243 Ang mga Kahihinatnan ng Pagtanggi kay Cristo ng mga Huling Araw

Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa’n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa’n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.


I

Kung ‘di mo hanap daan ng buhay

mula kay Cristo ng mga huling araw,

pagsang-ayon ni Jesus at pagpasok sa langit

kailanma’y ‘di makakamtan,

pagka’t ika’y sunud-sunuran,

bilanggo ng kasaysayan.

Yaong mga iginapos ng kasaysayan,

kailanma’y ‘di makakamit ang buhay

ni ang daan ng walang hanggang buhay;

malabong tubig lang mayro’n sila

na libu-libong taon nilang kinapitan,

‘di buhay na tubig na dumadaloy mula sa trono.


Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa’n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa’n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.


II

Yaong walang tubig ng buhay

magiging mga bangkay,

mga laruan ni Satanas at mga anak ng impiyerno.

Pa’no na lang sila titingin sa Diyos?

Kung titigil ka’t kakapit sa nakaraan,

kung wala kang gagawin

para baguhin ang kalagayan,

‘di ba’t lagi kang sasalungat sa Diyos?


Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa’n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa’n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.


III

Mga hakbang sa gawain ng Diyos

malawak, makapangyarihan,

gaya ng mga along rumaragasa’t

kulog na dumadagundong,

ngunit ika’y naghihintay lamang ng kamatayan.

Pa’no ka masasabing tagasunod ng Cordero?

Pa’no mo bibigyang katwiran

na ang iyong Diyos ay

laging bago’t ‘di kailanman naluluma?

Pa’no ka dadalhin sa bagong panahon

ng mga lumang salita,

o aakaying hanapin ang gawain ng Diyos

at umakyat sa langit?

Hatid nito’y panandaliang ginhawa lamang,

‘di katotohanang nagbibigay buhay

o pagiging perpekto.

Ito’y ‘di ba dapat pagnilayan?

‘Di mo ba makita mga misteryong taglay nito?

Magagawa mo bang magtungo sa langit

at makilala ang Diyos nang mag-isa?


Tingnan mo kung sinong gumagawa’t

nagliligtas sa tao sa mga huling araw.

Kung hindi, katotohanan at buhay

kailanma’y ‘di mo makakamtan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: 242 Ang Pagtanggi Kay Cristo ng mga Huling Araw ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu

Sumunod: 244 Ang Paglaban sa Diyos ay Humahantong Lamang sa Kaparusahan

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger