876 Lubhang Makahulugan ang Pagdanas ng Diyos sa Pasakit ng Tao

1 Ang dalawang yugtong ito ng gawain na tinapos ng Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan ay perpekto. Nangangahulugan ito na ang gawaing nagawa sa dalawang yugtong ito, mula sa unang pagkakatawang-tao hanggang sa kasalukuyang pagkakatawang-tao, ay nalutas na ang lahat ng pagdurusa na tinitiis ng mga tao sa buong buhay nila pati na rin ang kanya-kanyang pagdurusa ng mga tao. Ano ang pinagmulan ng habambuhay na paghihirap mula sa kapanganakan, kamatayan, karamdaman, at pagtanda na tinitiis ng mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, Umiral ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang pananakit ng pantaong laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay dumating lamang matapos nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Upang maibalik sila mula sa kamay ni Satanas at mabigyan sila ng isang kamangha-manghang hantungan, kinailangan ng Diyos na danasin Mismo ang paghihirap na ito.

2 Noong naging tao ang Panginoong Jesus at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya, nagdala Siya ng awa at pagmamahal sa sangkatauhan. Pagkatapos ay ipinako Siya sa krus, sa gayon ay pinatatawad ang lahat ng kasalanan ng mga tao at inililigtas ang buong sangkatauhan. Bagaman pinatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, labis na silang ginawang tiwali ni Satanas at nagtataglay sila ng isang makasalanang kalikasan; maaari pa rin silang magkasala at lumaban sa Diyos. May mga bagay sa isipan o kaluluwa ng mga tao na nakokontrol at namamanipula pa rin ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit nagkakasakit ka at naliligalig, at posible para sa iyong magpakamatay, at minsan nararamdaman mo rin na mapanglaw ang mundo o na walang kahulugan ang buhay. Ang mga pagdurusang ito ng tao ay nasa ilalim pa rin ng pamamalakad ni Satanas; binubuo ng mga ito ang nakamamatay na kahinaan ng tao.

3 Nagagamit pa rin ni Satanas ang mga bagay na nagawa na nitong tiwali at nayurakan na; ang mga ito ay mga sandata na magagamit ni Satanas laban sa sangkatauhan. Samakatuwid, nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw upang gampanan ang gawain ng paghatol at kailangan Niyang magdusa sa ngalan ng sangkatauhan habang ginagampanan ang gawain ng paglupig. Sa pamamagitan ng pagbabayad sa halaga ng pagdurusa, lulutasin ng nagkatawang-taong Diyos ang nakakamatay na kahinaan ng sangkatauhan. Pagkatapos Niyang ibalik ang mga tao sa pamamagitan ng pagdanas ng pagdurusa ng tao, hindi na magkakaroon si Satanas ng anumang magagamit nito laban sa kanila, at ganap na babaling ang sangkatauhan sa Diyos. Noon lang maituturing na ganap nang pag-aari ng Diyos ang mga tao. Samakatuwid, dinaranas ng nagkatawang-taong Diyos ang pasakit ng daigdig at ang pagtitiis ng pasakit na ito sa ngalan ng sangkatauhan ay isang di-mapapalitang bagay; ito ay ganap na kinakailangan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo

Sinundan: 875 Ang Kabuluhan ng Pagiging Tao ng Diyos ay Upang Magdusa sa Halip na ang Tao

Sumunod: 877 Ang Diyos ay Nagtitiis ng Matinding Kahihiyan para Iligtas ang Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito