261 Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan

Sa malawak na mundo na nagbago

nang ‘di mabilang na beses mula pa noon,

walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,

walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.

Walang dakila na gumagawa at naghahanda

para sa kapakanan ng sangkatauhan.

Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,

ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.

Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!

Tingnan Kanyang kalungkutan

‘pagkat nabibigo silang malaman

na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.

Tao’y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;

masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.

At walang tumitigil upang malinaw na makita kung

saan pupunta ang tao sa huli.


Sino ang pumipigil at nakadarama ng poot ng Diyos?

Sino ang naghahangad na sa Kanya’y mapalapit?

Na’san ang sumisilay sa kalungkutan ng Diyos

o sumusubok na unawain ang sakit na nadarama?

Kahit na narinig ang kanyang tinig,

sila’y patuloy na lumalayo

sa awa, katotohana’t pagmasid ng Diyos;

sarili’y binebenta nang maluwag sa loob kay Satanas.

Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!

Tingnan Kanyang kalungkutan

‘pagkat nabibigo silang malaman

na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.

Tao’y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;

Masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.

At walang tumitigil upang malinaw na makita kung

saan pupunta ang tao sa huli.


Paano gayon kikilos ang Diyos

tungo sa taong suwail na sa Kanya’y tumatakwil?

Alamin na ang mga pagtawag

at paghimok ng Diyos ay sinusundan

ng lupit na sakuna at mahirap pasanin.

Pinaparusaha’y hindi lang laman kundi’y kanyang kaluluwa.

Walang nakakaalam kung ano ang ipamamalas Niya;

‘pag plano Niya’y binasura at hindi pansin ang tinig Niya;

poot na hindi pa nadama o narinig ng tao kailanman.

Ito’y kakaibang kalamidad;

nagplano ang Diyos ng paglikha at pagligtas.

Ito ang unang beses at huli,

walang sinuman ang nakakaunawa sa Kanyang puso.

Hapis na pag-ibig ng Diyos

at maalab na hangaring iligtas ang sangkatauhan.

Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!

Tingnan ang Kanyang kalungkutan

‘pagkat nabibigo silang malaman

na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.

Tao’y nagrerebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;

masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.

At walang tumitigil upang malinaw na makita kung

saan pupunta ang tao sa huli, saan pupunta ang tao sa huli.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Sinundan: 260 Para sa Buhay ng Tao, Tinitiis ng Diyos ang Lahat ng Paghihirap

Sumunod: 262 Narinig Mo na Bang Maghinagpis ang Makapangyarihan sa Lahat?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito