Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

916 Gumagawa ng Angkop na mga Plano ang Diyos para sa Bawat Klase ng Tao

1 ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha pa rin ng Diyos. Hindi alintana kung anong lahi kabilang ang mga tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; silang lahat ay mga inapo nina Adan at Eba. Hindi alintana kung sa aling uri kabilang ang mga tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; at dahil nabibilang sila sa sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, ang kanilang hantungan ay kung saan dapat ang sangkatauhan, at sila ay nahahati ayon sa mga panuntunan na bumuo sa sangkatauhan. Ang mga nilalang na gumawa ng masama ay wawasakin sa bandang huli, at ang mga nilalang na gumanap ng matuwid na gawa ay makakaligtas. Ito ang pinaka-angkop na kaayusan para sa dalawang uri ng nilalang na ito.

2 Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, sa gitna ng lahat ng Kanyang mga nilikha, magkakaroon ng mga wawasakin at ang mga makakaligtas. Ito ay isang pangyayari na di-maiiwasan sa Kanyang gawaing pamamahala. Hindi ito maikakaila ninuman. Ang mga gumagawa ng kasamaan ay hindi makakaligtas; yaong mga tumatalima at sumusunod sa Kanya hanggang katapusan ay tiyak na makakaligtas. At dahil sa ang gawaing ito ay sa pamamahala ng sangkatauhan, mayroong mga mananatili at yaong mga aalisin. Ang mga ito ay iba’t ibang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao, at ito ang mga pinaka-angkop na mga kaayusan para sa Kanyang mga nilikha.

3 Ang pangwakas na kaayusan ng Diyos para sa sangkatauhan ay upang hatiin sa pamamagitan ng pagwawatak-watak sa mga pamilya, pagwawatak-watak sa mga bansa at pagwawatak-watak sa mga pambansang hangganan. Ito’y isa na walang mga pamilya at pambansang hangganan, sapagkat ang tao ay, kung tutuusin, may isang ninuno at nilikha ng Diyos. Sa madaling sabi, ang mga nilalang na gumagawa ng masama ay wawasakin, at ang mga nilalang na sumusunod sa Diyos ay makakaligtas. Sa ganitong paraan, walang mga pamilya, walang mga bayan at lalong walang mga bansa sa kapahingahan ng hinaharap; ang ganitong uri ng sangkatauhan ay ang pinakabanal na uri ng sangkatauhan.

Hango sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang mga Taong Nakamit ng Diyos ay Magtatamasa ng mga Pagpapalang Walang-Hanggan

Sumunod:Ang Diyos ang Naghahari sa Lahat ng Bagay

Baka Gusto Mo Rin