37 Natapos na ang Dakilang Gawain ng Diyos

Tayo na sumusunod kay Cristo ng mga huling araw ay sumasaksi sa buong sansinukob: Natapos na ang dakilang gawain ng Diyos!

1 Nagpakita na ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao, ipinahahayag ang mga katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan. Narinig na natin ang tinig ng lalaking ikakasal, at naitaas na tayo sa harapan ng Diyos. Nakadalo na tayo sa wakas sa piging ng kasal ng Cordero at nakapasok sa pagsasanay ng kaharian. Nagsimula na ang paghatol sa Sambahayan ng Diyos, at ganap na naibunyag ang Kanyang disposisyon. Nilulupig tayo ng katotohanan ng mga salita ng Diyos; nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos at sinasamba Siya. Ang ating mga puso at isip ay lubos nang nailantad ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, nalinis ang ating mga tiwaling disposisyon. Sa paghatol ng Diyos ay nakikita natin ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan. Ang mga tao ng Diyos ay nagpapasakop sa harap Niya at matapat sa Kanya hanggang kamatayan. Ang Diyos ay lubos nang natalo si Satanas, gumagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Tayo na sumusunod kay Cristo ng mga huling araw ay sumasaksi sa buong sansinukob: Natapos na ang dakilang gawain ng Diyos! Natamo na Niya ang buong kaluwalhatian!

2 Ang Makapangyarihang Diyos ay nailadlad na ang paghatol ng mga huling araw, inilulunsad ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng mga denominasyon ay nagdurusa ng matinding taggutom, at napipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Ang matatalinong dalaga ay naririnig ang tinig ng Diyos at itinataas sila sa harap ng Diyos bago ang sakuna. Lahat ng tumatanggi na tanggapin si Cristo ng mga huling araw ay lulubog sa sakuna. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at marunong sa Kanyang gawain. Inaayos Niya ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Lahat ng bansa at tao ay lumalapit sa liwanag at nagpapasakop sa harap ng trono ng Diyos. Ang mga hinaharap ng kaharian ay walang-hanggang maliwanag, at naroon ang isang maalab na tagpo upang makita ng lahat. Ang sakuna ay lilipulin ang masamang sangkatauhan, ibinubunyag ang pagiging matuwid at pagiging maharlika ng Diyos. Bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay natutupad. Kinukumpleto ng mga salita ng Diyos ang lahat ng bagay. Nagpakita na ang kaharian ni Cristo sa lupa. Namumuhay ang Diyos sa tabi ng Kanyang mga tao. Tayo na sumusunod kay Cristo ng mga huling araw ay sumasaksi sa buong sansinukob: Natapos na ang dakilang gawain ng Diyos! Natamo na Niya ang buong kaluwalhatian!

Sinundan: 36 Malalakas ang Tinig na Purihin ang Makapangyarihang Diyos

Sumunod: 38 Purihin ang Diyos sa Pagkaluwalhati

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito