Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

339 Kailangang Maging Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain

1 Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, nguni’t ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin.

2 Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay ipinatutupad ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta ng Espiritu. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, sa kabilang banda, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas.

3 Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, diligin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring maging pinagtitiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sumaklolo sa tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

Hango sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nagtamo ng Kaluwalhatian ang Diyos sa Lahat ng Nilikha

Sumunod:Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas

Baka Gusto Mo Rin