Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

581 Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos ang Tiwaling Tao

1 Ang lahat ng kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang tao ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain na ginagawa ng Diyos sa kanila ay paggawa lamang at pagpapalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Mga propeta man o mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang kapanahunan, walang sinuman ang kayang direktang kumatawan sa Kanya.

2 Ang lahat ng direktang nanggagaling sa Diyos ay positibo. Gayunman, ang disposisyon ng tao ay naproseso na ni Satanas at hindi kayang kumatawan sa Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos—ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang kahandaan na magdusa, ang Kanyang pagkamatuwid, pagpapasakop, at pagpapakumbaba at pagkatago—ang lahat nito ay direktang kumakatawan sa Diyos. Ito ay dahil noong Siya ay pumarito, Siya ay walang makasalanang kalikasan at direktang dumating mula sa Diyos, nang hindi naproseso ni Satanas. Naging katulad lamang si Jesus ng makasalanang laman at hindi kumakatawan ng kasalanan; samakatuwid, ang Kanyang mga kilos, gawa, at salita, hanggang sa panahon bago ang Kanyang pagtupad ng gawain sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, ay direktang kumakatawan lahat sa Diyos.

3 Ang halimbawa ni Jesus ay sapat na upang patunayan na ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi kayang kumatawan sa Diyos, at ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan. Kahit ang gawaing ginawa sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay maituturing lamang na nagabayan ng Banal na Espiritu at hindi masasabi na ginawa ng tao sa ngalan ng Diyos. Nguni’t para sa tao, ang kanyang kasalanan man o ang kanyang disposisyon ay hindi kumakatawan sa Diyos.

Hango sa “Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Likas na Pagkakakilanlan at Pagkamarapat ng Tao

Sumunod:Ang Kasuklam-suklam na mga Layon sa Likod ng Paniniwala ng Tao sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin