16 Makapangyarihang Diyos, ang Hari ng Kaluwalhatian

1 Hari ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Taglay ang pagiging maharlika at poot, nagpapakita Siya sa Silangan ng mundo, nagpapahayag ng katotohanan at humuhusga sa lahat ng bansa at tao. Nagsimula na ang paghuhukom ng dakilang puting trono. Ang Makapangyarihang Diyos ay matagumpay; Namamahala Siya bilang Hari, pinamumunuan ang lahat ng bansa taglay ang Kanyang tungkod na bakal.

2 Hari ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Siya ang nag-iisang totoong Diyos, ang pagpapamalas ng Tagapagligtas. Siya ang Cordero, binubuksan ang kasulatan at binabasag ang pitong selyo, at ang lahat ng katotohanan at misteryo ay nahayag. Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, Ipinahayag Niya ang katotohanan upang linisin at iligtas ang buong sangkatauhan.

3 Hari ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Gumagamit siya ng mga salita upang gabayan ang sangkatauhan sa Panahon ng Kaharian. Ang mga salitang winiwika Niya ay tulad ng kidlat, kumikislap mula sa Silangan at nagniningning sa Kanluran. Ang Makapangyarihang Diyos ang totoong liwanag; lahat ng bansa ay nagmamartsa sa Kanyang ilaw.

4 Hari ng kaluwalhatian ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay matagumpay laban kay Satanas, at mamamahala bilang Hari magpakailanman. Ginagampanan namin ang aming mga katungkulan bilang mga bagay ng paglikha, at sinasamba ang Makapangyarihan sa lahat noon, ngayon, at magpakailanman. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang totoong Diyos. Lahat ng papuri, karangalan, kaluwalhatian, at awtoridad ay suma-Kanya!

Sinundan: 15 Ang Matuwid, Makapangyarihan, at Praktikal na Diyos

Sumunod: 17 Ang Diyos ay Nasa Trono

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito