881 Nagpapakasakit ang Diyos para Iligtas ang Tao

Sa katawang-tao, Diyos ay gumawa

nang maraming taon,

marami na Siyang sinabi.

Nagsisimula Siya sa “pagsubok sa taga-serbisyo,”

at nagpopropesiya at nagsisimulang humatol,

gumagamit ng pagsubok ng kamatayan para magpadalisay.

At inaakay ang mga tao sa tamang daan

ng pananalig sa Diyos, nagsasalita,

ibinibigay sa mga tao ang lahat ng katotohanan,

nilalabanan ang lahat ng uri ng pagkaunawa.

Kalauna’y binibigyan Niya ng kaunting pag-asa ang tao,

para makita nila ang mangyayari,

na papasok ang Diyos at tao

sa mabuting destinasyon nang magkasama.

Bagama’t mga tao’y nilikha Niya,

at pinasama ni Satanas lahat sila,

bagama’t walang halaga’t napakasasamang tao nila

at ganito kalikasan nila,

di Niya sila tatratuhin ayon sa kanilang diwa

o lalapatan ng parusang nararapat sa kanila.

Mabagsik ang Kanyang mga salita, ngunit sa kanila,

Siya’y maawain at mapagparaya.


Bagama’t gawain Niya’y isinasagawa ayon sa plano,

ayon ‘yon sa mga pangangailangan ng tao.

Di iyon isinasagawa nang basta-basta.

Lahat ng ginagawa’y ayon sa karunungan Niya.

Dahil sa pagmamahal, sa Kanyang pagmamahal,

nang may karunungan at kasigasigan,

tinatrato Niya, lahat silang may katiwalian,

di man lang sila pinaglalaruan.

Pansinin ang Kanyang tono’t mga salita.

Kung minsan ay ika’y susubukan o mababalisa.

Mga salita Niya kung minsa’y papanatagin ka.

Iniintindi’t inaalala Niya sila.

Bagama’t mga tao’y nilikha Niya,

at pinasama ni Satanas lahat sila,

bagama’t walang halaga’t napakasasamang tao nila

at ganito kalikasan nila,

di Niya sila tatratuhin ayon sa kanilang diwa

o lalapatan ng parusang nararapat sa kanila.

Mabagsik ang Kanyang mga salita, ngunit sa kanila,

Siya’y maawain at mapagparaya.

Unti-unti, ito’y pagnilayan!

Kung di Siya naawa sa kanila,

nagparaya Siya’t biniyayaan sila,

magsasalita pa kaya Siya para iligtas sila?


Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Alam Mo Ba ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan?

Sinundan: 880 Mahal ng Sugatang Diyos ang Tao

Sumunod: 882 Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito