang pariralang ito ay hindi ang katotohanan at hindi isang prinsipyo ng pagsasagawa? Una, tingnan natin ang salitang “kahihiyan” sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Ano ang tinutukoy ng “kahihiyan”? Kawalang-dignidad at pagkapahiya. Kaya kapag nananampalataya ang mga tao sa Diyos at ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana nila, sa pagpapasakop sa Diyos napapahiya ba sila? Nagtitiis ba sila ng kawalang-dignidad? (Hindi.) Kailangan ba ng mga tao na magtiis, at sabihing, “Para makamit ang pagpapasakop sa Diyos, kailangan kong sugpuin ang apoy sa puso ko, sugpuin ang galit sa puso ko, sugpuin ang mga reklamo sa puso ko, at sugpuin ang hindi nagkakasundong damdamin sa puso ko. Dapat kong tiisin ito at huwag umimik. Para sa akin, ang lahat ng bagay na ito ay kahihiyan, kaya paano ko susugpuin ang mga ito”? Isinasagawa ba nila ang katotohanan sa paggawa nito? (Hindi.) Ano ang isinasagawa nila? Paghihimagsik, pagiging huwad, at pagpapanggap. Para makamit ang pagsasagawa ng katotohanan, at para makamit ang pagpapasakop sa katotohanan at pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, ang unang bagay na dapat mong gawin ay hindi ang magtiis ng anumang uri ng pasakit, at hindi mo kailangang magtiis ng anumang uri ng kawalang-dignidad. Kahihiyan ba ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos para sa iyo at ang mga hinihingi Niya sa iyo? (Hindi.) Hindi ka Niya ipinahihiya. Hindi ka ipinahihiya ng Diyos sa paglalantad Niya sa iyo, paghatol sa iyo, pagkastigo sa iyo, pagsubok sa iyo, at pagpipino sa iyo. Sa halip, kasabay ng paglalantad Niya sa mga pagbubunyag ng iyong mga tiwaling disposisyon, inuudyukan ka Niya na unawain ang sarili mo, inuudyukan kang itakwil ang mga ito at maghimagsik laban sa mga ito, at pagkatapos ay kumilos nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos. Ano ang epektong makakamit nito? Magagawa mong magpasakop sa Diyos, maunawaan ang katotohanan, at maging isang tao na nagpapalugod sa Diyos, at maging isang tao na sinasang-ayunan ng Diyos. Kaya, kawalang-dignidad ba ang alinman sa mga bagay na dinaranas mo sa proseso at panahon ng pagkakamit mo ng mga bagay na ito? May anumang bagay ba kung saan ipinahihiya ka ng Diyos? (Wala.) Kapag inilalantad ka ng Diyos, halimbawa, kapag inilalantad niya ang iyong pagmamataas, kabuktutan, pagiging mapanlinlang, pagiging mapagmatigas, o pagiging marahas, may alinman ba sa mga ito ang hindi mga katunayan? (Wala.) Katunayan ang lahat ng ito. Anuman ang paraan ng mga salita ng paglalantad sa iyo ng Diyos, na sinasabi Niya sa iyo, mga katunayan ang lahat ng ito. Hindi mahalaga kung ito man ay kayang kilalanin ng mga tao, at hindi mahalaga kung gaano man ang kayang unawain at tanggapin ng mga tao, mga katunayan ang lahat ng bagay na ito. Hindi walang batayan ang mga ito, ni hindi nga pagmamalabis ang mga ito, at tiyak na hindi ito naglalayong palabasin na may mali kang nagawa. Kung gayon nilalayon ba ng mga bagay na ito na ipahiya ka? (Hindi.) Hindi lang sa hindi nilalayon ng mga ito na ipahiya ka, nilalayon ng mga ito na maging paalala at babala na huwag tahakin ang landas ng masasamang tao, at huwag sundan si Satanas, nilalayon ng mga itong udyukan kang tahakin ang wastong landas sa buhay. Ang resulta at epekto ng mga bagay na ito sa iyo ay positibo. Ang kalikasan ng mga pagkilos na ito ng Diyos ay ganap na wasto. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito para iligtas ka, at ganap na naaayon ang mga ito sa katotohanan. Ito ang paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao, at ang paghihirap na dapat nilang pagdusahan para iwaksi ang mga tiwaling disposisyon nila, matugunan ang mga layunin ng Diyos, at maging isang tunay na nilikha. Ang saloobin na dapat taglayin ng mga tao ay ang maagap na tanggapin ang paghihirap na ito, sa halip na tiisin ito bilang isang kawalang-dignidad. Ang paghihirap na ito ay hindi kahihiyan, hindi ito isang pangungutya, at hindi ito pang-iinsulto sa mga tao, at lalong hindi ito pang-aasar ng Diyos sa mga tao. Ganap itong lumilitaw dahil ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon, naghihimagsik laban sa Diyos, at hindi nagmamahal sa katotohanan. Lumilitaw ang pasakit na ito sa mga tao dahil sa mga salita ng Diyos at sa mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, kaya may anumang bahagi ba ng pasakit na ito na sadyang ibinibigay ng Diyos sa mga tao o dagdag na ibinibigay sa kanila, at na hindi na kinakailangang pagdusahan ng mga tao? Walang ganoong bagay. Sa kabaligtaran, kung masyadong kaunti ng pasakit na ito ang pinagdurusahan ng mga tao, hindi nila maiwawaksi ang mga tiwaling disposisyon nila. Gaano man kalala ang mga mapaghimagsik na disposisyon ng mga tao, at gaano man ang kayang aminin at tanggapin ng mga tao kapag inilalantad ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon nila, sa huli, ang idinudulot ng Diyos sa mga tao ay hindi kahihiyan, at ang pinagdurusahan ng mga tao ay hindi kawalang-dignidad. Sa halip, ito ay ang dapat pagdusahan ng mga tao; ito ay pasakit na dapat pagdusahan ng isang tao na labis na ginawang tiwali ni Satanas; dapat pagdusahan ng mga tao ang pasakit na ito. Bakit sinasabi Kong dapat nilang pagdusahan ito? Dahil ang mga tao ay labis na mapaghimagsik sa Diyos at naging mga Satanas. Kung gusto ng mga tao na iwaksi ang mga tiwaling disposisyong ito at tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, kailangan nilang pagdusahan ang paghihirap na ito. Ganap itong tama at nararapat; ito ay landas na dapat pagdaanan ng mga tao, at ito ay paghihirap na dapat nilang pagdusahan. Hindi ang Diyos ang nagdudulot sa kanila ng paghihirap na ito. Tulad ito ng kapag sumakit ang tiyan mo pagkatapos uminom ng malamig na tubig. Sino ang dapat sisihin? Ang malamig na tubig? (Hindi.) Sino ang nagdulot ng paghihirap na ito sa iyo? (Kami.) Ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo. Ang resultang ito at ang prosesong ito na pinagdurusahan ng mga tao ay sariling kagagawan nila; walang kawalang-dignidad o kahihiyan na masasabi rito. May ilang tao na hindi ito naaarok sa ganitong paraan; hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Ano ang iniisip nila? “Hinayaan ako ng sambahayan ng Diyos na maging isang lider, isinulong ako nito para sa posisyon, at masaya kong isinakatuparan ang trabaho ko bilang isang lider. Hindi ko kailanman inakala na tatanggalin ako ng sambahayan ng Diyos dahil sa hindi ko paggawa nang maayos ng trabaho ko at paggawa ng mga pagkakamali. Ano ang nangyari sa akin? Mayroon pa rin ba akong integridad at dignidad? Mayroon pa rin ba akong anumang kalayaang pantao? Mayroon pa rin ba akong awtonomiya?” Iniisip nila na hindi dapat magpasakop ang mga tao sa pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos nang hindi nagkakaroon ng anumang pagpipilian sa usapin, at na kung ganap na magpapasakop ang mga tao, mga hangal sila at mga taong walang dignidad, at na nabubuhay sila sa labis na mahina at agrabyadong paraan. Samakatwid, iniisip ng ganitong uri ng tao na kapag tumatanggap ang mga tao ng paghatol, pagkastigo, at pagpupungos, dapat silang magdusa ng kahihiyan, gaya ng kasabihan na, “Kapag nakatayo ang isang tao sa ilalim ng mababang bubungan, wala siyang pagpipilian kundi ang iyukod ang kanyang ulo.” Tingnan mo, narito ang isang pang satanikong pilosopiya. Pinapayukod ng kilalang pariralang ito ang ulo nila. Ano ang iniisip nila? Kusang-loob ba silang nagpapasakop, o nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin? (Ang huli.) Iniisip nilang sila ay nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin. Hindi sila kusang-loob na nagpapasakop. Ang pagpapasakop nila ay hindi kusang-loob, at hindi ito dalisay. Sa halip, wala silang pagpipilian kundi ang magpasakop. Kaya nakikita nila ang kawalan ng pagpipilian na ito bilang isang uri ng kahihiyan. Dahil kayang mag-isip ng ganitong uri ng tao sa ganitong paraan, tinatrato ba nila ang pagsasagawa ng pagpapasakop sa mga salita ng Diyos bilang pagsasagawa ng katotohanan? Hindi. Hindi nila tinatrato ang pagpapasakop bilang ang katotohanan. Sa halip, tinatrato nila ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin bilang ang katotohanan. Hindi ba’t magkaiba ang kalikasan ng mga bagay na ito? (Magkaiba nga.) Bagaman ang mga tao na kusang-loob na nagpapasakop at iyong mga nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin ay parehong nagpapasakop, at bagaman wala sa kanila ang nagdudulot ng kaguluhan o lumalaban, at sa panlabas pareho silang mukhang masunurin, may mabuting asal, at mabuti, magkakaiba pa rin ang kalikasan ng mga bagay na ito. Tinatrato ng mga taong taos-pusong nagpapasakop ang pagpapasakop bilang kanilang responsabilidad, tungkulin, at obligasyon; tinatrato nila ito bilang obligasyong dapat nilang tuparin, at bilang ang katotohanan. Kahit na iyong mga hindi taos-pusong nagpapasakop ay hindi lantarang lumalaban, sa puso nila iniisip nilang sila ay nagtitiis ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin, at sa paningin nila, ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay ang pinakamataas na katotohanan. Tinatrato nila ang pagtitiis ng kahihiyan bilang pagsasagawa ng katotohanan, at ano ang pagtrato nila sa pagpapasakop? Tinatrato nila ito bilang pagtitiis ng kahihiyan, hindi pagsasagawa ng katotohanan. Hindi ba’t kabaligtaran ito? Ano ang tawag dito? (Baligtad ang pagkakaunawa nila rito.) Baligtad ang pagkakaunawa nila rito. Tinatrato nila ang katotohanan bilang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo; tinatrato nila ang doktrina at mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo bilang ang katotohanan. Hindi ba’t pagbabaligtad ito ng itim at puti? (Oo.) Pagbabaligtad ito ng itim at puti. Kung gayon paano malulutas ang problemang ito? Dapat maunawaan ng mga tao na ang paghihirap na ito na pinagdurusahan nila ay hindi kahihiyan, ni hindi ito pagtatangka ng sinumang ipahiya sila. Kung gayon ano ang nagdudulot ng paghihirap na pinagdurusahan ng mga tao? (Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao.) Tama iyon. Kung wala kang mga tiwaling disposisyon, at naunawaan mo ang katotohanan, nakapagpapasakop sa Diyos, ganap na nakapagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, hindi mo kakailanganing pagdusahan ang paghihirap na ito. Samakatwid, hindi umiiral ang kahihiyang ito. Nauunawaan mo, tama?

Sa pagitan ng paghihirap at kahihiyan, alin ang positibo? May pagkakaiba ba sa pagitan ng dalawa? (Oo, mayroon.) Ang paghihirap ay positibo. Kung kusang-loob mong tatanggapin ang paghatol, pagkastigo, pagpupungos, at kusang-loob na pagdurusahan itong paghihirap na ito, ang interpretasyon mo ng paghihirap ay magiging, “Dapat kong pagdusahan ang paghihirap na ito. Anuman ang ginagawa ng Diyos, kahit na hindi ko ito nauunawaan at mahirap ito para sa puso ko na tanggapin, at negatibo at mahina ako, lahat ng ginagawa Niya ay tama. Mayroon akong tiwaling disposisyon at hindi ako dapat mangatwiran sa Diyos. Gaano man kahirap ito para sa puso ko na tanggapin, idinulot ito ng mga sariling pagkakamali ko. Hindi mali ang Diyos; tama ang lahat ng ginagawa ng Diyos. Karapat-dapat akong magdusa ng paghihirap. Sino ang nagdulot sa aking magkaroon ng tiwaling disposisyon? Sino ang nagdulot sa aking lumaban sa Diyos? Sino ang nagdulot sa aking gumawa ng kasamaan? Hindi ang Diyos ang nagkaloob sa akin ng mga bagay na iyon; inuudyukan ang mga iyon ng sarili kong kalikasan. Dapat kong pagdusahan ang paghihirap na ito.” Kung gayon ay positibong bagay ba para sa mga tao na pagdusahan ang paghihirap na ito? (Oo.) Kung nauunawaan ito ng mga tao sa isang positibong paraan at nauunawaan ito mula sa Diyos, positibo ang paghihirap na ito. Gayumpaman, ipagpalagay na sinasabi nilang, “Kaya kong magpasakop, subalit kahit nagpapasakop ako, kailangan ko pa ring malinaw na ipaliwanag ang pangangatwiran ko, at dapat kong malinaw na ibahagi kung ano ang iniisip ko at kung ano ang ginagawa ko. Hindi ako maaaring basta na lang magpapasakop sa gayong duwag at magulong paraan. Kung hindi, mamamatay ako sa pagkikimkim ng mga bagay-bagay sa loob.” Palagi nilang gustong ipaliwanag ang mga bagay-bagay nang malinaw at tahasan, ipaliwanag ang mga detalye ng mga bagay-bagay nang malinaw, magsalita tungkol sa kanilang pangangatwiran, magsalita tungkol sa kung ano ang iniisip nila, magsalita tungkol sa kung paano sila nagbabayad ng halaga, at magsalita tungkol sa kung gaano sila ka-tama. Ayaw nilang maging tao na nagpapasakop sa Diyos—para maiwasang bigyang-katwiran ang sarili nila, ipagtanggol ang sarili nila, o magsalita tungkol sa sarili nilang pangangatwiran. Ayaw nilang kumilos nang ganoon. Sa kasong iyon, ano ang trato nila sa pagpapasakop? Tinatrato nila ito bilang pagtitiis ng kawalang-dignidad. Ano ang iniisip nila sa loob? “Kailangan kong tiisin ang lahat ng kawalang-dignidad na ito para sang-ayunan ako ng Diyos at masabing nagpasakop na ako.” Talaga bang umiiral ang kahihiyang ito? Kung hindi talaga ito umiiral, bakit ipinaliliwanag pa rin nila ang mga bagay-bagay nang malinaw at tahasan para iwaksi itong “kahihiyan”? Hindi ito tunay na pagpapasakop. Kahit na ang layunin sa paggawa mo ng mga bagay-bagay ay tama, gusto ng Diyos na pamatnugutan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan. Hindi mo kailangang ipagtanggol ang iyong sarili; hindi mo kailangang mangatwiran. Mas mahusay bang ginawa ni Job ang mga bagay-bagay kaysa sa iyo o hindi? (Mas mahusay niyang ginawa ang mga bagay-bagay.) Nang sinubok si Job, kung nangatwiran siya at ipinagtanggol niya ang kanyang sarili, makikinig kaya ang Diyos? Hindi, hindi siya makikinig. Ito ay isang katunayan. Alam ba ni Job na hindi nakikinig ang Diyos sa mga pagtatanggol ng mga tao? Hindi alam ni Job, subalit hindi niya ipinagtanggol ang sarili niya. Ito ang tayog na mayroon siya; tunay siyang nagpasakop. Anong masamang bagay ang ginawa ni Job na dapat siyang tratuhin ng Diyos nang ganoon? Wala siyang ginawang anumang masama. Sinabi ng Diyos na may takot sa Kanya si Job at umiwas ito sa kasamaan, at na isang perpektong tao ito. Sa pagsasalita sa konteksto ng “kahihiyan,” hindi dapat pinagdusa ng Diyos si Job ng mga kawalang-dignidad na iyon, at hindi Niya dapat ito ibinigay kay Satanas at hinayaan si Satanas na tuksuhin ito at alisan ito ng lahat ng ari-arian nito. Kung titingnan ito pagdating sa lohika ng mga tao na hindi nagpapasakop, nagdusa si Job ng paghihirap at nagdusa siya ng malaking kawalang-dignidad, at nang natanggap niya ang mga pagsubok na iyon nagtitiis siya ng kahihiyan at nagdadala ng mabigat na pasanin para magkamit ng mas malalaking pagpapala mula sa Diyos pagkatapos ng pangyayari. Tama ba ito sa katunayan? (Hindi.) Ganito ba nag-isip at nagsagawa si Job? (Hindi.) Paano siya nagsagawa? Paano niya hinarap ang mga pagsubok na ito? Hindi nila kinailangang magtiis, ni hindi niya inisip na nagdurusa siya ng kawalang-dignidad. Ano ang inisip niya? (Ang Diyos ang nagbigay at Siya ang ang nag-alis.) Tama iyon. Nagmula sa Diyos ang mga tao. Pinagkalooban ka ng Diyos ng buhay at pinagkalooban ka Niya ng hininga. Ganap kang nagmula sa Diyos, kaya hindi ba’t ang lahat ng bagay na natamo mo ay mga bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo? Ano ang maipagyayabang mo? Ang lahat ay ipinagkaloob ng Diyos, kaya kung gusto ng Diyos na bawiin ito, ano ang pangangatwiranan mo? Kapag nagkakaloob Siya ng isang bagay sa iyo, masaya ka, kapag hindi siya nagkakaloob ng isang bagay sa iyo, hindi ka masaya, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos, nanghihingi nito mula sa Diyos, at nakikipaglaban ka sa Diyos. Kung magkakaloob man ang Diyos ng isang bagay sa iyo ay nasasa-Diyos; walang anumang bagay na mapangangatwiranan ang mga tao. Ganito ba kumilos si Job? (Oo.) Ganito kumilos si Job. May pakiramdam ba ng kawalang-katarungan sa puso niya? (Wala.) Wala, wala niyon. Kung titingnan ito sa panlabas, may sapat na dahilan si Job para magpahayag laban sa kawalang-katarungan, gumawa ng mga rasyonalisasyon, ipagtanggol ang sarili niya, lumaban sa Diyos, at ipaliwanag ang lahat sa Diyos nang malinaw at tahasan. Siya ang pinakakarapat-dapat na gumawa ng mga bagay na ito, subalit ginawa niya ba ito? Hindi, hindi niya ginawa. Wala siyang sinabing anuman, gumawa lang siya ng ilang bagay: Nang magkagayo’y bumangon siya, inahitan ang kanyang ulo, at sumamba. Anong uri ng tao ang nakita ng mga tao sa kanya dahil sa serye ng mga pagkilos na ito? Isang tao na may takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at isang perpektong tao. Ano ang depinisyon ng isang perpektong tao? Isang tao na hindi nanghuhusga sa kung ano ang ginagawa ng Diyos, na sa halip ay pumupuri at nagpapasakop dito, at gaano man kalaking paghihirap ang pinagdurusahan niya ay hindi nagsasabi ng, “Nagdusa ako ng kawalang-katarungan. Ito ay kawalang-dignidad.” Gaano man kalaki ang paghihirap na pinagdurusahan niya, hindi siya kailanman nagpapakita ng ganitong uri ng salita, o nagsasabi ng ganitong uri ng salita. Ano ang tawag dito? Tinatawag ito ng mga walang pananampalataya na “pagtalikod sa sarili.” Nasaan ang lohika rito? Ganito ba ito? (Hindi.) Ang “pagtalikod sa sarili” ay isang sakit sa isipan at isang kalokohan. Gaano man kalaking usapin ang nakatagpo ni Job, o gaano man kasakit, hindi siya kailanman nangatwiran sa Diyos o lumaban sa Kanya; nagpasakop lang siya. Ano ang una niyang dahilan sa pagpapasakop? Pagkatakot sa Diyos. Ang abilidad niya na magpasakop sa Diyos ay nagmula sa pagkaunawa niya sa Diyos. Nanampalataya siyang nagmumula sa Diyos ang lahat, at na tama ang lahat ng ginagawa ng Diyos.

May ilang lider at superbisor ng grupo na napapalitan na walang tigil na umiiyak, nagwawala sa galit, at nagiging emosyonal. Iniisip nilang nagdusa sila ng kawalang-katarungan, nagrereklamo na ang Diyos ay hindi matuwid, at iniisip na dapat ay makaramdam ng pagsisisi ang mga kapatid dahil sa paglalantad at pag-uulat sa kanila, sinasabing, “Kayong mga tao ay walang konsensiya. Napakabuti ko sa inyo, at ganito ninyo ako sinusuklian! Hindi matuwid ang Diyos. Nagdusa ako ng gayong kalaking kawalang-katarungan, subalit hindi ako pinrotektahan ng Diyos; tinanggal na lang nila ako nang malupit. Mababa ang tingin ninyong lahat sa akin, at mababa rin ang tingin sa akin ng Diyos!” Iniisip nilang masyadong hindi naging makatarungan ang pagtrato sa kanila at nagwawala sila sa galit. Sabihin mo sa Akin, makapagpapasakop ba ang ganitong tao? Sa nakikita Ko, hindi ito madali. Kaya, hindi ba’t katapusan ito para sa kanila? Para saan ka nagwawala sa galit? Kung matatanggap mo ito, kung gayon ay tanggapin mo ito. Kung hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan, at hindi mo kayang magpasakop sa katotohanan, kung gayon ay lumayas ka sa sambahayan ng Diyos! Huwag kang manampalataya sa Diyos—walang pumipilit sa iyo. Anong kawalang-katarungan ang nangyari sa iyo? Para saan ka nagwawala sa galit? Ito ay sambahayan ng Diyos. Kung kaya mo, magwala ka sa galit sa lipunan, at hanapin ang mga Satanas at ang mga haring diyablo para pagbuntunan mo ng galit. Huwag kang magwala sa galit sa sambahayan ng Diyos. Anong malaking bagay kung tinanggal ka bilang lider ng grupo? Makapamumuhay ka pa rin kung hindi ka isang lider ng grupo, hindi ba? Hindi ka mananampalataya sa Diyos kung hindi ka lider ng grupo? Nagdusa si Job ng napakalaking paghihirap subalit ano ang sinabi niya? Hindi siya nagsabi ng isang salita ng pagrereklamo, at pinuri pa nga ang Diyos, sinasabing, “Purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Pinuri ba niya ang pangalan ni Jehovah dahil nakatanggap siya ng masaganang gantimpala at mga kapakinabangan? Hindi. Ganoon lang ang pagkaunawa niya, at ganoon siya nagsagawa. Hindi ba’t may kinalaman din ito sa karakter ng isang tao? (Oo.) May ilang tao na may mababang integridad, at kapag bahagya silang nagawan ng pagkakamali, iniisip nilang masyadong hindi makatarungan ang naging pagtrato sa kanila, at na ang lahat ng tao ay dapat makonsensiya tungkol dito at humingi ng tawad sa kanila. Masyadong mapanggulo ang mga taong ito! Paano mo ipaliliwanag ang salitang “kawalang-dignidad”? Ang pagdurusa ng kawalang-dignidad ay isang karaniwang pangyayari para sa mga walang pananampalataya, subalit sa sambahayan ng Diyos may ibang paraan ng pagsasabi nito: Ang pagdurusa ng paghihirap at kawalang-dignidad para makamit ang katotohanan ay paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao. Sila man ay pinungusan o pinalitan, hindi ito iniisip ng mga taong nakauunawa sa katotohanan bilang isang kawalang-dignidad. Iniisip nilang karapat-dapat silang magdusa ng paghihirap, at na hindi makapagpapasakop dito ang mga tao dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon, subalit hindi iyon kawalang-dignidad. Sino ang tunay na nagdurusa ng kawalang-dignidad? Ang Diyos ang nagdurusa ng kawalang-dignidad. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, subalit hindi nakauunawa ang mga tao. Tingnan mo, pagkatapos ilabas ng Diyos ang mga Israelita sa Ehipto, sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Nang wala silang makain, nagreklamo sila tungkol sa Diyos, at kinailangan ng Diyos na magpadala ng manna at iba pang pagkain sa kanila. Pagkalipas nang may dalawang magagandang araw, hindi nila pinansin ang Diyos, subalit nang naharap sila sa mga paghihirap, muli nila Siyang hinanap. Hindi mo ba sasabihing nagdusa Siya ng malaking kawalang-dignidad? Hindi ba’t nagdurusa ng malaking kawalang-dignidad ang nagkatawang-taong Diyos kapag tinatanggihan Siya ng bawat henerasyon? Ang mga tao ay walang halaga, at mga walang kakayahan. Nagtatamasa sila ng napakaraming biyayang ipinagkaloob ng Diyos, at nagtatamasa ng napakaraming katotohanang itinustos ng Diyos, subalit pakiramdam nila napaka-walang katarungan nito kapag nagdurusa sila ng kaunting nararapat na paghihirap. Anong kawalang-katarungan ang pinagdurusahan ng mga tao? May ilang tao na karaniwang medyo matatag, pero kapag nagdurusa sila ng kaunting paghihirap—kapag pinupungusan sila ng mga kapatid, o may isang tao na nagsasabi ng isang bagay na hindi maganda sa kanila, o walang sumusuporta sa kanila o nambobola sa kanila—pakiramdam nila ay naagrabyado sila, pakiramdam nila ay nagdusa sila ng malaking paghihirap, at nagawan ng pagkakamali, at nagrereklamong, “Mababa ang tingin ninyong lahat sa akin, at walang pumapansin sa akin. Itinadhana akong tratuhin nang masama!” Para saan ka nagwawala sa galit? Anong silbi ng pagsasabi ng mga bagay na iyon? May alinman ba sa mga salitang iyon ang naaayon sa katotohanan? (Wala.) Kung gayon, ano ang katumbas nito—kahihiyan ba ito? Wala kang kakayahang makita nang malinaw ang paghihirap na nararapat mong pagdusahan, at hindi mo tinatanggap ito. Nakinig ka na sa napakaraming sermon, subalit hindi mo nauunawaan kung paano dapat isagawa ng mga tao ang katotohanan, at kung paano sila dapat magpasakop. Hindi mo alam ang alinman dito, at iniisip mo pa ring nagdusa ka ng isang uri ng kawalang-dignidad. Hindi ba’t nawawala ka sa katwiran? Para sa mga taong tumatanggap sa pagliligtas ng Diyos, umiiral ba ang kawalang-dignidad na ito? (Hindi.) Kahit na minsan ay tiyak na hindi makatarungan kang itinatrato ng mga kapatid, paano mo dapat danasin ito? Halimbawa, may limampung dolyar na nakakalat kung saan, at pagkatapos mong madaanan ito, nawala ito, at naghihinala ang lahat na kinuha mo ito. Ano ang gagawin mo? Makararamdam ka ng pagkaagrabyado at pagkadismaya sa loob: “Kahit na mahirap ako, may moralidad pa rin ako. May pagpapahalaga pa rin ako sa aking dignidad. Hindi ako kailanman kumuha ng anumang bagay na pag-aari ng iba. Ganap na malinis ang aking mga kamay. Palaging mababa ang tingin ninyo sa akin, at ako ang unang tao na pinaghihinalaan ninyo kapag may nangyayaring ganito. Hindi nilinaw ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa akin. Mukhang hindi rin Niya ako gusto!” Nagwawala ka sa galit. Maituturing ba itong kahihiyan? (Hindi.) Kaya, ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito? Kung kinuha mo ito, aminin mo ito, at mangako ka na hindi ka na muling kukuha ng anuman. Kung hindi mo naman ito kinuha, sabihin mong, “Hindi ko kinuha iyon. Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Sinuman ang kumuha ng pera ay alam ito, at alam din ito ng Diyos. Wala na akong sasabihin pang iba.” Hindi mo kailangang sabihin na, “Mababa ang tingin ninyo sa akin. Gusto ninyong lahat akong pagdiskitahan.” Anong silbing sabihin ang mga bagay na iyon? Mabuting bagay ba na sabihin ang maraming uri ng bagay na iyon? (Hindi.) Bakit hindi? Kung magsasabi ka ng maraming uri ng bagay na iyon, pinatutunayan nito ang isang katunayan: wala sa puso mo ang Diyos; hindi ka nananampalataya sa Diyos, at wala kang tunay na pananalig sa Diyos. Kapag sinasabi mo ang katotohanan ng usapin, alam ng Diyos. Sinisiyasat Niya ang kaibuturan ng puso ng mga tao, at sinisiyasat Niya ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng mga tao. Bahala na ang ibang tao kung paano nila ito gustong tingnan. Nananampalataya ka na alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito, at hindi ka na kailangang magsalita nang marami. Kailangan mo bang makaramdam ng pagkaagrabyado? Hindi, hindi mo kailangan. Ano ang kahihinatnan ng usaping ito? Pakiramdam mo ay nagdusa ka ng kawalang-katarungan nang siniraan at hinusgahan ka dahil sa pananampalataya mo sa Diyos, subalit kaya mo bang pag-usapan ang tungkol dito nang malinaw? Sa pagtutok sa pagtatanggol sa iyong sarili laban sa kanila, inaantala mo ang wastong isyu. Walang saysay ito, hindi ba? Ano ang silbi ng pangangatwiran sa kanila? Hindi ito pagsasagawa ng katotohanan.

Nagdurusa ang mga tao ng labis na paghihirap sa proseso ng pagdanas ng pagliligtas ng Diyos. Kawalang-dignidad ba ang paghihirap na pinagdurusahan ng mga tao? (Hindi.) Tiyak na hindi ito ganoon. Bakit Ko sinasabi iyon? (Dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, dapat pagdusahan ng mga tao ang paghihirap na ito.) May mga tiwaling disposisyon ang mga tao—bahagi ito nito. Bukod pa rito, anumang aspekto ng katotohanan ang hindi mo nauunawaan, at anumang bahagi sa loob mo ang negatibo pa rin, maaari mong banggitin ito at maaari kang magbahagi tungkol dito. Hindi mo kailangang kimkimin ito sa loob mo. Ano ang layon ng pagbabahaginan? (Para lutasin ang mga problema.) Para hanapin ang katotohanan, magawang maunawaan ang katotohanan, at malutas ang mga problema na nasa loob. Hindi mo kailangang kimkimin ang mga ito sa loob mo. Hindi mo kailangang magdusa ng kawalang-dignidad. Hindi mo kailangang magtiis, nagsasabing, “Hindi ko nauunawaan, subalit inuudyukan pa rin akong magpasakop. Kailangan kong maunawaan bago ako magpasakop.” Kung hindi mo nauunawaan, maaari kang makipagbahaginan. Ang paghahanap sa katotohanan ang tamang landas. Hindi ito mali. Kapag ang ilang bagay ay pinagbahaginan at ipinaliwanag nang malinaw, malalaman ng mga tao kung ano ang dapat gawin. Dapat kang magkaroon ng saloobin ng paghahanap sa katotohanan, at lumutas ng mga problema sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan at nagsasagawa ka lang ng pagpapasakop, sa huli hindi mo pa rin magagawang lutasin ang iyong mga problema. Samakatwid, kahit na hinihingi sa iyo na magpasakop, hindi hinihingi sa iyo na magpasakop sa paraang magulo ang isip at walang prinsipyo. Gayumpaman, may pinakapangunahing prinsipyo na napapaloob sa pagpapasakop, na kapag hindi mo nauunawaan, dapat ka munang magpasakop, magkaroon ng mapagpasakop na puso, at ng mapagpasakop na saloobin. Ito ang pagkamakatwiran na dapat mayroon ang mga tao. Pagkatapos maisakatuparan ito, dahan-dahang maghanap. Sa paraang ito, maiiwasan mong masalungat ang disposisyon ng Diyos, at mapoprotektahan at makaaabot ka hanggang sa dulo ng daan. Lahat ba ng salitang ginagamit ng Diyos para ilantad, kondenahin, at maging hatulan at isumpa ang mga tao ay para ipahiya ang mga tao? (Hindi.) Kailangan ba ng mga tao ng matinding pasensya para pagtiisan ang lahat ng ito? (Hindi.) Hindi, hindi nila kailangan. Sa kabaligtaran, kailangan ng mga tao ng matinding pananalig para tanggapin ang lahat ng ito. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap dito na maaari mong tunay na maunawaan kung ano eksakto ang tiwaling kalikasan ni Satanas, kung ano eksakto ang tiwaling diwa ng mga tao, kung ano eksakto ang pinagmumulan ng antagonismo ng mga tao sa Diyos, at kung bakit hindi tugma ang mga tao sa Diyos. Dapat mong hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos bago mo magawang malutas ang mga problemang ito. Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan, at gaano man kalinaw isinasaad ng mga salita ng Diyos ang mga bagay-bagay, hindi mo ito tinatanggap, hindi mo kailanman malulutas ang mga problemang iyon. Kahit pa nauunawaan mo na “hindi tayo ipinahihiya ng mga salita ng Diyos; inilalantad lang tayo ng mga ito, at para ito sa ating sariling kapakanan,” kinikilala mo lang ito sa diwa ng doktrina; hindi mo kailanman mauunawaan ang tunay na kahulugan ng lahat ng sinasabi ng Diyos, o kung ano ang epektong nilalayon nitong makamit. Hindi mo rin kailanman mauunawaan kung ano, eksakto, ang katotohanang sinasabi ng Diyos. Pagkatapos magbahaginan sa ganitong paraan, hindi ba nito nagagawa, kahit papaano, na bigyan ang mga tao ng maagap at positibong saloobin sa pagtanggap na mapungusan, sa pagtanggap na mapalitan, at pagtanggap sa gawain, mga pagsasaayos, at kataas-taasang kapangyarihan na isinasagawa ng Diyos na hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao? (Oo.) Sa pinakamababa, iisipin ng mga tao na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama, na hindi nila ito dapat unawain sa negatibong paraan, at na ang saloobin na dapat muna nilang taglayin ay ang aktibong pagtanggap, pagpapasakop, at pagkatapos ay pakikipagtulungan dito. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa mga tao ay hindi nangangailangan ng matinding pasensya sa bahagi nila. Ibig sabihin, hindi mo kailangang tiisin ang lahat ng ito. Ano ang kailangan mong gawin? Ang kailangan mo ay tanggapin, hanapin, at magpasakop. Ang terminong “pagtitiis ng kahihiyan” na ginagamit ng mga walang pananampalataya ay malinaw na mapang-abuso sa mga tao. Walang ginagawa ang Diyos na hinihingi sa iyong magtiis ng kahihiyan. Maaari kang magsagawa ng pasensya, pagmamahal, pagpapakumbaba, pati na rin ng pagpapasakop, pagtanggap, pagkamatapat, pagiging bukas, at paghahanap; ang mga bagay na ito ay medyo positibo. Kaya, ano ang lohika sa likod ng sinasabi ng mga walang pananampalataya? Ito ay satanikong pilosopiya, at mga satanikong kasinungalingan. Sa kabuuan, ang pagtitiis ng kahihiyan ay hindi isang prinsipyong dapat sundin niyong mga nananampalataya sa Diyos. Hindi ito ang katotohanan; ito ay isang satanikong bagay. Ang pagtitiis ng kahihiyan ay hindi ang hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao, dahil walang kahihiyan ang umiiral dito. Ang lahat ng pagkilos ng Diyos sa mga tao ay pagmamahal, kaligtasan, pangangalaga sa kanila, at pagprotekta sa kanila. Ang mga bagay na sinasabi ng Diyos, at ang gawaing ginagawa Niya sa mga tao ay pawang positibo at pawang katotohanan. Wala ni isa sa mga ito ang katulad nang kay Satanas, at wala sa mga pamamaraan at diskarte ni Satanas. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa mga salita ng Diyos madadalisay at maliligtas ang mga tao.

Sa anong mga paraan naipamamalas sa mga tao ang gawa ng “pagtitiis ng kahihiyan” na sinasabi ni Satanas? Naipamamalas ito sa mga tao sa anyo ng pananakit, pang-aabuso, pamiminsala, at pagyurak. Sa kabuuan, nagdadala ito ng kalamidad sa iyo. Nagdusa ka man ng paghihirap o nagdusa ng kawalang-dignidad, sa madaling salita, ang nakakamit ng mga tao sa huli mula sa mga bagay kung saan sila ipinasasailalim ni Satanas ay tiyak na hindi ang katotohanan. Ano ang nakakamit ng mga tao? Sakit. Ang epekto ni Satanas sa mga tao ay hindi mabilang na anyo ng kahihiyan at panlilibak, gayundin ang pang-aabuso at katiwalian. Kaya ano ang naisasakatuparan nito sa mga tao at naipadarama nito sa kanila? Inuudyukan nito ang mga tao na tiisin ang mga karaingan at gumawa ng mga pakikibagay para protektahan ang sarili nila, at binabaluktot pa nito ang pag-iisip nila. Natututo ang mga tao na gumamit ng lahat ng uri ng mga taktika at pamamaraan para mapangasiwaan at maharap ang lahat ng ito, at natututong manlangis ng mga tao, magpanggap, at magsinungaling. Kapag nagbubunyag at nagpapamalas ang mga tao ng lahat ng bagay na ito, ang puso ba nila ay kusang-loob, masaya, at payapa, o galit at nasasaktan? (Galit at nasasaktan.) Nadaragdagan ba o nababawasan ang galit sa puso ng mga tao kapag nagtitiis sila ng kahihiyan sa mundong ito? (Nadaragdagan.) Kung gayon, tinitingnan ba ng mga tao ang sangkatauhan sa isang lalong mapanlaban na paraan, o sa isang lalong mapagmahal na paraan? (Mapanlaban.) Tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan sa isang lalong mapanlaban na paraan at kinamumuhian ang lahat ng taong nakikita nila. Kapag bata pa lang ang mga tao at kapapasok pa lang sa lipunan, nakikita nila ang lahat bilang kahanga-hanga, at partikular na madaling nagtitiwala sa mga tao. Kapag umabot na sila sa edad na trenta, hindi na sila masyadong nagtitiwala sa iba. Pagtuntong nila sa edad kuwarenta, wala silang tiwala sa karamihan ng tao, at kapag nasa edad singkuwenta na sila, puno ng pagkamuhi ang puso nila at may tendensiya silang balikan at saktan ang iba. Bago sila mapuno ng pagkamuhi, ano ang tinitiis ng mga tao? Ito ay pawang kawalang-dignidad at pasakit. Kapag wala kang kakayahan at kapangyarihan na mayroon ang iba, kapag sinasabi ng iba na ganito o ganyan ka, dapat mabilis kang tumango bilang pagsang-ayon, at kapag isinumpa ka nila, dapat kang makinig. Wala kang magagawa, subalit ano ang iniisip mo sa loob-loob? “Balang araw kapag nagkaroon ako ng kapangyarihan, papatayin kita gamit ang sarili kong mga kamay at lilipulin ko ang tatlong henerasyon ng iyong lahi!” Ang pagkamuhi sa iyong puso ay tumitindi nang tumitindi. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin sa tiwaling sangkatauhan. Iniisip ng mga tao na ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin, na pinupuri at itinataguyod ng lipunan, ay isang positibong bagay, at na ito ay isang uri ng mentalidad at paraan ng pag-iisip na nagbibigay-kakayahan sa mga tao na magtrabaho nang husto at magsikap na maging mas malakas. Kaya, bakit sa huli ay nagdudulot ito ng galit at pagkamuhi sa mga tao? (Dahil hindi ito ang katotohanan.) Tama iyon. Idinudulot nito ang negatibong kahihinatnang ito dahil hindi ito ang katotohanan. Ano ang nagiging sanhi ng mga henerasyon ng sama ng loob at mga ganting-pagpatay sa lipunan at sa mga gang? (Pagkatapos magdusa ng kawalang-dignidad ng mga tao, tumitindi ang pagkamuhi sa kanilang puso at pumapatay sila bilang ganti.) Tama iyon, ganyan nagsisimula ang pagpatay bilang ganti. Bawat henerasyon, brutal na nagpapatayan ang mga tao hanggang sa malipol ng sakuna ang sangkatauhan. Ito ang kinahihinatnan. Namuhay ang sangkatauhan ayon sa mga pilosopiya at lohika ni Satanas at unti-unting lumago hanggang sa kasalukuyang panahon sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ang relasyon sa pagitan ng mga tao ay lalong nagiging baluktot, lalong lumalayo, lalong nawawalan ng tiwala, at lalong nanlalamig. Anong punto na ang narating nito ngayon? Umabot na ito sa punto na ang puso ng dalawang taong walang kinalaman sa isa’t isa ay puno ng pagkamuhi at pagkamapanlaban sa isa’t isa. Dati, ang magkakapit-bahay ay madalas na nakakapag-usap at madalas na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa, subalit ngayon, maaaring lima o anim na araw nang patay ang isang tao at hindi ito malalaman ng kapit-bahay niya; walang sinuman ang titingin sa kanya. Paanong umabot ang mga bagay-bagay sa puntong ito? Umabot ito sa puntong ito dahil sa pagkamuhing ito sa isa’t isa. Ayaw mong maging mapanlaban sa iyo ang iba, gayong sa parehong pagkakataon, mapanlaban ka rin sa iba—isa itong marahas na siklo. Ito ay isang negatibong kahihinatnan at sakunang idinulot ng mga kautusan ni Satanas sa sangkatauhan. Ang mga pananaw at impresyon ng mga tao sa puso nila sa iba ay lalong nagiging hindi kanais-nais, kaya’t nagiging mas mahusay sila sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin, at ang galit at pagkamuhi sa puso nila ay tumitindi, hanggang sa huli ay sasabihin nilang, “Mas mabuti pa kung patay na silang lahat at wala ni isa ang nabubuhay!” Hindi ba’t ang puso ng lahat ay puno ng ganitong uri ng pagkamuhi? Ninanais nilang mawasak ang mundong ito sa lalong madaling panahon: “Sagad sa buto ang kasamaan ng lahat ng tao. Nararapat silang malipol!” Sinasabi mong sagad sa buto ang kasamaan ng ibang tao, subalit paano naman ang sarili mo? Maaari kayang tunay ka nang nagbago? Na nakamit mo na ang kaligtasan? Kasabay ng pagkamuhi sa iba dahil sa pagiging sagad sa buto ng kasamaan nila, dapat maging mas mabuti ka kaysa sa kanila. Kung kasing-sama ka ng mga tao sa mundo, wala kang katwiran. Kapag nakikita ng isang taong may katwiran na sagad sa buto ang kasamaan ng sangkatauhan, dapat niyang hangarin ang katotohanan at isabuhay ang wangis ng tao para palugurin ang Diyos—ito ang nararapat. Sa ganitong paraan, kapag nilipol ng Diyos ang buktot na sangkatauhang ito, maliligtas siya.

Namumuhi ka ba sa buktot na sangkatauhang ito? (Oo.) Karamihan ng tao na nananampalataya sa Diyos ay may kaunting pagkatao at katwiran: mas mabait ang puso nila, nananabik sila para sa liwanag, at nananabik sila para sa Diyos at sa katotohanan para humawak ng kapangyarihan. Ayaw nila ng mga buktot na bagay, at ayaw ng mga bagay na hindi patas. Puno sila dapat ng pag-asa, pagmamahal, at pagpaparaya sa sangkatauhan, kaya’t paano nila magagawang kamuhian ang sangkatauhan? Sinasabi ng ilang tao, “Naaalala ko noong nasa eskuwela ako, pinagdiskitahan ako ng guro subalit hindi ako nangahas na magsalita tungkol dito; kinailangan ko lang tiisin ito. Kaya nagpasya akong mag-aral nang mabuti at pumasok sa unibersidad sa hinaharap. Ipakikita ko sa inyong lahat kung sino ako, at pagkatapos ay ako ang magdidiskita sa inyo!” Sinasabi ng ilang tao, “Naaalala ko nang nagtatrabaho ako, palagi akong pinagdidiskitahan ng mga bigating tao sa kumpanya, at naisip ko, ‘Maghintay lang kayo hanggang sa araw na mahihigitan ko kayo ng aking mga tagumpay. Pagkatapos ay gagawin kong miserable ang buhay ninyo!’” May iba na nagsasabing, “Naaalala ko nang nagnenegosyo ako, palagi akong ginagantso ng manedyer sa pagtitinda, at naisip ko, ‘Pagdating ng araw na magkakamal ako ng malaking yaman, gagantihan kita!’” Walang kanino mang buhay ang madali, at ang lahat ay may mga panahong pinagdiskitahan sila—may mga tao silang kinamumuhian sa loob-loob at gusto nilang maghiganti sa mga ito. Ganito na ang nangyari sa mundo; puno ito ng pagkamuhi at puno ng pagkamapanlaban. Ang pagkamapanlaban ng mga tao sa isa’t isa ay labis-labis, at hindi nila kayang magkasundo at hindi sila magkaayos. Malapit nang magwakas ang mundong ito, naabot na nito ang dulo nito. Ang lahat ng tao ay may mga kuwentong nakadudurog ng puso sa loob nila noong pinagdiskitahan sila ng isang tao, sa isang lugar, o noong pinagdiskitahan sila, minaliit, niloko, o sinaktan ng iba sa isang kumpanya, organisasyon, o grupo ng mga tao. Nangyayari ang mga bagay na ito kahit saan. Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito na ang sangkatauhan ay wala nang mga taong katulad ni Noe sa kanila. Hindi ba’t iyon ang kaso? (Oo.) Ang puso ng lahat ng tao ay puno ng kabuktutan, at puno ng pagkamapanlaban sa katotohanan, sa mga positibong bagay, at sa katarungan. Hindi na maililigtas pa ang mga tao. Walang tao, walang katuruan, at walang teorya na makapagliligtas sa sangkatauhan—ito ang katunayan ng usapin. Umaasa pa rin ang ilang tao: “Kailan magkakaroon ng digmaang pandaigdig? Pagkatapos ng digmaan, ang lahat ng karapat-dapat mamatay ay mamamatay, at ang mga taong maiiwan ay makapagsisimulang muli. Magsisimula ang isang bagong kapanahunan, at itatatag ang isang bagong bansa.” Posible ba ito? Hindi, hindi ito posible. May ilang tao na umaasa sa lahat ng uri ng magkakaibang relihiyon, subalit nawawalan na ngayon ng kabuluhan ang bawat relihiyon at papawala na ang mga ito. Ang bawat relihiyon ay bulok hanggang sa kaibuturan at may masamang reputasyon. Ano ang ibig sabihin Ko sa mga salitang ito? Ang mga ito ay para maipaunawa sa mga tao ang isang katunayan: Kung hindi gumamit ang Diyos ng mga salita at ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, ang pagkamuhi at ang marahas na disposisyon sa kaibuturan ng mga tao ay lalala lamang nang lalala, at lalong magiging laganap. Sa huli, ang tanging posibilidad para sa sangkatauhan ay ang mauwi sila sa pagwasak sa sarili mula sa brutal na pagpatay ng mga tao sa isa’t isa. Sa kasalukuyang panahon, gustong iwasan ng maraming tao ang buktot na sangkatauhang ito at mamuhay nang mag-isa sa pusod ng mga kabundukan at kagubatan, o sa isang lugar na walang bahid ng buhay ng tao. Ano ang resulta nito? Hindi na magpapakarami ang sangkatauhan at wala nang magiging susunod na henerasyon. Maglalaho na ang sangkatauhan pagkatapos ng kasalukuyang henerasyon—wala nang magiging mga inapo. Ang paglaban ng sangkatauhan sa Diyos ay masyadong malala, na pumukaw sa galit Niya sa simula pa lang. Hindi magtatagal ay matatapos sila. Bakit napakaraming tao ang hindi nagpapakasal? Dahil takot silang maloko, hindi sila naniniwalang may mabubuti pang tao, at puno sila ng pagkamapanlaban sa kasal. Sino ang dapat sisihin dito? Isisi ito sa mga tao na masyadong naging tiwali, isisi ito kay Satanas at sa mga demonyo, at isisi ito sa mga tao na kusang-loob na tumatanggap sa katiwalian. Namumuhi ka sa iba, subalit mas mabuti ka ba talaga kaysa sa kanila? Wala sa iyo ang katotohanan, at walang silbi ang mamuhi sa iba. Kung wala sa mga tao ang katotohanan at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, sa huli ay aabot sila sa puntong wala na silang mapatutunguhan at mahuhulog sa sakuna at mawawasak. Ito ang katapusang makatatagpo nila. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, walang tao sa tiwaling sangkatauhan ang makauunawa sa katotohanan.

Ano eksakto ang “kahihiyan”? Kailangan bang tiisin ng mga mananampalataya ang kahihiyan? Umiiral ba ang “kahihiyang” ito? (Hindi, hindi ito umiiral.) Hindi ito umiiral, kaya hindi ba nalutas ang isyung ito? Sa susunod na marinig mong sabihin ng isang tao na, “Ang unang bagay na dapat mong matutunan bilang isang mananampalataya ay ang magtiis. Anuman ang mangyari, dapat mong tiisin ito at pigilin ito sa loob.” Dapat bang may sabihin ka sa kanila kapag naririnig mo silang sinasabi ang mga salitang ito? (Oo.) Ano ang dapat mong sabihin? Sabihin mong: “Para saan ka nagtitiis? Kung tunay kang nagtitiis ng kawalang-dignidad, talagang kahabag-habag ka, at ipinakikita nitong hindi mo nauunawaan ang katotohanan. Kung naunawaan mo ang katotohanan, hindi iiral ang kawalang-dignidad na ito, at kusang-loob at masaya mong tatanggapin ang lahat ng sitwasyong pinamamatnugutan ng Diyos para sa iyo. Ito ang paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao, hindi ilang kawalang-dignidad. Ito ang pagtataas sa iyo ng Diyos. Ang katunayang maaari nating pagdusahan ang paghihirap na ito ay nagpapatunay na pinagkakalooban pa rin tayo ng Diyos ng pagkakataon at ginagawa tayong kayang mailigtas. Kung hindi man lang tayo nagkaroon ng pagkakataon na magdusa ng paghihirap o hindi karapat-dapat para dito, wala tayong pagkakataong maligtas. Hindi ito kawalang-dignidad; dapat maging malinaw ito sa iyo, at tingnan kung talagang tama ang sinasabi mo. Hindi umiiral ang kawalang-dignidad na ito—tayo ay mga tiwaling tao at karapat-dapat na magdusa ng paghihirap na ito. Kapag maysakit ka, ang pag-inom ng gamot at pagpapa-opera ay kinapapalooban ng pagdurusa ng kaunting paghihirap. Maituturing ba na kawalang-dignidad ang paghihirap na pinagdurusahan mo para gamutin ang iyong karamdaman? Hindi iyon kawalang-dignidad; ginagawa ito para pagalingin ka. Ang pananampalataya natin sa Diyos at ang karanasan natin sa paghatol at pagkastigo ay para maiwaksi natin ang ating mga tiwaling disposisyon, at isabuhay ang wangis ng tao, mamuhay nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, magpasakop sa Diyos, sambahin ang Diyos, at para mabuhay nang mas maayos at mabuhay nang may higit na dignidad. Karapat-dapat tayong magdusa ng paghihirap na ito dahil sa ating mga tiwaling disposisyon. Ang pagdurusa ng paghihirap na ito ay para sa kapakanan ng pagkamit ng katotohanan at buhay. Hindi natin ito maaaring bigyang-kahulugan bilang kawalang-dignidad. Dapat nating tanggapin ito bilang ating responsabilidad at obligasyong tutuparin, at bilang ang landas na dapat nating tahakin. Ito ang pagtataas ng Diyos, at dapat nating purihin ang Diyos sa pagtataas sa atin, at purihin Siya para sa pagkakataong ipinagkakaloob Niya sa atin. Batay sa lahat ng ating nagawa at kung paano tayo kumilos, hindi tayo karapat-dapat na magdusa ng paghihirap na ito, at dapat tayong mawasak tulad ng mga tao sa mundo. Kung tinatrato natin ang paghihirap na dapat nating pagdusahan at ang lahat ng biyayang ito na ipinagkaloob sa atin ng Diyos bilang kawalang-dignidad, seryoso na wala tayong konsensiya at sinasaktan natin ang puso ng Diyos! Hindi tayo karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos.” Hindi ba’t ito ang kaso? (Oo.) Ang kaunting doktrinang ito ay napakasimple. Hindi ba’t dapat magawa itong maunawaan ng isang tao kahit hindi ito sabihin? Sa pagiging naliwanagan sa ganitong paraan at sa pag-unawa sa mga bagay na ito, magiging mas panatag ang puso ng mga tao, at hindi sila kikilos nang hindi makatwiran kapag nangyayari sa kanila ang mga bagay-bagay. Alam ng ilang tao nang malinaw sa puso nila na ito ang katotohanan at na dapat nilang tanggapin ito, subalit kapag nagsasalita sila, sinasabi pa rin nilang talagang hindi ito makatarungan, nagsasalita nang nagsasalita hanggang sa lumabas ang mga salita ng paghatol laban sa Diyos. Huwag kang gumawa ng ganitong mga bagay. Sa tuwing may nangyayari sa iyo, hanapin mo ang katotohanan. Ito ang unang mahalagang bagay; huwag mo ito kailanman kaliligtaan. Kung kinikilala mo na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi mo dapat tratuhin ang anumang sitwasyon na idinudulot ng Diyos bilang gawain ng tao. Sa halip, dapat mong tratuhin ang bawat sitwasyong idinudulot ng Diyos bilang isang pagkakataon para baguhin ang iyong disposisyon at isang pagkakataon para tanggapin ang katotohanan.

Natapos Ko nang magbahagi tungkol sa kahulugan ng “kahihiyan.” Sunod, magbabahagi Ako tungkol sa susunod na bahagi, na kung ano ang ibig sabihin ng “magdala ng mabigat na pasanin.” Ngayon-ngayon lang ay pinag-usapan natin ang tungkol sa kung paanong ang mabigat na pasanin na dinadala ng mga tao ay isang pagnanais at isang ambisyon sa kaibuturan ng kanilang puso, isang layon na inaasahan nilang makamit. Pagdating sa mga mananampalataya ng Diyos na iniligtas ng Diyos at tumatanggap sa pamumuno ng Diyos, kailangan ba nilang tiisin ang kahihiyan at pasanin ang mabigat na pasanin? Ngayon-ngayon lang, sinabi Ko na ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan” ay hindi makatwiran sa sambahayan ng Diyos. Hindi mo kailangang magtiis ng kahihiyan; hindi mo kailangang maramdaman na nagdadala ka ng labis-labis na paghihirap; hindi kailangang maramdaman ng puso mo na hindi ka patas na tinatrato; at hindi mo kailangang tiisin ang lahat ng kawalang-dignidad na ito para mapalugod ang Diyos, na para bang napakarangal mo. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na ito. Kaya ano ang ibig sabihin ng pagdadala ng isang mabigat na pasanin? Kung sasabihin ng isang tao na pinagdurusa ng Diyos ang mga tao ng lahat ng paghihirap na ito para magawa nilang maisakatuparan ang mas malalaking responsabilidad at mga misyon, at makatanggap ng mas malalaking pagpapala at ng isang mas magandang destinasyon, magiging tama at makatwiran ba ang pahayag na iyon? (Hindi, hindi ito tama.) Hindi ito tama. Kung gayon, paano natin ito dapat tukuyin? Pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na maligtas at magkamit ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at idinudulot na mabuhay sila nang mas mabuti. Ginagawa ba ito ng Diyos para sa kapakanan ng mga tao o para sa sarili Niyang kapakanan, sa eksakto? (Para sa kapakanan ng mga tao.) Siyempre para ito sa kapakanan ng mga tao. Ang mga tao ang pinakamalaking benepisyaryo. Kaya nga sinasabi Ko na wala itong kinalaman sa kung ano ang nakukuha ng Diyos dito, lalong hindi kung gaano kalaki ang mga pagpapala na maaaring matanggap ng mga tao sa pagdurusa ng paghihirap na ito. Hindi mo kailangang magtiis, at hindi mo kailangang magkaroon ng ganitong mga uri ng “mga dakilang adhikain,” ni hindi mo kailangang talikuran ang mga bagay sa ganitong paraan. Ang totoo, wala kang tinalikurang anuman, ni wala kang itinapong anuman. Sa kabaligtaran, ang mga tao ang nakakuha sa huli ng pinakamarami. Sa isang banda, naunawaan ng mga tao ang lahat ng iba’t ibang pamantayan sa kanilang pag-asal. Dagdag pa rito, nakasusunod ang mga tao sa buong kaayusang ito at sa lahat ng kautusang ito na itinakda ng Diyos, at nakapamumuhay sa maayos na paraan. Paano maikukumpara ang paraan ng pamumuhay na ito sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan? (Mas mabuti ito.) Mas mabuti ito kaysa sa kung paano namumuhay ang mga tao sa kasalukuyan. Kung gayon, sa dalawang paraan ng pamumuhay na ito, alin ang higit na pinagpala, ang mas katulad nang sa isang tunay na nilikha, at higit pa, ang buhay na dapat taglayin ng sangkatauhan? (Ang nauna.) Siyempre ito ay ang nauna. Pagkatapos pagdusahan ang paghihirap na ito, nauunawaan mo ang mga layunin ng Diyos, at kasabay nito ay nauunawaan mo ang maraming katotohanan, at taglay ang pagkaunawa sa katotohanan bilang pundasyon, natututunan mo kung paano mismo umasal, at may katotohanan na kumikilos bilang buhay sa loob ng iyong pagkatao. Binibigyan ka ba nito ng kahalagahan? Walang anumang katotohanan sa simula ang mga tao. Sila ay mga walang kuwentang sawing-palad lang na mas mababa pa kaysa sa mga langgam at hindi karapat-dapat mabuhay, subalit ngayon ay nauunawaan mo na ang katotohanan, at nagsasalita at kumikilos ayon sa katotohanan. Anuman ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, nagagawa mong makinig, at isakatuparan ito nang tumpak, at anuman ang mga pagsasaayos na ginagawa ng Diyos para sa iyo, nagagawa mong magpasakop sa mga ito. Kaya, huhusgahan mo pa rin ba ang Diyos? Sasadyain mo pa rin bang maghimagsik laban sa Kanya? Kung susulsulan ka ng isang tao na maghimagsik laban sa Diyos, gagawin mo ba ito? (Hindi.) Kung may isang tao na gagawa ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos para ilihis ka, paniniwalaan mo ba ito? (Hindi.) Hindi, hindi ka maniniwala. Kaya hindi ka maghihimagsik laban sa Diyos, sa subhetibo o obhetibong paraan man. Ang ganitong mga tao ay ganap na namumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Kung gayon kailangan pa ba ng mga taong tulad nito na tiisin ang pasakit ng mga tao sa kasalukuyan? May pagkamuhi pa rin ba at pasakit sa puso nila? May malulungkot at masasakit na bagay ba sa puso nila? (Wala.) Wala roon ang pasakit na ito. Sa lahat ng ginagawa nila, ang mga taong tulad nito ay maprinsipyo at makilatis. Gayundin, kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, ang Diyos ang may kataas-taasang awtoridad, at hindi ka maaaring saktan ni Satanas; nabubuhay ka bilang isang tunay na tao. Lilipulin ba ng Diyos ang mga taong tulad nito? Lilipulin ba ng mga taong tulad nito ang sarili nila? (Hindi.) Hindi, hindi nila gagawin. Ganap na ibang uri sila ng mga tao kumpara sa mga tiwaling tao sa kasalukuyan. Ang puso ng mga tao sa kasalukuyan ay puno ng pagkamuhi at pasakit. May kakayahan silang magpakamatay sa anumang oras o lugar, makipag-away at pumatay ng mga tao sa anumang oras o lugar, at gumawa ng masasamang bagay sa anumang oras o lugar, na nagdadala ng sakuna sa mundo ng mga tao. Samantala, ang mga tao na iniligtas ng Diyos at na nagkamit ng katotohanan bilang buhay ay kayang magkakasamang mabuhay nang mapayapa nang walang labanan o pagkamuhi. Nagagawa nilang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at nagpapasakop nang may nagkakaisang puso at pagsisikap sa bawat salitang sinasabi ng Diyos. Ang mga taong ito ay nabubuhay lahat sa salita ng Diyos, at nagsisikap sa parehong direksiyon. Para sa kapakanang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos—na nauunawaan mo ang katotohanan, nauunawaan niya ang katotohanan, at nauunawaan nila ang katotohanan—maaari pa rin ba silang magkaroon ng magkakaibang pananaw kapag magkakasama sila? (Hindi.) Sa ganitong paraan, makararating sila sa punto kung saan ang lahat ay nabubuhay sa presensiya ng Diyos, namumuhay sa Kanyang salita, namumuhay ayon sa katotohanan, at kung saan ang puso ng mga tao ay magkakaayon. Sa ganitong paraan, maaari pa rin bang magkaroon ng patayan at labanan sa pagitan ng mga tao? (Hindi na.) Hindi na. Kailangan pa ba ng mga taong magtiis ng pasakit? Walang pasakit. Ang mga taong tulad nito ay namumuhay ng pinagpalang buhay na walang labanan o patayan. Kung gayon paano dapat pangasiwaan ng mga tao ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos? (Dapat magkakasama silang mabuhay nang mapayapa.) Bahagi nito ay na dapat magkakasama silang mabuhay nang mapayapa. Ang isa pang bahagi ay na dapat nilang pangasiwaan ang bawat bagay alinsunod sa kaayusan at mga kautusang itinakda ng Diyos. Na ibig sabihin ay na ang buong kaayusang ito at lahat ng kautusang ito at mga nabubuhay na bagay ay pag-aari ng sangkatauhan, ay ginagamit ng sangkatauhan, at lumilikha ng mga benepisyo para sa sangkatauhan. Napakaganda ng ganitong uri ng sangkatauhan! Sa panahong iyon, ang kapaligirang pinamumuhayan ng sangkatauhan ay ibinigay sa mga tao para pangasiwaan. Nagtatakda ang Diyos ng kaayusan at mga kautusan para sa mundong ito para sa kapakanan ng mga tao, at pagkatapos ay hindi makikialam ang Diyos dito. Kung isang araw ay makakita ka ng isang lobo na kumakain ng kuneho, ano ang gagawin mo? Dapat hayaan mong kainin ito ng lobo. Hindi mo mapipigilan ang isang lobo na kumain ng mga kuneho at pakainin ito ng damo. Anong pagkakamali ang magagawa mo? (Paglabag sa natural na kaayusan ng mga bagay-bagay.) Lalabag ka sa natural na kaayusan ng mga bagay-bagay. Kumakain ng damo ang mga kuneho at kumakain ng karne ang mga lobo, kaya’t dapat mong igalang ang likas na katangian ng mga ito at hayaan ang mga itong malayang umunlad. Hindi kinakailangang panghimasukan ang mga gawain at pamumuhay ng mga ito sa isang artipisyal at karagdagang paraan. Hindi mo kailangang pangasiwaan ang mga bagay na ito; itinakda na ng Diyos ang mga bagay na ito sa paraang nararapat. Kung may ilang lugar na nakatatanggap ng maraming ulan at hindi angkop ang klima, dapat mag-migrate ang mga hayop. Sinasabi mong, “Kailangan nating ayusin ang lugar na ito. Paanong palaging umuulan nang marami rito? Malamang na sobrang nakapapagod para sa mga hayop ang palaging mag-migrate!” Hindi ba’t kahangalan muli ito? (Oo.) Paano ito naging kahangalan? Hindi ba’t itinakda ng Diyos ang klimang ito? (Oo.) Ang Diyos ang nagtakda ng klimang ito at hinayaan Niya ang mga hayop na ito na manirahan sa lugar na ito. Hindi ba’t itinakda ng Diyos ang pag-migrate ng mga ito? (Oo.) Kung gayon bakit mo gustong humadlang? Bakit bulag mong isinasakatuparan ang mabubuting layunin? Ano ang mabuti sa pag-migrate? Kapag ang isang malaking grupo ng mga hayop ay nanatili sa isang lugar sa loob ng kalahating taon, nakakain ang lahat ng damo. Kung hindi umulan at ayaw umalis ng mga ito, ano ang mangyayari? Kakailanganing umulan sa lahat ng oras. Kapag basa ang lupa, hindi sila makapananatili roon at mabababad ang damo sa tubig-ulan, kaya dapat umalis ang mga ito. Ang pag-migrate na ito ay nagpapalakas sa katawan ng mga ito at nagbibigay ng pagkakataon sa mga damo para tumubo. Kapag nakain na ng mga ito ang karamihan ng damo sa ibang lugar, magiging oras na ito para mag-niyebe roon at muling mapapalayas ang mga ito, wika nga, at dapat mabilis na mag-migrate. Muling bumabalik ang mga ito sa orihinal na lugar ng mga ito. Hindi umuulan, tumubo na ang damo, at maaari na itong muling kainin ng mga ito. Sa ganitong paraan, patuloy na napananatili ng ecosystem na ito ang balanse sa natural na paraan. Sinasabi ng ilang tao na, “Ang mga wildebeest ay palaging kinakain ng mga leon—mga kaawa-awang nilalang ang mga iyon! Hindi ba natin kayang gawing mas matalino ang mga wildebeest?” Bakit bulag mong isinasakatuparan ang mabubuting layunin? Sinusubukan mo bang ipakita na mabait ka? Sumusobra ang iyong kabutihan. Kung tuso ang mga wildebeest, magugutom ang mga leon. Maaatim mo bang makitang nagugutom ang mga leon? May ibang tao na nagsasabing, “Masama ang mga leon. Kinakagat ng mga ito ang mga usa at zebra. Napakamadugo at malupit nito!” Kung nilipol mo ang mga leon, magkakaroon ng masyadong maraming zebra at usa. Ano ang magiging huling resulta? Makakain ang lahat ng damo, at magiging disyerto ang mga damuhan. Matatanggap mo ba iyon? Isasakatuparan mo pa rin ba ang mabubuting layuning ito? Kaya, ano ang dapat mong gawin? Hayaan mong umunlad ang mga ito nang malaya. Ganito ito sa mga hayop. Itinakda ng Diyos ang buong kaayusang ito noong unang panahon, at dapat mong tanggapin ito sa gusto mo man o hindi; dapat magpatuloy ang lahat ayon sa itinakda. Kung sasalungat ka sa natural na kaayusan, hindi mapananatili ang buhay. Kapag naunawaan mo na ang lahat ng kautusang ito, igagalang mo ang mga kautusan, at titingnan mo ang mga bagay na ito ayon sa mga kautusan. Pagkatapos ay makikita mo ang karunungan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Bukod pa rito, ang lahat ng mga kautusang ito ay likas sa buhay. Paano ito nangyari? (Itinadhana ito ng Diyos.) Itinadhana ito ng Diyos. Ganito ito isinaayos ng Diyos. Ang mga tao ay nagsasaliksik ng siyensya, nagsasaliksik ng biyolohiya, nagsasaliksik ng lahat ng uri ng mga larangan ng pag-aaral. Nagsagawa sila ng napakaraming taon ng pananaliksik, subalit nauunawaan lang ang simpleng doktrina at kaayusan; walang nakakikita sa kataas-taasang kapangyarihan o karunungan ng Diyos sa doktrina at penomenang ito. Bakit naging sobrang masalimuot at kamangha-mangha ang buong ecosystem at food chain na ito? Nililinaw lang ng mga tao ang isang penomena o nagpapahayag ng isang katunayan sa mga tao sa mundong ito, subalit walang sinuman ang makapagbubuod o makakikita nang malinaw na ang lahat ng ito ay nagmula sa Diyos—hindi ito nangyari sa sarili nito. Kung sasang-ayunan natin ang kasabihan na nangyayari ito sa sarili nito, bakit wala kailanmang nakakita sa isang unggoy na naging tao sa lahat ng taong ito? Ang lahat ng kautusang ito ay itinakda ng Diyos. May kinalaman ba ang mga ito sa mga unggoy na nagiging tao? (Wala.) Walang gayong bagay. Itinakda ng Diyos ang lahat ng kautusang ito at ang buong kaayusang ito. Kung sapat na mapalad ang mga tao para manatili, sa panahong iyon ay hindi lang nila igagalang, pananatilihin at pangangasiwaan ang buong kaayusan na ito at ang lahat ng mga kautusang ito, higit sa lahat, sila rin ang magiging pinakamalaking benepisyaryo ng buong kaayusang ito at ng lahat ng kautusang ito. Inihanda ng Diyos ang lahat ng ito para sa sangkatauhan, at itinakda ito para sa mga tao—handa na ang lahat ng bagay para tamasahin ng mga tao. Sa lahat ng bagay, ang mga nilikha na mga tao ang pinaka-pinagpala. Ang mga tao ay may lengguwahe, pag-iisip, kayang marinig ang tinig ng Diyos, kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos, may lengguwaheng ginagamit para makausap ang Diyos, at ang pinakadalubhasa sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Ang pinakamalaking pagpapala sa kanila ay na pinagkalooban sila ng Diyos ng pinakamalaking kapital na magagamit nila para magtamo ng kaligtasan at makaharap sa Kanya. Sa huli, ang lahat ng ginawa ng Diyos, at ang buong kaayusang ito at ang lahat ng kautusang itinakda ng Diyos ay mangangailangan ng mga tao para mangasiwa, at mangangailangan ng mga tao para mapanatili. Iyong mga taong nagsasaliksik at naninira lang, nakapipinsala, at binabaliko ang buong kaayusang ito at lahat ng kautusang ito ay dapat na lipulin. Nagdusa ang mga tao ng labis na paghihirap. Umiiral ba talaga ang magandang destinasyon na pinaniniwalaan ng mga tao sa puso nila, at na hinahangad at inaasam nila? Hindi talaga ito umiiral. Isa lang itong pagnanais at ambisyon ng mga tao, at naiiba ito sa gustong ipagkaloob ng Diyos sa mga tao. Dalawang magkahiwalay na bagay ang mga ito at walang kinalaman ang mga ito sa isa’t isa. Kaya’t ang bahaging “pagdadala ng mabigat na pasanin” sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi umiiral sa mga tao. Ano ang ibig Kong sabihin na hindi ito umiiral? Na ang magandang destinasyon na pinaniniwalaan mo at ang mga bagay na gusto mong matupad sa mga ambisyon at pagnanais sa kaibuturan ng iyong puso, ay hindi talaga umiiral. Gaano man katinding paghihirap ang pinagdurusahan mo o gaano katinding kawalang-dignidad ang tinitiis mo, sa huli ang destinasyong inaasam-asam mo, ang mga bagay na ninanais mong makamit, ang taong ninanais mong maging, at ang antas kung saan mo gustong mabiyayaan ay hindi makatwiran. Hindi iyon ang mga bagay na gustong ipagkaloob sa iyo ng Diyos. Anong iba pang problema ang mayroon dito? Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay kapag itinatago ng mga tao ang tunay na kakayanan nila sa pamamagitan ng pagtitiis ng kawalang-dignidad, pagkatapos ay magdurusa ng kawalang-dignidad para makamit ang mga layon nila. Ano ang mga layong ito? Ito ang mga mithiin at maging mga pagnanais sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Kaya kapag nagdurusa ang mga mananampalataya ng paghihirap ito ba ay para matugunan ang isang pagnanais? (Hindi.) Kung gayon para saan ito? Kapag nagdurusa ng paghihirap ang mga mananampalataya, ang layunin ba na gusto nilang hangarin at kamtin ay positibo o negatibo? (Positibo.) Konektado ba ito sa pagnanais? (Hindi.) Kung gayon, ano ang positibong layong ito? (Para iwaksi ang tiwaling disposisyon nila, maging isang tunay na tao, at magawang mabuhay nang mas mabuti.) Para iwaksi ang tiwaling disposisyon nila, maging isang tunay na tao, at mabuhay nang mas mabuti. Ano pa? Para maging isang taong ligtas, at para hindi na muling maghimagsik laban sa Diyos. Gusto ninyo bang maging katulad nina Job at Pedro? (Oo.) Kung gayon hindi ba’t ito ay isang layon? (Oo.) Konektado ba ang layong ito sa pagnanais? (Hindi.) Ang layong ito ay isang nararapat na paghahangad, at ang layon at landas na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao. Ito ay nararapat. Kaya sinasabi Ko na ang paghihirap na pinagdurusahan mo dahil sa nararapat na layong ito ng paghahangad ay hindi pagtitiis ng kahihiyan. Sa halip, ito ang dapat na hangarin ng mga tao, at ito ang landas na dapat tahakin ng mga tao. Kaya bang tahakin ng mga taong iyon na nag-iisip nang malalim sa puso nila na sila ay taong nagtitiis ng kahihiyan ang landas na ito? Hindi nila kaya, at hindi rin nila kayang makamit ang layong ito.

Kung titingnan ito ngayon, katotohanan ba ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Hindi.) Hindi ito ang katotohanan, at hindi ito ang pamantayan para sa kung paano dapat kumilos ang mga tao, umasal, o sumamba sa Diyos. Kailangan ba ng mga tao na tiisin ang kahihiyan at dalhin ang mabigat na pasanin para maligtas ng Diyos? (Hindi.) Tama ba o maling sabihin na nakamit ng isang tao ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Mali.) Paano ito naging mali? Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi pagsasagawa ng katotohanan, kaya paano niya makakamit ang kaligtasan? Katulad ito ng pagsasabi na pumatay ng mga tao ang isang tao, nanunog ng mga bagay at gumawa ng maraming masamang bagay, at sa kalaunan ay naging isang “lider na minahal ng mga tao.” Hindi ba’t katulad ito ng pagsasabi nito? (Oo.) Ito ang ibig sabihin nito. Malinaw na nasa landas siya ng kabuktutan, subalit naging isang positibong tao siya. Isa itong kontradiksiyon. Kung sasabihin ng isang tao na ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nagkamit ng pagiging kaayon ng Diyos, o ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nanatiling matatag sa panahon ng mga pagsubok, o na ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nakompleto ang atas ng Diyos—alin sa mga pahayag na ito ang tama? (Wala sa mga ito ang tama.) Wala sa mga ito ang tama. Tama bang sabihin na may isang tao na nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin habang nagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong kanayunan? (Hindi.) Nakikita Kong hindi sigurado ang ilang tao, iniisip na, “Tama ba ito? Sa tingin ko, tama ang pahayag na iyon, hindi ba? Maraming pagkakataon na kailangang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin ang mga tao habang nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos.” Ang paggamit sa pariralang ito sa kontekstong ito ay tama, hindi ba? (Hindi, hindi ito tama.) Bakit hindi? Sabihin mo sa Akin. (Dahil ang epekto na nakamit sa pamamagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi positibo.) Ito ba ang tamang paglalapat? Suriin mo kung paanong mali ang pariralang ito. Himayin mo ito. “Sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin habang nagbabahagi ng ebanghelyo, napagbalik-loob nila ang maraming tao, labis na nagbunga, at naipalaganap ang pangalan ng Diyos.” Hindi mo ba alam kung tama ang pahayag na ito? Kung ilalapat natin ito alinsunod sa bawat pahayag na pinagbahaginan natin ngayon, hindi tamang gamitin ang pariralang ito sa sitwasyong ito, subalit kung iisipin natin nang mas malalim ang tungkol sa kung paanong kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo ang ilang tao ay sinasaktan o sinisigawan sila ng mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo at itinataboy sa mga pintuan ng mga ito, maituturing ba ito bilang pagtitiis ng kahihiyan? (Hindi.) Kung gayon ano ito? (Paghihirap na dapat pagdusahan ng mga mananampalataya habang nagpapalaganap ng ebanghelyo.) Tama iyon. Ito ay paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao. Ito ang kanilang responsabilidad, kanilang obligasyon, at ang atas na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao. Katulad ito ng kung gaano kasakit ang panganganak—hindi ba’t paghihirap ito na dapat pagdusahan? (Oo.) Kung sasabihin ng isang babae sa kanyang anak na, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin para isilang ka sa mundo,” tamang bagay ba na sabihin iyon? (Hindi.) Nagdusa siya ng paghihirap, kaya bakit maling sabihin ito? Dahil paghihirap ito na dapat niyang pagdusahan. Halimbawa, kung naghanap ang isang lobo nang maraming oras bago nakahuli ng isang kuneho, at sinabing, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin para makakain ng isang kuneho,” tama ba iyon? (Hindi.) Para makakain ng kuneho, dapat magsakripisyo ang lobo ng isang bagay bilang kapalit. Hindi lang uupo roon ang kuneho at hihintayin itong kainin ng lobo. Anong gampanin ang ganoon kadali? Anuman ang gampanin, kailangan ng isang tao na palaging magsakripisyo ng isang partikular na bagay. Hindi ito pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Sa ngayon, ano ang lubos nating ikinategorya sa pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Negatibo.) Ikinategorya natin ito bilang isang negatibo at nakasisirang parirala, at ikinategorya ito bilang lohika ni Satanas at pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo. Wala itong kinalaman sa pananalig sa Diyos o sa mga positibong bagay. Kung sasabihin ng isang tao na, “Ipinalaganap ko na ang ebanghelyo sa loob ng maraming taon. Talagang tiniis ko ang kahihiyan at dinala ang mabigat na pasanin!” hindi ito angkop. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay iyong responsabilidad, at paghihirap na dapat mong pagdusahan. Kahit na hindi mo ipalaganap ang ebanghelyo, hindi ka ba magdurusa ng paghihirap sa pamamagitan lang ng pamumuhay? Ito ay paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao; ito ay nararapat. Ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin” ay halos inalis na sa sambahayan ng Diyos. Kung may magbanggit muli ng pariralang ito, paano mo ito bibigyang-kahulugan? Kung may magsasabing, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ako ng mabigat na pasanin sa bilangguan para hindi ako maging isang Hudas!” tama ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit hindi? Ang “para hindi maging Hudas” ay isang napakamakatarungang layon at makatarungang bagay na sabihin, kaya’t paanong hindi ito pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Ang isang mananampalataya ay hindi dapat maging isang Hudas.) Tama iyon. Paano naging makatwiran para sa isang mananampalataya na maging isang Hudas? Hindi ba’t katawa-tawang sabihin na ang hindi pagiging Hudas ay pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Ang pagpapatotoo sa Diyos ay ang iyong misyon. Ito ang patotoo kung saan dapat manindigan ang mga nilikha, at ang paninindigan kung saan dapat silang maging matatag. Hindi karapat-dapat sa papuri ng tao si Satanas. Ang Diyos ang Siyang dapat sambahin ng mga tao, at ganap na natural at makatwiran na sambahin ang Diyos. Kapag sinusubukan kang pasunurin ni Satanas sa kalooban nito, dapat kang manindigan sa iyong patotoo para sa Diyos, talikuran ang iyong buhay, at hindi maging isang Hudas. Hindi ito katumbas ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Naipaliwanag Ko na nang malinaw ang pariralang ito ngayon. Kung may magsasabing muli kung paano nila tiniis ang kahihiyan at dinala ang isang mabigat na pasanin, paano ninyo haharapin ang usaping ito? Mauunawaan nila kapag hinayaan mo silang makinig sa sermong ipinangaral Ko ngayon. Iyon ang pinakamadaling paraan.

C. Kagustuhang Huwag Sumuko sa Paglaban

Ang ikatlong pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo ay isang kagustuhang huwag sumuko sa paglaban. Anong uri ng disposisyon ang hindi pagsuko? Isang mapagmataas na disposisyon. Paanong hindi kailanman mabibigo ang mga tao? Paanong hindi kailanman makakagawa ng anumang mali, hindi kailanman makakapagsabi ng anumang mali, o hindi kailanman makakagawa ng anumang pagkakamali ang mga tao? Dapat mong aminin, “Isa akong karaniwang tao, at isa akong normal na tao. May mga kapintasan at pagkukulang ako. May mga pagkakataong mali ang nagagawa ko at mga pagkakataong mali ang nasasabi ko. Kaya kong gumawa ng maling bagay at sumunod sa maling landas. Isa akong karaniwang tao.” Kaya ano ang ibig sabihin ng hindi pagsuko? Ito ay kapag ang isang tao ay nabigo, nakatagpo ng mga hadlang, o naligaw sa maling landas, pero hindi nito inaamin. Pilit lang siyang nagpapatuloy. Nabibigo siya pero hindi pinanghihinaan ng loob, nabibigo pero hindi tinatanggap ang kanyang mga pagkakamali. Gaano man karaming tao ang nangangaral o kumukondena sa kanya, hindi siya umuurong. Iginigiit niya ang paglaban, pagtatrabaho at pagpapatuloy sa kanyang direksyon at patungo sa kanyang sariling mga layon, at hindi niya iniisip ang kapalit. Ito ang uri ng mentalidad na tinutukoy nito. Hindi ba’t lubos na mabuti ang mentalidad na ito sa paghimok sa mga tao? Sa mga anong sitwasyon karaniwang ginagamit ang “Huwag sumuko”? Sa bawat uri ng sitwasyon. Saanman umiiral ang mga tiwaling tao, umiiral ang pariralang ito; umiiral ang kaisipang ito. Kaya para saan naisip ng mga taong kauri ni Satanas ang kasabihang ito? Upang hindi kailanman maunawaan ng mga tao ang kanilang sarili, hindi makilala ang kanilang sariling mga pagkakamali, at hindi matanggap ang kanilang sariling mga pagkakamali. Upang hindi lamang makita ng mga tao ang marupok, mahina at walang kakayahang bahagi ng kanilang sarili, kundi sa halip ay makita ang bahagi ng kanilang sarili na may kakayahan, at ang bahagi ng kanilang sarili na makapangyarihan at buo ang loob, hindi maliitin ang kanilang sarili, kundi isipin na sila ay may kakayahan. Hangga’t iniisip mong kaya mo, kaya mo; hangga’t iniisip mong kaya mong maging matagumpay, hindi mabibigo, at kayang maging pinakamahusay, mangyayari ito sa iyo. Hangga’t mayroon ka ng determinasyon at kapasiyahang iyon, ng ambisyon at pagnanais na iyon, magagawa mo ang lahat ng ito. Ang mga tao ay hindi hamak; sila ay makapangyarihan. May kasabihan ang mga walang pananampalataya: “Ang iyong entablado ay kasinlaki ng iyong puso.” Gustung-gusto ng ilang tao ang kasabihang ito sa oras na marinig nila ito: “Wow, gusto ko ng sampung karat na brilyante, ibig sabihin ba nito ay makukuha ko ito? Gusto ko ng isang Mercedes Benz, ibig sabihin ba nito ay makukuha ko ito?” Tutugma ba ang makukuha mo sa lawak ng pagnanais ng puso mo? (Hindi.) Ang kasabihang ito ay isang panlilinlang. Sa madaling salita, ang pagmamataas ng mga taong naniniwala at kumikilala sa pariralang “Huwag sumuko” ay walang hangganan. Alin sa mga salita ng Diyos ang tuwirang sinasalungat ng paraan ng pag-iisip ng mga taong ito? Hinihingi ng Diyos na maunawaan ng mga tao ang kanilang sarili, at umasal sa praktikal na paraan. Ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon; sila ay may mga pagkukulang at isang disposisyong lumalaban sa Diyos. Walang mga perpektong tao sa lahat; walang taong perpekto; mga karaniwang tao lang sila. Paano hinimok ng Diyos ang mga tao na umasal? (Sa paraang mabuti ang pag-uugali.) Ang umasal nang may mabuting pag-uugali, at kumapit nang mahigpit sa kanilang lugar bilang mga nilikha sa isang praktikal na paraan. Hiningi ba kailanman ng Diyos sa mga tao na huwag sumuko? (Hindi.) Hindi. Kung gayon ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga tao na sumusunod sa maling landas, o nagbubunyag ng tiwaling disposisyon? (Sinasabi Niya na kilalanin at tanggapin ito.) Kilalanin at tanggapin ito, pagkatapos ay unawain ito, magawang baguhin ang sarili nila, at kamtin ang pagsasagawa ng katotohanan. Sa kabaligtaran, ang hindi pagsuko ay kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang kanilang sariling mga problema, hindi nauunawaan ang kanilang mga pagkakamali, hindi tinatanggap ang kanilang mga pagkakamali, hindi binabago ang kanilang sarili sa anu’t ano man, at hindi nagsisisi sa anu’t ano man, lalong hindi tinatanggap ang kataas-taasang kapangyarihan o mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi lang sa hindi nila hinahanap kung ano ang eksaktong kapalaran ng mga tao, o kung ano ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos—hindi lang sa hindi nila hinahanap ang mga bagay na ito, kundi sa halip, inilalagay nila ang kapalaran nila sa sarili nilang mga kamay; gusto nilang sila ang may huling salita. Gayundin, hinihingi ng Diyos sa mga tao na unawain nila ang kanilang sarili, tumpak na suriin at bigyang-halaga ang kanilang sarili, at gawin ang anumang magagawa nila nang maayos sa paraang praktikal at nang may mabuting pag-uugali, at nang kanilang buong puso, isipan, at kaluluwa, samantalang ginagawa ni Satanas na lubusang gamitin ng mga tao ang kanilang mapagmataas na disposisyon, at bigyan ng lubos na kalayaan ang kanilang mapagmataas na disposisyon. Idinudulot nito sa mga taong maging higit sa karaniwang tao, maging dakila, at magkaroon pa nga ng mga higit sa karaniwang kapangyarihan—idinudulot nito sa mga tao na maging mga bagay na hindi maaaring maging sila. Samakatwid, ano ang pilosopiya ni Satanas? Ito ay na kahit na mali ka, hindi ka mali, at na hangga’t mayroon kang mentalidad ng hindi pagtanggap ng pagkatalo, at hangga’t mayroon kang isang mentalidad na huwag sumuko, hindi magtatagal ay darating ang araw na magiging pinakamahusay ka, at hindi magtatagal darating ang araw na matutupad ang iyong mga kagustuhan at layon. Kaya, mayroon bang diwa kung saan ang ibig sabihin ng hindi pagsuko ay gagamit ka ng anumang pamamaraan para maisakatuparan ang isang bagay? Para makamit ang mga layunin mo, hindi mo dapat kilalanin na may kakayahan kang mabigo, hindi mo dapat paniwalaan na isa kang karaniwang tao, at hindi mo dapat paniwalaan na may kakayahan kang sumunod sa maling landas. Dagdag pa rito, dapat walang prinsipyo mong gamitin ang bawat uri ng pamamaraan o lihim na pakana para maisakatuparan ang mga ambisyon at pagnanais mo. Mayroon bang anumang bagay tungkol sa hindi pagsuko kung saan hinaharap ng mga tao ang kapalaran nila nang may saloobin ng paghihintay at pagpapasakop? (Wala.) Wala. Iginigiit ng mga tao na ganap na ilagay ang kapalaran nila sa sarili nilang mga kamay; gusto nilang kontrolin ang sarili nilang kapalaran. Hindi mahalaga kung saang daan man sila pupunta, pagpapalain man sila o anong uri man ng pamumuhay ang tataglayin nila, dapat sila ang may huling salita sa lahat ng bagay. May kasabihan ang mga walang pananampalataya: “Ang pagkakataon ay dumarating sa mga taong handa.” Anong uri ng kasabihan ito? Maraming tao ang gumugugol ng maraming taon sa paghahanda, na ginugugol ang kanilang buong buhay sa paghahanda, pero namamatay nang hindi kailanman nakakakuha ng pagkakataon. Paano ba dumarating ang pagkakataon? (Mula sa Diyos.) Kung hindi maghahanda ng pagkakataon ang Diyos para sa iyo, may silbi ba ang anumang paghahanda sa panig mo? (Wala.) Kung hindi plano ng Diyos na bigyan ka ng pagkakataon at hindi ito nakatadhana, kahit gaano karaming taon pa man ang gugulin mo sa paghahanda, ano ang silbi nito? Kaaawaan ka ba ng Diyos at bibigyan ng pagkakataon dahil gumugol ka ng napakaraming taon sa paghahanda? Gagawin ba ito ng Diyos? (Hindi.) Darating ang isang pagkakataon kung inihanda ito ng Diyos para sa iyo, at kung hindi ito inihanda ng Diyos para sa iyo, hindi ka makakakuha ng pagkakataon. Mayroon bang anumang silbi ang hindi pagsuko? (Wala.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ako sumusuko kailanman. Inilalagay ko ang kapalaran ko sa sarili kong mga kamay!” Mabagsik ang kanilang mga salita, pero hindi nakasalalay sa kanila kung makakamit nila ito o hindi. Halimbawa, mayroong isang babae na gustong magkaroon ng lalaking anak. Nagsilang siya ng maraming anak, pero lumabas na babae silang lahat. Sinasabi ng ibang mga tao sa kanya na huwag nang mag-anak pa at sinasabing hindi siya nakatadhana na magkaroon ng lalaking anak, pero hindi siya sumusuko, at sinasabi, “Hindi ako naniniwala. Hindi ako susuko!” Nang ang kanyang ikasampung anak ay babae rin, sumuko na siya sa wakas: “Mukhang hindi ako nakatadhana na magkaroon ng lalaking anak.” Hindi pa rin ba siya sumusuko? Mayroon pa rin ba siyang kumpiyansa? Naglalakas-loob pa rin ba siyang magkaroon ng marami pang anak? Hindi, hindi siya naglalakas-loob. Kapag may ilang ibang taong nagnenegosyo, pinaplano niyang kumita ng limandaang libong dolyar sa loob ng dalawang taon. Sa simula, nang wala siyang kinikita sa unang kalahating taon, sinasabi niya, “Hindi bale. Hindi mahalaga ang hindi kumita ng pera sa unang kalahating taon. Sigurado akong kikita ako sa huling kalahati.” Pagkalipas ng mahigit isang taon at hindi siya kumita, hindi pa rin siya sumusuko: “Hindi ako susuko kailanman. Naniniwala ako na ang lahat ay nasa mga kamay ng tao—marami akong pagkakataon!” Nang dalawang taon na ang lumipas, hindi siya kumita ng limampung libo, lalong hindi ng limandaang libo. Sa palagay niya ay wala siyang sapat na oras at wala siyang sapat na karanasan, kaya nagpatuloy siya at nag-aral nang dalawa pang taon. Pagkalipas ng apat na taon, hindi lang sa hindi siya kumita ng limandaang libong dolyar, kundi nawala halos lahat ng kanyang puhunan, pero hindi pa rin siya sumusuko: “Nakatadhana ako na magkaroon ng pera. Paanong hindi ko kayang kumita ng limandaang libong dolyar?” Kapag halos sampung taon na ang lumipas, magkakaroon pa rin kaya siya nitong layon na kumita ng limandaang libong dolyar? Kung tatanungin mo siya ulit kung magkano ang balak niyang kitain ngayong taon, sasabihin niya, “A, sapat na kung kaya kong mabuhay sa pamamagitan nito.” Hindi pa ba siya sumusuko? Nabigo siya, tama? Paano siya nabigo? Nabigo ba siya dahil masyadong mataas ang kanyang target na kita? Ito ba ay tungkol doon? Hindi. Ito man ay mga ari-arian ng mga tao, mga anak, ang paghihirap na kanilang dinaranas sa kanilang buhay, o kailan at saan sila pupunta, hindi nila mapagpapasiyahan ang alinman dito. Gustong pasukin ng ilang tao ang pampublikong pangangasiwa, pero hindi sila kailanman nakakakuha ng pagkakataon—ang kawalan ba ng kakayahan ang dapat sisihin dito? May kakayahan sila, tuso, at alam kung paano bolahin ang mga tao, kaya bakit napakahirap para sa kanila na maging mga pampublikong opisyal? Maraming tao na hindi kasing-husay nila na mga naging opisyal, at maraming tao na minamaliit nila na naging mga opisyal. Ang mga taong ito ay magaling sa pagsasalita, mayroon silang tunay na talento, at matatag na edukasyon na kanilang nakamit, kaya kung gusto nilang maging mga pampublikong opisyal, bakit napakahirap nito? Noong bata sila, hindi sila kailanman sumuko, pero noong tumanda na sila at mga karaniwang kawani pa rin lang, sumuko na sila sa wakas, at sinabi, “Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit. Kung ito ay itinadhana, ito ay darating. Kung hindi, hindi ito makakamit sa pagsisikap.” Isinuko na nila ang kanilang sarili sa kanilang tadhana, hindi ba? Anong nangyari sa kanilang huwag-sumuko na mentalidad? Napapahiya ang mga tao sa harap ng mga katunayan.

Ano ang naidudulot sa mga tao ng isang huwag-sumuko na mentalidad? Pinapataba nito ang kanilang mga pagnanais at ambisyon. Ang idinudulot nito sa mga tao ay hindi positibong impluwensiya o patnubay; sa halip, nagdudulot ito ng isang uri ng negatibong, salungat na impluwensiya sa kanila. Ang mga tao mismo ay walang alam sa kanilang posisyon sa sansinukob, walang alam sa tadhanang pinlano ng Langit para sa kanila, at walang alam sa kataas-taasang kapangyarihan o mga pagsasaayos ng Diyos. Higit pa riyan, nakuha nila itong tinatawag na mental na saklay. Ano sa huli ang nangyayari kapag ang mga tao ay nasa isang sitwasyon kung saan nagagawa lang nilang mailihis? Gumagawa sila ng maraming gawain para sa wala, at gumagawa ng maraming walang silbing gawain. Para makamit ang kanilang mga layon, ang isang bagay ay na ang katawan at isipan ng mga tao ay nagtamo ng hindi maliit na kawalan at trauma, at tiyak na marami rin silang ginawang labis na kasamaan para maisakatuparan ang kanilang mga pagnanais, ambisyon at layon. Ano ang kahihinatnan ng kasamaang ito sa mga tao sa kanilang susunod na buhay? Magdadala lang ito ng kaparusahan. Ang idinudulot ng isang tiwaling disposisyon sa mga tao ay ambisyon at pagnanais. Sa mga bagay na idinudulot ng mga ambisyon at pagnanais ng mga tao na gawin nila, lehitimo ba ang alinman sa mga ito? Naaayon ba sa katotohanan ang alinman sa mga bagay na ito? (Hindi.) Ano ang mga bagay na ito? Mga gawa lang ito ng kasamaan. Ano ang sinasaklaw ng kasamaang ito? Ang pagiging tuso sa iba, pandaraya sa iba, pamiminsala sa iba, at panlilinlang sa iba. Nauuwi ang mga tao sa pagkakaroon ng malaking pagkakautang sa iba, at maaaring muling isilang bilang isang hayop sa susunod nilang buhay. Kung sino man ang pinakalabis nilang pinagkakautangan, kung sino man ang pinakalabis nilang nilinlang, at kung sino man ang pinakalabis nilang dinaya, sa pamamahay nito sila maninirahan bilang isang hayop, hindi makapagsalita at inuutus-utusan ng mga tao. Kahit na muli silang isilang bilang isang tao, dadanas sila ng isang buhay ng walang katapusang paghihirap; dapat nilang pagbayaran ang kanilang ginawa. Ito ang magiging negatibong kahihinatnan. Kung hindi sila ginabayan ng kasabihang “Huwag sumuko,” hindi mapapataba ang kanilang mga ambisyon at pagnanais, at kung hindi natupad ang kanilang mga ambisyon at pagnanais sa loob ng dalawa o tatlong taon, malamang na talikuran sila ng mga tao, pero sa oras na mang-udyok si Satanas, lolobo nang lolobo ang kanilang mga pagnanais. Hindi problema ang mismong paglobong ito, pero idinudulot nito sa kanila na tumapak sa buktot na landas. Kapag nasa buktot na landas ang isang tao, kaya ba niyang gumawa ng mga mabuting bagay? Kaya ba niyang gumawa ng mga makataong bagay? Hindi, hindi niya kaya. Gagamit siya ng anumang pamamaraan para maisakatuparan ang kanyang mga hangarin at layon, manunumpang hindi siya magpapahinga hangga’t hindi naisasakatuparan ang kanyang mga layon, at kaya niyang gumawa ng anumang uri ng masamang bagay. Tingnan mo lang, may mga kaso ba kung saan pinapatay ng mga anak ang kanilang mga magulang para makuha ang kanilang mga ari-arian? (Oo.) Masyadong maraming pagkakataon kung saan pumapatay ang mga tao ng kanilang mga kaibigan at minamahal sa buhay gamit ang kanilang sariling mga kamay alang-alang sa kanilang pansariling interes. Kapag nakatagpo ang dalawang tao ng parehas na kapaki-pakinabang na pagkakataon at dapat silang maglaban para dito, gumagamit sila ng anumang pamamaraan na kaya nila para makuha ito. Ano ang kanilang mga paniniwala sa pinakamahalagang sandali? “Hindi ako susuko. Talagang hindi ako puwedeng mabigo sa pagkakataong ito. Kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, baka hindi na ako makatagpong muli ng ganitong magandang pagkakataon sa buong buhay ko. Kaya, dapat manalo ako sa pagkakataong ito. Talagang dapat makuha ko ang pagkakataong ito. Hindi importante kung sino man ang humadlang sa aking landas, papatayin ko sila nang walang itinatangi!” Ano ang mangyayari sa huli? Papatayin nila ang ibang tao. Maaaring nakamit at natugunan nila ang kanilang layon at pagnanais, pero nakagawa rin sila ng kasamaan, at nagdulot ito ng kapahamakan. Maaaring hindi mapanatag ang kanilang puso sa buong buhay nila, maaaring makaramdam ito ng pag-akusa, o maaaring ganap itong walang kamalayan. Gayunpaman, ang katunayang hindi nila ito lubos na naiintindihan ay hindi nangangahulugang hindi tinukoy ng Diyos ang bagay na ito. May paraan ang Diyos sa pangangasiwa nito. Maaaring naisakatuparan ng taong ito ang kanyang layon sa buhay na ito, maaaring napagtagumpayan niya ito, pero sa susunod na buhay ay dapat siyang magbayad ng matinding halaga para sa kanyang ginawa sa buhay na ito, na malamang na isang masamang gawa. Maaaring pagbayaran niya ito sa isang buhay, o dalawang buhay, tatlong buhay, o sa walang hanggan pa nga. Masyadong matindi ang halagang ito! Kaya paano nangyari ang kinahinatnang ito? Bunga ito ng iisang parirala, iisang pananampalataya. Gustong kunin ng taong ito ang pagkakataong iyon. Hindi siya tumatanggap ng pagkatalo, hindi siya sumusuko, at hindi niya hinahayaan ang kanyang sarili na mabigo. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon nang mahigpit. Kaya naman, nagbubunga ito ng kapahamakan. Matapos maganap ang kapahamakan, hindi magiging sapat ang isa o dalawang taon para magbayad at makabawi sa mga kinahinatnan. Hindi ba’t masyado itong malaking halaga? Ang buhay ng mga tao ay walumpu hanggang siyamnapung taong haba, at ang mga mas maigsi ay limampu hanggang animnapung taon. Nagkamit ka man ng mga personal na benepisyo, katayuan, pera, o mga iba pang materyal na bagay, matatamasa mo nang may kamalayan ang mga bagay na ito nang dalawampu o tatlumpung taon. Gayunman, sa dalawampu o tatlumpung taon na ito, maaaring magbayad ka ng halaga sa bawat isa sa iyong mga buhay, sa kabuuan ng walang hanggan. Hindi ba’t masyadong malaki ang halagang ito? (Oo.) Hindi nauunawaan ng mga taong hindi nananampalataya sa Diyos ang katotohanan, ni hindi nila alam na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay na ito. Kaya may kakayahan silang gumawa ng mga bagay na kahangalan alang-alang sa kanilang makasariling pagnanais, isang panandaliang nakakabulag na pagnanais para sa pansariling interes, sa ilalim ng dominasyon ng ilang kuru-kuro o satanikong lohika, na nag-iiwan sa kanila ng walang hanggang pagsisisi. Ang “walang hanggan” ay hindi nangangahulugang dalawampu o tatlumpung taon sa buhay na ito, kundi sa halip ay na dapat silang magdusa sa bawat buhay kabilang na ito. Hindi mauunawaan ng mga taong hindi nananampalataya sa Diyos ang mga bagay na ito, at kung ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay hindi nauunawaan ang katotohanan o hindi nila kilala ang Diyos, hindi rin nila mauunawaan ang mga bagay na ito. Hindi gumagawa ang ilang tao ng mga bagay na malinaw na masama. Kung titingnan mo sila mula sa panlabas, hindi sila pumapatay ng tao o nagniningas ng mga apoy, at hindi hayagang naglalagay ng mga bitag para sa ibang mga tao, pero marami silang lihim na taktika. Sa mga mata ng Diyos, pareho ang katangian ng kasamaang ito at ng malinaw na kasamaan. Ano ang ibig Kong sabihin sa pareho sila ng katangian? Ibig Kong sabihin na mula sa kinatatayuan ng Diyos, ang mga prinsipyong Kanyang ginagamit para kondenahin ang mga bagay gaya ng mga ito ay pareho. Gumagamit Siya ng parehong pamamaraan at parehong aytem ng katotohanan para kondenahin sila. Kinokondena ng Diyos ang lahat ng bagay na ito na ginawa ng mga taong iyon, anuman ang kanilang motibasyon para gawin ang mga iyon, at kung ginawa man nila ang mga iyon sa sambahayan ng Diyos o sa mundo. Kung nananampalataya ka sa Diyos pero ginagawa mo pa rin ang mga bagay na ito, magiging iba ba ang kalalabasan na ibibigay sa iyo ng Diyos sa huli kaysa roon sa mga walang pananampalataya? Sabihin mo sa Akin, magiging maluwag ba ang Diyos sa iyo at babaguhin ang Kanyang matuwid na disposisyon dahil sa katunayan na nanampalataya ka sa Kanya sa loob ng maraming taon at nagserbisyo para sa iglesia sa loob ng ilang taon? Posible ba ito sa tingin ninyo? Talagang hindi ito posible. Ano ang ibig Kong sabihin nito? Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, ang ginagawa mong kasamaan ay kasamaan, at kapag nauunawaan mo ang katotohanan, ang ginagawa mong kasamaan ay kasamaan pa rin. Mula sa kinatatayuan ng Diyos, kasamaan ang lahat ng ito. Katumbas ng bawat isa ang dalawang uri ng kasamaan na ito. Walang pinagkaiba ang dalawa. Hangga’t hindi naaayon sa katotohanan ang isang bagay, ito ay kasamaan. Mula sa kinatatayuan ng Diyos, walang pinagkaiba sa katangian sa pagitan ng dalawa. Dahil pareho silang kasamaan, dapat pagbayaran ng mga tao ang kasamaang kanilang ginawa sa parehong kaso—dapat silang magbayad ng halaga. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Pagdudahan mo man ito o paniwalaan ito, ito ang ginagawa ng Diyos, at ganito Niya tinutukoy ang mga bagay-bagay. Ano ang ibig Kong sabihin nito? Isang katunayan ang ibig Kong sabihin sa inyong lahat: Hindi mo dapat ipagpalagay, “Pinili ako ng Diyos, kaya kinalugdan Niya ako. Nauunawaan ko ang maraming katotohanan. Kung gagawa ako ng kaunting kasamaan hindi ito tutukuyin o kokondenahin ng Diyos. Maaari kong gawin kung ano ang gusto ko. Magagawa ko ang kasamaan sa aking kamay gamit ang pagdadahilan ng pagdanas ng paghihirap para sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung gayon hindi ito kokondenahin ng Diyos, hindi ba?” Mali ka. Pareho ang mga prinsipyo ng Diyos sa pagkondena ng kasamaan. Hindi mahalaga kung saang lugar ito nangyayari, o sa aling grupo ng mga tao ito umiiral. Hindi pinag-iba ng Diyos ang iba’t ibang lahi, ni hindi sa pagitan ng mga taong Kanyang pinili at ng mga hindi Niya pinili. Sila man ay walang pananampalataya o mananampalataya, iisa ang pagtingin sa kanila ng Diyos. Nauunawaan ninyo? (Oo, nauunawaan namin.)

“Huwag sumuko” ay isang bagay na sinasabi ng mga tao kapag ginagabayan sila ng isang satanikong disposisyon, at isa itong mentalidad na itinataguyod ng satanikong mundo. Ano ang tingin natin sa mentalidad na ito? (Isang sakit sa pag-iisip.) Isa itong paraan ng pag-iisip at isang prinsipyong taglay ng mga tao para sa pamumuhay at paggawa ng mga bagay-bagay na itinataguyod ng mga taong may sakit sa pag-iisip. Sinusulsulan at inuudyukan nito ang mga tao para gumamit ng anumang pamamaraang posible para matugunan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais, hindi kailanman panghinaan ng loob kahit ano pa man ang sitwasyon, hangarin ang mga bagay ayon sa prinsipyong “matatag kang tumayo at huwag sumuko,” at hindi pagsusuri kung mabuti o hindi ang kanilang mga pagnanais at ambisyon; hangga’t taglay nila ang mentalidad na ito, karapat-dapat itong purihin. Kung sinaliksik ng isang tao ang isang bagay na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, hindi sumuko, hindi pinanghinaan ng loob sa pagkabigo, nagpatuloy sa pagpapaunlad tungo sa positibong direksyon, at nagpatuloy sa pananaliksik para makapamuhay ng magandang buhay ang mga tao sa hinaharap, medyo kapuri-puri ito. Gayunpaman, ito ba ang layon na hinahangad ng sangkatauhan sa mundong ito? Sino ang walang pag-iimbot na gumagawa ng ganitong mga bagay para sa ikakabuti ng sangkatauhan? Wala. Kahit pa may ilang tao na sa panlabas ay gumagawa ng mga bagay-bagay bilang pagsuporta sa paggawa ng kabutihan para sa sangkatauhan, sa likod nito, ginagawa nila ito para sa sarili nilang reputasyon at propesyonal na tagumpay, para tumatak ang kanilang pangalan sa kasaysayan. Ito ang kanilang mga layon, at wala sa mga ito ang marapat. Bukod sa mga ito, ano ang itinuturo ng huwag-sumuko na mentalidad na gawin ng mga tao? Una sa lahat, sinusubok ng huwag-sumuko na mentalidad ang mga hangganan at intuwisyon ng mga tao. Halimbawa, sa isang larangan ng palakasan, gumawa ng tatlong sunud-sunod na pag-ikot ang isang tao at hindi ito makayanan ng puso niya, at sinabi niya, “Hindi ako sumusuko. Dapat kong subukin ang aking mga hangganan at higitan ang Guinness World Record. Gagawa ako ng sampung pag-ikot!” Bilang resulta, nang ginagawa niya ang kanyang ikawalong pag-ikot, namatay siya. Paano kung wala siya nitong mentalidad na nag-uudyok sa kanya para gawin ito? (Gagawin niya ito ayon sa kanyang mga kakayahan.) Tama iyan. Ano ang hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao? Hinihingi ng Diyos na mamuhay ang mga tao sa normal na pagkatao, at pinapayagan ang mga tao na magkaroon ng kahinaan. May hangganan sa kung ano ang kayang tiisin ng pisikal na intuwisyon at mga organo ng mga tao. Dapat maging malinaw ang mga tao sa kung anong antas ang kaya nilang makamit. Malinaw ba sa taong iyon ang mga kahihinatnan ng kanyang paggawa ng sampung sunud-sunod na pag-ikot? Hindi ito malinaw sa kanya, at basta na lang niya itong ginawa at sinubok ang kanyang mga hangganan, kaya sino ang dapat sisihin sa kanyang kamatayan? (Siya ang dapat sisihin.) Ang pinagmulan ng kanyang pagsubok na gumawa ng sampung pag-ikot ay na lagi siyang inuudyukan ni Satanas, sinasabi, “Huwag ka dapat sumuko. Kaawa-awa ang pagsuko pagkatapos ng limang pag-ikot. Dapat walo ang gawin mo!” Nag-isip siya nang mabuti, “Hindi rin sapat ang walo. Sampu ang gagawin ko!” Bilang resulta, matapos gawin ang ikawalong pag-ikot, tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at tumigil ang kanyang paghinga. Hindi ba’t pinaglaruan siya ni Satanas? Siyempre, ginagamit lang natin ito bilang halimbawa; maaaring may tao na kayang gumawa ng dalawampung pag-ikot nang walang problema. Kapag mayroon ang mga tao nitong huwag-sumuko na kagustuhan para lumaban, lumalaban sila nang pabalik-balik at nauuwing sinasayang ang buhay nila. Isang medyo mas mabuting pangyayari ay kung sinayang lang nila ang buhay nila, pero hindi sila gumawa ng anumang kasamaan. Sa gayon maaaring may pagkakataon pa rin sila na muling isilang bilang isang tao sa kanilang susunod na buhay, at matitikman kung paano maging isang tao muli. Gayunpaman, ilang tao ang nakagawa ng malaking kasamaan at nagbunga ito ng kapahamakan, kaya dapat silang magbayad ng matinding halaga para dito nang ilang habambuhay; dapat patuloy silang bumawi para dito, at dumanas ng paghihirap sa bawat buhay. Kung hindi sila babawi sa lahat ng ito sa buhay na ito, may susunod pa ring buhay, at hindi alam kung ilang buhay ang kakailanganin nila para makabawi sa lahat ng ito. Ito ang resulta.

Kapag bigo ang ilang tao sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, tumatanggi silang tanggapin ito, at sinasabi, “Hindi ako sumusuko. Hindi ko napagbalik-loob ang sinuman sa pagkakataong ito—nabigo ako. Hindi ako puwedeng mabigo sa susunod. Talagang dapat maging saksi ako para sa Diyos, at maging isang lalaking anak na nagtatagumpay!” Mabuti na taglay ng mga tao ang kapasiyahang ito, pero paano naman ang katunayan na sila ay may kakayahang magsabi ng mga salitang “huwag sumuko”? Anong disposisyon ito? Hindi ba’t disposisyon ito ng arkanghel? Idinulot ba ng Diyos na magpatotoo sila sa ganitong paraan? Nauunawaan ba nila ang katotohanan? Pagpapatotoo ba tungkol sa Diyos ang kanilang ginagawa? Ang kanilang ginagawa ay pinapahiya ang Diyos. Anong uri ng mga tao ang mga ito sa tingin ninyo? (Mga hangal.) Mga hangal sila. Hindi nila nauunawaan ang katotohanan, pero sinasabi nilang nagpapatotoo sila tungkol sa Diyos—sapat na sana ito kung hindi nila ipinahiya ang Diyos. Anong uri ng mga salita ang “huwag sumuko”? Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang hindi kailanman pagtanggap ng pagkabigo ang ibig nilang sabihin. Ang totoo, nabigo ang mga taong ito, pero iniisip nila na nakamit nila ang mental na tagumpay sa hindi pagtanggap ng pagkabigo. May mataas na pagtingin ang lahat ng walang pananampalataya sa uri ng mentalidad kung saan patuloy na lumalaban ang mga tao pagkatapos ng maraming pagkabigo, at mas lumalakas ang loob habang mas marami silang kinakaharap na hadlang. Kung dati ay may ganito kang mentalidad, at sumandig sa ganitong uri ng mentalidad para lumaban para makamit ang isang layon, hindi ba’t kahiya-hiya ito? Aling mga aspekto ng tiwaling disposisyon ng mga tao ang pangunahing ipinapakita ng mga salitang “huwag sumuko”? Aling mga aspekto ng diwa ng mga tao ang kayang ilarawan ng mga salitang ito? Hindi ba’t ang ganitong mga tao—na mas pipiliin na mamatay kaysa sumuko at na mamamatay bago tanggapin ang pagkatalo—ay mapagmataas at walang katwiran? Ang katunayan na maaaring maging mapagmataas ng mga tao sa ganitong antas, at mas pipiliin na mamatay kaysa tumanggap ng pagkatalo, ay hindi lang isang problema ng kawalan ng katwiran; medyo kulang din sila sa katalinuhan, parang mga desperado. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil ba bata sila at walang-ingat?” Mayroong koneksiyon. May isang tanyag na kasabihan sa lipunan: “Kailangan mong itaya ang lahat para manalo.” Naglalarawan ito ng mentalidad ng mga kabataan ng pagtaya ng lahat, parang magagaliting kabataan. “Kung handa kang itaya ang iyong buhay, makakamit mo ang anumang bagay”—ito ang huwag-sumuko na mentalidad. May ganitong uri ba ng espiritu ang matatanda? Mayroon din sila. Tingnan ninyo, binubuo ng mga may-gulang na at nakatatanda ang halos lahat ng mga politikal na partido—matindi ang alitan! May mga tiwaling disposisyon ang mga tao at nabubuhay ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Mayroon silang lahat ng ganitong uri ng mentalidad humigit-kumulang. Wala itong kinalaman sa kung sila man ay matanda o bata, pero direkta itong nakaugnay sa kanilang disposisyon. Kung nananampalataya kayo sa Diyos at nauunawaan ang katotohanan, makikita ninyo nang malinaw ang bagay na ito, at malalaman na hindi naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang ganitong uri ng mentalidad, at na isang tiwaling disposisyon ito. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo makikita nang malinaw ang usapin na ito at iisipin mo, “Magandang magkaroon ng kahandaang lumaban; ito ay nararapat. Paano mabubuhay ang mga tao kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban? Kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban, walang anumang espiritung maiiwan sa kanila para mabuhay. Kung gayon, ano pa ang kabuluhan ng mabuhay? Tinatanggap nila ang bawat di-kanais-nais na sitwasyon—napakahina at napakaduwag naman niyon!” Iniisip ng lahat ng tao na dapat silang lumaban para sa dignidad hangga’t nabubuhay sila. Paano sila lumalaban para sa dignidad? Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa salitang “laban.” Anuman ang sitwasyong kinakaharap nila, sinusubukan nilang makamit ang kanilang mga layon sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Ang mentalidad ng hindi pagsuko ay nagmumula sa salitang “laban.” Ang bagay na pinaka-pinagpipitagan ng mga ateista ay isang espiritu ng pakikipaglaban. Nakikipaglaban sila sa Langit; nakikipaglaban sila sa mundo; nakikipaglaban sila sa ibang mga tao—ito ang bagay na pinaka-nagpapasaya sa kanila. Sa palagay nila ay kung mas may kakayahang makipaglaban ang isang tao, mas may kabayanihan ito—puno ng kaloobang lumaban ang mga bayani. Dito umusbong ang mentalidad ng hindi pagsuko; ito ang pusod ng pakikipaglaban. Hindi kailanman tinanggap ng lahat ng uri ng mga satanikong demonyo ang katotohanan, kaya ayon sa ano sila nabubuhay? Nabubuhay sila ayon sa satanikong pilosopiya ng pakikipaglaban. Sa pang-araw-araw nilang buhay ay nakikipaglaban sila. Anuman ang kanilang ginagawa, palagi nilang sinisikap na makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pakikipaglaban, at ipinagyayabang nila ang kanilang tagumpay. Sinisikap nilang lumaban para sa dignidad sa lahat ng kanilang ginagawa—matatamo ba nila ito? Para sa ano ba mismo sila nakikipagkompetensiya at nakikipaglaban? Ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan; ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kanilang pansariling interes. Bakit sila nakikipaglaban? Ito ay para umakto silang bayani at matawag na mataas na tao. Gayunpaman, ang pakikipaglaban nila ay dapat magtapos sa kamatayan, at dapat silang maparusahan. Walang duda rito. Saanman mayroong mga Satanas at mga demonyo, mayroong pakikipaglaban; kapag sa wakas ay nawasak na sila, magwawakas din ang labanan. Ito ang magiging kinalabasan ng mga Satanas at ng mga demonyo.

Dapat bang linangin at isulong ang mentalidad ng pagkakaroon ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban? (Hindi.) Kung gayon, paano ito dapat harapin ng mga tao? (Dapat itong talikuran ng mga tao.) Dapat itong kilalanin, kondenahin, at talikuran ng mga tao. Ang pariralang ito ay hindi ang katotohanan, at hindi ito isang pamantayan na dapat sundin, lalong hindi isang kahingian na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhan. Wala itong koneksiyon sa mga salita ng Diyos, at walang koneksiyon sa mga kahingian ng Diyos para sa mga tao. Ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao? Hindi kailangan ng Diyos na magkaroon ka ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban. Ang kailangan ng Diyos ay maunawaan ng mga tao ang sarili nilang tiwaling diwa, malaman kung anong uri ng tao sila, anong klase ng tao sila, ano ang kulang sa kanila, kung mataas o mababa ang kanilang kakayahan, ano ang kanilang kakayahang makaarok, kung sila ay taong tunay na nagmamahal sa Diyos, at kung sila ay taong nagmamahal sa katotohanan. Kailangan ng Diyos na tumpak mong maunawaan ang iyong sarili sa ganitong mga paraan, pagkatapos ay gawin ang kaya mo ayon sa sarili mong tayog at ayon sa iyong taglay na kakayahan, sa abot ng makakaya mo. Nilalaman ba nito ang kahulugan ng “pakikipaglaban”? (Hindi.) Hindi mo kailangang lumaban. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ba kayang labanan ang aking tiwaling disposisyon?” Kaya bang mapagtagumpayan ang iyong tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pakikipaglaban? Mababago ba ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban? (Hindi.) Hindi, hindi ito mababago. Sinasabi ng ilang tao, “Kaya ko bang labanan ang masasamang puwersa ni Satanas? Kaya ko bang labanan ang mga anticristo? Kaya ko bang labanan ang masasamang tao, mga taong may mga buktot na disposisyon, at mga taong nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo?” Tiyak na hindi ito ayos. Bakit hindi ito ayos? Hindi pagsasagawa ng katotohanan ang pakikipaglaban sa ganang sarili nito. Kailan sinabi ng mga salita ng Diyos: “labanan ang mga anticristo,” “labanan ang mga Pariseo,” “labanan ang mga mapagpaimbabaw,” o “labanan ang iyong mga tiwaling disposisyon”? Sinabi ba ng Diyos ang mga bagay na ito? (Hindi.) Sa kabaligtaran, sa lipunan, ang satanikong mundo ay may mga pakikipaglaban sa mga may-ari ng lupa, mga pakikipaglaban sa mga taong may-hawak ng kapangyarihan, at mga pakikipaglaban sa mga intelektuwal, gayundin ang mga labanan sa pagitan ng masa, mga sabong, mga labanan ng mga aso, mga huwego-de-toro, at iba pa. Gayunman, wala sa mga ito ang mabubuting bagay. Ang pakikipaglaban ay isang taktika kung saan sinasaktan ni Satanas ang mga tao at dinudulutan ng kalamidad ang mga nabubuhay na bagay. Hindi nito hinahayaan na payapang umiral nang magkasama ang sangkatauhan. Sa halip, lumilikha ito ng mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga tao, at pagkamuhi sa pagitan ng mga tao, pagkatapos ay idinudulot nitong mag-away-away ang mga tao at magpatayan habang pinapanood nito ang kasayahan at kaguluhan mula sa gilid. Bilang satanikong pag-uugali ito, kung lumilitaw ang ilang pag-uugali, kaganapan, o usapin sa iglesia at sa sambahayan ng Diyos na may kinalaman sa pakikipaglaban, paano ninyo titingnan ang mga bagay na ito? Itataas ba ninyo ang inyong hinlalaki bilang pagsuporta at pagsang-ayon, o ititigil ito? (Ititigil ito.) Dapat ninyong itigil ito, ipaliwanag sa kanila nang malinaw ang mga bagay-bagay, ipaunawa sa kanila, at sabihin sa kanila na dapat nilang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa katotohanan, gawin ang mga bagay-bagay nang naaayon sa mga prinsipyo, at kumilos nang may ganap na pagkakaayon sa mga salita ng Diyos. Puwede ninyo rin silang pungusan, pero ang pagpupungos, pangangaral, at maging ang pagdidisiplina sa kanila ay hindi pakikipaglaban. Ano ang tinutukoy ng pakikipaglaban? Ang pakikipaglaban ay pakikipagtalo sa ibang mga tao sa kung ano ang totoo at hindi totoo tungkol sa isang bagay dahil sa pagkamainitin ng ulo, pakikipagdiskusyon sa mga tao at pagiging hindi makatwiran, pagsusungit, maging paggamit pa nga ng mga lihim na pakana at mga mapanlinlang na balak, o paggamit ng mga taktika, pamamaraan at kakayahan ng tao para pwersahing magpasakop ang isang tao, talunin siya, at paulit-ulit siyang pahirapan hanggang sumuko siya. Tinatawag itong pakikipaglaban. Ang pakikipaglaban ay purong isang uri ng pag-uugali at kilos na mainitin ang ulo, at ito rin ay purong isang uri ng satanikong pag-uugali, pamamaraan at kakayahan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Wala itong kinalaman sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Paanong mali kapag nag-aalsa at lumalaban ang hinirang na mga tao ng Diyos sa mga taong tulad ng mga huwad na pinuno, anticristo, Pariseo at masamang tao? Hindi ba’t isang mabuting bagay na labanan sila hanggang sumuko sila, o mapaalis? Kung gayon, hindi ba’t magiging kalmado ang sambahayan ng Diyos? Kung gayon, hindi ba’t payapang makapagpapatuloy ang mga kapatid sa kanilang buhay-iglesia? Bakit hindi tayo pinapayagang lumaban sa mga taong ito?” Tama bang labanan ang mga taong ito? Una sa lahat, isang bagay ang tiyak, at iyon ay na mali ang pakikipaglaban. Bakit mali ito? Pinaparusahan at kinukondena ng Diyos ang mga masamang tao, kaya anong silbi kung labanan sila ng mga tao? Paanong mali kapag pinapahiya sila ng mga tao, pinupuna sila at pinapahirapan sila kapag wala silang magawang mas mabuti, binubulyawan sila, pinapabagsak sila sa lupa at pinipintasan sila? Nagtatakda ang Diyos ng mga atas administratibo, at sa mga atas na iyon ay walang mga tuntunin na nauukol sa pakikipaglaban. Nagtatakda lang ang Diyos ng mga atas administratibo, kung saan may mga pamamaraan at prinsipyo para sa pangangasiwa ng bawat uri ng tao. Sinasabi ng mga atas sa mga tao kung aling uri ng mga tao ang dapat patalsikin, aling uri ng mga tao ang dapat paalisin, aling uri ng mga tao ang dapat palitan, aling uri ng mga tao ang dapat linangin, aling uri ng mga tao ang dapat gamitin, aling uri ng mga tao ang hindi dapat gamitin, aling uri ng mga tao ang maililigtas, at aling uri ng mga tao ang hindi maililigtas. Sinasabi lang ng Diyos sa mga tao ang mga prinsipyo. Samakatuwid, bilang mga tao, paano ninyo dapat bigyang-kahulugan ang mga salitang ito ng Diyos? Lahat ng mga salitang ito ng Diyos ay ang katotohanan. Ano ang katotohanan? Ito ay na kapag ang Diyos ay gumagawa ng anumang bagay o nangangasiwa ng anumang uri ng tao, kahit na isang masamang tao ito, na nakagawa ng masasamang bagay, na nagdudulot ng labis na kawalan sa gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos, gagamitin pa rin ng Diyos ang Kanyang mga pamamaraan para pangasiwaan ito; talagang hindi Siya gagamit ng anumang mga sataniko o mainitin ang ulong pamamaraan para pangasiwaan ito. Ano ang tawag dito? Tinatawag itong patas na pagtrato sa mga tao. Mayroon bang nakapaloob na pakikipaglaban sa pagiging patas na ito? Wala. Ito ba ang katotohanan? (Oo.) Kahit gaano kamainitin ang ulo, gaano kasataniko, at gaano kasama ang taong ito, tinatanggap natin ang mga salita ng Diyos bilang pinakamataas na tagubilin, at bilang mga tumpak na prinsipyo na gagamitin para pangasiwaan siya. Hindi natin siya tinutuligsa, o pinagtutulungan dahil sa pagkamainitin ng ulo; talagang hindi natin ginagawa ang ganoong uri ng bagay. Ito ang tinatawag na patas na pagtrato sa mga tao, at ito ang mga prinsipyo na ibinigay ng Diyos sa mga tao.

Sa mundo ng Silangan, naroon ang tiyak na pariralang “kagustuhang huwag sumuko sa paglaban.” Sa mundo ng Kanluran, maaaring may isang parirala na may parehas na kahulugan. Hangga’t ginawa silang tiwali ni Satanas at namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, may satanikong disposisyon ang bawat tao, partikular na mapagmataas at mapagmagaling, at hindi sumusuko sa kanino man. Kapag itinutulak sila nitong uri ng disposisyon na ito, tiyak na lilitaw ang isang huwag-sumuko na mentalidad at paraan ng pag-iisip sa mga tao. Nakikita ng lahat ng tao ang ganitong uri ng pag-iisip at mentalidad na ipinapahayag ng sangkatauhan bilang marapat, positibo, at bilang isang bagay na sapat para suportahan ang mga tao habang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay at patuloy na nabubuhay. Kahit gaano kamarapat nilang tinitingnan itong tinatawag na mentalidad at pag-iisip na ito, at gaano ito kamarapat gaya ng sinasabi nila, dapat magkaroon tayong lahat ng pagkilatis dito. Sa buong sangkatauhan, wala ni isang lahing pinaghaharian ng katotohanan. Gaano man kataas, kaluma, o kahiwaga ang mga ideya o tradisyonal na kulturang nabuo ng isang lahi, o ang edukasyong natanggap, o ang kaalamang tinataglay nito, isang bagay ang tiyak: Wala sa mga bagay na ito ang katotohanan, o may anumang kaugnayan sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Ang ilan sa mga moralidad, o mga haka-haka sa pagsukat ng tama at mali, wasto at hindi wasto, itim at puti, na nakapaloob sa tradisyonal na kultura ay tila medyo malapit sa katotohanan.” Ang katunayang tila malapit sa katotohanan ang mga ito ay hindi nangangahulugan na malapit ang mga ito rito sa kahulugan. Ang mga kasabihan ng tiwaling sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas, hindi kailanman katotohanan ang mga ito, samantalang ang mga salita ng Diyos lang ang katotohanan. Kaya, gaano man kalapit sa mga salita ng Diyos ang ilan sa mga salita ng sangkatauhan, hindi katotohanan ang mga iyon at hindi maaaring maging katotohanan ang mga iyon; walang duda rito. Magkalapit lamang ang mga ito sa pananalita at pagpapahayag, ngunit ang totoo, hindi magkatumbas ang mga tradisyonal na haka-hakang ito sa mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Bagama’t maaaring medyo malapit ang literal na esensiya ng mga salitang ito, hindi pareho ang pinagmulan ng mga ito. Ang mga salita ng Diyos ay nagmumula sa Lumikha, samantalang ang mga salita, ideya, at pananaw ng tradisyonal na kultura ay nagmumula kay Satanas at sa mga demonyo. Sinasabi ng ilang tao, “Ang mga ideya, pananaw, at bantog na mga kasabihan ng tradisyonal na kultura ay kinikilala ng buong mundo na positibo; kahit kasinungalingan at maling paniniwala ang mga ito, maaari bang maging katotohanan ang mga ito kung itinataguyod ng mga tao ang mga iyon sa loob ng ilang daan—ilang libong—taon?” Hinding-hindi. Ang gayong pananaw ay kasing katawa-tawa ng pagsasabi na ang mga unggoy ay naging mga tao. Ang tradisyonal na kultura ay hindi kailanman magiging ang katotohanan. Ang kultura ay kultura, at gaano man ito karangal, isang bagay lamang ito na medyo positibo na kinatha ng tiwaling sangkatauhan. Ngunit ang pagiging positibo ay hindi katumbas ng katotohanan, ang pagiging positibo nito ay hindi pamantayan; medyo positibo lamang iyon, at wala nang iba. Kaya malinaw na ba ngayon sa atin kung mabuti o masama, sa konteksto nitong “pagiging positibo,” ang epekto ng tradisyonal na kultura sa sangkatauhan? Walang duda, masama at negatibo ang epekto nito sa sangkatauhan.

Ngayon hinimay natin ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Isa itong uri ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Hinimay rin natin ang bantog na idyoma na may makasaysayang pinagmulan “Pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo.” Hindi pa ba sapat ang dalawang pariralang ito para bigyan kayo ng bagong pagkaunawa sa tradisyonal na kultura ng sangkatauhan at mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo? Ano nga ba ang diwa ng tradisyonal na kultura at mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo? Una, makakatiyak ka na talagang hindi positibo ang mga bagay na ito. Lumilitaw ang mga ito mula sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao—si Satanas ang pinagmulan ng mga ito. Ano ang kanilang idinudulot sa sangkatauhan? Nililihis ng mga ito, ginagawang tiwali ng mga ito, at iginagapos at pinipigilan ng mga ito ang sangkatauhan. Tiyak ito at walang duda Lahat ng idinudulot ng mga ito sa sangkatauhan ay negatibong impluwensiya at negatibong epekto, kaya ang mga ito ba ang katotohanan? (Hindi.) Hindi ang mga ito ang katotohanan, pero itinatalaga pa rin ng sangkatauhan ang mga ito bilang ang katotohanan. Ano ang nangyayari dito? Nailihis ang mga tao. Dahil ang mga tao ay hindi naligtas ng Diyos, hindi nauunawaan ang katotohanan, at hindi narinig ang mga tumpak na bagay na sinasabi ng Diyos tungkol sa ganitong uri ng mga parirala at usapin, tinatanggap nila sa huli ang mga ideya at pananaw na, ayon sa kanilang mga kuru-kuro, sa tingin nila ay medyo tama, mabuti, at tumutugma sa kanilang kalooban. Unang pumasok sa puso nila ang mga bagay na ito at namayani roon, kaya kumakapit ang mga tao sa mga iyon sa loob ng daan-daan at libu-libong taon. Ang mga tradisyonal na kulturang ito na sa satanikong pilosopiyang ay matagal nang natanim sa puso ng mga tao, inililihis at iniimpluwensiyahan ang sali’t salinlahi ng mga tao. Kung hindi ninyo tatanggapin ang katotohanan, patuloy kayong maililihis at maiimpluwensiyahan ng mga pilosopiyang ito. Ngayon naghimay at nagbahagi ako tungkol sa “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” at “Pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo.” Isang kasabihan ang isa sa mga pariralang ito, isang idyoma naman ang isa pa. Sa dalawang pariralang ito ay makikita natin kung ano nga ba ang satanikong kultura sa buong mundo: Binubuo ito ng mga maling paniniwala at panlilinlang na nanlilihis sa mga tao, ginagawang tiwali ang mga tao, nakakasira sa mga tao, at pumipinsala sa mga tao. Kung susundin ng sangkatauhan ang mga pilosopiyang ito ni Satanas, habang dumaraan sila sa buhay, lalo lang magiging mas tiwali at buktot ang mga tao; magpapatayan sila, maglalaban-laban, at wala itong magiging katapusan. Walang magiging tiwala sa pagitan ng mga tao, walang maayos na pag-iral nang magkasama, at walang pagmamahalan sa isa’t isa. Sa madaling salita, ang idinudulot ng kulturang ito sa sangkatauhan ay masasamang kahihinatnan. Sa ilalim ng patnubay ng mga tinatawag na ideya at mentalidad na ito, idinudulot nito sa sangkatauhan na palaging gumawa ng masama, palaging lumaban sa Diyos, palaging subukin ang mga moral na hangganan ng mga tao, at gamitin ang anumang paraan para makamit ang kanilang mga layon. Sa huli, susundan nila ang landas ng pagwasak at mapaparusahan. Ito ang diwa ng kultura ng tao. Tungkol sa mga kasabihan, ano ang pananaw ninyo sa mga ito? Maaaring sabihin ng ilang tao, “Hindi mga tunay na ideya ang mga ito na itinataguyod ng sangkatauhan. Hindi sumusunod sa mga ito ang mga tao sa mataas na lipunan na nagtataglay ng medyo mataas na antas ng kabatiran.” Ngayon lang, hinimay natin ang isang idyoma na sinasang-ayunan ng mga tao sa mataas na lipunan, “pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo.” Mataas-na-antas ba ang idyomang ito? (Hindi.) Hindi ito mataas-na-antas, pero ang idyomang ito, ang mga ideyang ito at ang mga mentalidad na ito ay tiyak na pinupuri at itinataguyod ng lahat sa bawat paaralan pagkatapos ng sekondarya, at sa bawat mataas-na-antas na arena ng lipunan ng tao. Ito ang kultura ng tao. Ang sangkatauhan ay nakondisyon, namanhid, at ginawang tiwali ng mga aspektong ito ng tradisyonal na kultura. At ano ang huling resulta? Na ang sangkatauhan ay nailihis, napigilan, at naigapos ng tradisyonal na kultura, at likas na lumilitaw ang isang uri ng mentalidad at teorya, na itinataguyod at ikinakalat ng sangkatauhan, malawakang ipinapadala at ipinapatanggap sa mga tao. Sa huli, binibihag nito ang puso ng lahat, idinudulot na i-endorso ng lahat ang ganitong uri ng mentalidad at ideya, at ginawang tiwali ng ideyang ito ang lahat. Kapag sila ay nagawang tiwali sa isang tiyak na antas, wala nang anumang mga kuru-kuro ang mga tao tungkol sa tama o mali; hindi na nila gustong kilatisin kung ano ang katarungan at kung ano ang kabuktutan, ni hindi na nila handang kilatisin kung ano ang mga positibong bagay at ano ang mga negatibong bagay. Darating pa nga ang isang araw na hindi malinaw sa kanila kung totoong tao sila, at maraming taong maysakit ang hindi alam kung lalaki o babae sila. Gaano kalayo mula sa pagwasak ang isang lahi ng tao na tulad nito? Paano maikukumpara ang sangkatauhan ngayon sa mga tao sa panahon ni Noe? Hindi ba’t mas buktot pa sila? Naabot na nila ang tugatog ng kabuktutan, at napakabuktot nila na may ilang bagay na hindi ninyo kayang pakinggan—masusuklam kayo pagkatapos ninyo itong marinig. Ang lahat ng tao ay maysakit sa isang partikular na antas. Mula sa labas, mukhang tao ang katawan ng mga tao, pero ang mga bagay na iniisip nila sa puso nila ay talagang hindi ang mga bagay na dapat iniisip ng mga tao; maysakit silang lahat at walang kakayahang baguhin ang sarili nila. Ano ang ibig kong sabihin na wala silang kakayahang baguhin ang sarili nila? Ibig kong sabihin na marahil isa o dalawandaang taon ang nakakaraan, mas maraming tao ang handang makinig sa Diyos na magsalita at gumawa ng mga pagbigkas. Nagtiwala silang umiral ang katarungan sa mundong ito, gayundin ang pagiging matuwid at pagiging patas. Handa ang mga tao na tanggapin ang ganitong katunayan, at inasam nilang maisakatuparan ito. Lalo na, umasa silang darating ang araw na darating ang Tagapagligtas na magliligtas sa sangkatauhan mula sa impluwensiya ng kadiliman at kabuktutan. Gayumpaman, isa o dalawandaang taon ang lumipas, pakaunti nang pakaunti ang ganitong mga tao. Gaano karaming tao ang nakakaunawa sa mga salita ng Diyos? Gaano karaming tao ang kayang tumanggap ng katotohanan? Kahit na maraming tao ang tumanggap ng biyaya ng Diyos, ano ngayon? Mas bumababa ang bilang ng mga tao na tunay na sumusunod sa Kanya. Ibig sabihin, sa lahi ng tao, pakaunti nang pakaunti ang mga tao, na pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, ay lumalakas ang loob, may kakayahang magmahal ng mga positibong bagay, nananabik sa liwanag, nananabik sa katarungan, at nananabik sa pagdating ng kaharian ng Diyos, pagiging patas at pagiging matuwid. Ano ang ipinapakita nito? Na nalihis at ginawang tiwali ng mga pilosopiya, kautusan, ideya, at ng mga tinatawag na mentalidad ni Satanas ang buong lahi ng tao. Hanggang saan sila nalihis at ginawang tiwali? Tinanggap ng lahat ng tao ang mga panlilinlang at malademonyong kasabihan ni Satanas bilang ang katotohanan; sinasamba nilang lahat si Satanas at sinusunod si Satanas. Hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos, ang Lumikha. Kahit ano pa ang sabihin ng Lumikha, kahit gaano karami ang Kanyang sinasabi, at gaano kaliwanag at kapraktikal ang Kanyang mga salita, walang nakakaunawa; walang nakakaarok. Manhid at mapurol silang lahat, at magulo ang kanilang pag-iisip at isipan. Paano nagulo ang mga ito? Si Satanas ang gumulo sa mga ito. Lubusang ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao. Sa lipunan ngayon, mayroong lahat ng uri ng iba’t ibang ideya, ideyolohiya, at pahayag. Naniniwala ang mga tao sa kung alinman ang kanilang pinipili, at sinusunod ang kung alinman ang kanilang pinipili. Walang makakapagsabi sa kanila kung ano ang gagawin, ni walang may kakayahang makapagsabi sa kanila kung ano ang gagawin. Hanggang sa ganitong antas ito. Kaya ang katunayan na kaya ninyong piliing manampalataya sa Diyos ay isang biyaya. Ngayon, kaya ninyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos, mayroon kayong kaunting pagpapahalaga sa konsensiya, naniniwala kayo sa sinasabi ng Diyos, inaasam na dumating ang kaharian ng Diyos, at inaasam na mamuhay sa isang kaharian ng liwanag, katarungan, pagiging patas, at pagiging matuwid. Bihira ba para sa inyo ang magkaroon ng ganitong sinseridad? Paano niyo ito nakuha? Sa pamamagitan ito ng proteksyon ng Diyos at ng Banal na Espiritu na gumagawa sa iyo para bigyan ka ng kalinawan na kaya mong manampalataya sa Diyos at sumunod sa Kanya. Kung hindi gumawa ang Diyos sa iyo, makakarating ka ba ngayon dito bilang isang mananampalataya? Nagbago ka ba sa paraang mayroon ka ngayon? Tingnan mo lang, may wangis ng tao pa rin ba ang mga walang pananampalatayang iyon? Maaaring hindi mo maunawaan ang maraming katotohanan ngayon, at sa maraming kaso ang mga pananaw mo ay parehong-pareho pa rin sa mga walang pananampalataya—ano man ang iniisip nila, iyon din ang iniisip mo. Bagaman minsan hindi mo tinatanggap ang ilan sa kanilang pananaw, wala kang pagkilatis, at walang ibang landas na tatahakin. Kapag dumating ang araw na nauunawaan mo ang katotohanan, makikilatis mo na mali at buktot ang kanilang mga pananaw, at matatanggihan ng puso mo ang mga ito. Pagkatapos, malinaw mong makikita ang kanilang mga malademonyong mukha. Makikita mo na sila ang mga buhay na demonyo, hindi mga tao. Nagbabalatkayo sila bilang mga tao, pero hindi gumagawa ng mga bagay ng tao. Paano mo masasabing ito ang kaso? Ang mga salitang ipinapahayag nila ay lalong kaaya-ayang lahat sa pandinig at kayang manlihis ng mga tao, pero labis na buktot at hindi kaaya-aya ang kanilang ginagawa at isinasakatuparan, at ito ay talagang walang kahihiyan at hindi makatwiran. Ang mga tinatawag na ideya at mga tinatawag na mentalidad na kanilang kinakapitan ay labis na buktot at reaksyonaryo, ganap na sumasalungat sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, at ganap na mga kasalungat ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan, pero tinatanggap ng mga taong ito ang mga huwad na pangangatwiran at maling paniniwalang ito bilang ang katotohanan at matinding ipinahahayag ang mga ito, puspusan at hayagang itinataguyod ang mga ito para manlihis at gawing tiwali ang sangkatauhan, para mapagtakpan nila ang kanilang iba’t ibang napakababa at walang kahihiyang krimen at mga hindi kaaya-ayang mukha. Mula rito, malinaw mong makikita na demonyo silang lahat, gayundin mga hayop at maruming espiritu na hindi nakikinig sa katwiran. Hindi mo sila makatwirang makakausap, at hindi makakapagsabi ng mga mabuti o tunay na salita sa kanila. Kapag dumating ang araw na makakakita ka nang may ganitong antas ng kalinawan, malalaman mong ginawang tiwali nang napakalalim ang sangkatauhan; na kasing tiwali mo lang ang ibang mga tao; na sa kasalukuyang panahon lang kung kailan nananampalataya ka sa Diyos at nauunawaan ang ilang katotohanan na maaari mong maisabuhay ang kaunting wangis ng tao, makalayo sa impluwensiya ng mga demonyo at ni Satanas, at makilatis ang mga ito, kamuhian ang mga ito, at talikuran ang mga ito; na kung wala ang pagliligtas ng Diyos, magiging katulad ka rin nila—walang magiging pagkakaiba—at na kaya mong gumawa ng anumang uri ng masama o buktot na bagay. Ngayon hinahangad mo ang katotohanan, labis na gumagawa at nagsisikap para sa katotohanan, binibigyan ng pagpapahalaga ang pagsasagawa, at ginagawang sarili mong realidad ang katotohanan. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, naisasagawa ang katotohanan, naisasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos, at tinataglay ang tunay na patotoong batay sa karanasan, magiging masaya at mapayapa ang iyong puso, magiging mas normal ang iyong pag-iisip at kalagayan, magiging mas malapit at magiging mas normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, at magiging mas mabuti ang iyong mga araw. Kung hindi mo isinasagawa ang katotohanan, palaging namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya, at palaging hindi nauunawaan ang Diyos at pinaghihinalaan Siya, mas mapapalayo ang iyong puso sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang iyong pananampalataya sa Diyos, at wala kang makakamit. Kahit nanampalataya ka pa sa Diyos nang maraming taon, nakakaunawa ng maraming salita at doktrina, at hindi tumatanggap ng iba’t ibang nakalilinlang na kaisipan at pananaw ng mga walang pananampalataya, wala itong silbi. Ito ay dahil hindi mo nauunawaan ang katotohanan at nakakapagsalita ka lang ng ilang salita at doktrina, at hindi mo pa rin maisagawa ang katotohanan. Dahil ang mga bagay na iyon na unang pumasok sa puso mo at namayani roon, ay may kapangyarihan pa rin sa iyo, nakakapamuhay ka lang ayon sa mga bagay na ito. Ano pa man ang nais mong gawin, at ano pa mang sitwasyon ang dumating sa iyo, hindi mo matutulungan ang sarili mo mula sa pagiging kontrolado ng mga satanikong pilosopiyang ito. Kaya, kung may kapangyarihan ang mga satanikong pilosopiyang ito sa puso mo, hindi mo maisasagawa ang katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko isinasagawa ang katotohanan, ni hindi ko sinusunod si Satanas.” Posible ba ito? Walang gitnang landas. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa katotohanan, pag-unawa sa katotohanan, at pagpapaalis sa mga satanikong bagay na iyon na unang pumasok sa iyong puso at namayani roon, na maisasakatuparan mo ang paggawa ng mga bagay ayon sa katotohanan. Kapag may kapangyarihan ang katotohanan sa iyong puso at may kapangyarihan ang mga salita ng Diyos sa iyong puso, likas mong maisasagawa ang katotohanan sa kung ano ang sinasabi at ginagawa mo.

Ano ang pagtrato ng mga tao sa lohika at mga kaisipan ni Satanas, at sa mga mental na saklay na kumukontrol sa kung paano mamuhay ang mga tao? Sikolohikal na pagkain? Sabaw ng manok para sa kaluluwa? Ang totoo, ito ang mga bagay na gumagawang tiwali sa mga tao, at kung “uubusin sila” ng isa, mamamatay ang isa. Kung patuloy na tinatanggap ng mga tao ang mga bagay na ito at nag-iimbak ng mga satanikong bagay sa loob, ano ang ipinahihiwatig nito? Na hindi pa nila iwinaksi ang kanilang orihinal na tiwaling disposisyon, at nagpatuloy na tanggapin ang bagong katiwalian mula kay Satanas dagdag pa rito. Ibig sabihin nito ay katapusan na nila. Hindi maiiwasan na hindi sila maililigtas. Dapat mong patuloy na kilatisin at tanggihan ang mga bagay na ito, habang patuloy na iwinawaksi ang mga ito, hindi namumuhay ayon sa mga bagay na ito, at tinatanggap ang mga salita ng Diyos. May mga taong nagsasabi, “Hindi ko tatanggapin ang mga bagay na ito. Kusang papasok sa akin ang mga salita ng Diyos.” Hindi ito posible. Dapat aktibo mong hanapin ang katotohanan at tanggapin ang katotohanan, at sa pamamagitan ng proseso ng pag-unawa sa katotohanan, likas mong makakamtan ang pagkilatis sa mga huwad na pangangatwiran at maling paniniwala, at unti-unti mo silang bibitiwan. Sa ganitong paraan, unti-unting magiging mga prinsipyo mo sa paggawa ng mga bagay-bagay ang mga salita ng Diyos, at kapag gagawa ka ng mga bagay-bagay malalaman mo kung aling paraan ng paggawa sa mga ito ang naaayon sa mga layunin ng Diyos, napakalikas mong maisasagawa ang katotohanan, at magbabago ang aspektong ito ng iyong tiwaling disposisyon. Mahirap ba itong gawin sa tingin ninyo, o hindi? Sa totoo lang hindi ito mahirap. Ang tanging mahirap na bagay tungkol dito ay na hindi ito isinasagawa ng mga tao. Iniisip ng ilang tao, “Napakahirap nito—mas mahirap kaysa sa pag-akyat sa langit! Hindi ba’t pagtulak ito sa isang pato sa ibabaw ng isang dapuan? Hindi ba’t inilalagay ako nito sa isang mahirap na posisyon?” Iyon ba ang kaso? Hindi, hindi iyon ang kaso. Dapat mong harapin nang tama ang mga bagay na ito at magkaroon ka ng tamang pagkilatis sa mga bagay na ito. Ngayon gumugol ako ng napakahabang oras sa pagbabahagi at pagkilatis ng ilang satanikong panlilinlang, pero ang ilang bagay ba na ito ang tanging mga bagay na nakaimbak sa loob ng mga tao? (Hindi.) May higit na mas marami pa kaysa sa mga ito! Mamaya, magbabahagi ako tungkol sa mga paksang ito nang sunud-sunod. Dati, hindi ako nakapagbahagi tungkol sa aspektong ito, kaya pinagbulayan ba ninyo kailanman sa inyong sarili ang mga paksang ito? Hindi. Kung pagbubulayan ninyo ang mga ito, makakakuha ba kayo ng ilang resulta? Kung nagawa niyong maglaan ng kaunting pagsisikap sa katotohanan, magkakaroon sana kayo ng kaunting pagkilatis sa mga satanikong panlilinlang, hindi kayo magiging ganap na walang-alam tulad ninyo ngayon. Tila biglaan ba ang Aking pagbabahagi tungkol sa mga paksang ito ngayon? Mayroon bang magsasabi, “Hindi ba’t nagbabahagi tayo tungkol sa pagkilatis ng mga anticristo? Paanong bigla tayong nagbabahagi tungkol sa mga paksang ito?” May kinalaman sa tiwaling disposisyon ni Satanas ang lahat ng bagay na ito. May kinalaman rin ang lahat ng bagay na ito sa pagkilatis ng mga tao sa tiwaling disposisyon ni Satanas, at kapaki-pakinabang sa abilidad ng mga tao na tumpak na maunawaan ang katotohanan. Kahit papaano, pagkatapos magbahaginan, malalaman ng mga tao, “Lumalabas na ang malaking parirala na ito ay hindi ang katotohanan.” Mula sa puntong ito, maaaring maalis sa iyong puso ang mga panlilinlang gaya ng “Pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo” at “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Maaaring may ilan sa inyo na hindi kayang alisin ang mga ito sa sandaling ito, pero kahit papaano alam mong ang mga pariralang ito ay hindi ang katotohanan, at sa susunod na marinig mong may magsabi ng mga pariralang ito, malalaman mong mapanlihis ang mga parirala, at hindi mo tatanggapin ang mga ito. Kahit na nararamdaman ng puso mo na medyo tama ang mga parirala, at na mabubuting bagay pa rin ang mga itong gawin, iisipin mo rin, “Sinabi ng Diyos na ang mga pariralang ito ay hindi ang katotohanan. Hindi ako puwedeng kumilos ayon sa mga ito.” Hindi ba’t kapaki-pakinabang ito sa iyo? (Oo.) Ano ang Aking layon sa pagsasabi ng mga bagay na ito? Bakit ko hinihimay ang ganitong mga parirala? Palaging sinasabi ng mga mananampalataya, “Dapat nating isagawa ang katotohanan. Ang lahat ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay positibong bagay, at ang mga ito ang dapat nating isinasagawa.” Isang araw pupungusan ka, at lilitaw sa puso mo ang mga pariralang “Pagtulog sa mga sanga at pagdila ng apdo” at “Kapag igagawad na ng langit ang malaking responsibilidad sa isang tao, dumanas muna dapat ng sakit ang kanyang puso.” Ang mga ito ba ang katotohanan? Hindi ba’t isang biro iyon? Kung hiningi sa iyo na magpatotoo sa Diyos, paano mo ito gagawin? Sasabihin mo, “Dapat tiisin ng mga mananampalataya ang kahihiyan at dalhin ang isang mabigat na pasanin, matulog sa mga sanga at dumila ng apdo, at magkaroon ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban at mentalidad.” Pagpapatotoo ba ito sa Diyos? (Hindi.) Sa pagtrato sa satanikong lohika bilang mga salita ng Diyos at ang katotohanan at sa pagpapatotoo rito, hindi ka lang hindi nagpatotoo sa Diyos nang maayos, kundi naging katatawanan ka kay Satanas at pinahiya mo ang Diyos. Ano itong ginagawa mo na ito? Kung kukondenahin ka ng Diyos para dito, iisipin mong hindi ito makatarungan, at sasabihin, “Wala akong kaalam-alam. Hindi ko nauunawaan. Hindi kailanman nagbahagi ang Diyos sa akin tungkol dito.” Kung hindi ka niya kinukondena, pero napakalubha ng kalikasan ng mga kilos mo, ano ang dapat gawin ng Diyos tungkol dito? Ilagay ka sa isang tabi? (Hindi.) Walang kailangang gawin. Sa ganang Akin, ipapaunawa ko lang sa inyo hangga’t maaari, at ipapaalam sa inyo hangga’t maaari—ayon sa inyong antas ng pang-arok at ayon sa ano ang kaya kong sabihin sa inyo—kung ano talaga ang katotohanan, kung ang mga parirala na sa tingin ninyo ay mabuti at tama ay nakaugnay sa katotohanan, at kung ang mga ito ang katotohanan. Dapat Kong maipaunawa sa inyo ang mga bagay na ito. Kung, pagkatapos mong malaman ang mga bagay na ito, pareho pa rin ang iniisip mo, at mapilit ka pa rin, hindi ka ilalagay ng Diyos sa isang tabi, ni hindi ka Niya babalewalain. Karapat-dapat kang kondenahin, at kikilos ang Diyos. Bakit ito gagawin ng Diyos? Kung kikilos ka sa ganitong paraan habang hindi nauunawaan ang mga bagay na ito, tatratuhin ito ng Diyos bilang iyong pagiging mangmang at walang-alam, pero kapag talagang alam mo ang mga bagay na ito at kumikilos ka pa rin sa ganitong paraan, alam mong mali ang ginagawa mo, at dapat itong pangasiwaan ng Diyos ayon sa mga prinsipyo.

Disyembre 19, 2019

Sinundan: Ikawalong Aytem: Hinihimok Nila ang Iba na sa Kanila Lang Magpasakop, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikatlong Bahagi)

Sumunod: Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito