Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

830 Sinisikap na ng Diyos Noon pa man na Gabayan ang Tao

1 Simula noong nagkaroon ng pamamahala ng Diyos, lagi na Siyang nakatalagang lubos sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Sa kabila ng pagtatakip ng Kanyang persona mula sa kanila, palagi lang Siyang nasa tabi ng tao, gumagawa sa kanila, nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, ginagabayan ang lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang diwa, at ginagawa ang Kanyang gawain sa bawat isang tao gamit ang Kanyang kalakasan, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang awtoridad, at sa ganoon ay nilikha Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at sa ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Bagama’t itinatago ng Diyos ang Kanyang persona mula sa tao, ang Kanyang disposisyon, kung ano Siya at kung anong mayroon Siya, at ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan, ay walang pangingiming ipinahahayag sa tao upang makita at maranasan ng tao. kahit hindi makita o mahipo ng mga tao ang Diyos, ang disposisyon at diwa ng Diyos na napapakitunguhan ng sangkatauhan ay totoong mga pagpapahayag ng Mismong Diyos.

2 Sa anumang paraan o mula sa anumang anggulo na gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, lagi Niyang trinatrato ang mga tao na ayon sa Kanyang totoong pagkakakilanlan, ginagawa ang dapat Niyang gawin at sinasabi ang dapat Niyang sabihin. Mula sa anumang katayuan mangusap ang Diyos—maaaring nakatayo Siya sa ikatlong kalangitan, o nakatayo sa katawang-tao, o kahit bilang isang karaniwang tao—lagi Siyang nangungusap sa tao nang buong puso at sa Kanyang buong kaisipan, nang walang pandaraya o pagkukubli. Kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang disposisyon, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nang walang anumang pangingimi. Ginagabayan Niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang buhay, at kung ano Siya at kung anong mayroon Siya.

Hango sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kalayaan ay Natatamo sa pamamagitan ng Pag-alam sa Patakaran ng Diyos

Sumunod:Ang Tingin ng Diyos sa Sangkatauhan

Baka Gusto Mo Rin