292 Natunaw Na ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso

1 O Diyos! Narinig ko na ang Iyong tinig at nagpasya at desidido na akong magbalik sa harap Mo. Nailantad at nahatulan na ako ng Iyong mga salita, ipinapakita sa akin kung gaano kalalim ang aking pagiging tiwali. Naniwala ako sa Panginoon para lamang magantimpalaan; naghirap ako kapalit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Napakaraming beses na tinanggihan ko ang Iyong pagliligtas; gumawa pa ako ng mga paghatol tungkol sa Iyo at nilabanan Ka. Pinatawad Mo pa rin ako, kahit na labis Kitang nasaktan. Kinamumuhian ko talaga kung gaano katigas ang aking ulo, at kung gaano ako kawalang konsensya at katinuan.

2 O Diyos! Ang paghatol ng Iyong mga salita ay nagising ang aking puso. Maraming beses, nahaharap sa Iyong pag-ibig, napuno ang aking puso ng sakit at pagsisisi. Sa panahon ng pagkastigo sa akin, nasa tabi Kita; sa panahon ng pagpipino sa akin, nagdadalamhati Ka para sa akin. Tinutustusan ng Iyong mga salita kung ano ang kulang sa akin; kapag nalulungkot ako, inaaliw ako ng mga ito. Napakarumi at tiwali ko; labis kong nababatid na hindi ako karapat-dapat para sa Iyong pag-ibig. Dahil sa aking pagsuway at paglaban, lalo ko pang dapat tanggapin ang Iyong paghatol at paglilinis.

3 O Diyos! Ang Iyong pagkakatawang-tao ay nagbubunyag ng Iyong pag-ibig. Nagtiis Ka na ng sukdulang kahihiyan upang iligtas ang sangkatauhan. Dumanas Ka na ng sakit ng pagtanggi ng sangkatauhan, ngunit hindi Ka kailanman dumaing tungkol sa kapanglawan ng mundo. Nagsasalita at gumagawa Ka, tinitiis ang lahat ng uri ng pag-uusig, nang walang lugar upang ipahinga ang Iyong ulo. Hindi Mo kailanman natamasa ang kaligayahan ng pamilya; walang sinuman ang nag-aalok sa Iyo ni katiting na init. Mapagpakumbaba at tago, ipinahahayag Mo ang katotohanan para lamang madalisay at makamit ang mga tao.

4 O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay napakatotoo, natunaw na nito ang aking puso. Matiyaga Mong hinihintay ang pagsisisi ng tao, kaya paano ako mag-aalangan pa? Natamasa ko na ang Iyong labis na pag-ibig, at dapat na maging mas maalalahanin sa Iyong kalooban; Napagpasyahan ko na hanapin ang katotohanan, gampanan nang maayos ang aking tungkulin, at suklian ang Iyong pag-ibig. Handa akong magtiis ng mga pagsubok, pagpipino, at paghihirap, matatag na tumayo sa aking patotoo, at mapalugod Ka. Mamahalin Kita nang totoo at mamumuhay sa Iyong mga salita; susunod ako at magpapatotoo sa Iyo magpakailanman.

Sinundan: 291 Pinakadalisay ang Pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos

Sumunod: 293 Tanging ang Diyos ang Pinakamahusay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito