Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Yaong mga Hindi Isinasagawa ang mga Salita ng Diyos ay Maaalis

Bilis

Yaong mga Hindi Isinasagawa ang mga Salita ng Diyos ay Maaalis

I

Ang gawain, salita ng Diyos ay layong maghatid

ng pagbabago sa inyong disposisyon.

Ang layon Niya ay hindi lamang

upang maipaunawa sa inyo o makilala ito.

Hindi ito sapat, at hindi 'iyan ang lahat.

Kung nakakaya mong tanggapin,

ang salita ng Diyos ay madaling maunawaan.

Karamiha'y nakasulat sa wika ng tao.

Ang nais ng Diyos gawin at malaman n'yo

ay isang bagay na dapat maunawaan ng normal na tao.

Dapat danasin ng tao lahat ng uri

ng katotohanan sa salita ng Diyos.

Dapat nilang hanapi't aralin ito nang mas detalyado.

Di sila dapat maghintay at kunin ang 'binigay,

o sila'y mga manghuhuthot lamang.

Kung alam nila, hindi sinasagawa

ang katotohanan sa salita ng Diyos,

hindi nila ito mahal at sa huli sila'y aalisin.

II

Ang sinasabi ng Diyos ngayo'y napakalinaw.

Ito'y naaaninag at maliwanag.

At maraming bagay ang ipinapakita ng Diyos

na hindi pa naisip ng mga tao.

Naghahayag Siya ng iba't ibang kondisyon

na kayang makamtan ng tao.

Lahat saklaw ng mga salita ng Diyos.

Malinaw ang mga ito gaya ng bilog na buwan.

Maraming nakikitang isyu ang tao.

Ang dapat nilang sikaping makamit ay

isagawa ang Kanyang salita.

Iyon ang talagang kulang sa tao.

Dapat danasin ng tao lahat ng uri

ng katotohanan sa salita ng Diyos.

Dapat nilang hanapi't aralin ito nang mas detalyado.

Di sila dapat maghintay at kunin ang 'binigay,

o sila'y mga manghuhuthot lamang.

Kung alam nila, hindi sinasagawa

ang katotohanan sa salita ng Diyos,

hindi nila ito mahal at sa huli sila'y aalisin.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw

Sumunod:Ang Diyos ay Lumilikha ng mas Magandang Bukas para sa Sangkatauhan

Baka Gusto Mo Rin