Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan I

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 300

Sa loob ng ilang libong taon ng katiwalian, ang mga tao ay pawang naging manhid at mapurol ang isip; silang lahat ay naging masasamang demonyo na sumasalungat sa Diyos, hanggang sa punto na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay naisulat sa mga talaan ng kasaysayan, at na maging ang mga tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong salaysay ng kanilang mapaghimagsik na pag-uugali—sapagkat sila ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas, at iniligaw ni Satanas kung kaya’t hindi na nila alam kung saan babaling. Kahit ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng mga tao ang Diyos. Kapag nakikita nila ang Diyos, ipinagkakanulo nila Siya, at kapag hindi nila nakikita ang Diyos, ipinagkakanulo rin nila Siya. Mayroon pa ngang mga taong, matapos masaksihan ang mga sumpa ng Diyos at ang Kanyang poot, nagkakanulo pa rin sa Kanya. Kaya sinasabi Ko na ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong silbi, at na ang konsensiya ng tao ay nawalan na rin ng orihinal nitong silbi. Sa Aking mga mata, ang mga tao ay pawang mga hayop na nakadamit-tao at makamandag na mga ahas. Gaano man kakaawa-awa nila subukang magpakita sa harap ng Aking mga mata, hindi Ako kailanman magiging mahabagin sa kanila, sapagkat wala silang anumang pagkaarok sa pagkakaiba ng itim at puti, at walang sinuman sa kanila ang nakauunawa sa pagkakaiba ng katotohanan at ng hindi katotohanan. Ang kanilang katwiran ay napakamanhid, ngunit nagnanais pa rin silang magtamo ng mga pagpapala; ang kanilang pagkatao ay napakahamak, ngunit nagnanais pa rin silang mamuno bilang mga hari at humawak ng kapangyarihan. Sino ang maaari nilang pagharian, nang may gayong katwiran? Paano sila makakaupo sa mga trono nang may gayong pagkatao? Ang mga tao ay tunay na walang kahihiyan! Sila ay mga walang-kwenta na labis ang pagtingin sa sarili! Iminumungkahi Ko na kayong nagnanais na magtamo ng mga pagpapala ay humanap muna ng salamin at tingnan ninyo ang sarili ninyong pangit na repleksiyon. Mayroon ka ba ng kinakailangan para maging isang hari? Mayroon ka ba ng mga katangian ng mukha ng isang makatatanggap ng mga pagpapala? Walang kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo naisagawa ang anumang katotohanan, ngunit nagnanais ka pa rin ng isang napakagandang bukas. Isa itong ganap na kahibangan! Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghihimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang nagkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang nagkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong wala ni isang taong nagkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Marinig man nila ang katotohanan, walang pagnanais ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, at wala silang hilig na maghanap kahit na nakikita nilang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng anumang puwang sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 301

Ang pinag-ugatan ng mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa tao ay ang panlilihis, pagtitiwali, at panlalason ni Satanas. Ang tao ay iginapos at kinontrol ni Satanas, at ang kanyang pag-iisip, moralidad, kabatiran, at katwiran ay pawang labis na pininsala ni Satanas. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi matanggap ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pundamental na bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, para magkaroon ng mga pagbabago sa disposisyon ng tao, ang unang dapat gawin ay baguhin ang kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan sa usapin ng kanyang pag-iisip, kabatiran, at katwiran. Mas lalong ignorante sa kung ano ang Diyos o sa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos ang mga isinilang sa pinakamalubhang natiwali sa lahat ng lupain. Mas tiwali ang mga tao, mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa pag-iral ng Diyos, at mas mahina ang kanilang katwiran at kabatiran. Ang ugat na dahilan ng pagsalungat at pagiging mapaghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao, siya ay tiwali sa moral, bulok ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, dating nagpapasakop sa Diyos ang tao at nagpapasakop sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay dating may maayos na katwiran at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, ang dating katwiran, konsensiya, at pagkatao ng tao ay pawang naging manhid at sinira ni Satanas. Sa gayon, nawala sa kanya ang pagpapasakop at pag-ibig sa Diyos. Naging abnormal ang katwiran ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at lalong nadaragdagan at lumulubha ang kanyang pagiging mapaghimagsik laban sa Diyos. Ngunit hindi pa rin ito batid ni nauunawaan ng tao, at walang tigil lang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ang mga pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang mga pagpapahayag ng kanyang katwiran, kabatiran, at konsensiya. Dahil wala sa ayos ang kanyang katwiran at kabatiran, at sukdulan nang naging manhid ang kanyang konsensiya, mapaghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon. Kung hindi mababago ang katwiran at kabatiran ng tao, imposible ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, gayundin ang umayon sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi maayos ang katwiran ng tao, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya angkop na gamitin ng Diyos. Tumutukoy ang “normal na katwiran” sa pagpapasakop at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging ganap tungo sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Tumutukoy ito sa pagiging buong puso at isip tungo sa Diyos, at hindi sadyang paglaban sa Diyos. Hindi katulad nito ang pagkakaroon ng abnormal na katwiran. Pagkatapos magawang tiwali ni Satanas ang tao, nagkaroon na ang tao ng mga kuru-kuro ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan sa Diyos o paghahangad sa Kanya, at lalo na ang pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Sadyang sinasalungat at hinuhusgahan ng tao ang Diyos, at, bukod pa riyan, binabato Siya ng mga pang-iinsulto ng tao sa Kanyang likuran. Hinuhusgahan ng tao ang Diyos nang patalikod, lubos na alam na Siya ang Diyos; ganap na walang intensiyon ang tao na magpasakop sa Diyos, pero palagi lang may mga hinihingi at pakiusap sa Kanya. Ang gayong mga tao—mga taong may abnormal na katwiran—ay walang kakayahang makilala ang sarili nilang pag-uugaling kasuklam-suklam o pagsisihan ang kanilang mga kilos ng paghihimagsik. Kung may kakayahan ang mga taong makilala ang mga sarili nila, bahagya na nilang nabawi ang kanilang katwiran; kapag ang mga tao ay mas mapaghimagsik laban sa Diyos pero hindi kilala ang sarili nila, mas wala sa ayos ang kanilang katwiran.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 302

Walang ibang ugat ang pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao kundi ang manhid niyang konsensiya, ang mapaminsala niyang kalikasan, at ang katwiran niyang wala sa ayos; kung muling makababalik sa normal ang konsensiya at katwiran ng tao, magiging angkop siyang magamit sa harap ng Diyos. Dahil lamang sa ang konsensiya ng tao ay manhid na noon pa man, at dahil ang katwiran ng tao ay hindi kailanman naging maayos at patuloy na mas nagiging manhid, kaya ang mga kilos ng paghihimagsik ng tao laban sa Diyos ay dumarami, kaya ipinako pa nga niya si Jesus sa krus at pinagsasarhan niya ng pinto ang nagkatawang-taong laman ng Diyos sa mga huling araw, at kinokondena ang katawang-tao ng Diyos, at mababa ang tingin sa katawang-tao ng Diyos. Kung mayroon kahit kaunting pagkatao ang tao, hindi siya magiging walang-awa sa kanyang pagtrato sa nagkatawang-taong laman ng Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting katwiran, hindi siya magiging masyadong malupit sa kanyang pagtrato sa nagkatawang-taong laman ng Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting konsensiya, hindi siya “magpapasalamat” sa nagkatawang-taong Diyos sa ganitong paraan. Nabubuhay ang tao sa panahon na ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ngunit hindi siya nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng gayon kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinusumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, mukha siyang salungat dito at tutol dito. Anuman ang pagtrato ng tao sa pagdating ng Diyos, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain noon pa man nang hindi kailanman napapagod dito—kahit wala ni katiting na pagtanggap ang tao sa Kanya, at palaging humihiling sa Kanya. Naging sukdulang mapaminsala na ang disposisyon ng tao, naging lubos na manhid ang kanyang katwiran, at lubusang niyurakan na ng masamang nilalang ang kanyang konsensiya at matagal na itong tumigil na maging orihinal na konsensiya ng tao. Hindi lamang walang utang na loob ang tao sa nagkatawang-taong Diyos para sa pagkakaloob Niya ng kayraming buhay at biyaya sa sangkatauhan, bagkus ay may pagkasuklam pa nga siya sa Diyos dahil sa katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos sa kanya; dahil hindi interesado ang tao sa katotohanan, may pagkasuklam siya sa Diyos. Bukod sa hindi magawa ng taong ialay ang kanyang buhay para sa nagkatawang-taong Diyos, sinusubukan din niyang makakuha ng mga pabor mula sa Diyos, at gumigiit ng kabayaran na dose-dosenang beses na mas malaki kaysa sa naibigay na ng tao sa Diyos. Ganito ang konsensiya at katwiran ng tao, pero iniisip pa rin niya na hindi ito malaking usapin, naniniwala pa rin siya na napakarami na niyang iginugol para sa Diyos, at na masyadong kakaunti ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. May mga tao na, matapos magbigay sa Akin ng isang mangkok ng tubig, inilalahad ang kanilang mga kamay at humihiling na bayaran Ko sila para sa dalawang mangkok ng gatas, o, matapos makapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi, gumigiit na magbayad Ako ng renta na ilang ulit ang laki. Sa gayong pagkatao at sa gayong konsensiya, paano ninyo nagagawa pa ring naising magkamit ng buhay? Anong kasuklam-suklam na mga buhong kayo! Ang ganitong uri ng pagkatao sa tao at ganitong uri ng konsensiya sa tao ang dahilan kung bakit nagpapagala-gala sa buong lupain ang nagkatawang-taong Diyos, na walang mahanap na lugar para masilungan. Kahit isantabi ang katunayan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay gumawa na ng napakaraming gawain, kahit na wala Siyang gawing gawain kahit kaunti, ang mga tunay na nagtataglay ng konsensiya at pagkatao ay dapat sumamba at buong pusong maglingkod sa Kanya. Ito ang dapat gawin ng mga may maayos na katwiran, at ito ang tungkulin ng tao. Naghahayag pa ang karamihan ng mga tao ng mga kondisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o tao, at binabanggit lamang nila ang sarili nilang mga kondisyon, at hinahangad lamang na mabigyang kasiyahan ang sarili nilang mga pagnanais. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, naniningil kayo ng bayad para sa serbisyo, kapag nagpaparoo’t parito kayo para sa Akin, naniningil kayo ng bayad para sa pagpaparoo’t parito, kapag nagtatrabaho kayo para sa Akin, naniningil kayo ng sahod, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit, naniningil kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo sa iglesia, naniningil kayo para sa gastusin ng inyong kalusugan, kapag nagsasalita kayo, naniningil kayo ng bayad para sa pagsasalita, kapag namimigay kayo ng mga libro, naniningil kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo, naniningil kayo ng bayad para sa pagsusulat. Iyong pinungusan Ko na ay naniningil pa nga ng kabayaran mula sa Akin, samantalang ang mga napauwi na ay naniningil ng bayad-pinsala para sa pagkasira ng kanilang pangalan; iyong hindi pa kasal ay naniningil ng dote, o ng kabayaran para sa nawala nilang kabataan; iyong kumakatay ng manok ay naniningil ng bayad para sa pagkatay, iyong nagpiprito ng pagkain ay naniningil ng bayad para sa pagpiprito, at iyong nagluluto ng sopas ay naniningil rin ng bayad para rito…. Ito ang inyong matayog at marangal na pagkatao, at ito ang mga pagkilos na idinidikta ng inyong magiliw na konsensiya. Nasaan ang inyong katwiran? Nasaan ang inyong pagkatao? Hayaang sabihin Ko sa inyo! Kung magpatuloy kayong gaya nito, titigil Ako sa paggawa sa piling ninyo. Hindi Ako gagawa sa piling ng kawan ng mga hayop na nakadamit-pantao, hindi Ako magpapakasakit sa ganitong paraan para sa gayong pangkat ng mga tao na ang magagandang mukha ay nagtatago ng mababangis na puso, hindi Ako magtitiis para sa gayong kawan ng mga hayop na wala ni katiting na posibilidad ng kaligtasan. Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na mamamatay kayo, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na itatakwil kayo ng liwanag. Hayaang sabihin Ko sa inyo! Hindi Ako kailanman magiging mabait sa isang pangkat na katulad ninyo, isang pangkat na mas mababa pa sa mga hayop! May mga hangganan ang Aking mga salita at pagkilos, at sa ganyan ninyong pagkatao at konsensiya, hindi na Ako gagawa pa, sapagkat sobrang wala kayong konsensiya, nagdulot na kayo ng matinding sakit sa Akin, at lubos Akong naririmarim sa inyong kasuklam-suklam na pag-uugali. Hindi kailanman magkakaroon ng oportunidad sa kaligtasan ang gayong mga taong walang pagkatao at konsensiya; hindi Ko kailanman ililigtas ang gayong walang puso at walang utang na loob na mga tao. Pagdating ng araw Ko, walang hanggan Akong magpapaulan ng Aking nakalalapnos na mga apoy sa mga anak ng pagrerebelde na minsang pumukaw sa matindi Kong poot, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsang bumato ng pang-iinsulto sa Akin at tinalikdan Ako, susunugin Kong magpakailanman sa mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagrerebelde na minsang kumain at namuhay kasama Ko ngunit hindi naniwala sa Akin, na nang-insulto at nagkanulo sa Akin. Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat ng pumukaw ng Aking galit, ibubuhos Ko ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na iyon na minsang nagnais na tumayo sa Aking tabi bilang mga kapantay Ko subalit hindi kailanman sumamba o nagpasakop sa Akin; ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay lalapat sa mga hayop na minsang nagtamasa ng Aking kalinga at minsang nasiyahan sa mga hiwagang Aking sinabi, at minsang nagtangkang kumuha ng mga kasiyahang materyal mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang nagtatangkang kunin ang Aking katayuan; wala Akong palalampasin sa mga nagtatangka na mang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, nananatili kayong ligtas at maayos at patuloy na nagmamalabis sa mga kahilingang inilalatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng poot, hindi na kayo hihiling pa sa Akin; sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang sa gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa, at hindi na kayo muling makababangon! Sa malao’t madali, “babayaran” Ko kayo sa pagkakautang na ito—at umaasa Akong matiyaga kayong naghihintay sa pagdating ng araw na ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 303

Nabibigo ang taong makamit ang Diyos hindi dahil ang Diyos ay may mga damdamin ng laman, o dahil ayaw ng Diyos na makamit Siya ng tao, kundi dahil ayaw makamit ng tao ang Diyos, at dahil ang tao ay walang puso na naghahanap sa Diyos nang may pagkaapurahan. Paanong isusumpa ng Diyos ang isa sa mga tunay na naghahanap sa Diyos? Paanong isusumpa ng Diyos ang isang taong may matinong katwiran at sensitibong konsensiya? Paanong lalamunin ng mga apoy ng poot ng Diyos ang isang tunay na sumasamba at naglilingkod sa Diyos? Paanong palalayasin sa sambahayan ng Diyos ang isang taong handang magpasakop sa Diyos? Paanong mabubuhay sa kaparusahan ng Diyos ang isang taong nakadarama na hindi niya kailanman magagawang mahalin nang sapat ang Diyos? Paanong walang matitirang kahit ano sa isang taong handang talikdan ang lahat para sa Diyos? Ayaw ng taong hangarin ang Diyos, ayaw gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw maglaan ng habambuhay na pagsisikap para sa Diyos; sa halip, sinasabi niyang sumobra na ang Diyos, na napakaraming tungkol sa Diyos ang salungat sa mga kuru-kuro ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, hindi pa rin ninyo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos kahit na ibigay ninyo ang lahat ng pagsisikap ninyo, bukod pa sa katunayan na hindi ninyo hinahanap ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang mga depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang pagkatao ang mas mababa pa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang bansag sa inyo ng iba upang “parangalan” kayo? Tinatawag kayo ng mga tunay na umiibig sa Diyos na ama ng lobo, ina ng lobo, anak ng lobo, at apo ng lobo; kayo ang mga inapo ng lobo, ang mga tao ng lobo, at dapat ninyong malaman ang sarili ninyong pagkakakilanlan at huwag itong kalimutan kailanman. Huwag ninyong isiping kayo ay kung sinong nakahihigit na tao: Kayo ang pinakamalupit na pangkat ng mga hindi-tao sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Alam ba ninyo kung gaano kalaking panganib ang sinuong Ko na sa paggawa sa gitna ninyo? Kung hindi muling makababalik sa normal ang inyong katwiran, at hindi magawang gumana nang normal ang inyong konsensiya, hindi kayo kailanman makakalaya sa bansag na “lobo,” hindi ninyo kailanman matatakasan ang araw ng sumpa at hindi kailanman matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Isinilang kayong mas mababa, isang bagay na walang anumang halaga. Kayo ay likas na pangkat ng gutom na mga lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa inyo alang-alang sa personal na pakinabang, kundi dahil sa pangangailangan ng gawain. Kung magpapatuloy kayo sa pagiging mapaghimagsik sa ganitong paraan, ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na kailanman gagawang muli sa inyo; sa kabaligtaran, ililipat Ko ang Aking gawain sa isang grupo na gusto Ko, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagkat ayaw Kong makita ang mga kaaway Ko. Kaya kung gayon, nais ba ninyong maging kaayon Ko, o maging kaaway Ko?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 304

Inaasam ng lahat ng tao na makita ang totoong mukha ni Jesus, at hangad ng lahat na makapiling Siya. Palagay Ko ay hindi sasabihin ng sinumang kapatid na ayaw nilang makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo makita si Jesus—bago ninyo makita ang Diyos na nagkatawang-tao—pumapasok sa inyong isipan ang lahat ng uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Ngunit kapag nakita ninyo Siya talaga, mabilis na magbabago ang inyong mga ideya. Bakit ganito? Nais ba ninyong malaman? Hindi maaaring kaligtaan ang pag-iisip ng tao, na siya namang totoo—ngunit higit pa riyan, ang diwa ni Cristo ay hindi maaaring baguhin ng tao. Iniisip ninyo na si Cristo ay isang imortal o isang pantas, ngunit hindi Siya itinuturing ninuman na isang normal na taong may taglay na diwang pagka-Diyos. Sa gayon, marami sa mga nananabik araw at gabi na makita ang Diyos ay talagang mga kaaway ng Diyos, at hindi Niya kaayon. Hindi ba isang pagkakamali ito sa panig ng tao? Kahit ngayon ay iniisip pa rin ninyo na ang inyong pananalig at katapatan ay sapat na upang maging karapat-dapat kayong mamasdan ang mukha ni Cristo, ngunit hinihikayat Ko kayo na sangkapan ang inyong sarili ng mas maraming bagay na praktikal! Sapagkat noong araw, ngayon, at sa hinaharap, marami sa mga nakakaugnay ni Cristo ay nabigo o mabibigo; lahat sila ay gumaganap sa papel ng mga Pariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito ay dahil mismo sa ang bawat isa sa inyo ay mayroon sa mga kuru-kuro ninyo na isang diyos na matayog at nararapat hangaan. Ngunit ang totoo ay hindi naaayon sa nais ng tao. Hindi lamang sa hindi matayog si Cristo, kundi talagang maliit Siya; hindi lamang Siya isang tao, kundi isa Siyang ordinaryong tao; hindi lamang Siya hindi maaaring umakyat sa langit, kundi ni hindi Siya makagala nang malaya sa lupa. At dahil dito, itinuturing Siya ng mga tao na tulad sa isang ordinaryong tao; kaswal ang pakikitungo nila sa Kanya kapag Siya ay kapiling nila, at kinakausap nila Siya nang walang ingat, samantalang naghihintay pa rin sa pagdating ng “totoong Cristo.” Itinuturing ninyo na ang Cristong dumating na ay isang ordinaryong tao, at ang Kanyang mga salita ay mga salita ng isang ordinaryong tao. Dahil dito, wala kayong natatanggap na anuman mula kay Cristo, at sa halip ay ganap na nalantad sa liwanag ang inyong sariling kapangitan.

Bago nakaugnayan si Cristo, maaaring naniniwala ka na ang iyong disposisyon ay lubos nang nabago, na isa kang tapat na tagasunod ni Cristo, at na wala nang ibang mas karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala ni Cristo kaysa sa iyo, dahil maraming landas ka nang nalakbay, maraming gawain ka nang nagawa, at naghatid ka na ng maraming bunga, at kaya, iniisip mo na sa huli ay siguradong magiging isa ka sa mga tatanggap ng korona. Subalit alam mo ba ang sumusunod na katunayan, na ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang paghihimagsik at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at na sa sandaling ito, ang kanyang paghihimagsik at paglaban ay nalalantad nang mas lubos at ganap kaysa sa anumang ibang pagkakataon? Ito ay dahil si Cristo ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang paghihimagsik ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa napakalinaw na detalye. Kaya sinasabi Ko na nahukay ng pagparito ni Cristo ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at naging kapansin-pansin ang kalikasan ng sangkatauhan. Ito ay tinatawag na “pag-akit sa tigre na bumaba ng bundok” at “pag-akit sa lobo na lumabas ng yungib nito.” Nangangahas ka bang sabihin na tapat ka sa Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na nagpapakita ka ng lubos na pagpapasakop sa Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na hindi ka mapaghimagsik? Sasabihin ng ilan, “Sa tuwing namamatnugot ang Diyos ng isang kapaligiran para sa akin, hindi ako kailanman nagrereklamo at palagi akong nagpapasakop, at bukod pa rito ay wala akong mga kuru-kuro tungkol sa Diyos.” Sasabihin ng ilan, “Anuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos ay kinokompleto ko sa abot ng aking makakaya at hindi ako kailanman nagpapabaya.” Kung gayon, ito ang tanong Ko sa inyo: Makakaayon ba kayo kay Cristo kapag namumuhay kayong kasama Niya? At gaano katagal kayong magiging kaayon Niya? Isang araw? Dalawang araw? Isang oras? Dalawang oras? Maaaring kapuri-puri nga ang inyong pananalig, ngunit hindi kayo gaanong matatag. Kapag talagang namumuhay ka na kasama ni Cristo, ang iyong pagmamagaling at labis na pagpapahalaga sa sarili ay mabubunyag sa pamamagitan ng iyong mga salita at kilos, nang paunti-unti, at gayundin ang iyong mga maluhong pagnanasa, iyong masuwaying isipan at kawalan ng kasiyahan ay likas ding mabubunyag. Sa huli, ang iyong kayabangan ay lalo pang titindi, hanggang sa labis mong kakalabanin si Cristo na tulad ng paglaban ng tubig sa apoy, at sa gayon ay ganap na malalantad ang iyong kalikasan. Sa pagkakataong iyon, ang iyong mga kuru-kuro ay hindi na mapagtatakpan, ang iyong mga reklamo ay likas ding lalabas, at ang iyong kasuklam-suklam na pagkatao ay ganap na malalantad. Magkagayunman, patuloy ka pa ring tumatangging aminin ang sarili mong paghihimagsik, sa halip ay naniniwala ka na ang isang Cristong tulad nito ay hindi madaling tanggapin ng tao, na napakahigpit Niya sa tao, at na lubos kang magpapasakop kung Siya ay mas mainam na Cristo. Naniniwala kayo na may katwiran ang inyong paghihimagsik, na naghihimagsik lamang kayo laban sa Kanya kapag sobra-sobra na ang pamimilit Niya sa inyo. Ni minsan ay hindi ninyo naisip na hindi ninyo itinuturing na Diyos si Cristo, at wala kayong hangaring magpasakop sa Kanya. Sa halip, ipinagpipilitan mong kumilos si Cristo alinsunod sa sarili mong mga inaasam, at sa sandaling gumawa Siya ng isang bagay na laban sa sarili mong iniisip, naniniwala ka na hindi Siya Diyos kundi isang tao. Hindi ba marami sa inyo ang nakipagtunggali sa Kanya sa ganitong paraan? Sino ba ito, kung tutuusin, na pinaniniwalaan ninyo? At sa anong paraan kayo naghahangad?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon kay Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 305

Lagi ninyong inaasam na makita si Cristo, ngunit hinihimok Ko kayo na huwag kayong maging masyadong mataas ang tingin sa sarili; maaaring makita ng sinuman si Cristo, ngunit sinasabi Ko na walang sinuman ang karapat-dapat na makita si Cristo. Dahil ang kalikasan ng tao ay punong-puno ng kasamaan, kayabangan, at paghihimagsik, sa sandaling makita mo si Cristo, wawasakin ka ng iyong kalikasan at kokondenahin hanggang kamatayan. Ang iyong pakikisama sa isang kapatid na lalaki (o babae) ay maaaring walang gaanong maipakita tungkol sa iyo, ngunit hindi gayon kasimple kapag nakikipag-ugnayan ka kay Cristo. Anumang oras, maaaring mag-ugat ang iyong mga kuru-kuro, magsimulang umusbong ang iyong kayabangan, at magbunga ng mga igos ang iyong paghihimagsik. Paano ka magiging marapat na makisama kay Cristo kung ganoon ang pagkatao mo? Talaga bang nagagawa mo Siyang tratuhin bilang Diyos sa bawat sandali ng bawat araw? Talaga bang mayroon ka ng realidad ng pagpapasakop sa Diyos? Sinasamba ninyong lahat ang matayog na diyos sa kaibuturan ng inyong puso bilang si Jehova samantalang itinuturing ninyong tao ang Cristong nakikita. Sukdulang mahina ang inyong katwiran at napakababa ng inyong pagkatao! Hindi ninyo kayang ituring palagi si Cristo bilang Diyos; paminsan-minsan lamang kayo nangungunyapit sa Kanya, kapag maganda ang loob ninyo, at sumasamba sa Kanya bilang Diyos. Ito ang dahilan kaya Ko sinasabi na hindi kayo mga mananampalataya ng Diyos, kundi isang barkadahan ng magkakasabwat na sumasalungat kay Cristo. Kahit ang mga taong nagpapakita ng kabaitan sa iba ay sinusuklian, subalit si Cristo, na nakagawa ng gayong gawain sa inyo, ay hindi natanggap ang pagmamahal ng tao ni ang kanyang kabayaran at pagpapasakop. Hindi ba ito nakakadurog ng puso?

Maaaring sa lahat ng taon ng pananalig mo sa Diyos, hindi ka pa nakasumpa ng sinuman o nakagawa ng masama kailanman, subalit sa pakikisama mo kay Cristo, hindi mo kayang magsabi ng totoo, kumilos nang matapat, o magpasakop sa salita ni Cristo; kung gayon, sinasabi Ko na ikaw ang pinakalihim na mapanira at mapaminsalang tao sa mundo. Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang maging kaayon ni Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang may pagkakasundo, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa ring tao, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang. Huwag mong isiping kaayon ka ni Cristo dahil lamang sa kasundo mo ang iba o gumagawa ka ng ilang mabuting bagay. Akala mo ba makukuha mo nang may pandaraya ang mga pagpapala ng Langit dahil sa iyong mapagkawanggawang hangarin? Akala mo ba ang paggawa ng ilang mabuting bagay ay kapalit ng iyong pagpapasakop? Walang isa man sa inyo ang nagagawang tumanggap ng pagpupungos, nahihirapan kayong lahat na tanggapin ang normal na pagkatao ni Cristo, at higit pa rito, patuloy ninyong ibinabandera ang inyong pagpapasakop sa Diyos. Ang pananalig na tulad ng sa inyo ay magdudulot ng isang angkop na ganti. Tigilan ninyo ang pagpapasasa sa mga ilusyon na pawang imahinasyon lamang at pag-asam na makita si Cristo, sapagkat napakaliit ng inyong tayog, kaya nga ni hindi kayo karapat-dapat na makita Siya. Kapag ganap mo nang naiwaksi ang iyong paghihimagsik, at kaya mo nang makisalamuha nang may pagkakasundo kay Cristo, sa sandaling iyon ay natural na magpapakita ang Diyos sa iyo. Kung magpapakita ka sa Diyos nang hindi pa sumasailalim sa pagpupungos o paghatol, siguradong magiging kalaban ka ng Diyos at siguradong magiging pakay ka ng pagwasak. Ang kalikasan ng tao ay likas na mapanlaban sa Diyos, sapagkat lahat ng tao ay sumailalim na sa pinakamatinding pagtitiwali ni Satanas. Kung susubukan ng tao na makisalamuha sa Diyos sa gitna ng sarili niyang katiwalian, tiyak na walang buti itong maibubunga; ang kanyang mga kilos at salita ay siguradong ibubunyag ang kanyang katiwalian sa bawat pagkakataon, at sa pakikisama sa Diyos ang kanyang paghihimagsik ay mabubunyag sa bawat pagkakataon. Hindi namamalayan, nangyayaring ang tao ay kinakalaban si Cristo, nililinlang si Cristo, at tinatanggihan si Cristo; kapag nangyari ito, malalagay sa mas mapanganib na sitwasyon ang tao at, kung magpapatuloy ito, magiging pakay siya ng kaparusahan.

Maaaring naniniwala ang ilan na, kung masyadong mapanganib ang makisama sa Diyos, mas mabuti pa sigurong manatiling malayo sa Diyos. Ano ang posibleng mapala ng mga taong kagaya nito? Maaari ba silang maging tapat sa Diyos? Panigurado, napakahirap makisama sa Diyos—ngunit iyan ay dahil tiwali ang tao, hindi dahil hindi nagagawang makisama ng Diyos sa kanya. Ang pinakamabuti ay maglaan kayo ng ilang pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa inyong sarili. Bakit hindi kayo pinahahalagahan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam para sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang pagkamuhi? Kapag nagpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili; kapag nag-aambag kayo ng maliit, gumigiit kayo ng gantimpala; minamaliit ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagpapasakop, at hinahamak ninyo ang Diyos kapag may naisasakatuparan kayong maliit na gampanin. Sa pagpapatuloy sa Diyos, humihingi kayo ng pera, mga materyal na bagay, at mga papuri. Masakit sa puso ninyo ang magbigay ng dalawang barya; kapag nagbigay kayo ng sampu, humihingi kayo ng mga pagpapala at na mamukod-tangi kayo sa iba. Ang uri ng pagkataong mayroon kayo ay talagang nakakasuklam na sabihin o pakinggan. Mayroon bang anumang kapuri-puri sa inyong mga salita at kilos? Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga namumuno at yaong mga sumusunod; yaong mga nagpapatuloy sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nagbibigay ng mga handog at yaong mga hindi; iyong mga nangangaral ng daan at yaong mga tumatanggap sa daan, at iba pa: lahat ng taong iyon ay pinupuri ang kanilang sarili. Hindi ba ito nakakatawa sa inyo? Lubos na nababatid na nananampalataya kayo sa Diyos, magkagayunman ay hindi kayo magiging kaayon ng Diyos. Lubos na nababatid na wala kayong merito, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na ang inyong katwiran ay umabot na sa puntong wala na ito sa kontrol? Sa ganitong katwiran, paanong angkop kayo na makiugnayan sa Diyos? Hindi ba kayo nag-aalala para sa inyong sarili sa oras na ito? Lumala na ang inyong disposisyon hanggang sa hindi na ninyo makayang maging kaayon ng Diyos. Dahil dito, hindi ba nakakatawa ang inyong pananalig? Hindi ba kahibangan ang inyong pananalig? Paano mo haharapin ang iyong kinabukasan? Paano mo pipiliin ang landas na tinatahak mo?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon kay Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 306

Nakapagpahayag na Ako ng napakaraming salita, at naipahayag Ko na rin ang mga layunin at disposisyon Ko, ngunit kahit ganoon, wala pa ring kakayahan ang mga tao na makilala Ako at manampalataya sa Akin. O, maaaring sabihin, wala pa ring kakayahan ang mga tao na magpasakop sa Akin. Yaong mga nabubuhay sa loob ng Bibliya, yaong mga nabubuhay sa saklaw ng kautusan, yaong mga nabubuhay sa krus, yaong mga nabubuhay sa loob ng mga regulasyon, yaong mga nabubuhay sa gitna ng gawaing ginagawa Ko ngayon—sino sa kanila ang kaayon Ko? Iniisip lamang ninyo na tumanggap ng mga partikular na pagpapala at mga gantimpala, ngunit hindi pa ninyo kailanman inisip kung paano talaga magiging kaayon Ko, o kung paano mapipigilan ang mga sarili ninyo na maging laban sa Akin. Sobra Akong dismayado sa inyo, dahil napakarami Ko nang naipagkaloob sa inyo, ngunit napakakaunti ng nakamit Ko mula sa inyo. Ang inyong panlilinlang, kayabangan, kasakiman, labis-labis na mga pagnanais, pagkakanulo, at pagsuway—alin sa mga ito ang makakatakas sa paningin Ko? Tinatrato ninyo Ako sa pabasta-bastang paraan, niloloko ninyo Ako, sinisira ninyo ang dangal Ko, binobola ninyo Ako, kinikikilan ninyo Ako at sapilitan ninyong kinukuha ang mga handog sa Akin—paano makaiiwas sa kaparusahan Ko ang gayong masasamang gawa? Ang lahat ng masamang gawang ito ay patunay na kaaway Ko kayo at patunay ng inyong pagiging di-kaayon Ko. Ang bawat isa sa inyo ay naniniwalang ang sarili ninyo ay sobrang kaayon Ko, ngunit kung ganoon nga, kanino mailalapat ang gayong hindi mapabubulaanang patunay? Naniniwala kayong nagtataglay kayo ng sukdulang kataimtiman at katapatan sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin, at naglaan na nang sobra para sa Akin. Iniisip ninyong higit sa sapat na ang nagawa ninyo para sa Akin. Ngunit sinuri na ba ninyo ito kailanman kumpara sa sarili ninyong mga kilos? Sinasabi Kong kayo ay napakamapagmataas, napakasakim, napakapabasta-basta; ang mga panlalansing sinusubukan ninyong gamitin upang lokohin Ako ay napakatuso, at napakarami ninyong kasuklam-suklam na intensiyon at kasuklam-suklam na pamamaraan. Sa kabaligtaran, masyadong katiting ang katapatan ninyo, masyadong kaunti ang inyong sinseridad, at lalong wala kayong konsensiya. Masyadong mapaminsala ang inyong puso, at wala kayong pinalalampas, kahit pa Ako. Pinagsasarhan ninyo Ako para sa kapakanan ng inyong mga anak, o ng inyong mister, o para mapangalagaan ninyo ang inyong sarili. Ang pinahahalagahan ninyo ay hindi Ako—kundi ang pamilya ninyo, ang mga anak ninyo, ang katayuan ninyo, ang kinabukasan ninyo, at ang sarili ninyong kasiyahan. Kailan ninyo Ako naisip habang nagsasalita o kumikilos kayo? Sa napakalalamig na araw, bumabaling ang isip ninyo sa inyong mga anak, sa inyong mister, sa inyong misis, o sa inyong mga magulang. Sa napakaiinit na araw, wala rin Akong lugar sa isip ninyo. Kapag ginagawa mo ang tungkulin mo, iniisip mo ang sarili mong kapakanan, ang sarili mong seguridad, ang mga kapamilya mo. Ano ba ang nagawa mo na kailanman para sa Akin? Kailan mo ba Ako naisip? Kailan mo ba nagawa ang anumang kinakailangan para sa kapakanan Ko at ng gawain Ko? Nasaan ang katibayan ng pagiging kaayon mo sa Akin? Nasaan ang realidad ng katapatan mo sa Akin? Nasaan ang realidad ng pagpapasakop mo sa Akin? Kailan hindi naging para sa pagkamit ng Aking mga pagpapala ang iyong mga intensiyon? Sinusubukan ninyong lahat na lokohin Ako. Lahat kayo ay nililinlang Ako. Pinaglalaruan ninyo ang katotohanan, itinatago ang pag-iral ng katotohanan, at ipinagkakanulo ang diwa ng katotohanan. Yamang sumasalungat kayo sa Akin sa ganitong paraan, ano ang naghihintay sa inyo sa hinaharap? Naghahangad lamang kayo na maging kaayon ng isang malabong diyos, at naghahangad lamang ng isang malabong pananampalataya, ngunit hindi kayo kaayon ni Cristo. Sa gayong masasamang gawa, hindi ba’t magdurusa kayo ng nararapat na retribusyon kasama ang masasamang tao? Sa oras na iyon, mapagtatanto ninyo na walang sinumang di-kaayon ni Cristo ang makatatakas sa araw ng galit, at matutuklasan ninyo kung anong uri ng retribusyon ang ibibigay sa yaong mga laban kay Cristo. Pagdating ng araw na iyon, ang mga pangarap ninyong mapagpala dahil sa pananampalataya ninyo sa Diyos at na makapasok sa langit ay mawawasak lahat. Gayunman, hindi magiging ganoon para sa yaong mga kaayon ni Cristo. Bagaman nawalan sila ng napakarami, bagama’t nagdusa sila ng maraming paghihirap, tatanggapin nila ang lahat ng pamanang ipinagkakaloob Ko sa sangkatauhan. Sa huli, maiintindihan ninyong Ako lamang ang matuwid na Diyos, at na Ako lamang ang may kakayahang dalhin ang sangkatauhan sa kanilang magandang hantungan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hanapin ang Daan ng Pagiging Kaayon kay Cristo

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 307

Malaki ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao at nagsalita na rin Siya tungkol sa kanilang pagpasok sa di-mabilang na paraan. Ngunit dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Iba-iba ang dahilan ng mahinang kakayahang ito, tulad ng katiwalian ng kaisipan at moralidad ng tao, at kawalan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakakapit sa puso ng tao; ubod ng sama at bulok na mga paraan ng pamumuhay na nagtanim ng maraming kasamaan sa pinakamalalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na pagkaarok ng kaalaman sa kultura, kung saan halos siyamnapu’t walong porsiyento ng mga tao ang kulang sa edukasyon tungkol sa kaalaman sa kultura at, higit pa rito, napakakaunti lamang ang nakatatanggap ng mas matataas na antas ng edukasyong pangkultura. Samakatwid, walang anumang ideya ang mga tao kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, at sa halip ay mayroon lamang silang isang malabo at hindi maliwanag na wangis ng diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin. Ang mga mapanirang impluwensiya at pyudal na pag-iisip na naitanim nang malalim sa puso ng tao sa pamamagitan ng libu-libong taon ng “pambansang diwa” ay ginapos at kinadena ang mga tao, iniwan silang wala ni gatuldok na kalayaan, walang ambisyon o pagtitiyaga, at walang pagnanais na umusad, sa halip ay pinananatili silang negatibo at paurong, nakabaon sa mentalidad ng isang alipin, at iba pa. Ang mga obhetibong salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga adhikain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila namumuhay ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, at hindi iniisip ng sinuman sa kanila na lagpasan ito, o iniisip na lumipat sa isang ideyal na mundo; sa halip, ginugugol nila ang mga araw nila nang may pagkaramdam ng pagkakontento sa kalagayan nila sa buhay: nanganganak at nagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nag-aasikaso ng mga trabaho, at nangangarap na magkaroon ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng mapagmahal na buhay may-asawa, ng mabubuting anak, ng kagalakan sa kanilang katandaan, at ng payapang pamumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libo-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng pinakamagandang buhay sa lahat ng buhay ng tao, nakatuon lamang sa pagpapatayan, pakikipagkarera para sa kasikatan at pakinabang, at pagpapakana laban sa isa’t isa sa madilim na mundong ito. Sino ang naghanap kailanman sa mga layunin ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng mga tao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo nang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Ano’t anuman, naniniwala Ako na magiging ayos lang naman sa mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong taon. Ang pagsasalita tungkol sa kasaysayan ay pagsasalita tungkol sa mga katunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na alam na alam na ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan? Pero naniniwala rin Ako na sa sandaling makita ng mga taong may katwiran ang mga salitang ito ay magigising at magsisikap sila para umunlad. Umaasa rin ang Diyos na ang mga tao ay makakapamuhay at makapagtatrabaho nang payapa at kontento. Gayumpaman, layunin ng Diyos na magawa ng mga tao na mahalin ang Diyos at na ang buong sangkatauhan ay makapasok sa kapahingahan. Bukod pa rito, dakilang pagnanais ng Diyos na mapuspos ng kaluwalhatian ng Diyos ang buong lupain. Nakakalungkot lamang na ang mga tao ay nananatiling walang kamalay-malay at di-napupukaw, labis na nagawang tiwali ni Satanas na ngayon ay wala na silang wangis ng mga tao. Kaya ang kaisipan, moralidad, at edukasyon ng tao ay bumubuo ng isang mahalagang kawing, kasama ng pagsasanay sa kaalaman sa kultura na bumubuo ng ikalawang kawing, para mas mahusay na maitaas ang kakayahan sa kultura ng mga tao at mabago ang kanilang pananaw ng pag-iisip.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (3)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 308

Sa mga karanasan ng mga tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: “Tinalikuran ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong kuwentahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami akong iginugol sa panahong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may isinukli bang anumang pangako ang Diyos para sa paggampan ko sa panahong ito? Natandaan ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging kinalabasan ko? Makakatanggap ba ako ng mga pagpapala? …” Sa puso, ang bawat tao ay madalas at patuloy na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula, nagtataglay ng mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip habang humihingi sila ng mga bagay mula sa Diyos. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sumusubok sa Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na “nakikipagtalo” para sa kanyang sariling kinalabasan sa Diyos, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, at tingnan kung ibibigay ba o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hintong humihingi ng mga bagay-bagay mula sa Diyos at pinipilit pa ang Diyos sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Diyos, at mayroon pang mga tao na, kapag may sumasapit na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, negatibo, at pabaya sa kanilang gawain, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula nang ang tao ay magsimulang manampalataya sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang panghihingi ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang pagpoprotekta, pangangalaga, at pagtutustos sa tao ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng Diyos. Ganito ang pangunahing pagkaarok sa tatlong salitang “pananampalataya sa Diyos” ng lahat ng taong nananampalataya sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng pananampalataya sa Diyos. Mula sa kalikasang diwa ng tao hanggang sa kanyang pansariling hangarin, wala sa mga ito ang may kinalaman sa takot sa Diyos. Hindi maaari na ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Ibig sabihin, hindi kailanman nilayon ng tao na matakot at sumamba sa Diyos sa kanyang pananampalataya sa Diyos, at hindi kailanman naunawaan na hinihingi ang gayong mga bagay sa pananampalataya sa Diyos. Batay sa kalagayang ito, ang diwa ng tao ay halatang-halata. Ano ang diwang ito? Ito ay na ang puso ng tao ay mapaminsala, lihim na mapanira, at mapanlinlang, walang pagmamahal sa pagiging patas at pagiging matuwid, at sa mga positibong bagay, at ito ay kamuhi-muhi at sakim. Ang puso ng tao ay masyado nang sarado sa Diyos; hindi niya ito ibinibigay sa Diyos kahit kaunti. Hindi kailanman nakita ng Diyos ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Gaano man kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano man karaming gawain ang Kanyang ginagawa, o gaano man karami ang ibinibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag at walang malasakit sa lahat ng ito. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na siya lang ang mamahala sa kanyang puso, gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay ayaw ng tao na tahakin ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, o magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 309

Hindi ba’t maraming tao ang lumalaban sa Diyos at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at magkakaibang gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, dahil ginagamit nila ang kaunting kaalaman at doktrina na taglay nila upang sukatin ang gawain ng Banal na Espiritu? Bagama’t ang mga taong ito ay nagkaroon lamang ng mabababaw na karanasan, ang kalikasan nila ay mapagmataas, matigas ang ulo at walang pagpipigil, hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, binabalewala ang disiplinang inilalapat ng Banal na Espiritu at, bukod pa rito, ginagamit ang kanilang hindi mahahalagang lumang doktrina upang "kumpirmahin" ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay mga mapagpanggap, at lubos na kumbinsido sa kanilang sariling kaalaman, naniniwalang malaya silang nakagagala sa buong mundo. Hindi ba’t ang gayong mga tao ay yaong mga itinataboy ng Banal na Espiritu, at yaong mga itinitiwalag ng bagong kapanahunan? Hindi ba’t yaong mga humaharap sa Diyos at hayagang lumalaban sa Kanya ay mga kasuklam-suklam na indibidwal na may mababaw at limitadong kaalaman na ipinagmamalaki ang kanilang sariling "katalinuhan"? Mayroon lamang silang napakakaunting kaalaman sa Bibliya, subalit nais nilang malayang makakilos sa lahat ng "mga sirkulong akademiko" ng mundo; mayroon lamang silang napakakaunting mababaw na doktrina upang ituro sa mga tao, subalit nais nilang baligtarin ang takbo ng gawain ng Banal na Espiritu at tinatangka nilang paikutin ito sa sarili nilang mga proseso ng pag-iisip. Sa kawalan nila ng malayong pagtingin sa hinaharap, nais nilang mamasdan ang karingalan ng 6,000 taon ng gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay walang anumang katwiran na karapat-dapat banggitin! Sa katunayan, habang mas maraming pagkakilala ang mga tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila basta-bastang hinuhusgahan ang Kanyang gawain—nagsasalita lamang sila nang kaunti tungkol sa kanilang kaalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos, ngunit hindi nila ito basta-bastang binibigyang-hatol. Habang mas kakaunti ang pagkakilala ng mga tao tungkol sa Diyos, mas nagiging hambog sila, mas nagiging masyadong mataas ang pagtingin nila sa kanilang sarili, at mas walang pakundangan nilang ipinoproklama kung ano ang Diyos, subalit ang ipinoproklama nila ay doktrina lamang at walang batayan sa katunayan. Ang mga ito ang mga taong pinakawalang halaga. Yaong mga nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay mga taong walang kaseryosohan! Sa pagtagpo sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila ito hinaharap nang may pag-iingat, kundi sa halip ay nagsasalita sila nang walang pakundangan at mabilis humusga, binibigyang-laya ang sarili nilang kalooban upang itanggi ang pagiging tama ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto o nilalapastangan pa nga ito—hindi ba’t ang mga walang-galang na indibidwal na ito ay mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu, at, bukod pa riyan, mga taong may matinding pagmamataas na likas na hambog at walang pagpipigil? Kahit na dumating ang araw na tanggapin ng gayong mga tao ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin nila matatamo ang pagpapatawad ng Diyos. Hindi lamang nila minamaliit yaong mga gumagawa para sa Diyos, kundi nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang gayong mga desperado ay hindi patatawarin, maging sa buhay na ito o sa mundong darating, at sila ay mamamatay magpakailanman sa impiyerno! Ang gayong mga taong walang-galang at nagpapasasa sa sarili ay nagdadala lamang ng tatak ng mga mananampalataya, at habang mas ganito ang mga tao, mas malamang na lumabag sila sa mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba’t ang lahat ng mapagmataas na indibidwal na iyon na likas na walang pigil, at hindi kailanman sumunod kaninuman, ay lumalakad sa landas na ito? Hindi ba’t, araw-araw, sa ganitong paraan ay nilalabanan nila ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 310

Naisara nang mahigpit ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura at kasaysayan na sumasaklaw sa ilang libong taon ang mga kaisipan at kuru-kuro ng tao at ang pananaw ng kanyang isipan kaya hindi tinatablan at hindi nalulusaw[1] ang mga ito. Naninirahan ang mga tao sa ikalabing-walong bilog ng impiyerno, para lamang silang naitaboy ng Diyos sa mga bartolina, kung saan hindi kailanman nakikita ang liwanag. Naapi na nang husto ng pyudal na pag-iisip ang mga tao kaya halos hindi sila makahinga at nasasakal sila. Wala sila ni katiting na lakas upang lumaban; ang ginagawa lamang nila ay magtiis at magtiis nang tahimik…. Walang sinumang nangahas kailanman na ipaglaban o ipagtanggol ang katarungan at pagiging patas; namumuhay lamang ang mga tao ng isang buhay na mas masahol pa sa hayop, sa ilalim ng mga paghampas at pang-aabuso ng pyudal na etika, araw-araw, at taon-taon. Hindi nila naisip kailanman na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa mundo ng tao. Para bagang napabagsak na ang mga tao hanggang sa maging para silang mga dahong nalaglag sa taglagas, lanta, sira ang kulay, at manipis. Matagal nang nawala ang alaala ng mga tao; walang magawang naninirahan sila sa impiyerno na tinatawag na mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang mawasak sila kasama ang impiyernong ito, na para bang ang huling araw na pinakahihintay nila ay ang araw na tatamasahin ng tao ang payapang kapahingahan. Nadala na ng pyudal na etika ang buhay ng tao sa “Hades,” na lalong nagpahina sa kakayahan ng tao na lumaban. Lahat ng uri ng pang-aapi ay tumutulak sa tao, nang paunti-unti, hanggang sa mahulog ito sa Hades, at tumutulak sa tao nang palayo nang palayo sa Diyos na ngayon ay nadarama nito na isang ganap na estranghero ang Diyos sa kanya, at nagmamadali itong iwasan Siya kapag sila ay nagkatagpo. Hindi Siya pinapansin ng tao at iniiwan Siyang nakatayong mag-isa sa isang tabi, na para bang hindi pa Siya nakilala ng tao kailanman, na hindi pa Siya nakita dati. Subalit matagal nang naghihintay ang Diyos sa tao sa mahabang paglalakbay sa buhay, na hindi kailanman ipinupukol ang Kanyang di-mapigilang galit sa kanya, tahimik lamang na naghihintay, nang walang imik, na magsisi ang tao at magsimulang muli. Matagal nang pumarito ang Diyos sa mundo ng tao upang makibahagi sa mga pagdurusa ng tao sa mundo. Sa lahat ng taon na namuhay Siya sa piling ng tao, wala pang nakatuklas sa Kanyang pag-iral. Tahimik lamang na tinitiis ng Diyos ang paghihirap ng pagiging hamak sa mundo ng tao habang isinasakatuparan ang gawaing personal Niyang dinala. Patuloy Siyang nagtitiis para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, na nagdaranas ng mga pagdurusang hindi kailanman naranasan ng tao. Sa presensiya ng tao tahimik Siyang naglingkod sa kanya, at sa presensiya ng tao Siya ay nagpakumbaba, para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at maging sa kapakanan ng mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay patagong ninakaw ang tao mula sa presensiya ng Diyos at ipinasa siya sa hari ng mga diyablo at sa mga inapo nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko[a] ang mga kaisipan at mga kuru-kuro ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pa siyang sumamba kaysa dati sa mga nagtipon ng Apat na Aklat at Limang Klasiko na ito, at bilang resulta upang lalo pang palalain ang kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Walang kaalam-alam ang tao, walang-awang pinalayas ng hari ng mga diyablo ang Diyos mula sa kanyang puso at pagkatapos ay tuwang-tuwang matagumpay nito mismong inokupa ang kanyang puso. Mula noon, nag-angkin na ang tao ng pangit na kaluluwa at ng mukha ng hari ng mga diyablo. Napuno ng pagkamuhi sa Diyos ang kanyang dibdib, at kumalat ang pagiging mapaminsala ng hari ng mga diyablo sa kalooban ng tao araw-araw hanggang sa lubos na siyang nalamon nito. Wala na ni katiting na kalayaan ang tao at walang paraang makalaya mula sa mga gusot ng hari ng mga diyablo. Wala siyang nagawa kundi ang mabihag sa mismong lugar na iyon, sumuko at magpasakop sa presensiya nito. Noong araw, nang bata pa ang puso ng tao, itinanim doon ng hari ng mga diyablo ang binhi ng tumor ng ateismo, na nagtuturo sa kanya ng mga maling kaisipan gaya ng “mag-aral ng siyensya at teknolohiya; isakatuparan ang Apat na Modernisasyon; at walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, ipinapahayag nito sa bawat pagkakataon, “Umasa tayo sa ating kasipagan para makabuo tayo ng magandang bayan,” na hinihiling sa bawat tao na maging handa mula pagkabata na makapagserbisyo para sa kanilang bansa. Dinala ang tao, nang walang kamalay-malay, sa presensiya nito, at walang pag-aatubiling kinakamkam nito ang buong kredito (ibig sabihin ay ang kreditong nauukol sa Diyos sa paghawak sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay) para sa sarili nito. Wala itong anumang pakiramdam ng kahihiyan kailanman. Bukod pa rito, walang kahihiyan nitong sinusunggaban ang mga tao ng Diyos at hinihila sila pabalik sa bahay nito, kung saan tumatalon ito na parang daga papunta sa ibabaw ng mesa at pinasasamba ang tao rito bilang “Diyos.” Napakasalbahe nito! Iskandaloso itong sumisigaw ng mga bagay na nakakagulat, tulad ng: “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay nililikha ng mga pagbabago na pinamamahalaan ng mga batas ng kalikasan; ang ulan ay dumarating kapag ang singaw ng tubig, na sumasalubong sa malalamig na temperatura, ay sumasailalim sa kondensasyon at bumabagsak bilang mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa mga heolohikal na pagbabago; ang tagtuyot ay sanhi ng pagkatuyo sa hangin na dulot ng pagkakahati ng mga nucleon particle sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay mga natural na penomenon. Nasaan, sa lahat ng ito, ang gawa ng Diyos?” Mayroon pa nga iyong mga sumisigaw ng mga kahiya-hiyang pahayag na gaya ng sumusunod: “Ang tao ay nagmula sa unggoy noong unang panahon, at ang mundo ngayon ay nagmumula sa sinaunang lipunan na nagsimula humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pag-unlad o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng mga mamamayan nito.” Palihim nitong ipinagagawa sa tao na isabit ito sa dingding o ipatong ito sa mesa upang sambahin ito at magbigay-handog dito. Kasabay ng pagsigaw nito ng, “Walang Diyos,” itinataas nito ang sarili bilang diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa, samantalang nakatayo sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Hindi talaga makatwiran! Sagad sa buto itong kamumuhian ng sinuman. Tila mortal na magkaaway sila ng Diyos, at na hindi maaaring magkasama silang dalawa. Nagbabalak itong itaboy ang Diyos palayo samantalang ito ay malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas.[2] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hangga’t hindi nito nagugulo ang gawain ng Diyos at iniiwan itong ganap na magulo,[3] na para bang nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa huli, hanggang sa parehas mawasak ang dalawang panig, na sadyang nilalabanan ang Diyos at higit na gumigiit. Matagal nang lubusang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha, at ngayon ay labis na itong nagulumihanan at natadtad ng mga problema,[4] subalit hindi pa rin nababawasan ang pagkamuhi nito sa Diyos, na para bang huhupa lamang ang pagkamuhing tinimpi sa puso nito kapag nilamon na nito nang buo ang Diyos sa isang subuan. Paano natin matitiis ito, ang kaaway na ito ng Diyos! Tanging ang pagpuksa at ganap na paglipol lamang dito matutupad ang inaasam natin sa buhay. Paanong hahayaan itong patuloy na kumilos nang walang pagpipigil? Nagawa nitong tiwali ang tao hanggang sa ang tao ay hindi na alam ang langit-araw, at naging manhid at mapurol ang isip. Nawalan na ng normal na katwiran ang tao. Bakit hindi natin ialay ang buo nating pagkatao para sirain at sunugin ito upang maalis ang lahat ng alalahanin sa hinaharap at tulutan ang gawain ng Diyos na umabot sa walang-katumbas na kaningningan sa lalong madaling panahon? Naparito sa mundo ng tao ang grupong ito ng mga tampalasan at ginulo ito nang husto. Nadala na nila ang buong sangkatauhan sa bingit ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak ang sangkatauhan pababa para magkaluray-luray upang malamon nila ang bangkay ng mga ito pagkatapos. Walang saysay silang umaasang wasakin ang plano ng Diyos at makipagkompetensiya sa Kanya, na sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan.[5] Hindi madaling gawin iyon! Kunsabagay ay nakahanda na ang krus para sa hari ng mga diyablo, na may kagagawan ng pinakamasasamang krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus. Ibinato na Niya ito sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan, ngunit maghahatid Siya ng kaligtasan sa buong sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Mga Talababa:

1. Ang “hindi nalulusaw” ay nilayon bilang panunudyo dito, na ibig sabihin ay maigting ang mga tao sa kanilang kaalaman, kultura, at espirituwal na pananaw.

2. Ang “malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas” ay nagpapahiwatig na nagagalit at naghuhuramentado ang diyablo.

3. Ang “ganap na magulo” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanang tingnan ang marahas na pag-uugali ng diyablo.

4. Ang “lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

5. Ang ibig sabihin ng “sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan” ay itaya ang lahat ng pera ng isang tao sa pag-asang manalo sa huli. Ito ay isang metapora para sa masama at karumal-dumal na mga pakana ng diyablo. Ginagamit ang pahayag na ito nang patuya.

a. Ang Apat na Aklat at Limang Klasiko ay mapagkakatiwalaang tumpak na mga aklat ng Confucianism sa China.


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 311

Mula itaas hanggang ibaba at mula simula hanggang wakas, ginugulo na ni Satanas ang gawain ng Diyos at kumikilos laban sa Kanya. Lahat ng ito tungkol sa “sinaunang pamanang kultura,” mahalagang “kaalaman tungkol sa sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at mga seremonyang pyudal” ay dinala na ang tao sa impiyerno. Ang maunlad na makabagong-panahong siyensya at teknolohiya, pati na ang lubhang maunlad na industriya, agrikultura, at pagnenegosyo ay hindi makita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga ritwal na pyudal na dinala ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, labanan, at lansagin ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito patuloy na pinagdurusa ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais pa nitong lunukin[1] nang buo ang tao. Ang paghahatid ng mga turo ng pyudal na etika at ang pagpapasa ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay matagal nang nakahawa sa sangkatauhan, at ginawa silang mga diyablong malalaki at maliliit. Iilan lamang ang masayang tatanggap sa Diyos, at iilan lamang ang buong kagalakang sasalubong sa Kanyang pagdating. Ang mukha ng buong sangkatauhan ay puno ng intensyong pumatay, at sa lahat ng lugar, bumabalot sa paligid ang mapamatay na awra. Hangad nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; hawak ang mga kutsilyo at espada, inaayos nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban upang “puksain” ang Diyos. Sa buong lupaing ito ng mga diyablo, kung saan palaging itinuturo sa tao na walang Diyos, nagkalat ang mga diyos-diyosan, at ang hangin sa itaas ay puno ng nakasusukang amoy ng sunog na papel at insenso, na masyadong makapal kaya mahirap huminga. Para iyong amoy ng burak na sumisingaw pataas sa pagpilipit ng makamandag na ahas, kaya hindi mapigilan na masuka. Bukod dito, bahagyang maririnig ang tunog ng masasamang demonyo na nagsasambit ng mga kasulatan, isang ingay na tila nanggagaling sa malayong impiyerno, kaya hindi mapigilan na manginig. Sa lahat ng dako ng lupaing ito ay may nakalagay na mga diyos-diyosan na may maraming iba’t ibang kulay, na ginagawang isang matingkad at malabis na mundo ang lupain, samantalang patuloy na humahalakhak nang buong kasamaan ang hari ng mga diyablo, na para bang nagtagumpay na ang balak nito. Samantala, nananatiling lubos na walang alam ang tao, at ni wala rin siyang kamalay-malay na nagawa na siyang tiwali ng diyablo hanggang sa punto kung saan nawalan na siya ng kamalayan at nasiraan ng loob. Nais nitong puksain, sa isang iglap, ang lahat ng tungkol sa Diyos, at muli Siyang lapastanganin at palihim na paslangin; hangad nitong buwagin at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na makapantay sa katayuan? Paano nito matitiis na “manghimasok” ang Diyos sa gawain nito sa mundo ng tao? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito matutulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paano mapapayagan ng diyablong ito, na nagpupuyos ang galit, na makontrol ng Diyos ang naghaharing korte nito sa lupa? Paano nito magagawang kusang-loob na yumuko sa nakahihigit Niyang kapangyarihan? Nabunyag na ang kasuklam-suklam nitong mukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng tao kung tatawa o iiyak, at talagang mahirap itong masabi. Hindi ba’t ito ang diwa nito? Nang may mga pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin sila na di-kapani-paniwala ang kagandahan nila—ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen![2] Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao, at napaglaruan nila nang husto ang tao kaya nagmukha siyang isang malahalimaw na hayop sa parang, napakapangit, at nawala na ang pinakahuling bakas ng orihinal na taong dalisay. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang malubhang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo? May ilang panahon nang naghuhuramentado ang mga diyablo at demonyo sa lupa, at sinarhan na ng mga ito kapwa ang mga layunin at ang dugo ng puso ng Diyos kaya walang makalabas. Totoo, mortal na kasalanan ito! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong hindi magagalit ang Diyos? Matindi na nilang hinadlangan at kinalaban ang gawain ng Diyos: Napakamapaghimagsik! Pati ang mga demonyong iyon, na malalaki at maliliit, ay parang mga asong-gubat na mahigpit na bumubuntot sa leon, at sumusunod sa daloy ng kasamaan sa pagbabalak na manggulo. Batid ang katotohanan, sadya nila itong nilalabanan, ang mga anak na ito ng paghihimagsik! Para bang, ngayong nakaakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukan ng hari, naging komportable sila at mayabang, tinatrato ang lahat ng iba nang may pag-alipusta. Ilan sa kanila ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katarungan? Silang lahat ay mga hayop, walang ipinagkaiba sa mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw, iwinawagwag ang kanilang ulo nang nasisiyahan sa kanilang sarili para batiin ang kanilang sarili at nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo,[3] sa gitna ng isang tumpok ng dumi ng hayop. Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakadakilang hari sa lahat, nang hindi natatanto na sila mismo ay hindi higit sa mababahong langaw. Subalit, sinasamantala nila ang kapangyarihan ng kanilang mga magulang na baboy at aso para siraang-puri ang pag-iral ng Diyos. Bilang maliliit na langaw, naniniwala sila na kasinlaki ng mga asul na balyena[4] ang kanilang mga magulang. Hindi ba’t alam nila na, samantalang sila man ay napakaliliit, ang kanilang mga magulang ay maruruming baboy at aso na daan-daang milyong beses na mas malaki kaysa sa kanila? Walang kamalay-malay sa sarili nilang kaabahan, umaasa sila sa baho ng kabulukang nagmumula sa mga baboy at asong iyon para maghari-harian, walang saysay na iniisip na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon, nang hindi nahihiya! May berdeng mga pakpak sa kanilang likod (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), hambog sila at ipinagyayabang nila sa lahat ng dako ang sarili nilang kagandahan at pang-akit, samantalang lihim nilang inihahagis sa tao ang karumihan sa sarili nilang katawan. Bukod pa rito, labis silang nasisiyahan sa kanilang sarili, na para bang magagamit nila ang isang pares ng mga pakpak na maraming iba’t ibang kulay para itago ang sarili nilang karumihan, at sa pamamagitan nito, ipinapataw nila ang kanilang pang-uusig laban sa pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa mga nangyayari sa likod ng mga eksena sa mundo ng relihiyon). Paano malalaman ng tao na, nakabibighani man ang ganda ng mga pakpak ng isang langaw, ang langaw mismo, kung tutuusin, ay hindi higit sa isang maliit na nilalang, na puno ng dumi ang tiyan at balot ng mga mikrobyo ang katawan? Sa lakas na taglay ng mga magulang nila na baboy at aso, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa paraan kung saan umaasa ang mga opisyal ng relihiyon na umuusig sa Diyos sa malakas na suporta ng gobyerno ng bansa upang ipagkanulo ang tunay na Diyos at ang katotohanan), na walang pigil sa kanilang kalupitan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Hudyong Pariseo kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nagsimula na sila ng isa pang pag-uusig, na itinutuloy ang kanilang gawain ilang libong taon na ang nakararaan. Ang grupong ito ng mga tampalasan ay tiyak na mamamatay sa lupa sa huli! Lalabas na, pagkaraan ng ilang libong taon, naging mas tuso at mandaraya pa ang maruruming espiritu. Palagi nilang gustong isabotahe ang gawain ng Diyos nang palihim. Napakarami nilang mga panlalansi at panlilinlang, at nais nilang ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedyang naganap ilang libong taon na ang nakaraan, hanggang sa halos mapasigaw ang Diyos. Halos hindi Niya mapigil ang Kanyang Sarili na magbalik sa ikatlong langit upang lipulin sila. Para mahalin ng tao ang Diyos, kailangan niyang maunawaan ang Kanyang mga layunin, malaman ang Kanyang mga kagalakan at kalungkutan, at maunawaan kung ano ang Kanyang kinasusuklaman. Ang paggawa nito ay lalong mag-uudyok sa pagpasok ng tao. Kapag mas mabilis ang pagpasok ng tao, mas mabilis na matutugunan ang mga layunin ng Diyos, mas malinaw na makikilala ng tao ang hari ng mga diyablo, at mas mapapalapit siya sa Diyos, upang matupad ang Kanyang hangarin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Mga Talababa:

1. Ang “lunukin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga diyablo, na sinasaklot nang buo ang mga tao.

2. Ang “magkakasabuwat sa krimen” ay kapareho ng uri ng “isang grupo ng mga butangero.”

3. Ang “nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at nilalabanan ng mga tao na sa mga diyablo ang gawain ng Diyos.

4. Ang “mga asul na balyena” ay ginagamit nang patuya. Ito ay isang metapora para sa kung paanong napakaliliit ng mga langaw kaya mukhang kasinlaki ng mga balyena ang mga baboy at aso.


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 312

Ang lupaing ito na marumi na sa loob ng libo-libong taon ay labis na marungis, laganap ang pagdurusa, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] walang-awang gumagamit ng malulupit na pamamaraan, ang bayang ito ng mga multo ay niyuyurakan at iniiwang nagkalat ang mga patay na katawan dito; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng diyablo ang buong katawan ng tao, tinatakpan nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Naghasik na ng gulo ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay hindi mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa kaya nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Mauunawaan kaya nila kahit kailan ang mga usapin ng mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na mga layunin ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga alipores na ito! Sinusuklian nila ng pagkamuhi ang kabaitan, matagal na nilang sinimulang tratuhing kaaway ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, sumasalakay at nandarambong sila, ganap na silang nawalan ng budhi, sinasalungat nila ang kanilang konsensiya, at dinadaya nila ang walang-muwang na sangkatauhan tungo sa kalutangan ng isip. Anong mga kahalili ng mga sinaunang pantas? Anong minamahal na mga lider? Lahat sila ay mga tampalasan na tumututol sa Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat ng nasa ilalim ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Anong kalayaang panrelihiyon? Anong lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasamaan! Sino ang sumuporta sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis na ng kanilang buhay o nag-alay ng dugo para sa gawain ng Diyos? Ang mga tao, na inalipin sa loob ng maraming henerasyon, nang walang patid mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, ay walang galang na inalipin ang Diyos—paanong hindi ito magbubunsod ng walang humpay galit? Ang sanlibong taon ng pagkamuhi ay naiipon sa puso, sampung libong panahon ng kasamaan ay nakaukit sa puso—paanong hindi ito pupukaw ng pagkamuhi? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway—tingnan natin ito na magwala at mamuno bilang isang maniniil pagkatapos! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, at ilalaan niya ang lahat ng dugo ng kanyang puso at babayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng diyablong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at maghimagsik laban sa masama at matandang diyablong ito. Bakit hinaharangan ang gawain ng Diyos nang napakahigpit na kahit ang isang patak ay hindi makakalusot? Bakit gumagamit ng mga pakana para lansihin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilan ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa Kanya sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayong katinding pananabik sa Diyos? Bakit pinatatawag ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit itinutulak ang Diyos hanggang sa puntong kailangan Niyang mag-alala sa Kanyang minamahal na Anak? Ang madilim na lipunang ito at ang mga kaawa-awang asong-bantay–bakit hindi nila hinahayaan ang Diyos na malayang pumarito at umalis sa mundong nilikha Niya? Bakit ang tao, na namumuhay sa gitna ng pagdurusa, ay hindi nakakaunawa? Alang-alang sa inyo, nagtiis na ang Diyos ng matinding pasakit, sa nakasasakit na dalamhati ay ibinigay Niya ang Kanyang minamahal na Anak, ang Kanyang laman at dugo, para ipagkaloob Siya sa inyo—kaya bakit nagbubulag-bulagan pa rin kayo? Kitang-kita ng lahat, tinatanggihan ninyo ang pagdating ng Diyos, at tinatanggihan ang pakikipagkaibigan ng Diyos. Bakit napakawalang-konsensiya ninyo? Handa ba kayong magtiis ng kawalang-katarungan sa madilim na lipunang tulad nito? Bakit, sa halip na pinupuno ninyo ang inyong tiyan ng sanlibong taon ng pagkamuhi, pinapalamnan ninyo ang inyong mga sarili ng “dumi” ng hari ng mga diyablo?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (8)

Mga Talababa:

1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan kung saan lubhang pinipinsala ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 313

Kung tunay na nakikita nang malinaw ng mga tao ang tamang landas ng pantaong buhay, pati na rin ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at tadhana bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila kung gayon nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang, na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Hindi ba’t ang kinabukasan at tadhana ng tao ay mismong ang kasalukuyang sinasabing “mga magulang” ni Pedro? Ang mga ito ay katulad lamang ng laman at dugo ng tao. Ano ba talaga ang magiging hantungan at kinabukasan ng laman? Ito ba ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay pa, o para sa kaluluwa na makatagpo ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Hahantong ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon ng mga kapighatian, o sa mapaminsalang sunog? Hindi ba’t ang mga ito at ibang parehong katanungan tungkol sa kung makakatagpo ba ng kaabahan o magdurusang malaking balita ang laman ng tao na lubhang inaalala ng sinuman sa pinakabagong daloy na ito na may utak at katwiran? (Dito, ang “pagdurusa” ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ibig sabihin nito na ang mga pagsubok sa hinaharap ay makabubuti para sa hantungan ng tao. Ang “kaabahan” ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang manindigan, o pagiging nalihis; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay makakatagpo ng di-kanais-nais na mga sitwasyon at mamamatay sa gitna ng sakuna, at na walang naaangkop na hantungan para sa kanyang kaluluwa.) Kahit na ang mga tao ay may matinong katwiran, marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na maisangkap sa kanilang katwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo nalilito at mistulang bulag na sumusunod sa mga bagay-bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng lubusang pagkatarok sa kung ano ang dapat nilang pasukin, at sa partikular, dapat nilang uriin kung ano ang dapat na mapasok sa panahon ng kapighatian (iyon ay, sa panahon ng pagpipino sa pugon), at kung ano ang dapat na maisangkap sa kanila sa panahon ng pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugang ang laman) na parang mga baboy at mga aso at mas masahol pa sa mga langgam at mga insekto. Ano ang punto ng paghihirap para rito, pag-iisip nang sobra, at pagpapahirap sa iyong utak? Ang laman ay hindi sa iyo, kundi nasa mga kamay ng Diyos, na hindi lamang kumokontrol sa iyo kundi nag-uutos din kay Satanas. (Nangangahulugan ito na ang laman ay orihinal na pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay rin ng Diyos, ito ay masasabi lamang sa ganitong paraan. Ito ay dahil mas mapanghikayat na sabihin ito sa ganoong paraan; ito ay nagmumungkahi na ang tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, kundi nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman—subalit ang laman ba ay sa iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit ka nag-aabalang pahirapan ang iyong utak dahil dito? Bakit ka nag-aabalang patuloy na magsumamo sa Diyos alang-alang sa iyong bulok na laman, na matagal nang nahatulan, isinumpa, at nadungisan ng maruruming espiritu? Bakit mo kailangang palaging panatilihin ang mga kasamahan ni Satanas na napakalapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, ang iyong magagandang inaasahan, at ang tunay na hantungan ng iyong buhay?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 314

Ngayon, ang nagawa ninyong maunawaan ay mas mataas kaysa kaninumang tao sa buong kasaysayan na hindi ginawang perpekto. Ang kaalaman man ninyo sa mga pagsubok o ang pananampalataya ninyo sa Diyos, lahat ng iyon ay mas mataas kaysa kaninumang nananampalataya sa Diyos. Ang mga bagay na inyong nauunawaan ang siyang nalalaman ninyo bago kayo sumailalim sa mga pagsubok ng mga kapaligiran, ngunit hindi tumutugma ang mga ito sa inyong tunay na tayog kahit kaunti. Ang inyong nalalaman ay mas mataas kaysa sa inyong isinasagawa. Bagama’t sinasabi ninyo na ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay dapat magmahal sa Diyos, at hindi dapat maghanap ng mga pagpapala kundi para lamang matugunan ang mga layunin ng Diyos, ang ipinapakita sa inyong buhay ay napakalayo rito, at narungisan na nang husto. Karamihan sa mga tao ay nananampalataya sa Diyos alang-alang sa kapayapaan at iba pang mga pakinabang. Kung hindi ka makikinabang, hindi ka nananampalataya sa Diyos, at kung hindi ka makatatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nagmamaktol ka. Paano magiging iyong tunay na tayog ang nasabi mo? Pagdating sa di-maiiwasang mga pangyayari sa pamilya tulad ng pagkakasakit ng mga anak, pagkaospital ng mga mahal sa buhay, mahinang ani ng mga pananim, at pag-uusig ng mga kapamilya, kahit ang mga bagay na ito na nangyayari araw-araw ay mabigat para sa iyo. Kapag nangyayari ang gayong mga bagay, palagi kang natataranta, hindi alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na ginulo ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Palagay mo ba bihira lamang mangyari sa inyo ang gayong mga bagay? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa pamumuhay sa gitna ng gayong mga kaganapan. Hindi ninyo pinag-iisipan kahit kaunti kung paano kayo maaaring magtagumpay sa inyong pananampalataya sa Diyos, ni kung paano ninyo matutugunan ang mga layunin ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakaliit, mas maliit pa kaysa sa isang munting sisiw. Kapag nalugi ang negosyo ng inyong pamilya nagrereklamo kayo tungkol sa Diyos, kapag natatagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang kapaligiran na walang proteksyon ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, at nagrereklamo kayo kahit kapag namatay ang isa sa inyong mga sisiw o nagkasakit ang isang matandang baka sa kulungan. Nagrereklamo kayo kapag panahon na para mag-asawa ang inyong anak na lalaki ngunit walang sapat na pera ang inyong pamilya; nais ninyong gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, ngunit hindi ninyo kayang gastusan iyon, at pagkatapos ay nagrereklamo rin kayo. Punong-puno ka ng mga reklamo, at kung minsan ay hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, at nananatili kang negatibo sa loob ng di-malamang haba ng panahon. Walang nangyayari sa iyo ngayon na may kinalaman sa iyong kinabukasan o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari din kahit hindi ka nanampalataya sa Diyos, ngunit ngayon ay ipinapasa mo sa Diyos ang responsabilidad para sa mga ito, at pilit mong sinasabi na itiniwalag ka na ng Diyos. Ano ba ang kalagayan ng pananampalataya mo sa Diyos? Naialay mo ba talaga ang iyong buhay? Kung isasailalim kayo sa parehong mga pagsubok na dinanas ni Job, walang isa man sa inyo na sumusunod sa Diyos ngayon ang makakayang manindigan, lahat kayo ay babagsak. At sa totoo lang, napakalaki ng pagkakaiba ninyo kay Job. Ngayon, kung makukumpiska ang kalahati ng inyong mga ari-arian, mangangahas kayong itanggi ang pag-iral ng Diyos; kung kukunin mula sa inyo ang inyong anak na lalaki o anak na babae, lalabas kayo sa mga kalsada nang nagmumura; kung mahahadlangan ang tanging paraan ninyo para kumita ng ikabubuhay, susubukan ninyong makipagtuos sa Diyos, at itatanong ninyo kung bakit Ako nagsalita ng napakaraming salita sa simula para takutin kayo. Walang anumang bagay na hindi kayo mangangahas na gawin sa gayong mga oras. Mula rito, malinaw na wala kayong tunay na kabatiran, ni anumang tunay na tayog. Samakatwid, ang mga pagsubok na sumasapit sa inyo ay napakalaki, dahil masyado kayong maraming nalalaman, pero ang tunay ninyong nauunawaan ay wala pa sa ikasanlibong bahagi ng nalalaman ninyo. Hindi ninyo dapat limitahan ang inyong sarili sa pag-alam at pag-arok lang. Sa halip, pinakamabuting tingnan mo kung ilang katotohanan na ang aktuwal mong naisagawa, alin sa mga katotohanang alam mo ang hindi mo pa naisasagawa, aling mga bahagi ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu ang nakamit mo sa pamamagitan ng pawis ng sarili mong pagsisikap, kung natupad ba ang determinasyon mong hangarin ang katotohanan, kung gaano na kalayo ang narating mo sa paghahangad mong magawang perpekto, at kung mayroon ka bang tunay na espirituwal na tayog para mapagtagumpayan ang mga tukso ni Satanas. Dapat kang maging metikuloso at magbayad ng halaga pagdating sa tunay mong tayog at sa patotoong dapat mong ibigay. Sa pananampalataya sa Diyos, huwag mong isipin kung anong mga pagpapala ang makakamit mo o kung ano ang maaari mong tamasahin sa hinaharap. Sa huli, kung makakamit mo ba ang katotohanan at makakamit ang buhay ay nakasalalay lahat sa personal mong paghahangad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (3)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 315

Pinapalamutian ng ilan ang kanilang mga sarili nang maganda pagdating sa kanilang panlabas na hitsura: pinapalamutihan ng kababaihan ang kanilang mga sarili na kasingganda ng mga bulaklak, at nagdadamit ang kalalakihan na parang mga prinsipe o makikisig at mayayamang binata. Ang inaalala lang nila ay panlabas na pagkain at pananamit; sa loob, sila’y mga dukha at wala ni katiting na kaalaman tungkol sa Diyos. Ano kaya ang ibig sabihin nito? At mayroon namang ilan na nakadamit na parang kaawa-awang mga pulubi—mukha talaga silang mga alipin na taga-Silangang Asya! Talaga bang hindi ninyo nauunawaan ang itinatanong ko sa inyo? Makipagbahaginan kayo sa isa’t isa: Ano ba ang aktuwal ninyong nakamit? Ilang taon na kayong nananampalataya sa Diyos, subalit ito lang lahat ang napala ninyo—hindi ba kayo napapahiya? Hindi ba kayo nahihiya? Ilang taon na kayong naghahanap ng tunay na daan, subalit ngayon ay mas mababa pa rin sa isang maya ang inyong tayog! Tingnan ninyo ang mga mala-batang prinsesa sa gitna ninyo, kasingganda ng mga larawan sa inyong damit at kolorete, ikinukumpara ang inyong mga sarili sa isa’t isa—at ano ang ikinukumpara ninyo? Ang inyong kasiyahan? Ang inyong mga hinihingi? Palagay ba ninyo naparito ako para mangalap ng mga modelo? Wala kayong hiya! Nasaan ang inyong buhay? Hindi ba ang hinahangad ninyo ay ang sarili lamang ninyong maluhong pagnanasa? Akala mo napakaganda mo, ngunit kahit maaaring napakagara ng damit mo, hindi ba’t isa ka pa ring malikot na uod, na isinilang sa isang tumpok ng dumi? Ngayon, mapalad mong natatamasa ang makalangit na mga pagpapalang ito hindi dahil sa maganda mong mukha, kundi dahil ginagawa kang eksepsiyon ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aangat sa iyo. Hindi pa rin ba malinaw sa iyo kung saan ka nagmula? Sa pagbanggit ng buhay, tikom ang iyong bibig at wala kang imik, pipi na parang rebulto, subalit ang lakas pa rin ng loob mong manamit nang magara! Gusto mo pa ring magpapula ng pisngi at magpulbos ng mukha! At tingnan ninyo ang makikisig na binata sa gitna ninyo—sadyang hindi sila disente. Ginugugol nila ang buong maghapon na palakad-lakad lang, makikita sa mukha nila na wala silang pakialam sa mundo—saanman sila magpunta, wala sila ni katiting na kagandahang-asal. Mayroon ba silang wangis ng tao? Ano ang pinagkakaabalahan ng bawat isa sa inyo, lalaki o babae, sa buong araw? Alam ba ninyo kung kanino kayo umaasa para pakainin ang sarili ninyo? Tingnan mo ang pananamit mo, tingnan mo kung ano ang napala mo sa mga kamay mo, haplusin mo ang tiyan mo—anong mga resulta ang nakuha mo mula sa dugo ng puso na naigugol mo sa lahat ng mga taon na ito ng pananalig? Iniisip mo pa ring magliwaliw, iniisip mo pa ring gayakan ang iyong umaalingasaw na laman—walang kuwenta ang lahat ng ito! Hinihingi sa iyo na maging isa kang normal na tao, subalit ngayon ay hindi ka lang basta abnormal, kakaiba ka pa. Paano nagkaroon ng tapang ang gayong tao na humarap sa Akin? Sa ganitong pagkatao, ipinaparada mo ang iyong kariktan at ipinapasikat ang iyong laman, palaging namumuhay sa loob ng mga pagnanasa ng laman—hindi ka ba isang inapo ng maruruming demonyo at masasamang espiritu? Hindi Ko papayagan ang gayong maruming demonyo na manatiling umiiral nang matagal! At huwag mong ipalagay na hindi Ko alam kung ano ang iniisip mo sa iyong puso. Maaaring hindi mo pinakakawalan ang iyong pagnanasa at iyong laman, ngunit paanong hindi Ko malalaman ang mga kaisipan na kinakandili mo sa iyong puso? Paanong hindi Ko malalaman ang lahat ng hinahangad ng iyong mga mata? Hindi ba’t kayong mga mala-batang prinsesa ay nagpapaganda nang husto para iparada ang inyong laman? Ano ang pakinabang ninyo sa mga lalaki? Talaga bang maililigtas nila kayo mula sa dagat-dagatan ng pagdurusa? Para naman sa inyong makikisig na binata, nagbibihis kayong lahat para magmukha kayong maginoo at disente, ngunit hindi ba’t layon din niyon na mapansin ang inyong kakisigan? Para kanino ninyo ginagawa ito? Ano ang pakinabang ninyo sa mga babae? Hindi ba sila ang pinagmumulan ng inyong kasalanan? Lahat kayong kalalakihan at kababaihan, marami na Akong nasabi sa inyo, subalit iilan lang ang nasunod ninyo sa mga iyon. Mahina ang mga pandinig ninyo, lumabo na ang inyong mga mata, at matigas ang kalooban ng inyong puso, hanggang sa puntong wala nang iba kundi pagnanasa ang nasa inyong katawan, at nasisilo kayo nito, at hindi kayo makatakas. Sino ang gustong lumapit sa inyo na mga uod, kayo na namimilipit sa karumihan at putikan? Huwag ninyong kalimutan na wala kayong pinagkaiba sa mga pinalaki ko mula sa tumpok ng dumi, na dati ay wala kayong normal na pagkatao. Ang hinihiling ko sa inyo ay ang normal na pagkatao na dati ay wala kayo, hindi ang iparada ninyo ang inyong pagnanasa o bigyan ng kalayaan ang inyong nabubulok na laman, na nasanay na ng mga diyablo sa loob ng napakaraming taon. Kapag ganoon kayo manamit, hindi ba kayo natatakot na baka mas lalo kayong masilo? Hindi ba ninyo alam na dati kayong makasalanan? Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay punung-puno ng pagnanasa? Umabot na ito sa punto na tumatagos na nga sa inyong damit ang pagnanasa, na nagbubunyag ng inyong napakapapangit na hitsura bilang napakaruruming demonyo. Hindi ba’t alam ninyo ang lahat ng ito nang mas malinaw kaysa sinuman? Ang inyong mga puso, ang inyong mga mata, ang inyong mga labi—hindi ba narungisang lahat ang mga ito ng maruruming demonyo? Hindi ba marumi ang mga bahagi mong ito? Palagay ba ninyo ay basta’t hindi kayo kumikilos, kayo na ang pinakabanal? Palagay ba ninyo ay maitatago ng pagsusuot ng maluluhong damit ang inyong nakakadiring mga kaluluwa? Hindi uubra iyan! Ipinapayo Ko sa inyo na maging higit na makatotohanan, huwag kayong maging mapanlinlang at huwad, at huwag ninyong ipangalandakan ang inyong mga sarili. Ipinapasikat ninyo ang inyong pagnanasa sa isa’t isa, ngunit kapalit nito ang tatanggapin lamang ninyo ay walang-hanggang pagdurusa at walang-habas na pagpaparusa! Bakit ninyo kailangang magpapungay ng mga mata sa isa’t isa at mag-ibigan? Ito ba ang inyong pagkamatuwid? Ito ba ang inyong di-natitinag na moralidad? Kinamumuhian Ko iyong mga nakikisangkot sa inyo sa masasamang panggagamot at pangkukulam; kinamumuhian Ko ang mga binata’t dalaga sa inyo na nagmamahal sa sarili nilang laman. Makabubuting pigilan ninyo ang inyong mga sarili, dahil kinakailangan na ninyo ngayong magtaglay ng normal na pagkatao, hindi kayo binibigyan ng permiso na ipangalandakan ang inyong pagnanasa—subalit ginagawa ninyo ito sa bawat oportunidad na kaya ninyo, sapagkat ang inyong laman ay napakasagana, at ang inyong pagnanasa ay napakalaki!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (7)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 316

Ngayon, kung naging epektibo man o hindi ang inyong paghahangad ay nasusukat sa pamamagitan ng kung ano ang kasalukuyan ninyong taglay. Ito ang ginagamit para matukoy ang inyong kalalabasan; ibig sabihin, ang inyong kinalabasan ay nabubunyag batay sa mga sakripisyo at mga bagay na nagawa ninyo. Ang inyong kalalabasan ay mabubunyag sa pamamagitan ng inyong paghahangad, inyong pananalig, at inyong nagawa. Sa inyong lahat, marami ang wala nang pag-asang mailigtas, sapagkat ngayon ang araw ng pagbubunyag ng mga kalalabasan ng mga tao, at hindi magiging magulo ang isip Ko sa Aking gawain; hindi Ko aakayin iyong mga lubos na walang pag-asang mailigtas tungo sa susunod na kapanahunan. Magkakaroon ng panahon na tapos na ang Aking gawain. Hindi Ako gagawa sa mababaho at walang espiritung mga bangkay na hindi maililigtas kahit kaunti; ngayon ang mga huling araw ng pagliligtas sa tao, at hindi Ako gagawa ng gawaing walang silbi. Huwag magreklamo laban sa Langit at lupa—darating na ang katapusan ng mundo, hindi ito maiiwasan. Umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, at wala ka nang magagawa bilang tao para pigilin ang mga ito; hindi mo mababago ang mga bagay-bagay ayon sa gusto mo. Kahapon, hindi ka nagbayad ng halaga para hangarin ang katotohanan at hindi ka naging deboto; ngayon, dumating na ang panahon, wala ka nang pag-asang mailigtas; at bukas, ititiwalag ka na, at wala nang magiging palugit para sa iyong kaligtasan. Kahit na mabait Ako at malambot ang Aking puso at ginagawa Ko ang lahat ng makakaya Ko para iligtas ka, kung hindi ka nagsisikap para sa sarili mo o nagsasaalang-alang ng sarili mo, ano ang kinalaman nito sa Akin? Iyong mga nag-iisip lamang tungkol sa kanilang laman at nagtatamasa ng kaginhawahan; iyong mga mukhang nananampalataya ngunit hindi talaga nananampalataya; iyong mga nakikilahok sa masasamang panggagamot at pangkukulam; iyong mahahalay, at bagsak ang pagkatao; iyong mga nagnanakaw ng mga alay kay Jehova at ng Kanyang mga pag-aari; iyong mga mahilig sa mga suhol; iyong mga nangangarap nang walang ginagawa na makaakyat sa langit; iyong mga hambog at palalo, na nakikipagkompetensiya lamang para sa personal na kasikatan at pakinabang; iyong mga nagkakalat ng mga salitang walang paggalang; iyong mga lumalapastangan sa Diyos Mismo; iyong mga walang ginagawa kundi husgahan at siraang-puri ang Diyos Mismo; iyong mga naggugrupo-grupo at naghahangad na magsarili; iyong mga nagtataas ng kanilang sarili nang higit pa sa pagdadakila nila sa Diyos; iyong mga walang delikadesang kabataan, mga may-edad at matatandang kalalakihan at kababaihan na nasilo sa kahalayan; iyong kalalakihan at kababaihan na nagtatamasa ng personal na kasikatan at pakinabang at naghahangad ng personal na katayuan sa gitna ng iba; iyong mga taong hindi nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila, lahat sila, ay walang pag-asang maligtas? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, masamang panggagamot, pangkukulam, lapastangang mga salita, at walang-paggalang na mga salita ay lahat talamak sa inyo; ang katotohanan at ang mga salita ng buhay ay tinatapakan sa gitna ninyo, at ang mga banal na salita ay dinudungisan sa gitna ninyo. Kayong mga Hentil, na sobra sa karumihan at paghihimagsik! Ano ang magiging kinalabasan ninyo? Paano naaatim ng mga nagmamahal sa laman, gumagawa ng pangkukulam ng laman, at nabibitag sa mahalay na kasalanan na patuloy na mabuhay! Hindi mo ba alam na ang mga taong katulad ninyo ay mga uod na walang pag-asang maligtas? Ano ang nagbigay sa inyo ng karapatang humingi ng kung anu-ano? Sa ngayon, wala ni katiting na pagbabago sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan at nagmamahal lamang sa laman—maliligtas pa ba ang gayong mga tao? Iyong mga hindi minamahal ang daan ng buhay, mga hindi dumadakila sa Diyos at nagpapatotoo sa Kanya, mga nagpapakana alang-alang sa sarili nilang katayuan, na nagtataas ng kanilang sarili—hindi ba’t ganoon pa rin sila, kahit ngayon? Ano ang kabuluhan ng pagliligtas sa kanila? Kung maliligtas ka ay hindi depende sa kung gaano kataas ang senyoridad mo o ilang taon ka nang gumagawa, at lalo nang hindi ito depende sa kung gaano karami ang mga kredensyal mo. Bagkus, depende ito sa kung nagbunga na ang iyong paghahangad. Kailangan mong malaman na iyong mga naliligtas ay ang “mga puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na may malalagong dahon at saganang bulaklak subalit hindi nagbubunga. Kahit nakagugol ka na ng maraming taon sa pagpapagala-gala sa mga lansangan, ano ang halaga niyon? Nasaan ang iyong patotoo? Mas higit na kaunti ang iyong may-takot-sa-Diyos na puso kumpara sa iyong pusong nagmamahal sa iyong sarili at nahuhumaling sa iyong mahahalay na pagnanais—hindi ba’t bulok ang ganitong klase ng tao? Paano sila magiging uliran at huwaran para sa pagliligtas? Ang iyong kalikasan ay hindi na mababago, napakalaki ng paghihimagsik na iyong taglay, wala ka nang pag-asang matubos! Hindi ba’t ang gayong mga tao ang ititiwalag? Hindi ba’t ang oras na matatapos ang Aking gawain ang siyang oras ng pagdating ng huling araw mo? Napakarami Kong nagawang gawain at napakarami Kong nasambit na salita sa gitna ninyo—gaano karami nito ang tunay na nakapasok sa inyong mga tainga? Nakapagpasakop na kayo sa gaano karami nito? Kapag natapos ang Aking gawain, iyon ang magiging oras na titigil kang kontrahin Ako, na titigil kang kalabanin Ako. Habang Ako ay gumagawa, patuloy kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo sumusunod sa Aking mga salita kahit kailan. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ng sarili mong munting kaharian. Kayo ay isang grupo ng mga soro at mga aso, walang ginagawa kundi kontrahin Ako! Palagi ninyong sinusubukang yakapin iyong mga naghahandog sa inyo ng kanilang buong pagmamahal—nasaan ang inyong pusong may takot? Lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang! Wala kayong pagpapasakop o pagkatakot, at lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang at lapastangan! Maliligtas ba ang ganyang klaseng tao? Ang mga lalaking seksuwal na imoral at mahalay ay palaging gustong akitin ang makikiring haliparot sa kanila para sa sarili nilang kasiyahan. Hindi Ko talaga ililigtas ang gayong sekswal na imoral na mga demonyo. Lubos Kong kinamumuhian kayong malalaswang demonyo, at ang inyong kahalayan at pagiging makiri ang magsasadlak sa inyo sa impiyerno. Ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Kasuklam-suklam kayong malalaswang demonyo at masasamang espiritu! Karima-rimarim kayo! Paano maliligtas ang gayong klaseng basura? Maliligtas pa rin ba sila na nabibitag sa kasalanan? Ngayon, ang inyong puso ay hindi naaakit sa katotohanang ito, sa daang ito, at sa buhay na ito. Sa halip, naaakit ito sa pagkakasala, at sa pera, katayuan, kasikatan, pakinabang, mga kasiyahan ng laman, at sa kaguwapuhan ng mga lalaki at sa pagiging mapang-akit ng mga babae. Paano kayo ginagawang kalipikado niyon na pumasok sa Aking kaharian? Ang inyong mga imahe ay higit pa kaysa sa Diyos, ang inyong katayuan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, huwag nang banggitin pa ang inyong prestihiyo sa gitna ng mga tao—sa katunayan, naging mga idolo kayo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba’t naging arkanghel ang bawat isa sa inyo? Kapag naihayag na ang mga kinalabasan ng mga tao, na kung kailan din malapit nang matapos ang gawain ng pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na wala nang pag-asang maligtas at kailangang itiwalag. Sa oras ng gawain ng pagliligtas, Ako ay mabait at mabuti sa lahat ng tao. Kapag natapos na ang gawain, ang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao ay mabubunyag, at sa oras na iyon, hindi na Ako magiging mabait at mabuti, sapagkat ang mga kalalabasan ng mga tao ay mabubunyag na, at ang lahat ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, at mawawalan na ng saysay ang paggawa ng anumang iba pang gawain ng pagliligtas dahil lamang ang kapanahunan ng pagliligtas ay lilipas na, at, pagkatapos lumipas, hindi na ito babalik.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (7)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 317

Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkakabalot ng impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang hindi makakatakas. At ang disposisyon niya, pagkatapos itong maproseso ni Satanas, ay nagiging lalo at lalo pang tiwali. Maaaring masabi na ang tao ay namumuhay, noon pa man, sa gitna ng kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at walang kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na mahalin ang Diyos, kailangan niyang iwaksi ang kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, kapalaluan, at iba pang gaya nito—lahat ng mula sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang pag-ibig na may karumihan, isang satanikong pag-ibig, at isa na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang ginagawang perpekto, binabasag, pinupungusan, dinidisiplina, itinutuwid, at pinipino ng Banal na Espiritu, hindi magagawa ng sinuman na tunay na mahalin ang Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong tunay na mahalin ang Diyos, kung gayon, isa kang taong mayabang magsalita at kakatwa. At ang mga taong katulad nito ay mga arkanghel! Ang likas na kalikasan ng tao ay hindi kayang direktang kumatawan sa Diyos; kailangang iwaksi ng tao ang katutubong kalikasan niya sa pamamagitan ng pagpeperpekto ng Diyos at saka lamang—sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, pagtugon sa mga layunin ng Diyos at higit pa rito ay pagpapasailalim sa gawain ng Banal na Espiritu—na makikilala ng Diyos ang kanyang isinasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang kayang direktang kumatawan sa Diyos, maliban sa kung siya ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi masasabi na ganap na kumakatawan sa Diyos; masasabi lamang na ang kanyang isinasabuhay ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi kayang kumatawan sa Diyos.

Kahit na ang disposisyon ng tao ay paunang inorden ng Diyos—ito ay hindi mapag-aalinlanganan at maituturing na isang positibong bagay—ito ay naproseso na ni Satanas. Samakatwid, ang buong disposisyon ng tao ay disposisyon ni Satanas. Sinasabi ng ilang tao na ang disposisyon ng Diyos ay ang gawin ang mga bagay sa paraang tuwiran at eksakto, na ito rin ay ipinamamalas nila, at na ang kanilang personalidad ay ganito rin, at kaya, sinasabi nila na ang kanilang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos. Anong klaseng tao siya? Kaya bang katawanin ng satanikong tiwaling disposisyon ang Diyos? Sinumang nagsasabi na ang kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos ay lumalapastangan sa Diyos at iniinsulto ang Banal na Espiritu! Ipinapakita ng paraan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu na ang gawain ng Diyos sa lupa ay tanging ang gawain ng paglupig. Kaya naman, ang maraming satanikong tiwaling disposisyon ng tao ay hindi pa nalilinis ang isinasabuhay ng tao ay ang larawan pa rin ni Satanas. Ito ang pinaniniwalaan ng tao na mabuti at kumakatawan ito sa mga gawa ng laman ng tao; para maging mas tumpak, ito ay kumakatawan kay Satanas at walang-pasubali na hindi kayang kumatawan sa Diyos. Kahit na ang isang tao ay umiibig na sa Diyos hanggang sa puntong natatamasa na niya ang buhay ng langit sa lupa, kayang makapagbitaw ng mga pahayag na tulad ng: “O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat,” at narating na ang pinakamataas na dako, hindi pa rin masasabi na isinasabuhay niya ang Diyos o kinakatawan niya ang Diyos, dahil ang diwa ng tao ay hindi katulad ng sa Diyos, at hindi kailanman maisasabuhay ng tao ang Diyos, lalo na ang maging Diyos. Ang isinasabuhay ng tao sa ilalim ng direksyon ng Banal na Espiritu ay alinsunod lamang sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao.

Ang lahat ng kilos at gawa ni Satanas ay namamalas sa tao. Ngayon, ang lahat ng kilos at gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang tao ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mabuting personalidad; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang bagay sa pamamagitan ng personalidad ng mga gayong tao at ang mga bagay na kanilang ginagawa ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Sa paggawa sa kanila, ginagamit lang ng Diyos kung ano na ang umiiral sa loob at bumabatay Siya sa “materyal” na mayroon na. Mga propeta man mula sa mga nakaraang kapanahunan o mga taong ginagamit ng Diyos, walang sinuman ang kayang direktang kumatawan sa Kanya. Ang lahat ng tao ay nagmamahal lamang sa Diyos dahil napipilitan sa mga nangyayari, at wala ni isa ang kusang nagsisikap upang makipagtulungan. Ano ang mga positibong bagay? Ang lahat ng direktang nanggagaling sa Diyos ay positibo. Gayunman, ang disposisyon ng tao ay naproseso na ni Satanas at hindi kayang kumatawan sa Diyos. Tanging ang pagmamahal, ang determinasyon na magdusa, ang katuwiran, pagpapasakop, at pagpapakumbaba at pagiging tago ng nagkatawang-taong Diyos ang direktang kumakatawan sa Diyos. Ito ay dahil noong Siya ay pumarito, Siya ay dumating nang walang makasalanang kalikasan at direktang dumating mula sa Diyos, nang hindi naproseso ni Satanas. Si Jesus ay kawangis lamang ng makasalanang laman at hindi kumakatawan sa kasalanan; samakatuwid, ang Kanyang mga kilos, gawa, at salita, hanggang sa panahon bago ang Kanyang pagtupad ng gawain sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus (kabilang ang sandali ng Kanyang pagpapapako sa krus), ay lahat direktang kumakatawan sa Diyos. Ang halimbawa ni Jesus ay sapat na upang patunayan na ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi kayang kumatawan sa Diyos, at na ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan. Kahit ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa tao ay maituturing lamang na nagabayan ng Banal na Espiritu at hindi masasabi na ginawa ng tao sa ngalan ng Diyos. Ngunit para sa tao, ang kanyang kasalanan man o ang kanyang disposisyon ay hindi kumakatawan sa Diyos. Tinitingnan ang gawaing nagawa ng Banal na Espiritu sa tao mula noon hanggang ngayon, taglay ng tao kung ano ang kanyang isinasabuhay dahil lamang gumawa sa kanya ang Banal na Espiritu. Lubhang kakaunti lamang ang nagagawang isabuhay ang katotohanan matapos ng pagpupungos at pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Ang ibig sabihin nito, tanging ang gawain ng Banal na Espiritu ang naroroon; ang kooperasyon sa panig ng tao ay wala. Malinaw mo na ba itong nakikita ngayon? Yamang ganito, paano mo gagawin ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan sa Kanya at tuparin nang maayos ang iyong tungkulin kapag gumagawa ang Banal na Espiritu?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 318

Ang iyong pananampalataya sa Diyos, ang iyong paghahangad sa katotohanan, at maging ang paraan ng iyong pag-asal ay dapat nakabatay lahat sa realidad: Dapat tunay at praktikal ang lahat, at hindi ka dapat maghangad ng mga bagay na hindi tunay at pantasya lamang. Walang halaga ang umasal nang ganito, at, bukod pa rito, walang kabuluhan sa gayong buhay. Dahil ang iyong paghahangad at buhay ay ginugugol sa kasinungalingan at panlilinlang lamang, at dahil hindi ka naghahangad ng mga bagay na may halaga at kabuluhan, ang tanging nakakamit mo ay mga balighong pangangatwiran at doktrinang lihis sa katotohanan. Walang kaugnayan ang gayong mga bagay sa kabuluhan at halaga ng iyong pag-iral, at madadala ka lamang ng mga ito sa isang hungkag na mundo. Sa ganitong paraan, ang buong buhay mo ay mawawalan ng anumang halaga o kabuluhan—at kung hindi ka naghahangad ng isang makabuluhang buhay, maaari kang mabuhay nang isandaang taon at ang lahat ng iyon ay mawawalan ng silbi. Paano iyan matatawag na buhay ng tao? Hindi ba’t ang totoo ay buhay iyan ng isang hayop? Gayundin, kung hinahangad ninyong tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos, ngunit wala kayong pagtatangkang hangarin ang Diyos na nakikita at sa halip ay sumasamba kayo sa isang di-nakikita at di-nahahawakang Diyos, hindi ba’t ang gayong paghahangad ay lalo pang walang-saysay? Sa huli, ang iyong paghahangad ay magiging isang tambak ng mga gumuho. Ano ang pakinabang sa iyo ng gayong paghahangad? Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay minamahal lamang niya ang mga bagay na hindi niya nakikita o nahahawakan, ang mga bagay na labis na mahiwaga at kamangha-mangha, at hindi mahinagap ng tao at hindi kayang maabot ng mga mortal. Habang lalong hindi makatotohanan ang mga bagay, lalong sinusuri ng mga tao ang mga ito, at hinahangad pa nga ng mga tao ang mga ito nang walang pakialam sa lahat ng ibang mga bagay, walang saysay na umaasang makamtan ang mga ito. Habang lalong hindi makatotohanan ang mga ito, lalong mahigpit na sinisiyasat at sinusuri ng mga tao ang mga ito, na umaabot pa nga sa pag-iimbento ng sarili nilang mga napakadetalyadong ideya tungkol sa mga ito. Sa kabaligtaran, habang lalong makatotohanan ang mga bagay, lalong binabalewala ng mga tao ang mga ito; minamaliit lamang nila ang mga ito, at hinahamak pa nga ang mga ito. Hindi ba’t ito ang mismong saloobin ninyo sa makatotohanang gawaing ginagawa Ko ngayon? Habang lalong makatotohanan ang gayong mga bagay, lalo kayong kumikiling laban sa mga ito. Hindi nga ninyo tinutulutan ang kahit kaunting pagkakataon na masuri ang mga iyon, sa halip ay hindi na lamang ninyo pinapansin ang mga iyon; hinahamak ninyo ang ganitong mga hinihingi na makatotohanan at may mababang pamantayan, at nagkikimkim pa nga kayo ng napakaraming kuru-kuro tungkol sa Diyos na ito na pinakapraktikal, at talagang wala kayong kakayahang tanggapin ang Kanyang pagiging praktikal at normal. Sa ganitong paraan, hindi ba’t isang malabong pananampalataya ang inyong pinanghahawakan? Mayroon kayong hindi natitinag na pananampalataya sa malabong Diyos ng nakalipas na panahon, at wala kayong interes sa praktikal na Diyos ng kasalukuyan. Hindi ba’t ito ay dahil ang Diyos ng kahapon at ang Diyos ng kasalukuyan ay mula sa dalawang magkaibang panahon? Hindi ba’t ito rin ay dahil ang Diyos ng kahapon ay ang dakila at matayog na Diyos ng kalangitan, samantalang ang Diyos ng kasalukuyan ay isa lamang maliit na tao sa lupa? Dagdag pa, hindi ba’t ito ay dahil ang diyos na sinasamba ng tao ay ang diyos na kinatha ng mga kuru-kuro nito, samantalang ang Diyos ng kasalukuyan ay ang nahahawakang katawang-tao na nagpapakita sa lupa? Sa huli, hindi ba’t ito ay dahil ang Diyos ng kasalukuyan ay masyadong makatotohanan kung kaya’t hindi Siya hinahangad ng tao? Sapagkat ang hinihingi ng Diyos ng kasalukuyan sa mga tao ay ang mismong pinakaayaw gawin ng mga tao, at ang nakapagpaparamdam sa kanila ng kahihiyan. Hindi ba’t ginagawa lamang nitong mahirap para sa mga tao ang mga bagay-bagay? Hindi ba’t inilalantad nito ang mga pilat ng mga tao? Bilang bunga, maraming tao ang hindi naghahangad ng makatotohanang Diyos, ng praktikal na Diyos, at nagiging kaaway ng nagkatawang-taong Diyos, na ang ibig sabihin, ay mga anticristo sila. Hindi ba’t ito ay isang malinaw na katunayan? Sa nakalipas, noong hindi pa nagkakatawang-tao ang Diyos, ikaw marahil ay naging isang relihiyosong tao o isang debotong mananampalataya. Pagkaraang magkatawang-tao ang Diyos, marami sa gayong mga debotong mananampalataya ang naging mga anticristo nang hindi nila namamalayan. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong pananampalataya sa Diyos, hindi ka nagtutuon ng pansin sa realidad o naghahangad sa katotohanan, bagkus ay nakatuon ka sa mga di-tunay na bagay—hindi ba’t ito ang pinakamalinaw na pinagmumulan ng iyong pagiging kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, kaya hindi ba’t anticristo ang lahat ng hindi nananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao? Kaya, tunay ba na ang iyong pinananampalatayaan at minamahal ay ang Diyos na ito na nagkatawang-tao? Ito nga ba ang buhay at humihingang Diyos na ito na pinakamakatotohanan at bukod-tanging normal? Ano ba mismo ang layunin ng iyong paghahangad? Ito ba ay nasa langit o nasa lupa? Ito ba ay isang kuru-kuro o ito ba ang katotohanan? Ito ba ay ang Diyos o ang isang nilalang na higit sa natural? Ang totoo, ang katotohanan ang pinakapraktikal na salawikain sa buhay, at ang pinakamataas na salawikain sa buhay para sa sangkatauhan. Sapagkat ito ang hinihingi ng Diyos sa tao, at ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, tinatawag itong isang “salawikain sa buhay.” Hindi ito isang salawikaing ibinuod mula sa kung anong bagay, at hindi rin ito isang tanyag na pahayag ng isang dakilang tao. Sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa May Kataas-taasang Kapangyarihan sa langit at lupa at lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ay tinatawag na “ang pinakamataas na salawikain sa buhay.” Ang paghahangad ng mga tao na isagawa ang katotohanan ay ang paggampan sa kanilang tungkulin—ibig sabihin, ito ay ang paghahangad na tugunan ang hinihingi ng Diyos. Ang diwa ng hinihinging ito ang pinakamakatotohanang katotohanan, sa halip na doktrinang hungkag na hindi makakamtan ng sinuman. Kung ang iyong paghahangad ay doktrina lamang at walang nilalamang realidad, hindi ba’t isa kang taong naghihimagsik laban sa katotohanan? Hindi ba’t isa kang tao na umaatake sa katotohanan? Paano mangyayari na ang gayong tao ay isang tao na naghahangad ng pagmamahal sa Diyos? Ang mga taong walang realidad ay iyong mga nagkakanulo sa katotohanan, at lahat sila ay likas na mapanghimagsik!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakakaunawa sa Kanyang Gawain ang mga Nagpapalugod sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 319

Ninanais ninyong lahat na magantimpalaan sa harap ng Diyos at matrato nang may pabor ng Diyos; inaasam ng bawat isa ang ganoong mga bagay kapag nagsimula na silang manampalataya sa Diyos, sapagkat abala ang bawat isa sa paghahangad ng mas matataas na bagay, at walang sinumang ibig mahuli sa iba. Ganito lamang talaga ang mga tao. Dahil mismo rito, marami sa inyo ang palaging sumusubok na magpalakas sa Diyos na nasa langit, subalit ang totoo, ang katapatan at pagiging bukas ninyo sa Diyos ay higit na mababa kaysa sa katapatan at pagiging bukas ninyo sa inyong mga sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat hindi Ko kinikilala ni katiting ang katapatan ninyo sa Diyos at, higit pa rito, dahil itinatatwa Ko ang pag-iral ng diyos na nasa puso ninyo. Ibig sabihin, ang diyos na sinasamba ninyo, ang malabong diyos na hinahangaan ninyo, ay hindi talaga umiiral. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang may labis na katiyakan ay dahil napakalayo ninyo sa tunay na Diyos. Ang diyos-diyosan sa puso ninyo ang dahilan ng katapatan ninyo; samantalang Ako naman, ang Diyos na tinitingnan ninyo bilang hindi dakila at hindi rin hamak, ay kinikilala lamang ninyo sa mga salita. Kapag sinabi Kong malayo kayo sa Diyos, ang ibig Kong sabihin ay malayo kayo sa tunay na Diyos, habang tila malapit lamang ang malabong diyos. Kapag sinabi Kong, “hindi dakila,” tumutukoy ito sa kung paanong ang Diyos na pinananampalatayaan ninyo ngayon ay tila tao lamang na walang mga kahanga-hangang abilidad, isang taong hindi gaanong matayog. At kapag sinabi Kong, “hindi hamak,” ang ibig sabihin nito ay bagama’t hindi kayang tawagin ng taong ito ang hangin at utusan ang ulan, nagagawa pa rin Niyang tawagin ang Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing yumayanig sa langit at lupa, na nagdudulot sa mga tao na lubos na malito. Sa panlabas, lahat kayo ay mukhang napakamasunurin sa Cristong ito na nasa lupa, subalit sa diwa, wala kayong pananalig sa Kanya, at hindi rin ninyo Siya minamahal. Na ibig sabihin, ang malabong diyos na iyon ng inyong mga damdamin ang tunay ninyong sinasampalatayaan, at ang tunay ninyong minamahal ay ang diyos na inyong pinananabikan sa gabi at sa araw, subalit hindi pa kailanman nakikita nang harapan. Napakaliit ng inyong pananalig, at wala kayong pagmamahal sa Cristong ito. Ang ibig sabihin ng pananalig ay pananampalataya at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pagmamahal ay pagsamba at paghanga sa puso ng isang tao, na hindi kailanman mawawalay. Subalit kulang na kulang nito ang pananalig at pagmamahal ninyo sa Cristo ng ngayon. Pagdating sa pananalig, paano kayo nananalig sa Kanya? Pagdating sa pagmamahal, sa paanong paraan ninyo Siya minamahal? Sadyang wala kayong pagkaunawa sa disposisyon Niya, at lalo namang wala kayong pagkaalam sa Kanyang diwa, kaya paano kayo nananalig sa Kanya? Nasaan ang realidad ng inyong pananalig sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pagmamahal sa Kanya?

Marami ang sumunod sa Akin nang walang pag-aatubili hanggang ngayon. Gayundin, dumanas kayo ng labis na pagkapagod sa nakaraang ilang taon. Malinaw na malinaw Kong naunawaan ang likas na katangian at mga gawi ng bawat isa sa inyo; labis na nakakapagod ang pakikisalamuha sa bawat isa sa inyo. Ang nakakalungkot ay bagama’t marami Akong naunawaan tungkol sa inyo, wala kayong nauunawaan sa Akin. Hindi nakapagtataka na sinasabi ng mga tao na napaniwala kayo ng panlilinlang ng isang tao sa isang sandali ng kalituhan. Tunay ngang wala kayong nauunawaan sa Aking disposisyon, at lalo namang hindi ninyo maarok kung ano ang nasa Aking isipan. Ngayon, tumitindi ang mga maling pagkaunawa ninyo tungkol sa Akin, at nananatiling litong pananalig ang pananalig ninyo sa Akin. Sa halip na sabihin na may pananalig kayo sa Akin, mas nababagay sabihing sinusubukan ninyong lahat na magpalakas sa Akin at mambola sa Akin. Napakapayak ng mga motibo ninyo: Susunod ako sa sinumang kayang maggantimpala sa akin, at mananampalataya ako sa sinumang nagtutulot sa aking makatakas sa malalaking sakuna, siya man ay ang Diyos o sinumang partikular na diyos. Wala sa mga ito ang alalahanin ko. Marami sa inyo ang ganitong klase ng tao, at napakalubha ng kalagayang ito. Kung, isang araw, may isang pagsubok upang malaman kung ilan sa inyo ang may pananalig kay Cristo dahil sa kabatiran sa Kanyang diwa, nangangamba Akong wala ni isa man sa inyo ang makakatugon sa mga ninanais Ko. Kaya makabubuti para sa bawat isa sa inyo na isaalang-alang ang tanong na ito: Napakalaki ng pagkakaiba sa Akin ng diyos na sinasampalatayahan ninyo, at yamang ganito, ano kung gayon ang diwa ng pananalig ninyo sa Diyos? Habang mas nananampalataya kayo sa inyong tinaguriang diyos, mas lalo kayong napapalayo sa Akin. Kung gayon, ano ang diwa ng usaping ito? Tiyak na wala ni isa man sa inyo ang nagsaalang-alang kailanman sa katanungang tulad nito, ngunit naisip ba ninyo ang bigat nito? Napag-isipan ba ninyo ang mga kahihinatnan ng patuloy na pananampalataya sa ganitong paraan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Talaga Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 320

Pinahahalagahan Ko talaga ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko talaga ang mga handang tanggapin ang katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uring ito ng mga tao, dahil matatapat silang tao sa Aking paningin. Kung masyado kang mapanlinlang, magiging mapagbantay at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananalig mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananalig. Sa kakulangan ng tunay na pananalig, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung kaya mo pa ngang pagdudahan ang Diyos at maghaka-haka tungkol sa Kanya nang basta-basta, walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Naghahaka-haka ka kung maaari bang maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, makitid ang pag-iisip, salat sa pagiging makatarungan at pagiging makatwiran, walang pagpapahalaga sa katarungan, gumagamit ng malulupit na kaparaanan, lihim na mapanira at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong mga kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni katiting na pagkakilala sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananalig! Mayroon pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagugustuhan Ko ay iyon lamang marurunong mambola at sumipsip, at na iyong hindi marurunong gumawa niyon ay hindi tatanggapin sa sambahayan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng maraming taon? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang pagkakilala ninyo sa Akin; ang mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at paninirang-puri ninyo sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pakikipag-alitan sa Akin ang pananalig na tulad ng sa inyo. Sa loob ng maraming taon ng gawain, marami na kayong nakitang katotohanan, ngunit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong magbayad ng halaga para sa katotohanan, ngunit ilan sa inyo ang tunay na nagdusa para sa katotohanan? Walang iba kundi pagiging hindi matuwid ang nasa puso ninyo, na nagpapaisip sa inyo na ang lahat, maging sinuman sila, ay parehong mapanlinlang at baliko—hanggang sa puntong naniniwala pa nga kayo na ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng normal na tao, ay maaaring walang mabuting puso o mapagmalasakit na pagmamahal. Higit pa riyan, naniniwala kayo na sa Diyos na nasa langit lamang umiiral ang isang marangal na birtud at isang mahabagin at mapagmalasakit na kalikasan. Naniniwala kayong hindi umiiral ang isang banal na taong gaya nito, na tanging kadiliman at kasamaan lamang ang naghahari sa lupa, samantalang ang Diyos ay isang bagay na pinaglalagakan ng mga tao ng kanilang pananabik sa mabuti at maganda, isang maalamat na tauhan na gawa-gawa lamang nila. Sa inyong mga isipan, ang Diyos na nasa langit ay lubhang marangal, matuwid, at dakila, karapat-dapat na sambahin at hangaan; samantalang itong Diyos na nasa lupa ay panghalili lamang, at isang kasangkapan, ng Diyos na nasa langit. Naniniwala kayo na hindi magiging kapantay ng Diyos na nasa langit ang Diyos na ito, at lalong hindi man lang maikukumpara sa Kanya. Pagdating sa kadakilaan at karangalan ng Diyos, ang mga ito ay kaluwalhatian ng Diyos na nasa langit, ngunit pagdating sa kalikasan at katiwalian ng tao, mga bagay ito na may bahagi ang Diyos na nasa lupa. Walang-hanggang matayog ang Diyos na nasa langit, samantalang magpakailanmang hamak, mahina, at walang kakayahan ang Diyos na nasa lupa. Walang mga damdamin ng laman ang Diyos na nasa langit, kundi mayroon lamang pagiging matuwid, samantalang may makasariling mga motibo lamang at walang anumang pagkamakatarungan o pagiging makatwiran ang Diyos na nasa lupa. Wala kahit katiting na pagkabaliko ang Diyos na nasa langit at tapat Siya magpakailanman, samantalang laging may bahaging hindi matapat ang Diyos na nasa lupa. Mahal na mahal ng Diyos na nasa langit ang tao, samantalang nagpapakita ng hindi sapat na pag-aaruga sa tao ang Diyos na nasa lupa, at lubos pa nga itong pinababayaan. Matagal na sa puso ninyo ang walang-katotohanang kaalamang ito; mali ito, at baka ipagpatuloy ninyo sa hinaharap. Tinitingnan ninyo ang lahat ng gawa ni Cristo mula sa pananaw ng mga hindi matuwid at sinusuri ninyo ang lahat ng Kanyang gawain, gayundin ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa, mula sa pananaw ng masasama. Nakagawa kayo ng matinding pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi pa kailanman nagawa ng mga nauna sa inyo. Ibig sabihin, napaglingkuran lamang ninyo ang matayog na diyos na nasa langit na may korona sa kanyang ulo, samantalang hindi kailanman kayo “nagseserbisyo” sa Diyos na itinuturing ninyo na napakahamak na Siya ay sadyang hindi ninyo nakikita. Hindi ba’t ito ay inyong kasalanan? Hindi ba’t isa itong tipikal na halimbawa ng pagkakasala ninyo sa disposisyon ng Diyos? Masigasig ninyong sinasamba ang diyos na nasa langit. Lubos ninyong iginagalang ang matatayog na larawan at labis na hinahangaan ang mga taong may pambihirang kahusayan sa pagsasalita. Handang-handa kang mautusan ng diyos na pumupuno sa iyong mga kamay ng mga kayamanan, at labis mong inaasam ang diyos na makatutupad ng bawat pagnanais mo. Ang Siyang nag-iisang hindi mo sinasamba ay ang Diyos na ito na hindi matayog; ang nag-iisang bagay na kinasusuklaman mo ay ang pakikisama sa Diyos na ito na hindi kayang tingalain ng sinuman. Ang tanging bagay na ayaw mong gawin ay ang gumawa para sa Diyos na ito na hindi kailanman nagbigay sa iyo ng kahit isang sentimo, at ang nag-iisang Siya na hindi ka magawang manabik sa Kanya ay ang hindi kaibig-ibig na Diyos na ito. Walang kakayahan ang Diyos na ito na mapalawak ang mga pananaw mo, na maiparamdam sa iyo na tila ba may natagpuan kang kayamanan, at lalo na ang matupad ang nais mo. Kung gayon, bakit mo Siya sinusunod? Napag-isipan mo na ba ang mga katanungang tulad nito? Sa ginagawa mo ay hindi ka lamang sumasalungat sa Cristong ito; ang mas mahalaga, sumasalungat ka sa Diyos na nasa langit. Sa palagay Ko, hindi ito ang layunin ng pananalig ninyo sa Diyos!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Talaga Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 321

Inaasam ninyo na kalugdan kayo ng Diyos, subalit malayo kayo sa Diyos. Ano ang problema rito? Ang mga salita lamang Niya ang tinatanggap ninyo, ngunit hindi ang pagpupungos Niya, lalong hindi ninyo magawang tanggapin ang bawat pagsasaayos Niya, ang magkaroon ng ganap na pananalig sa Kanya. Kung gayon, ano ang problema rito? Sa huling pagsusuri, ang inyong pananalig ay isang hungkag na balat ng itlog, iyong hindi kailanman makabubuo ng sisiw. Sapagkat hindi nakapagdala sa inyo ng katotohanan o nakapagbigay sa inyo ng buhay ang inyong pananalig, bagkus ay nakapagbigay ito sa inyo ng huwad na pagkaramdam ng pagtustos at pag-asa. Itong pagkaramdam ng pagtustos at pag-asa ang layunin ninyo sa pananampalataya sa Diyos, hindi ang katotohanan at ang buhay. Kaya’t sinasabi Ko na ang naging takbo ng inyong pananalig sa Diyos ay walang iba kundi ang subukang makakuha ng pabor sa Diyos sa paraang nagpapaalipin at walang kahihiyan, at sa kahit anong paraan ay hindi ito maituturing na tunay na pananalig. Paano isisilang ang isang sisiw sa pananalig na tulad nito? Sa madaling salita, ano ang maisasakatuparan ng pananalig na tulad nito? Ang layunin ng pananalig ninyo sa Diyos ay ang gamitin Siya upang makamit ang inyong mga nilalayon. Hindi ba’t dagdag itong katunayan ng inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos? Naniniwala kayo na umiiral ang Diyos na nasa langit at itinatatwa ninyo na umiiral ang Diyos na nasa lupa, subalit hindi Ko kinikilala ang mga pananaw ninyo; sinasang-ayunan Ko lamang ang mga taong pinaglilingkuran ang Diyos sa lupa nang matatag na nakatapak sa lupa ang mga paa, ngunit hindi kailanman ang mga hindi kumikilala sa Cristo na nasa lupa. Gaano man katapat sa Diyos na nasa langit ang ganitong mga tao, sa huli ay hindi pa rin nila matatakasan ang Aking kamay na nagpaparusa sa masasama. Ang mga taong ito ang masasama; sila ang masasamang kumokontra sa Diyos at hindi kailanman maluwag sa loob na nagpasakop kay Cristo. Siyempre, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi nakakikilala, at, dagdag pa rito, ay hindi kumikilala kay Cristo. Naniniwala ka ba na maaari mong itrato si Cristo ayon sa iyong kagustuhan hangga’t tapat ka sa Diyos na nasa langit? Mali! Kamangmangan sa Diyos na nasa langit ang kamangmangan mo kay Cristo. Gaano ka man katapat sa Diyos na nasa langit, walang kabuluhang pagsasalita at pagkukunwari lamang ito, dahil ang Diyos na nasa lupa ay hindi lamang nakatutulong sa pagkakamit ng tao sa katotohanan at sa pagkakaroon ng mas malalim na kaalaman, kundi higit pa riyan ay nakatutulong sa pagkondena sa tao at, pagkatapos, sa pagsunggab sa mga katunayan upang parusahan ang masasama. Naunawaan mo na ba ang mga kapaki-pakinabang at nakapipinsalang kalalabasan dito? Naranasan mo na ba ang mga ito? Hiling Ko para sa inyo na maunawaan ninyo sa nalalapit na panahon ang katotohanang ito: Para makilala ang Diyos, kailangan ninyong makilala hindi lamang ang Diyos na nasa langit kundi, higit pang mahalaga, ang Diyos na nasa lupa. Huwag kayong malito sa inyong mga prayoridad o pumayag na mahalinhan ng pangalawa ang pangunahin. Tanging sa ganitong paraan ka lamang tunay na makabubuo ng magandang ugnayan sa Diyos, mas mapapalapit sa Diyos, at higit na mailalapit sa Kanya ang puso mo. Kung maraming taon ka nang nananalig at matagal ka nang nakikisalamuha sa Akin, subalit nananatili kang malayo sa Akin, kung gayon ay sinasabi Ko na tiyak na madalas kang sumasalungat sa disposisyon ng Diyos, at magiging napakahirap hulaan ang kalalabasan mo. Kung ang maraming taon ng pakikisalamuha mo sa Akin ay hindi lamang nabigong baguhin ka para maging isang taong nagtataglay ng pagkatao at ng katotohanan, kundi, bukod dito ay pinag-ugat na ang masasama mong gawi sa iyong kalikasan, at hindi lamang dumoble ang pagmamataas mo kaysa dati, kundi dumami rin ang mga maling pagkaunawa mo sa Akin, kung kaya’t itinuturing mo na Ako na iyong kalaro, kung gayon ay sinasabi Ko na hindi na lamang paimbabaw ang sakit mo kundi tumagos na sa mismong mga buto mo. Ang nalalabi na lamang ay hintayin mong matapos ang pagsasaayos ng iyong libing. Hindi mo na kailangang magsumamo sa Akin na maging Diyos mo, dahil nakagawa ka ng kasalanang nararapat sa kamatayan, isang kasalanang walang kapatawaran. Kahit pa mapalalampas kita, igigiit ng Diyos na nasa langit na kunin ang buhay mo, dahil hindi pangkaraniwang suliranin ang pagkakasala mo laban sa disposisyon ng Diyos, kundi isang may napakalubhang kalikasan. Pagdating ng oras, huwag mo Akong sisihin na hindi kita sinabihan nang maaga. Bumabalik ang lahat dito: Kapag nakipag-ugnayan ka kay Cristo—ang Diyos na nasa lupa—bilang isang ordinaryong tao, na ibig sabihin, kapag naniwala kang ang Diyos na ito ay walang iba kundi isang tao lamang, saka ka mamamatay. Ito lamang ang babala Ko sa inyong lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Talaga Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 322

Umiiral lamang sa tao ang tila naririyan at tila hindi naririyan na salita na “pananalig,” subalit hindi alam ng tao kung ano ang aktuwal na bumubuo sa pananalig, lalong hindi niya alam kung bakit niya ito dapat taglayin. Masyadong kaunti ang nauunawaan ng tao, at ang tao ay malaki ang kakulangan; ang pananalig niya sa Akin ay walang iba kundi bulag at hangal. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananalig, ni kung bakit may pananalig siya sa Akin, patuloy siyang nananampalataya sa Akin nang may pagkahumaling. Ang hinihingi Ko sa tao ay hindi lamang para tumawag sa Akin nang may pagkahumaling sa ganitong paraan o manampalataya sa Akin sa isang pabasta-bastang paraan, sapagkat ang gawaing Aking ginagampanan ay upang makita Ako ng tao, at makilala Ako, hindi upang tingnan Ako ng tao nang may bagong pagkaunawa. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at gumawa ng maraming milagro, at pinakitaan Ako ng mga Israelita noong panahong iyon ng matinding paghanga at lubhang iginalang ang Aking pambihirang kapangyarihan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, ang tingin ng mga Hudyo sa Aking kapangyarihang magpagaling ay pagkadalubhasa, pambihira—at dahil gumawa Ako ng napakaraming gawain, tiningala nila Akong lahat, at inggit na inggit sila sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya naman, lahat ng nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, kaya napalibutan Ako ng libo-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng napakaraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng mga tao bilang isang dalubhasang manggagamot; naghayag din Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Akong isang gurong nakahihigit sa kanyang mga aprentis! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang mga pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon na Ako ay isang magaling na manggagamot na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang, at nilimitahan nila Ako bilang mahabaging Panginoong Jesucristo. Iyong mga nagbibigay-kahulugan sa mga Banal na Kasulatan ay maaaring nalampasan na ang Aking “mga kasanayan” sa pagpapagaling, o maaaring mga aprentis na nadaig na ngayon ang kanilang guro, ngunit ang ganoong mga tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako na napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Napakarami ng Aking mga gawa, ang mga ito ay mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat, at ang Aking karunungan ay napakadakila, mas mataas ito kaysa sa karunungan ng lahat ng anak ni Solomon, ngunit sumasampalataya lang sa Akin ang mga tao na para bang isa Akong hamak na manggagamot at isang hindi kilalang guro ng tao. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking kapangyarihan upang itaboy ang maruruming espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming nananampalataya sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa kabilang buhay. Napakaraming nananampalataya sa Akin para maiwasan ang pagdurusa ng impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad magkamit ng anuman sa kabilang buhay. Kapag ibinuhos Ko ang Aking galit sa mga tao at sinasamsam Ko ang lahat ng kagalakan at kapayapaan na dati nilang taglay, napupuno sila ng pagdududa. Kapag ibinibigay Ko sa mga tao ang pagdurusa ng impiyerno at binabawi Ko ang mga pagpapala ng langit, nagagalit sila nang husto. Kapag hinihiling sa Akin ng mga tao na pagalingin Ko sila, at hindi Ko sila pinapansin at nakadarama Ako ng pagkasuklam sa kanila, nililisan nila Ako upang sa halip ay hanapin ang paraan ng malademonyong panggagamot at pangkukulam. Kapag inaalis Ko ang lahat ng hiningi ng mga tao sa Akin, naglalaho silang lahat nang walang bakas. Samakatwid, sinasabi Ko na ang mga tao ay may pananalig sa Akin sapagkat masyadong masagana ang biyaya Ko, at dahil masyadong maraming pakinabang na makakamit. Ang mga tao sa sambahayan ng mga Hudyo ay sumampalataya sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sinundan Ako saan man Ako magtungo. Ang mga ignoranteng taong ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay naghangad lamang na makita ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng sambahayan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakadakilang milagro. Kung kaya, noong nagpapalayas Ako ng mga demonyo para sa mga tao, nag-uusap-usap sila: Sinasabi nilang Ako si Elias, na Ako si Moises, na Ako ang pinakasinauna sa lahat ng propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng manggagamot. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na Ako ang buhay, ang daan, at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagiging Diyos o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos din Mismo. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na dadalhin Ko ang pagtubos sa buong sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaaalam na Ako ang Manunubos ng sangkatauhan, at kilala lang Ako ng mga tao bilang isang taong maganda ang loob at mahabagin. At bukod sa Aking sariling pagpapaliwanag ng lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakikilala sa Akin, at walang naniniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Gayon ang pananalig ng tao sa Akin, at sa gayong paraan Ako sinusubukang linlangin. Paano sila makapagpapatotoo sa Akin kung ganoon ang taglay nilang pananaw tungkol sa Akin?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananalig?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 323

Matagal nang nananampalataya ang mga tao sa Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi nauunawaan ang ibig sabihin ng salitang “Diyos,” at sumusunod lamang sila nang may pagkalito. Wala silang kaalam-alam kung bakit talaga dapat manampalataya ang tao sa Diyos, o kung ano ang Diyos. Kung ang alam lamang ng tao ay manampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, at kung hindi rin niya kilala ang Diyos, hindi ba napakalaking biro lamang nito? Kahit malayo na ang narating, maraming nasaksihan ang mga tao na makalangit na mga hiwaga, at nakarinig ng maraming napakalalim na kaalamang hindi kailanman naunawaan ng tao noon, wala silang alam tungkol sa marami sa pinakamabababaw na mga katotohanang hindi napag-isipan ng tao noon. Maaaring sabihin ng ilan na, “Maraming taon na kaming nananampalataya sa Diyos. Paanong hindi namin malalaman kung ano ang Diyos? Hindi ba’t minamaliit Mo kami sa pagsasabi Mo nito?” Gayunman, ang totoo, kahit sumusunod sa Akin ang mga tao ngayon, wala silang alam tungkol sa anuman sa gawain sa ngayon, at bigo silang maintindihan kahit ang pinakamabababaw at pinakamadadaling tanong, lalo na ang pinakakomplikadong mga tanong na tulad ng tungkol sa Diyos. Dapat mong malaman na ang mga katanungang hindi mo pinapansin, na hindi mo pa natutukoy, ang siyang pinakamahalagang maunawaan mo, sapagkat ang alam mo lamang ay sumunod sa karamihan, nang hindi pinapansin at walang pakialam kung ano ang dapat mong isangkap sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananalig sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang taong may pananalig sa Diyos, kung hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito, hindi ka ba nawawalan ng dignidad ng isang mananampalataya sa Diyos? Ang gawain Ko ngayon ay ito: ang ipaunawa sa mga tao ang diwa nila, ipaunawa ang lahat ng Aking ginagawa, at idulot na makilala nila ang tunay na mukha ng Diyos. Ito ang gawaing tatapos sa Aking plano ng pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawain. Kaya sinasabi Ko sa inyo nang maaga ang lahat ng hiwaga ng buhay, upang matanggap ninyong lahat ito mula sa Akin. Dahil ito ang gawain sa huling kapanahunan, kailangan Kong sabihin sa inyo ang lahat ng buhay katotohanan na hindi ninyo kailanman tinanggap noon—bagama’t wala kayong kakayahang arukin o pasanin ito—dahil sadyang salat na salat kayo at labis na di-nasasangkapan. Wawakasan Ko ang Aking gawain; kokompletuhin Ko ang gawaing dapat Kong gawin, at ipapaalam Ko sa inyo ang lahat ng inatas Ko sa inyo, kung hindi ay muli kayong maligaw ng landas at mahulog sa mga pakana ng masama kapag dumating ang kadiliman. Maraming daang hindi ninyo nauunawaan, maraming bagay kayong hindi nalalaman. Napakamangmang ninyo; alam na alam Ko ang inyong tayog at inyong mga kakulangan. Samakatwid, kahit maraming salitang hindi ninyo kayang arukin, handa pa rin Akong sabihin sa inyo ang lahat ng katotohanang ito na hindi ninyo kailanman tinanggap noon, dahil lagi Akong nag-aalala kung nagagawa ninyo, sa inyong kasalukuyang tayog, na manindigan sa inyong patotoo sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo; mga hayop kayong lahat na kailangan pang sumailalim sa Aking pormal na pagsasanay, at hindi Ko talaga makita kung gaano kalaki ang kaluwalhatiang nasa inyo. Bagama’t gumugol Ako ng labis na pagsisikap sa paggawa sa inyo, tila iilan lang ang inyong mga positibong aspekto, at ang mga negatibong aspekto ay hindi matagpuan; sadyang isa lang itong patotoo na naghahatid ng kahihiyan kay Satanas. Halos lahat ng iba pang nasa inyo ay lason ni Satanas. Ang tingin Ko sa inyo ay parang hindi na kayo maaaring iligtas. Sa lagay ng mga bagay-bagay, tinitingnan Ko ang iba’t ibang ekspresyon at kilos ninyo, at sa wakas, alam Ko na ang tunay ninyong tayog. Kaya palagi Akong nag-aalala sa inyo: Mag-isang namumuhay, talaga kayang ang magiging kalagayan ninyo ay mas mabuti o maikukumpara sa kalagayan ninyo ngayon? Hindi ba kayo nababahala sa napakababang tayog ninyo? Talaga bang kaya ninyong maging katulad ng mga taong hinirang sa Israel—tapat sa Akin, at sa Akin lamang, sa lahat ng oras? Ang nabubunyag sa inyo ay hindi ang kapilyuhan ng mga bata kapag nahiwalay ang mga ito sa kanilang mga magulang, kundi ang kabangisang lumalabas mula sa mga hayop na hindi abot ng mga latigo ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong kalikasan, na siya ring kahinaan ninyong lahat; ito ay isang sakit na karaniwan sa inyong lahat. Sa gayon, ang panghihikayat Ko lamang sa inyo ngayon ay manindigan kayo sa inyong patotoo sa Akin. Anuman ang sitwasyon, huwag ninyong tulutang bumalik ang dati ninyong sakit. Ang pinakamahalaga ay magpatotoo—ito ang ubod ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanya sa isang panaginip, naniniwala at pagkatapos ay nagpapasakop. Ito lamang ang maituturing na pagiging dalisay. Sapagkat kayo ang nakaririnig sa pinakamarami sa Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Ibinigay Ko na sa inyo ang lahat ng mahahalagang pag-aari Ko, lubos Ko nang ipinagkaloob sa inyo ang lahat, subalit ang inyong halaga ay lubhang naiiba sa halaga ng mga tao ng Israel—talagang napakalaki ng pagkakaiba. Ngunit kumpara sa kanila, mas marami kayong natanggap; samantalang desperado silang naghihintay sa Aking pagpapakita, masasaya ang mga araw ninyo sa piling Ko, nakikibahagi sa Aking kasaganaan. Dahil sa pagkakaibang ito, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatan na putakan at kataluhin Ako at hingin ang inyong bahagi ng Aking mga pag-aari? Hindi ba marami na kayong natanggap? Napakarami Kong ibinibigay sa inyo, ngunit ang iginaganti ninyo sa Akin ay makabagbag-damdaming kalungkutan at pagkabalisa, di-mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Labis kayong kasuklam-suklam—subalit nakakaawa rin kayo, kaya wala Akong ibang magagawa kundi lunukin ang lahat ng sama ng loob Ko at iparating ang mga pagtutol Ko sa inyo nang paulit-ulit. Sa nakalipas na ilang libong taon ng gawain, hindi Ako tumutol kailanman sa sangkatauhan dahil natuklasan Ko na, sa buong pag-unlad ng sangkatauhan, ang mga panlalansi lamang sa inyo ang kilalang-kilala, na parang mahahalagang pamanang iniwan sa inyo ng sikat na mga ninuno noong unang panahon. Labis Akong namumuhi sa mga mas masahol pa kaysa mga baboy at aso. Masyado kayong walang konsensiya! Napakababa ng karakter ninyo! Napakatigas ng puso ninyo! Kung nadala Ko ang gayong mga salita at gawain sa mga Israelita, matagal na sana Akong nagtamo ng kaluwalhatian. Ngunit sa inyo ay hindi ito posibleng makamit; sa inyo, mayroon lamang malupit na kapabayaan, inyong pagbabalewala, at inyong mga pagdadahilan. Ang inyong mga pandama ay masyadong manhid, at lubusan kayong walang halaga!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkakilala Mo sa Diyos?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 324

Dapat nauunawaan na ninyong lahat ngayon ang totoong kahulugan ng pananalig sa Diyos. Nauugnay sa positibong pagpasok ninyo ang kahulugan ng pananalig sa Diyos na dati Ko nang nabanggit. Iba ngayon: Ngayon, hihimayin Ko ang diwa ng pananalig ninyo sa Diyos. Siyempre, ginagabayan kayo nito mula sa isang negatibong aspekto; kung hindi Ko ito gagawin, hindi ninyo kailanman malalaman ang tunay ninyong mukha, at magpakailanmang ipagyayabang ang pagkamaka-Diyos at katapatan ninyo. Makatarungang sabihing kung hindi Ko hinukay ang kapangitan sa kaibuturan ng puso ninyo, maglalagay ng korona sa ulo ang bawat isa sa inyo at aangkinin ninyo ang lahat ng kaluwalhatian. Ang mapagmataas at palalong mga kalikasan ninyo ang nagtutulak sa inyo na ipagkanulo ang sarili ninyong mga konsensiya, na maghimagsik laban kay Cristo at lumaban sa Kanya, at ibunyag ang inyong mga pangit na mukha, sa gayon ay inilalantad ang inyong mga intensiyon, mga kuru-kuro, mga labis-labis na pagnanais, at mga matang puno ng kasakiman. Gayumpaman ay patuloy kayong nagdedeklara ng inyong habambuhay na sigasig para sa gawain ni Cristo, at patuloy na nagsasabi at nag-uulit ng mga katotohanang matagal nang sinabi ni Cristo. Ito ang “pananalig” ninyo—ang inyong “pananalig na walang karumihan.” Iginiit Ko ang mahigpit na pamantayan sa tao mula pa man noon. Kung may kaakibat na mga intensiyon at kondisyon ang katapatan mo, mas nanaisin Ko pang wala ang tinatawag mong katapatan, sapagkat kinapopootan Ko ang mga taong nanlilinlang sa Akin gamit ang kanilang mga intensiyon at nangingikil sa Akin gamit ang mga kondisyon. Nais Ko lamang na maging lubos na tapat sa Akin ang tao, at gawin ang lahat ng bagay alang-alang sa isang salita at para patunayan ito: pananalig. Kinasusuklaman Ko ang paggamit ninyo ng mga pambobola upang subukang pasayahin Ako, sapagkat palagi Ko kayong pinakikitunguhan nang may sinseridad, at kaya ninanais Ko ring pakitunguhan ninyo Ako nang may totoong pananalig. Pagdating sa pananalig, maaaring iniisip ng marami na sumusunod sila sa Diyos sapagkat may pananalig sila, kung hindi ay hindi sila magtitiis ng gayong pagdurusa. Kaya ito ang tanong Ko sa iyo: Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos, bakit hindi mo Siya kailanman kinatatakutan? Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos, bakit wala ka ni katiting na pagkasindak sa Kanya sa puso mo? Kung kinikilala mong si Cristo ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, bakit hinahamak mo Siya? Bakit ka lapastangang umaasal sa Kanya? Bakit lantaran mo Siyang hinuhusgahan? Bakit palagi mong minamanmanan ang Kanyang mga pagkilos? Bakit hindi ka nagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos? Bakit hindi mo itinuturing ang Kanyang salita bilang pamantayan ng iyong mga kilos? Bakit ka nangingikil at nagnanakaw ng mga handog para sa Kanya? Bakit sinusubukan mong magsalita mula sa posisyon ni Cristo? Bakit mo sinusuri kung tama ba ang gawain at salita Niya? Bakit ka nangangahas na lapastanganin Siya sa Kanyang likuran? Ang mga ito ba at ang iba pa ang bumubuo sa pananalig ninyo?

Sa mga salita at pag-uugali ninyo ay nahahayag ang mga elemento ng hindi ninyo paniniwala kay Cristo. Lumalaganap ang hindi paniniwala sa mga motibo at mga layon ng lahat ng ginagawa ninyo. Maging ang ipinapamalas ng titig ninyo ay naglalaman ng hindi paniniwala kay Cristo. Maaaring sabihing sa bawat minuto, nagkikimkim ang bawat isa sa inyo ng mga elemento ng hindi paniniwala. Ibig sabihin, sa bawat sandali, kayo ay nanganganib na ipagkanulo si Cristo, sapagkat ang dugong nananalaytay sa katawan ninyo ay may halong hindi paniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, sinasabi Kong hindi tunay ang mga yapak na iniiwan ninyo sa landas ng pananalig sa Diyos; habang tinatahak ninyo ang landas ng pananalig sa Diyos, hindi ninyo itinatayo nang matatag ang mga paa ninyo sa lupa—kayo ay wala sa loob na kumikilos lamang. Palagi ninyong hindi lubos na sinasampalatayanan ang salita ni Cristo at walang kakayahang isagawa ito kaagad. Ito ang dahilan kung bakit wala kayong pananalig kay Cristo. Ang palaging pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya ay isa pang dahilan kaya wala kayong pananalig sa Kanya. Magpakailanmang nagdududa tungkol sa gawain ni Cristo, hinahayaang nababalewala ang salita ni Cristo, pagkakaroon ng opinyon at hindi pagkaunawa nang tama sa lahat ng ginagawa ni Cristo, nahihirapang bitiwan ang mga kuru-kuro ninyo kahit ano pang paliwanag ang matanggap ninyo, at iba pa—ang lahat ng ito ang mga elemento ng hindi paniniwalang nakahalo sa mga puso ninyo. Kahit na nasusundan ninyo ang gawain ni Cristo at hindi kailanman napag-iiwanan, masyadong maraming paghihimagsik ang nakahalo sa mga puso ninyo. Ang paghihimagsik na ito ay isang karumihan sa pananampalataya ninyo sa Diyos. Marahil ay hindi ninyo kinikilala na tama ito, ngunit kung hindi mo kayang makilala ang mga intensiyon mo mula rito, siguradong magiging isa ka sa mga mamamatay, sapagkat ginagawang perpekto lamang ng Diyos ang mga totoong nananampalataya sa Kanya, hindi iyong mga hindi lubos na nananampalataya sa Kanya, at pinakalalong hindi iyong mga atubiling sumusunod sa Kanya sa kabila ng hindi paniniwala kailanman na Siya ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka ba Talagang Mananampalataya sa Diyos?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 325

Hindi nagmamahal sa katotohanan ang ilang tao, lalong hindi sa paghatol. Sa halip, nagmamahal sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may kapangyarihan, at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na nananampalataya, at wala silang kakayahang ilaan ang buong katawan at isip nila; ang mga bibig nila ay bumibigkas ng mga salita ng paggugol ng sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa mga dakilang pastor at guro, at hindi man lang sinusulyapan si Cristo. Ang isipan nila ay puno ng mga kaisipan ng kasikatan, pakinabang, at karangalan. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoong kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang taong hindi kapansin-pansin ay kayang gawing perpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na ito na nasa gitna ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang gayong mga tao ang mga pakay ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay sasakit ang tiyan sa kakatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga tao upang gawing perpekto, kung gayon ang mga dakilang pigurang iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay may bahid ng di-paniniwala; higit pa sa hindi paniniwala, sila ay mga walang katwirang hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, prestihiyo, at kapangyarihan, at pinahahalagahan nila ang malalaking grupo at denominasyon, at hinahamak nila ang mga pinamumunuan ni Cristo. Sila ay sadyang mga nagkakanulo na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi mo hinahangaan ang pagpapakumbaba ni Cristo, pero pinagpipitagan mo ang mga huwad na pastol na iyon na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, pero kinagigiliwan mo iyong mahahalay na nakikisabay sa karumihan ng mundo. Tinutuya mo lang ang pasakit ni Cristo dahil wala Siyang lugar na mapagpahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na nagnanakaw ng mga handog at namumuhay sa kahalayan. Hindi ka handang magdusa kasama ni Cristo, ngunit kusang-loob mong inihahagis ang sarili mo sa mga bisig ng mga walang habas at sutil na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang mga puwersa. Gayumpaman, patuloy mong tinataglay ang saloobin na nahihirapan kang tanggapin ang gawain ni Cristo at ayaw mo itong tanggapin. Ito ang tanging dahilan kung bakit sinasabi Kong wala kang pananalig na kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumusunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nagtataasan sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at kamay. Sa puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Sa puso mo, hindi Siya mahalaga magpakailanman, isa Siyang tao magpakailanman na hindi karapat-dapat na katakutan. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensiya, at malayo sa pagiging matayog.

Ano’t anuman, sinasabi Ko na ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga hindi mananampalataya at mga nagkakanulo sa katotohanan. Ang mga gayong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. Natanto mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang hindi paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano ang pagkakanulo mo kay Cristo? Ikaw ay Aking hinihikayat nang ganito: Dahil pinili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag kang mag-alinlangan o maging hindi buo ang loob. Dapat mong maunawaan na ang Diyos ay hindi Diyos ng mundo ni ng sinumang iisang tao, kundi Diyos ng lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, ng lahat ng sumasamba sa Kanya, at ng lahat ng mga deboto at tapat sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka ba Talagang Mananampalataya sa Diyos?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 326

Sa kanilang pananalig, hinahangad ng mga tao na bigyan sila ng Diyos ng angkop na hantungan at ng lahat ng biyayang gusto nila, na gawing alipin nila ang Diyos, na gawin Siyang magpanatili ng isang mapayapa at palakaibigang relasyon sa kanila nang sa gayon, anumang oras, ay hindi magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Ibig sabihin, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, dapat talaga Siyang mangako na tugunan ang lahat ng kanilang kahilingan at ipagkaloob Niya sa kanila ang anumang hinihiling nila, tulad ng mga salitang nabasa nila sa Bibliya: “Pakikinggan Ko ang lahat ng inyong mga hinihiling.” Inaasahan nila na hindi hahatulan o pupungusan ng Diyos ang sinuman, sapagkat noon pa man ay Siya na ang maawaing Tagapagligtas na si Jesus na nagpapanatili ng mabuting kaugnayan sa mga tao sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Ang paraan kung paano nananampalataya ang mga tao sa Diyos ay ang sumusunod: Walang-kahihiyan silang humihiling sa Diyos, naniniwala na mapanghimagsik man sila o masunurin, kailangan lang Niya na patuloy na ipagkaloob ang lahat ng bagay sa kanila. Patuloy lamang silang “naniningil ng mga utang” mula sa Diyos, naniniwala na kailangan Niya silang “bayaran” nang walang anumang pagtutol at, bukod pa riyan, magbayad nang doble. Iniisip nila, kung may nakuha man ang Diyos sa kanila o wala, maaari lamang nila Siyang manipulahin, at hindi Niya maaaring pamatnugutan ang mga tao gaya ng nais Niya, lalong hindi Niya maaaring ibunyag sa mga tao ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon, na maraming taon nang nakatago, tuwing gusto Niya at nang walang pahintulot nila. Ikinukumpisal lamang nila sa Diyos ang kanilang mga kasalanan, naniniwala na kailangan lamang Niyang ipawalang-sala sila, nang hindi nakakaramdam ng anumang pagtutol dito, at na magpapatuloy ito magpakailanman. Inuutus-utusan lamang nila ang Diyos, naniniwala na kailangan lamang Niya na sumunod sa kanila, dahil nakatala sa Bibliya na hindi pumarito ang Diyos para paglingkuran ng mga tao, kundi para paglingkuran Niya sila, at na pumarito Siya upang maging lingkod nila. Kahit ngayon, hindi ba’t ganito pa rin ang paniniwala ninyo? Tuwing wala kayong nakakamit na anuman mula sa Diyos, gusto ninyong tumakbo; kapag may hindi kayo nauunawaan, masyado kayong naghihinanakit, at sinisigawan pa ninyo Siya ng lahat ng klase ng pang-iinsulto. Ayaw ninyo talagang tulutan ang Diyos Mismo na lubos na maipahayag ang Kanyang karunungan at hiwaga; sa halip, gusto lamang ninyong magpakasasa sa panandaliang kaalwanan at kaginhawahan. Hanggang ngayon, ang saloobin ninyo sa inyong pananampalataya sa Diyos ay binubuo lamang ng parehong dati pang mga pananaw. Kahit kakatiting lamang na pagiging maharlika ang ipakita sa inyo ng Diyos, hindi na kayo nagiging masaya. Nakikita na ba ninyo ngayon kung gaano talaga kataas ang inyong tayog? Huwag ninyong ipalagay na kayong lahat ay tapat sa Diyos samantalang ang totoo ay hindi pa nagbabago ang inyong mga dating pananaw. Kapag walang nangyayari sa iyo, naniniwala ka na maayos ang lahat, at nasa rurok ang pagmamahal mo sa Diyos. Kapag may nangyayari sa iyo na maliit na bagay, bumabagsak ka sa Hades. Ganito ba ang pagiging tapat sa Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Bitiwan ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Layunin ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 327

Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong personal na mga kuru-kuro, pag-asam, at mga kinabukasan. Ang gawain ay ginagampanan na ngayon sa ganitong paraan para pungusan ang inyong pagnanais para sa katayuan at ang inyong maluluhong pagnanais. Ang mga pag-aasam na ito, ang pagnanais na ito para sa katayuan, at ang mga kuru-kurong ito ay pawang mga tipikal na halimbawa ng mga satanikong disposisyon. Umiiral ang mga ito sa puso ng mga tao ganap na dahil palaging unti-unting sinisira ng mga lason ni Satanas ang kaisipan ng mga tao. Hindi kailanman makawala ang mga tao mula sa mga tuksong ito ni Satanas, at namumuhay sila sa gitna ng kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan ito. Dagdag pa rito, iniisip nila, “Nananampalataya kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at angkop na isaayos ang lahat para sa amin. Nananampalataya kami sa Diyos, kaya kailangang maging superyor kami sa iba, at kailangan naming magkaroon ng mas mataas na katayuan at mas magagandang kinabukasan kaysa sa sinumang iba. Dahil nananampalataya kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na pananampalataya sa Diyos.” Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang sinasandigan ng mga tao para sa pananatili ng kanilang buhay ay unti-unting sumisira sa kanilang puso hanggang sa punto na sila ay maging tuso, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila hindi nagtataglay ng pagtitiyaga o determinasyon, ngunit naging sakim, mayabang, at matigas din ang ulo nila. Walang-wala sila ng anumang determinasyon na lampasan ang kanilang sarili, at higit pa riyan, wala sila ni katiting na lakas ng loob na iwaksi ang mga paglilimita ng madidilim na impluwensiyang ito. Ang buhay at mga kaisipan ng mga tao ay napakabulok na ang kanilang mga perspektiba sa likod ng pananampalataya sa Diyos ay napakapangit pa rin, at lubos na kasuklam-suklam pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kapangyarihan, kasuklam-suklam, at marupok. Hindi sila nasusuklam sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mapatalsik ang mga ito. Hindi ba’t ganito rin ang inyong kasalukuyang mga iniisip at pananaw? Ibig sabihin, dahil nananampalataya kayo sa Diyos, samakatwid ay dapat kayong magkamit ng mga pagpapala, at dapat matiyak na ang inyong katayuan ay hindi bababa kailanman, na mananatili itong mas mataas kaysa sa mga walang pananampalataya—hindi kayo nagkikimkim ng ganitong klase ng perspektiba sa loob ng isa o dalawang taon lamang, kundi sa loob ng maraming taon. Sobra-sobra ang inyong transaksyonal na paraan ng pag-iisip. Bagama’t nakarating na kayo sa hakbang na ito ngayon, hindi pa rin kayo mapanatag pagdating sa katayuan; patuloy kayong humahanap ng paraan para usisain ito, at inoobserbahan ito araw-araw, nang may malaking takot na balang araw ay mawala ang inyong katayuan at masira ang inyong pangalan. Hindi kailanman binitiwan ng mga tao ang pagnanais nilang guminhawa. Habang hinahatulan Ko kayo nang ganito ngayon, anong antas ng pagkaunawa ang tataglayin ninyo sa huli? Sasabihin ninyo na bagama’t hindi mataas ang inyong katayuan, natamasa pa rin ninyo ang pagtataas ng Diyos, at na wala kayong katayuan dahil isinilang kayo nang may mababang katayuan, pero nagkakamit kayo ng katayuan dahil itinataas kayo ng Diyos—ito ay isang bagay na ipinagkakaloob Niya sa inyo. Ngayon ay personal ninyong nagagawang tumanggap ng pagsasanay ng Diyos, ng Kanyang pagkastigo, at ng Kanyang paghatol. Ito, higit pa, ay Kanyang pagtataas. Nagagawa ninyong personal na tumanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog. Ito ay dakilang pagmamahal ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan at henerasyon, wala ni isang tao ang nagawang tumanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog, ni wala ni isang tao ang nagawang makatanggap ng pagpeperpekto ng Kanyang mga salita. Ang Diyos ay nakikipag-usap sa inyo ngayon nang harapan, dinadalisay kayo, inilalantad ang paghihimagsik ng inyong kalooban—tunay na ito ay Kanyang pagtataas. Ano ang kayang gawin ng mga tao? Mga anak man sila ni David o mga inapo ni Moab, sa kabuuan, ang mga tao ay mga nilikha na walang nararapat na ipagmayabang. Dahil kayo ay mga nilikha, kailangan ninyong gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Wala nang iba pang mga hinihingi sa inyo. Ganito kayo dapat manalangin: “Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang sarili ko. Kung mataas ang katayuan ko, iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung mababa ito, iyon ay dahil sa Iyong paunang pag-orden. Ang lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang pagpipilian, ni anumang reklamo. Pauna Mong inorden na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang tanging magagawa ko ay maging ganap na mapagpasakop sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil ang lahat ng bagay ay ang pauna Mong inorden. Hindi ko iniisip ang katayuan; isa lamang akong nilikha. Kung ilalagay Mo ako sa walang hanggang hukay, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilikha. Kung gagamitin Mo ako, isa akong nilikha. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilikha. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilikha. Isa lamang akong munting nilikha ng Lumikha, isa lamang sa gitna ng lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at inilagay Mo ako ngayon sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang kalooban Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan, dahil ang lahat ay ang Iyong paunang inorden at walang makakapagbago nito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.” Sa panahong iyon, hindi mo na iisipin ang katayuan—iyon ang panahon na makakalaya ka na roon. Saka mo lamang magagawang maghangad nang may tiwala at tapang, at saka lamang magiging malaya ang puso mo sa anumang mga paglilimita. Kapag napalaya na ang mga tao mula sa mga bagay na ito, mawawalan na sila ng mga alalahanin. Ano ang mga alalahanin ng karamihan sa inyo ngayon mismo? Lagi kayong nalilimitahan ng katayuan at palagi kayong nag-aalala tungkol sa sarili ninyong mga kinabukasan. Palagi ninyong binubuklat ang mga pahina ng mga salita ng Diyos, sa pagnanais na basahin ang mga sinasabi tungkol sa hantungan ng sangkatauhan at sa kagustuhang malaman kung ano ang inyong mga kinabukasan at inyong magiging hantungan. Palagi ninyong iniisip, “Mayroon ba talaga akong anumang kinabukasan? Inalis na ba ng Diyos ang mga iyon? Sinasabi lamang ng Diyos na ako ay isang hambingan; kung gayo’y ano ang aking mga kinabukasan?” Mahirap para sa inyo na bitiwan ang inyong mga kinabukasan at tadhana. Kayo ngayon ay mga tagasunod, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo binibitiwan ang inyong pagnanais sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan ay maayos kayong naghahangad, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahangad. Palagi ninyong iniisip ang mga pakinabang ng katayuan. Bakit hindi makaalis ang karamihan sa mga tao sa pagiging negatibo? Hindi kaya talagang dahil lamang sa palaging malabo ang mga kinabukasan? Sa sandaling inilalabas na ang mga salita ng Diyos, nagmamadali kayong makita kung ano talaga ang inyong katayuan at pagkakakilanlan. Inuuna ninyo ang katayuan at pagkakakilanlan, at pumapangalawa lamang sa inyo ang pangitain. Nasa pangatlo ang isang bagay na dapat ninyong pasukin, at nasa pang-apat ang kasalukuyang mga layunin ng Diyos. Tinitingnan muna ninyo kung nagbago na ang titulo ng Diyos para sa inyo na “mga hambingan” o hindi pa. Basa kayo nang basa, at kapag nakita ninyo na naalis na ang titulong “hambingan,” sumasaya kayo, paulit-ulit ang pasasalamat ninyo sa Diyos, at pinupuri ninyo ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Ngunit kung nakita ninyo na mga hambingan pa rin kayo, sumasama ang loob ninyo at agad na napapawi ang sigla sa puso ninyo. Habang mas naghahangad ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang aanihin mo. Kapag mas matindi ang pagnanais ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas higit siyang pungusan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay labis na walang kuwenta! Kailangan silang sumailalim sa maraming pagpupungos at paghatol upang lubusan nilang bitiwan ang kanilang pagnanais para sa katayuan. Kung maghahangad kayo sa ganitong paraan, wala kayong mapapala sa huli. Iyong mga hindi naghahangad ng buhay ay hindi mababago, at iyong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay palagi kang tumutuon sa maluluhong pagnanais at mga bagay na naglilimita sa iyo mula sa pagmamahal at paglapit sa Diyos. Mababago ka ba ng mga bagay na iyon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian? Kung ang layon ng iyong paghahangad ay hindi para hanapin ang katotohanan, mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik ka sa mundo upang maghangad ng makamundong tagumpay. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa ganitong paraan ay talagang hindi sulit—bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Hindi ba totoo na maaari mong matamasa ang lahat ng uri ng bagay sa magandang sanlibutan? Pera, magagandang babae, katayuan, banidad, pamilya, mga anak, at iba pa—hindi ba ang mga produktong ito ng sanlibutan ang pinakamagagandang bagay na maaari mong matamasa? Ano ang silbi ng paggala-gala rito sa paghahanap ng isang lugar ng kaginhawahan? Ang Anak ng tao ay walang mahimlayan ng Kanyang ulo, kaya paano ka magkakaroon ng isang lugar ng kaginhawahan? Paano Siya lilikha ng isang magandang lugar ng kaginhawahan para sa iyo? Posible ba iyon? Bukod sa Aking paghatol, ang matatanggap mo lamang ngayon ay ang mga turo ng katotohanan. Hindi ka makapagkakamit ng kaginhawahan mula sa Akin, at hindi mo rin maaaring makamit mula sa Akin ang maginhawang sitwasyong kinasasabikan mo gabi’t araw. Hindi Ko ipagkakaloob sa iyo ang mga yaman at karangalan ng sanlibutan. Kung tapat kang naghahangad, handa Akong ipagkaloob sa iyo nang buong-buo ang daan ng buhay, upang maging tulad ka ng isang isda na naibalik sa tubig. Kung hindi ka tapat na naghahangad, babawiin Ko itong lahat. Hindi Ako handang ipagkaloob ang mga salitang nagmumula sa Aking bibig sa mga nag-iimbot ng kaginhawahan, na katulad lamang ng mga baboy at aso!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Hambingan?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 328

Tingnan ninyo ang inyong sarili upang makita kung isinasagawa ba ninyo ang pagiging matuwid sa lahat ng bagay na inyong ginagawa, at kung ang mga pagkilos ba ninyo ay pumapasa sa pagsisiyasat ng Diyos: Ito ang prinsipyo na ginagamit ng mga nananampalataya sa Diyos sa paggawa ng kanilang mga gawain. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagpeperpekto, at nakamit Niya, ay matutuwid na tao, at tinitingnan Niya silang lahat bilang mahalaga. Kapag mas tinatanggap ninyo ang mga pinakabagong salita ng Diyos, mas magagawa ninyong maunawaan at maarok ang mga layunin ng Diyos, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at matutugunan ang Kanyang mga hinihingi. Ito ang atas ng Diyos para sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong lahat na makamtan. Kung ginagamit ninyo ang mga kuru-kuro ninyo upang sukatin at limitahan ang Diyos, na parang ang Diyos ay isang di-nababagong estatuwa na gawa sa luwad, ganap na nililimitahan ang Diyos sa Bibliya at ipinipirmi Siya sa isang limitadong saklaw ng gawain, ito ay nagpapatunay na kinondena na ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, itinuring ng mga Hudyo sa kapanahunan ng Lumang Tipan ang Diyos bilang isang idolo na hindi nagbabago ang anyo, na para bang ang Diyos ay matatawag lamang na Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba ng mga tao ang Diyos na para bang Siya ay isang (walang-buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila ang Jesus ng panahong iyon sa krus, sinesentensiyahan Siya ng kamatayan—ang walang-kasalanang Jesus ay sa gayon hinatulan ng kamatayan. Inosente ang Diyos, ngunit tumanggi ang tao na hayaan Siyang mabuhay, at nagpumilit na sentensiyahan Siya ng kamatayan, at sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at nililimitahan Siya batay lamang sa iisang aklat, ang Bibliya, na tila ba may lubos na pagkaarok ang tao sa pamamahala ng Diyos, na tila ba ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa mga kamay na ng tao. Ang mga tao ay sukdulan ang pagiging katawa-tawa, sukdulan ang pagmamataas, at lahat sila ay may kakaibang husay sa panghahambog. Gaano man katayog ang pagkakilala mo sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, na ikaw ay isang taong pinakalumalaban sa Diyos, at na kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang magpasakop sa gawain ng Diyos at makalakad sa landas ng paggawang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Ito ay dahil hindi kailanman kilala ng tao ang Diyos, napakarami niyang kuru-kuro, at ang kanyang pagkakilala sa Diyos ay hindi sumasang-ayon sa realidad kahit kaunti, kundi batay sa pormula at paulit-ulit lang, at mekanikal na kinopya at mahigpit na inilapat. Kaya, yamang naparito sa lupa ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako ng tao sa krus. Malupit na sangkatauhan! Ang pang-iintriga at pagpapakana, ang pag-aagawan at paghahablutan sa isa’t isa, ang pagkukumahog para sa kasikatan at pakinabang, ang pagpapatayan—kailan ba ito matatapos? Bagama’t nakapagsalita na ang Diyos ng daang-libong mga salita, walang isa man ang natatauhan. Ang mga tao ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, kinabukasan, katayuan, hungkag na banidad, at pera, para sa pagkain, damit, at sa laman. Ngunit mayroon bang sinuman na ang mga pagkilos ay talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lamang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos para sa kapakanan ng kanilang sariling mga interes? Ilan ang hindi nang-aapi o nagtatakwil ng iba para maprotektahan ang kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan na ng kamatayan nang hindi mabilang na beses, at di-mabilang na malulupit na hukom ang kumondena na sa Diyos at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang matatawag na matuwid na mga tao dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Ganoon ba kadaling magawang perpekto sa harap ng Diyos bilang isang banal na tao o isang taong matuwid? Isang totoong pahayag na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa mundo.” Kapag haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat salita, pagkilos, at galaw, ang bawat kaisipan at ideya, maging ang mga panaginip na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng mga iyon ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan ng mga bagay-bagay? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos sa iba, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi ito nangangahulugan ng pag-iwas sa pag-aaway at pagtatalo o pagnanakaw at pag-uumit. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos bilang iyong tungkulin na mula sa langit, kailanman o saanman, tulad lamang ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Maaaring tawaging matuwid si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana kung ano ang natamo niya o nawala sa kanya; masasabi lamang na ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel, ngunit hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumatawan sa pagkamatuwid. Kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa.” Sa mga nasa daloy ng pagpapanumbalik, walang sinuman ang matatawag na matuwid na tao. Gaano man kahusay ang iyong mga pagkilos, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, o nagnanakaw o nangangamkam sa iba, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang gayong mga bagay ay kayang taglayin ng sinumang normal na tao. Ang susing isyu ngayon ay na hindi mo kilala ang Diyos. Masasabi lamang na sa ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subalit ikaw ay walang mga elemento ng pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang makapagpapatunay na kilala mo ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 329

Dati, noong ang Diyos ay nasa langit, pabasta-bastang hinaharap ng mga tao ang Diyos sa kanilang mga kilos. Ngayon, nakasama na ng Diyos ang tao sa loob ng di-tiyak na bilang ng taon—at walang nakaaalam dito. Pero pabasta-basta pa rin Siyang hinaharap ng mga tao sa kanilang mga kilos. Hindi ba’t masyadong paurong ang kanilang pag-iisip? Katulad lang sila ni Hudas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi na ng mga kasinungalingan si Hudas para linlangin ang kanyang mga kapatid, at kahit matapos dumating si Jesus ay hindi pa rin nagbago si Hudas; wala siya kahit katiting na pagkakilala kay Jesus, at sa huli, ipinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon posible na maging isa pa kayong Hudas, at sunod dito ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, dalawang libong taon na ang nakaraan, ay muling mangyayari. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay isang katunayan! Sa ngayon, ang karamihan ng tao ay nasa sitwasyong katulad ng nabanggit. Siguro medyo masyadong maaga pa para sabihin ito, pero ang gayong mga tao ay pawang gumaganap sa papel ni Hudas. Hindi Ako nagsasalita nang walang katuturan, kundi ayon sa katunayan—at ikaw ay mapapaniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa kanilang puso ay walang ibang naroon kundi di-umaagos na tubig, at kanal ng mabahong tubig. Sa ngayon, sobrang daming ganito sa iglesia, at iniiisip ninyo na ganap na hindi Ko alam ito. Ngayon, ang Aking Espiritu ay tumitindig para sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Iniisip mo ba na wala Akong alam? Iniisip ba ninyo na wala Akong naiintindihan sa mapanlinlang na kaisipan sa loob ng inyong mga puso, ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Napakadali bang apihin ang Diyos? Iniisip mo ba na matratrato mo Siya sa anumang paraan na iyong naisin? Sa nakaraan, nag-alala Ako na baka malimitahan kayo, kaya’t patuloy na nagbigay Ako sa inyo ng kalayaan, ngunit hindi pinahalagahan ng sangkatauhan ang kabaitang ipinakita sa kanila, at kapag binibigyan sila ng kaunti, kumukuha sila ng higit pa. Tanungin ninyo ang isa’t isa: Halos hindi Ko kailanman napungusan ang sinuman, at halos kailanman ay hindi basta-bastang pinagagalitan ang sinuman—gayong napakalinaw Ko sa lahat ng motibo at mga kuru-kuro ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo, na siyang pinapatotohanan ng Diyos, ay isang hangal? Kung gayon nga, sinasabi Kong ikaw ay lubhang bulag! Hindi kita ilalantad, ngunit tingnan lang natin kung gaano ka magiging tiwali. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlalansi mo, o kung maililigtas ka ng iyong pinakamahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi kita kokondenahin; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita kung paano ang Kanyang pagganti sa iyo. Wala Akong oras para sa walang-kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw Kong patagalin ang Aking lalong dakilang gawain nang dahil lang sa iyo. Ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat sa panahon na kakailanganin ng Diyos para pungusan ka—kaya tingnan natin kung gaano kamapagpalayaw sa sarili ang maaabot mo. Ang ganitong mga tao ay hindi naghahangad ng kahit katiting na pagkakilala sa Diyos, at wala rin silang katiting na mapagmahal-sa-Diyos na puso, at nagnanais pa rin silang matawag ng Diyos na matutuwid na tao—hindi ba’t isa itong biro? Sapagka’t talagang kaunti lamang ang bilang ng mga tao na matatapat, pagtutuunan Ko lang ang patuloy na pagbibigay-buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang dapat Kong gawin ngayon, ngunit sa hinaharap ay ipapataw Ko ang kagantihan sa bawat tao alinsunod sa kanyang nagawa. Nasabi Ko na ang lahat ng nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang mismong gawain na Aking ginagawa. Ginagawa Ko lang ang nararapat Kong gawin, at hindi ang hindi Ko dapat gawin. Gayumpaman, umaasa Akong mas susuriin pa ninyo ang inyong sarili: Gaano karami sa mga pagkakilala mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka bang tao na muling nagpako sa Diyos sa krus? Sa huli, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 330

Habang naglalakad ka sa landas ng kasalukuyan, ano ang pinakaangkop na klase ng paghahangad? Sa iyong paghahangad, anong klase ng tao ang dapat mong maging tingin sa sarili mo? Dapat mong malaman kung paano mo dapat harapin ang lahat ng kinakaharap mo ngayon, mga pagsubok o paghihirap man ito, pagsumpa o walang awang pagkastigo. Nahaharap sa lahat ng bagay na ito, dapat mong maingat na isaalang-alang ang bawat isa sa mga ito. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil ang mga bagay na kinakaharap mo ngayon, kung tutuusin, ay maiikling pagsubok na paulit-ulit na nangyayari; marahil para sa iyo, ang mga bagay na ito ay hindi naman gaanong pahirap sa isipan, kaya hinahayaan mo na lang na likas na lumipas ang mga bagay-bagay, at hindi mo itinuturing ang mga ito na mahalagang yaman sa paghahangad na sumulong. Masyado kang walang ingat! Hanggang sa antas na ipinapalagay mo na ang napakahalagang yamang ito ay isang ulap na nakalutang sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo pinahahalagahan ang malulupit na hagupit na ito na bumubuhos nang paulit-ulit—mga hagupit na maiikli, at para sa iyo ay tila hindi masyadong mabigat—kundi minamasdan mo ang mga ito nang walang pakialam, nang hindi isinasapuso ang mga ito, at itinuturing lamang ang mga ito na pagharap sa isang hadlang. Napakayabang mo! Sa malulupit na pag-atakeng ito, mga pag-atake na katulad ng mga unos na dumarating nang paulit-ulit, nagpapakita ka lang ng walang-galang na pagwawalang-bahala; kung minsan, umaabot pa sa punto na ngumingiti ka nang malamig, naghahayag ng ekspresyon ng lubos na pagwawalang-bahala—sapagkat hindi mo naisip kailanman sa iyong sarili kung bakit patuloy kang nagdurusa ng gayong “mga kasawian.” Maaari kayang lubha Akong hindi makatarungan sa tao? Sadya ba kitang hinahanapan ng mali? Bagama’t maaaring ang mga problema sa iniisip mo ay hindi kasingseryoso ng nailarawan Ko, sa pamamagitan ng iyong panlabas na pagiging kalmado, matagal ka nang nagbunyag ng perpektong imahe ng niloloob mo. Hindi Ko na kailangang sabihin sa iyo na ang tanging mga bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso mo ay mga mapang-abusong salita na hindi makatwiran at mga katiting na bahid ng kalungkutang halos hindi makita ng iba. Dahil nadarama mo na lubhang hindi makatarungan na magdusa ka ng gayong mga pagsubok, nagmumura ka; at dahil ipinadarama sa iyo ng mga pagsubok na ito ang kapanglawan ng mundo, napupuno ka ng kalungkutan. Hindi mo itinuturing na pinakamainam na proteksyon ang paulit-ulit na mga paghagupit at pagdidisiplinang ito; ang tingin mo sa mga ito ay walang katuturang panggugulo ng Langit, o dili kaya’y angkop na retribusyon sa iyo. Napakamangmang mo! Walang awa mong ikinukulong sa dilim ang magagandang panahon; itinuturing mong pag-atake ng iyong mga kaaway ang paulit-ulit na magagandang pagsubok at pagdidisiplina. Hindi mo alam kung paano makibagay sa iyong kapaligiran, at lalo nang ayaw mong subukang gawin iyon, sapagkat ayaw mong magkamit ng anuman mula sa paulit-ulit—at para sa iyo ay malupit—na pagkastigong ito. Hindi ka nagtatangkang maghanap o magsiyasat, at basta ka na lang sumusuko sa iyong kapalaran, pumupunta kung saan ka dalhin nito. Hindi nabago ng sa tingin mo ay mababagsik na pagtutuwid ang puso mo, ni hindi inokupa ng mga ito ang puso mo; sa halip, sinasaksak ng mga ito ang puso mo. Ang tingin mo lamang sa “malupit na pagkastigo” na ito ay kaaway mo sa buhay na ito, at kaya wala kang nakamit. Masyado kang nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba! Madalang kang maniwala na dumaranas ka ng ganitong mga pagsubok dahil labis kang kasuklam-suklam; sa halip, iniisip mo na napakamalas mo, at bukod dito, sinasabi mo pa na palagi kitang hinahanapan ng mali. At ngayon na ang mga bagay-bagay ay dumating na sa puntong ito, gaano ba talaga karami ang alam mo tungkol sa Aking sinasabi at ginagawa? Huwag mong isipin na likas kang henyo, medyo mas mababa lamang kaysa sa kalangitan ngunit walang hanggang mas mataas kaysa sa lupa. Hindi ka mas matalino kaysa sa iba—at masasabi pa nga na talagang kagiliw-giliw kung gaano ka mas hangal kaysa sa sinumang iba pang tao sa lupa na may katwiran, sapagkat masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili, at hindi ka nakaramdam kailanman na mas mababa ka, na tila nakikita mo nang malinaw ang mga kilos Ko hanggang sa pinakamaliit na detalye. Sa totoo lang, sadyang hindi ka isang tao na nagtataglay ng katwiran, sapagkat wala kang ideya kung ano ang nilalayon Kong gawin, at lalong wala kang alam kung ano ang Aking ginagawa ngayon. At kaya sinasabi Ko na hindi ka man lamang kapantay ng isang matandang magsasaka, isang magsasaka na wala ni katiting na pagkaunawa sa buhay ng tao subalit lubos na umaasa sa mga pagpapala ng Langit habang nililinang niya ang lupa. Wala ka talagang pakialam sa sarili mong buhay, ni wala ka ngang alam sa katanyagan, at lalo nang wala kang anumang kamalayan sa sarili. Masyado kang “dakila”!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang—Hindi Ba’t mga Hayop Sila?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 331

Tungkol naman sa mga turong ibinigay Ko sa inyo nang paulit-ulit, matagal na ninyong isinantabi ang mga ito sa inyong isipan, hanggang sa punto na itinuring pa ninyong laruan ang mga ito para punan ang inyong bakanteng oras. Lagi ninyong itinuturing ang lahat ng ito na sarili ninyong “anting-anting.” Kapag inaakusahan kayo ni Satanas, nagdarasal kayo; kapag negatibo kayo, natutulog kayo nang mahimbing; kapag masaya kayo, tumatakbo kayo kung saan-saan; kapag sinasaway Ko kayo, yumuyukod at nambobola kayo nang husto; at pagkatapos, sa sandaling lisanin ninyo ang presensya Ko, humahagalpak kayo sa tawa nang may mapaminsalang tono. Sa tingin mo ay mas mataas ka sa lahat ng iba pa, pero hindi mo nakikita ang iyong sarili kailanman na pinakahambog sa lahat, napakatayog mo lamang palagi, kampante, at napakayabang na hindi mailarawan ng mga salita. Paano magagawang ituring ang Aking mga salita bilang isang napakahalagang yaman ng gayong “mga don,” “mga donya,” “mga ginoo,” at “mga madam” na hindi natututo at nananatiling mangmang? Kung gayon, tinatanong kita: Ano ba talaga ang natutunan mo mula sa Aking mga salita at sa Aking gawain sa loob ng napakahabang panahon? Nagkamit ka ba ng mas mahusay na kasanayan sa iyong panlilinlang? O naging mas sopistikado ka ba sa iyong laman? O mas naging walang paggalang ba ang iyong saloobin sa Akin? Sasabihin Ko sa iyo nang deretsahan: Ang lahat ng gawaing ito na Aking ginawa ang mas nagpatapang sa iyo, ikaw na may tapang ng isang daga noon. Ang iyong takot sa Akin ay nababawasan bawat araw, sapagkat napakamaawain Ko, at hindi Ko kailanman pinarusahan ang iyong laman gamit ang karahasan. Marahil, sa tingin mo, nagbibitiw lang Ako ng mababagsik na salita—ngunit higit na mas madalas na nakangiti Ako sa iyo, at halos hindi kita sinasaway nang harapan kailanman. Higit pa riyan, lagi Kong pinagpapasensiyahan ang iyong kahinaan, at ganap na dahil dito kaya ngayon ay tinatrato mo Ako tulad ng pagtrato ng ahas sa mabait na magsasaka. Malaki ang paghanga Ko sa sukdulang galing at talas sa abilidad ng sangkatauhan na magmasid! Hayaan mong sabihin Ko sa iyo ang isang katotohanan: Ngayon ay hindi masyadong mahalaga kung mayroon kang pusong may takot o wala; hindi Ako nababalisa ni nag-aalala tungkol diyan. Ngunit kailangan Ko ring sabihin ito sa iyo: Ikaw na “taong may talento” na ito, na hindi natututo at nananatiling mangmang, sa dakong huli ay mawawasak ng iyong humahanga sa sarili at mababaw na katalinuhan—ikaw ang magdurusa at kakastiguhin. Hindi Ako ganoon kahangal para samahan ka habang patuloy kang nagdurusa sa impiyerno, sapagkat hindi Ako kauri mo. Huwag mong kalilimutan na ikaw ay isang nilikha na Aking sinumpa, subalit tinuruan at iniligtas Ko rin, at walang anumang bagay sa iyo na mag-aatubili Akong bitawan. Tuwing Ako ay gumagawa, hindi Ako naiimpluwensiyahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Hindi nagbago kailanman ang Aking saloobin at pananaw sa sangkatauhan. Hindi kita gusto, sapagkat dagdag ka lang sa Aking pamamahala, at hindi ka mas espesyal kaysa sa iba pang nilalang. Ito ang payo Ko sa iyo: Dapat mong tandaan, sa lahat ng oras, na isa ka lamang nilikha! Bagama’t maaaring mamuhay ka sa piling Ko, dapat mong malaman ang iyong sariling pagkakakilanlan; huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili. Kahit hindi kita sinasaway o pinupungusan, bagkus ay hinaharap kita nang may ngiti, hindi ito sapat para mapatunayan na ikaw ay kauri Ko. Ikaw—dapat mong malaman na isa kang taong naghahangad ng katotohanan, hindi ikaw ang katotohanan mismo! Dapat ay handa ka, sa lahat ng oras, na magbago ayon sa Aking salita. Hindi mo ito matatakasan. Hinihimok kita, sa napakahalagang panahong ito, ngayong mayroon kang pambihirang pagkakataong ito, na subukang matuto ng isang bagay. Huwag mo Akong lokohin; hindi Ko kailangan na gumamit ka ng pambobola para subukang linlangin Ako. Kapag hinahanap mo Ako, hindi iyon ganap na para sa Aking kapakanan, kundi sa halip ay para sa sarili mo!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang—Hindi Ba’t mga Hayop Sila?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 332

Ngayon mismo, bawat araw na pinagdaraanan ninyo ay lubhang mahalaga, at ito ay napakahalaga sa inyong hantungan at kapalaran, kaya’t dapat ninyong pahalagahan ang lahat ng mayroon kayo ngayon, at pahalagahan ang bawat minutong lumilipas. Dapat ninyong samantalahin ang bawat sandali para maani ninyo ang pinakamalalaking pakinabang, at sa gayon ay maiwasan ninyong ipamuhay ang buhay na ito nang walang saysay. Maaaring nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang gayong mga salita. Sa totoo lang, hindi Ako nalulugod sa pag-uugali ng sinuman sa inyo, dahil ang inaasahan Ko sa inyo ay hindi gaya ng kung ano kayo ngayon. Kaya, masasabi Ko ito: Bawat isa sa inyo ay nasa bingit ng panganib, at ang inyong mga dating pagdaing para humingi ng tulong at mga dating adhikaing hangarin ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay malapit nang magwakas. Ito ang inyong huling pagpapakita ng pagsukli sa Akin, at ito ay isang bagay na hindi Ko kailanman inasahan. Hindi Ko nais magsalita nang salungat sa mga katunayan, sapagkat labis ninyo Akong binigo. Marahil ay ayaw ninyong tanggapin ito nang hindi pumapalag, ayaw ninyong harapin ang realidad—ngunit kailangan Ko itong itanong sa inyo nang seryoso: Sa lahat ng nagdaang mga taon na ito, ano ba talaga ang pumupuno sa inyong mga puso? Kanino ba talaga tapat ang mga ito? Huwag ninyong sabihin na bigla na lamang lumabas ang mga tanong na ito, at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit Ako nagtanong ng ganito. Dapat ninyong malaman ito: Ito ay dahil kilalang-kilala Ko kayo, labis Ko kayong pinagmamalasakitan, at labis Kong inilaan ang Aking puso sa inyong mga kilos at gawa kaya pinanagot Ko kayo nang walang humpay at nagbata Ako ng matitinding paghihirap. Ngunit wala kayong isinusukli sa Akin kundi pagwawalang-bahala at walang magawang pagtanggap. Trinato ninyo Ako nang labis na pabasta-basta; posible bang hindi Ko nalalaman iyon? Kung ito ang iniisip ninyo, lalo itong nagpapatunay sa katunayan na tunay na hindi mabuti ang pagtrato ninyo sa Akin. Kaya nga, sinasabi Ko na nililinlang ninyo ang sarili ninyo. Lahat kayo ay masyadong matalino na hindi man lang ninyo alam kung anong ginagawa ninyo—kaya ano ang gagamitin ninyo para managot sa Akin?

Ang katanungang lubos na nakababahala sa Akin ay kung kanino talaga tapat ang puso ninyo. Umaasa rin Ako, na sisikapin ng bawat isa sa inyo na ayusin ang inyong pag-iisip, at itanong ninyo sa inyong sarili kung kanino ba talaga kayo tapat at para kanino talaga kayo nabubuhay. Marahil ay hindi pa ninyo napag-isipang mabuti ang mga katanungang ito, kaya ano kaya kung ihayag Ko sa inyo ang mga kasagutan?

Sinumang nakakaalala ay kikilalanin ang katunayang ito: Ang tao ay nabubuhay para sa kanyang sarili at tapat sa kanyang sarili. Hindi Ako naniniwala na lubusang tama ang mga sagot ninyo, dahil may kanya-kanyang buhay ang bawat isa sa inyo at nahihirapan sa gitna ng sarili ninyong personal na pagdurusa. Sa gayon, tapat kayo sa mga taong mahal ninyo at sa mga bagay na gusto ninyo; hindi lubos ang katapatan ninyo sa inyong sarili. Dahil bawat isa sa inyo ay iniimpluwensiyahan ng mga tao, pangyayari, at bagay sa inyong paligid, hindi kayo talaga tapat sa inyong sarili. Sinasabi Ko ito hindi para ayunan ang katapatan ninyo sa inyong sarili, kundi upang ilantad ang katapatan ninyo sa anumang bagay, dahil sa lumipas na napakaraming taon, hindi Ako kailanman nakatanggap ng katapatan mula sa sinuman sa inyo. Sumunod na kayo sa Akin sa mga taong ito, ngunit hindi ninyo Ako nabigyan ni katiting na katapatan kailanman. Sa halip, nakaikot kayo sa mga tao at mga bagay na gusto ninyo—sobra-sobra kaya sa tuwina, at saanman kayo magpunta, pinananatili ninyo silang malapit sa puso ninyo at hindi tinalikuran ang mga ito kailanman. Tuwing nasasabik at maalab kayo tungkol sa anumang bagay na gustung-gusto ninyo, ginagawa ninyo ito kasabay ng pagsunod ninyo sa Akin, o kasabay pa nga ng pakikinig sa Aking mga salita. Kaya nga, sinasabi Ko na ginagamit ninyo ang katapatang hinihingi Ko sa inyo upang sa halip ay maging tapat sa inyong mga “alaga” at itangi ang mga ito. Magsakripisyo man kayo ng isa o dalawang bagay para sa Akin, hindi ito kumakatawan sa kabuuan ninyo, at hindi nagpapakita na sa Akin kayo talaga tapat. Nakikibahagi kayo sa mga gawaing gustung-gusto ninyo: Tapat ang ilan sa inyo sa inyong mga anak na lalaki at babae, ang iba naman sa inyong asawa, misis, kayamanan, trabaho, nakatataas, katayuan, o sa kababaihan. Hindi kayo napapagod o nayayamot kailanman sa mga bagay na tapat kayo; sa halip, lalo pa kayong nasasabik na magkaroon ng mas maraming ganitong bagay, at taglayin ang mga ito sa mas mabuting paraan, at hindi kayo sumusuko kailanman. Ang Aking mga salita at Ako ay palaging inilalagay sa huli ng mga bagay na gustung-gusto ninyo, at wala kayong magawa kundi ihuli ang mga ito. Mayroon pa ngang mga tao na inirereserba ang huling puwesto na ito para sa mga bagay na tapat sila pero hindi pa nila natutuklasan. Kailanma’y wala ni katiting na bakas Ko sa puso nila. Maaari ninyong isipin na napakarami Kong hinihingi sa inyo o mali Ako sa pag-akusa sa inyo—ngunit naisip na ba ninyo kahit kailan ang katunayan na habang masaya kayong gumugugol ng oras sa piling ng inyong pamilya, ni minsan ay hindi kayo naging tapat sa Akin? Sa ganitong pagkakataon, hindi ba kayo nasasaktan nito? Kapag puspos ng kagalakan ang inyong puso dahil binabayaran kayo para sa inyong mga pagtatrabaho, hindi ba kayo pinanghihinaan ng loob na hindi ninyo nasangkapan ang inyong sarili ng sapat na mga katotohanan? Kailan kayo naiyak dahil hindi ninyo natanggap ang Aking pagsang-ayon? Pinipiga ninyo ang inyong utak at lubha kayong nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga anak na lalaki at babae, ngunit hindi pa rin kayo nasisiyahan; naniniwala pa rin kayo na hindi kayo nagpakasipag para sa kanila, na hindi pa ninyo nagagawa ang lahat ng kaya ninyo para sa kanila. Gayunman, sa Akin, lagi kayong nagpapabaya at walang-ingat; nasa alaala lamang ninyo Ako, ngunit hindi Ako nananatili sa puso ninyo. Hindi ninyo kailanman sinusubukang unawain ang Aking masisidhing layunin, o magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga ito. Nagninilay-nilay lamang kayo sandali at naniniwala na sasapat na ito. Hindi ganito ang “katapatan” na matagal Ko nang pinananabikan, kundi ito iyong matagal Ko nang kinamumuhian. Gayon pa man, anuman ang sabihin Ko, isa o dalawang bagay lamang ang patuloy ninyong inaamin; hindi ninyo ito lubos na matanggap, dahil masyadong “tiwala” kayong lahat, at lagi ninyong pinipili ang tatanggapin ninyo sa mga sinabi Ko. Kung ganito pa rin kayo ngayon, mayroon Akong ilang pamamaraan sa pagharap sa tiwala ninyo sa sarili—at, bukod pa riyan, papaaminin Ko kayo na lahat ng salita Ko ay totoo, at na wala ni isa sa mga ito ang nagbabaluktot sa mga katunayan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka ba Talaga Tapat?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 333

Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mabubuti sa inyo ay bibitiw sa pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nasa gitna ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na tapat kayo, lahat kayo ay pipili sa ganitong paraan, at magiging pareho pa rin ang saloobin ninyo. Hindi ba’t ganoon? Marami sa inyo ang nag-alinlangan sa pagitan ng tama at mali, hindi ba? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo walang malay sa mga ginawa ninyong pagpili! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang nauna, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang nauna, at wala pa nga kayong determinasyong bumalik sa pampang;[a] sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang nauna; sa pagpili sa pagitan ng alinman sa inyong mga anak, misis, at mister o Ako, pinili ninyo ang nauna; at sa pagitan ng mga kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang nauna. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang nabigla Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol Ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa Akin kundi ang inyong pang-aabandona at pagiging walang-magawa, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailatag sa harapan ng lahat. Ngunit ngayon ay hinahangad pa rin ninyo ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang nauna pa rin kaya? Susuklian pa rin ba ninyo Ako ng pagkabigo at masakit na kalungkutan? Ang puso ba ninyo ay magtataglay pa rin ng kaunting pagkagiliw lang? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko? Sa sandaling ito, ano ang pinipili ninyo? Magpapasakop ba kayo sa Aking mga salita o tututol sa mga ito? Nailatag na ang araw Ko sa harapan ninyo mismo, at ang kinakaharap ninyo ay isang bagong buhay at bagong simula. Gayunman, kailangan Kong sabihin sa inyo na ang panimulang puntong ito ay hindi ang umpisa ng bagong gawain, tulad ng nakaraan, kundi pagwawakas ng lumang gawain. Ibig sabihin, ito ang huling eksena. Palagay Ko, naiintindihan ninyong lahat kung ano ang kakaiba sa panimulang puntong ito. Gayunman, hindi magtatagal at mauunawaan ninyo ang tunay na kahulugan ng panimulang puntong ito, kaya’t sama-sama nating lagpasan ito at salubungin ang darating na huling eksena! Gayunman, ang patuloy Kong inaalala tungkol sa inyo ay, kapag naharap kayo sa kawalang-katarungan at katarungan, lagi ninyong pinipili ang nauna. Gayunman, lahat ng ito ay nakaraan ninyo. Umaasa Akong makakalimutan Ko ang lahat ng nakaraan ninyo, bagama’t napakahirap gawin nito. Gayunman, mayroon Akong napakagandang paraan ng paggawa nito: Hayaang palitan ng hinaharap ang nakaraan, at iwaksi ang mga anino ng inyong nakaraan kapalit ng totoong kayo ngayon. Kaya naman kailangan Ko kayong abalahin na muling pumili: Kanino ba talaga kayo tapat?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka ba Talaga Tapat?

Talababa:

a. Magbago ng isip: isang Chinese idiom na ang ibig sabihin ay “tumalikod sa masasamang gawi.”


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 334

Sa tuwing binabanggit ang hantungan, hinaharap ninyo ito nang may espesyal na kaseryosohan; higit pa riyan, kayong lahat ay partikular na sensitibo tungkol sa bagay na ito. May ilang taong hindi makapaghintay na iyukod ang kanilang mga ulo hanggang lupa, nagpapatirapa sa harap ng Diyos para makakuha ng magandang hantungan. Nakikita Ko ang inyong pananabik, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Ito’y dahil lamang ayaw ninyong masadlak ang inyong laman sa sakuna, at lalong ayaw ninyong mahulog sa walang hanggang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na tulutan ang inyong sarili na mamuhay nang mas malaya nang kaunti, at mas maalwan nang kaunti. Kaya kayo ay lalong nababalisa sa tuwing nababanggit ang hantungan, lubos na nangangamba na kapag hindi kayo naging sapat na maingat, maaaring magkasala kayo sa Diyos at sa gayon ay makatatanggap ng nararapat na ganting parusa. Hindi kayo nag-alinlangan na makipagkompromiso para lamang sa inyong hantungan, at maging ang marami sa inyo na dating mapanlinlang at walang kaseryosohan ay bigla na lamang naging labis na malumanay at sinsero; ang anyo ng inyong sinseridad ay labis na nakakapangilabot. Gayon pa man, lahat kayo’y may “matatapat” na puso, at patuloy ninyong ibinabahagi sa Akin ang mga lihim ng inyong mga puso nang walang anumang itinatago, maging ito man ay reklamo, panlilinlang, o katapatan. Sa kabuuan, napakamatapat ninyong “ikinumpisal” sa Akin ang diwa ng mga bagay na nasa kaibuturan ng inyong pagkatao. Mangyari pa, hindi Ko iniwasan kailanman ang gayong mga bagay, dahil naging napakapamilyar na ang mga ito sa Akin. Mas nanaisin pa ninyong pumasok sa dagat ng apoy alang-alang sa inyong huling hantungan kaysa mawalan ng isa mang hibla ng buhok para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Hindi sa Ako ay nagiging masyadong dogmatiko sa inyo; sadyang kayo ay labis na nagkukulang ng isang pusong may katapatan para harapin ang lahat ng Aking ginagawa. Maaaring hindi ninyo naiintindihan kung ano ang kapapahayag Ko lamang, kaya hayaan ninyo Akong magbigay sa inyo ng payak na paliwanag: Ang kailangan ninyo ay hindi ang katotohanan at buhay, ni ang mga prinsipyo kung paano kayo aasal, lalong hindi ang Aking masidhing paggawa. Sa halip, ang kailangan ninyo ay ang lahat ng taglay ng inyong laman—kayamanan, katayuan, pamilya, buhay may-asawa, at iba pa. Lubos ninyong ipinagwawalang-bahala ang Aking mga salita at gawain, kung kaya’t malalagom Ko ang inyong pananalig sa iisang salita: pabasta-basta. Gagawin ninyo ang kahit ano upang matamo lamang ang mga bagay na kung saan lubos kayong tapat, ngunit natuklasan Kong hindi ninyo ito gagawin alang-alang sa mga bagay na tungkol sa inyong pananampalataya sa Diyos. Sa halip, kayo ay relatibong tapat, at relatibong masigasig. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang mga taong walang pusong may sukdulang sinseridad ay mga bigo sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Pag-isipan ninyong mabuti—marami bang mga bigo sa inyong hanay?

Dapat ninyong malaman na natatamo ang tagumpay sa pananampalataya sa Diyos bilang resulta ng sariling mga kilos ng mga tao; kapag hindi nagtatagumpay ang mga tao bagkus ay nabibigo, iyon din ay dahil sa sarili nilang mga kilos, at walang papel na ginagampanan ang anupamang salik. Naniniwala Ako na susubukan ninyo ang lahat ng posibleng paraan para makamit ang isang bagay na mas mahirap at nangangailangan ng higit na pagdurusa kaysa sa pananampalataya sa Diyos, at labis ninyo itong seseryosohin, hanggang sa puntong ayaw ninyong pahintulutan ang anumang pagkakamali; ito ang mga uri ng walang-humpay na pagsisikap na ibinubuhos ninyong lahat sa sarili ninyong mga pamumuhay. Kaya pa nga ninyong linlangin ang Aking katawang-tao sa mga pagkakataon na ni hindi ninyo lilinlangin ang sinumang miyembro ng inyong pamilya. Ito ang inyong palagiang pag-uugali at ang prinsipyong sinusunod ninyo sa pakikitungo sa mundo. Hindi ba’t lumilikha pa rin kayo ng huwad na anyo para linlangin Ako alang-alang sa inyong hantungan, upang ang inyong hantungan ay maging kahanga-hanga at ayon sa lahat ng inyong hinahangad? Alam Ko na pansamantala lang ang katapatan ninyo, gayundin ang sinseridad ninyo. Hindi ba’t totoo na ang inyong determinasyon at ang halagang ibinabayad ninyo ay umiiral lamang ngayon pero wala na sa hinaharap? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagsisikap para pagsikapang matiyak ang isang magandang hantungan. Ang tanging pakay ninyo ay makipagpalitan, hindi ang maiwasan ang pagkakautang sa katotohanan, lalong hindi upang suklian Ako sa halagang ibinayad Ko. Sa madaling salita, handa lamang kayong gumamit ng mga tusong pakana upang makamit ang inyong gusto, pero hindi ang hayagang makipaglaban para dito. Hindi ba’t ang mga ito ang mga kaloob-loobang kaisipan ninyo? Hindi kayo dapat magbalatkayo, lalong hindi ninyo dapat pigain ang utak ninyo tungkol sa inyong hantungan hanggang sa puntong wala na kayong ganang kumain o uminom sa araw, at hindi na makatulog nang payapa sa gabi. Hindi ba’t totoo na ang kalalabasan ninyo ay naitakda na sa huli? Bawat isa sa inyo ay dapat tumupad nang maayos sa inyong sariling tungkulin nang may bukas at matapat na puso, at maging handang magbayad ng anumang halagang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi tatratuhin nang di-patas ng Diyos ang sinuman na nagdusa o nagbayad ng halaga para sa Kanya. Ang ganitong uri ng paninindigan ay karapat-dapat na panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan lamang mapapanatag ang isipan Ko ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko mapapanatag ang Aking isipan, at kayo’y magpakailanmang magiging mga pinag-uukulan ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensiya at maibibigay ang lahat-lahat para sa Akin, na ibinubuhos ang buong pagsisikap para sa Aking gawain, at nag-uukol ng buong buhay na lakas sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t madalas na lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba? Nakapanghihinayang na ang tanging nagagawa ninyo ay kaawa-awang maliit na bahagi lamang ng Aking inaasahan. Yamang ganito ang kalagayan, ano’t may lakas kayo ng loob na humingi sa Akin ng mga bagay na inyong inaasam?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 335

Napakahalaga sa inyo ng inyong hantungan at kapalaran—ang mga ito ay may malaking epekto sa inyo. Naniniwala kayong kapag hindi ninyo ginawa ang mga bagay nang napakaingat, mangangahulugan ito na mawawalan kayo ng hantungan, na winasak ninyo ang sarili ninyong kapalaran. Subalit naisip na ba ninyo kailanman na ang mga taong nagsusumikap para lamang sa kanilang hantungan ay nagpapakapagod nang walang kabuluhan? Hindi tunay ang gayong mga pagsisikap—huwad at panlilinlang ang mga iyon. Kung gayon, ang mga taong gumugugol ng pagsisikap para lamang sa kanilang hantungan ay nasa bungad na ng kanilang pangwakas na pagkatalo, dahil ang kabiguan sa pananampalataya ng isang tao sa Diyos ay dulot ng panlilinlang. Nasabi Ko na noon na ayaw Ko na binobola Ako o kapag may sumisipsip sa Akin, o kapag pinapakitunguhan Ako nang may kasiglahan. Gusto Ko na ang matatapat na tao ay humarap sa Aking katotohanan at sa Aking mga inaasahan. Higit pa rito, gusto Ko kapag nagagawa ng mga tao na magpakita ng lubos na pagsasaalang-alang sa Aking puso, at kapag nagagawa pa nga nilang gugulin ang lahat para sa Aking kapakanan. Sa ganitong paraan lamang mabibigyang-ginhawa ang Aking puso. Sa ngayon, ilang bagay tungkol sa inyo ang hindi Ko nagugustuhan? Ilang bagay tungkol sa inyo ang nagugustuhan Ko? Maaari kayang walang sinuman sa inyo ang nakapagtanto ng lahat ng iba’t ibang uri ng kapangitang inyong ipinakita sa paggugol ng inyong sarili alang-alang sa inyong hantungan?

Sa Aking puso, hindi Ko ninanais makasakit ng anumang pusong positibo at naghahangad ng pag-unlad, at lalong ayaw Kong pawiin ang kasigasigan ng sinumang debotong gumagawa ng kanyang tungkulin. Gayumpaman, kailangan Kong paalalahanan ang bawat isa sa inyo tungkol sa inyong mga pagkukulang at sa maruruming kaluluwa na nasa pinakakaibuturan ng inyong mga puso. Ginagawa Ko lang ito sa pag-asang magagawa ninyong ihandog ang inyong sinserong puso sa pagharap sa Aking mga salita, dahil ang pinakakinasusuklaman Ko ay ang panlilinlang ng mga tao sa Akin. Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, maibibigay ninyo ang inyong pinakamahusay na pagganap, at na ilalaan ninyo ang inyong mga sarili nang buong puso, hindi na nagdadalawang-isip. Siyempre, umaasa rin Ako na lahat kayo ay magkakaroon ng isang magandang hantungan. Gayumpaman, mayroon pa rin Akong hinihingi, at ito ay ang magawa ninyo ang pinakamahusay na desisyon sa paghahandog sa Akin ng inyong tangi at huling katapatan. Kung may isang tao na walang ganoong tanging katapatan, tiyak na siya ay isang iniingatang pag-aari ni Satanas, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya, kundi pauuwiin Ko siya para maalagaan ng kanyang mga magulang. Malaking tulong sa inyo ang Aking gawain; ang inaasahan Kong makuha sa inyo ay pusong matapat at naghahangad paitaas, ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring laman ang Aking mga kamay. Pakaisipin ninyo ito: Kung pagdating ng araw ay labis pa rin ang Aking pighati, na walang sapat na mga salitang makapaglarawan dito, ano ang Aking magiging saloobin sa inyo kung gayon? Magiging magiliw pa rin kaya Ako sa inyo katulad ngayon? Magiging ganito pa rin kaya kapayapa ang Aking puso? Nauunawaan ba ninyo ang damdamin ng isang taong matapos magpakapagod sa pagsasaka sa bukid ay hindi man lamang umani ng kahit na isang butil? Nauunawaan ba ninyo kung gaano kalaki ang pinsala sa puso ng isang tao kapag nakaranas siya ng matinding dagok? Nadarama ba ninyo ang pait ng taong noon ay puno ng pag-asa, na kailangang lumayo nang may sama ng loob? Nakita na ba ninyo ang galit na nagmumula sa taong ginalit? Alam ba ninyo ang pananabik sa paghihiganti ng isang taong pinakitunguhan nang may poot at panlilinlang? Kung naiintindihan ninyo ang pag-iisip ng mga taong ito, sa tingin Ko ay hindi magiging mahirap para sa inyo na maisip ang saloobin ng Diyos sa panahon ng Kanyang pagganti! Bilang pangwakas, umaasa Akong lahat kayo ay lubos na magsisikap para sa inyong sariling hantungan, bagama’t makabubuting hindi kayo gumamit ng mapanlinlang na mga paraan sa inyong mga pagsusumikap, kung hindi ay patuloy Akong madidismaya sa inyo sa Aking puso. At saan humahantong ang gayong pagkadismaya? Hindi ba’t niloloko ninyo ang inyong mga sarili? Ang mga taong iniisip ang kanilang hantungan ngunit sinisira ito ay ang mga taong pinakamaliit ang kakayahang mailigtas. Kahit na mainis at magpuyos sa galit ang gayong tao, sino ang maaawa sa ganoong tao? Sa kabuuan, ninanais Ko pa rin na magkaroon kayo ng hantungang kapwa angkop at maganda, at, higit pa rito, umaasa Akong walang sinuman sa inyo ang masasadlak sa sakuna.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan

Sinundan: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan

Sumunod: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan II

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito