54. Isang Espirituwal na Labanan

Ni Yang Zhi, USA

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Magmula nang maniwala ang mga tao sa Diyos, nagkimkim na sila ng maraming maling intensyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, nararamdaman mong lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming maling intensyon sa kalooban mo. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, sinasanhi Niya na matanto nila na maraming kuru-kuro sa kanilang kalooban na humahadlang sa kanilang pagkakilala sa Diyos. Kapag natatanto mong mali ang iyong mga intensyon, kung nagagawa mong itigil ang pagsasagawa ayon sa iyong mga kuru-kuro at intensyon, at nagagawa mong magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng nangyayari sa iyo, nagpapatunay ito na nalabanan mo na ang laman. Kapag nilalabanan mo ang laman, tiyak na magkakaroon ng isang labanan sa iyong kalooban. Susubukang himukin ni Satanas ang mga tao na sundin ito, susubukan sila nitong utusan na sundin ang mga kuru-kuro ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit liliwanagan at paliliwanagin ng mga salita ng Diyos ang kalooban ng mga tao, at sa oras na ito ay nasa iyo na kung susundin mo ang Diyos o susundin si Satanas. Pangunahing hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay na nasa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga kuru-kuro na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Pinupukaw ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari ay isang labanan: Tuwing isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at bagama’t maaaring mukhang maayos ang lahat sa kanilang laman, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan—at matapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang napakaraming pagmumuni-muni, saka mapagpapasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi alam ng isang tao kung tatawa o hihikbi. Dahil marami sa mga intensyon na nasa kalooban ng mga tao ang mali, o kaya’y dahil marami sa gawain ng Diyos ang taliwas sa kanilang mga kuru-kuro, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan, isang malaking labanan ang nagaganap sa likod ng mga eksena. Matapos maisagawa ang katotohanang ito, sa likod ng mga eksena, hindi na mabilang ang mga patak ng luhang ibinuhos ng mga tao dahil sa kalungkutan bago nila tuluyang napagpasyahan na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Dahil sa labanang ito kung kaya’t dumaranas ang mga tao ng paghihirap at pagdadalisay; ito ay totoong pagdurusa. Kapag nangyari sa iyo ang labanan, kung magagawa mong tunay na pumanig sa Diyos, magagawa mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis kong nadama na hindi naman simpleng bagay ang pagsasagawa ng katotohanan, at talagang kailangan ang espirituwal na pakikibaka. Ilang taon na nakararaan, nabunyag na masamang tao ang hipag ko. Nilayon ng iglesia na itiwalag siya, pero napigilan ako ng damdamin ko at hindi ko naisagawa ang katotohanan. Sa puso ko, nagtalo ako, at medyo naging miserable. Sa huli, sa tulong ng paghatol at mga paghahayag ng salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang panganib at mga kahihinatnan ng magpadala sa emosyon ko. Noon ko lang nagawang talikuran ang aking laman, kalimutan ang aking damdamin, ilantad at itakwil ang masamang tao, at sa huli ay magtamasa ng kapayapaan at seguridad na hatid ng pagsasagawa ng katotohanan.

Nagbalik ako noong 2017 para tumanggap ng mga tungkulin sa pamumuno sa aking lokal na iglesia. Sa isang miting, sinabi sa akin ng mga kapatid na habang gumaganap si Han Bing, ang aking hipag, bilang isang lider ng iglesia, habang nakikibahagi sa mga miting, sinikap niyang magpasikat sa pamamagitan ng pagbibitiw ng mabababaw na salita at doktrina. Kahit saan siya nagpunta, ikinuwento niya ang mga tungkuling kanyang nagampanan at kung gaano siya nahirapan, kaya siya sinamba at pinakinggan ng iba. Matapos siyang kausapin ng mga kapatid tungkol sa ilang isyung nangyari sa kanilang mga tungkulin, hindi siya nagbahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga problemang ito, kundi sinermunan niya ang iba nang may kasupladahan. Dahil sa mga sermon niya, naging negatibo ang ilan sa mga kapatid at nawalan sila ng interes sa kanilang mga tungkulin. Kalaunan, pinalitan na si Han Bing. Pagkatapos noon, tumanggi na siyang magmuni-muni at unawain ang kanyang sarili, at nagkagalit-galit at nagtalu-talo ang mga kapatid, na nakagambala sa buhay-iglesia. Ilang beses siyang nabahaginan ng mga lider ng iglesia, at pinakitunguhan din siya at pinuna, pero tumanggi siyang tanggapin ang anuman doon. Nanatili siyang suwail at walang kasiyahan, at patuloy na nagpalaganap ng pagkanegatibo, na naging dahilan ng matinding kaguluhan sa buhay-iglesia. … Nang marinig ko na ganito ang inaasal ni Han Bing, galit na galit ako. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat tiyak na aalisin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong tiwali at napakasamang disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang tiwali at napakasamang disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakaabala at nakakagambala sa gawain ng Diyos, nakakasama sa pagpasok ng mga kapatid sa buhay, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Nung naalala ko ang siping ito, malinaw kong naintindihan na kapag sinukat ng salita ng Diyos ang kalikasan ni Han Bing, sa masamang tao nga yon. Pinag-aralan ng mga lider ng iglesia at kapwa-manggagawa ang paglaban niya sa mga salita ng Diyos, at sinabi nila na kahit kaya niyang magsakripisyo at gugulin ang kanyang sarili, at kaya niyang magdusa at magsakripisyo habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin, mayabang siya at sarili ang kanyang pinahahalagahan, hindi niya tinanggap man lang ang katotohanan, wala siyang pakundangan at pangahas, ginambala niya ang buhay-iglesia, at ayaw niyang itama ang kanyang mga pagkakamali kahit matapos siyang pagsabihan. Kaya siya naging masamang tao. Ayon sa mga regulasyon ng mga plano ng gawain ng bahay ng Diyos, kailangang itiwalag ang gayong mga tao. Matapos marinig ang napakaraming kapatid na sabihin na dapat siyang itiwalag sa iglesia, litung-lito ako: Sa tingin ko sa mga kilos niya, nakikita ko na masamang tao siya talaga at dapat itiwalag, pero nakababata siyang kapatid ng asawa ko, at maganda ang pagtrato sa akin ng mga biyenan ko at mahal na mahal niya ang pamilya ko. Kapag nalaman nila na pumayag na akong itiwalag si Han Bing, hindi ba nila iisipin na wala akong awa, walang utang na loob, at walang pagpapahalaga sa pamilya? Paano ko haharapin ang mga biyenan ko matapos kong gawin iyon? Pero bilang isang lider ng iglesia, kung hindi ako kumilos ayon sa mga prinsipyo, alam na alam na may isang masamang tao sa iglesia pero hindi siya itinitiwalag, at kung patuloy kong tutulutan ang masamang taong ito na gambalain ang buhay-iglesia at saktan ang mga taong hinirang ng Diyos, hindi ba lalabas na kasabwat ako ng isang masamang tao at isang kaaway ng Diyos? Natakot akong isipin pa iyon. Sa oras na iyon, naipit ako sa pagitan ng isang bato at isang matigas na lugar. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakita ni Sister Zhou na mukhang problemado ako, at sinabi niya sa akin, “Brother Yang, paulit-ulit na nagambala ni Han Bing ang iglesia, at hindi siya nagpapakita ng kahit bahagyang pagsisisi. Batay sa prinsipyo, dapat siyang itiwalag sa iglesia. Pinoprotektahan nito ang gawain ng iglesia. Iyan ang pinakamahalaga! Kailangan nating isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at hindi kumilos ayon sa sarili nating emosyon at personal na damdamin.” Pagkatapos kong makinig sa kanya, lalo akong nalito.

Noon din, ipinayo ng ilan sa mga kapatid, “Napakaraming taon nang naniwala sa Diyos si Han Bing, pinabayaan na niya ang kanyang pamilya at propesyon para isagawa ang kanyang mga tungkulin, at nagdusa siya nang husto. Palagay namin dapat siyang bigyan ng isa pang pagkakataon para magsisi.” Pagkarinig ko no’n, malinaw kong nalaman na sinabi lang ng mga kapatid ito dahil nalinlang sila ng pagpapakita ni Han Bing na gumagawa siya ng maganda, at na dapat akong magbahagi sa kanila tungkol sa katotohanan para pag-aralan ang ugali ni Han Bing upang mahiwatigan nila ang kanyang likas na pagkatao at diwa. Kaya lang naisip ko, si Han Bing ang paboritong anak ng mga biyenan ko, naguguluhan pa sa kanyang paniniwala sa Diyos ang biyenan kong babae, at hindi makahiwatig, at napakaemosyonal ng asawa ko. Kung ipasiya kong itiwalag si Han Bing at ilantad at pag-aralan ang kanyang masamang ugali sa aking mga kapatid, hindi ba hayagan kong sinasaktan ang buong pamilya ng asawa ko? Kung sumambit ako ng ilang magagandang salita tungkol kay Han Bing sa harap ng mga kapatid, at pagkatapos ay nagbahagi sa kanya para hilingin na magsisi siya at huwag nang gumawa ng iba pang mga kaguluhan, may posibilidad na hindi na siya kailanganing itiwalag sa iglesia, at sa gayong paraan, hindi ko na kailangang saktan ang pamilya ng asawa ko. Nabawasan ang pagkabahalang nadarama ko dahil sa ideyang ito, kaya sinabi ko sa aking mga kapatid, “Totoong nakagawa ng masama at nagkasala si Han Bing, pero kalooban ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pinakamalawak na posibleng paraan, kaya dapat natin siyang bigyan ng isa pang pagkakataong magsisi. Kung muli siyang gumawa ng kasamaan, hindi pa huli ang lahat para itiwalag siya, at makukumbinsi natin siyang tanggapin iyon nang buong puso.” Nang marinig ni Sister Zhou na sabihin ko ang mabababaw na salitang iyon, parang may gusto siyang sabihin, pero sa huli ay nanatili siyang tahimik. Wala na ring ibang sinabi ang sinupamang iba, at nadama ko na nabawasan nang kaunti ang bigat sa puso ko. Naisip ko sa sarili ko na sa wakas ay hindi ko na kailangan pang alalahanin na masasaktan ko ang mga biyenan ko. Pero makalipas ang dalawang araw, bigla akong nagkaroon ng singaw sa bibig—tatlo pa. Pakiramdam ko parang nag-aapoy ang bibig ko; ang tindi ng init nito. Kung minsan napakasakit kaya hindi ako makapagsalita o makakain, at lumala nang husto ang sakit kaya nagigising ako sa gabi. Sa gitna ng paghihirap ko, nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, alam ko na ang napakasasakit na singaw sa bibig at dila ko ay hindi nagkataong basta na lang tumubo; ito ang Iyong pagpaparusa at pagdisiplina sa akin. Diyos ko! Gusto kong makapagsisi sa Iyo.”

Kalaunan, sa mga debosyonal ko, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay palaging nasa puso ng mga taong tunay na naniniwala sa Kanya, at palagi silang may pusong nagpipitagan sa Diyos, isang pusong nagmamahal sa Diyos. Dapat gawin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan. Hindi dapat magwala ang mga tao, na iwinawagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanggagantso kahit saan; ito ang pinakasuwail na uri ng pag-uugali. May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa tahanan ng Diyos? Hindi ba mas mahigpit pa ang mga pamantayan? Hindi ba mas marami pang atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpaparaya sa kasalanan ng mga tao; Siya ay isang Diyos na pumapatay ng mga tao. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Nanginig ako sa takot sa mga salita ng Diyos. Nakita ko na banal, matuwid, at hindi nagpapalagpas ng kasalanan ang Kanyang disposisyon. Sa bahay ng Diyos, si Cristo at ang katotohanan ang may kapangyarihan. Ang saloobin ng Diyos sa masasamang taong gumagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia ay pagkasuklam at pagkayamot. At para sa mga may pang-unawa pero patuloy sa pumapanig sa masasamang tao at ipinagtatanggol sila, matindi ang pagkayamot at galit ng Diyos. Si Han Bing, bilang isang taong ayaw isagawa ang katotohanan, na gumambala sa gawain ng iglesia, ay ang klase mismo ng masamang tao na inilantad ng gawain ng Diyos, at nararapat na itiwalag. Pero para protektahan ang relasyon ko sa pamilya ng asawa ko, lantaran kong kinalaban ang aking konsiyensya sa pagiging hindi tapat sa mga prinsipyo ng katotohanan. Pinagtakpan at ipinagtanggol ko ang masamang tao. Pumanig ako sa masamang tao, at kumilos para protektahan siya. Hindi ba ako ginagawa nitong katulong at kasabwat ng isang masamang tao? Pinarangalan ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng isang tungkulin sa pamumuno, pero wala akong pagpipitagan sa Kanya. Malinaw kong naunawaan ang katotohanan, pero hindi ko iyon isinagawa, sa halip ay naging abala ako sa isang sadyang panlilinlang para mapanatili ang isang masamang tao sa iglesia, kung saan nagambala niya ang buhay-iglesia at sinaktan ang aking mga kapatid. Alam at sadya akong nagkasala sa disposisyon ng Diyos! Maaaring malinlang ng mga kilos ko ang ibang mga tao, pero hindi maaaring malinlang ng mga ito ang Diyos. Nakikita ng Diyos ang nasa puso natin. Paano niya maaaring kunsintihin kailanman ang isang katulad ko, na gumawa ng di-makatwirang kapangahasan? Nakagawa na ako ng kasalanan, at alam ko na kung hindi ako nagsisi, aalisin ako ng Diyos. Kaya agad akong nagdasal sa Diyos para magsisi. Matapos talakayin ito sa ilan sa aking mga kapwa-manggagawa, inilista namin ang masasamang ginawa ni Han Bing at kumilos para matiwalag siya sa iglesia. Nang masumpungan kong magbalik-loob sa patnubay ng Diyos, himalang gumaling ang mga singaw ko sa bibig.

Pagkaraan ng dalawang araw, nagpunta ako sa bahay ng biyenan kong babae para gawin ang isang bagay, at naroon si Han Bing. Nang makita niya ako, tinitigan niya ako nang masama at pagkatapos ay pumihit at umalis. Galit na sinabi sa akin ng biyenan kong babae, “Naniwala na ang hipag mo sa Diyos nang napakaraming taon, at nagdusa nang malaki para ipalaganap ang ebanghelyo. Sino bang tao ang walang tiwaling disposisyon? Kapag itiniwalag siya ng iglesia, hindi ba siya mawawalan ng pagkakataong matamo ang pagliligtas ng Diyos? Maawa ka naman sa kanya!” Nagsalita rin ang asawa ko para ipagtanggol si Han Bing. Nang makita ko kung gaano sila kaemosyonal, at na hindi nila gaanong maunawaan si Han Bing, ibinahagi ko sa kanila ang mga kasamaang ginawa nito. Pero hindi man lang nakinig ang biyenan kong babae. Sa halip, pagalit niya akong sinigawan habang tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Nang makita ko ang kanyang galit, kinagalitan din ako ng asawa ko na nakatayo roon. Nang makita ko ang lahat ng ito, nanghina ako nang husto at naging miserable ni hindi ako makakain. Noong gabing yon, habang nakahiga ako sa kama, pabiling-biling ako, at hindi makatulog kahit anong pilit ko. Sa isang dako, kinailangan kong itiwalag ang masamang tao para protektahan ang gawain ng iglesia, pero sa kabilang dako, naroon ang mga paratang ng aking asawa at biyenang babae. Ano ang gagawin ko? Kung ititiwalag ko ang hipag ko, masasaktan ko ang buong pamilya ng biyenan kong babae, na maaaring makaapekto sa relasyon ko sa asawa ko at posibleng mauwi sa pagkakawatak-watak ng sarili kong pamilya. Pero ang pagtutulot na manatili ang masamang taong ito sa iglesia ay maaaring maging panganib sa buhay-iglesia at makapinsala sa buhay ng aking mga kapatid. Sa pag-iisip sa lahat ng ito, naging napakamiserable ko at lito. Ang tanging magagawa ko ay magdasal nang taimtim sa Diyos: “Diyos ko, hinang-hina ako. Tungkol sa pagtitiwalag kay Han Bing, ayaw kong saktan Ka, pero napipigilan ako ng aking mga emosyon at nahihirapan akong isagawa ang katotohanan. Isinasamo ko na bigyan Mo ako ng lakas at gabayan akong madaig ang mga puwersa ng kadiliman, para makapanindigan ako at makapagpatotoo sa Iyo.”

Pagkatapos kong magdasal, nagbasa ako ng iba pang mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Tumagos sa puso ko ang bawat naninising tanong ng mga salita ng Diyos. Nadama ko sa mga ito ang Kanyang agarang kalooban at mga kinakailangan. Umasa ang Diyos na makakaya kong itiwalag ang masamang tao nang hindi umaasa sa aking mga emosyon o personal na damdamin, at na buong-tapang akong papanig sa Diyos at magsasagawa ng katotohanan para mapalugod ang Kanyang kalooban. Naisip ko si Job sa oras ng kanyang mga pagsubok, at kung paano, habang sa tingin ay tinanggalan ng kanyang yaman, namatay ang kanyang mga anak, pinatay ang kanyang mga alipin, at inatake siya ng kanyang asawa at tatlong kaibigan, sa likod ng lahat ng kaganapang ito ay ang pusta ni Satanas sa Diyos. Mga tukso ni Satanas ang sumapit kay Job. Sa huli, nagawang pumanig ni Job sa Diyos dahil sa kanyang pananampalataya at pagpipitagan sa Diyos. Pinaranas niya nang lubos na kahihiyan at kabiguan si Satanas, at nagbigay siya ng matunog na patotoo para sa Diyos. Ang sa tingin ay mukhang pamimilit sa akin ng biyenan kong babae, sa katunayan, ay isang pakikibaka sa espirituwal na dako. Panlilinlang ito ni Satanas. Ito ang pagtatangka nitong pigilan ako mula sa pagsasagawa ng katotohanan sa pamamagitan ng pananamantala sa aking emosyal na mga karelasyon, para manatili ang masamang tao at patuloy na gambalain at wasakin ang gawain ng iglesia. Pero ginamit din ng Diyos ang bagay na ito para subukin ako, para makita kung magpapasakop ako kay Satanas dahil sa mga pagpigil ng aking asawa at biyenang babae, o kung sa halip ay paninindigan ko ang katuwiran, isasagawa ang katotohanan, at kikilos ayon sa mga prinsipyo. Kung pinili kong bigyang-kasiyahan ang aking laman at pumanig ako kay Satanas, hindi ba ibig sabihin niyan ay nahulog na ako sa mga panlilinlang ni Satanas? Kung ginawa ko iyon, mawawala ang aking patotoo sa presensya ng Diyos.

Nang maisip ko ang lahat ng iyon, nagsimula akong magmuni-muni sa aking sarili: Sa buong panahong ito, habang naharap sa pagpapasiyang ito, bakit ko nadama na naipit ako sa pagitan ng isang bato at isang matigas na lugar at natagpuan na napakamiserable nito? Malinaw kong naunawaan ang pangangailangang protektahan ang gawain ng iglesia, pero bakit ako patuloy na kumikilos ayon sa damdamin ko, at nahihirapan akong isagawa ang katotohanan at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo? Pagkatapos nito, binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, “Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpluwensiyahan ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang pyudal, at naturuan na siya sa ‘mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.’ Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Lalong nagiging mas mabangis ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang magkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang magkukusang sumunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang taong magkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, walang ginawa ang tao kundi maghangad ng kalayawan, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa lupain ng putik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na nabubuhay ako ayon sa aking mga emosyon, hindi ko maisagawa ang katotohanan at sinusuway at nilalabanan ko ang Diyos, lahat dahil nagawa akong tiwali ni Satanas. Ginamit ni Satanas, ang hari ng mga diyablo, ang pagtuturo ng doktrina ng lipunan at ang edukasyon na aking natanggap sa paaralan para itanim sa akin ang masasamang pilosopiya gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” para makita ko na ang damdamin ko para sa ibang mga tao ang pinakamahalagang bagay sa buhay, para maisip ko na ang pag-iingat sa mga relasyon at pagiging sensitibo sa damdamin ng mga tao ay natural sa mga tao, at ang papaniwalain ako na ang hindi paggawa nito ay kawalan ng awa at kawalan ng pananampalataya, at na isisisi ito sa akin ng iba. Itinuring kong positibong mga bagay ang masasamang pilosopiyang ito, at itinuring ang mga ito bilang mga prinsipyong ipamumuhay, at sa pamumuhay ayon sa masasamang pilosopiya at batas na ito, nawalan ako ng prinsipyo at nalito tungkol sa tama at mali, naging labis na makasarili, kasuklam-suklam, tuso, at mapanlinlang. Pagdating sa pagtitiwalag kay Han Bing, natakot ako na baka sabihin ng mga kamag-anak ko na walang akong utang na loob at walang awa, at na magkakawatak-watak ang pamilya ko dahil dito; dahil dito, binalewala ko ang gawain ng iglesia at ang buhay ng aking mga kapatid. Talagang naging makasarili ako at kasuklam-suklam. Sa ganitong pag-uugali, talagang wala akong utang na loob at walang awa. Kaya napakadilim at napakasama ng ating lipunan, at walang katarungan o hustisya ay dahil lahat ng tao ay nabubuhay ayon sa masasamang pilosopiya at batas na ito. Ang inaalala lang ng mga tao ay ang mga makamundong emosyonal na relasyon. Nagsasalita lang sila para sa mga yaong pinakamalapit sa kanila. Kahit may ginagawa ang mga taong ito na ilegal o isang krimen, nag-iisip sila ng mga paraan para protektahan at tulungan sila, at nalilito sa tama at mali sa pagsisikap na ipagtanggol sila. Noon ko lang nakita nang malinaw na ang masasamang pilosopiya at batas na ito ay mukhang makatwiran at moral at umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pero ang totoo ay walang katotohanang mga pagkakamali ang mga ito na ginagamit ni Satanas para linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Galit sila sa katotohanan at sa Diyos. Kapag nabubuhay tayo ayon sa mga bagay na ito, sinusuway at nilalabanan lang natin ang Diyos, sinasaktan ang iba, at isinasabuhay ang likas na katangian ng mga demonyo. Noong araw, namuhay ako ayon sa gayong masasamang pilosopiya at batas, pinrotektahan ko ang masamang tao, at nakibahagi sa kanyang mga maling ginagawa. Pero hindi ako sinisi ng Diyos sa nakaraan kong mga pagkakasala, at binigyan pa rin ako ng isang pagkakataong magsisi, na labis kong pinasasalamatan sa Diyos. Kaya, tahimik akong nagdasal sa Diyos at sumumpa: Diyos ko, ayaw ko nang kumilos ayon sa aking sariling mga emosyon. Ang gusto ko lang ay mahalin ang mahal Mo at kamuhian ang ayaw Mo ayon sa Iyong mga salita, panindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan, at agad itiwalag ang masasamang tao sa iglesia.

Kinabukasan, sa miting ng mga manggagawa, nabalitaan ko mula sa mga kapwa-manggagawa na hindi pa rin maunawaan ni Han Bing ang sarili niya o nagpapakita ng anumang pagsisisi, at nagpapagalit pa rin siya, nag-uudyok ng pagsalungat, at nagtatangkang magbuo ng mga grupo. Nang mabalitaan ko ito, lalo kong sinisi ang sarili ko. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil nagpadala ako sa mga emosyon ko at hindi ko siya kaagad itiniwalag, kaya nagambala niya ang buhay-iglesia. Kalaunan, sa sumunod na miting, nagsimula akong sadyang gumamit ng mga salita ng Diyos para pag-aralan at mahiwatigan ang bawat isa sa masasamang ugali ni Han Bing, at sa pamamagitan ng pagbabahagi, nakahiwatig din ang mga kapatid na nalinlang niya at nagsimulang itakwil siya. Nahiwatigan din ng asawa ko, matapos maunawaan ang katotohanan, ang likas na pagkatao at diwa ni Han Bing, at hindi na nakipagtalo pa na hindi naging makatarungan ang pagtrato sa kanya. Matapos matiwalag si Han Bing sa iglesia, hindi na iyon ginambala ng masamang tao, kaya nagawang dumalo ng mga kapatid sa mga miting at gampanang muli nang normal ang kanilang mga tungkulin. Pinuri naming lahat ang Diyos para sa Kanyang katuwiran! Dahil sa pangyayaring ito, nakita ko na sa bahay ng Diyos, ang Kanyang mga salita at ang katotohanan ang may kapangyarihan, na lahat ng bagay ay pinamamahalaan ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at na ang mga walang pananampalataya, masasamang tao, at anticristo ay hindi maaaring panatilihin ang kanilang sarili sa bahay ng Diyos. Personal ko ring naranasan na magdudulot lang ng pasakit ang pamumuhay ayon sa masasamang pilosopiya at batas. Wala tayong mapapala roon, o ang sinupamang iba. Sa pamamagitan lang ng pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos natin tunay na madarama ang kaligtasan at kapayapaan. Na ngayon ay hindi na ako nabubuhay ayon sa masasamang pilosopiya at batas, at na hindi na ako napipigilan ng aking mga emosyon, naisasagawa ko na ang ilang katotohanan, at kaya kong mabuhay nang may kaunting katuwiran—lahat ng ito dahil sa pagliligtas ng Diyos, at isang epektong nakamit ng paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 53. Pagkalag sa mga Taling Gumagapos

Sumunod: 55. Paglaya Mula sa Tanikala ng Pagkakagapos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito