Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

526 Kailangan Mong Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay

1 Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.

2 Halimbawa, kung ikaw ay may kiling tungo sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay nakayayamot sa Diyos—nguni’t kung hindi mo sasabihin ang mga ito, makararamdam ka ng panloob na pagkabalisa, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo. Kaya, sa lahat ng bagay na makatagpo mo ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, salamat sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa ang Diyos ay gumagawa sa iyong kalooban. Sa kasukdulan, sa iyong kalooban makakaya mong ilagay ang pangyayari sa isang tabi at ang galit ay sadyang nawawala. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ang pagbabayad ng mga tao ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila maaaring mapasaya ang Diyos,

3 Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na dako, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Sa panlabas, ang mga yaon ay hindi mukhang isang malaking bagay, nguni’t kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari ipinakikita ng mga yaon kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, ikaw ay makakapanindigan sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pag-ibig sa Kanya, ito ay nagpapakitang ikaw ay isang taong hindi nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa!

Hango sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sa Pag-alam Lamang sa Gawain ng Diyos Ka Makakasunod Hanggang Wakas

Sumunod:Ang Sakit ng mga Pagsubok ay Pagpapala ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin