36 Nakagawa ng Bagong Gawain ang Diyos sa Buong Sansinukob

Kalawaka’y pupunuin ng Diyos ng Kanyang gawain,

upang sa kapangyarihan Niya,

lahat sa lupa’y mapailalim.

Matutupad plano Niyang mundo’y pag-isahin,

at tao’y ‘di na gagala sa mundo,

sa tamang lugar agad tutungo.

Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa;

lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita.

Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila,

malawak kaysa noon.

Ganito ang panahon ngayon.


Iniisip ng Diyos ang tao, nang sila’y

makapanirahan sa lupaing payapa’t masaya,

di na sila malulungkot pa,

plano Niya’y matutupad sa lupa.

Doo’y umiiral sila, at sa mundo

bansa Niya ay itatatag Niya,

doon, l’walhati Niya’y ipinapakita.

Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa;

lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita.

Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila,

malawak kaysa noon.

Ganito ang panahon ngayon.


Mga lungsod sa langit itatama,

lahat ay gagawin Niyang bago,

pag-iisahin lahat ng nasa ‘taas at sa ‘baba,

lahat ng nasa langit at lupa.

Kanya ito (ito’y plano Niyang tuparin

sa huling kapanahunan).

Wag hayaang makialam ang sinuman!


Hihikayatin ng Diyos ang tao na pasakop sa Kanya.

Hahatula’t pagbubukurin Niya

sila sa kani-kanilang pamilya.

Sa gayo’y ‘di na Siya susuwayin,

at sa Kanyang pagsasaayos sila’y susunod,

walang kikilos ayon sa gusto niya.

Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa;

lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita.

Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila,

malawak kaysa noon.

Ganito ang panahon ngayon.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 43

Sinundan: 35 Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob

Sumunod: 37 Ang Pagkilos ng Gawain ng Diyos sa Sansinukob

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito