287 Kinokontrol Ba ng Tao ang Kanyang Sariling Kapalaran?

Yamang pinangunahan Ko kayo sa puntong ito,

mga kaayusang akma ay ginawa Ko.

‘Pag sinabi Ko mga plano’t layunin sa inyo,

malalaman niyo kaya’ng mga bagay na ‘to?


Alam ko’ng mga kaisipan ng tao’t nais ng puso.

Sino’ng ‘di naghanap ng daan palabas?

Di nag-isip kanilang hinaharap?

Bagaman tao’y may talinong mayama’t nakasisilaw,

sino’ng makakahula, nang maglaon

ganito’ng mangyayari ngayon?

Ito ba’y bunga ng ‘yong pagsisikap,

kabayaran ng paghihirap?

Magandang larawang pinapakita sa ‘yong isipan?

Sino sa buong sangkatauhan

ang di inaalagaan sa mata ng Makapangyarihan?

Sino’ng ‘di nabubuhay sa gitna

ng itinatakda ng Makapangyarihan?

Sino’ng makakapili sa

kapanganaka’t kamatayan nila?

Kontrolado ba ng tao ang kanyang kapalaran?


Kung wala ang gabay Ko,

sino’ng may daan palabas sa naisaayos Ko?

Ito kaya’ng mga saloobi’t hangad ng tao’ng

nagdala sa kanya ngayon?

Marami’ng may pag-asang nabigo sa buhay.

Dahil ba sa maling pag-iisip?

Marami’ng may sayang ‘di inaasahan.

Dahil ba simple lang ang nais?

Ang daming sumisigaw sa kamatayan,

ngunit malayo ‘to sa kanila.

Gustong lumakas, takot sa kamatayan,

ngunit papalapit ito, sila’y nilalamon.

Sino sa buong sangkatauhan

ang ‘di inaalagaan sa mata ng Makapangyarihan?

Sino’ng ‘di nabubuhay sa gitna

ng itinatakda ng Makapangyarihan?

Sino’ng makakapili sa

kapanganaka’t kamatayan nila?

Kontrolado ba ng tao ang kanyang kapalaran?


Marami’ng tumatangis, humihikbi,

sa langit tumitingala,

nahuhulog sa tukso, bigo sa pagsubok.

Ako’y ‘di humaharap sa tao,

ngunit marami’ng takot na Ako’y masdan,

na sila ay papatayin Ko.

Tunay bang kilala Ako ng tao?

Sino sa buong sangkatauhan

ang ‘di inaalagaan sa mata ng Makapangyarihan?

Sino’ng ‘di nabubuhay sa gitna

ng itinatakda ng Makapangyarihan?

Sino’ng makakapili sa

kapanganaka’t kamatayan nila?

Kontrolado ba ng tao ang kanyang kapalaran?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11

Sinundan: 286 Tanging ang mga Nagmamahal sa Katotohanan ang Makapagpapasakop sa Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos

Sumunod: 288 Itatama ng Diyos ang mga Kaapihan ng Mundo ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito