1004 Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Kanyang mga Tagasunod

1 Ang tamang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa mga sumusunod sa Diyos ay ang mga sumusunod. Nangangailangan ang Diyos ng limang bagay sa mga sumusunod sa Kanya: tunay na pananampalataya, tapat na pagsunod, lubos na pagpapasakop, tunay na kaalaman, at taos-pusong pagpipitagan. Sa limang bagay na ito, kinakailangan ng Diyos na huwag nang magduda ang mga tao sa Kanya o sumunod sa Kanya gamit ang kanilang mga imahinasyon o malabo at mahirap unawaing mga pananaw; kailangan hindi nila dapat sundin ang Diyos batay sa anumang mga imahinasyon o kuru-kuro. Kinakailangan Niya na bawat isa sa mga sumusunod sa Kanya ay gawin iyon nang may katapatan, nang hindi nag-aalinlangan o umiiwas. Kapag may anumang mga kinakailangan ang Diyos sa iyo, sinusubok ka, hinahatulan ka, pinakikitunguhan at tinatabas ka, o dinidisiplina at sinasaktan ka, dapat kang lubos na magpasakop sa Kanya. Hindi mo dapat itanong ang dahilan o hindi ka dapat gumawa ng mga kundisyon, lalong hindi mo dapat banggitin ang mga dahilan. Kailangang maging lubos ang iyong pagsunod.

2 Pagdating sa kaalaman na hangad ng Diyos na taglayin ng mga tao, hindi lamang Niya hinihingi na makilala mo Siya at ang Kanyang mga salita, kundi na tama ang iyong kaalaman tungkol sa Kanya. Kahit isang pangungusap lamang ang masabi mo, o kakaunti lamang ang nababatid mo, ang kaunting kabatirang ito ay tama at totoo, at nakaayon sa diwa ng Diyos Mismo. Ito ay dahil kinasusuklaman ng Diyos ang anumang papuri o parangal sa Kanya na hindi makatotohanan o hindi pinag-isipan. Higit pa riyan, nagagalit Siya kapag tinatrato Siya ng mga tao na parang hangin. Nagagalit Siya kapag, sa oras ng pagtalakay sa mga paksa tungkol sa Diyos, nagsasalita ang mga tao nang walang paggalang sa mga katotohanan, nagsasalita kung kailan nila gusto at nang walang pag-aatubili, nagsasalita kung paano nila nakikitang akma; bukod pa riyan, nagagalit Siya sa mga naniniwala na kilala nila ang Diyos at ipinagyayabang ang kanilang kaalaman tungkol sa Kanya, tinatalakay ang mga paksang nauugnay sa Kanya nang walang pagtitimpi ni pangingimi.

3 Ang taos-pusong pagpipitagan ay ang huling kinakailangan ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Kapag taglay ng isang tao ang tama at tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, nagagawa nilang tunay na magpitagan sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang pagpipitagang ito ay nagmumula sa kaibuturan ng kanilang puso; ang pagpipitagang ito ay kusang ibinibigay, at hindi dahil sa pinilit sila ng Diyos. Hindi hinihingi ng Diyos na maghandog ka ng anumang mabuting saloobin, kilos, o panlabas na pag-uugali sa Kanya; sa halip, hinihingi Niya na magpitagan ka sa Kanya at magkaroon ng takot sa Kanya mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ang gayong pagpipitagan ay natatamo dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay, sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa Diyos at pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos, sa pag-unawa sa diwa ng Diyos, at sa pagkilala mo sa katotohanan na isa ka sa mga nilalang ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Sinundan: 1003 Matapos Makabalik ng Diyos sa Sion

Sumunod: 1005 Ang Huling Kailangan ng Diyos sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito