Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

967 Ang Layunin sa Likod ng Mga Kaayusan ng Diyos para sa Tao

Bilis

967 Ang Layunin sa Likod ng Mga Kaayusan ng Diyos para sa Tao

1 Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay isinasaayos at itinatakda ng Diyos. Para sa ano isinasaayos ng Diyos ang mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag ang iyong mga pagkukulang o para ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang panghuling layunin ay gawin kang ganap at iligtas ka. Paano ginagawa iyan ng Diyos? Una, ipinababatid Niya sa iyo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ang iyong kalikasan at diwa, ang iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala ka. Tanging sa pag-unawa ng mga bagay na ito sa puso mo mahahabol mo ang katotohanan at unti-unting naiwawaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang pagkakaloob sa iyo ng Diyos ng pagkakataon.

2 Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay isinasaayos at itinatakda ng Diyos. Dapat mong alamin kung paano sasamantalahin itong pagkakataon, at huwag makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, laging patakas, laging sinisisi at hindi inuunawa ang Diyos. Hindi iyan pagpapasailalim sa gawain ng Diyos, at lubha kang pahihirapan niyan na makapasok sa realidad ng katotohanan. Anuman ang bagay na hindi mo lubusang mauunawaan, kapag may mga paghihirap ka, dapat matuto kang magpasakop. Dapat lumapit ka sa Diyos at manalangin pa. Sa ganoong paraan, bago mo mamalayan magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan at mahahanap mo ang katotohanan para malutas ang iyong problema—makakaya mong maranasan ang gawain ng Diyos.

Hango sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan:Ang mga Taong Nakamit ng Diyos ay Magtatamasa ng mga Pagpapalang Walang-Hanggan

Sumunod:Kahit Ano ang Kanyang Ginagawa, Ang Kahuli-hulihang Layon ng Diyos ay Kaligtasan

Baka Gusto Mo Rin