289 Palaging Nakabantay ang Diyos sa Tao

1 Dalawang libong taon na ang nagdaan, at patuloy Kang nagbantay sa sangkatauhan. Sa hindi mabilang na mabubuti at masasamang sandali, hindi pa rin nagbago ang determinasyon Mong magdala ng kaligtasan sa sangkatauhan. Minsan Kang inusig at ipinako sa krus, walang pag-iimbot na itinatalaga ang Iyong Sarili, at binabayaran ang kabuuang halaga upang tubusin ang tao mula sa kasalanan. Nagbalik Ka sa gitna ng mga tao sa mga huling araw, nagpapakita sa katawang-tao. Nagdusa Ka kasama ng tao habang nasa hangin at ulan, tinitiis ang maraming gabing walang tulog. Ibinuhos Mo ang dugo, pawis at luha sa paggawa ng lahat ng Iyong makakaya alang-alang sa mga tao, nagpapahayag ng libo-libong mga salita. Ipinagkakaloob Mo ang mahahalagang katotohanan sa sangkatauhan, at sinakop ang mga puso ng masa.

2 Ang mga paghahayag at paghatol ng mga salita Mo ay nagdulot sa amin na mapagtanto ang aming tiwaling kalikasan. Ang disposisyon namin ay parehong mapagmataas at mapanlinlang, at ang aming pag-uugali ay ganap na nakabatay sa pilosopiya ni Satanas. Matagal na panahon na tayong walang wangis ng mga tao; tulad ng mga hayop, nahulog tayo sa kasalanan. Ang Iyong paghatol, mga pagsubok at mga pagpipino ang naglinis sa amin ng aming satanikong disposisyon. Mula sa Iyong paghatol at pagkastigo, natamasa namin ang Iyong pag-ibig at awa. Ang Iyong matuwid na disposisyon ang naging dahilan upang igalang Ka at hangaan ng mga tao. Ang paghatol at pagkastigo Mo ay pag-ibig, at nilinis at iniligtas kami ng mga ito. Dahil natikman namin ang labis na pag-ibig Mo, umapaw sa pagsamba sa Iyo ang aming mga puso. O Diyos! Araw at gabi, nag-aalala Ka para sa amin, at palaging naririyan Ka sa aming tabi, nagbabantay sa amin. Nagsasalita Ka at dinidiligan kami araw-araw, nakagabay kaming pinapatnubayan. Pinakamaganda at pinakadalisay ang pag-ibig Mo, at karapat-dapat Ka sa papuri ng tao. Ibibigay namin sa Iyo ang pag-ibig na nasa aming puso, at magpapatotoo kami para sa Iyo magpakailanman.

Sinundan: 288 Mahal Tayo ng Diyos Hanggang Ngayon

Sumunod: 291 Pinakadalisay ang Pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito