863 Matagal Nang Namuhay ang Diyos na Nagkatawang-tao sa Piling ng mga Tao

1 Nang nagkatawang-tao ang Diyos at namuhay kasama ng sangkatauhan sa mahabang panahon, matapos Niyang maranasan at masaksihan ang iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng mga tao, ang inisip Niya ay hindi kung paano magkaroon ng magandang buhay o kung paano Siya makapamumuhay nang mas malaya at mas maginhawa. Sa halip, mula sa Kanyang mga karanasan ng tunay na buhay ng tao, naranasan din Niya kung gaano kahina ang mga taong namumuhay sa gitna ng katiwalian, at nakita at naranasan Niya ang miserableng mga kalagayan ng mga taong namuhay sa kasalanan, na nangaligaw sa gitna ng pagpapahirap na kung saan sila’y ipinasailalim ni Satanas at ng kasamaan. At ang lahat ng nakita Niya ay nakapagpadama sa Kanya ng kahalagahan at pangangailangan sa gawain na isinabalikat Niya sa panahong ito na namuhay Siya sa katawang-tao.

2 Sa panahon ng prosesong ito, nagsimulang maunawaan ng Panginoong Jesus nang mas lalo pang malinaw ang gawain na kinailangan Niyang gawin at na siyang ipinagkatiwala sa Kanya. Mas lalo rin Siyang naging sabik na tapusin ang gawain na Kanyang isasabalikat—na akuin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, na magbayad-sala para sa sangkatauhan upang hindi na sila mamuhay sa kasalanan, at kasabay nito, mapapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog para sa kasalanan, nagpapahintulot sa Kanya na patuloy na isulong ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa puso ng Panginoong Jesus, nakahanda Siya na ialay ang Kanyang sarili para sa sangkatauhan, na isakripisyo ang Kanyang sarili. Nakahanda rin Siya na magsilbi bilang handog para sa kasalanan, na mapako sa krus. Nang nakita Niya ang miserableng mga kalagayan ng buhay ng tao, mas lalo pa Niyang ninais na matupad ang Kanyang misyon sa lalong madaling panahon, nang walang pagkaantala kahit isang minuto o maging isang segundo.

3 Habang nadarama ang gayong pangangailangan, hindi na Niya inisip kung gaano magiging matindi ang Kanyang sariling kirot, ni nagkimkim man ng anumang karagdagang pangamba tungkol sa kung gaano kalaking kahihiyan ang kakailanganin Niyang tiisin. Pinanghawakan Niya lang ang isang pananalig sa Kanyang puso: Hangga’t ialay Niya ang Kanyang sarili, hangga’t ipako Siya sa krus bilang isang handog para sa kasalanan, ang kalooban ng Diyos ay maisasakatuparan at magagawa ng Diyos na makapagpasimula ng panibagong gawain. Ang buhay ng sangkatauhan at ang kanilang kalagayan ng pag-iral sa kasalanan ay ganap na mababago. Ang Kanyang pananalig at kung ano ang pinagpasiyahan Niyang gawin ay may kaugnayan sa pagliligtas sa tao, at mayroon lang Siyang isang layunin, na gawin ang kalooban ng Diyos nang sa gayon ay matagumpay na maumpisahan ng Diyos ang susunod na yugto ng Kanyang gawain. Ito ang kung ano ang nasa isip ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 861 Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Sumunod: 864 Ano ang Matinding Pasakit na Pinagdurusahan ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito