918 Sabay na Umiiral ang Awtoridad at Pagkakakilanlan ng Lumikha

Walang halaga kung nasa tubig o langit sila,

ayon sa utos ng Lumikha,

nabubuhay sila sa iba’t ibang anyo.

Natitipon sila ayon sa Kanyang utos,

ayon sa uri o klase nila.

Di mababago ninuman ang tuntuning ito.

Di sila nangangahas lumagpas sa Kanyang limitasyon,

di nila kayang gawin iyon.

Sa utos Niya, dumarami sila, nabubuhay, nagpaparami,

sinusunod landas N’ya’t batas sa buhay,

pati Kanyang di-nabanggit na utos,

sinusunod pa rin nila hanggang sa ngayon.

Tulad ng awtoridad, pagkakakilanlan ng Lumikha

ay ‘di magbabago magpakailanman.

Kanyang awtoridad laging kakatawan

sa Kanyang pagkakakilanlan.

Awtoridad Niya’y iiral nang walang hanggan

kasama ng Kanyang pagkakakilanlan.


Awtoridad ng Lumikha ay nakikita

di lamang sa Kanyang paglikha,

kundi pati sa paghahari Niya rito,

hatid ang buhay at sigla nito,

at pinaiiral Niya sila sa perpektong kaanyuan,

nakikita sa Kanyang isipang walang hangganan.

Tulad ng awtoridad, pagkakakilanlan ng Lumikha

ay ‘di magbabago magpakailanman.

Kanyang awtoridad laging kakatawan

sa Kanyang pagkakakilanlan.

Awtoridad Niya’y iiral nang walang hanggan,

kasama ng Kanyang pagkakakilanlan.

Tulad ng awtoridad, pagkakalilanlan ng Lumikha

ay ‘di magbabago magpakailanman.

Kanyang awtoridad laging kakatawan

sa Kanyang pagkakakilanlan.

Awtoridad Niya’y iiral nang walang hanggan,

kasama ng Kanyang pagkakakilanlan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Sinundan: 917 Lahat ng Bagay ay Nabubuhay at Namamatay Ayon sa Awtoridad ng Diyos

Sumunod: 919 Dapat Sundin ng Nilikha ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito