Pagpasok sa Buhay II
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 406
Kapag pinananaligan, minamahal, at pinalulugod ng mga tao ang Diyos, hinahaplos nila ang Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang kaluguran, nakikipag-ugnayan sila sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang puso, at sa gayon ay naaantig sila ng Kanyang Espiritu. Kung nais mong mamuhay ng isang normal na espirituwal na buhay at magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kailangan mo munang ibigay sa Kanya ang iyong puso. Pagkatapos mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan at maibuhos sa Kanya ang iyong buong puso, saka mo lamang magagawang unti-unting magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay. Kung sa pananalig ng mga tao sa Diyos ay hindi nila ibinibigay ang kanilang puso sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya, at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nilang pasanin, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi nito matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Walang makakamit ang Diyos sa ganitong klaseng tao, maaari lamang silang magsilbing mapaghahambinganan ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay gaya ng mga palamuti sa sambahayan ng Diyos—sila ay umookupa lamang ng lugar at sila ay basura, at hindi sila ginagamit ng Diyos. Hindi lamang walang pagkakataon na gagawaan sila ng Banal na Espiritu, wala ring halaga na gawin silang perpekto. Ang ganitong klaseng tao, sa totoo lang, ay isang naglalakad na bangkay. Walang bahagi nila ang magagamit ng Banal na Espiritu—lubusan na silang pinangibabawan at malalim na nagawang tiwali ni Satanas. Ititiwalag ng Diyos ang mga taong ito. Kapag gumagamit ng mga tao ang Banal na Espiritu sa kasalukuyan, hindi lamang Niya ginagamit ang mga kanais-nais nilang bahagi upang magawa ang mga bagay-bagay—pineperpekto at binabago rin Niya ang mga bahagi nilang hindi kanais-nais. Kung kaya mong ibuhos sa Diyos ang puso mo at mapatahimik ito sa Kanyang harapan, magkakaroon ka ng pagkakataon at mga kalipikasyon para magamit ng Banal na Espiritu, at matanggap ang Kanyang kaliwanagan at pagtanglaw. Bukod pa riyan, magkakaroon ka ng pagkakataon para mapunan ng Banal na Espiritu ang iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo sa Diyos ang puso mo, ang positibong panig, makapagtatamo ka ng mas malalim na pagpasok at makapagtatamo ka ng mas mataas na antas ng kabatiran. Ang negatibong panig, mas malalaman mo ang iyong mga pagkukulang at kamalian, at lalo kang mananabik at maghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Higit pa roon, hindi ka magiging negatibo, magagawa mong aktibong pumasok. Ipinakikita nito na isa kang tamang tao. Ipagpalagay nang kaya ng puso mo na manatiling tahimik sa harap ng Diyos, kung tatanggap ka ba o hindi ng pagsang-ayon mula sa Banal na Espiritu, at kung mapalulugod mo ba o hindi ang Diyos, ay labis na nakabatay sa kung aktibo kang makapapasok. Kapag binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu ang mga tao at ginagamit sila, hindi Niya sila kailanman ginagawang negatibo, lagi Niya silang aktibong pinasusulong. At kapag ginagawa Niya ito, taglay pa rin ng mga tao ang kanilang mga kahinaan, pero hindi sila namumuhay batay sa mga ito. Hindi nila ipinagpapaliban ang paglago ng kanilang buhay, at patuloy nilang hinahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Ito ay isang pamantayan. Kung matatamo mo ito, patunay ito na nakamit mo na ang presensya ng Banal na Espiritu. Kung palaging negatibo ang isang tao, at kung kahit matapos niyang matanggap ang kaliwanagan at makilala ang kanyang sarili ay nananatili pa rin siyang negatibo at pasibo at hindi niya magawang tumayo at makipagtulungan sa Diyos, natanggap lamang niya ang biyaya ng Diyos, at hindi sumasakanya ang Banal na Espiritu. Ang kanyang pagkanegatibo ay nangangahulugang hindi nakabaling sa Diyos ang kanyang puso, at hindi pa naaantig ng Espiritu ng Diyos ang kanyang espiritu. Dapat itong maunawaan ng lahat.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 407
Mula sa karanasan, makikita na napakahalaga na mapatahimik ng isang tao ang kanyang puso sa harap ng Diyos. May kinalaman ito sa mga usapin tungkol sa espirituwal na buhay at paglago sa buhay ng mga tao. Magbubunga lamang ang pagsisikap mong matamo ang katotohanan at mabago ang iyong disposisyon kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Ito ay dahil humarap ka sa Kanya nang may pasanin, dahil palagi mong nadarama na nagkukulang ka sa napakaraming paraan, na maraming katotohanan ang kailangan mong malaman, na maraming realidad na kailangan mong maranasan, at na dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Nasa isip mo palagi ang mga bagay na ito, para bang labis kang dinadaganan ng mga ito na hindi ka na makahinga, at sa gayon ay napakalungkot mo (bagama’t hindi ka negatibo). Ang ganitong tao lamang ang karapat-dapat na tumanggap ng kaliwanagan ng mga salita ng Diyos at maantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil sa kanilang pasanin, dahil napakalungkot nila, at, masasabing, dahil sa halagang kanilang ibinayad at pagdurusa na kanilang tiniis sa harap ng Diyos, kung kaya’t natatanggap nila ang Kanyang kaliwanagan at pagtanglaw. Sapagkat hindi binibigyan ng Diyos ng espesyal na pagtrato ang sinuman. Lagi Siyang patas sa pagtrato Niya sa mga tao, ngunit hindi rin Siya nagbibigay sa mga tao nang basta-basta o walang kundisyon. Ito ay isang aspekto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sa totoong buhay, hindi pa naaabot ng karamihan sa mga tao ang dakong ito. Ano’t anuman, hindi pa nakababaling nang husto sa Diyos ang kanilang puso, kaya wala pang anumang malaking pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ay dahil sa nabubuhay lamang sila sa biyaya ng Diyos at hindi pa nila natatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga pamantayang kailangang maabot ng mga tao para magamit ng Diyos ay ang mga sumusunod: Dapat ay nakabaling sa Diyos ang kanilang puso, dapat nilang dalhin ang pasanin ng Kanyang mga salita, dapat silang magkaroon ng pusong nananabik, at dapat silang magkaroon ng determinasyon na hanapin ang katotohanan. Ang ganitong mga tao lamang ang maaaring magtamo ng gawain ng Banal na Espiritu at madalas na magtamo ng Kanyang kaliwanagan at pagtanglaw. Sa tingin ay parang walang katwiran at normal na kaugnayan sa iba ang mga taong ginagamit ng Diyos, subalit nagsasalita sila nang maingat, nang may kagandahang-asal, at palagi nilang kayang patahimikin ang kanilang puso sa harap ng Diyos. Ito mismo ang klase ng tao na karapat-dapat gamitin ng Banal na Espiritu. Ang mga “walang katwirang” taong ito na tinutukoy ng Diyos ay tila ba walang normal na kaugnayan sa iba, at hindi mahalaga sa kanila ang pagpapakita ng pagmamahal o mga panlabas na pagsasagawa, ngunit kapag nagbabahagi sila tungkol sa mga espirituwal na bagay, nagagawa nilang buksan ang kanilang puso at bigyan ang iba ng pagtanglaw at kaliwanagang natamo nila mula sa kanilang aktuwal na mga karanasan sa harap ng Diyos, nang hindi iniisip ang kanilang sarili. Ganito nila ipinahahayag ang kanilang pagmamahal sa Diyos at tinutugunan ang Kanyang mga layunin. Kapag sinisiraan at nililibak sila ng iba, kaya nilang manatiling hindi naaapektuhan ng mga panlabas na tao, pangyayari, o bagay, at kaya nilang manatiling tahimik sa harap ng Diyos. Tila ba may sarili silang kakaibang mga kabatiran. Anuman ang ginagawa ng iba, hindi kailanman iniiwan ng puso nila ang Diyos. Kapag nag-uusap at nagtatawanan ang iba, nananatili ang kanilang puso sa harap ng Diyos, binubulay-bulay nila ang Kanyang salita, o tahimik silang nananalangin sa Diyos sa puso nila, hinahanap ang Kanyang mga pagnanais. Hindi pinahahalagahan ng mga taong ito ang pagpapanatili ng mga normal na interpersonal na kaugnayan sa mga tao, at tila ba wala silang pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo. Mukha silang masigla, kaibig-ibig, at inosente, ngunit nagtataglay rin sila ng kahinahunan. Ito ang wangis ng klase ng taong ginagamit ng Diyos. Ang mga bagay na gaya ng mga pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo o “normal na katwiran” ay sadyang hindi gumagana sa ganitong klaseng tao. Ibinuhos na nila ang kanilang buong puso sa salita ng Diyos, at tila ba ang Diyos lamang ang nasa kanilang puso. Ito ang klase ng “walang katwirang” tao na tinutukoy ng Diyos, at ito mismo ang klase ng taong ginagamit ng Diyos. Ang tanda ng isang taong ginagamit ng Diyos ay: Kailan man o saan man, ang kanyang puso ay palaging nasa harap ng Diyos, at gaano man kasama ang iba, o gaano man magpalayaw ang ibang tao sa pagnanasa at tawag ng laman, hindi kailanman iniiwan ng puso ng taong ito ang Diyos, at hindi siya sumusunod sa karamihan. Ang ganitong klaseng tao lamang ang angkop na gamitin ng Diyos, at ang ganitong klaseng tao lamang ang ginagawang perpekto ng Banal na Espiritu. Kung hindi mo ito kayang matamo, hindi ka karapat-dapat na makamit ng Diyos, o maperpekto ng Banal na Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 408
Kung nais mong magtatag ng normal na kaugnayan sa Diyos, kailangang nakabaling sa Kanya ang puso mo; sa pundasyong ito, magkakaroon ka na rin ng mga normal na kaugnayan sa ibang tao. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong mga kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magpunyagi o gaano mang pagsisikap ang iyong ibuhos, ang lahat ng ito ay magiging isang pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo. Pananatilihin mo ang iyong katayuan sa mga tao at makakamit ang kanilang papuri sa pamamagitan ng mga perspektiba ng tao at mga pilosopiya ng tao, sa halip na magtatag ng mga normal na interpersonal na kaugnayan ayon sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa ibang mga tao, kundi sa halip ay magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, at handa kang ibigay sa Diyos ang puso mo at matutunang magpasakop sa Kanya, kung gayon ay natural lamang na magiging normal din ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao. Sa gayon, hindi itatatag sa laman ang mga kaugnayang ito, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos wala kang magiging pakikipag-ugnayan sa laman sa ibang mga tao, ngunit magkakaroon ng pagbabahaginan sa espirituwal na antas, gayundin ng pagmamahalan, pag-aalo, at paglalaan sa isa’t isa sa pagitan ninyo. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng pagnanais na mapalugod ang Diyos—ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pamamagitan ng mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo, kundi likas na nabubuo ang mga ito kapag may pagpapahalaga ka sa pasanin para sa Diyos. Hindi nangangailangan ang mga ito ng anumang pantaong pagsisikap mula sa iyo, at kailangan mo lamang magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Handa ka bang maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos? Handa ka bang maging isang taong “walang katwiran” sa harap ng Diyos? Handa ka bang ibigay nang lubusan sa Diyos ang puso mo at balewalain ang iyong katayuan sa ibang mga tao? Sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, kanino ka may pinakamagagandang kaugnayan? Kanino ka may pinakamasasamang kaugnayan? Normal ba ang mga kaugnayan mo sa mga tao? Tinatrato mo ba nang pantay-pantay ang lahat ng tao? Pinananatili mo ba ang iyong mga kaugnayan sa iba ayon sa iyong pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, o nakatatag ba ang mga ito sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos? Kapag hindi ibinibigay ng mga tao sa Diyos ang kanilang puso, ang kanilang espiritu ay nagiging matamlay, manhid at walang malay. Hindi kailanman mauunawaan ng ganitong mga tao ang mga salita ng Diyos, hindi sila kailanman magkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos, at hindi sila kailanman magkakaroon ng pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay ang proseso ng lubusang pagbibigay ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, at ng pagtanggap ng kaliwanagan at pagtanglaw mula sa mga salita ng Diyos. Pinahihintulutan ng gawain ng Diyos ang mga tao na aktibong makapasok, at binibigyan-daan sila nitong maalis nila ang kanilang mga negatibong bahagi pagkatapos malaman ang mga ito. Kapag naibigay mo na sa Diyos ang puso mo, magagawa mong madama ang bawat beses na medyo naaantig ang iyong espiritu, at malaman ang bawat bahagi ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Diyos. Kung magsusumikap ka, unti-unti kang papasok sa landas ng pagpeperpekto ng Banal na Espiritu. Habang mas tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, mas magiging sensitibo at maselan ang iyong espiritu, mas magagawa nitong madama kung paano ito inaantig ng Banal na Espiritu, at mas magiging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Ang mga normal na interpersonal na kaugnayan ay itinatatag sa pundasyon ng pagbaling ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos sa puso ng isang tao, ang mga kaugnayan ng taong ito sa iba ay mga kaugnayan lamang ng laman. Hindi normal ang mga ito, mga mapagnasang pagpapalayaw ang mga ito, at kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay naantig, ngunit handa ka lamang na makipagbahaginan sa mga tao na gusto mo at na tinitingala mo, at may pagkiling ka laban sa mga tao na hindi mo gusto at tumatanggi kang kausapin sila kapag lumalapit sila sa iyo para kumonsulta, lalo na itong patunay na pinaghaharian ka ng mga damdamin at wala kang anumang normal na kaugnayan sa Diyos. Ipinakikita nito na tinatangka mong gawing hangal ang Diyos at ikubli ang sarili mong kapangitan. Maaaring nakapagbabahagi ka ng ilan mong kaalaman, ngunit kung mali ang iyong mga intensyon, ang lahat ng ginagawa mo ay mabuti lamang ayon sa mga pamantayan ng tao, at hindi ka sinasang-ayunan ng Diyos. Ang iyong mga kilos ay tinutulak ng iyong laman, hindi ng pasanin ng Diyos. Angkop ka lamang gamitin ng Diyos kung kaya mong patahimikin ang puso mo sa Kanyang harapan at mayroon kang normal na mga pakikipag-ugnayan sa lahat ng nagmamahal sa Kanya. Kung kaya mong gawin iyon, paano ka man makisalamuha sa iba, hindi ka kikilos ayon sa isang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, isasaalang-alang mo ang pasanin ng Diyos at mamumuhay ka sa Kanyang harapan. Ilan ang mga taong kagaya nito sa inyo? Talaga bang normal ang mga kaugnayan mo sa iba? Sa anong pundasyon nakatatag ang mga ito? Ilang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo ang nasa iyong kalooban? Naiwaksi mo na ba ang mga ito? Kung hindi lubos na makabaling sa Diyos ang puso mo, hindi ka hinirang ng Diyos—nagmula ka kay Satanas, sa huli ay babalik ka kay Satanas, at hindi ka karapat-dapat na maging isa sa mga tao ng Diyos. Kailangan mong maingat na suriin ang mga bagay na ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 409
Sa pananampalataya sa Diyos, sa pinakabatayan ay kailangan mong lutasin ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, nawawalan ng kabuluhan ang iyong pananampalataya sa Diyos. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na nagagawa sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang pagkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan ng kakayahang hindi pagdudahan at itatwa ang anuman sa Kanyang gawain at magpasakop sa Kanyang gawain. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mga tamang intensiyon sa presensiya ng Diyos at hindi paggawa ng mga plano para sa sarili mo, at nangangahulugan din ito ng pag-una sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos, at pagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos kahit ano pa ang ginagawa mo. Kailangan mong magawang patahimikin ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. Kahit hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, kailangan mo pa ring tuparin nang maayos ang iyong mga tungkulin at responsabilidad sa abot ng iyong makakaya. Kapag naipamalas na sa iyo ang mga layunin ng Diyos, magsagawa ka ayon sa mga ito, at hindi pa magiging huli ang lahat. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, magkakaroon ka rin ng normal na mga kaugnayan sa mga tao. Para magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, dapat maitatag ang lahat sa pundasyon ng mga salita ng Diyos, dapat magawa mo ang iyong tungkulin alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, dapat mong ituwid ang mga pananaw mo, dapat mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at dapat mong isagawa ang katotohanan kapag nauunawaan mo ito. Kahit ano pa ang mangyari sa iyo, dapat kang magdasal sa Diyos at maghanap nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa pagsasagawa nang ganito, mapapanatili mo ang isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kasabay ng paggampan mo nang maayos sa iyong tungkulin, dapat mo ring tiyakin na wala kang ginagawang anumang bagay na hindi kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, at wala kang sinasabi na hindi nakakapagpatibay sa mga kapatid. Bilang pinakabatayan, dapat wala kang gawin na labag sa iyong konsensiya, at hinding-hindi ka dapat gumawa ng anumang bagay na nakakahiya. Sa partikular, hinding-hindi mo dapat gawin iyong bagay na naghihimagsik o lumalaban sa Diyos, ni anumang bagay na nakakaabala sa gawain o buhay ng iglesia. Maging bukas at tuwiran sa lahat ng bagay na ginagawa mo at tiyakin na bawat kilos mo ay presentable sa harap ng Diyos. Bagama’t maaaring mahina ang laman kung minsan, dapat mong magawang unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, nang walang pag-iimbot para sa sarili mong kapakinabangan, nang walang ginagawang anumang bagay na makasarili o kasuklam-suklam, na madalas na pinagninilayan ang sarili. Sa ganitong paraan, magagawa mong madalas na mamuhay sa harap ng Diyos, at ang kaugnayan mo sa Diyos ay magiging ganap na normal.
Sa lahat ng ginagawa mo, kailangan mong siyasatin kung ang iyong mga intensiyon ay tama. Kung nagagawa mong kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa iyong mga intensiyon, nakita mo na nagkaroon ka ng mga maling intensiyon, at nagagawa mong maghimagsik laban sa mga ito at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, ikaw ay magiging isang tamang tao sa harap ng Diyos. Ipinapakita nito na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, hindi para sa iyong sariling kapakanan. Sa lahat ng iyong ginagawa at lahat ng iyong sinasabi, magawang itama ang iyong puso at maging makatarungan sa iyong mga kilos, at huwag patangay sa iyong mga damdamin o sa sarili mong kalooban kapag kumikilos ka. Ito ang mga prinsipyong kailangang sundin ng mga sumasampalataya sa Diyos sa kanilang pagkilos. Ang maliliit na bagay ay maaaring ibunyag ang mga layunin at tayog ng isang tao, kaya nga, para makapasok ang isang tao sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos, kailangan muna nilang ituwid ang kanilang mga layunin at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, saka ka lamang Niya magagawang perpekto; saka lamang makakamit ang nilalayong epekto sa iyo ng pagpupungos, pagdidisiplina, at pagpipino ng Diyos. Ibig sabihin, kung nagagawa ng mga tao na panatalihin ang Diyos sa puso nila at hindi maghangad ng personal na pakinabang o isipin ang sarili nilang kinabukasan (sa makamundong kahulugan), bagkus ay dalhin nila ang pasanin ng buhay pagpasok, gawin nila ang lahat upang hangarin ang katotohanan, at magpasakop sa gawain ng Diyos—kung magagawa mo ito, ang mga layong hinahangad mo ay magiging tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal. Ang pagtatama sa kaugnayan ng isang tao sa Diyos ay maaaring tawaging unang hakbang sa pagpasok sa espirituwal na paglalakbay. Bagama’t ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos at paunang itinakda ng Diyos, at hindi mababago ng tao, maaari ka mang gawing perpekto ng Diyos o makamit Niya ay nakasalalay sa kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Maaaring may mga bahagi kang mahina at mapaghimagsik—ngunit basta’t tama ang iyong mga pananaw at iyong mga intensyon, at basta’t tama at normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kalipikado kang gawing perpekto ng Diyos. Kung wala kang tamang relasyon sa Diyos, at kumikilos ka para sa kapakanan ng laman o ng iyong pamilya, gaano ka man magsikap sa paggawa, mawawalan iyon ng saysay. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, lahat ng iba pa ay malalagay sa lugar. Wala nang ibang tinitingnan ang Diyos, kundi kung tama ang iyong mga pananaw sa iyong paniniwala sa Diyos: sino ang iyong pinaniniwalaan, para kaninong kapakanan ka naniniwala, at bakit ka naniniwala. Kung nagagawa mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito at magsagawa nang may tamang pananaw, susulong ka sa buhay mo, at garantisado ka ring makakapasok sa tamang landas. Kung hindi normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, at lihis ang mga pananaw sa iyong paniniwala sa Diyos, walang-saysay ang lahat ng iba pa, at gaano katatag ka man naniniwala, wala kang mapapala. Matapos maging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, saka mo lamang makakamit ang Kanyang pagsang-ayon kapag ikaw ay naghimagsik laban sa laman, nagdarasal, nagdurusa, nagtitiis, nagpapasakop, tumutulong sa iyong mga kapatid, gumugugol ng sarili mo nang higit pa para sa Diyos, at iba pa. May halaga at kabuluhan man ang ginagawa mo ay nakasalalay sa kung ang iyong mga layunin ay tama at kung ang iyong mga pananaw ay tama. Sa panahong ito, maraming taong naniniwala sa Diyos na para bang ikinikiling nila ang kanilang ulo para tumingin sa isang relo—ang kanilang mga pananaw ay baliko, at kailangang itama ang mga ito sa isang pambihirang tagumpay. Kung malutas ang problemang ito, magiging maayos ang lahat; kung hindi, lahat ay mawawalan ng saysay. Maayos ang kilos ng ilang tao sa Aking presensiya, ngunit pagtalikod Ko, wala silang ibang ginagawa kundi labanan Ako. Ito ay isang pagpapamalas ng kabuktutan at panlilinlang, at ang ganitong uri ng tao ay isang lingkod ni Satanas; sila ang tipikal na sagisag ni Satanas, na dumating upang subukin ang Diyos. Ikaw ay isang tamang tao lamang kung nagagawa mong magpasakop sa Aking gawain at sa Aking mga salita. Basta’t nagagawa mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos; basta’t lahat ng ginagawa mo ay kaaya-aya sa harap ng Diyos at kumikilos ka nang makatarungan at marangal sa lahat ng iyong ginagawa; basta’t hindi ka gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay, o ng mga bagay na makapipinsala sa buhay ng iba; at basta’t nabubuhay ka sa liwanag at hindi mo tinutulutang pagsamantalahan ka ni Satanas, nasa wastong kaayusan ang iyong kaugnayan sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 410
Sa paniniwala sa Diyos, kailangan mong ilagay sa wastong kaayusan ang iyong mga layunin at pananaw; kailangan kang magkaroon ng tamang pagkaunawa at tamang pagtrato sa mga salita ng Diyos at sa gawain ng Diyos, sa lahat ng sitwasyong inihahanda ng Diyos, sa tao na pinatototohanan ng Diyos, at sa praktikal na Diyos. Hindi ka dapat magsagawa ayon sa sarili mong mga ideya o magplano ng sarili mong mga hamak na pakana. Anuman ang gawin mo, kailangan mong magawang hangarin ang katotohanan at, sa iyong posisyon bilang isang nilikha, magpasakop sa buong gawain ng Diyos. Kung gusto mong patuloy na sikapin na magawang perpekto ng Diyos at makapasok sa tamang landas ng buhay, kailangang mabuhay palagi ang puso mo sa presensiya ng Diyos. Huwag magpakasama, huwag sundan si Satanas, huwag bigyan si Satanas ng anumang mga pagkakataong isagawa ang gawain nito, at huwag hayaang kasangkapanin ka ni Satanas. Kailangan mong ibigay nang lubusan ang sarili mo sa Diyos at hayaang pamahalaan ka ng Diyos.
Handa ka bang maging lingkod ni Satanas? Handa ka bang pagsamantalahan ni Satanas? Naniniwala ka ba sa Diyos at patuloy mo ba Siyang sinusundan upang magawa ka Niyang perpekto, o upang ikaw ay maging isang panghambing para sa gawain ng Diyos? Mas gugustuhin mo ba ang isang makabuluhang buhay kung saan nakakamit ka ng Diyos, o ang isang walang-kuwenta at hungkag na buhay? Mas gusto mo bang kasangkapanin ka ng Diyos, o pagsamantalahan ni Satanas? Mas gusto mo bang hayaang mapuspos ka ng mga salita at katotohanan ng Diyos, o hayaang puspusin ka ng kasalanan at ni Satanas? Isiping mabuti ang mga bagay na ito. Sa iyong pang-araw-araw na buhay, kailangan mong maunawaan kung alin ang mga salitang sasabihin mo at ang mga bagay na maaaring magsanhi ng abnormalidad sa iyong kaugnayan sa Diyos, at pagkatapos ay ituwid ang iyong sarili at pumasok sa tamang paraan. Sa lahat ng pagkakataon, suriin ang iyong mga salita, ang iyong mga kilos, ang iyong bawat hakbang, at lahat ng iyong saloobin at ideya. Magtamo ng wastong pagkaunawa tungkol sa iyong tunay na kalagayan at pumasok sa landas ng gawain ng Banal na Espiritu. Ito lamang ang paraan para magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos. Sa pagsusuri kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, magagawa mong itama ang iyong mga layunin, maunawaan ang kalikasang diwa ng tao, at tunay na maunawaan ang iyong sarili, at, sa paggawa nito, magagawa mong makapasok sa mga tunay na karanasan, maghimagsik laban sa iyong sarili sa isang tunay na paraan, at sadyaing magpasakop. Habang dinaranas mo ang mga bagay na ito tungkol sa kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi, makakahanap ka ng mga pagkakataong magawang perpekto ng Diyos at magagawa mong maunawaan ang maraming kalagayan ng Banal na Espiritu. Magagawa mo ring makita ang marami sa mga panloloko ni Satanas at matalos ang mga pakikipagsabwatan nito. Ang landas na ito lamang ang humahantong sa pagpeperpekto ng Diyos. Itinatama mo ang iyong kaugnayan sa Diyos, upang makapagpasakop ka nang lubusan sa Kanyang mga pagsasaayos, at makapasok ka nang mas malalim sa tunay na karanasan at makatanggap ng mas marami pang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag isinasagawa mo ang pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kadalasan, magtatagumpay ka sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa laman at tunay na pakikipagtulungan sa Diyos. Dapat mong maunawaan na “kung wala ang pusong nakikipagtulungan, mahirap tanggapin ang gawain ng Diyos; kung hindi nagdurusa ang laman, walang mga pagpapala mula sa Diyos; kung hindi nagpupunyagi ang espiritu, hindi mapapahiya si Satanas.” Kung isinasagawa mo ang mga prinsipyong ito at lubos mong nauunawaan ang mga ito, maitatama ang mga pananaw ng iyong pananampalataya sa Diyos. Sa inyong kasalukuyang pagsasagawa, kailangan ninyong iwaksi ang pag-iisip na “makinabang hangga’t nais”; kailangan ninyong iwaksi ang pag-iisip na “lahat ay ginagawa ng Banal na Espiritu at hindi nagagawang makialam ng mga tao.” Iniisip ng lahat ng nagsasabi nito, “Magagawa ng mga tao ang anumang nais nila, at pagdating ng panahon, gagawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Hindi na kailangang pigilan ng mga tao ang laman o makipagtulungan; ang mahalaga ay maantig sila ng Banal na Espiritu.” Ang mga opinyong ito ay kakatwang lahat. Sa ilalim ng gayong sitwasyon, hindi nakakagawa ang Banal na Espiritu. Ito ang uri ng pananaw na lubos na nakakahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu. Kadalasan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatamo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tao. Yaong mga hindi nakikipagtulungan at walang determinasyon, subalit nais magtamo ng pagbabago sa kanilang disposisyon at tumanggap ng gawain ng Banal na Espiritu at ng kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa Diyos, ay talagang maluho ang mga saloobin. Ito ay tinatawag na “pagpapaluho sa sarili at pagpapatawad kay Satanas.” Ang gayong mga tao ay walang normal na kaugnayan sa Diyos. Dapat kang makakita ng maraming pagbubunyag at pagpapakita ng napakasamang disposisyon sa iyong kalooban at makakita ng anumang mga pagsasagawa mo na salungat sa mga kinakailangan ng Diyos ngayon. Magagawa mo na bang maghimagsik laban kay Satanas ngayon? Dapat kang magtamo ng normal na kaugnayan sa Diyos, kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at maging isang bagong tao na may bagong buhay. Huwag mong palaging isipin ang mga dating pagsalangsang; huwag kang masyadong maggiyagis; manindigan at makipagtulungan sa Diyos, at tuparin ang mga tungkuling dapat mong gampanan. Sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 411
Kung sinasabi mo lamang, matapos basahin ito, na tinatanggap mo ang mga salitang ito, subalit hindi pa rin naaantig ang iyong puso, at hindi ka naghahangad na gawing normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi mo pinahahalagahan ang iyong kaugnayan sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang iyong mga pananaw ay hindi pa naitatama, na ang iyong mga layunin ay hindi pa nakatalagang makamit ng Diyos at dulutan Siya ng kaluwalhatian, kundi sa halip ay nakatalagang tulutang manaig ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas at makamit ang sarili mong mga layunin. Ang gayong mga tao ay nagkikimkim ng mga maling layunin at pananaw. Anuman ang sinasabi ng Diyos o kung paano man Niya ito sinasabi, nananatiling lubos na walang interes at ni hindi nagbabago ang gayong mga tao. Hindi nakadarama ng anumang takot ang kanilang puso at hindi sila nahihiya. Ang ganitong uri ng tao ay isa na walang-espiritu at magulo ang isip. Basahin ang bawat pahayag ng Diyos at isagawa ang mga ito sa sandaling maunawaan mo ang mga ito. Marahil ay may mga pagkakataon na mahina ang iyong laman, o naging suwail ka, o lumaban ka; paano ka man kumilos noong araw, maliit na bagay lamang iyan, at hindi nito mahahadlangan ang paglago ng iyong buhay ngayon. Basta’t maaari kang magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ngayon, may pag-asa. Kung may pagbabago sa iyo tuwing babasahin mo ang mga salita ng Diyos, at masasabi ng iba na naging mas mabuti na ang iyong buhay, ipinakikita nito na normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, na naitama na ito. Hindi tinatrato ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang mga pagsalangsang. Kapag nakaunawa ka na at nagkaroon ng kamalayan, basta’t makakatigil ka sa paghihimagsik o paglaban, mahahabag pa rin ang Diyos sa iyo. Kung taglay mo ang pagkaunawa at matibay na pagpapasiya na hangaring magawang perpekto ng Diyos, magiging normal ang iyong kondisyon sa presensiya ng Diyos. Anuman ang iyong ginagawa, isaalang-alang ang mga sumusunod habang ginagawa mo ito: Ano ang iisipin ng Diyos kapag ginawa ko ito? Makikinabang ba rito ang aking mga kapatid? Magiging kapaki-pakinabang ba ito sa gawain ng tahanan ng Diyos? Sa pagdarasal man, sa pagbabahagi, sa pananalita, sa gawain, o sa pakikisalamuha sa iba, suriin ang iyong mga layunin, at tingnan kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Kung hindi mo mahiwatigan ang sarili mong mga layunin at saloobin, ibig sabihin ay wala kang pagtatangi, na nagpapatunay na kakaunting katotohanan lamang ang iyong nauunawaan. Kung nagagawa mong maunawaan nang malinaw ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at nahihiwatigan mo ang mga bagay-bagay alinsunod sa Kanyang mga salita, pumapanig sa Kanya, magiging tama na ang iyong mga pananaw. Samakatwid, ang pagtatatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos ang pinakamahalaga sa sinumang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng lahat bilang isang gawaing napakahalaga at napakalaking kaganapan sa kanilang buhay. Lahat ng iyong ginagawa ay nasusukat sa kung ikaw ay may normal na kaugnayan sa Diyos. Kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos at tama ang iyong mga layunin, kumilos. Para mapanatili ang normal na kaugnayan sa Diyos, huwag kang matakot na makaranas ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes; hindi mo maaaring tulutang manaig si Satanas, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na maangkin ka, at hindi mo maaaring tulutan si Satanas na gawin kang katawa-tawa. Ang pagkakaroon ng gayong mga layunin ay isang tanda na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal—hindi para sa kapakanan ng laman, kundi para sa kapayapaan ng espiritu, ito ay para matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, at para mapalugod ang mga layunin ng Diyos. Para makapasok sa tamang kalagayan, kailangan mong magtatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos at itama ang iyong mga pananaw tungkol sa iyong paniniwala sa Diyos. Ito ay upang maangkin ka ng Diyos, at upang maipakita Niya ang mga bunga ng Kanyang mga salita sa iyo at liwanagan at pagliwanagin ka pa. Sa ganitong paraan, makakapasok ka na sa tamang paraan. Patuloy na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa ngayon, pumasok sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos sa ngayon, huwag sundin ang makalumang mga pamamaraan ng pagsasagawa, huwag kumapit sa dating mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at pumasok sa kasalukuyang paraan ng paggawa sa lalong madaling panahon. Sa gayon, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na normal at makakapasok ka na sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 412
Kapag lalong tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos, lalo silang naliliwanagan, at lalo silang nagugutom at nauuhaw sa paghahangad na makilala nila ang Diyos. Tanging ang mga yaong tumatanggap sa mga salita ng Diyos ang may kakayahang magkaroon ng mas mayaman at mas malalim na mga karanasan, at sila lamang yaong ang buhay ay maaaring lumago nang tuloy-tuloy na tulad ng mga bulaklak ng linga. Lahat ng naghahangad ng buhay ay dapat itong ituring bilang kanilang full-time na trabaho; dapat nilang maramdaman na “kung walang Diyos, hindi ako mabubuhay; kung walang Diyos, wala akong magagawa; kung walang Diyos, lahat ng bagay ay hungkag.” Kaya, dapat din silang magdesisyon na “kung wala ang presensya ng Banal na Espiritu, wala akong gagawin, at kung walang epekto ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, wala akong interes na gawin ang anumang bagay.” Huwag paunlakan ang inyong mga sarili. Ang mga karanasan sa buhay ay nagmumula sa kaliwanagan at paggabay ng Diyos, at ang mga ito ang nagpapalinaw sa inyong mga pansariling pagsusumikap. Ang dapat ninyong hingiin sa inyong sarili ay ito: “Pagdating sa karanasan sa buhay, hindi ako dapat maging maluwag sa sarili ko.”
Kung minsan, kapag nasa abnormal na mga kondisyon, nawawala sa iyo ang presensya ng Diyos, at hindi mo nadarama ang Diyos kapag nagdarasal ka. Normal ang matakot sa gayong mga pagkakataon. Dapat ay agad-agad kang magsimulang maghanap. Kung hindi, hihiwalay sa iyo ang Diyos, at mawawala sa iyo ang presensiya ng Banal na Espiritu—at higit pa riyan, wala ang gawain ng Banal na Espiritu—sa loob ng isang araw, dalawang araw, maging isang buwan o dalawang buwan. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, magiging napakamanhid mo at muli kang mabibihag ni Satanas, hanggang sa puntong makakaya mong gawin ang lahat ng uri ng kilos—tmaaaring mag-iimbot ka ng kayamanan, lilinlangin mo ang iyong mga kapatid, manonood ka ng mga pelikula at video, maglalaro ka ng madyong, at maninigarilyo at iinom ka pa ng alak nang walang disiplina. Lilihis nang malayo ang iyong puso sa Diyos, lihim kang tatahak sa iyong sariling daan, at arbitraryo mong huhusgahan ang gawain ng Diyos; maaaring masasadlak ka nang napakababa na hindi ka makakaramdam ng hiya o kahihiyan sa paggawa ng mga kasalanang seksuwal. Ang ganitong tao ay tatalikuran ng Banal na Espiritu; sa katunayan, matagal nang mawawala ang gawain ng Banal na Espiritu sa gayong tao. Nakikita lamang sila na lalong nasasadlak sa katiwalian at ang kanilang mga makasalanang kamay ay umuunat pa lalo. Sa huli, itatatwa nila ang pag-iral sa ganitong paraan, at mabibihag sila ni Satanas habang sila ay nagkakasala. Kapag natuklasan mo na mayroon ka lamang presensya ng Banal na Espiritu, subalit wala sa iyo ang gawain ng Banal na Espiritu, mapanganib nang pumasok sa sitwasyong ito. Kung hindi mo man lang madama ang presensya ng Banal na Espiritu, nasa bingit ka na ng kamatayan. Kung hindi ka magsisisi, lubusan kang babalik kay Satanas, at ikaw ay matitiwalag. Kaya, kapag natuklasan mo na ikaw ay nasa isang kalagayan kung saan mayroon lamang presensya ng Banal na Espiritu (hindi ka nagkakasala, hindi nagpapalayaw, at hindi gumagawa ng mga bagay na malinaw na lumalaban sa Diyos) ngunit wala sa iyo ang gawain ng Banal na Espiritu (hindi ka naaantig kapag nagdarasal ka, wala kang natatamong malinaw na kaliwanagan o pagpapalinaw kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, wala kang interes sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kailanma’y walang anumang paglago sa buhay mo, at matagal ka nang nawalan ng matinding pagpapalinaw)—sa gayong mga pagkakataon, kailangan mong maging mas maingat. Hindi mo dapat paunlakan ang iyong sarili, hindi ka na dapat maging maluwag sa iyong sariling pag-uugali. Maaaring maglaho ang presensya ng Banal na Espiritu anumang oras. Ito ang dahilan kung kaya pinakamapanganib ang gayong sitwasyon. Kung masusumpungan mo ang iyong sarili sa ganitong uri ng kalagayan, subukang baligtarin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon. Una, dapat kang magdasal ng isang panalangin ng pagsisisi at hilingin mo na minsan ka pang kaawaan ng Diyos. Manalangin nang mas taimtim at payapain ang iyong puso upang higit na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Sa pundasyong ito, dapat kang gumugol ng mas maraming oras sa pananalangin; pag-ibayuhin pa ang iyong mga pagsisikap sa pag-awit, pagdarasal, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at paggawa sa iyong tungkulin. Kapag hinang-hina ka na, napakadaling maangkin ni Satanas ang puso mo. Kapag nangyari iyon, naaagaw ang puso mo mula sa presensiya ng Diyos at bumabalik kay Satanas, kung saan wala sa iyo ang presensya ng Banal na Espiritu. Sa gayong mga pagkakataon, doble ang hirap na matamong muli ang gawain ng Banal na Espiritu. Mas mainam na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu habang kapiling mo pa Siya, upang magkaloob ang Diyos ng higit pa Niyang kaliwanagan sa iyo, at upang hindi ka Niya talikuran. Ang pagdarasal, pag-awit ng mga himno, paglilingkod sa iyong tungkulin, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay ginagawa upang mawalan ng pagkakataon si Satanas na gawin ang gawain nito, upang makagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Kung hindi mo matatamong muli ang gawain ng Banal na Espiritu sa ganitong paraan, kung maghihintay ka lamang, ang pagtatamong muli ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi magiging madali kapag naiwala mo na ang presensya ng Banal na Espiritu, maliban kung partikular kang naantig ng Banal na Espiritu, o lalo kang pinagliwanag at niliwanagan. Magkagayunman, hindi lamang inaabot ng isa o dalawang araw para makabawi sa iyong kalagayan; kung minsan maaaring lumipas ang anim na buwan nang hindi ka nakakabawi. Lahat ng ito ay dahil masyadong maluwag ang mga tao sa kanilang sarili, walang kakayahang danasin ang mga bagay sa isang normal na paraan at sa gayon ay tinatalikuran sila ng Banal na Espiritu. Kahit na makabawi ka nga, maaaring hindi pa rin lubhang malinaw sa iyo ang kasalukuyang gawain ng Diyos, sapagkat napag-iwanan ka na sa iyong karanasan sa buhay, na tila ba naiwan ka nang sampung libong milya. Hindi ba’t ito ay nakapipinsala? Gayunman, sinasabi ko sa gayong mga tao na hindi pa huli ang lahat para magsisi ngayon, subalit may isang kondisyon: Dapat kang mas magpakasipag pa, at hindi ka dapat maging tamad. Kung nagdarasal ang ibang mga tao nang limang beses sa isang araw, dapat kang magdasal nang sampung beses; kung kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ang ibang mga tao sa loob ng dalawang oras sa isang araw, dapat mong gawin iyon sa loob ng apat o anim na oras; at kung nakikinig ang ibang mga tao sa mga himno sa loob ng dalawang oras, dapat kang makinig sa loob ng kalahating araw man lang. Madalas na maging tahimik sa harap ng Diyos at isipin ang pagmamahal ng Diyos, hanggang sa ikaw ay maantig, bumalik ang iyong puso sa Diyos, at hindi ka na mangahas na mapalayo sa Diyos—saka lamang magkakaroon ng bunga ang iyong pagsasagawa; saka mo lamang mababawi ang iyong dati at normal na kalagayan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Pumasok sa Normal na Kalagayan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 413
Napakaliit na bahagi pa lamang ng landas ng pananampalataya sa Diyos ang natahak ninyo, at hindi pa kayo nakakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo sa pagtugon sa pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, hindi sapat ang inyong tayog upang matugunan ang Kanyang mga hinihingi. Dahil sa inyong kakayahan at inyong tiwaling likas na kalikasan, palagi kayong walang ingat sa pagtrato sa gawain ng Diyos; hindi ninyo ito sineseryoso. Ito ang pinakamalaking pagkukulang ninyo. Lalo namang walang sinumang makaaarok sa landas na tinatahak ng Banal na Espiritu; karamihan sa inyo ay hindi ito nauunawaan at hindi ito nakikita nang malinaw. Bukod pa rito, karamihan sa inyo ay binabalewala ang bagay na ito, lalong hindi ito tinatrato nang maingat. Kung patuloy ninyong gagawin ito, nang walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, ang landas na inyong tinatahak bilang isang mananampalataya sa Diyos ay mawawalan ng saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat ng kaya ninyo upang hangaring matugunan ang mga layunin ng Diyos at dahil hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa hindi gumawa sa iyo ang Diyos, o hindi ka naantig ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil masyado kang walang ingat kaya hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong baligtarin kaagad ang sitwasyong ito at tahakin ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa para ngayon. “Ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu” ay tumutukoy sa pagtatamo ng kaliwanagan sa espiritu; pagkakaroon ng pagkakilala tungkol sa salita ng Diyos; pagtatamo ng kalinawan sa landas na hinaharap; pagkakaroon ng kakayahang makapasok nang paisa-isang hakbang sa katotohanan; at pagkakaroon ng higit na pagkakilala sa Diyos. Ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu ay pangunahing isang landas na patungo sa mas malinaw na pagkaunawa sa salita ng Diyos, nang walang mga paglihis at maling kaisipan, at yaong mga tumatahak dito ay tumatahak nang tuwid dito. Upang makamit ito, kailangan ninyong makipagtulungan nang may pagkakasundo sa Diyos, mahanap ang isang tumpak na landas sa pagsasagawa, at tahakin ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Nauugnay rito ang pakikipagtulungan sa panig ng tao: ibig sabihin, kung ano ang kailangan ninyong gawin upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo dapat magsagawa upang makapasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos.
Maaaring tila kumplikado ang pagtahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu, ngunit mas madadalian ka rito kapag ang landas ng pagsasagawa ay malinaw sa iyo. Ang totoo, kayang gawin ng mga tao ang lahat ng hinihingi ng Diyos sa kanila—hindi naman sa sinusubukan Niyang pilitin ang isda na mamuhay sa lupa. Sa lahat ng sitwasyon, hangad ng Diyos na lutasin ang mga problema ng mga tao at ayusin ang kanilang mga alalahanin. Kailangang maunawaan ninyong lahat ito; huwag magkamali ng pag-unawa sa Diyos. Ginagabayan ang mga tao ayon sa salita ng Diyos sa landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Gaya ng binanggit noong una, kailangan ninyong ibigay ang inyong puso sa Diyos. Ito ang paunang kondisyon para makatahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Kailangan ninyong gawin ito upang makapasok sa tamang landas. Paano ginagawa ng isang tao, nang may kamalayan, ang gawaing ibigay ang kanyang puso sa Diyos? Sa inyong pang-araw-araw na buhay, kapag nararanasan ninyo ang gawain ng Diyos at nananalangin kayo sa Kanya, ginagawa ninyo ito nang pabasta-basta—nananalangin kayo sa Diyos habang kayo ay gumagawa. Matatawag ba itong pagbibigay ng inyong puso sa Diyos? Nag-iisip kayo tungkol sa mga bagay sa bahay o usapin ng laman; palaging nahahati ang atensyon ninyo. Maituturing ba itong pagpayapa sa inyong puso sa presensya ng Diyos? Ito ay dahil ang puso mo ay palaging nakatutok sa panlabas na mga usapin, at hindi nakakabalik sa harap ng Diyos. Kung nais mong tunay na maging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos, kailangan mong gawin ang gawain ng pakikipagtulungan nang may kamalayan. Ibig sabihin, bawat isa sa inyo ay dapat may panahon para sa inyong mga debosyon, at umiwas sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay at panatagin ang inyong puso, at payapain ang kalooban ninyo sa harap ng Diyos. Ang bawat isa sa inyo ay kailangang magkaroon ng indibidwal na mga tala ng debosyon, na itinatala ang inyong pagkakilala sa salita ng Diyos at kung paano naaantig ang inyong espiritu, malalim man ang mga iyon o mababaw; ang bawat isa sa inyo ay kailangang payapain ang inyong puso, nang may kamalayan, sa harap ng Diyos. Kung makapaglalaan ka ng isa o dalawang oras bawat araw sa tunay na espirituwal na buhay, madarama mo na ang buhay mo sa araw na iyon ay may katuparan at ang puso mo ay maliliwanagan at aaliwalas. Kung ipinamumuhay mo ang ganitong uri ng espirituwal na buhay araw-araw, mas magagawa ng puso mo na bumalik sa pag-aari ng Diyos, ang iyong espiritu ay lalakas nang lalakas, ang iyong kondisyon ay patuloy na bubuti, mas makakaya mong tumahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu, at pagkakalooban ka ng Diyos ng dobleng mga pagpapala. Ang layunin ng inyong espirituwal na buhay ay upang may kamalayang matamo ang presensya ng Banal na Espiritu. Hindi ito upang sumunod sa mga regulasyon o magsagawa ng mga ritwal na pangrelihiyon, kundi upang tunay na makipagtulungan sa Diyos, upang tunay na disiplinahin ang inyong katawan—ito ang dapat gawin ng tao, kaya dapat ninyong gawin ito nang buong pagsisikap. Kapag mas maganda ang iyong pakikipagtulungan at higit na pagsisikap ang iyong inilalaan, mas magagawang bumalik ng puso mo sa Diyos at mas mapapayapa mo ang puso mo sa Kanyang harapan. Aabot sa puntong lubos na matatamo ng Diyos ang puso mo. Walang sinumang makayayanig o makakabihag sa puso mo, at magiging ganap kang nasa panig ng Diyos. Kung tatahakin mo ang landas na ito, ibubunyag ng salita ng Diyos ang sarili nito sa iyo sa lahat ng pagkakataon at bibigyang-liwanag ka tungkol sa lahat ng bagay na hindi mo nauunawaan—makakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng iyong pakikipagtulungan. Kaya nga palaging sinasabi ng Diyos, “Lahat ng nakikipagtulungan sa Akin, pagkakalooban Ko nang doble.” Kailangan ninyong makita nang malinaw ang landas na ito. Kung nais ninyong tumahak sa tamang landas, kailangan ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang mapalugod ang Diyos. Kailangan ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang magtamo ng espirituwal na buhay. Sa simula, maaaring hindi ka magkamit ng magagandang resulta rito, pero huwag maging negatibo, at huwag umurong—patuloy kang magsikap! Kapag mas nagsasabuhay ka ng espirituwal na buhay, mas sasakupin ng mga salita ng Diyos ang puso mo, lagi kang magtutuon sa mga bagay na ito, at laging dinadala ang mga ito bilang pasanin mo. Pagkatapos niyon, sabihin sa Diyos ang lahat ng iniisip mo sa iyong kaibuturan sa pamamagitan ng iyong espirituwal na buhay; sabihin sa Kanya kung ano ang handa kang gawin, kung ano ang iniisip mo, ang iyong pagkaunawa at pananaw tungkol sa Kanyang salita. Huwag kang magtago ng anuman. Magsanay sa pagsasabi ng mga salitang nasa puso mo at paghahayag ng totoong damdamin mo sa Diyos; ipahayag ang anumang nasa puso mo. Kapag mas nagsalita ka sa ganitong paraan, mas madarama mo ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at mas maaakit ang puso mo sa Diyos. Kapag nangyari ito, madarama mo na mas malapit sa iyo ang Diyos kaysa kaninuman, at hindi mo kailanman magagawang lisanin ang tabi ng Diyos, anuman ang mangyari. Tanging kapag ginagampanan mo ang ganitong klaseng espirituwal na debosyonal sa araw-araw, hindi kailanman nakakalimutan na gawin ito, na para bang isa itong usapin na napakahalaga sa buhay mo, saka lang maookupa ng salita ng Diyos ang puso mo. Ito ang ibig sabihin ng maantig ng Banal na Espiritu. Magiging para bang laging sinasakop ng Diyos ang puso mo, para bang palaging nasa puso mo ang iyong minamahal, at walang sinumang makakaagaw nito mula sa iyo. Kapag nangyari ito, tunay na mabubuhay ang Diyos sa iyong kalooban at magkakaroon ng puwang sa puso mo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Normal na Espirituwal na Buhay ay Inaakay ang Tao Patungo sa Tamang Landas
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 414
Ang pananalig sa Diyos ay nangangailangan ng isang normal na espirituwal na buhay, na siyang pundasyon sa pagdanas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa realidad. Lahat ba ng inyong kasalukuyang pagsasagawa ng mga panalangin, ng paglapit sa Diyos, ng pagkanta ng mga himno, pagpuri, pagmumuni-muni, at pagninilay sa mga salita ng Diyos ay maituturing na isang “normal na espirituwal na buhay”? Mukhang walang nakakaalam sa inyo. Ang isang normal na espirituwal na buhay ay hindi limitado sa mga pagsasagawang tulad ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, paglahok sa buhay iglesia, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Sa halip, kinapapalooban ito ng pamumuhay ng sariwa at masiglang espirituwal na buhay. Ang mahalaga ay hindi kung paano kayo nagsasagawa, kundi kung ano ang ibinubunga ng inyong pagsasagawa. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, o pagninilay sa Kanyang mga salita, hindi mahalaga kung may tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Lahat ng kanilang panalangin, pagkanta ng mga himno, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay isang anyo lang ng pagsunod sa mga regulasyon, na ginagawa dahil napipilitan sila at para makaagapay sa mga kalakaran, hindi dahil sa pagkukusa at ni hindi mula sa puso. Gaano man manalangin o kumanta ang mga taong ito, hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang mga pagsisikap, sapagkat ang isinasagawa nila ay mga regulasyon at ritwal lamang ng relihiyon; hindi talaga sila nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Nagtutuon lamang sila sa pagbubusisi sa mga pamamaraan, at itinuturing nilang mga regulasyong susundin ang mga salita ng Diyos. Hindi isinasagawa ng gayong mga tao ang mga salita ng Diyos; pinagbibigyan lamang nila ang laman, at gumagawa sila para makita ng ibang mga tao. Lahat ng regulasyon at ritwal na ito ng relihiyon ay tao ang pinagmulan; hindi nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga regulasyon, ni hindi rin Siya sumusunod sa anumang batas. Sa halip, gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw, gumagampan ng praktikal na gawain. Gaya ng mga tao sa Three-Self Church, na nililimitahan ang kanilang sarili sa mga pagsasagawa tulad ng pagdaraos sa morning watch araw-araw, pag-aalay ng mga panalangin sa gabi at panalangin ng pasasalamat bago kumain, at pasasalamat sa lahat ng bagay—gaano man karami ang kanilang ginagawa at gaano man katagal nila iyon isinasagawa, hindi mapapasakanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nabubuhay ang mga tao sa gitna ng mga regulasyon at nakatutok ang kanilang puso sa mga pamamaraan ng pagsasagawa, hindi makakagawa ang Banal na Espiritu, dahil ang kanilang puso ay puno ng mga regulasyon at kuru-kuro ng tao. Sa gayon, hindi nagagawang mamagitan at gumawa ang Diyos sa kanila, at maaari lamang silang patuloy na mabuhay sa ilalim ng mga paglimita ng batas. Ang gayong mga tao ay hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos magpakailanman.
Ang normal na espirituwal na buhay ay isang buhay na ipinamumuhay sa harap ng Diyos. Kapag nagdarasal, maaaring patahimikin ng isang tao ang kanyang puso sa harap ng Diyos, at sa pamamagitan ng panalangin, maaari niyang hanapin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, makilala ang mga salita ng Diyos, at maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, maaaring magkaroon ang mga tao ng mas malinaw at mas lubos na pagkaunawa sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Maaari din silang magkaroon ng bagong landas ng pagsasagawa, at hindi sila kakapit sa dati; lahat ng kanilang isinasagawa ay para magkamit ng paglago sa buhay. Halimbawa, ang layunin ng panalangin ay hindi ang pagsabi ng ilang salitang masarap pakinggan o ang paghagulgol sa harap ng Diyos upang ipakita kung gaano kalaki ang iyong pagkakautang; sa halip, ito ay upang sanayin ang sarili sa paggamit ng espiritu, na nagtutulot sa kanya na patahimikin ang kanyang puso sa harap ng Diyos, na sanayin ang kanyang sarili na hanapin ang gabay mula sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, para maakit ang puso niya sa isang sariwa at bagong liwanag bawat araw, at upang hindi siya maging negatibo o tamad at makatahak siya sa tamang landas ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao sa panahong ito ay nakatuon sa mga pamamaraan ng pagsasagawa; ang kanilang layunin ay hindi ang hangarin ang katotohanan at magkamit ng paglago sa buhay. Naririto ang kanilang paglihis. Mayroon ding ilan na may kakayahang tanggapin ang bagong liwanag, ngunit hindi nagbabago ang kanilang mga pamamaraan ng pagsasagawa. Dala nila ang dati nilang mga relihiyosong kuru-kuro habang sinusubukan nilang maunawaan ang mga salita ng Diyos ngayon, kaya ang nauunawaan nila ay doktrinang may impluwensiya pa rin ng mga relihiyosong kuru-kuro; hindi nila tinatanggap ang liwanag ngayon sa dalisay at simpleng paraan. Dahil dito, may dungis ang kanilang mga pagsasagawa; pinapalitan nila ng bagong pangalan ang mga pareho at dati nang produkto. Gaano man kahusay ang kanilang pagsasagawa, mga mapagpaimbabaw sila. Inaakay ng Diyos ang mga tao sa paggawa ng mga bagong bagay araw-araw, na hinihingi na bawat araw ay may bago silang mababatid at mauunawaan, at hinihingi na huwag silang maging makaluma at paulit-ulit. Kung nanampalataya ka na sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi man lang nagbago ang iyong mga pamamaraan ng pagsasagawa, at kung masigasig at abala ka pa rin tungkol sa mga bagay na panlabas, subalit hindi ka lumalapit sa harap ng Diyos upang matamasa ang Kanyang mga salita nang may tahimik na puso, wala kang mapapala. Pagdating sa pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos, kung hindi mo iibahin ang iyong pagpaplano, hindi ka nagsasagawa sa isang bagong paraan, at hindi ka naghahangad ng mas bagong pagkaunawa, kundi sa halip ay kumakapit ka sa lumang mga bagay at tinatanggap lamang ang kaunting limitadong bagong liwanag, nang hindi binabago ang paraan ng iyong pagsasagawa, ang mga taong katulad mo ay kasama sa daloy na ito sa pangalan lamang; ang totoo, sila ay mga relihiyosong Pariseo sa labas ng daloy ng Banal na Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Hinggil sa Isang Normal na Espirituwal na Buhay
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 415
Para makapamuhay ng isang normal na espirituwal na buhay, kailangang matanggap mo araw-araw ang bagong liwanag at maghangad ng tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kailangang magawa mong maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at makatagpo ng isang landas ng pagsasagawa sa lahat ng bagay. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos araw-araw, dapat magawa mong tumuklas ng mga bagong problema at mapagtanto ang sarili mong mga kakulangan, para magkaroon ka ng isang pusong nananabik at naghahanap na nagpapakilos sa buo mong katauhan, at para maging tahimik ka sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, na labis na natatakot na mapag-iwanan. Ang isang taong may gayong pusong nananabik at naghahanap, na handang patuloy na makapasok, ay nasa tamang landas ng espirituwal na buhay. Yaong mga yumayakap sa pag-antig ng Banal na Espiritu, na nais na mas umunlad, na handang maghangad na magawang perpekto ng Diyos, na nananabik na maunawaan nang mas malalim ang mga salita ng Diyos, na hindi naghahangad ng sobrenatural, kundi iyong sa halip ay nagbabayad ng tunay na halaga, tunay na nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at talagang nakakapasok, ginagawang mas tunay at totoo ang kanilang mga karanasan, na hindi naghahangad ng hungkag na mga salita at doktrina o naghahangad ng mga sobrenatural na damdamin, na hindi sumasamba sa sinumang dakilang personalidad—ito yaong mga nakapasok sa isang normal na espirituwal na buhay. Lahat ng ginagawa nila ay para magkamit ng higit na paglago sa buhay at mapanariwa at mapasigla ang kanilang espiritu, at lagi silang aktibong nakakapasok. Hindi nila namamalayan, nauunawaan nila ang katotohanan at nakakapasok sila sa realidad. Yaong may mga normal na espirituwal na buhay, at nakakaranas ng paglaya at kalayaan ng espiritu bawat araw, kayang isagawa ang mga salita ng Diyos sa pleksibleng paraan na nagpapalugod sa Kanya. Kahit sa pagdarasal, hindi sila gumagawa nang pabasta-basta, at nagagawa nilang umagapay sa bagong liwanag bawat araw. Halimbawa, sinasanay ng mga tao ang kanilang sarili na patahimikin ang kanilang puso sa harap ng Diyos, at ang kanilang puso ay talagang magagawang tumahimik sa harap ng Diyos, at walang sinumang makagugulo sa kanila. Walang tao, pangyayari, o bagay na makakalimita sa kanilang normal na espirituwal na buhay. Ang gayong pagsasanay ay nilayong magkaroon ng isang resulta; hindi ito nilayong magtatag ng mga regulasyon na susundin ng mga tao. Ang pagsasagawang ito ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga regulasyon, kundi sa halip ay tungkol sa pagtataguyod ng paglago sa buhay ng mga tao. Kung ang tingin mo sa pagsasagawang ito ay mga regulasyon lamang na susundin, hindi magbabago ang iyong buhay kailanman. Maaaring gawin mo ang pagsasanay na kapareho ng sa iba, ngunit habang nagagawa nilang umagapay sa gawain ng Banal na Espiritu sa huli, itinitiwalag ka naman mula sa daloy ng Banal na Espiritu. Hindi mo ba niloloko ang sarili mo? Ang layunin ng mga salitang ito ay para tulutan ang mga tao na patahimikin ang kanilang puso sa harap ng Diyos, para ibaling ang kanilang puso sa Diyos, upang ang gawain ng Diyos sa kanila ay mawalan ng hadlang at magkaroon ng bunga. Saka lamang magiging nakaaayon sa mga layunin ng Diyos ang mga tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Hinggil sa Isang Normal na Espirituwal na Buhay
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 416
Hindi ninyo pinahahalagahan ang panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Kinaliligtaan ng tao ang pagdarasal. Dati-rati ay wala sa loob ang mga pagdarasal, na basta-basta na lang itong ginagawa ng tao sa harap ng Diyos. Walang taong lubos na naghandog ng kanyang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin ang tao sa Diyos kapag kailangan lang niya ng tulong. Sa buong panahong ito, nakapagdasal ka na ba nang tunay sa Diyos? Nagkaroon na ba ng pagkakataong lumuha ka dahil sa sakit sa harap ng Diyos? Nagkaroon na ba ng pagkakataon na nakilala mo ang iyong sarili sa Kanyang harapan? Nakapagdasal ka na ba nang tapatan sa Diyos? Ang panalangin ay dumarating sa pamamagitan ng pagsasanay: Kung hindi ka karaniwang nagdarasal sa bahay, hindi ka posibleng makapagdasal sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nagdarasal sa maliliit na pagtitipon, hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o nagninilay tungkol sa mga salita ng Diyos, wala kang masasabi kapag oras na para manalangin, at kahit manalangin ka, puro salita lang iyon; hindi iyon tunay na panalangin.
Ano ang tunay na panalangin? Ito ay kapag sinasabi mo sa Diyos ang nasa puso mo, naaarok mo ang mga layunin ng Diyos at nakikipagbahaginan ka sa Kanya, at nakikipagbahaginan sa Diyos tungkol sa Kanyang mga salita, pagkadama na talagang malapit ka sa Diyos, pagkadama na Siya ay kaharap mo, pagkadama na mayroon kang sasabihin sa Kanya, pagkadama ng matinding liwanag sa iyong puso, at pagkadama kung gaano kaibig-ibig ang Diyos—nagpaparamdam ito sa iyo ng matinding inspirasyon. Nagdadala ng kagalakan sa mga kapatid ang pakikinig sa iyo. Nadarama nila na ang mga salitang binibigkas mo ay ang mga salitang nasa kaibuturan ng kanilang puso, ang mga salitang nais nilang sabihin, at na ang iyong mga salita ay kahalili ng sa kanila. Ito ang tunay na panalangin. Matapos kang tunay na manalangin, magkakaroon ng kapayapaan at pagkaramdam ng kagalakan ang puso mo. Kayang mag-ibayo ang lakas na mahalin ang Diyos, at madarama mo na wala nang mas mahalaga o makabuluhan sa buhay kaysa mahalin ang Diyos. Pinatutunayan ng lahat ng ito na naging mabisa ang iyong mga dalangin. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?
At ano naman ang nilalaman ng panalangin? Dapat kang manalangin nang paisa-isang hakbang, alinsunod sa tunay na kalagayan ng puso mo at sa gawain ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagbahaginan sa Diyos alinsunod sa Kanyang mga layunin at sa mga hinihingi Niya sa tao. Kapag nagsimula kang magsanay para magdasal, ibigay mo muna ang puso mo sa Diyos. Huwag kang maglayon na arukin ang mga layunin ng Diyos—maglayon ka lang na mabigkas ang mga salita ng Diyos sa loob ng puso mo. Kapag humarap ka sa Diyos, ganito ang sabihin mo: “Diyos ko, ngayong araw ko lamang napagtanto na dati akong naghihimagsik laban sa Iyo. Totoong ako ay tiwali at kamuhi-muhi. Sinasayang ko lang ang buhay ko. Mula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo. Mamumuhay ako nang makabuluhan at tutugunan ko ang Iyong mga layunin. Nawa’y gumawa palagi sa akin ang Iyong Espiritu, patuloy akong liwanagan at tanglawan. Hayaan akong magbigay ng matibay at matunog na patotoo sa Iyong harapan. Hayaang makita ni Satanas sa amin ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng Iyong tagumpay.” Kapag nanalangin ka sa ganitong paraan, ganap na mapapalaya ang puso mo. Sa pagdarasal sa ganitong paraan, mas mapapalapit ang puso mo sa Diyos, at kung madalas kang makapagdarasal sa ganitong paraan, tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Kung palagi kang tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan, at nagpapasya ka sa Kanyang harapan, darating ang araw na magiging katanggap-tanggap ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, na matatamo ng Diyos ang iyong puso at buong pagkatao, at sa bandang huli ay gagawin ka Niyang perpekto. Para sa inyo, napakahalaga ng panalangin. Kapag nananalangin ka at natatamo mo ang gawain ng Banal na Espiritu, aantigin ng Diyos ang puso mo, at lalabas ang lakas mo na mahalin ang Diyos. Kung hindi ka magdarasal nang taos sa puso mo, kung hindi mo bubuksan ang puso mo para makipagbahaginan sa Diyos, mawawalan ng paraan ang Diyos na gumawa sa iyo. Pagkatapos mong manalangin at masabi ang nasa puso mo, kung hindi pa nasimulan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang gawain, at wala kang natanggap na inspirasyon, ipinapakita nito na hindi tapat ang puso mo, hindi totoo ang sinasabi mo, at hindi pa rin dalisay. Pagkatapos mong manalangin, kung nakadama ka ng kasiyahan, naging katanggap-tanggap sa Diyos ang iyong mga panalangin at gumagawa sa iyo ang Espiritu ng Diyos. Bilang isang taong naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi maaaring hindi ka manalangin. Kung tunay mong itinuturing na makabuluhan at mahalaga ang pakikipagbahaginan sa Diyos, maaari mo bang talikdan ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring mawalan ng pakikipagbahaginan sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, sa pagkaalipin kay Satanas; kung walang tunay na panalangin, nabubuhay ka sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na makapanalangin nang tunay araw-araw. Hindi ito tungkol sa pagsunod sa mga regulasyon, kundi tungkol sa pagtatamo ng tiyak na resulta. Handa ka bang isakripisyo ang kaunting tulog at kasiyahan upang bumangon nang maaga para sa mga panalangin sa umaga at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung nagdarasal ka na may dalisay na puso at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos nang gaya nito, lalo kang magiging katanggap-tanggap sa Kanya. Kung isinasagawa mo ito tuwing umaga, kung araw-araw mong sinasanay ang sarili mo na ibigay ang puso mo sa Diyos, nakikipagbahaginan at nakikipag-usap sa Kanya, siguradong madaragdagan ang iyong kaalaman tungkol sa Diyos, at mas maaarok mo ang mga layunin ng Diyos. Sinasabi mo, “O Diyos! Handa akong gampanan ang aking tungkulin. Sa Iyo ko lamang kayang ilaan ang aking buong pagkatao, upang Ikaw ay magtamo ng kaluwalhatian sa amin, upang matamasa Mo ang patotoong ibinabahagi ng grupo naming ito. Nagsusumamo ako sa Iyo na gumawa Ka sa amin, upang magawa kong tunay Kang mahalin at palugurin Ka at hangarin Ka bilang aking layunin.” Habang tinatanggap mo ang pasaning ito, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos. Hindi ka dapat manalangin lamang para sa iyong sarili, kundi dapat ka ring manalangin para masunod ang kalooban ng Diyos at para mahalin Siya. Ito ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nagdarasal ka ba para masunod ang kalooban ng Diyos?
Noong araw, hindi ninyo alam kung paano manalangin, at kinaligtaan ninyo ang pagdarasal. Ngayon, kailangan ninyong gawin ang inyong makakaya para sanayin ang sarili ninyo na manalangin. Kung hindi mo kayang magkaroon ng lakas ng loob na mahalin ang Diyos, paano ka nagdarasal? Sinasabi mo, “O Diyos, walang kakayahan ang puso ko na tunay Kang mahalin. Nais kong mahalin Ka, ngunit wala akong lakas. Ano ang dapat kong gawin? Nawa’y buksan Mo ang aking espirituwal na mga mata at nawa’y antigin ng Iyong Espiritu ang puso ko. Nawa’y loobin Mo, sa pagharap ko sa Iyo, na maiwaksi ko ang lahat ng negatibong kalagayan, huwag na akong magpalimita sa sinumang tao, pangyayari, o bagay, at lubos kong ilantad ang puso ko sa Iyong harapan, at loobin Mo na maihandog ko ang aking buong pagkatao sa Iyong harapan. Paano Mo man ako subukin, handa ako. Ngayon, hindi ko isinasaalang-alang ang aking mga inaasahan sa hinaharap, ni wala ako sa ilalim ng pagkaalipin ng kamatayan. Nang may pusong nagmamahal sa Iyo, nais kong hanapin ang daan ng buhay. Ang bawat pangyayari, ang lahat ng bagay—ay pawang nasa Iyong mga kamay; ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at ang mismong buhay ay lalo pang nasa palad ng Iyong kamay. Ngayon, hangad kong mahalin Ka, at hayaan Mo man akong mahalin Ka o hindi, paano man manggulo si Satanas, determinado akong mahalin Ka.” Kapag nakasagupa mo ang isyung ito, manalangin ka nang ganito. Kung magdarasal ka nang ganito araw-araw, unti-unting mag-iibayo ang lakas mong mahalin ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 417
Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?
Habang nagdarasal, kailangan ay tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at sinsero ang iyong puso, at kailangan mong tunay na makipagbahaginan sa Diyos at tunay na magdasal sa Kanya—hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos gamit ang mga salitang magandang pakinggan. Dapat ay nakasentro ang panalangin doon sa nais isakatuparan ng Diyos ngayon mismo. Hilingin mo sa Diyos na pagkalooban ka ng higit pang kaliwanagan at pagtanglaw, at dalhin mo ang aktuwal na mga kalagayan at suliranin mo sa Kanyang presensiya kapag nagdarasal ka, pati na ang pagpapasyang ginawa mo sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagsunod sa pamamaraan; tungkol ito sa paghahanap sa Diyos nang taos-puso, paghiling sa Diyos na protektahan ang puso mo, upang madalas na maging tahimik ang puso mo sa harap Niya, at upang sa mga kapaligirang inihanda Niya para sa iyo, makikilala mo ang iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili, at maghihimagsik ka laban sa iyong sarili, sa gayon ay magkaroon ka ng normal na ugnayan sa Diyos at tunay na maging isang tao kang nagmamahal sa Diyos.
Ano ang kabuluhan ng panalangin?
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan ng pagtawag ng tao sa Diyos, at ito ang proseso kung saan inaantig ang tao ng Espiritu ng Diyos. Masasabi na yaong mga hindi nagdarasal ay mga patay na walang espiritu, na nagpapatunay na wala silang kakayahan na maantig ng Diyos. Kung walang panalangin, imposibleng magkaroon ng normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila masusundan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang hindi pagdarasal ay pagputol ng ugnayan sa Diyos, at magiging imposibleng makuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, habang lalong nagdarasal ang isang tao, iyon ay, habang lalo siyang inaantig ng Diyos, lalo siyang nagkakaroon ng determinasyon at lalo siyang makatatanggap ng pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos. Dahil dito, ang ganitong klase lamang ng tao ang maaaring gawing perpekto ng Banal na Espiritu sa lalong madaling panahon.
Ano ang epektong inaasahang makamtan ng panalangin?
Maaaring naisasagawa ng mga tao ang pagdarasal at nauunawaan ang kabuluhan ng panalangin, ngunit ang pagiging mabisa ng panalangin ay hindi isang simpleng bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng paggawa nang pabasta-basta, o masunod ang pamamaraan, o mabigkas ang mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagdarasal ay hindi pag-uulit ng ilang salita at paggaya sa iba. Sa panalangin, kailangang marating ng isang tao ang kalagayan kung saan maibibigay niya ang kanyang puso sa Diyos, na binubuksan ang puso niya para maantig ito ng Diyos. Para maging mabisa ang panalangin, dapat itong ibatay sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagdarasal mula sa mga salita ng Diyos magagawa ng isang tao na tumanggap ng higit pang kaliwanagan at liwanag. Ang mga palatandaan ng isang tunay na panalangin ay: Pagkakaroon ng pusong nasasabik sa lahat ng hinihingi ng Diyos, at bukod pa riyan ay naghahangad na isakatuparan ang Kanyang mga hinihingi; pagkamuhi sa kinamumuhian ng Diyos at pagkatapos, mula sa pundasyong ito, pagtatamo ng kaunting pagkaunawa tungkol dito, at pagkakaroon ng kaunting kaalaman at kalinawan tungkol sa mga katotohanang ipinaliliwanag ng Diyos. Kapag mayroong determinasyon, pananalig, kaalaman, at isang landas ng pagsasagawa kasunod ng panalangin, saka lamang ito matatawag na tunay na pananalangin, at ang ganitong uri ng panalangin lamang ang maaaring maging mabisa. Subalit kailangang itatag ang panalangin sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos, kailangan itong itatag sa pundasyon ng pakikipagbahaginan sa Diyos sa Kanyang mga salita, at kailangang magawa ng puso na hanapin ang Diyos at maging tahimik sa Kanyang harapan. Ang ganitong uri ng panalangin ay nakapasok na sa yugto ng tunay na pakikipagbahaginan sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 418
Ang pinakamahalagang kaalaman tungkol sa panalangin:
1. Huwag pikit-matang sabihin ang anumang pumasok sa isipan. Kailangan ay may pasanin sa puso mo, ibig sabihin, kailangan ay mayroon kang layunin kapag nagdarasal ka.
2. Ang panalangin ay kailangang maglaman ng mga salita ng Diyos; kailangan ay nakasalig ito sa mga salita ng Diyos.
3. Kapag nagdarasal, hindi ka dapat magsalita sa mga lumang gasgas na kasabihan. Dapat mong iugnay ang iyong mga panalangin sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at kapag nagdarasal ka, sabihin mo sa Diyos ang nasasaloob mo.
4. Ang panalangin ng grupo ay kailangang may isang bagay na pinagtutuunan, na kinakailangan ay ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu.
5. Kailangang matutuhan ng lahat ng tao ang panalangin ng pamamagitan. Isang paraan din ito ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos.
Ang buhay ng panalangin ng indibiduwal ay batay sa pagkaunawa sa kabuluhan ng panalangin at sa pangunahing kaalaman tungkol sa panalangin. Sa pang-araw-araw na buhay, magsumamo at magdasal sa Diyos nang madalas alang-alang sa sarili mong mga pagkukulang, ipagdasal na magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay disposisyon, at magdasal batay sa iyong kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos. Dapat magtatag ang bawat tao ng kanilang sariling buhay ng panalangin, dapat silang manalangin para malaman ang mga salita ng Diyos, at dapat silang manalangin upang maghangad ng kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos. Ihayag ang iyong personal na sitwasyon sa harap ng Diyos at magpakatotoo nang hindi nababahala sa paraan ng iyong pagdarasal, at ang pinakamahalaga ay magtamo ng tunay na pagkaunawa, at magtamo ng praktikal na karanasan sa mga salita ng Diyos. Ang isang taong nagsisikap na makapasok sa espirituwal na buhay ay kailangang manalangin sa maraming iba’t ibang paraan. Tahimik na panalangin, pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, pag-alam sa gawain ng Diyos—lahat ng ito ay mga halimbawa ng makabuluhang gawain ng espirituwal na pagbabahagi para makapasok sa normal na espirituwal na buhay, na laging nagpapabuti sa kondisyon ng isang tao sa harap ng Diyos at nagtutulak sa kanya na mas umunlad sa buhay. Sa madaling salita, lahat ng ginagawa mo, kumakain at umiinom ka man ng mga salita ng Diyos, o tahimik na nagdarasal, o nagpapahayag nang malakas, ay para malinaw mong makita ang mga salita ng Diyos, ang Kanyang gawain, at ang nais Niyang matamo sa iyo. Ang mas mahalaga, lahat ng ginagawa mo ay ginagawa para maabot ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos at mas bumuti ang buhay mo. Ang pinakamababang pamantayan na hinihingi ng Diyos sa tao ay na magawa ng tao na buksan ang kanyang puso sa Diyos. Kung ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sinasabi ang tunay na nasa puso niya, handa ang Diyos na gumawa sa kanya. Ang gusto ng Diyos ay hindi ang balikongt puso ng tao, kundi ang isang dalisay at tapat na puso. Kung hindi magsasalita ang tao sa Diyos mula sa kanyang puso, hindi aantigin ng Diyos ang kanyang puso o gagawa sa kanya. Kaya naman, ang pinakabuod ng panalangin ay ang kausapin ang Diyos mula sa iyong puso, na sinasabi sa Kanya ang iyong mga pagkukulang o mapaghimagsik na disposisyon, ganap na binubuksan ang iyong sarili sa Kanyang harapan; saka lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin, kung hindi, itatago Niya ang Kanyang mukha sa iyo. Ang pinakamababang pamantayan para sa panalangin ay kailangan mong mapanatiling tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at hindi ito dapat lumayo mula sa Diyos. Maaaring sa panahong ito ay hindi ka nagtatamo ng mas bago o mas mataas na pagkaunawa, ngunit sa gayon ay kailangan mong manalangin upang mapanatili ang iyong kasalukuyang kalagayan—hindi ka dapat bumalik sa dati. Ito ang pinakamababang kailangan mong makamtan. Kung kahit ito ay hindi mo kayang isakatuparan, pinatutunayan nito na ang iyong espirituwal na buhay ay wala sa tamang landas. Dahil dito, hindi mo magagawang kapitan ang una mong pananaw, mawawalan ka ng pananalig sa Diyos, at sa bandang huli ay mapapawi ang iyong determinasyon. Ang isang tanda kung nakapasok ka na sa espirituwal na buhay o hindi pa ay ang tingnan kung ang iyong mga panalangin ay nasa tamang landas. Kailangang pasukin ng lahat ng tao ang realidad na ito; kailangan nilang lahat na sadyang sanayin ang kanilang sarili sa pagdarasal, hindi sa paghihintay nang walang kibo, kundi sadyang hangarin na maantig ng Banal na Espiritu. Saka lamang sila magiging mga tao na tunay na naghahanap sa Diyos.
Kapag nagsimula kang manalangin, huwag kang maging di-makatotohanan at umasang makamit ang lahat ng bagay nang sabay-sabay. Hindi ka maaaring humiling nang sobra-sobra, na umaasa na sa sandaling ibuka mo ang iyong bibig ay aantigin ka ng Banal na Espiritu, o na tatanggap ka ng kaliwanagan at pagtanglaw, o na pagkakalooban ka ng Diyos ng malaking biyaya. Hindi mangyayari iyan; hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay na mahimala. Ipinagkakaloob ng Diyos ang mga panalangin ng mga tao sa Kanyang sariling panahon, at kung minsan ay sinusubok Niya ang iyong pananalig upang makita kung ikaw ay tapat sa Kanyang harapan. Kapag nagdarasal ka kailangan ay mayroon kang pananalig, pagtitiyaga, at determinasyon. Karamihan sa mga tao, kapag nagsisimula pa lamang silang magsanay, ay madaling pinanghihinaan ng loob dahil nabibigo silang maramdaman ang haplos ng Banal na Espiritu. Hindi ito maaari! Kailangan mong magtiyaga; kailangan mong magtuon sa pagdama sa haplos ng Banal na Espiritu at sa paghahanap at paggalugad. Kung minsan, ang landas ng iyong pagsasagawa ay hindi tama, at kung minsan, ang iyong personal na mga motibo at kuru-kuro ay hindi mo mapanindigan sa harap ng Diyos, kaya hindi ka naaantig ng Espiritu ng Diyos. Sa ibang mga pagkakataon, tinitingnan ng Diyos kung ikaw ay tapat o hindi. Sa madaling salita, sa pagsasanay, dapat kang maglaan ng higit na pagsisikap. Kung matuklasan mo na mayroong mga paglihis sa landas ng iyong pagsasagawa, maaari mong baguhin ang paraan ng iyong pagdarasal. Hangga’t taos-puso kang naghahangad at nasasabik na tumanggap, tiyak na dadalhin ka ng Banal na Espiritu sa ganitong realidad. Kung minsan nagdarasal ka nang taos-puso ngunit parang hindi mo nadarama na naantig ka talaga. Sa mga panahong kagaya nito kailangan mong umasa sa pananampalataya, na nagtitiwala na sinisiyasat ng Diyos ang iyong mga dalangin; kailangan mong magtiyaga sa iyong mga panalangin.
Maging matapat ka; manalangin ka sa Diyos na alisin ang panlilinlang sa puso mo. Magpadalisay ng iyong sarili sa pamamagitan ng panalangin sa lahat ng oras, at maantig ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa ganitong paraan, unti-unting magbabago ang iyong disposisyon. Ang tunay na espirituwal na buhay ay isang buhay ng panalangin—ito ay isang buhay ng pagiging naantig ng Banal na Espiritu. Ang proseso ng maantig ng Banal na Espiritu ay ang proseso ng pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang isang buhay kung saan ang isang tao ay hindi inaantig ng Banal na Espiritu ay hindi isang espirituwal na buhay; isa pa rin itong buhay ng relihiyosong ritwal. Tanging ang mga madalas na inaantig ng Banal na Espiritu, at naliliwanagan at tinatanglawan ng Banal na Espiritu, ang nakapasok na sa espirituwal na buhay. Ang disposisyon ng tao ay patuloy na nagbabago habang siya ay nagdarasal. Kapag lalo siyang inaantig ng Espiritu ng Diyos, lalo siyang nagiging positibo at mapagpasakop. Kaya unti-unti ring madadalisay ang kanyang puso, at unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon. Ganyan ang epekto ng tunay na panalangin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 419
Wala nang mas mahalagang hakbang sa pagpasok sa mga salita ng Diyos kaysa sa pagpapatahimik sa puso mo sa Kanyang presensya. Isang aral ito na kailangang-kailangang pasukin ng lahat ng tao sa kasalukuyan. Ang mga landas sa pagpasok sa pagpapatahimik sa puso mo sa harap ng Diyos ay ang mga sumusunod:
1. Ilayo mo ang puso mo sa mga bagay na walang kinalaman sa iyo. Pumayapa sa harap ng Diyos, at ituon ang iyong buong pansin sa pagdarasal sa Diyos.
2. Habang payapa ang puso mo sa harap ng Diyos, kainin, inumin, at tamasahin ang mga salita ng Diyos.
3. Pagnilayan at pagbulayan nang mabuti ang pagmamahal ng Diyos at pag-isip-isipin ang gawain ng Diyos sa puso mo.
Una, magsimula sa aspekto ng pagdarasal. Tumutok sa pagdarasal at sa itinakdang mga oras. Gaano ka man kagipit sa oras, o gaano ka man kaabala sa trabaho, o anuman ang nangyayari sa iyo, manalangin araw-araw nang normal, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang normal. Hangga’t kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, anuman ang iyong kapaligiran, masisiyahan nang husto ang iyong espiritu, at hindi ka gagambalain ng mga tao, pangyayari, o bagay sa iyong paligid. Kapag malimit mong binubulay-bulay ang Diyos sa puso mo, hindi ka magagambala ng nangyayari sa labas. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tayog. Magsimula sa pagdarasal: Ang pagdarasal habang pinatatahimik ang iyong sarili sa harap ng Diyos ay pinakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, hanapin ang liwanag sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagninilay sa mga ito, hanapin ang landas ng pagsasagawa, alamin ang layunin ng Diyos sa pagbigkas ng Kanyang mga salita, at unawain ang mga ito nang walang paglihis. Karaniwan, dapat ay mapalapit sa Diyos ang puso mo sa normal na paraan, na pagbulayan ang pag-ibig ng Diyos at pagnilayan ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng mga nangyayari sa labas. Kapag nagkamit na ang puso mo ng kaunting kapayapaan, makakapag-isip-isip ka nang tahimik at, sa iyong kalooban, mapagbubulay-bulayan mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay kang mapapalapit sa Kanya, anuman ang iyong kapaligiran, hanggang sa huli ay marating mo ang punto kung saan nag-uumapaw ang papuri sa puso mo, at mas mabuti pa iyan kaysa pagdarasal. Pagkatapos ay magtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayang inilarawan sa itaas, magiging patunay iyan na tunay na payapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Ito ang unang mahalagang leksyon. Pagkatapos lamang na mapayapa ang mga tao sa harap ng Diyos sila maaantig ng Banal na Espiritu, at mabibigyang-liwanag at matatanglawan ng Banal na Espiritu, at saka lamang sila tunay na makakapagbahaginan sa Diyos, at maaarok ang mga layunin ng Diyos at ang patnubay ng Banal na Espiritu. Sa gayon ay nakapasok na sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na buhay. Kapag lumalim na nang kaunti ang pagsasanay nilang mabuhay sa harap ng Diyos, at nagagawa nilang maghimagsik laban sa kanilang sarili, kamuhian ang kanilang sarili, at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, tunay na payapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos. Ang magawang kamuhian ang sarili, isumpa ang sarili, at maghimagsik laban sa sarili ang epektong nakamit ng gawain ng Diyos, at hindi ito magagawang mag-isa ng mga tao. Sa gayon, ang pagsasagawa na patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos ay isang leksyon na dapat pasukin kaagad ng mga tao. Para sa ilang tao, karaniwan ay hindi lamang sila hindi mapayapa sa harap ng Diyos, kundi hindi pa nila mapatahimik ang kanilang puso sa harap ng Diyos kahit habang nagdarasal. Kulang na kulang ito sa mga pamantayan ng Diyos! Kung hindi mapayapa ang puso mo sa harap ng Diyos, maaantig ka ba ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka mapayapa sa harap ng Diyos, malamang na magambala ka kapag may dumaan, o kapag nag-uusap ang iba, at maaaring mapalayo ang isipan mo kapag may ginagawa ang iba, kaya hindi ka nabubuhay sa presensya ng Diyos. Kung talagang payapa ang puso mo sa harap ng Diyos, hindi ka magagambala ng anumang nangyayari sa mundo sa labas, o maaabala ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Kung may pagpasok ka rito, ang mga negatibong kalagayang iyon at lahat ng negatibong bagay—mga kuru-kuro ng tao, pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, abnormal na ugnayan sa mga tao, at mga ideya at kaisipan, at iba pa—ay natural na maglalaho. Dahil palagi mong pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, at palagi mong inilalapit ang puso mo sa Diyos at lagi kang abala sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, ang mga negatibong bagay na iyon ay mawawala sa iyo nang hindi mo namamalayan. Kapag abala ka sa mga bago at positibong bagay, mawawalan ng puwang ang mga negatibo at lumang bagay, kaya huwag mong pansinin ang mga negatibong bagay na iyon. Hindi mo kailangang sikaping pigilan ang mga ito. Dapat kang magtuon sa pagiging payapa sa harap ng Diyos, kumain, uminom, at tamasahin ang mga salita ng Diyos hangga’t kaya mo, umawit ng mga himno ng papuri sa Diyos hangga’t kaya mo, at bigyan ng pagkakataon ang Diyos na gawaan ka, dahil gusto ng Diyos ngayon na personal na gawing perpekto ang mga tao, at gusto Niyang matamo ang puso mo; inaantig ng Kanyang Espiritu ang puso mo at kung, sa pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu, nabubuhay ka sa presensya ng Diyos, mapapalugod mo ang Diyos. Kung papansinin mo ang pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos at higit kang makikibahagi tungkol sa katotohanan upang magtamo ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, maglalahong lahat yaong mga relihiyosong kuru-kuro at ang iyong pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili, at malalaman mo kung paano gugulin ang sarili mo para sa Diyos, paano mahalin ang Diyos, at paano palugurin ang Diyos. At hindi mo mamamalayan, yaong mga bagay na walang kinalaman sa Diyos ay lubusang mapaparam mula sa iyong kamalayan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 420
Ang pagninilay at pagdarasal tungkol sa mga salita ng Diyos habang kumakain at umiinom ng Kanyang kasalukuyang mga salita ang unang hakbang sa pagiging payapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong tunay na mapayapa sa harap ng Diyos, sasamahan ka ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Lahat ng espirituwal na buhay ay nakakamtan sa pamamagitan ng pagiging payapa sa presensya ng Diyos. Sa pagdarasal, kailangan mong maging payapa sa harap ng Diyos, at saka ka lamang maaantig ng Banal na Espiritu. Kapag payapa ka sa harap ng Diyos kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, maaari kang liwanagan at paliwanagin, at magkakaroon ka ng tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag, sa iyong karaniwang mga pagmumuni-muni, pakikipagbahaginan, at masigasig na paglapit sa Diyos, napapayapa ka sa presensiya ng Diyos, mo magagawang tunay na maging malapit sa Diyos, magkakaroon ka ng tunay na pagkaunawa sa pag-ibig ng Diyos at sa Kanyang gawain, at magpapakita ka ng tunay na pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos. Habang mas karaniwan kang napapayapa sa harap ng Diyos, mas paliliwanagin ka at mas mauunawaan mo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, kung ano ang kulang sa iyo, kung ano ang dapat mong pasukin, kung saang katungkulan ka dapat maglingkod, at kung nasaan ang mga kakulangan mo. Lahat ng ito ay natatamo sa pagiging payapa sa presensya ng Diyos. Kung tunay mong napapalalim ang iyong kapayapaan sa harap ng Diyos, mauunawaan mo ang ilang hiwaga ng espiritu, maaarok kung ano ang kasalukuyang ninanais ng Diyos na isagawa sa iyo, mauunawaan nang mas malalim ang mga salita ng Diyos, mauunawaan ang kaibuturan ng mga salita ng Diyos, ang diwa ng mga salita ng Diyos, ang kabuuan ng mga salita ng Diyos, at makikita mo ang landas ng pagsasagawa nang mas malinaw at tumpak. Kung bigo kang magkamit ng sapat na lalim sa pagiging payapa sa iyong espiritu, maaantig ka lamang nang kaunti ng Banal na Espiritu; madarama mo na lumakas ang loob mo at makadarama ka ng kaunting kasiyahan at kapayapaan, ngunit hindi higit na lalalim ang pagkaunawa mo sa anumang bagay. Nasabi Ko na noon: Kung hindi gagamitin ng mga tao ang buong lakas nila, mahihirapan silang marinig ang Aking tinig o makita ang Aking mukha. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng malalim na kapayapaan sa harap ng Diyos, at hindi sa paimbabaw na mga pagsisikap. Ang isang tao na talagang kayang pumayapa sa presensya ng Diyos ay nagagawang palayain ang kanilang sarili mula sa lahat ng makamundong ugnayan, at maangkin ng Diyos. Lahat ng walang kakayahang pumayapa sa presensya ng Diyos ay tiyak na buktot at hindi masawata. Lahat ng may kakayahang pumayapa sa harap ng Diyos ay yaong mga banal sa harap ng Diyos, at nasasabik sa Diyos. Yaon lamang mga payapa sa harap ng Diyos ang nagpapahalaga sa buhay, nagpapahalaga sa pakikisama sa espiritu, nauuhaw sa mga salita ng Diyos, at naghahangad na matamo ang katotohanan. Ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa pagiging payapa sa harap ng Diyos at hindi nagsasagawa nito ay banidoso, mapagpaimbabaw na mga tao na nakakapit sa mundo at mga tao na walang buhay; kahit sabihin pa nila na naniniwala sila sa Diyos, sabi lang nila iyon. Yaong mga pinerpekto ng Diyos sa huli at ginagawang ganap ay mga taong kayang pumayapa sa Kanyang presensya. Samakatuwid, yaong mga payapa sa harap ng Diyos ay binibiyayaan ng mga dakilang pagpapala. Ang mga taong bihirang gumugugol ng oras na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa buong maghapon, na abalang-abala sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila at kakatiting ang pagpapahalaga sa pagpasok sa buhay—mapagkunwari silang lahat na walang pag-asang lumago sa hinaharap. Yaong mga kayang maging payapa sa harap ng Diyos at tunay na makipagbahaginan sa Diyos ang mga tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 421
Para lumapit sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang mga salita bilang buhay mo, kailangan mo munang mapayapa sa harap ng Diyos. Tanging kapag payapa ka sa harap ng Diyos, saka ka lamang liliwanagan at bibigyan ng kaalaman ng Diyos. Kapag mas payapa ang mga tao sa harap ng Diyos, mas nagagawa nilang tumanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Diyos. Kinakailangan ng mga tao na magkaroon ng kabanalan at pananampalataya sa lahat ng ito; sa gayong paraan lamang sila mapeperpekto. Ang pangunahing leksyon sa pagpasok sa espirituwal na buhay ay ang mapayapa sa presensya ng Diyos. Tanging kapag payapa ka sa presensya ng Diyos, saka lamang magiging epektibo ang lahat ng iyong espirituwal na pagsasanay. Kung hindi kaya ng puso mo na pumayapa sa harap ng Diyos, hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos anuman ang ginagawa mo, isa kang taong nabubuhay sa presensya ng Diyos. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos at napapalapit sa Diyos anuman ang ginagawa mo, patunay ito na isa kang taong payapa sa harap ng Diyos. Kung nasasabi mo, habang nakikipag-usap ka sa iba, o naglalakad, na “Ang puso ko ay napapalapit sa Diyos, at hindi nakatuon sa mga bagay na nangyayari sa labas, at kaya kong pumayapa sa harap ng Diyos,” isa kang taong payapa sa harap ng Diyos. Huwag kang makisali sa anumang bagay na umaakit sa puso mo sa mga bagay na walang kinalaman sa iyo, o sa mga taong inilalayo ang puso mo sa Diyos. Anuman ang makakagulo sa puso mo mula sa pagiging malapit sa Diyos, isantabi ito, o layuan ito. Mas malaki ang pakinabang nito sa buhay mo. Ngayon mismo ang panahon para sa dakilang gawain ng Banal na Espiritu, ang panahon kung kailan personal na ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao. Kung, sa sandaling ito, hindi ka maaaring pumayapa sa harap ng Diyos, hindi ka isang tao na bumalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Kung naghahangad ka ng mga bagay maliban sa Diyos, walang paraan para maperpekto ka ng Diyos. Yaong mga nakakarinig sa gayong mga pagbigkas mula sa Diyos subalit hindi mapayapa sa Kanyang harapan ngayon ay mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi nagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ihahandog ang iyong sarili sa sandaling ito, ano pa ang hinihintay mo? Ang ihandog ang sarili ay ang patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos. Iyan ang tunay na paghahandog. Sinumang tunay na naghahandog ng kanilang puso sa Diyos ngayon ay tiyak na gagawing ganap ng Diyos. Walang anuman, anuman ito, na maaaring gumambala sa iyo; para pungusan ka, o masiphayo ka man o mabigo, dapat ay palaging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Paano ka man tratuhin ng mga tao, dapat pumayapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Anuman ang sitwasyong kinakaharap mo—sumasapit man sa iyo ang kapighatian, pagdurusa, pang-uusig, o iba’t ibang pagsubok—dapat ay laging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos; gayon ang mga landas para maperpekto. Tanging kapag tunay kang payapa sa harap ng Diyos, saka lamang magiging malinaw sa iyo ang kasalukuyang mga salita ng Diyos. Sa gayon ay maisasagawa mo nang mas tama at walang paglihis ang pagtanglaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at maaarok mo nang mas malinaw ang mga layunin ng Diyos, binibigyan ng mas malinaw na direksiyon ang iyong paglilingkod, at maaarok mo nang mas tumpak ang pag-antig at paggabay ng Banal na Espiritu, at matitiyak na mabuhay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Gayon ang mga epektong nakakamit ng tunay na pagiging payapa sa harap ng Diyos. Kapag ang mga tao ay hindi malinaw tungkol sa mga salita ng Diyos, walang landas para magsagawa, bigong maunawaan ang mga layunin ng Diyos, o walang mga prinsipyo ng pagsasagawa, ito ay dahil hindi payapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos. Ang layunin ng pagiging payapa sa harap ng Diyos ay upang maging mabusisi at praktikal, at maghangad ng pagkaeksakto at kalinawan sa mga salita ng Diyos, at sa huli ay maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos.
Kung ang puso mo ay hindi madalas na payapa sa harap ng Diyos, walang paraan ang Diyos para magawa kang perpekto. Ang kawalan ng paninindigan ay kawalan ng puso, at ang isang taong walang puso ay hindi maaaring mapayapa sa harap ng Diyos; hindi alam ng gayong tao kung gaano karaming gawain ang ginagawa ng Diyos, o gaano karami ang Kanyang sinasabi, ni hindi nila alam kung paano magsagawa. Hindi ba walang puso ang taong ito? Maaari bang pumayapa ang isang taong walang puso sa harap ng Diyos? Walang paraan ang Diyos na magawang perpekto ang mga taong walang puso—hindi sila naiiba sa mga hayop. Nagsalita na ang Diyos nang malinaw at deretsahan, subalit hindi pa rin naaantig ang puso mo, at hindi ka pa rin mapayapa sa harap ng Diyos. Hindi ka ba isang hayop? Ang ilang tao ay naliligaw sa pagsasagawa na mapayapa sa presensya ng Diyos. Kapag oras na para magluto, hindi sila nagluluto, at kapag oras na para gumawa, hindi sila gumagawa, kundi patuloy lamang silang nagdarasal at nagmumuni-muni. Ang mapayapa sa harap ng Diyos ay hindi nangangahulugan na hindi magluto o gumawa ng mga gawain, o hindi magpatuloy sa buhay; sa halip, ito ay ang magawang patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos sa lahat ng normal na kalagayan, at magkaroon ng puwang sa puso ng isang tao para sa Diyos. Kapag nagdarasal ka, dapat kang lumuhod nang maayos sa harap ng Diyos para magdasal; kapag gumagawa ka o naghahanda ng pagkain, patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos, pagnilayan ang mga salita ng Diyos, o umawit ng mga himno. Anuman ang sitwasyon mo, dapat kang magkaroon ng sarili mong paraan sa pagsasagawa, dapat mong gawin ang lahat ng kaya mo para mapalapit sa Diyos, at dapat mong sikapin nang buo mong lakas na patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos. Kapag itinutulot ng sitwasyon, magdasal nang walang ibang ginagawa; kapag hindi itinutulot ng sitwasyon, lumapit sa Diyos sa puso mo habang naghahandang gumawa gamit ang iyong mga kamay. Kapag maaari mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, kainin at inumin ang Kanyang mga salita; kapag makapagdarasal ka, magdasal ka; kung maaari mong pagbulay-bulayan ang Diyos, pagbulay-bulayan Siya. Sa madaling salita, gawin ang lahat ng iyong magagawa para sanayin ang sarili mo sa pagpasok ayon sa iyong kapaligiran. Maaaring mapayapa ang ilang tao sa harap ng Diyos kapag walang problema, ngunit sa sandaling may mangyari, gumagala ang isipan nila. Hindi iyon pagiging payapa sa harap ng Diyos. Ang tamang paraan ng pagdanas ay ganito: Anuman ang sitwasyon, hindi dapat lumayo sa Diyos ang puso ng isang tao, o magambala ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay sa labas, at saka lamang tunay na payapa ang isang tao sa harap ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao na, kapag nagdarasal sila sa mga pagpupulong, maaaring mapayapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos, ngunit sa pakikibahagi sa iba hindi nila kayang pumayapa sa harap ng Diyos, at gumagala ang isipan nila. Hindi ito pagiging payapa sa harap ng Diyos. Ngayon, karamihan sa mga tao ay ganito ang kalagayan, hindi kaya ng puso nila na palaging maging payapa sa harap ng Diyos. Sa gayon, kailangan ninyong dagdagan pa ang inyong pagsisikap sa pagsasanay sa aspektong ito, pumasok, nang paunti-unti, sa tamang landasin ng karanasan sa buhay, at magsimulang tumahak sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 422
Ang gawain at salita ng Diyos ay nilalayong magdulot ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layon ay hindi lang para magkamit kayo ng pagkaunawa o kaalaman at maging sapat na iyon. Ang isang taong may abilidad na umarok ay hindi dapat makatagpo ng mga paghihirap pagdating sa mga salita ng Diyos, dahil karamihan sa mga salita ng Diyos ay ipinapahayag sa wika ng pagkatao, at nagsasalita Siya nang may sukdulang kalinawan. Halimbawa, kaya nilang matutunan kung ano ang gusto ng Diyos na maunawaan at isagawa nila; ito ay isang bagay na dapat magawa ng isang normal na tao na may abilidad na umarok. Sa partikular, ang mga salita ng Diyos ngayon ay mas lalo pang malinaw at bukas; tinukoy ng Diyos ang maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao, gayundin ang lahat ng uri ng kalagayan na mayroon ang mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sumasaklaw sa lahat, at kasinglinaw ng liwanag ng kabilugan ng buwan. Kaya ngayon, malinaw sa mga tao at nauunawaan nila ang maraming isyu, ang natitira na lang ay ang isagawa nila ang Kanyang mga salita. Ang lahat ng aspekto ng katotohanan ay dapat maranasan ng mga tao nang detalyado. Kailangang magsiyasat at maghanap ang mga tao nang mas espesipiko, at hindi lang patuloy na maghintay at maibigay sa kanila ang mga bagay-bagay. Kung magpapatuloy ang mga tao sa ganoong paraan, magiging mga palamunin sila. Iyong mga nakakaalam sa salita ng Diyos pero hindi nagsasagawa nito ay mga tao na hindi nagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay ititiwalag sila. Ang paghingi sa inyo na buuin ang estilo ni Pedro ng dekada 90 ay nangangahulugan na dapat isagawa ng bawat isa sa inyo ang salita ng Diyos, dapat magkaroon kayo ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan, at makipagtulungan sa Diyos para magkamit ng mas marami at mas higit pang kaliwanagan, na magiging mas kapaki-pakinabang sa sarili ninyong buhay. Kung nakabasa ka ng maraming salita ng Diyos pero nauunawaan mo lang ang literal na kahulugan at hindi mo sinusubukang danasin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga totoong karanasan, kung gayon ay hindi mo makikilala ang mga salita ng Diyos, at para sa iyo, ang mga salita ng Diyos ay hindi magiging buhay, kundi mga patay na salita lamang. At kung kumakapit ka lang sa mga patay na salita, hindi mo maaarok ang diwa ng mga salita ng Diyos, ni hindi mo malalaman ang Kanyang mga layunin. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang mga salita sa aktuwal mong mga karanasan kusang magbubukas sa iyo ang espirituwal na kahulugan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng karanasan mo maaarok ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan at mabubuksan ang mga misteryo ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo isasagawa ang mga salita ng Diyos, kung gayon, gaano man kalinaw magsalita ang Diyos, ang tanging hawak mo sa iyong mga kamay ay mga hungkag na salita at doktrina, na nagiging iyong mga regulasyong panrelihiyon. Hindi ba’t ito mismo ang ginawa ng mga Pariseo? Kung isasagawa at daranasin ninyo ang salita ng Diyos, magiging praktikal ito sa inyo; kung hindi ninyo hahangaring isagawa ito, ang salita ng Diyos sa inyo ay parang alamat lamang ng ikatlong langit. Sa katunayan, ang proseso ng pananampalataya sa Diyos para sa inyo ay ang proseso ng pagdanas sa Kanyang mga salita at ng pagkamit Niya sa inyo. Sa mas malinaw na salita, ang manampalataya sa Diyos ay ang makilala at maunawaan ang Kanyang mga salita, at ang maranasan at maisabuhay ang Kanyang mga salita; ito ang realidad ng inyong pananampalataya sa Diyos. Kung nananampalataya kayo sa Diyos nang umaasa lang sa buhay na walang hanggan, nang hindi hinahangad ang pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanang realidad, kung gayon, mga hangal kayong lahat. Katulad ito ng pagpunta sa isang piging at pagtingin lang sa masasarap na pagkain at pagsasaulo sa mga ito, nang hindi talaga tumitikim sa alinman sa mga ito, o kumakain o umiinom sa alinman sa mga ito. Hindi ba’t hangal ang gayong tao?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Mo ang Katotohanan, Dapat Mo Itong Isagawa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 423
Nasa loob ng mga salita ng Diyos ang mga katotohanang kailangang taglayin ng mga tao, mga bagay na pinakakapaki-pakinabang at pinakanakatutulong sa mga tao. Ang mga ito ang pampalakas at sustansiyang kailangan ng inyong mga katawan, mga bagay na tumutulong sa mga tao na maibalik ang normal na pagkatao nila, at ang mga katotohanang dapat isangkap sa mga tao. Habang mas isinasagawa ninyo ang mga salita ng Diyos, mas mabilis na lalago ang inyong buhay; habang mas isinasagawa ninyo ang mga salita ng Diyos, mas magiging malinaw ang katotohanan sa inyo. Habang lumalago ang inyong tayog, mas malinaw ninyong makikita ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at magkakaroon kayo ng mas maraming lakas para mapagtagumpayan si Satanas. Marami sa katotohanang hindi ninyo nauunawaan ang magiging malinaw kapag isinagawa ninyo ang mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay kontento na sa pag-unawa lang sa literal na aspekto ng mga salita ng Diyos, at nakatuon sila sa pagsasangkap sa sarili nila ng mga doktrina sa halip na sa pagdanas at pagpapalalim ng pagsasagawa—hindi ba’t iyan ang paraan ng mga Pariseo? Makakamit ba ng isang tao ang realidad ng pariralang “pagkakaroon ng mga salita ng Diyos bilang buhay ng isang tao” sa paggawa nito? Lalago lang ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos; hindi ito lumalago sa pagbabasa lang ng mga ito. Kung naniniwala ka na hangga’t nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos ay magkakaroon ka ng buhay at tayog, kung gayon ay lihis ang iyong pagkaunawa. Ang tunay na pag-unawa sa mga salita ng Diyos ay nakakamit kapag isinasagawa mo ang katotohanan; dapat mong maunawaan na “sa pamamagitan lang ng pagsasagawa sa katotohanan ito kailanman mauunawaan.” Ngayon, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, masasabi mo lang na batid mo ang mga salita ng Diyos, pero hindi mo masasabing nauunawaan mo ang mga ito. Sinasabi ng ilan na dapat munang maunawaan ng isang tao ang katotohanan bago niya ito maisagawa, pero bahagya lang itong tama, hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman sa isang partikular na katotohanan, iyon ay kapag hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na nauunawaan mo ang katotohanang iyon kapag naririnig mo ito sa isang sermon ay hindi tunay na pagkaunawa rito—ito ay pagtataglay lang sa literal na aspekto ng katotohanang iyon, nang hindi nauunawaan ang tunay na kahulugang nakapaloob doon. Ang pag-alam lang sa ibabaw na suson ng katotohanan ay hindi nangangahulugang aktuwal mong nauunawaan ang katotohanan o may kaalaman ka rito; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nagmumula sa pagdanas dito. Samakatwid, tanging kapag naranasan mo ang katotohanan mo ito mauunawaan, at sa pamamagitan lang ng karanasan mo maaarok ang mga nakatagong parte nito. Ang pagpapalalim sa karanasan mo ang tanging paraan para maarok ang mga konotasyon ng katotohanan, at para maunawaan ang diwa ng katotohanan. Samakatwid, tanging kapag taglay mo ang katotohanan ka makakakilos nang malaya sa buong mundo. Kung wala sa iyo ang katotohanan, huwag mo nang isipin na mapasunod sa iyo ang maraming tao sa relihiyon—kahit ang sarili mong mga kapamilya ay hindi susunod sa iyo. Kung wala ang katotohanan, para kang isang natatangay na niyebe, pero kung taglay mo ang katotohanan, maaari kang maging masaya at malaya, at walang sinuman ang makakaatake sa iyo. Gaano man katibay ang isang teorya, hindi nito kayang daigin ang katotohanan. Sa pamamagitan ng katotohanan, kaya mong baligtarin ang langit at lupa at ilipat ang mga bundok at dagat; kung wala ang katotohanan, kahit ang mga uod ay makakalusot sa lungsod mo. Isa itong malinaw na katunayan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Mo ang Katotohanan, Dapat Mo Itong Isagawa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 424
Ngayon, kritikal na pagkatapos mong malaman ang katotohanan, isagawa mo ito at isangkap mo sa sarili mo ang tunay na kahulugan ng mas maraming katotohanan. Ito ang dapat ninyong tunay na makamit. Sa halip na hangarin lang na mapasunod ang iba sa iyong mga salita, dapat mo silang mapasunod sa iyong pagsasagawa. Ito ang tunay na makabuluhan. Anuman ang mangyari sa iyo, sinuman ang makakasalamuha mo, makapaninindigan ka lang kung taglay mo ang katotohanan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay nilalayong buhayin ang mga tao, hindi para mamatay sila. Kung, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, hindi ka nabuhay, bagkus nanatiling patay, kung gayon ay mayroong mali sa iyo. Kung pagkalipas ng ilang panahon ay nakabasa ka na ng maraming salita ng Diyos at nakarinig ng maraming sermon na may realidad, pero hindi pa rin nagbabago ang iyong patay na kondisyon, nagpapatunay ito na hindi ka isang taong nagpapahalaga sa katotohanan, ni hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan. Kung tunay na mayroon kayong puso para hangaring makamit ang Diyos, hindi kayo tutuon sa pagsasangkap sa inyong sarili ng mga doktrina at sa pangangaral sa iba ng matatayog na doktrina, kundi sa halip ay tutuon kayo sa pagdanas sa mga salita ng Diyos at pagsasagawa sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang dapat ninyong hangaring pasukin ngayon?
Mayroong limitasyon sa oras ang gawaing ginagawa ng Diyos sa tao—ano ang maaaring maging mga resulta kung hindi ka makikipagtulungan sa Kanya? Bakit palaging hinihingi sa inyo ng Diyos na isagawa ang Kanyang mga salita sa sandaling maunawaan ninyo ang mga ito? Ipinapakita nito na sa sandaling ipamalas ng Diyos ang Kanyang mga salita sa inyo, ang susunod na hakbang ay ang isagawa ninyo ang mga ito. Habang isinasagawa ninyo ang mga salitang ito, gumagawa ang Diyos ng karagdagang hakbang ng gawain, binibigyang-liwanag at ginagabayan kayo. Naisasakatuparan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay tumutulong sa mga tao na lumago sa buhay; walang elemento sa loob ng mga ito na nagiging sanhi para lumihis ang mga tao, ni anumang bahagi na nagiging sanhi para maging negatibo ang mga tao. Sinasabi mong nabasa mo na ang mga salita ng Diyos at naisagawa ang mga ito, pero hindi ka pa rin nakakatanggap ng anumang gawain mula sa Banal na Espiritu. Kaya lang linlangin ng iyong mga salita ang isang bata. Maaaring hindi alam ng ibang tao kung tama ang iyong mga intensiyon, pero sa tingin mo ba ay posible na hindi ito malalaman ng Diyos? Bakit nakakatanggap ang iba ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu mula sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos? Bakit hindi ka nakakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu kapag isinasagawa mo ang Kanyang mga salita? Maaari bang magkaroon ang Diyos ng mga damdamin ng laman? Kung talagang tama ang iyong mga intensiyon at nakikipagtulungan ka, sasaiyo ang Espiritu ng Diyos. Gusto palagi ng ilang tao na magtatag ng sarili nilang paksiyon, ngunit bakit hindi sila hinahayaan ng Diyos na tumindig at mamuno sa iglesia? Ginagampanan lamang ng ilang tao ang kanilang papel at ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at nang hindi namamalayan, sila ay nakitang karapat-dapat ng Diyos. Paano nangyari iyon? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, at kailangan itong gawin ng mga taong naghahanap sa katotohanan nang may mga tamang intensiyon. Ang mga taong hindi tama ang mga intensiyon ay tiyak na hindi kayang manindigan. Ang pinakapangunahing bagay na dapat ninyong hangarin ay ang hayaang magkabisa ang salita ng Diyos sa inyo—sa madaling salita, magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos sa inyong pagsasagawa nito. Marahil ay wala kayong gaanong abilidad na umarok ng salita ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng pagsasagawa ninyo sa Kanyang salita, maaari Niyang lunasan ang pagkukulang na ito, kaya hindi lamang ninyo kailangang malaman ang maraming katotohanan, kundi mas lalong kailangan ninyong isagawa ang mga ito. Ito ang pinakakritikal na bagay, at hindi ito puwedeng balewalain. Tiniis ni Jesus ang maraming kahihiyan at pagdurusa sa Kanyang tatlumpu’t tatlo at kalahating taon. Nagdusa Siya nang husto dahil lamang sa isinagawa Niya ang katotohanan, sumunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at nagpakita lamang ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Kung nalaman lang Niya ang katotohanan nang hindi iyon isinasagawa, hindi Niya sana dinanas ang pagdurusang ito. Kung sinunod ni Jesus ang mga turo ng mga Hudyo at sinunod ang mga Pariseo, hindi sana Siya nagdusa. Matututuhan mo mula sa mga gawa ni Jesus na ang mga epekto ng gawain ng Diyos sa tao ay nakakamit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng tao, at ito ay isang bagay na kailangan ninyong kilalanin. Nagdusa kaya si Jesus na tulad ng dinanas Niya sa krus kung hindi Niya isinagawa ang katotohanan? Nanalangin kaya Siya nang ganoon kalungkot kung hindi Siya kumilos alinsunod sa mga pagnanais ng Diyos? Samakatwid, dapat kayong magdusa alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan; ito ang uri ng pagdurusang dapat danasin ng isang tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Mo ang Katotohanan, Dapat Mo Itong Isagawa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 425
Sa pagsasagawa, ang pagsunod sa mga kautusan ay dapat iugnay sa pagsasagawa ng katotohanan. Habang sumusunod sa mga kautusan, kailangang isagawa ng tao ang katotohanan. Kapag nagsasagawa ng katotohanan, hindi dapat salungatin ng tao ang mga prinsipyo ng mga kautusan, ni labagin ang mga kautusan; kailangan mong gawin ang anumang ipinagagawa sa iyo ng Diyos. Ang pagsunod sa mga kautusan at pagsasagawa ng katotohanan ay magkaugnay, hindi magkasalungat na mga pagkilos. Kapag lalo mong isinasagawa ang katotohanan, lalo kang nagkakaroon ng kakayahang sundin ang diwa ng mga kautusan. Kapag lalo mong isinasagawa ang katotohanan, lalong magiging malinaw sa iyo at lalo mong mauunawaan ang salita ng Diyos ayon sa ipinahayag sa mga kautusan. Ang pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa mga kautusan ay hindi magkasalungat na mga kilos—magkaugnay ang mga ito. Sa simula, matapos lamang sunding mabuti ng tao ang mga kautusan, saka niya maisasagawa ang katotohanan at matatanggap ang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, ngunit hindi ito ang orihinal na layon ng Diyos. Hinihiling ng Diyos na ituon mo ang puso mo sa pagsamba sa Kanya, hindi lamang pagkilos nang maayos. Gayunpaman, dapat mong sunding mabuti ang mga kautusan, kahit sa panlabas man lang. Kapag lamang mas malinaw na nakikilala ng isang tao ang Diyos sa proseso ng unti-unting pagdanas, nang hindi naghihimagsik ni lumalaban sa Kanya, at hindi nagkikimkim ng mga pagdududa tungkol sa Kanyang gawain, saka nito masusunod ang diwa ng mga kautusan. Kaya naman, ang pagsunod lamang sa mga kautusan nang hindi isinasagawa ang katotohanan ay hindi pa rin nagbubunga, at hindi tunay na pagsamba sa Diyos, dahil hindi mo pa nakakamit ang tunay na tayog. Ang pagsunod lamang sa mga kautusan nang walang katotohanan ay katumbas ng mahigpit na pagsunod sa mga regulasyon. Sa paggawa niyon, ang mga kautusan ay magiging batas na lamang para sa iyo, na hindi makatutulong sa iyo na lumago sa buhay. Bagkus, magiging pasanin mo ang mga ito, at igagapos ka nang mahigpit gaya ng mga kautusan ng Lumang Tipan, na magiging dahilan upang mawala sa iyo ang presensya ng Banal na Espiritu. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng katotohanan mo masusunod nang mabuti ang mga kautusan, at ang pagsunod nang mabuti sa mga kautusan ay alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan. Sa proseso ng pagsunod sa mga kautusan, isasagawa mo ang mas maraming katotohanan, at sa pagsasagawa ng katotohanan, magtatamo ka ng mas malalim na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng mga kautusan. Ang layunin at kahulugan sa likod ng kahilingan ng Diyos na sundin ng tao ang mga kautusan ay hindi para pasunurin ito sa mga regulasyon gaya ng maaari niyang isipin; sa halip, may kinalaman iyon sa kanyang buhay pagpasok. Ang lawak ng iyong paglago sa buhay ang nagdidikta sa antas ng kakayahan mong sundin ang mga kautusan. Bagama’t ang mga kautusan ay para sundin ng tao, ang diwa ng mga kautusan ay nagiging malinaw lamang sa pamamagitan ng buhay karanasan ng tao. Ipinapalagay ng karamihan sa mga tao na ang maayos na pagsunod sa mga kautusan ay nangangahulugan na sila ay “handang-handa, at ang kailangan na lamang gawin ay sumunod.” Ang ganitong uri ng pag-iisip ay isang luho. Hindi ito ang layunin ng Diyos. Ito ay pananalita ng mga walang adhikain na umunlad, ng mga nag-iimbot sa laman. Isa itong maling kaisipan! Hindi ito naaayon sa realidad! Hindi layunin ng Diyos na isagawa lamang ang katotohanan nang hindi aktuwal na sinusunod ang mga kautusan. Ang mga gumagawa nito ay may kapansanan—tulad ng isang taong walang isang binti. Ang pagsunod lamang sa mga kautusan na para bang pagsunod sa mga regulasyon, ngunit hindi pagtataglay ng katotohanan—hindi rin nito matutugunan ang layunin ng Diyos, tulad ng mga walang isang mata—may kapansanan pa rin. Masasabi na kung susundin mo ang mga kautusan nang maayos at magkakamit ka ng malinaw na pagkaunawa sa praktikal na Diyos, tataglayin mo ang katotohanan; kumpara sa iba, magtatamo ka na ng tunay na tayog. Kung isinasagawa mo ang katotohanan na dapat mong isagawa, susundin mo rin ang mga kautusan, at ang dalawang bagay na ito ay hindi magkasalungat. Ang pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa mga kautusan ay dalawang pangunahing sistema, na kapwa mahahalagang bahagi ng karanasan sa buhay ng isang tao. Ang karanasan ng isang tao ay dapat buuin ng pagkakaisa, hindi ng pagkakahati, ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasagawa ng katotohanan. Gayunman, kapwa may mga pagkakaiba at pagkakaugnay sa pagitan ng dalawang ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 426
Ang pagpapahayag ng mga kautusan sa bagong kapanahunan ay isang katibayan ng katunayan na ang lahat ng tao sa daloy na ito, ang lahat ng nakaririnig sa pagbigkas ng Diyos ngayon, ay nakapasok na sa isang bagong kapanahunan. Ito ay isang bagong simula para sa gawain ng Diyos, at isang simula rin ng huling bahagi ng gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon. Ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay simbolo na ang Diyos at ang tao ay nakapasok na sa saklaw ng isang bagong langit at isang bagong lupa, at na ang Diyos, tulad noong gumawa si Jehova sa mga Israelita at gumawa si Jesus sa mga Hudyo, ay gagawa ng mas maraming praktikal na gawain, at gagawa ng mas marami at mas dakila pang gawain sa lupa. Ang mga ito ay simbolo rin na ang grupong ito ng mga tao ay tatanggap ng mas marami at mas dakilang mga tagubilin mula sa Diyos, ay tutustusan, pakakainin, susuportahan, pangangalagaan, at poprotektahan Niya sa praktikal na paraan, tatanggap ng mas marami pang praktikal na pagsasanay mula sa Kanya, at pupungusan, dudurugin, at pipinuhin ng salita ng Diyos. Ang kabuluhan ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ay talagang malalim. Iminumungkahi ng mga ito na ang Diyos ay magpapakita nang praktikal sa lupa, kung saan lulupigin Niya ang buong sansinukob, na magbubunyag ng Kanyang buong kaluwalhatian sa katawang-tao. Iminumungkahi rin ng mga ito na ang praktikal na Diyos ay gagawa ng mas maraming praktikal na gawain sa lupa upang gawing perpekto ang lahat ng Kanyang hinirang. Bukod pa riyan, isasakatuparan ng Diyos ang lahat sa lupa gamit ang mga salita, at papangyarihin ang realidad na “ang Diyos na nagkatawang-tao ay aangat sa pinakamataas at dadakilain, at ang di-mabilang na mga bayan at mga tao ay luluhod upang sambahin ang Diyos, na dinadakila.” Bagama’t ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay para sundin ng tao, at bagama’t ang paggawa nito ay tungkulin ng tao at ang dapat makamit ng tao, ang kahulugang kinakatawan ng mga ito ay napakalalim para lubos na maipahayag sa isa o dalawang salita. Ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay pinapalitan ang mga kautusan sa Lumang Tipan at ang mga ordenansa sa Bagong Tipan ayon sa ipinahayag nina Jehova at Jesus. Ito ay isang mas malalim na aral, hindi isang bagay na kasing-simple ng maaaring isipin ng tao. May isang aspeto ng praktikal na kabuluhan sa mga kautusan ng bagong kapanahunan. Ang mga ito ang punto kung saan nagtatapos ang Kapanahunan ng Biyaya at nagsisimula ang Kapanahunan ng Kaharian. Winakasan ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ang lahat ng kagawian at ordenansa sa lumang kapanahunan, pati na rin ang lahat ng kagawian mula sa kapanahunan ni Jesus at mga kagawian bago sumapit iyon. Dinadala ng mga ito ang tao sa presensya ng mas praktikal na Diyos, upang masimulan niyang tanggapin na personal siyang gagawing perpekto ng Diyos; ang mga ito ang simula ng landas tungo sa pagiging perpekto. Sa gayon, dapat kayong magtaglay ng tamang saloobin hinggil sa mga kautusan ng bagong kapanahunan, at huwag ninyong tratuhin nang walang ingat ang mga ito ni tratuhin nang pabasta-basta ang mga ito. Binibigyang-diin ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ang isang punto: Na sasambahin ng tao ang praktikal na Diyos Mismo ngayon, na kinabibilangan ng mas praktikal na pagpapasakop sa diwa ng Espiritu. Binibigyang-diin din ng mga kautusan ang mga prinsipyong gagamitin ng Diyos sa paghatol kung makasalanan ba o matuwid ang tao pagkatapos Niyang magpakita bilang ang Araw ng katuwiran. Ang mga kautusan ay mas madaling maunawaan kaysa isagawa. Mula rito, makikita na kung nais ng Diyos na gawing perpekto ang tao, kailangan Niyang gawin iyon sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga salita at patnubay, at hindi magiging perpekto ang tao sa pamamagitan lamang ng sarili niyang likas na talino. Masusunod man ng tao ang mga kautusan ng bagong kapanahunan o hindi ay may kinalaman sa kaalaman ng tao tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito, ang iyong pagsunod sa mga kautusan ay hindi makakamit sa loob lamang ng ilang araw. Ito ay isang napakalalim na aral na matututuhan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 427
Ang pagsasagawa ng katotohanan ay isang landas kung saan maaaring lumago ang buhay ng tao. Kung hindi ninyo isinasagawa ang katotohanan, walang matitira sa inyo kundi teorya lamang at hindi kayo magkakaroon ng totoong buhay. Katotohanan ang simbolo ng tayog ng tao, at isinasagawa mo man ang katotohanan o hindi ay nauugnay sa kung mayroon kang tunay na tayog o wala. Kung nabibigo kang isagawa ang katotohanan, hindi ka kumikilos nang matuwid, o nadadala ka ng mga damdamin at inaalala mo ang laman, imposibleng makasunod ka sa mga kautusan. Ito ang pinakamalalim na aral sa lahat. Sa bawat kapanahunan, maraming katotohanang kailangang pasukin at kailangang unawain ng tao, ngunit sa bawat kapanahunan, mayroon ding iba’t ibang kautusang kalakip ng mga katotohanang iyon. Ang katotohanang isinasagawa ng mga tao ay may kaugnayan sa isang partikular na kapanahunan, at gayon din ang mga kautusang sinusunod nila. Ang bawat kapanahunan ay may sarili nitong mga katotohanang isasagawa at bukod pa riyan, mga kautusang susundin. Gayunman, depende sa mga kautusang ipinahayag ng Diyos—ibig sabihin, depende sa iba’t ibang kapanahunan—ang layunin at epekto ng pagsasagawa ng tao ng katotohanan ay magkakaiba ang laki. Masasabi na ang mga kautusan ay nagsisilbi sa katotohanan, at ang katotohanan ay umiiral upang mapanatili ang mga kautusan. Kung ang katotohanan lamang ang naririyan, hindi magkakaroon ng mga pagbabago sa gawain ng Diyos na mapag-uusapan. Gayunman, sa pagtukoy sa mga kautusan, makikilala ng tao ang lawak ng mga kalakaran sa gawain ng Banal na Espiritu, at malalaman ng tao ang kapanahunan kung saan gumagawa ang Diyos. Sa relihiyon, maraming taong kayang magsagawa ng marami sa mga katotohanang isinagawa ng mga tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Gayunman, hindi pa nila natatanggap ang mga kautusan ng bagong kapanahunan, ni hindi nila masusunod ang mga ito. Sinusunod pa rin nila ang mga dating gawi at nananatiling mga sinaunang tao. Hindi sila sinamahan ng mga bagong pamamaraan ng gawain at hindi nila makita ang mga kautusan ng bagong kapanahunan. Sa gayon, wala sa kanila ang gawain ng Diyos. Na para bang nagbabantay sila ng mga itlog na walang laman: kung walang sisiw sa loob, walang espiritu. Para mas tumpak, ibig sabihin ay wala silang buhay. Ang gayong mga tao ay hindi pa nakapasok sa bagong kapanahunan at napag-iwanan nang maraming hakbang. Kung gayon, walang silbi ang magkaroon lamang ng mga katotohanan mula sa mga dating kapanahunan ngunit walang mga kautusan ng bagong kapanahunan. Marami sa inyo ang nagsasagawa ng katotohanan ngayon ngunit hindi ninyo sinusunod ang mga kautusan ngayon. Wala kayong mapapala, at ang katotohanang inyong isinasagawa ay mawawalan ng halaga at kabuluhan at hindi kayo sasang-ayunan ng Diyos. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay kailangang gawin ayon sa mga limitasyon ng mga pamamaraan ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu; kailangan itong gawin bilang tugon sa pagbigkas ng praktikal na Diyos ngayon. Kapag hindi ito ginawa, walang saysay ang lahat, tulad ng pagtatangkang sumalok ng tubig gamit ang isang basket na kawayan. Ito rin ang praktikal na kahulugan ng pagpapahayag ng mga kautusan ng bagong kapanahunan. Kung susunding mabuti ng mga tao ang mga kautusan, kahit paano man lang ay dapat kilala nila ang Diyos na praktikal na nagpapakita sa katawang-tao, at dapat hindi sila nalilito tungkol sa Kanya. Sa madaling salita, dapat maarok ng mga tao ang mga prinsipyo ng pagsunod nang mabuti sa mga kautusan. Ang pagsunod sa mga kautusan ay hindi nangangahulugan na sundin ang mga ito nang hindi maayos o nang arbitraryo, kundi sundin ang mga ito nang may batayan, may layunin, at may mga prinsipyo. Ang unang bagay na dapat makamit ay ang maging malinaw sa iyo ang tungkol sa mga pangitain. Kung mayroon kang ganap na pagkaunawa sa gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan, at kung papasok ka sa mga pamamaraan ngayon ng gawain, likas kang magtatamo ng malinaw na pagkaunawa sa pagsunod sa mga kautusan. Kung dumating ang araw na malinaw mong nakikita ang diwa ng mga kautusan ng bagong kapanahunan at nasusunod ang mga kautusan, nagawa ka nang perpekto. Ito ang praktikal na kabuluhan ng pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa mga kautusan. Maisasagawa mo man ang katotohanan o hindi ay depende sa kung paano mo nahihiwatigan ang diwa ng mga kautusan ng bagong kapanahunan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay patuloy na magpapakita sa tao, at unti-unting tataas ang mga hinihingi ng Diyos sa tao. Samakatuwid, ang mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isagawa ng mga tao ay dadami nang dadami, at lalaki nang lalaki, at ang mga epekto ng pagsunod sa mga kautusan ay lalalim nang lalalim. Samakatuwid, kailangang sabay ninyong isagawa ang katotohanan at sundin ang mga kautusan. Walang sinumang dapat magpabaya sa bagay na ito; hayaang sabay na magsimula ang bagong katotohanan at mga bagong kautusan sa bagong kapanahunang ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 428
Maraming taong nakapagsasalita nang kaunti tungkol sa pagsasagawa at nakapagsasalita sila tungkol sa kanilang mga pansariling palagay, ngunit pagpapaliwanag na nakamit mula sa mga salita ng iba ang karamihan ng ito. Hindi man lamang kabilang dito ang anumang nagmumula sa kanilang pansariling mga pagsasagawa, ni hindi kabilang dito ang nakikita nila mula sa kanilang mga karanasan. Hinimay Ko ang usaping ito noong una pa man; huwag mong isiping wala Akong alam. Isa ka lamang papel na tigre, subalit nagsasalita ka tungkol sa pagsupil kay Satanas? Sa pagbibigay ng matatagumpay na patotoo? Sa pagsasabuhay sa wangis ng Diyos? Walang kabuluhan ang lahat ng ito! Iniisip mo bang ang lahat ng mga salitang sinabi ng Diyos ngayon ay para hangaan mo? Nagsasabi ang bibig mo tungkol sa paghihimagsik laban sa dati mong sarili at pagsagawa ng katotohanan, subalit ibang mga gawa ang isinasakatuparan ng iyong mga kamay at nagpaplano ng ibang mga bagay ang puso mo—anong klaseng tao ka? Bakit hindi iisa’t pareho ang puso at mga kamay mo? Napakaraming sermon na ang naging hungkag na mga salita; hindi ba’t nakadudurog ito ng puso? Kung hindi mo maisagawa ang salita ng Diyos, pinatutunayan nito na hindi ka pa nakapapasok sa paraan ng pagkilos ng Banal na Espiritu, na wala pa sa loob mo ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ka pa nagkakaroon ng paggabay Niya. Kung sinasabi mong nauunawaan mo lamang ang salita ng Diyos ngunit hindi mo naisasagawa ito, kung gayon isa kang taong hindi nagmamahal sa katotohanan. Hindi pumaparito ang Diyos upang tubusin ang ganitong klaseng tao. Nagdusa si Jesus ng napakatinding paghihirap noong ipako Siya sa krus upang tubusin ang mga makasalanan, upang tubusin ang mga maralita, at upang tubusin ang mga abang tao. Ipinako Siya sa krus bilang isang handog para sa kasalanan. Kung hindi mo maisasagawa ang salita ng Diyos, kung gayon dapat kang umalis sa lalong madaling panahon; huwag kang magtagal sa tahanan ng Diyos bilang isang manghuhuthot. Nahihirapan pa ang maraming mga tao na pigilan ang kanilang mga sarili mula sa paggawa ng mga bagay na malinaw na sumasalungat sa Diyos. Hindi ba sila humihingi ng kamatayan? Paano sila nakapagsasalita tungkol sa pagpasok sa kaharian ng Diyos? May tapang kaya silang makita ang mukha ng Diyos? Ang pagkain ng mga pagkaing ipinagkakaloob ng Diyos sa iyo, ang paggawa ng buktot na mga bagay na sumasalungat sa Diyos, ang pagiging mapaghangad ng masama, lihim na mapanira, at mapagpakana, kahit habang pinahihintulutan ng Diyos na matamasa mo ang mga biyayang ipinagkaloob Niya sa iyo—hindi mo ba nararamdamang sinusunog ng mga ito ang mga kamay mo kapag tinatanggap mo sila? Hindi mo ba nararamdaman ang pamumula ng mukha mo? Sa pagkakagawa ng isang bagay na sumasalungat sa Diyos, sa pagpapatupad ng mga pakana upang “maging tampalasan,” hindi ka ba natatakot? Kung wala kang nararamdaman, paano ka nakapagsasalita ng anuman tungkol sa kinabukasan? Wala nang kinabukasan para sa iyo noong una pa man, kaya ano pang mas higit na pag-asa ang mayroon ka? Kung magsasalita ka ng isang walang-kahihiyang bagay ngunit wala kang nararamdamang kahihiyan, at ang puso mo ay walang kamalayan, kung gayon hindi ba ito nangangahulugang pinabayaan ka na ng Diyos? Naging likas na sa iyo ang magsalita at kumilos nang walang pakundangan at walang pagpipigil; paano ka pang magagawang perpekto ng Diyos nang ganito? Magagawa mo bang lakarin ang buong daigdig? Sino ang makukumbinsi sa iyo? Lalayo yaong mga nakakikilala sa totoo mong kalikasan. Hindi ba ito kaparusahan ng Diyos? Sa kabuuan, kung puro salita lamang at walang pagsasagawa, walang paglago. Bagama’t maaaring gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu habang nagsasalita ka, kung hindi ka nagsasagawa, titigil ang Banal na Espiritu sa paggawa. Kung magpapatuloy kang ganito, paano magkakaroon ng anumang usapan tungkol sa kinabukasan o pagbibigay ng buong pagkatao mo sa gawain ng Diyos? Nasasabi mo lang ang pag-aalay ng buong katauhan mo, subalit hindi mo pa naibibigay ang tunay mong mapagmahal-sa-Diyos na puso sa Kanya. Ang tanging natatanggap Niya mula sa iyo ay ang intensyon mong magsalita; hindi ibinibigay sa Kanya ang layunin mong isagawa ang katotohanan. Ito nga ba ang aktwal mong katayuan? Kung magpapatuloy kang ganito, kailan ka magagawang perpekto ng Diyos? Hindi ka ba nababahala sa madilim at malungkot mong kinabukasan? Hindi mo ba nararamdaman na nawalan na ng pag-asa ang Diyos sa iyo? Hindi mo ba alam na ninanais ng Diyos na gawing perpekto ang mas marami at mas bagong mga tao? Kaya bang manatili ng mga lumang bagay? Hindi mo binibigyang pansin ang mga salita ng Diyos ngayon: Naghihintay ka ba ng bukas?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 429
Ang pagkuha sa mga salita ng Diyos at magawang ipaliwanag ang mga ito nang mapangahas ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad; ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Ang pagtataglay ng realidad ay hindi isang bagay na sinasabi, kundi isang bagay na isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagbubunyag mo ang mga salita ng Diyos, saka lamang masasabi na taglay mo ang realidad, at saka ka lamang maituturing na nagkamit ng tunay na pagkaunawa at aktuwal na tayog. Ang magawang matagalan ang mga pagsubok sa loob ng mahabang panahon, at ang isabuhay ang wangis na tumutugon sa mga hinihingi ng Diyos—hindi pumopostura, kundi natural itong ibinubunyag—ito lang ang maituturing na tunay na pagtataglay ng realidad, at pagkakaroon ng buhay. Hayaan mong gumamit Ako ng halimbawa ng pagsubok sa mga tagasilbi na pamilyar sa lahat: Maaaring ialok ng sinuman ang pinakamatatayog na teorya tungkol sa mga tagasilbi, at lahat ay may maayos na pagkaunawa tungkol sa paksa; pinag-uusapan nila iyon at bawat pananalita ay mas magaling kaysa sa huli, na para bang isang paligsahan iyon. Gayunman, kung hindi pa sumailalim ang tao sa isang malaking pagsubok, napakahirap sabihin na may maibabahagi siyang magandang patotoo. Sa madaling salita, ang isinasabuhay ng tao ay nananatiling hindi maganda, lubos na salungat sa kanyang pagkaunawa. Kung gayon, kailangan pa itong maging totoong tayog ng tao, at hindi pa ito buhay ng tao. Dahil hindi pa nadadala sa realidad ang pagkaunawa ng tao, para pa ring kastilyong itinayo sa buhangin ang kanyang tayog, na umuuga at nasa bingit ng pagguho. Lubhang kakaunti ang taglay na realidad ng tao; halos imposibleng makahanap ng anumang realidad sa tao. Napakakakaunti ng realidad sa kung ano ang likas na ibinubunyag ng tao; ang isinasabuhay niya ay pawang sapilitan. Iyan ang dahilan kaya Ko sinasabi na walang taglay na realidad ang tao. Bagama’t sinasabi ng mga tao na hindi nagbabago ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso kailanman, ito lamang ang sinasabi nila bago sila naharap sa anumang mga pagsubok. Balang araw, kapag bigla silang naharap sa mga pagsubok, muling lubos na magiging saungat sa realidad ang mga bagay na sinasabi nila, at minsan pa itong magpapatunay na walang taglay na realidad ang tao. Masasabi na tuwing nahaharap ka sa mga bagay na hindi akma sa iyong mga kuru-kuro at na humihingi sa iyo na maging bukas, ang mga bagay na iyon ang mga pagsubok sa iyo. Bago maipamalas ang layunin ng Diyos, lahat ay nagdaraan sa isang mahigpit na pagsusuri at napakalaking pagsubok. Naaarok mo ba ito? Kapag gusto ng Diyos na subukin ang mga tao, palagi Niya silang hinahayaang pumili bago ibunyag ang aktuwal na katotohanan. Ibig sabihin nito, kapag isinasailalim ka ng Diyos sa mga pagsubok, hindi Niya kailanman sasabihin sa iyo ang katotohanan; sa ganyang paraan nabubunyag ang mga tao. Isang paraan ito ng pagsasagawa ng Diyos ng Kanyang gawain, upang makita kung kilala mo ang Diyos ngayon, at kung nagtataglay ka ng anumang realidad. Talaga bang wala kang mga pagdududa tungkol sa gawain ng Diyos? Magagawa mo bang tunay na manindigan kapag dumating sa iyo ang isang matinding pagsubok? Sino ang nangangahas na magsabing, “Ginagarantiyahan ko na walang magiging mga problema”? Sino ang nangangahas na igiit na, “Maaaring may mga pagdududa ang iba, pero hindi ako kailanman”? Kagaya lamang noong isailalim si Pedro sa mga pagsubok: Palagi siyang nagyayabang bago nahayag ang katotohanan. Hindi natatangi kay Pedro ang personal na kapintasang ito; ito ang pinakamalaking hirap na kasalukuyang kinakaharap ng bawat tao. Kung bibisitahin Ko ang ilang lugar o ang ilang kapatid upang tingnan kung ano ang inyong pagkaunawa sa gawain ng Diyos ngayon, tiyak na marami kayong masasabi tungkol sa inyong kaalaman, at magmumukhang wala kayong anumang pagdududa. Kung tatanungin Ko kayo, “Matitiyak mo ba talaga na ang gawain ngayon ay ginagampanan ng Diyos Mismo? Nang walang anumang pagdududa?” tiyak na isasagot mong, “Walang anumang pagdududa, ito ang gawaing isinasagawa ng Espiritu ng Diyos.” Kapag nakasagot ka na sa gayong paraan, tiyak na hindi ka makararamdam ni katiting na pagdududa, at labis kang masisiyahan, na iniisip na nagkamit ka na ng kaunting realidad. Yaong mga malamang na makaunawa sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan ay mga taong nagtataglay ng kaunting realidad; habang lalong iniisip ng isa na nakamit na niya ito, lalong hindi niya magagawang manindigan kapag naharap siya sa mga pagsubok. Kaawa-awa ang mayayabang at palalo, at kaawa-awa ang mga hindi nakakakilala sa kanilang sarili; ang gayong mga tao ay pinakamagaling magsalita, subalit pinaka-hindi magawa ang sinasabi nila. Sa pinakamaliit na kaguluhan, nagsisimulang magkaroon ng mga pagdududa ang mga taong ito, at sumasagi sa kanilang isipan ang pagsuko. Wala silang taglay na anumang realidad; ang tanging mayroon sila ay mga teorya na mas matayog pa sa relihiyon, na walang anumang realidad na kinakailangan ngayon ng Diyos. Ang pinakakinasusuklaman ko sa lahat ay iyong mga bumabanggit lamang ng mga teorya nang walang anumang taglay na realidad. Sila ang pinakamalakas sumigaw kapag nagsasagawa ng kanilang gawain, ngunit sa sandaling nahaharap sila sa realidad, nababagabag sila. Hindi ba ito nagpapakita na walang realidad ang mga taong ito? Gaano man kabagsik ang hangin at mga alon, kung nakakaya mong manatiling nakatayo nang wala ni katiting na pagdududang pumapasok sa iyong isipan, at nakakaya mong manindigan at manatiling malaya sa pagkakaila, kahit wala nang iba pang natitira, ituturing kang mayroong totoong pagkaunawa at tunay na nagtataglay ng realidad. Kung magpapatangay ka sa ihip ng hangin—kung susundan mo ang karamihan, at natututo kang ulitin ang pananalita ng iba—gaano ka man kahusay magsalita, hindi iyan nangangahulugan na taglay mo ang realidad. Kung gayon, iminumungkahi Ko na huwag kang sumigaw ng hungkag na mga salita nang wala sa panahon. Alam mo ba kung ano ang gagawin ng Diyos? Huwag kumilos na parang isa ka pang Pedro, kung hindi ay magdudulot ka ng kahihiyan sa iyong sarili at hindi ka na makapagtataas ng ulo; hindi iyon makabubuti kahit kanino. Karamihan sa mga tao ay walang totoong tayog. Bagama’t napakarami nang nagawang gawain ang Diyos, hindi pa nakumpronta kahit kaunti ng anumang realidad ang mga tao; para mas eksakto, hindi pa Niya nakastigo nang personal ang sinuman kailanman. Ang ilang tao ay nabunyag na sa gayong mga pagsubok, ang kanilang makasalanang mga kamay ay umaabot palayo nang palayo, iniisip na puwedeng samantalahin ang Diyos, at ginagawa ang anumang gusto nila. Yamang hindi nila kayang matagalan maging ang ganitong uri ng pagsubok, lalo na ang mas mahihirap pa na pagsubok para sa kanila, gayon din ang pagtataglay ng realidad. Hindi ba sinusubukan lamang nilang lokohin ang Diyos? Ang pagkakaroon ng realidad ay hindi isang bagay na maaaring dayain, ni hindi isang bagay ang realidad na makakamit mo sa pamamagitan ng pag-alam dito. Depende iyon sa iyong totoong tayog, gayon din kung kaya mong matagalan ang lahat ng pagsubok o hindi. Nauunawaan mo ba?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Matatawag na Pagtataglay ng Realidad
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 430
Hindi lamang kakayahang magsalita tungkol sa realidad ang kinakailangan ng Diyos sa mga tao; napakadali sana niyan, hindi ba? Kung gayon, bakit binabanggit ng Diyos ang buhay pagpasok? Bakit Siya nagsasalita tungkol sa pagbabago? Kung ang kaya lamang ng mga tao ay hungkag na pananalita tungkol sa realidad, magkakamit ba sila ng pagbabago sa kanilang disposisyon? Ang pagsasanay ng isang grupo para maging mabubuting kawal ng kaharian ay hindi nangangahulugan ng pagsasanay sa kanila upang maging mga tao na kaya lamang magsalita tungkol sa realidad o na kayang magyabang; sa halip, nangangahulugan ito ng pagsasanay sa kanila para maging mga tao na kayang isabuhay ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, manatiling hindi sumusuko anumang mga dagok ang kinakaharap nila, at mamuhay sa lahat ng oras ayon sa mga salita ng Diyos at hindi bumalik sa mundo. Ito ang realidad na sinasabi ng Diyos; ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. Sa gayon, huwag ituring na napakasimple ng realidad na binabanggit ng Diyos. Ang kaliwanagan lamang mula sa Banal na Espiritu ay hindi kapantay ng pagtataglay ng realidad. Hindi gayon ang tayog ng tao—ito ang biyaya ng Diyos, kung saan walang iniaambag ang tao. Bawat tao ay kailangang tiisin ang mga pagdurusa ni Pedro, at, higit pa rito, taglayin ang kaluwalhatian ni Pedro, na kanilang isinasabuhay matapos nilang matamo ang gawain ng Diyos. Ito lamang ang matatawag na realidad. Huwag isipin na taglay mo ang realidad dahil lamang sa kaya mong magsalita tungkol dito; maling akala iyan. Ang ganitong pag-iisip ay hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos at walang aktuwal na kahalagahan. Huwag mong sabihin ang gayong mga bagay sa hinaharap—pawiin ang gayong mga kasabihan! Lahat ng may kakatwang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos ay mga walang pananampalataya. Wala silang anumang tunay na kaalaman, lalo nang walang anumang totoong tayog; sila ay mga mga taong walang kabatiran at realidad. Sa madaling salita, lahat ng nabubuhay sa labas ng diwa ng mga salita ng Diyos ay mga walang pananampalataya. Yaong mga itinuturing ng mga tao na walang pananampalataya ay mga hayop sa mga mata ng Diyos, at yaong mga itinuturing ng Diyos na mga walang pananampalataya ay mga taong walang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Kung gayon ay masasabi na yaong mga hindi nagtataglay ng realidad ng mga salita ng Diyos at bigong isabuhay ang Kanyang mga salita ay mga walang pananampalataya. Ang hiling ng Diyos ay ipasabuhay sa lahat ang realidad ng Kanyang mga salita—hindi lamang basta mapagsalita ang lahat tungkol sa realidad, kundi, higit pa riyan, bigyang kakayahan ang lahat na isabuhay ang realidad ng Kanyang mga salita. Ang realidad na nahihiwatigan ng tao ay napakababaw; wala itong halaga at hindi nito matutugunan ang mga layunin ng Diyos. Napakaaba nito at ni hindi nararapat banggitin. Kulang na kulang ito at napakalayo sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Bawat isa sa inyo ay isasailalim sa isang matinding pagsisiyasat upang makita kung sino sa inyo ang nakaaalam lamang kung paano magsalita tungkol sa inyong pagkaunawa nang hindi nagagawang ituro ang landas, gayundin upang matuklasan kung sino sa inyo ang mga walang-silbing basura. Tandaan ito mula ngayon! Huwag magsalita tungkol sa hungkag na kaalaman; magsalita lamang tungkol sa landas ng pagsasagawa at tungkol sa realidad. Ang paglipat mula sa tunay na kaalaman tungo sa tunay na pagsasagawa, at pagkatapos ay paglipat mula sa pagsasagawa tungo sa tunay na pagsasabuhay. Huwag pangaralan ang iba, at huwag magsalita tungkol sa tunay na kaalaman. Kung ang iyong pagkaunawa ay isang landas, puwede mo itong ipahayag; kung hindi, mangyaring itikom mo ang bibig mo at tumigil ka sa pagsasalita! Walang silbi ang sinasabi mo. Nagsasalita ka ng ilang salita ng pagkaunawa upang lokohin ang Diyos at kainggitin ka ng iba. Hindi ba iyon ang ambisyon mo? Hindi ba sadya mong pinaglalaruan ang iba? Mayroon bang anumang halaga ito? Kung nagsasalita ka tungkol sa pag-unawa pagkatapos mo iyong maranasan, hindi nila iisipin na nagyayabang ka. Kung hindi, isa kang taong nagsasalita ng mayayabang na salita. Maraming bagay sa iyong totoong karanasan na hindi mo madaig, at hindi ka maaaring maghimagsik laban sa sarili mong laman; palagi mong ginagawa ang gusto mo, hindi mo natutugunan kailanman ang mga layunin ng Diyos—subalit malakas pa rin ang loob mong magsalita tungkol sa teoretikal na pag-unawa. Wala kang kahihiyan! May lakas ng loob ka pa ring magsalita tungkol sa iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Wala kang pakundangan! Ang pagdidiskurso at pagyayabang ay naging likas na sa iyo, at nakasanayan mo nang gawin iyon. Tuwing nanaisin mong magsalita, ginagawa mo iyon nang madali, ngunit pagdating sa pagsasagawa, ang dami mong sinasabi. Hindi ba ito isang paraan ng panloloko sa iba? Maaaring nagagawa mong lansihin ang iba, ngunit hindi maloloko ang Diyos. Ang tao ay walang kamalayan at walang pagkilatis, ngunit seryoso ang Diyos tungkol sa gayong mga bagay, at hindi ka Niya palalampasin. Maaaring mamagitan ang iyong mga kapatid para sa iyo, kumakanta ng mga papuri para sa iyong pagkaunawa at humahanga sa iyo, ngunit kung wala kang realidad, hindi ka palalampasin ng Banal na Espiritu. Marahil ay hindi ka hahanapan ng mali ng praktikal na Diyos, ngunit hindi ka papansinin ng Espiritu ng Diyos, at sapat ang hirap niyon para pasanin mo. Naniniwala ka ba rito? Magsalita ka pa tungkol sa realidad ng pagsasagawa; nalimutan mo na ba? Magsalita ka pa tungkol sa praktikal na mga landas; nalimutan mo na ba? “Huwag gaanong magsalita tungkol sa matatayog na teorya at walang-halaga at pinalaking usapan; ang pinakamabuting gawin ay magsimulang magsagawa mula ngayon.” Nalimutan mo na ba ang mga salitang ito? Ni hindi mo man lamang ba nauunawaan? Wala ka bang pag-unawa tungkol sa mga layunin ng Diyos?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Matatawag na Pagtataglay ng Realidad
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 431
Dapat ay pinag-aaralan na ninyo ang mas makatotohanang mga aralin. Hindi kinakailangan ang mga mabulaklak na walang kabuluhang pananalita na hinahangaan ng mga tao. Pagdating sa pagsasalita tungkol sa kaalaman, ang bawat tao ay mas nakatataas kaysa sa nauna sa kanya, ngunit wala pa rin silang landas sa pagsasagawa. Gaano karaming tao ang nakaiintindi sa mga prinsipyo ng pagsasagawa? Gaano karami ang matututo ng mga aktuwal na aral? Sino ang makikipagbahagian tungkol sa realidad? Ang makapagsalita tungkol sa kaalaman sa mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nagtataglay ng tunay na tayog; ipinakikita lamang nito na ikaw ay isinilang na matalino at likas na magaling. Wala pa rin itong saysay kung hindi mo maituturo ang daan, at ikaw ay magiging isang walang kabuluhang basura! Hindi ba’t nagpapanggap ka kung wala kang anumang masasabi tungkol sa isang praktikal na landas ng pagsasagawa? Hindi ba’t nagkukunwari ka kung hindi mo maiaalok ang iyong sariling mga praktikal na karanasan sa iba, upang sa gayon ay mabigyan sila ng mga aral na matututunan o isang landas na maaari nilang sundan? Hindi ka ba mapanlinlang? Anong halaga ang taglay mo? Magagampanan lamang ng ganitong tao ang bahagi ng “imbentor ng teorya ng sosyalismo,” hindi ang “tagaambag sa pagpapairal ng sosyalismo.” Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay hindi pagkakaroon ng katotohanan. Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay pagiging walang silbi. Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay pagiging isang bangkay na naglalakad. Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay pagiging isang “Marxist-Leninist na palaisip,” na walang tinutukoy na halaga. Hinihimok Ko kayo na manahimik tungkol sa mga teorya at magsalita tungkol sa isang bagay na totoo, isang bagay na tunay at mahalaga; pag-aralan ang ilang “makabagong sining,” magsabi ng isang bagay na makatotohanan, mag-ambag ng isang bagay na totoo, at magkaroon ng espiritu ng dedikasyon. Harapin ang realidad kapag ikaw ay nagsasalita; huwag magpasasa sa di-makatotohanan at nagmamalabis na pagsasalita upang pasayahin ang mga tao o umupo at pansinin ka. Nasaan ang halaga dito? Ano ang saysay ng paghikayat sa mga tao na maging magiliw sa iyo? Maging mas “masining” pa nang kaunti sa iyong pananalita, maging patas nang kaunti sa iyong pag-asal, maging makatwiran nang kaunti sa pangangasiwa mo sa mga bagay-bagay, maging praktikal nang kaunti sa iyong pananalita, isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa iyong bawat kilos, makinig sa iyong konsensiya tuwing nagkakaroon ka mga damdamin, huwag tumbasan ang kagandahang-loob ng pagkamuhi, o maging di-mapagpasalamat sa kagandahang loob, at huwag maging isang ipokrito, dahil ang paggawa ng ganitong mga bagay ay ginagawa kang isang masamang impluwensiya. Kapag kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, mas iugnay mo ang mga ito sa realidad, at kapag ikaw ay nakikipagbahagian, mas magsalita tungkol sa makatotohanang mga bagay. Huwag maging mapanghamak; hindi ito nakapagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Sa mga pakikihalubilo mo sa iba, maging mas mapagparaya pa nang kaunti, mas mapagbigay pa nang kaunti, mas marangal pa nang kaunti, at matuto mula sa “espiritu ng punong ministro.”[a] Kapag mayroon kang mga naiisip na hindi maganda, lalo pang isagawa ang paghihimagsik laban sa laman. Kapag ikaw ay gumagawa, mas magsalita ka tungkol sa praktikal na mga landas, at huwag kang masyadong maging mataas, kung hindi, ang mga sinasabi mo ay hindi maaabot ng mga tao. Mas kaunting kagalakan, mas maraming ambag—ipakita ang iyong hindi makasariling espiritu ng dedikasyon. Maging mas mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at mas makinig sa iyong konsensiya. Nakikipag-usap nang pasensiyoso at taimtim sa inyo ang Diyos araw-araw—pag-isipan ito nang mas madalas, at huwag itong kalimutan; basahin ang “lumang almanak” nang mas madalas. Magdasal nang mas madalas at makipagbahagian nang mas madalas. Huwag magpatuloy sa kalituhan; magpakita ng kaunting katwiran at magkamit ng kaunting kabatiran. Kapag lumalabas ang iyong makasalanang kamay, hilahin mo ito pabalik; huwag itong hayaang makaabot nang malayo. Wala itong pakinabang, at ang makukuha ninyo mula sa Diyos ay walang iba kundi mga sumpa, kaya maging maingat. Hayaan ninyong mahabag ang inyong puso sa iba at huwag palaging sumalakay na may hawak na mga sandata. Mas makipagbahagian tungkol sa kaalaman ng katotohanan at mas magsalita tungkol sa buhay, habang pinananatili ang espiritu ng pagtulong sa iba. Gumawa ng mas marami at magsalita nang mas kaunti. Mas maglaan sa pagsasagawa at bawasan ang pananaliksik at pagsusuri. Hayaang mas antigin kayo ng Banal na Espiritu, at bigyan ang Diyos ng mas maraming mga pagkakataon upang gawin kayong perpekto. Alisin ang mas maraming elemento ng tao; taglay mo pa rin ang napakaraming pamamaraan ng tao sa paggawa ng mga bagay, at ang iyong mababaw na paraan ng paggawa ng mga bagay at pag-uugali ay kasuklam-suklam pa rin sa iba: Alisin mo pa ang mas marami sa mga ito. Ang kalagayan ng iyong pag-iisip ay masyadong kasuklam-suklam pa rin; maglaan ng mas maraming oras upang baguhin ito. Mayroon pa ring labis na katayuan ang mga tao sa iyong puso; magbigay ng mas maraming katayuan sa Diyos at huwag maging di-makatwiran. Ang “templo” ay laging nasa pagmamay-ari ng Diyos at hindi dapat sakupin ng mga tao. Sa madaling salita, magtuon ng mas malaking pansin sa pagiging matuwid at bawasan ang pagtutuon sa mga damdamin. Pinakamainam na iwaksi ang laman. Mas magsalita tungkol sa realidad at bawasan ang pagsasalita tungkol sa kaalaman. Ang pinakamainam ay ang maging tahimik at huwag magsalita. Mas magsalita tungkol sa landas ng pagsasagawa, at bawasan ang walang kabuluhang pagyayabang. Pinakamainam na simulan ang pagsasagawa nito ngayon.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad
Talababa:
a. Ang espiritu ng punong ministro: Isang klasikong kasabihang Tsino na ginagamit para isalarawan ang isang tao na malawak ang pang-unawa at mapagkawanggawa.
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 432
Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ay hindi ganoon katayog. Hangga’t masipag at taos-pusong nagsasagawa ang mga tao, tatanggap sila ng “pasadong marka.” Ang totoo, mas komplikado pa ang pagtatamo ng pagkaunawa, kaalaman, at pagkaintindi sa katotohanan kaysa sa pagsasagawa ng katotohanan. Isagawa mo muna ang sa abot ng nauunawaan mo at isagawa kung anong naintindihan mo. Sa ganitong paraan, magagawa mong unti-unting makamit ang tunay na kaalaman at pagkaintindi sa katotohanan. Ito ang mga hakbang at kaparaanan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung hindi mo isasagawa ang pagpapasakop sa ganitong paraan, wala kang makakamit. Kung lagi kang kumikilos ayon sa sarili mong kagustuhan, at hindi isinasagawa ang pagpapasakop, gagawa ba ang Banal na Espiritu sa iyo? Gumagawa ba ang Banal na Espiritu ayon sa gusto mo? O gumagawa ba Siya ayon sa kung ano ang kulang sa iyo, at batay sa mga salita ng Diyos? Kung hindi ito malinaw sa iyo, hindi ka makakapasok sa katotohanang realidad. Bakit ba labis na nagsisikap ang karamihan sa mga tao sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, ngunit nagkamit lamang ng kaalaman at walang masabing anuman tungkol sa isang praktikal na landas pagkatapos? Sa palagay mo, ang pagkakaroon ba ng kaalaman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan? Hindi ba ito isang magulong pananaw? Nagagawa mong magsabi ng kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, subalit wala sa mga ito ang nagtataglay ng anumang praktikal na landas. Hindi ka ba nagtatangkang linlangin ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa nito? Hindi ka ba gumagawa ng isang walang kabuluhang palabas na walang anumang diwang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganitong pag-uugali ay nakapipinsala sa mga tao! Kapag mas mataas ang teorya at mas walang katotohanan, mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad. Kapag mas mataas ang teorya, lalo ka nitong itutulak na maghimagsik laban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tangkilikin ang espirituwal na teorya—wala itong kabuluhan! Pinag-uusapan ng ilang tao ang tungkol sa espirituwal na teorya sa loob ng mga dekada, at sila’y naging mga malalaking espiritwal na personalidad, subalit sa huli, bigo pa rin silang makapasok sa katotohanang realidad. Dahil hindi nila isinagawa o naranasan ang mga salita ng Diyos, wala silang mga prinsipyo o landas sa pagsasagawa. Walang katotohanang realidad ang mga taong kagaya nito, kaya paano nila maaakay ang ibang tao sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos? Ang kaya lamang nila ay iligaw ang mga tao. Hindi ba ito pagpinsala sa iba at sa kanilang sarili? Kahit papaano man lang, dapat magawa mong lutasin ang mga totoong problema na nasa harapan mo mismo. Ibig sabihin, dapat magawa mong isagawa at maranasan ang mga salita ng Diyos, at maisagawa ang katotohanan. Ito lamang ang pagpapasakop sa Diyos. Magiging kalipikado ka lamang gumawa para sa Diyos kapag mayroon ka nang buhay pagpasok, at matatanggap ka lamang ng Diyos kapag taos-puso kang gumugugol para sa Diyos. Huwag kang laging magbitiw ng matatayog na salita at magsalita ng mabulaklak na teorya; hindi ito totoo. Ang pagmamarunong sa espirituwal na teorya para hangaan ka ng mga tao ay hindi pagpapatotoo sa Diyos, kundi pagpapakitang-gilas. Hinding-hindi ito kapaki-pakinabang sa mga tao at hindi nakapagpapatibay sa kanila, at madali silang maibubuyo nito para sumamba sa espirituwal na teorya at hindi tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan—at hindi ba ito pagliligaw sa mga tao? Kung magpapatuloy nang ganito, lilitaw ang napakaraming hungkag na teorya, gayundin ang maraming regulasyon na maglilimita at sisilo sa mga tao; ito’y tunay na pasakit. Kaya lalong magsabi ng totoo, magsalita pa tungkol sa mga problemang talagang umiiral, gumugol pa ng mas maraming oras sa paghahanap ng katotohanan para lutasin ang mga totoong problema; ito ang pinakamahalaga. Huwag ipagpaliban na matutong isagawa ang katotohanan: Ito ang landas sa pagpasok sa realidad. Huwag mong angkinin bilang sarili mong pribadong pag-aari ang kaalamang batay sa karanasan ng ibang tao at huwag ipagmalaki ang mga ito upang hangaan ng iba. Dapat magkaroon ka ng sarili mong buhay pagpasok. Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa kung paano isagawa ang katotohanan at sa pamamagitan ng pagpapasakop sa Diyos ka magkakaroon ng buhay pagpasok. Ito ang dapat isinasagawa at pinagtutuunan ng bawat tao.
Kung ang iyong pakikipagbahagian ay makapagbibigay sa mga tao ng isang landas na susundan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng realidad. Anuman ang iyong sasabihin, dapat mong madala ang mga tao sa pagsasagawa at mabigyan silang lahat ng isang landas na susundan. Huwag mo silang pahintulutang magkaroon lamang ng kaalaman; ang mas mahalaga ay ang pagkakaroon ng landas na maaaring tahakin. Sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos, dapat nilang tahakin ang landas na pinangungunahan ng Diyos sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagtahak sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Dahil dito, anuman ang mangyari, dapat kang magkaroon ng isang landas na tatahakin mo; at dapat kang tumapak sa landas kung saan ay gagawin kang perpekto ng Diyos. Huwag kang masyadong magpahuli, at huwag mong alalahanin ang napakaraming bagay. Matatanggap mo lamang ang gawain ng Banal na Espiritu at makakamit ang daan papasok kung tatahakin mo ang landas na pinangungunahan ng Diyos nang walang pagkagambala. Ito lamang ang maituturing na alinsunod sa mga layunin ng Diyos at sa pagsasakatuparan sa tungkulin ng sangkatauhan. Bilang isang indibidwal sa agos na ito, dapat tuparin nang maayos ng bawat tao ang kanilang tungkulin, mas gawin pa kung ano ang dapat na ginagawa ng mga tao, at huwag kumilos ayon sa kanilang kagustuhan. Dapat gawing malinaw ng mga taong nagpapatupad ng gawain ang kanilang mga salita, dapat na lalong pagtuunan ng mga taong sumusunod ang pagtitiis sa oras ng paghihirap at ang pagpapasakop, at ang lahat ay dapat na manatili sa kanilang lugar at huwag kumilos nang hindi nararapat. Dapat na maging malinaw sa puso ng bawat tao kung paano sila dapat magsagawa at kung anong tungkulin ang dapat nilang tuparin. Tahakin ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu; huwag maliligaw o maging kakatwa. Dapat ninyong makita nang malinaw ang gawain sa kasalukuyan. Ang pagpasok sa pamamaraan ng paggawa sa kasalukuyan ang dapat ninyong isagawa. Ito ang unang bagay na dapat ninyong pasukin. Huwag nang magsayang pa ng anumang mga salita sa ibang mga bagay. Ang paggawa sa gawain ng sambahayan ng Diyos sa kasalukuyan ay inyong pananagutan, ang pagpasok sa pamamaraan ng gawain sa kasalukuyan ay inyong tungkulin, at ang pagsasagawa sa katotohanan sa kasalukuyan ay inyong pasanin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 433
Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawain ay praktikal, lahat ng salitang binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng katotohanang ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng hindi mga salita ng Diyos ay hungkag, hindi umiiral, at hindi matatag. Ngayon, ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga salita ng Diyos. Kung hahangarin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, dapat nilang hanapin ang realidad, at kilalanin ang realidad, at pagkatapos ay dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Kapag mas nakikilala ng mga tao ang realidad, mas nagagawa nilang makilatis ang mga salita ng iba; kapag mas nakikilala ng mga tao ang realidad, nagiging mas kaunti ang kanilang mga kuru-kuro; kapag mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas nalalaman nila ang mga gawa ng praktikal na Diyos, at nagiging mas madali para sa kanilang kumalas mula sa kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; kapag mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at kapag mas mayroong realidad ang mga tao, mas nagiging malapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong nakamit ng Diyos ay ang mga nagtataglay ng realidad, nakakakilala ng realidad, at nakakakilala sa mga praktikal na gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng realidad. Kapag mas nakikipagtulungan ka sa Diyos sa praktikal na paraan at dinidisiplina mo ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawain ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas maliliwanagan ka ng Diyos, at sa ganitong paraan, mas lalaki ang iyong kaalaman sa mga praktikal na gawa ng Diyos. Kung nakakapamuhay ka sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, magiging mas malinaw sa iyo ang kasalukuyang landas tungo sa pagsasagawa, at mas makakaya mong ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong kuru-kuro at lumang gawi ng nakaraan. Ngayon, ang aktuwalidad ang pinagtutuunan: Kapag mas mayroong realidad ang mga tao, nagiging mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, at mas lumalaki ang kanilang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Napapangibabawan ng realidad ang lahat ng salita at mga doktrina, napapangibabawan nito ang lahat ng teorya at kasanayan, at kapag mas pinagtutuunan ng mga tao ang realidad, mas tunay silang umiibig sa Diyos, at nagugutom at nauuhaw sa Kanyang mga salita. Kung lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, mga relihiyosong kuru-kuro, at likas na katangian ay natural na mabubura kasunod ng gawain ng Diyos. Ang mga hindi naghahangad ng realidad, at walang pagkilala sa realidad, ay malamang na maghangad ng kababalaghan at madali silang malalansi. Walang paraan ang Banal na Espiritu na gumawa sa gayong mga tao, kung kaya’t nakakaramdam sila ng kahungkagan, at na walang kabuluhan ang kanilang buhay.
Nakakagawa lamang ang Banal na Espiritu sa iyo kapag ikaw ay pratikal na nagsasanay, praktikal na naghahanap, praktikal na nagdarasal, at handang magdusa alang-alang sa paghahanap ng katotohanan. Ang mga hindi naghahanap sa katotohanan ay wala ni anuman kundi mga salita at doktrina, at hungkag na teorya, at ang mga walang katotohanan ay natural na mayroong maraming kuru-kuro tungkol sa Diyos. Hinahangad lamang ng ganitong mga tao na palitan ng Diyos ang kanilang katawang-lupa ng isang katawang espirituwal nang sa gayon ay maaari silang makaakyat sa ikatlong langit. Kayhangal ng mga taong ito! Lahat ng nagsasabi ng ganitong mga bagay ay walang kaalaman sa Diyos, o sa realidad; hindi maaaring makipagtulungan sa Diyos ang ganitong mga tao, at maaari lamang maghintay nang pasibo. Upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at malinaw na maarok ang katotohanan, at higit pa rito, upang makapasok sila sa katotohanan at maisagawa ito, dapat silang aktuwal na magsanay, aktuwal na maghanap, at aktuwal na magutom at mauhaw. Kapag nagugutom at nauuhaw ka, at kapag aktuwal kang nakikipagtulungan sa Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay tiyak na aantig sa iyo at gagawa sa kalooban mo, na siyang magdadala sa iyo ng higit na kaliwanagan, at magbibigay sa iyo ng higit na pagkilala sa realidad, at magiging mas malaking tulong sa iyong buhay.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Makikilala ang Realidad
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 434
Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay isang praktikal na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang praktikal na pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, at ang praktikal na gawain ng Diyos. Magagawa mo lamang na tunay na makipagtulungan sa Diyos kapag iyo nang nalaman na ang lahat ng gawain ng Diyos ay praktikal, at sa pagtahak ng landas na ito mo lamang matatamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng taong walang kaalaman sa realidad ay walang paraan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, nabitag ng kanilang mga kuru-kuro, at namumuhay sa kanilang mga imahinasyon, at kaya wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Kapag mas malaki ang kaalaman mo sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas malapit ang loob mo sa Kanya; kapag mas hinahangad mo ang kalabuan, mga bagay na abstrakto, at doktrina, mas malalayo ka sa Diyos, at kaya mas mararamdaman mong nakakapagod at mahirap ang pagdanas sa mga salita ng Diyos, at na wala kang kakayahang makapasok. Kung nais mong pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos at patungo sa tamang landas ng iyong espirituwal na buhay, dapat mo munang kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga bagay na malabo at mga kababalaghan, ang ibig sabihin, dapat mo munang maunawaan kung paano ka praktikal na binibigyang-liwanag at ginagabayan ng Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, kung tunay mong naaarok ang praktikal na gawain ng Banal na Espiritu sa kalooban ng tao, nakapasok ka na sa tamang daan ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos.
Ngayon, nagsisimula ang lahat sa realidad. Ang gawain ng Diyos ang pinakapraktikal, at maaaring mahawakan ng mga tao; ito ang maaaring maranasan at maisakatuparan ng mga tao. Kayrami ng malabo at kababalaghan sa mga tao, na siyang pumipigil sa kanila na makilala ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kaya palagi silang may mga paglihis sa kanilang mga karanasan, at palaging nakararamdam na mahirap ang mga bagay, at ang lahat ng ito ay dulot ng kanilang mga kuru-kuro. Hindi kayang maunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila kilala ang realidad, at kaya lagi silang negatibo sa kanilang landas ng pagpasok. Tinitingnan nila ang mga hinihingi ng Diyos mula sa malayo hindi naisasakatuparan ang mga iyon; nakikita lamang nilang tunay na mabubuti ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi mahanap ang landas upang makapasok. Gumagawa ang Banal na Espiritu batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang aktibong pagdarasal, paghahanap at paglapit sa Diyos, matatamo ang mga resulta at maaari silang bigyang-liwanag at matanglawan ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang kaso ng kumikilos nang mag-isa ang Banal na Espiritu, o na kumikilos ang tao nang mag-isa. Pareho silang lubos na kinakailangan, at kapag mas nakikipagtulungan ang mga tao, at habang mas hinahangad nilang maabot ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos, mas nagiging dakila ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang praktikal na pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag sa gawain ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng praktikal na mga karanasan, pati na ng kaalaman sa diwa ng mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang ibinubunga sa huli. Hindi gumagawa ng mga sobrenatural na bagay ang Diyos; sa mga kuru-kuro ng mga tao, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at ang lahat ay ginagawa ng Diyos—na may resultang ang mga tao ay naghihintay nang pasibo, hindi sila nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nananalangin, at naghihintay na lamang sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Gayumpaman, ang mga may tamang pagkaunawa ay naniniwala rito: Maaari lamang makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan ang mga pagkilos ng Diyos, at ang epekto ng gawain ng Diyos sa akin ay nakasalalay sa kung paano ako nakikipagtulungan. Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at pagsikapan ang mga salita ng Diyos; ito ang dapat kong makamit.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Makikilala ang Realidad
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 435
Gaano karaming gawaing panrelihiyon ang sinusunod mo? Ilang beses mo na bang sinalungat ang salita ng Diyos at sinunod ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang naisagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tugunan ang Kanyang mga layunin? Dapat mong maunawaan ang salita ng Diyos, magsagawa nang ayon dito, maging maprinsipyo sa lahat ng iyong kilos at gawa, hindi ito nangangahulugan na sumunod sa mga regulasyon o gumawa ng isang bagay nang labag sa kalooban bilang isa lamang palabas, sa halip, ito ay nangangahulugan ng pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay ayon sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang pagkilos na nagbibigay-kasiyahan sa Diyos ay hindi isang regulasyon, kundi isang pagsasagawa ng katotohanan. Ang ilang tao ay gustong magpasikat. Sa piling ng kanilang mga kapatid, maaari nilang sabihin na may pagkakautang sila sa Diyos, ngunit kapag nakatalikod sila, hindi nila isinasagawa ang katotohanan at ganap na iba ang kanilang ikinikilos. Hindi ba sila mga relihiyosong Pariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nagtataglay ng katotohanan ay taong tapat sa Diyos ngunit hindi niya ito panlabas na ipinapakita. Ang ganitong tao ay nakahandang isagawa ang katotohanan kapag may nangyayari at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensiya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, at may prinsipyo siya sa kanyang mga gawa anuman ang mga sitwasyon. Isa rin itong uri ng tao na kayang magbigay ng tunay na paglilingkod. May ilan namang madalas na hanggang salita lamang pagdating sa pagkakautang nila sa Diyos; ginugugol nila ang kanilang mga araw na nakakunot ang noo sa pag-aalala, na nagbabalatkayo, at nagkukunwaring kahabag-habag. Talagang kasuklam-suklam! Kung tatanungin mo sila, “Maaari bang sabihin mo sa akin kung paanong may pagkakautang ka sa Diyos?” wala silang maisasagot. Kung ikaw ay tapat sa Diyos, hindi mo ito ipagsasabi nang lantaran; bagkus ay ipapakita mo ang iyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasagawa, at mananalangin ka sa Kanya nang may tapat na puso. Pawang mapagpaimbabaw ang mga puro salita lang sa Diyos pero wala sa gawa! Ang ilan ay nagsasalita tungkol sa pagkakautang sa Diyos sa bawat panalangin, at nagsisimulang umiyak kapag nananalangin sila, kung kailan man iyon, kahit na walang pag-antig ng Banal na Espiritu. Namamayani sa mga taong tulad nito ang mga panrelihiyong ritwal at kuru-kuro; namumuhay sila ayon sa mga naturang ritwal at kuru-kuro, laging naniniwala na ang mga naturang kilos ay kalugud-lugod sa Diyos at ang paimbabaw na kabanalan o malulungkot na pagluha ay sinasang-ayunan ng Diyos. Magkakaroon ba ng anumang kabuluhan ang gayong mga balighong tao? Upang ipakita ang kanilang pagpapakumbaba, pakunwaring nagpapakita ng kagandahang-asal ang ilan kapag nagsasalita sila sa presensya ng iba. Ang ilan ay sadyang nagpapaalipin sa presensiya ng iba, kumikilos na gaya ng mga tupa na walang kahit anong lakas. Naaangkop ba ang ganitong asal sa mga tao ng kaharian? Ang mga tao ng kaharian ay dapat na buhay na buhay at malaya, dalisay at bukas ang kalooban, matapat at kaibig-ibig, at namumuhay sa kalagayan ng kalayaan. Dapat ay mayroon silang integridad at dignidad at kaya nilang manindigan sa kanilang patotoo saan man sila magpunta; kinalulugdan kapwa ng Diyos at ng tao ang mga ganitong tao. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay may napakaraming panlabas na gawi; kailangan muna nilang sumailalim sa isang panahon ng pagpupungos at pagbali. Ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos sa kaibuturan ay hindi isang bagay na nakikita ng iba, ngunit ang mga kilos at gawa ng mga taong mayroon nito ay kapuri-puri. Ang mga ganitong tao lamang ang maituturing na nagsasabuhay sa salita ng Diyos. Kung araw-araw kang nangangaral ng ebanghelyo sa iba’t ibang tao sa pagsisikap na madala sila sa kaligtasan, ngunit sa katapusan ay namumuhay ka pa rin ayon sa mga regulasyon at doktrina, hindi mo mabibigyan ng kaluwalhatian ang Diyos kung gayon. Ang mga naturang tao ay mga relihiyosong tao, at mga mapagpaimbabaw rin. Sa tuwing nagsasama-sama ang mga tao sa mundo ng relihiyon, maaaring itanong nila, “Kapatid, kumusta ka na sa mga araw na ito?” Maaaring sumagot siya, “Pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa Diyos at hindi ko kayang tugunan ang Kanyang mga layunin.” Maaaring sabihin ng isa pa, “Pakiramdam ko rin ay may pagkakautang ako sa Diyos at hindi ko Siya nabibigyang-kasiyahan.” Sa ilang pangungusap at salitang ito pa lang ay nahahayag na ang ubod ng samang mga bagay na nasa kaibuturan nila; ang mga naturang salita ay lubhang nakapandidiri at lubos na kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng mga ganitong tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa realidad ay nagbabahagi ng kung anuman ang nasa kanilang mga isip at ginagawa nila ito nang may bukas na puso. Hindi sila nakikibahagi sa isa mang bulaang gawa, walang pinapakitang pormalidad o mga hungkag na pakikitungo. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na sekular na patakaran. May mga taong may pagkahilig sa mga panlabas na pagpapakita, maging hanggang sa punto ng lubos na kawalan ng katwiran. Kapag kumakanta ang isa, nagsisimula silang sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa kanilang palayok. Ang mga naturang tao ay hindi maka-Diyos o marangal, at masyadong di-seryoso. Ang lahat ng ito ay pagpapamalas ng kakulangan ng realidad. Kapag ang ilang tao ay nagbabahagi tungkol sa mga bagay sa espirituwal na buhay, bagaman hindi nila binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, mayroon naman silang tunay na pagmamahal sa Kanya sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkaramdam ng pagkakautang sa Diyos ay walang kinalaman sa ibang tao; may pagkakautang ka sa Diyos, hindi sa mga tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba? Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagpasok sa realidad, hindi ang panlabas na sigasig o pakitang-tao. Ano ang kinakatawan ng panlabas na mabuting pag-uugali ng mga tao? Kinakatawan nito ang laman; maging ang pinakamagagandang panlabas na paggawa ay hindi kumakatawan sa buhay, at maaari lamang maipakita ng mga ito ang iyong sariling indibidwal na disposisyon. Hindi kayang matugunan ng mga panlabas na gawi ng tao ang mga layunin ng Diyos. Lagi mong binabanggit ang iyong pagkakautang sa Diyos, ngunit hindi mo kayang tustusan ang buhay ng iba o pukawin ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Naniniwala ka bang mapalulugod ng mga naturang kilos mo ang Diyos? Nararamdaman mo na layunin ng Diyos na kumilos ka sa ganitong paraan at na ang mga kilos mo ay espirituwal, ngunit ang totoo ay pawang walang katuturan ang mga ito! Naniniwala ka na kung ano ang gusto mo at kung ano ang nais mong gawin ay iyon mismong mga bagay na nakalulugod sa Diyos. Kaya bang katawanin ng mga kagustuhan mo ang Diyos? Kaya bang katawanin ng personalidad ng isang tao ang Diyos? Ang gusto mo ay iyon mismong kinasusuklaman ng Diyos, at ang iyong mga gawi ay siyang itinataboy ng Diyos. Kung pakiramdam mo ay may pagkakautang ka, kung gayon ay manalangin ka sa harap ng Diyos. Hindi mo kailangang banggitin ito sa iba. Kung hindi ka nananalangin sa Diyos at sa halip ay palaging ibinibida ang iyong sarili sa presensiya ng iba, kaya ba nitong matugunan ang mga layunin ng Diyos? Kung palagi kang nakatuon sa paggawa ng mga bagay-bagay sa panlabas lang, nangangahulugan ito na ikaw ay sukdulan sa pagiging mababaw. Anong uri ng mga tao iyong mayroon lamang panlabas na mabuting pag-uugali at walang realidad? Sila ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo at mga tao sa relihiyon! Kung hindi ninyo iwawaksi ang inyong mga panlabas na gawi at hindi ninyo kayang gumawa ng mga pagbabago, lalong lalago sa inyo ang mga elemento ng pagpapaimbabaw. Habang mas higit ang mga elemento ng pagpapaimbabaw sa inyo, mas higit ang paglaban sa Diyos. Sa katapusan, ang mga naturang tao ay siguradong ititiwalag!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananalig, Kailangang Magtuon ang Isang Tao sa Realidad—Ang Pakikibahagi sa mga Panrelihiyong Ritwal ay Hindi Pananalig
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 436
Upang mapanumbalik ang wangis ng isang normal na tao, iyon ay, upang magkaroon ng normal na pagkatao, hindi basta na lamang mapapalugod ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga salita. Pinipinsala lamang nila ang kanilang sarili sa paggawa nito, at wala itong dalang pakinabang sa kanilang pagpasok o pagbabago. Samakatuwid, upang matamo ang pagbabago, dapat magsanay nang paunti-unti ang mga tao. Kailangang pumasok sila nang dahan-dahan, maghanap at magsaliksik nang paunti-unti, pumasok mula sa positibo, at isabuhay ang isang praktikal na buhay ng katotohanan; ang buhay ng isang santo. Pagkatapos noon, tutulutan ng mga tunay na bagay, pangyayari, at kapaligiran ang mga tao na magkaroon ng aktuwal na pagsasanay. Hindi kinakailangang magsalita nang verbal ang mga tao; sa halip, kinakailangan nilang magsanay sa pamamagitan ng tunay na mga kapaligiran. Nauunawaan muna ng mga tao na mahina ang kanilang kakayahan, at pagkatapos ay normal na nilang kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos, at pumapasok at nagsasanay sila nang normal; sa paraang ito lamang sila magkakaroon ng realidad, at ganito lalong mapapabilis ang pagpasok. Upang mapagbago ang mga tao, dapat magkaroon ng kaunting aspekto ng realidad; dapat silang masanay sa pamamagitan ng mga tunay na bagay, pangyayari, at kapaligiran. Maaari bang matamo ang tunay na pagsasanay ng isang tao kung aasa lamang siya sa buhay-iglesia? Makakapasok ba ang mga tao sa realidad sa ganitong paraan? Hindi! Kung hindi makakapasok ang mga tao sa tunay na buhay, hindi rin nila mababago ang dati nilang pamumuhay at mga pamamaraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Hindi ito dahil lamang sa katamaran ng mga tao o sa mataas na antas ng pagdepende, sa halip ito ay dahil wala talagang kakayahan ang mga tao para mabuhay, lalong hindi nila nauunawaan kung ano angpamantayan na hinihingi ng Diyos sa mga tao para sa wangis ng isang normal na tao. Noon, palaging nag-uusap, nagsasalita, at nakikipagbahaginan ang mga tao—at sila ay naging “mga mananalumpati” pa nga—ngunit walang sinuman sa kanila ang naghangad ng pagbabago sa kanilang buhay disposisyon; sa halip, patuloy silang naghahangad ng malalalim na teorya. Kaya, ngayon, dapat baguhin ng mga tao ang ganitong estilong panrelihiyon ng pananampalataya sa Diyos sa kanilang buhay. Kailangan nilang pumasok at magsanay sa pamamagitan ng pagtuon sa isang pangyayari, isang bagay, isang tao. Dapat nila itong gawin nang may pagtutuon—sa gayon lamang sila magkakamit ng mga resulta. Para mapabago ang mga tao, kailangan nilang magbago sa diwa. Dapat ituon ang gawain sa diwa ng mga tao, sa paraan ng pamumuhay nila, at sa kanilang katamaran, pagdepende, at pagkaalipin—sa ganitong paraan lamang sila maaaring mapagbago.
Bagama’t ang buhay iglesia ay makapagdudulot ng mga resulta sa ilang aspeto, ang pinakamahalaga pa rin ay na maaaring baguhin ng tunay na pamumuhay ang mga tao. Ang dating likas na pagkatao ng isang tao ay hindi mababago kung walang tunay na pamumuhay. Gawin nating halimbawa ang gawain ni Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya. Nang buwagin ni Jesus ang naunang mga kautusan at itatag ang mga kautusan ng bagong kapanahunan, nagsalita Siya gamit ang mga aktwal na halimbawa mula sa tunay na pamumuhay. Nang patunguhin ni Jesus ang Kanyang mga disipulo sa taniman ng trigo isang araw ng Sabbath, nagutom ang Kanyang mga disipulo at namitas ng mga butil ng trigo para kainin. Nakita ito ng mga Pariseo at sinabi na hindi nila iginagalang ang Sabbath. Sinabi rin nila na hindi maaaring iligtas ng mga tao ang mga guyang nahulog sa isang hukay sa araw ng Sabbath, sinasabi na hindi maaaring magtrabaho sa araw ng Sabbath. Binanggit ni Jesus ang mga pangyayaring ito upang unti-unting ipahayag ang mga kautusan ng bagong kapanahunan. Sa oras na iyon, gumamit Siya ng maraming tunay na bagay para matulungan ang mga tao na makaunawa at magbago. Ito ang prinsipyong sinusunod ng Banal na Espiritu sa pagganap sa Kanyang gawain, at ito ang tanging paraan para mapagbago ang mga tao. Kung walang tunay na mga bagay, at nagkakamit lang ang mga tao ng teoretikal na pagkaunawa at nakakaarok lang ng mga bagay-bagay sa intelektuwal na paraan, kung gayon, hindi ito isang epektibong paraan para baguhin ang mga tao. Tungkol naman sa pagtatamo ng karunungan at kabatiran sa pamamagitan ng pagsasanay, paano iyon nangyayari? Maaari bang magkamit ng karunungan at kabatiran ang mga tao mula lamang sa pakikinig, pagbabasa, at pagsisikap na maunawaan ang ilang bagay? Paano ito maaaring mangyari? Kailangang makaunawa at makaranas ang mga tao sa tunay na pamumuhay! Samakatuwid, kailangang magsanay ng isang tao, at hindi siya maaaring lumihis sa tunay na pamumuhay. Kailangang bigyang-pansin ng mga tao ang iba’t ibang aspeto at makapasok sa iba-ibang aspeto: antas ng edukasyon, pagpapahayag, kakayahang makita ang bagay-bagay, kakayahang makakilala, kakayahang maarok ang mga salita ng Diyos, sentido kumon at mga panuntunan ng sangkatauhan, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa sangkatauhan na kailangang isangkap sa mga tao. Matapos magtamo ng pagkaunawa, kailangang magtuon ang mga tao sa pagpasok, at saka lamang magkakaroon ng pagbabago. Kung nagkamit ng pag-unawa ang isang tao, subalit kinaliligtaan nilang magsagawa, paano magkakaroon ng pagbabago? Sa kasalukuyan, maraming nauunawaan ang mga tao, ngunit hindi nila ito aktuwal na isinabuhay; samakatuwid, nagtataglay sila ng kaunting pagkaunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos. Bahagya ka pa lamang naliwanagan; nakatanggap ka na ng kaunting pagtanglaw mula sa Banal na Espiritu, subalit wala kang pagpasok sa aktuwal na buhay—o maaaring wala ka man lamang pakialam tungkol sa pagpasok—kaya hindi ka sumasailalim sa maraming pagbabago. Pagkaraan ng napakahabang panahon, marami nang nauunawaan ang mga tao. Nagagawa nilang magsalita nang husto tungkol sa kanilang kaalaman sa mga teorya, ngunit ganoon pa rin ang kanilang panlabas na disposisyon, at ganoon pa rin ang kanilang orihinal na kakayahan, walang pagsulong ni katiting. Kung ganito ang nangyayari, kailan ka talaga makakapasok?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagtalakay sa Buhay Iglesia at sa Tunay na Buhay
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 437
Ang buhay-iglesia ay isang uri lamang ng pamumuhay kung saan ang mga tao ay nagtitipun-tipon upang namnamin ang mga salita ng Diyos, at ito ay bumubuo lamang sa maliit na hibla ng buhay ng tao. Kung ang tunay na pamumuhay ng mga tao ay maaari ring maging katulad ng kanilang buhay-iglesia—kabilang na ang isang normal na espirituwal na buhay, normal na pagtamasa ng mga salita ng Diyos, normal na pagdarasal at pagiging malapit sa Diyos, pamumuhay ng isang tunay na pamumuhay kung saan lahat ay isinasagawa alinsunod sa mga layunin ng Diyos, pamumuhay ng isang tunay na pamumuhay kung saan ang lahat ay isinasagawa alinsunod sa katotohanan, pamumuhay ng isang tunay na pamumuhay ng pagsasagawa ng panalangin at pagiging tahimik sa harap ng Diyos, ng pagsasanay na umawit ng mga himno at magsayaw—ito lamang ang klase ng buhay na maghahatid sa kanila sa pamumuhay ng mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay nakatuon lamang sa kondisyon nila sa ilang oras ng kanilang buhay iglesia nang walang “pag-aalala” sa kanilang buhay maliban sa mga oras na iyon, na para bang hindi nag-aalala sa mga iyon. Maraming tao rin na pumapasok lamang sa buhay ng mga santo kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, umaawit ng mga himno, o nagdarasal, at pagkatapos ay nanunumbalik sila sa dati nilang pag-uugali pagkaraan noon. Hindi mababago ng ganitong pamumuhay ang mga tao kahit kaunti, lalo nang hindi nila makikilala ang Diyos dahil dito. Sa paniniwala sa Diyos, kung nais ng mga tao na baguhin ang kanilang disposisyon, hindi nila dapat ihiwalay ang kanilang sarili mula sa tunay na pamumuhay. Sa tunay na pamumuhay, kailangan mong kilalanin ang iyong sarili, maghimagsik laban sa ang iyong sarili, isagawa ang katotohanan, at matutuhan din ang mga prinsipyo, sentido kumon, at mga panuntunan ng sariling pag-uugali sa lahat ng bagay bago mo makamit ang unti-unting pagbabago. Kung pagtutuunan mo lamang ang teoretikal na kaalaman at mamumuhay ka lamang sa isang buhay ng mga relihiyosong ritwal nang hindi lubusang pumapasok sa realidad, nang hindi pumapasok sa tunay na pamumuhay, hindi mo kailanman mapapasok ang realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at magiging bulag at mangmang ka magpakailanman. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao ay hindi upang tulutan silang mamuhay nang normal pagkaraan ng maikling panahon, ni hindi para baguhin ang kanilang mga maling kuru-kuro at doktrina. Sa halip, ang Kanyang layunin ay baguhin ang dati nilang mga disposisyon, baguhin ang kabuuan ng dati nilang paraan ng pamumuhay, at baguhin ang lahat ng kanilang atrasadong pag-iisip at kanilang mentalidad. Hindi mababago ng pagtutuon lamang sa buhay-iglesia ang mga dating gawi ng mga tao sa buhay o ang mga pamamaraan ng pamumuhay na nakasanayan nila sa mahabang panahon. Anuman ang mangyari, hindi dapat mahiwalay ang mga tao mula sa tunay na pamumuhay. Hinihiling ng Diyos na mamuhay nang normal bilang tao ang mga tao sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia; na isabuhay nila ang katotohanan sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia; at na tuparin nila ang kanilang mga tungkulin sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia. Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na pamumuhay. Kung, sa paniniwala sa Diyos, hindi makilala ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa tunay na pamumuhay, at kung hindi sila makapamuhay nang normal bilang tao sa tunay na pamumuhay, mabibigo sila. Ang mga naghihimagsik laban sa Diyos ay pawang mga taong hindi makakapasok sa tunay na pamumuhay. Silang lahat ay mga taong nagsasalita tungkol sa pagkatao, ngunit isinasabuhay ang likas na pagkatao ng mga demonyo. Silang lahat ay mga taong nagsasalita tungkol sa katotohanan, ngunit isinasabuhay naman ang mga doktrina. Ang mga hindi makayang isabuhay ang katotohanan sa tunay na pamumuhay ay ang mga naniniwala sa Diyos, ngunit itinatakwil Niya. Kailangan mong isagawa ang iyong pagpasok sa tunay na pamumuhay, alamin ang iyong mga kakulangan, paghihimagsik, at kahangalan, at alamin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang iyong kaalaman ay isasama sa iyong aktuwal na kalagayan at mga suliranin. Ang ganitong klase lang ng kaalaman ang tunay at maaaring magtulot sa iyo na tunay na maarok ang iyong sariling kalagayan at makamit ang pagbabago sa disposisyon.
Ngayong ang pagpeperpekto sa mga tao ay pormal nang nagsimula, kailangan mong pumasok sa tunay na pamumuhay. Samakatwid, upang magtamo ng pagbabago, kailangan mong magsimula mula sa pagpasok tungo sa aktuwal na buhay, at unti-unting magbago. Kung papawiin mo ang normal na buhay ng tao at magsasalita ka lamang tungkol sa mga espirituwal na bagay, kung gayon, nagiging nakakabagot at paulit-ulit ang mga bagay-bagay; hindi nagiging makatotohanan ang mga ito, at kung gayon ay paano makakapagbago ang mga tao? Ngayon ay sinabihan kang pumasok sa tunay na buhay upang magsanay, at ang lahat ng ito ay upang magtatag ng isang pundasyon para sa pagpasok sa praktikal na karanasan. Ito ay isang aspeto ng kailangang gawin ng mga tao. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay para manguna sa daan higit sa lahat, samantalang ang iba pa ay nakasalalay sa pagsasanay at pagpasok ng mga tao. Lahat ay kailangang sumunod sa iba’t ibang landas ng pagpasok para magtamo ng pagpasok sa tunay na buhay at madala ang Diyos sa kanilang tunay na buhay, at maisabuhay ang tunay na normal na pagkatao. Ito lamang ang klase ng buhay na may kabuluhan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagtalakay sa Buhay Iglesia at sa Tunay na Buhay
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 438
Dati-rati, sinasabi na ang pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu at pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu ay magkaiba. Ang normal na kalagayan ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ay namamalas sa pagkakaroon ng normal na mga kaisipan, normal na katwiran, at normal na pagkatao. Ang personalidad ng isang tao ay mananatiling tulad ng dati, ngunit magkakaroon ng kapayapaan sa kanilang kalooban, at sa panlabas ay magkakaroon sila ng kagandahang-asal ng isang banal. Magiging ganito sila kapag sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag taglay ng isang tao ang presensiya ng Banal na Espiritu, normal ang kanilang pag-iisip. Kapag nagugutom sila gusto nilang kumain, kapag nauuhaw sila gusto nilang uminom ng tubig. … Ang gayong mga pagpapamalas ng normal na pagkatao ay hindi kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay normal na pag-iisip ng mga tao at normal na kalagayan ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Mali ang paniniwala ng ilang tao na iyong mga may presensiya ng Banal na Espiritu ay hindi nagugutom, na hindi sila nakakadama ng kapaguran, at tila hindi inaalala ang pamilya, na halos inihiwalay na nang lubusan ang kanilang sarili mula sa katawan. Sa katunayan, habang lalong sumasa mga tao ang Banal na Espiritu, lalo silang normal. Alam nila kung paano magdusa at isuko ang mga bagay para sa Diyos, gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at maging deboto sa Diyos; bukod pa rito, iniisip nilang kumain at magbihis. Sa madaling salita, walang nawalang anuman sa kanilang normal na pagkatao na dapat magkaroon ang tao at, sa halip, lalo silang nagtataglay ng katwiran. Kung minsan, nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang gawain ng Diyos; may pananampalataya sa kanilang puso at handa silang hanapin ang katotohanan. Natural, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakabatay sa pundasyong ito. Kung ang mga tao ay walang normal na pag-iisip, wala silang katwiran—hindi ito isang normal na kalagayan. Kapag ang mga tao ay may normal na pag-iisip at sumasakanila ang Banal na Espiritu, siguradong taglay nila ang katwiran ng isang normal na tao at, sa gayon, mayroon silang isang normal na kalagayan. Sa pagdanas sa gawain ng Diyos, nangyayari paminsan-minsan ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang halos palaging mayroong presensiya ng Banal na Espiritu. Hangga’t normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, at hangga’t normal ang kanilang mga kondisyon, siguradong sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag hindi normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, hindi normal ang kanilang pagkatao. Kung, sa sandaling ito, nasa iyo ang gawain ng Banal na Espiritu, siguradong sumasaiyo rin ang Banal na Espiritu. Ngunit kung sumasaiyo ang Banal na Espiritu, hindi ibig sabihin na talagang gumagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban, sapagkat gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga partikular na pagkakataon. Mapapanatili lamang ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ang normal na pamumuhay ng mga tao, ngunit gumagawa lamang ang Banal na Espiritu sa mga partikular na oras. Halimbawa, kung isa kang lider o manggagawa, kapag nagdidilig at nagtutustos ka para sa iglesia, bibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu sa ilang salita na makakapagpatibay sa iba at makakalutas sa ilan sa mga aktuwal na problema ng iyong mga kapatid—sa ganitong mga pagkakataon, gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung minsan, kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, binibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ilang salitang may partikular na kaugnayan sa sarili mong mga karanasan, na nagtutulot sa iyo na magtamo ng higit na pagkakilala tungkol sa sarili mong mga kondisyon; gawain din ito ng Banal na Espiritu. Kung minsan, habang Ako ay nagsasalita, nakikinig kayo at nagagawa ninyong ihambing ang sarili ninyong mga kalagayan sa Aking mga salita, at kung minsan ay naaantig o nabibigyang-inspirasyon kayo; lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa loob nila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila ang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katwiran ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita ng mga ito na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na binibigyang-liwanag sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong pagkakilala sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong sobrenatural! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag pumaparito sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—lalo na ang mga tao. Iyong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng laman. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang mga damdamin, kaya nilang tiisin ang paghihirap at hindi sila nakakaramdam ng kahit katiting na pagkahapo, na parang napangibabawan na nila ang laman. Hindi ba ito lubos na sobrenatural? Ang gawain ng masasamang espiritu ay sobrenatural—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Iyong mga walang pagkilatis ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na mayroong ganoong sigla ang mga ito sa pananampalataya ng mga ito sa Diyos, may malaking pananalig, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, ang mga ito ay pagpapamalas lahat ng gawain ng masasamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng mga may presensiya ng Banal na Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 439
Ano ang ibig sabihin ng manindigan ang isang tao sa kanyang patotoo? Sinasabi ng ilang tao na sumusunod lamang sila na kagaya ng ginagawa nila ngayon at hindi sila nag-aalala kung kaya nilang magtamo ng buhay; hindi nila hinahangad ang buhay, ngunit hindi rin naman sila tumatalikod. Kinikilala lamang nila na ang yugtong ito ng gawain ay isinasagawa ng Diyos. Hindi ba ito kabiguan sa kanilang patotoo? Ni hindi nagpapatotoo ang gayong mga tao na nalupig na sila. Yaong mga nalupig na ay sumusunod sa kabila ng lahat at nagagawang hangarin ang buhay. Hindi lamang sila naniniwala sa praktikal na Diyos, kundi alam din nila kung paano magpasakop sa lahat ng plano ng Diyos. Gayon yaong mga nagpapatotoo. Yaong mga hindi nagpapatotoo ay hindi kailanman hinangad ang buhay at patuloy pa ring sumusunod nang magulo. Maaaring sumusunod ka, ngunit hindi ito nangangahulugan na nalupig ka na, sapagkat hindi mo nauunawaan ang gawain ng Diyos ngayon. Kailangang matugunan ang ilang kundisyon para malupig. Hindi lahat ng sumusunod ay nalupig na, sapagkat sa puso mo ay hindi mo nauunawaan kung bakit kailangan mong sundin ang Diyos sa ngayon, hindi mo rin alam kung paano ka nakaraos hanggang ngayon, kung sino ang sumuporta sa iyo hanggang ngayon. Ang pagsampalataya ng ilang tao sa Diyos ay palaging magulo at lito; sa gayon, ang pagsunod ay hindi nangangahulugan na mayroon kang patotoo. Ano ba talaga ang tunay na patotoo? Ang patotoong binabanggit dito ay may dalawang bahagi: Ang isa ay patotoo ng pagkalupig, at ang isa pa ay patotoo na nagawa nang perpekto ang isang tao (na, natural, ay magiging patotoo kasunod ng mas malaking pagsubok at kapighatian sa hinaharap). Sa madaling salita, kung kaya mong manindigan sa oras ng mga kapighatian at pagsubok, nakapagbigay ka na ng pangalawang hakbang ng patotoo. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang pagbibigay ng unang bahagi ng patotoo: magawang manindigan sa bawat pagkakataon ng mga pagsubok ng pagkastigo at paghatol. Ito ang patotoo ng pagkalupig. Iyon ay dahil ngayon ang panahon ng paglupig. (Dapat mong malaman na ngayon ang panahon ng gawain ng Diyos sa lupa; ang pangunahing gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupa ay ang paglupig sa grupo ng mga taong ito sa lupa na sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo.) Kung may kakayahan ka o wala na magbigay ng patotoo ng pagkalupig ay nakasalalay hindi lamang sa kung kaya mong sumunod hanggang sa pinakahuli, kundi, ang mas mahalaga, kung habang dinaranas mo ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay kaya mong tunay na maunawaan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at kung tunay mong nahihiwatigan ang lahat ng gawaing ito. Hindi ka makakalusot sa pagsunod lamang hanggang sa huli. Kailangan ay handa kang sumuko sa bawat pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, kailangang may kakayahan kang tunay na maunawaan ang bawat hakbang ng gawaing nararanasan mo, at kailangan mong magtamo ng pagkakilala at pagpapasakop sa disposisyon ng Diyos. Ito ang huling patotoo ng pagkalupig, na kailangan mong ibigay. Ang patotoo ng pagkalupig ay pangunahing tumutukoy sa iyong pagkakilala sa nagkatawang-taong Diyos. Ang mahalaga, ang hakbang na ito ng patotoo ay patungkol sa nagkatawang-taong Diyos. Hindi mahalaga kung ano ang iyong ginagawa o sinasabi sa harap ng mga tao sa mundo o sa yaong mga may kapangyarihan; ang pinakamahalaga sa lahat ay kung nagagawa mong magpasakop sa lahat ng salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at sa lahat ng Kanyang gawain. Kung gayon, ang hakbang na ito ng patotoo ay nakadirekta kay Satanas at sa lahat ng kaaway ng Diyos—ang mga demonyo at mga kaaway na hindi naniniwala na ang Diyos ay magkakatawang-tao sa ikalawang pagkakataon at darating upang gumawa ng mas dakilang gawain, at bukod pa roon, hindi naniniwala sa katunayan ng pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Sa madaling salita, nakadirekta ito sa lahat ng anticristo—lahat ng kaaway na hindi naniniwala sa nagkatawang-taong Diyos.
Hindi pinatutunayan ng pag-iisip at pananabik sa Diyos na nilupig ka na ng Diyos; nakasalalay iyon sa kung naniniwala ka na Siya ang Salita na nagkatawang-tao, kung naniniwala ka na ang Salita ay nagkatawang-tao, at kung naniniwala ka na ang Espiritu ay naging Salita, at ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao. Ito ang pinakamahalagang patotoo. Hindi mahalaga kung paano ka sumusunod, ni kung paano mo ginugugol ang iyong sarili; ang pinakamahalaga ay kung nagagawa mong matuklasan mula sa normal na pagkataong ito na ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay naisakatuparan sa katawang-tao—na lahat ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ay naparito na sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay talagang dumating na sa lupa at ang Espiritu ay naparito na sa katawang-tao. Bagama’t, sa tingin, mukhang naiiba ito mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa gawaing ito nagagawa mong makita nang mas malinaw na ang Espiritu ay naisakatuparan na sa katawang-tao, at, bukod pa rito, na ang Salita ay nagkatawang-tao na at ang Salita ay nagpakita na sa katawang-tao. Nagagawa mong maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salitang: “Nang pasimula Siya ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos.” Bukod pa rito, kailangan mong maunawaan na ang Salita sa ngayon ay ang Diyos, at masdan na ang Salita ay nagkatawang-tao. Ito ang pinakamagandang patotoong maibibigay mo. Pinatutunayan nito na taglay mo ang tunay na pagkakilala tungkol sa Diyos na naging tao—hindi mo lamang nagagawang makilala Siya, kundi nababatid mo rin na ang landas na iyong tinatahak sa ngayon ay ang daan ng buhay, at ang daan ng katotohanan. Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng “ang Salita ay sumasa Diyos”: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay sumasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking patunay na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa panloob na kahulugan ng “ang Salita ay nagkatawang-tao,” nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos,” at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang “Nang pasimula Siya ang Salita.” Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, ibinubunyag Niya nang mas lalong malinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang Salita—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung paano mo nauunawaan ang katawang-tao at ang Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibigay, ang kailangang malaman ng lahat. Sapagkat ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na magkakatawang-tao ang Diyos; sa madaling salita, kinokompleto nito ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao, lubus-lubusang isinasakatuparan at ipinapahayag ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at winawakasan ang panahon ng Diyos na nasa katawang-tao. Sa gayon, kailangan mong malaman ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao. Hindi mahalaga kung gaano ka naglilibot, o gaano kahusay mo isinasakatuparan ang mga panlabas na usapin; ang mahalaga ay kung nagagawa mong ganap na sumuko sa harap ng Diyos na nagkatawang-tao at ilaan ang iyong buong pagkatao sa Kanya, at magpasakop sa lahat ng salitang nagmumula sa Kanyang bibig. Ito ang siyang dapat mong gawin, at ang siyang dapat mong itaguyod.
Ang huling hakbang ng patotoo ay ang patotoo ng kung magagawa ka bang perpekto o hindi—na ang ibig sabihin, matapos mong maarok ang lahat ng salitang nagmumula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao, nagkakaroon ka ng pagkakilala tungkol sa Diyos at nagiging tiyak ka tungkol sa Kanya, isinasabuhay mo ang lahat ng salitang nagmumula sa bibig ng Diyos, at nakakamit ang mga kondisyong hinihingi sa iyo ng Diyos—ang estilo ni Pedro at pananalig ni Job—kaya nakakapagpasakop ka hanggang kamatayan, naibibigay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Kanya, at sa huli ay nakakamit ang larawan ng isang taong pasok sa pamantayan, na ibig sabihin ay ang larawan ng isang taong nalupig na at nagawang perpekto matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ito ang pangwakas na patotoo—ito ang patotoong dapat ibigay ng isang taong nagawang perpekto sa huli. Ito ang dalawang hakbang ng patotoo na dapat mong ibigay, at magkaugnay ang mga ito, bawat isa ay kailangang-kailangan. Ngunit may isang bagay na kailangan mong malaman: Ang patotoong hinihingi Ko sa iyo ngayon ay hindi nakadirekta sa mga tao sa mundo, ni sa sinumang indibidwal, kundi sa hinihingi Ko sa iyo. Nasusukat ito sa kung napapalugod mo ba Ako, at kung nagagawa mo bang lubos na tugunan ang Aking mga hinihinging pamantayan para sa bawat isa sa inyo. Ito ang dapat ninyong maunawaan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 440
Kapag nagdurusa kayo ng kaunting pagpipigil o paghihirap, makakabuti iyon sa inyo; kung magiging maluwag sa inyo, mapapahamak kayo, at kung gayon ay paano kayo mapoprotektahan? Ngayon, ito ay dahil kayo ay kinakastigo, hinahatulan, at isinusumpa kaya nabibigyan kayo ng proteksyon. Dahil kayo ay nagdusa na nang husto kaya kayo ay pinoprotektahan. Kung hindi, matagal na sana kayong nahulog sa kabulukan. Hindi ito sadyang pagpapahirap ng mga bagay para sa inyo—ang kalikasan ng tao ay mahirap baguhin, at kailangan itong maging ganito para magbago ang kanyang disposisyon. Ngayon, ni wala kayo ng konsensiya o katwirang tinaglay ni Pablo, ni hindi ninyo taglay ang kanyang kamalayan sa sarili. Lagi kayong kailangang pigilan, at kailangan kayong palaging kastiguhin at hatulan para magising ang inyong mga espiritu. Pagkastigo at paghatol ang pinakamabuti para sa inyong buhay. At kapag kinakailangan, dapat ay mayroon ding pagkastigo ng mga katunayang dumarating sa inyo; saka lamang kayo lubos na susuko. Ang inyong kalikasan ay ganito, na kung walang pagkastigo at pagsumpa, hindi ninyo gugustuhing yumuko, hindi gugustuhing sumuko. Kung wala ang mga katunayan sa harap ng inyong mga mata, walang magiging epekto. Masyadong hamak at walang halaga ang inyong karakter! Kung wala ang pagkastigo at paghatol, magiging mahirap na malupig kayo, at mahirap mapagtagumpayan ang inyong kawalan ng katuwiran at inyong pagsuway. Ang inyong dating mga kalikasan ay nakaugat nang napakalalim. Kung inilagay kayo sa trono, hindi ninyo malalaman ang inyong posisyon sa sansinukob, lalong wala kayong ideya kung saan kayo patungo. Ni hindi ninyo alam kung saan kayo nagmula, kaya paano ninyo makikilala ang Lumikha? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at mga sumpa sa ngayon, matagal na sanang dumating ang inyong huling araw. Huwag nang banggitin pa ang inyong kapalaran—hindi ba mas nalalapit iyon sa panganib? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at paghatol na ito, sino ang nakakaalam kung gaano katindi kayong yayabang, o kung gaano kayo magiging buktot. Dinala kayo ng pagkastigo at paghatol na ito sa kasalukuyan, at napanatili ng mga ito ang inyong pag-iral. Kung “tinuturuan” pa rin kayo gamit ang kaparehong mga pamamaraan tulad ng sa inyong “ama,” sino ang nakakaalam kung anong mundo ang inyong papasukin! Wala talaga kayong abilidad na kontrolin at pagnilayan ang inyong sarili. Para sa mga taong kagaya ninyo, kung susunod lamang, magpapasakop, hindi manggagambala, at hindi kayo manggugulo, makakamtan ang Aking mga layon. Hindi ba dapat mas paghusayan ninyo ang pagtanggap ng pagkastigo at paghatol sa ngayon? Ano pang ibang pagpipilian ang mayroon kayo?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (6)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 441
Kapag sinasangkapan mo ang iyong sarili para sa buhay, kailangan mong magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kailangan mong makayang magsalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos, sa iyong mga pananaw tungkol sa buhay ng tao, at, lalo na, sa iyong kaalaman tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos sa mga huling araw. Yamang hinahabol mo ang buhay, kailangan mong sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na ito. Kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, kailangan mong iugnay ang mga iyon sa iyong aktuwal na kalagayan. Ibig sabihin, kailangan mong tuklasin ang iyong mga pagkukulang sa pamamagitan ng iyong mga tunay na karanasan, at pagkatapos ay kailangang kaya mong makahanap ng isang landas ng pagsasagawa, na maghimagsik laban sa iyong mga maling motibo at kuru-kuro. Kung lagi kang nagsisikap sa aspektong ito, at buong puso mong pinagsisikapan ang mga bagay na ito, magkakaroon ka ng landas na susundan, hindi ka makararamdam ng kahungkagan, at sa gayo’y magagawa mong manatili sa isang normal na kalagayan. Saka ka lamang magiging isang tao na nagdadala ng pasanin para sa sarili mong buhay, na may pananampalataya. Bakit kaya hindi magawa ng ilang tao, matapos basahin ang mga salita ng Diyos, na isagawa ang mga ito? Hindi ba’t ito ay dahil hindi nila maarok ang mahahalagang bagay? Hindi ba’t ito ay dahil pabasta-basta sila pagdating sa buhay? Kaya hindi nila natatarok ang mahahalagang bagay at wala silang landas sa pagsasagawa ay dahil kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila maiugnay ang sarili nilang mga kalagayan sa mga ito, at hindi rin nila maarok ang sarili nilang mga kalagayan. Sinasabi ng ilang tao, “Kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, iniuugnay ko naman ang mga ito sa aking kalagayan, at alam ko na ako ay tiwali at kulang sa kakayahan, ngunit hindi ko kayang bigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos.” Panlabas pa lang ang nakita mo; maraming usapin ng realidad na hindi mo alam: kung paano bitiwan ang mga kasiyahan ng laman, paano bitiwan ang pagmamagaling, paano baguhin ang iyong sarili, paano pumasok sa mga bagay na ito, paano pagbutihin ang iyong kakayahan at saang aspekto magsisimula. Natatarok mo lang ang ilang bagay sa panlabas, at ang alam mo lang ay na talagang napakatiwali mo. Kapag nakikipagkita ka sa iyong mga kapatid, nagsasalita ka tungkol sa iyong katiwalian, at mukhang kilala mo ang sarili mo at mabigat ang pasaning dinadala mo sa buhay. Sa katunayan, hindi nagbago ang iyong mga tiwaling disposisyon, na nagpapatunay na hindi mo pa natatagpuan ang landas sa pagsasagawa. Kung namumuno ka sa isang iglesia, kailangan mong makayang unawain ang mga kalagayan ng mga kapatid at tukuyin ang mga ito. Maaari bang sabihin mo lang na, “Mapaghimagsik at paurong kayong mga tao!”? Kailangan mong sabihin ang mga partikular na pagpapamalas ng kung paano ba talaga sila naging mapaghimagsik at paurong—sa madaling salita, kailangan mong magsalita tungkol sa mga mapaghimagsik nilang kalagayan, mga mapaghimagsik nilang pag-uugali, at mga sataniko nilang disposisyon—nang sa gayon ay lubos silang makumbinsi. Kailangan mong makapaglahad ng mga katunayan at halimbawa para ipaliwanag ang isyu, at makapagsabi kung paano ba talaga sila makakawala sa mga mapaghimagsik na pag-uugaling ito, nang itinuturo ang landas ng pagsasagawa—saka lamang ito magiging mapanghikayat. Tanging ang mga gumagawa nito ang may kakayahang mamuno sa iba; tanging sila ang nagtataglay ng katotohanang realidad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (7)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 442
Ang pagpapatotoo sa Diyos, sa pangunahin, ay patungkol sa pagsasalita hinggil sa iyong pagkakilala sa gawain ng Diyos, kung paano nilulupig ng Diyos ang mga tao, kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao, kung paano Niya binabago ang mga tao; patungkol ito sa pagsasalita kung paano Niya ginagabayan ang mga tao sa pagpasok sa katotohanang realidad, na nagtutulot sa kanila na malupig, maperpekto, at mailigtas Niya. Ang pagpapatotoo ay nangangahulugan ng pagsasalita tungkol sa Kanyang gawain at lahat ng naranasan mo. Tanging ang Kanyang gawain ang kayang kumatawan sa Kanya, at tanging ang Kanyang gawain ang kayang magbunyag sa Kanya sa publiko, sa Kanyang kabuuan; ang Kanyang gawain ay nagpapatotoo sa Kanya. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas ay direktang kumakatawan sa Espiritu; ang gawaing ginagawa Niya ay isinasakatuparan ng Espiritu, at ang mga salitang sinasambit Niya ay sinasalita ng Espiritu. Sadya lamang na ang mga bagay na ito ay ipinapahayag sa pamamagitan ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa realidad, mga pagpapahayag ito ng Espiritu. Lahat ng gawaing ginagawa Niya at lahat ng salitang sinasambit Niya ay kumakatawan sa Kanyang diwa. Kung, matapos bihisan ang Kanyang sarili ng laman at pumarito sa gitna ng tao, hindi nagsalita o gumawa ang Diyos, at pagkatapos ay inutusan kayong kilalanin ang Kanyang pagiging praktikal, Kanyang pagiging normal, at Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat, magagawa mo ba? Magagawa mo bang kilalanin kung ano ang diwa ng Espiritu? Magagawa mo bang kilalanin kung ano ang kalikasan ng Kanyang katawang-tao? Dahil lamang sa naranasan ninyo ang bawat hakbang ng Kanyang gawain kaya Niya kayo hinihingan na magpatotoo para sa Kanya. Kung wala kayong gayong karanasan, hindi Niya kayo pipiliting magpatotoo. Sa gayon, kapag nagpapatotoo ka sa Diyos, hindi mo lamang patototohanan ang Kanyang panlabas na anyo ng normal na pagkatao, sa halip patototohanan mo ang gawaing Kanyang ginagawa at ang landas na pinangungunahan Niya; patototohanan mo kung paano ka Niya nalupig at sa anong mga aspekto ka nagawang perpekto. Ito ang klase ng patotoo na dapat mong ibigay. Ipagpalagay na, saan ka man magtungo, humihiyaw ka ng: “Naparito ang aming Diyos upang gumawa, at ang Kanyang gawain ay talagang praktikal! Nakamit na Niya kami nang walang mga kilos na higit sa karaniwan, nang wala man lang anumang mga himala at kababalaghan!” Itatanong ng iba: “Ano ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mo na hindi Siya gumagawa ng mga himala at kababalaghan? Paano ka Niya nalupig nang hindi gumagawa ng mga himala at kababalaghan?” At sasabihin mo: “Siya ay nagsasalita, at, kahit hindi nagpapakita ng anumang mga kababalaghan o himala, nalupig Niya kami. Nalupig kami ng Kanyang gawain.” Sa kahuli-hulihan, wala kang masabing anuman na may diwa, at hindi mo nasasabi ang mga detalye. Ito ba ay patotoo? Kapag nilulupig ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga tao, ang pagsasalita Niya nang mula sa pagka-Diyos ang lumulupig sa kanila. Hindi ito maisakatuparan ng Kanyang pagkatao; hindi ito isang bagay na nakakamit ng sinumang mortal, at kahit iyong mga may pinakamahusay na kakayahan sa normal na mga tao ay hindi ito kaya, sapagkat ang Kanyang pagka-Diyos ay mas mataas kaysa sinumang nilikha. Hindi ito pangkaraniwan sa mga tao; ang Lumikha, matapos ang lahat, ay mas mataas kaysa sinumang nilikha. Ang mga nilikha ay hindi kayang maging mas mataas kaysa sa Lumikha; kung mas mataas ka kaysa sa Kanya, hindi Niya magagawang lupigin ka, at nalulupig ka lang Niya dahil mas mataas Siya kaysa sa iyo. Siya na nakakayang lupigin ang buong sangkatauhan ay ang Lumikha, at walang sinuman kundi Siya ang nakakagawa ng gawaing ito. Ito ay patotoo—ito ang klase ng patotoo na dapat mong ibigay. Nakaranas ka ng sunod-sunod na hakbang ng pagkastigo, paghatol, pagpipino, mga pagsubok, mga pagkabigo, at mga kapighatian, at nalupig ka na; nabitiwan mo na ang kinabukasan ng laman, ang iyong mga personal na motibo, at ang mga personal na interes ng laman. Sa madaling salita, lubos nang nalupig ng mga salita ng Diyos ang iyong puso. Bagama’t hindi ka lumago sa iyong buhay na katulad ng hinihingi Niya, kilala mo ang lahat ng bagay na ito at lubos kang kumbinsido sa ginagawa Niya. Ito ay patotoo—praktikal na patotoo! Pumarito Siya para gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang lupigin ang tao; ngunit pumarito din Siya para tapusin ang Kanyang gawain, para wakasan ang kapanahunan, at isakatuparan ang gawain ng pagtatapos—para wakasan ang buong kapanahunan, iligtas ang buong sangkatauhan, lubusang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, at lubos na kamtin ang sangkatauhang Kanyang nilikha. Dapat mong patotohanan ang lahat ng ito. Napakarami mo nang naranasan sa gawain ng Diyos, nakita na ito ng sarili mong mga mata at personal mo itong naranasan; huwag kang mabigo sa huli na gampanan ang papel na nakaatas sa iyo. Sayang iyon! Sa hinaharap, kapag pinalalaganap ang ebanghelyo, dapat mong makayang magsalita tungkol sa sarili mong pagkakilala, magpatotoo sa lahat ng iyong natamo sa puso mo, at gawin ang lahat. Ito ang dapat maabot ng isang nilikha. Ano mismo ang kahalagahan ng yugtong ito ng gawain ng Diyos? Ano ang epekto nito? At gaano karami nito ang naisakatuparan sa tao? Ano ang dapat gawin ng mga tao? Kapag kaya ninyong lubusang ipaliwanag ang lahat ng gawaing nagawa ng Diyos na nagkatawang-tao simula nang pumarito sa lupa, magiging kompleto ang inyong patotoo. Kapag kaya mong lubusang ipaliwanag ang limang bagay na ito: ang kabuluhan ng Kanyang gawain; ang mga nilalaman nito; ang diwa nito; ang disposisyon na kinakatawan nito; at ang mga prinsipyo nito, patutunayan nito na kaya mong magpatotoo sa Diyos, na tunay kang nagtataglay ng pagkakilala. Ang Aking mga hinihingi sa inyo ay hindi napakataas, at maaabot ng lahat ng naghahangad nang may tunay na puso. Kung mayroon kang determinasyon na maging isa sa mga tagapagpatotoo ng Diyos, kailangan mong maunawaan kung ano ang kinapopootan ng Diyos at kung ano ang minamahal ng Diyos. Naranasan mo na ang marami sa Kanyang gawain; sa pamamagitan ng gawaing ito, kailangan mong makilala ang Kanyang disposisyon, maunawaan ang Kanyang mga layunin at Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan, at gamitin ang pagkakilalang ito upang magpatotoo sa Kanya at tuparin ang iyong tungkulin. Maaaring sabihin mo lang na: “Kilala namin ang Diyos. Napakatindi ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Ang Kanyang mga salita ay napakahigpit; Siya ay matuwid at maharlika, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng pagkakasala sa Kanya,” ngunit ang mga salitang ito ba sa kahuli-hulihan ay nagtutustos sa tao? Ano ang epekto ng mga ito sa mga tao? Talaga bang alam mo na ang gawain ng paghatol at pagkastigo na ito ay pinakanakabubuti para sa iyo? Inilalantad ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang iyong pagiging mapanghimagsik at katiwalian, hindi ba? Malilinis at maiwawaksi ng mga ito ang marurumi at tiwaling bagay na iyon na nasa loob mo, hindi ba? Kung walang paghatol at pagkastigo, ano ang mangyayari sa iyo? Kinikilala mo ba talaga ang katotohanang nagawa ka nang tiwali ni Satanas sa pinakamatinding antas? Ngayon, dapat ninyong sangkapan ang inyong sarili ng mga bagay na ito at alamin nang husto ang mga ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (7)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 443
Alam ba ninyo kung ano ang dapat ninyong isangkap sa inyong sarili ngayon? Ang isang aspekto noon ay may kinalaman sa mga pangitain tungkol sa gawain, at ang isa pang aspekto ay ang iyong pagsasagawa. Dapat mong maunawaan ang parehong aspektong ito. Kung wala kang mga pangitain sa iyong paghahangad ng paglago sa buhay, hindi ka magkakaroon ng pundasyon. Kung mga daan lang ng pagsasagawa ang taglay mo, nang wala ni katiting na pangitain, at walang anumang pagkaunawa tungkol sa gawain ng buong plano ng pamamahala, wala kang kwenta. Kailangan mong maunawaan ang mga katotohanan na may kinalaman sa mga pangitain, at tungkol naman sa mga katotohanang may kaugnayan sa pagsasagawa, kailangan mong makakita ng mga angkop na landas ng pagsasagawa pagkatapos mong maunawaan ang mga iyon; kailangan mong magsagawa nang naaayon sa mga salita, at pumasok ayon sa iyong mga kondisyon. Ang mga pangitain ang pundasyon, at kapag hindi mo binigyang-pansin ang katotohanang ito, hindi ka makakasunod hanggang sa huli; ang makaranas sa ganoong paraan ay mag-aakay sa iyo sa mga paglihis o magsasanhi sa iyong madapa at mabigo. Hinding-hindi ka magtatagumpay! Ang mga taong walang mga dakilang pangitain bilang kanilang mga pundasyon ay mabibigo lamang; hindi sila makapagtatagumpay. Hindi nila kayang manindigan! Alam mo ba kung ano ang kalakip ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? Kung walang mga pangitain, anong landas ang iyong lalakaran? Sa gawain sa kasalukuyan, kung wala kang mga pangitain, hinding-hindi ka magagawang ganap. Kanino ka ba nananampalataya? Bakit ka nananampalataya sa Kanya? Bakit ka sumusunod sa Kanya? Tingin mo ba ang iyong pananampalataya ay isang uri ng laro? Tinatrato mo ba ang iyong buhay na parang isang uri ng laruan? Ang Diyos ng kasalukuyan ang pinakadakilang pangitain. Gaano karami ang alam mo tungkol sa Kanya? Gaano karami ang nakita mo na tungkol sa Kanya? Yamang nakita mo na ang Diyos ng kasalukuyan, matibay ba ang pundasyon ng iyong pananampalataya sa Diyos? Sa palagay mo ba ay magtatamo ka ng biyayang nagliligtas basta’t sumusunod nang magulo? Palagay mo ba ay makakahuli ka ng isda sa maputik na tubig? Ganoon ba iyon kasimple? Gaano na ba karaming kuru-kurong may kinalaman sa mga salitang binibigkas ng Diyos ng kasalukuyan ang nabitiwan mo na? May mga pangitain ka ba ng Diyos ng kasalukuyan? Saan nakabatay ang iyong pagkaunawa sa Diyos ng kasalukuyan? Lagi kang naniniwala na matatanggap mo ito sa pamamagitan lang ng pagsunod sa Kanya, o pagkakita lang sa Kanya, at wala nang sinuman ang makapagpapaalis sa iyo. Huwag mong akalain na napakadali lang ng pagsunod sa Diyos. Ang susi ay kailangan mo Siyang makilala, kailangan mong makilala ang gawain Niya, at kailangan mong magkaroon ng determinasyon na magtiis ng paghihirap alang-alang sa Kanya, isakripisyo ang iyong buhay para sa Kanya, at magawa Niyang perpekto. Ito ang pangitain na dapat mong taglayin. Hindi maaari na laging nakatuon lang ang isip mo sa pagtatamasa ng biyaya. Huwag mong ipagpalagay na narito ang Diyos para lang sa kasiyahan ng mga tao, o upang magkaloob lang ng biyaya sa kanila. Mali ka! Kung hindi maitataya ng isang tao ang kanyang buhay upang sumunod sa Diyos, at kung hindi matatalikuran ng isang tao ang lahat ng panlabas na bagay upang sumunod, tiyak na hindi niya makakayang sumunod sa Diyos hanggang sa huli! Dapat mayroon kang mga pangitain bilang iyong pundasyon. Kung isang araw ay dumating sa iyo ang sakuna, ano ang dapat mong gawin? Magagawa mo pa rin bang sumunod sa Kanya? Huwag mong sabihin nang pabasta-basta kung makakasunod ka hanggang sa huli. Mas mabuting imulat mo muna nang maigi ang iyong mga mata upang makita kung ano ang panahon ngayon. Bagaman sa kasalukuyan ay tulad kayo ng mga haligi ng templo, darating ang panahon na lahat ng gayong haligi ay ngangatngatin ng mga uod, na magdudulot ng pagguho ng templo, dahil sa kasalukuyan, napakaraming pangitain ang kulang sa inyo. Pinag-uukulan lang ninyo ng pansin ang sarili ninyong maliliit na mundo, at hindi ninyo alam kung ano ang pinakamaaasahan at pinakaangkop na paraan ng paghahangad. Hindi ninyo pinapansin ang pangitain ng gawain sa kasalukuyan, hindi rin ninyo isinasapuso ang mga bagay na ito. Naisip na ba ninyo na isang araw ilalagay kayo ng inyong Diyos sa isang pinakahindi pamilyar na lugar? Maguguni-guni ba ninyo kung anong mangyayari sa inyo isang araw kung kailan aagawin Ko ang lahat sa inyo? Ang magiging motibasyon ba ninyo sa araw na iyon ay magiging katulad ng sa ngayon? Muli bang lilitaw ang inyong pananalig? Sa pagsunod sa Diyos, kailangan ninyong malaman itong pinakadakilang pangitain na ang “Diyos”: Ito ang pinakamahalagang usapin. Isa pa, huwag ninyong ipagpalagay na sa pagkakatalaga bilang banal mula sa mga makamundong tao, tiyak na nabibilang kayo sa pamilya ng Diyos. Sa panahong ito, ang Diyos Mismo ang gumagawa sa gitna ng mga nilikha; Siya ang naparito sa gitna ng mga tao upang gawin ang Kanyang sariling gawain—hindi ang magsagawa ng mga kampanya. Sa inyo, wala ni isang dakot ang nagagawang malaman na ang gawain sa kasalukuyan ay ang gawain ng Diyos sa langit na nagkatawang-tao. Hindi ito tungkol sa paggawa sa inyo na maging mga pambihirang taong may talento; ito ay upang tulungan kayong malaman ang kabuluhan ng buhay ng tao, malaman ang hantungan ng mga tao, at makilala ang Diyos at ang Kanyang kabuuan. Dapat mong malaman na isa kang nilikha na nasa mga kamay ng Lumikha. Ang dapat mong maunawaan, ang dapat mong gawin, at kung paano ka dapat sumunod sa Diyos—hindi ba’t ang mga ito ang mga katotohanang kailangan mong maunawaan? Hindi ba’t ang mga ito ang mga pangitaing dapat mong makita?
Kapag nagkaroon na ng mga pangitain ang mga tao, may pundasyon na sila. Kapag nagsasagawa ka batay sa pundasyong ito, mas magiging madaling makapasok. Dahil dito, hindi ka magkakaroon ng mga alinlangan sa sandaling magkaroon ka ng pundasyon sa pagpasok, at magiging napakadali para sa iyo ang pumasok. Ang pagkaunawa sa mga pangitain at pagkaalam sa gawain ng Diyos ay napakahalaga; kailangan ninyong masangkapan nito. Kung hindi ka nasasangkapan ng aspektong ito ng katotohanan at kaya mo lang talakayin ang tungkol sa mga daan ng pagsasagawa, magiging lubhang malaki ang pagkukulang mo. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi nagbibigay-pansin sa aspektong ito, at kapag pinakikinggan ninyo ang aspektong ito ng katotohanan, tila mga salita at doktrina lang ang pinakikinggan ninyo. Isang araw, ikaw ay madidisbentaha. May mga salita ngayon na hindi mo lubos na nauunawaan o ni hindi mo matanggap; sa gayong mga kaso, dapat kang matiyagang maghanap, at darating ang araw kung kailan iyong mauunawaan. Unti-unti mong sangkapan ang iyong sarili ng parami nang paraming pangitain. Kahit kaunting espirituwal na doktrina lang ang nauunawaan mo, mas mabuti pa rin iyon kaysa sa hindi pagbibigay-pansin sa mga pangitain, at mas mabuti pa rin iyon kaysa sa walang kahit anong nauunawaan. Lahat ng ito ay makatutulong sa iyong pagpasok, at aalisin ang iyong mga pag-aalinlangan. Mas mabuti iyon kaysa sa mapuno ka ng mga kuru-kuro. Mas mapapabuti ka kung ang mga pangitaing ito ang iyong pundasyon. Hindi ka magkakaroon ng anumang pag-aalinlangan, at magagawa mong pumasok nang matapang at malakas ang loob. Bakit ka mag-aabalang palaging sumunod sa Diyos sa gayong lito at nag-aalinlangang paraan? Hindi ba’t pareho lang iyon sa pagbubulag-bulagan? Anong sarap maglakad papasok sa kaharian nang may kumpiyansa at lakas ng loob! Bakit kailangang mapuno ng pag-aalinlangan? Hindi ba’t pinagdurusa mo lang nang labis ang sarili mo? Kapag nagkamit ka na ng pagkaunawa sa gawain ni Jehova, sa gawain ni Jesus, at sa yugtong ito ng gawain, magkakaroon ka ng pundasyon. Sa ngayon, maaaring akala mo ay napakasimple ng mga bagay. May ilang taong nagsasabi, “Kapag dumating ang panahon na sinimulan na ng Banal na Espiritu ang dakilang gawain, makakapagsalita ako tungkol sa lahat ng bagay na ito. Ang katotohanang hindi ako tunay na nakauunawa sa ngayon ay dahil hindi pa ako gaanong binigyang-liwanag ng Banal na Espiritu.” Hindi iyon ganoon kadali. Hindi ibig sabihin na kung handa kang tanggapin ang katotohanan[a] ngayon, ay magagamit mo iyon nang mahusay pagdating ng panahon. Hindi tiyak na ganoon nga! Naniniwala kang sapat ka nang nasasangkapan ngayon, at hindi magiging problema sa iyo ang tumugon sa mga relihiyosong taong iyon at sa pinakadakilang mga teorista, at mapabubulaanan pa nga sila. Makakaya mo ba talagang gawin iyon? Anong pagkaunawa ang maipapahayag mo, kung ang mababaw na karanasang iyan lang ang mayroon ka? Ang pagiging nasasangkapan ng katotohanan, pakikipaglaban sa laban ng katotohanan, at pagpapatotoo sa pangalan ng Diyos ay hindi ang iniisip mo—na hangga’t gumagawa ang Diyos, ang lahat ay maisasakatuparan. Sa panahong iyon, maaari kang magapi ng isang tanong, at pagkatapos ay hindi makapagsalita. Ang susi ay kung ikaw ay mayroon o walang malinaw na pagkaunawa sa yugtong ito ng gawain, at kung gaano karami ang alam mo talaga tungkol dito. Kung hindi mo mapagtatagumpayan ang mga mapanlabang puwersa o matatalo ang mga puwersa ng relihiyon, hindi ka ba mawawalan ng silbi? Naranasan mo na ang gawain sa kasalukuyan, nakita iyon ng sarili mong mga mata, at narinig iyon ng sarili mong mga tainga, ngunit, kung sa huli, hindi ka makapagpatotoo, mangangahas ka pa rin bang patuloy na mabuhay? Kanino ka magiging karapat-dapat na humarap? Huwag mo na ngayong isipin na magiging ganoon iyon kasimple. Ang gawain sa hinaharap ay hindi magiging kasingsimple ng inaakala mo; hindi ganoon kadali ang pakikipaglaban sa digmaan ng katotohanan; hindi ganoon kasimple. Ngayon kailangan mong masangkapan; kung hindi ka nasasangkapan ng katotohanan, kapag dumating ang panahon na hindi gumawa ang Banal na Espiritu sa sobrenatural na paraan, ikaw ay malilito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangan Ninyong Maunawaan ang Gawain—Huwag Kayong Sumunod Nang May Pagkalito!
Mga Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang katotohanan.”