397 Ang Paniniwala sa Diyos ay ang Hangaring Makilala ang Diyos

Anumang maaaring hangarin mo,

lahat ay patungo sa mga ito:

Ito’y maperpekto ng Diyos,

danasin ang Kanyang salita.

Magbigay-lugod sa puso Niya,

tuklasin na kaibig-ibig Siya.

Ito’y mahanap ang landas

sa tunay na karanasan,

na ang layunin ay itapon

ang rebelde mong disposisyon.

Hangarin pagperpekto ng Diyos,

o magpatotoo sa Kanya,

sa gayo’y makilala Siya,

na ginagawa Niya sa’yo’y may kabuluhan,

sa huli, natututuhan mo ang realidad ng Diyos,

nalalaman mo ang kadakilaan Niya,

gayundin ang Kanyang

pagpapakumbaba’t pagiging tago,

at ang gawa na ginagawa Niya sa’yo.


Anumang maaaring hangarin mo,

lahat ay patungo sa mga ito:

Ito’y upang iyong matamo

kalagayang normal sa loob ng sarili mo.

Umayong lubos sa kalooban Niya,

upang maging taong tama,

upang magkaroon ng tamang motibo

sa lahat ng ‘yong ginagawa.

Ang dahilan sa lahat ng ‘to:

Pagkilala sa Diyos,

pagtatamo ng paglago ng buhay.

Hangarin pagperpekto ng Diyos,

o magpatotoo sa Kanya,

sa gayo’y makilala Siya,

na ginagawa Niya sa’yo’y may kabuluhan,

sa huli, natututuhan mo ang realidad ng Diyos,

nalalaman mo ang kadakilaan Niya,

gayundin ang Kanyang

pagpapakumbaba’t pagiging tago,

at ang gawa na ginagawa Niya sa’yo.


Kahit ang nararanasan mo’y salita ng Diyos,

nararanasan mo’y aktwal na kaganapan,

mga tao, usapin at bagay-bagay sa paligid mo,

sa huli magagawa mong kilalanin Siya.

Sa wakas, magagawa kang sakdal ng Diyos.

Hangarin pagperpekto ng Diyos,

o magpatotoo sa Kanya,

sa gayo’y makilala Siya,

na ginagawa Niya sa’yo’y may kabuluhan,

sa huli, natututuhan mo ang realidad ng Diyos,

nalalaman mo ang kadakilaan Niya,

gayundin ang Kanyang

pagpapakumbaba’t pagiging tago,

at ang gawa na ginagawa Niya sa’yo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Sinundan: 396 Umaasa ang Diyos para sa Tunay na Pananampalataya ng Tao

Sumunod: 398 Dapat Mong Hangaring Mahalin ang Diyos sa Iyong Paniniwala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito