921 Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos
I
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya nga ginagawa Niyang sumailalim ang lahat ng nilikha sa Kanyang kapamahalaan at magpasakop sa Kanyang kapamahalaan; pamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, para lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Lahat ng nilikha ng Diyos, pati na ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, kabundukan at mga ilog, at mga lawa—lahat ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Lahat ng bagay sa kalangitan at sa lupa ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi sila maaaring magkaroon ng anumang pagpipilian at kailangang magpasakop ang lahat sa Kanyang mga pamamatnugot. Ito ay iniutos ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos.
II
Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na ang bawat isa ay nakakategorya ayon sa uri, at pinaglaanan ng sarili nilang posisyon, ayon sa mga pagnanais ng Diyos. Gaano man iyon kalaki, walang anumang bagay ang makakahigit sa Diyos, lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhang nilikha ng Diyos, at walang anumang bagay ang nangangahas na maghimagsik laban sa Diyos o humingi ng anuman sa Diyos. Kaya ang tao, bilang isang nilikha, ay kailangan ding tuparin ang tungkulin ng tao. Siya man ang panginoon o tagapag-alaga ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang katayuan ng tao sa lahat ng bagay, maliit na tao pa rin siya sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at isang walang kabuluhang tao lang, isang nilikha, at hindi kailanman makahihigit sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao